Followers

Tuesday, April 14, 2015

String from the Heart [19]




Author’s Note

Hello! Hindi na masama ang limang komento para sa last chapter ng String. At sa mga taong nagbigay ng comment! MARAMING THANK YOU! Sana huwag kayong magsawa na magkomento. Alam ko na redundant na yata ito pero.. Basta. Hehe

Chapter 19 is all about Jake and Hyde moment. Kaya naman alam ko na may maiinis na naman sa akin dahil dito. Muli, maiksi rin ito. Bagay na hindi na yata nababago mula nang magsimula akong magsulat at maging author-authorAN sa blog na ito.

Sa mga sumusunod na tao. Salamat!

Papa JC Sy
Gilrex Laurente
Shai
44
Angel

Sa mga tao sa group. Hi! Hello! Hehe..
Kuya Alex, Mama Lalie, Tito Alfred, Faustino at sa iba pa na hindi ko alam kung binabasa pa ba ang kwentong ito na..

Sa mga co-Author’s ko. Kay Seyren na lagi kong kapalitan ng mensahe sa mga comment box tuwing nag-o-open ako. Kay Kuya Carlos, Kuya Rye, Axel at Prince Justin. (lol)

Salamat din kay Sir Mike at Kuya Ponse para sa privilege na ito!

Heto na naman ako sa maiksi na chapter. Kung worth it man. Kayo na ang humusga! Enjoy reading folks! Sana…


CHAPTER NINETEEN

SIGURO PARA sa iba ang gagawin ni Jake ay katangahan. Tatlong araw na buhat nang mangyari ang komprontasyon sa pagitan nila ni Vix pero nanatili pa ring sariwa ang mga bagay na sinabi nito. Siguro nga ay katangahan ang gagawin niya. Pero para sa kanya ay okay lang. Pagkatapos siyang kausapin ni Vix, aaminin niya na nagalit siya. Nasaktan sa nalaman. Pero, naisip niya na okay lang din. Kahit na hindi siya ang piliin ni Hyde, at least, naiparating niya rito ang nararamdaman niya at malaya siyang makasama ito kahit na nasasaktan siya. Bukod pa roon, kung kokomprontahin niya si Hyde, alam niya na siya rin ang masasaktan. Kaya mas okay na ang manahimik. Okay na ang makasama ito kahit na nasasaktan siya sa katotohanan na sinabi ni Vix sa kanya.
            Gustuhin man niya na isipin na may galit si Vix kay Hyde ay natatabunan iyon ng katotohanan. Totoo naman kasi talaga ang mga sinabi nito. Hyde and Devin already have that special connection between them. Matagal na niya iyong napansin. Nabulagan lang siya dahil sa sobrang pagmamahal niya rito.
            Masakit pero kailangan niyang tanggapin.
            At ngayon na nandito sila sa loob ng library. Nakikita niyang masaya si Hyde na kasama siya, hindi man mismo nanggaling iyon sa bibig nito, nakikita naman niya iyon sa mukha nito. At least, sa kaalamang iyon, masaya siya.
            "Ang tahimik mo yata ngayon, Jake." Puna nito. Sabay tingin sa kanya.
            Hindi si Jake nagtangka na umiwas. Sinalubong niya ang tingin nito. Sa huli, si Hyde rin ang unang umiwas ng tingin.
            "May naiisip lang ako."
            "Tungkol ba ito sa gagawin nating reporting? Nagkasundo na tayo sa gagawin natin ah."
            Napailing siya. "Hindi iyon. Fix na `yon para sa akin, Hyde. Mas okay nga iyon."
            Ang tintutukoy niya ay ang palno nilang hatiin ang reporting na gagawin. Si Hyde sa unang bahagi at siya naman sa pangalawang bahagi. Ang gagawin niyang pagre-report ay una at magiging huli.
            "Eh, ano ang iniisip mo?"
            "Some things."
            "Some things concerning about what?"
            Umiling siya. "Don't mind me, Hyde. `Yan na lang ang pansinin mo."
            "Ang sungit mo yata ngayon." Anito.
            "Sorry."
            "Okay lang. Sanay naman ako na sinusungitan mo."
            Napangiti siya. "Masaya ka ba na kasama mo ako, Hyde?"
            "Oo naman. Pero dati, hindi."
            "Hindi ko na itatanong kung hindi dati. Alam ko na kasi. Hyde, in case na sagutin mo si Devin. Can we be friends? `Yong tipo na parang walang nangyari na panliligaw sa pagitan natin."
            Natigilan ito. "Ano ba sinasabi mo?"
            "Hindi ako manhid, Hyde. Alam ko naman na.."
            "So kapag sinagot ko si Devin, mananatili ka sa tabi ko?" Matapang na lahad nito.
            Parang may pumana sa puso niya sa sinabi nito. Isang tama na sobrang baon at kapag tinanggal nang mabilisan ay saka sisidhi ang sakit. Expected na niya ang ganito pero hindi niya pa rin maiwasan ang masaktan.
            You' re stupid, Jake! Akala ko ba hahayaan mo na lang ang mga bagay-bagay? Pero bakit ganito ngayon? Bakit napunta ka sa ganitong topic? Stupid!
            Kahit inner self niya kinontra ang ginawa niya pero pareho lang naman kasi. Ang main point. Masasaktan at masasaktan siya.
            "Bakit? Sasagutin mo na ba siya Hyde?" Tanong niya.
            "Gusto mo na bang sagutin ko siya?" Balik-tanong nito.
            "Bakit mo binabalikan mo ng tanong ang tanong ko?"
            "I can't tell you things, Jake."
            "Alam ko. Masaya ka na kasama ako pero mas masaya ka kapag kasama mo siya." He tried saying it cooly but still bitterness can be heard with it. Takte! Ampait mo!
            Hindi nagsalita si Hyde. Nagpatuloy siya.
            "Ginawa mo ang ganoon na desisyon dahil ayaw mo na may nag-aaway dahil sa `yo. Hindi ba Hyde? Noong una pa, mahalaga na talaga si Devin sa `yo. Okay na sa akin ang alamin na pinayagan mo akong ligawan ka kahit na siya ang pipiliin mo, Hyde. Basta, kahit na sagutin mo siya kaibigan pa rin ang turing mo sa akin. Alam ko na masakit pero okay lang. Siguro, kung hindi kita pwedeng maging boyfriend. Magki-click tayo bilang magkaibigan."
            "Jake.."
            Napaigtad siya ng lumapit sa kanya si Hyde saka pinunasan ang kung ano sa mukha niya. Saka lang niya na-realize na naluha na pala siya. Ang pathetic mo lang talaga!
            "Jake.."
            "Okay na ako Hyde. Masakit siya pero alam ko na kakayanin ko."
            "Pero.."
            Umiling-iling siya. "Magkaibigan pa rin naman tayo. Mas okay na iyon. Kampante na ako kasi alam ko na magtatagal tayo kapag ganoon. Wala ring ending."
            Nanatiling nakatitig lang ito sa kanya saka kumilos. Niyakap siya nang mahigpit. Ginantihan naman niya iyon. Napapikit siya. Tama naman ang ginagawa niya, hindi ba? Masaya na siya na masaya ito. Hindi siya ipokrito para sabihin na hindi masakit dahil damang-dama niya iyon pero para kay Hyde. Mas okay na ito. Iisipin na lang niya na masaya ito sa taong mahal nito. Na mabuting tao si Devin at iingatan ang taong mahal niya.


HINDI NAGSALITA si Hyde. Ang bigyan ng isang mahigpit na yakap ang tanging nagawa niya para kay Jake. In the first place, ganoon naman talaga ang mangyayari. Mahalaga sa kanya si Jake pero mahal niya si Devin. Marami ang mag-iisip na napaka-imposible niya sa ginawang desisyon pero iyon lang ang alam niyang bagay para matigil ang away sa pagitan ni Jake at Devin.
            Pagkatapos niyang yakapin ito at gantihan iyon. Lumayo siya. Tinitigan ang gwapong mukha nito na alam niyang itinatago ang sakit na nararamdaman. Sa ginawa ni Jake na pagpaparaya, hinangaan na niya ito.
            Ang bait lang nito. Katangian na matagal na niyang nakita ngunit pilit niyang idini-deny. Kahit siya, alam niya na si Devin pero naguguluhan siya. Pero alam niya na ito ang tamang gawin. Simula sa umpisa, si Devin na talaga ang laman ng puso niya.
            "Salamat Jake."
            "Basta para sa `yo, Hyde. Magiging masaya naman ako, alam ko `yon. Kung hindi sa `yo baka sa isang tao na darating sa buhay ko. Basta magkaibigan na tayo, ah."
            Tumango siya saka niyakap ito ulit. Kaginhawaan. Iyon ang nararamdaman niya. Hindi sa kabuuan na ibig sabihin ng salita pero naaayon doon.
            "Salamat talaga Jake."
            Bumuntung-hininga ito. "So kailan mo siya sasagutin, Hyde?"
            "Hindi ko alam. Pwede bang huwag na muna natin iyon pag-usapan, Jake. Mas importante kasi ang mga bagay na gagawin natin sa ngayon."
            Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka siya tiningnan. May ngiti sa labi nito. Pero alam niya na..
            "Okay. Iyon na lang ang pag-usapan natin."
            Iyon nga ang ginawa nila. Pinag-usapan nila ang mga gagawin pa sa nalalapit na pag-re-report.
            Nang matapos sila, saka pa lang naalala ni Hyde na papupuntahin niya pala si Jake sa bahay nila para sa birthday celebration ng kapatid niyang si Vhian. Palabas na sila ng library.
            "Jake."
            Napatingin ito sa kanya saka pinagbuksan siya ng pintuan. Lumabas naman siya. Sumunod ito.
            "Ano `yon?"
            "Close ka kay Vhian, hindi ba?"
            "Yeah. Bakit? Ano ang tungkol sa kanya?"
            "Invited ka sa munting salu-salo sa birthday niya."
            "Okay. I'm in. Kailan ba iyon?"
            "Next week."
            "Okay. Sige. Call ako dyan. Magkaibigan naman na tayo. Hindi mo na ako manliligaw kundi kaibigan."
            "Okay. Tiyak na matutuwa nito si Vhian. Bukod pa roon, Jake. Gusto rin kita ipakilala sa kakambal ko pati sa Kuya Vin ko. Gusto ka kasing makilala ng dalawa."
            "Ikinukwento mo ba ako sa kanila?"
            "Alam na nila na may nanliligaw sa akin. Ikaw at si Devin. Kanina ko pa sana sasabihin iyon sa `yo pero busy tayo. Saka naunahan mo rin ako sa mga sinabi mo kanina. At least komportable na ako ngayon na mula na pagiging manliligaw, kaibigan na kita."
            Ngumiti ito. Ngiti na hindi umabot sa mata. Ngiti na hindi katulad ng nakasanayan niya.
            "Tandaan mo na masakit pa rin."
            "Alam ko." Napapalatak ito. "Nagmumukha akong insensitive nito. Sige, Jake. Mauna na ako sa `yo. Baka kasi.."
            "Hindi mo kailangan na lumayo sa akin para ma-lessen ang sakit dito." Sabay turo nito sa kaliwang dibdib. Sa tapat ng puso. "Dito ka lang sa tabi ko. Kailangan kong sanayin ang sarili ko na basted na ako. Na friendzone na lang ako."
            "Masokista ka ba?"
            "Siguro. Pero okay na ito. Kailangan kong sanayin ang sarili ko."
            Tumango na lang siya. "Ikaw ang bahala, Jake. Ikaw ang bahala."
            "Ako talaga."

MATALIM NA tingin ang ibinigay ni Vix sa dalawang tao na nasa unahan niya, na sadyang sinundan niya dahil nabubwisit siya sa mga pangyayari na taliwas na naman sa kagustuhan niya! Nakaka-irita lang naman talaga na imbes na lumayo si Jake kay Hyde ay mas pinili pa nito ang manatili sa tabi nito at gawin na kaibigan mula sa pagiging manliligaw ni Hyde.
            Ano ba talaga ito? Bakit ba palagi na lamang taliwas sa gusto niyang mangyari ang nangyayari? Tsk. Akala pa naman niya ay kapag sinabi niya kay Jake ang ganoon na bagay kahit wala siyang konkretong kaalaman doon ay lalayo na ito. Hindi pala. Masokista pala ang potek!
            "Nakakabwisit lang!" Bulong niya. "Ano ba talaga ang mayroon sa Ilagan na `yan at mas pinili ni Jake na manatili sa tabi niya?"
            "Excuse me."
            Natigil sa pagsasalita ng mag-isa si Vix ng may magsalita sa likuran niya. Masamang tingin ang ibinigay niya rito. Nakita niya si Marty. Katulad ng dati, hindi ito makatingin sa kanya. Hindi naman talaga nakapagtataka.
            Umalis naman siya sa daraanan. Dumaan ito sa tapat niya nang hindi man lang siya tinitingnan. Bagay na pabor naman sa kanya. Sana nga lang at hindi nito narinig ang mga sinabi niya.


"ALAM MO, Hyde. Pakiramdam ko may galit sa `yo."
            Napatingin si Hyde kay Marty. Kasalukuyan silang naglalakad palabas ng school nila. Oras na ng uwian. Magkasama silang dalawa dahil napag-desisyunan nila kanina bago umuwi na tutungo sila sa mall para bumili ng gagamitin nito sa presentation nito.
            "Sino naman ang may galit sa akin?" Curious niyang tanong.
            "Kilala mo ba si Vix?"
            Kumunot ang noo niya. "Vix. Sino iyon? Wala akong kilala na ganoon ang pangalan."
            "`Yong weird na lalaking may hitsura sana. Nakausap ko `yon dati eh, matagal na. Tapos kahapon nakasalubong ko siya. Hindi ko siya matingnan kasi natatakot ako. Parang anumang oras, manlalapa siya. Kaya ko nasabi na may galit siya sa `yo, kasi, bigla kong naalala kahapon na n'ung kausapin niya ako dati. Sinabi niyang mag-iingat ka raw."
            "Hindi naman yata. Bigyan mo ng benefit of the doubt `yong tao. Hindi ko siya kilala at hindi niya ako kilala."
            "Hindi mo ba naiisip na marami ng galit sa `yo kasi ikaw ang gusto at nililigawan ni Devin."
            Umiling siya. "Hindi. Wala naman kasi akong pakialam sa kanila. Isa pa, kung galit naman sila. Hanggang tingin lang iyon at sa isip. Hindi sila gagawa ng bagay na alam nilang ikapapahamak ko o ikapapahamak nila."
            "Ganyan ba talaga ang pananaw mo sa ganoon na bagay?"
            Tumango siya. "Oo."
            "Masyado ka naman yatang mabait."
            Natawa siya. "Hindi rin. Ayaw ko lang i-stress ang sarili ko sa kanila."
            "Pero mag-iingat ka pa rin." Anito. "Mahirap na, Hyde."
            "Thanks for the concern. Mag-iingat ako Marty."
            Ngumiti lang ito. Sinabayan siya sa paglalakad.
            "Change topic na tayo. Kumusta naman ang lovelife mo?"
            "Wala pa."
            "Hindi mo pa sinasagot si Jake?"
            Napahinto siya saka hinarap ito. "Si Devin ang sasagutin ko, Marty. Kahapon, kinausap ako ni Jake sa library. Sinabi niya sa akin na mas maganda kung magiging magkaibigan na lang kaming dalawa. Alam mo mas hinangaan ko si Jake sa ginawa niya kahapon. Nasaktan ko siya pero mas pinili niya na maging kaibigan ko at huwag akong lumayo sa kanya."
            "Nagbago na talaga siya, ano?"
            Tumango siya. "Oo. Nagbago na nga talaga siya kaya hindi ko maiwasan ang manibago. Pero naiisip ko na mas maganda na iyon. Okay na sa akin na maging kaibigan ko siya. Thankful nga ako."
            "Masokista yata iyon eh." Komento nito.
            "Siguro. `Wag na natin siyang pag-usapan. Imbitado ka pala sa birthday ng kapatid ko. Simpleng salu-salo lang."
            "Go ako dyan. Kainan eh."
            Natawa na lang siya. Wala sa katawan ni Marty na mahilig itong kumain. Kapag lumalabas sila at kumakain madalas na marami ang nakakain nito kaysa sa kanya.
            "Okay."
            "Sino ba mga imbitado?"
            "Si Jake at si Devin. Ikaw, kung gusto mo na may makasama ka, pwedeng magsama."
            Natawa ito. "Parang ang dami ko namang ka-close, Hyde. Ikaw lang naman ang ka-close ko sa klase natin eh."
            "Sa bahay n'yo, wala ba?"
            "Wala."
            "`Di ikaw na lang mag-isa."
            "Oo. All by myself naman palagi eh."


"SIGURADO KA na ba talaga sa desisyon mo, Jake?"
            Mula sa pagtingin sa basong may laman na alak napatingin siya kay Rubius. Nasa isang bar sila. Kasama niya ang mga kaibigan. Isang araw pa lang ang nakakalipas mula nang sabihin niya kay Hyde na willing siyang magparaya at maging kaibigan nito. Yeah. Sinabi niya rito na okay lang sa kanya iyon ngunit hindi naman ibig sabihin niyon na hindi siya nasasaktan dahil ang totoo, sobra. He just need to be look okay. Act to be cool. Na sana ay madaling gawin pero hindi. Ang pag-inom niya ng alak kasama ang dalawa ay itinuturing niyang depriviation. Pero nahihiling niya na sana kapag uminom siya, kapag nalasing, at nagising ay makakalimutan na niya ang sakit at nararamdaman na pagmamahal para kay Hyde. Sana ganoon lang kadali iyon. It’s hard to pick up the pieces that someone broke. At kahit na mabuo man siya ulit, katulad ng salamin o baso ay may lamat pa rin.
            "Hindi mo sinasagot ang tanong sa `yo ni Rubius, Jake." Untag sa kanya ni Dominic.
            Napabuntung-hininga siya saka sumandal sa sandalan ng upuan. "Maybe. I'm not that sure guys. Kahit na sinabi ko iyon kay Hyde, may parte pa rin sa akin na nagsasabing bawiin iyon. Na may pag-asa ako dahil pinayagan niya akong manligaw. Pero hindi eh."
            Napailing-iling siya.
            "Kinokonsidera ko `yong mga bagay na si Vix ang nagsabi n'un. Na may galit siya kay Hyde kahit hindi niya aminin. Pero tama siya. Tama siya. Hindi naman ako bulag para hindi makita na mas masaya si Hyde kapag kasama niya si Devin. Na mas mahalaga at mahal niya si Devin. Masakit. Oo. Pero siguro iyon na rin ang tama para hindi na siya mahirapan. Para hindi na siya masaktan. At isa pa, naiisip ko rin na bakit ko pa patatagalin ang sakit kung simula sa umpisa alam na natin kung sino ang makakapareha niya. Masakit. Nakakalungkot. Iyon naman talaga ang laging nauunang emosyon kapag nagmamahal at nabasted ka. In my case, ako ang sumuko. Pero ang pagsuko na iyon, alam ko na magiging masaya si Hyde. Na tama ang naging desisyon ko dahil mahal siya ni Devin at hindi siya sasaktan. Mas okay na rin siguro ang maging magkaibigan kami. I'll just guard myself for doing things for him. I'll pick up the broken pieces that Hyde gave me."
            Walang nagsalita sa dalawa. Tulalang nakatitig sa kanya. Tila hindi inaasahan na maririnig sa kaya ang mga salitang iyon. Pinunasan niya ang luhang naglandas sa pisngi niya saka tinungga ang alak na nasa baso niya.
            "Pero masakit pa rin, eh. Moving on is a long process. Hindi kadali na kalimutan siya lalo na at pinili kong maging malapit pa rin sa kanya, na maging magkaibigan kami. Maybe I'm a fool. No. I'm totally a fool. A pathetic fool. Mas pinili ko pa na maging magkaibigan kami kahit na nasasaktan ako. I'm a masochist, yeah. A martyr, yeah. Para sa kanya, para sa ikasasaya niya, okay lang."
            "Sigurado ka ba talagang okay ka lang?" Paniniyak ni Dominic. Maririnig ang simpatiya sa tinig.
            "Sa ngayon, hindi pa. Pero alam ko na bubuti ang pakiramdam ko. Kailangan ko lang sanayin ang sarili ko."
            "Tama ka nga sa sinabi mo. Pathetic fool ka. Masokista at martir. You've changed, Jake. Nagbago ka dahil sa pagmamahal mo sa kanya. Kung ako ang tatanungin, hindi ako sanay. Kung nakabuti ba ito sa `yo. Oo. Pero hindi ko akalain na masyado kang hihina dahil sa virus na iyon." Ani Rubius.
            "I know. I know. Loser na ako."
            "You're not a loser." Ani Dominic. "Nagmahal ka lang. Inisip mo lang ang makabubuti sa inyong tatlo, lalo na sa `yo. Tama ka naman Jake, eh. Bakit mo pa papatagalin kung simula sa umpisa alam mo ng talo ka."
            Hindi siya nagsalita. Sinalinan niya ng alak ang baso niya saka tinungga iyon. Isang lagok. Nang hindi magkasya. Mismong sa bote na siya uminom. Inubos, sinaid niya ang laman niyon. Gusto niyang malasing. Gustong-gusto. Kahit na ngayon lang niya makalimutan ang nararamdaman na sakit.


NAKAHIGA NA si Devin sa kanyang kama nang tumunog ang cellphone niya na nasa may uluhan niya. Agad niyang kinuha iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Hyde sa screen. Sinagot niya iyon. Isang malawak na ngiti ang nasa labi kahit hindi niya kaharap ito.
            "Napatawag ka?" Tanong niya.
            "Ayaw mo ba?" Nag-aalangan na tanong nito. Kahit hindi niya ito nakikita, alam niya na nakangiwi ito. Nag-aalangan.
            "Hindi. Sa katunayan, Hyde, gustong-gusto ko. Na-miss kita."
            "Masyado ka kasing busy." Anito.
            "Pasensya na. Alam mo naman.."
            "Alam ko. Just joking, Devin. Kumusta ang araw mo ngayon?"
            "Kulang."
            "Bakit kulang?"
            "Wala ka kasi sa tabi ko."
            Ayts. Alam ni Devin na masyado siyang korni pero wala siyang paki. Gusto lang niyang maiparating at maipadama kay Hyde ang nararamdaman niya.
            "Ang korni mo lang," natatawang sabi nito.
            "Basta para sa `yo. Bakit ka pala natawag?"
            "May sasabihin kasi ako."
            "Ano ba iyon?"
            "Iimbitahan kita sa birthday ng kapatid ko."
            "Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Sa una kasing pagkakataon ay ibig sabihin lang niyon ay makikilala na niya ang pamilya nito. Unang pagkakataon din na makakapunta siya sa bahay nito. Excited siya.
            "Oo. Bukod pa kasi sa papunta roon. Ipapakilala na kita sa pamilya ko."
            "Really?!" Gulat niyang tanong. He knew that excitement was visibly heard in his voice.
            "Napaghahalata na excited ka masyado."
            "Of course I am. Matagal ko ng gustong makilala ang pamilya mo, eh."
            "Then pagkakataon mo na pala ito."
            "Oo."
            Narinig niya ang paghikab ni Hyde sa kabilang linya. "Inaantok ka na ba?"
            "Oo. Inaantok na ako."
            "Matulog ka na kung ganoon."
            "Nag-uusap pa tayo eh."
            "Okay lang. Sige. Tulog ka na Hyde. `Night. I love you."
            "`Night din. Puputulin ko na ang tawag."
            "Okay." Sunod niyang narinig ay ang tone. Palatandaan na tinapos na nito ang tawag. Napatingin na lamang siya sa kanyang cellphone. Maluwang pa rin ang pagkakangiti. Excited na siya. Sobra.


10 comments:

  1. Kawawa naman si Jake. Nakaiyak din. Salamat sa update Mr Author. Magaling ka palang magpaiyak sa mga readers mo. Take care.

    ReplyDelete
  2. sarap basahin at nakakarelate ako sobra....parang bumabalik ang nagdaan panahon sa akin ...devon

    ReplyDelete
  3. Aww kawawa naman si Jake bakit ba unfair si Hyde sa kanya? Meet with the family ang sunod na ganap so Devin paano ka mag papaimpress sa pamilya ni Hyde? Vix pwede ba tumigil ka na isa kang malaking panggulo :3

    ReplyDelete
  4. Baka pag sa birthday makita ni jake ang kakambal ni hyde baka dun sya mainlove..

    Boholano Blogger

    ReplyDelete
  5. Hmmmmp .. Hyde at jake nlng Sana magkatuluyan.. Mas kilig pa silang dalawa author sana may kunting twist para may paG asa pa ang manok ko. 😁😁😁

    Jekjek

    ReplyDelete
  6. Kawawa naman yung pambato to nag give-up na!!! Huhu Team Jake pa naman ako kung kailan pa sya bumait at bumalik s dati ano ka ba Hyde!!! Hahahahaaha pero ok lang kung san happy si Hyde dun ako!

    -44

    ReplyDelete
  7. Di bale Jake, hanap ka na lang ng iba. Yung mas deserving sa mapagtiis mong pagmamahal. naks...haha

    - Lantis

    ReplyDelete
  8. " Ang tunay na nagpaparaya ay bukod na PINAGPAPALA"

    Jake hindi man si Hyde yung para sayo..I know mas deserving naman ako.. Charot lng..haha

    ReplyDelete
  9. Gravi,, 😞😞😞😞😞😞😞😞 tama nga namn hnd masamang sumoko sa laban kong alam mo namn na simula pa lang talo ka..hni lahat nag sumosuko talo hehehee
    Team jake sumoko ka man love pa prin kita makikita mo run ang tunai na kaligayahan...sa nxt chapter hahahaa hoping sa lovestory mo heheheh


    ShaiπŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ˜˜πŸ˜πŸ˜πŸ˜˜πŸ˜πŸ˜‰πŸ˜πŸ˜πŸ˜

    ReplyDelete
  10. Hi mr. Author.. silent reader mo po ako. :) ngayon ako nag comment dahil affected ako kay Jake.. Team jake ako eh.. Sayang naman..nkakalngkot... sana sila nalang.. matealize ni hyde na na fall na pla cya sa drastic change na nangyari kay Jake... huhuhu... Galing nyo po.. astig!!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails