Followers

Tuesday, April 7, 2015

String from the Heart [18]



Author’s Note

Unang-una sa lahat, paumanhin sa medyo matagaaalll na update. Busy lang po ako at ngayon lang napasaakin ang buong araw na ito. LOL. Panglawa, mas pasensya pa dahil kung sa palagay n’yo ay naghintay kayo ng matagal na update tapos MAIKSI pa ito. Aaminin ko na wala akong ginawa para mapahaba ito. Dapat sana ay double update ako kaso hindi ko na-edit, o kung na-edit nga ang chapter 19 ng String.

At sa mga sumusunod na tao, nagpapasalamat ako nang marami sa pagbabasa, mapa-loud o silent reader man. Sa mga mambabasa na pinagtatiyagaan ang istoryang ito. Hehe. Nangangati ako na i-degrade ang chapter at story na ito kaso.. ang sabi ni isang reader, kilala mo na kung sino ka, ay dapat huwag ko iyong gawin dahil nakaka-ano daw sa katulad niya na nagbabasa nito, na masasabing reader na, at kung may avid man. Well. Hindi ko alam. Basta reader ko siya. Haha.

Ulit sa mga taong ito na nasa grupo ko, Tito Alfred, Mama Lalie, Faustino, Kuya Alex at JC Sy. Sa iba, hello. 14 lang pala kayo. LOL

Sa mga nagbigay ng comment sa chapter 16-17, na walang sawa sa pagbibigay at lagi ko ring inaasahan na sana ay nag-comment pa. SALAMAT!

44 (Na nabuhayan yata dahil sa pagkakaroon ng chance ni Jake kay Hyde. Team Jake ka, hindi ba? At sa pagkaasar niya kay Vix. xD)

KAY Mr. Anonymous na may joke, o kung joke man iyon tungkol kay Vix. Hehe. Wala lang.

Tito Alfred of T.O (Hmmm.. pasensya na po. Hindi ito mahaba katulad ng hinihiling nyo,)

Papa JC Sy (Sana ay ma-excite ka pa nga sa chapter na ito. Iyon lang ay kung excting.. nga)

Junrey Casirayan (Hello! Pangalawang comment mo pala yung sa chapter 16-17. Hehe)

Shai (For now.. it will be satisfying. Kasi sa mga susunod ay baka hindi na because of other circumstances. (Wheeew. Nano-nosebleed ako!))

MegaYasutoshi (Hehe. Alam kong hindi na mawawala ang pag-kaasar nay an kay Hyde. Alam ko. `Yong tungkol naman sa BS. Eehemm. Darating ako sa point na `yan. At kung kanino? Alam na this. Alam kong alam mo dahil nakwento ko na sayo. Haha)

Kuya JHARZ (Hayaan mo na. Ang awa mo kay Devin ay may patutunguhan. If you know what I mean. Hehe. Depende sa iisipin mo.)

Angel (Yeah. Time do heals all wound. Depende na lang sa isang tao kung paano siya makaka-cope up mula sa matindi o hindi naman masyadong matindi na krisis sa kanyang buhay. At sa akin naman, sa lugar ko, well. I’m fine now. Not wholly but will be..)

Kay VK Trebb na humihingi pala ng FS. Gagawa ako pero saka na. Hehe

Sa mga co-RA’s ko na sadyang talented at magagaling. Hehe.. Thanks for inspiring me to write more. Lalo na kay Kuya Carlos na parang pillar na sa kwentong M2M. I’m not yet reading your update but based on what I’m seeing in the group. Tsk. Mukhang malungkot. Kay Kuya Rye, Seyren, Jace, Axel at kay Prince Justin, hey! Thank you for reading the mere story of mine. Alam ko na naiinis ka rin kay Hyde. Haha

Kay Sir Mike at Kuya Ponse. Thanks for this wonderful privilege that you have given to a mere author like me. Salamat!

Muli, humihingi ako ng pasensya sa dalawang rason na nabanggit ko sa pinaka-una. At muli, salamat!

O siya. Masyado nang mahaba ang A/N ko. Mukhang mas mahaba pa sa story content ng chapter na ito. Pasensya na nagging madaldal lang. Sonusulit ko lang ang A/N ko dahil one week pa muli akong makakapag-update. Hihi.

Enjoy po!!  




CHAPTER EIGHTEEN


NAGLALAKAD SI Devin sa street patungo sa isang convenience store para bumili ng supplies niya sa bahay nang makasalubong niya ang isang pamilyar na mukha. Nakangiti ito nang maluwang sa kanya na tila kilalang-kilala siya. For the courtesy, nginitian niya rin ito.
            "Hi Devin!" Masiglang bati nito kapagkuwan.
            "H-hi." Nagdadalawang isip na balik-bati niya.
            "Do you still know me?"
            "Hindi."
            Nawala ang ngiti sa labi nito. "I'm Vix. Ako ang classmate mo noon."
            "Vix?"
            "Vix Asethi Alarcion. Naging classmate mo ako during elementary and highschool days. At schoolmate mo rin ako ngayong college."
            Sa mga binigay nito na impormasyon saka pa lamang naliwanagan si Devin. Si Vix nga ay kaklase niya noon. Iyon nga lang hindi ito masyadong napapansin dahil sa madalas na tahimik at may sariling mundo. He tried approaching him once but Vix just ignored him so he didn't try doing it again.
            "Kilala na kita."
            Bumaha ang katuwaan sa mukha nito. "Talaga. Kilala mo na ako?"
            "Oo. Classmate nga kita. Nag-try ako dati na kausapin ka pero dedma ako."
            "Pasensya na."
            "Wala na `yon. I'm glad na nag-iba na ang attitude mo."
            "Oo. Nakakasawa naman kasi na palaging mag-isa sa tabi. Alam mo `yon. Pakiramdam ko nga kakaiba na ako. Pwede ba kitang maging kaibigan, Devin?"
            "Sure." Agad niyang sagot.
            For him, Vix is nice. Makikita naman iyon sa aura nito kahit na napapansin niya na may kakaiba sa paraan nito ng pagtitig sa kanya. But he won't mind it.
            "Saan ka pupunta pala?" Usisa nito.
            "Sa convenience store. Buying some stuff."
            "Samahan na kita."
            "Okay."
            "Ang nice mo, Devin."
            "Hindi naman. Just trying to be accommodating."
            Magkaagapay silang naglakad patungo sa malapit na convenience store. Aaminin ni Devin na masayang kasama si Vix dahil palatawa ito at mahilig magbiro. Iyon nga lang, hindi maipagkakaila talaga ang uri ng tingin nito sa kanya.
            Kasasabi pa lang niya na hindi niya iyon papansinin pero hindi siya komportable.
            "Bakit ganyan ka tumingin?" Lakas loob niyang tanong nang makalabas na sila ng convenience store.
            "Paanong tingin?" Waring gulat na sabi nito.
            "You look like you're going to devour me."
            Natawa ito. "Ano ako tiger?"
            "You can say that but I'm not joking, Vix. Let's get it to the point. Bakit ka ba lumapit sa akin? Alam mo kasi may mga lumalapit din sa akin pero hindi katulad ng tingin mo. I admit, it scares me."
            "Keen observer ka pala."
            Hindi siya nagsalita. Hinintay niyang dugtungan nito ang sasabihin para maliwanagan siya.
            Bumuntung-hininga ito. "Okay. Ang totoo kaya ako lumapit sa `yo para sabihin na gusto kita. Simula nang mapunta ka sa The Gravity, nagustuhan na kita, Devin."
            Hindi na nagulat si Devin sa sinabi nito.
            "Hindi naman yata kaila sa `yo na may nililigawan ako."
            Tumango ito. "Oo, hindi nga. Pero ita-try ko ang swerte ko. Pwede ba kitang maligawan?"
            Napailing siya. "No. I'm sorry pero hindi pwede. Hindi ako nagpapaligaw dahil ako ang nanliligaw. Isa pa, wala ka namang maasahan sa akin dahil may gusto na ako."
            "Nauunawaan ko. Katulad ng sinabi ko naman sa `yo, I'm just trying my luck." Pagkasabi niyon. Tinalikuran siya nito saka tumakbo palayo. Sinundan na lang niya ito ng tingin.


MULA SA MAHABANG pagtakbo, huminto si Vix sa isang kanto para magpahinga. Ang ginawa niyang paglapit kay Devin at pagtatapat dito ay kasama sa kanyang plano. Hindi niya nga lang inaasahan na mapapadali iyon dahil sa pagiging observant ng lalaki. Masaya siya dahil nakalapit siya pero malungkot pa rin dahil sa rejection na natanggap niya kahit sabihin pa na plano iyon.
            Matindi! Iyon ang salitang tamang-tama na ilarawan sa pagtingin ni Devin kay Hyde. Hindi niya alam ngayon kung paano iyon mawawala o paano masisira ang kung anuman na nag-uugnay sa mga ito.
            Pinadalhan na niya nga ito ng mensahe isang araw ang nakakalipas tungkol sa unang halik ni Hyde ngunit wala namang nangyari. Nag-usap lang ang dalawa. Bago iyon, nakatanggap lang siya ng mensahe mula rito na tigilan na niya ang pagpapadala ng mensahe dito. Bagay na hinding-hindi naman niya gagawin.
            Pagkatapos kay Devin, kay Jake naman siya lalapit. Makikipag-kaibigan siya rito. Gagawin niya ang lahat para mapalapit isa man kay Devin o kay Jake. Kailangan niyang maisakatuparan ang mga plano niya.


"AKO BA ang magre-report o ikaw? Kasi kung ako, okay lang naman sa akin. Sa `yo ba Jake, okay lang?"
            Mula sa tinitingan na notebook, tiningnan ni Hyde si Jake para lang madismaya. Hindi naman kasi ito nakatingin sa itinuturo niya kundi siya. Tila napahiya naman ito saka kiming ngumiti.
            Sinimangutan niya ito.
            "Saan ba nakatuon ang pansin mo?" Tanong niya kahit obvious naman na siya ang tinitingnan nito.
            "Sa ginagawa natin." Anito saka kinuha ang notebook kung saan nakasulat ang notes nila at nilipat ang pahina.
            Binawi niya iyon saka inilayo rito.
            "Hindi ka nakakatuwa, Jake."
            "Pasensya naman. Hindi ko lang kasi maiwasan na titigan ka."
            Napailing siya saka tumayo mula sa kinauupuan. Kanina pa silang dalawa magkasama. Wala kasi si Mrs. Aguilar. Nag-text lang ito sa isa nilang classmate na mag-prepare sa gagawin nilang activity kaya ganito na nga ang nangyayari. Nasa bench silang dalawa.
            "Mag-focus ka, pwede. Tandaan mo na partners tayo rito. Hindi ito solo."
            "Ang sarap pakinggan n'un, Hyde. Partners. Sana hindi lang dito pati sa totoong buhay."
            "Jake!" Naasara na sabi niya.
            "Okay. Okay, Hyde. Sige magfo-focus na ako." Anito. Itinaas pa ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko.
            "Good. Dahil kapag hindi ka nagseryoso, iiwan kita rito."
            Sumimangot naman ito. "Ang sungit mo naman, Hyde."
            "Kakabwisit ka kasi."
            "Pasensya na. Sige na. Focus na ako. Ikaw na lang ang mag-report. Kahit ako na mag-research, okay lang sa `kin."
            "Sigurado ka?" Paniniyak niya.
            "Oo."
            "Marami kang ire-research." In-explain niya rito ang mga dapat nitong gawin para makita iyon.
            "Ang dami. Ikaw na lang kaya. O kaya, hati tayo, Hyde. Hindi ko kayang hanapin ang lahat ng iyon," reklamo nito kapagkuwan.
            Natawa na lang siya. Natigilan lang siya ng mapansin na tulalang nakatitig sa kanya si Jake.
            "Bakit?" Takang-tanong niya.
            "I dream of this, Hyde. Minsan, n'ung hanggang tingin na lang ako sa `yo pagkatapos mo akong bastedin, nahiling ko na sana na maging ako `yong source ng ngiti mo. And now that I'm seeing you smiling and laughing like that, I'm happy. Natupad na kasi ang wish na iyon, eh."
            Nag-iwas na lang siya ng tingin. Hindi niya magantihan ang titig nito na may sidhi.
            "Balikan na natin ang dapat gawin, Jake." Pag-iiba niya sa usapan.
            "Sana kapag dumating ang panahon ako pa rin ang makapagbigay sa `yo ng ngiti na katulad n'un, Hyde. I won't promise anything but I'll just do my best to give you smile."
            "Jake, pwede bang huwag ngayon."
            "Hindi ko kasi maiwasan. Nitong nakaraan, I'm still overwhelmed with the things happening to me. You're the reason of it, Hyde."
            "Jake. Isa pa, iiwan na kita rito."
            "Hyde."
            Nasa akto na siya ng pagkuha nang kanyang gamit ng hawakan nito ang kamay niya saka hilahin siya paupo ulit.
            "Masyado ka namang pikon."
            "Hindi ako pikon. Naaasar ako, Jake."
            "Pasensya naman. Magkapareho rin naman iyon." Sinamaan niya ito ng tingin na ikinangiti nito. "Sige na. Focus na ako. Huwag ka lang aalis."
            "Sigurado ka ba?"
            Tumango ito kaya naging komportable na rin siya. Iyon nga ang ginawa nila. Nag-discuss ng mga bagay na gagawin nila at kung paano hahatiin iyon.



"MAY NAGSABI SA `KIN na may nanliligaw daw sa `yo. Totoo ba iyon, Hyde?"
            Maang na napatingin si Hyde sa kanyang kakambal. Araw ng Sabado, walang pasok kaya naman napag-isipan nilang dalawa na ipasyal ang four years old nilang kapatid kasama si Vhian at Charlene. Okay din naman iyon sa mama nila dahil abala ito sa paggawa ng pagkain na pinagawa ng kapitbahay nila para sa birthday party ng anak.
            Nakaupo silang dalawa ni Clyde sa damuhan habang tinitingnan ang tatlo nilang kapatid na abala sa paglalaro sa playground.
            "Sino naman sa `yo nagsabi?" Balik-tanong niya rito.
            "Tinatanong kita, binabalikan mo ako ng tanong. Ibang klase ka talaga." Naaasar na sabi nito. "Ang ayos mo talagang kausap, Harold Yde."
            "Sino ba kasi sa `yo nagsabi, Clyde?"
            "Si Vhian. Matagal na niya iyon sinabi sa `kin pero ngayon ko lang naalala. Ngayon na nasagot ko na ang tanong mo. Ang tanong ko naman ang sagutin mo. Totoo ba iyon? Sino ba nanliligaw sa `yo?"
            "Totoo iyon." Sagot niya. Wala namang rason para itago niya iyon dahil alam ni Hyde na anumang oras o araw ay pupunta si Jake o si Devin sa bahay nila. Isa pa, kahit na itanggi naman iyon ni Hyde ay alam niyang ipiplit pa rin nito iyon.
            "Sino?"
            "Pwede ba Clyde. Kahit sabihin ko naman sa `yo, hindi mo rin naman kilala eh."
            "But I'm curious. Gusto ko malaman kung sino iyon."
            "Pwede ba Clyde, `wag kang umasta na over protective sa akin. Hindi na tayo bata."
            "Iniiba mo ang usapan, Hyde. Sagutin mo na lang ako kung ano ang pangalan ng nanliligaw sa `yo. Nakalimutan ko kasi ang sinabi ni Vhian na pangalan eh. Basta nagsisimula iyon sa letter 'H'."
            "Ang kulit mo rin naman talaga, ano? Bakit kailangan mo pang alamin? Hindi ka naman sa URS nag-aaral. Saka kung sasabihin ko naman sa `yo, ano ang gagawin mo?"
            "Facebook." Tipid nitong sagot. "Wala akong gagawin na hindi mo gusto. Gusto ko lang naman makita at malaman kung sino iyon, Hyde."
            "Weh?" Hindi naniniwala niyang sabi.
            "Maniwala ka. Saka bilang mas panganay sa atin na dalawa, ako talaga ang kailangan na mag-protekta sa ating dalawa. Saka may sarili talaga akong rason kung bakit ganoon."
            "Isa-isahin mo nga ang rason mo."
            "Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko, Hyde. `Wag ganyan."
            "Ang kulit mo talaga."
            "Ako lang ba? Sabihin mo na kasi para huwag na kitang kulitin."
            Napabuntung-hininga na lang siya. Nakakainis lang talaga ang kakambal niya. Hindi talaga ito magpapatalo.
            "Devin ang pangalan niya."
            Kumunot ang noo nito. "Hindi sa letter D nagsisimula ang sinabi sa akin ni Vhian, ah. Dalawa ba ang manliligaw mo?"
            Nahihiyang tumango siya.
            "Aba matinde ka, Hyde! Eh `di wow! Kaya naman pala laging may confusion sa `yo, eh. Ang ganda mo naman. Ang haba ng buhok mo. Parang si Rapunzel ng Tangled."
            Tiningnan niya ito ng masama. "Nang-iinsulto ka ba?"
            "Mukha ba akong nang-iinsulto?" Balik-tanong nito.
            "Ewan ko sa `yo."
            "Ang gwapo mo rin, ano? Para ligawan ka ng dalawa."
            Napailing na lang siya sa sinabi nito. Malinaw na talagang nang-aasar ang kakambal niya. Well. Ano ba naman ang bago doon? Sanay na siya. Sanay na nga ba talaga siya? Hindi niya alam.
            "Ano pa ang tungkol sa kanya?" Sabi nito.
            "Ano ka? Tama na `yon! Intrigerong `to!"
            "Hoy! Hyde. Bilis na. Magbigay ka pa ng ilang impormasyon sa kanya."
            Napabuntung-hininga siya. "Kilala mo naman si Devin, ah? Pinakialaman mo kaya dati ang mga gamit ko."
            "Alam ko. Kilala ko siya pero gusto kong marinig mula sa bibig mo."
            "`Kulit mo rin, ano?"
            Ngumisi lang ito.
            "Hay naku! Devin ang pangalan niya. Member siya ng The Gravity. Mas matanda sa akin ng isang taon. Satisfied ka na?"
            "Yeah. Okay na rin. Eh, `yong isa?"
            "Sino si Jake?"
            "Bakit bukod ba kay Devin at sa Jake na `yan meron pa?"
            Napasimangot siya. Napaka-pilosopo lang talaga ng kakambal niya.
            "Pumunta na `yon sa bahay. Nakita na rin nina lola at mama."
            Nagkibit lang ito ng balikat. "Dapat sa lalong madaling panahon madala mo ang dalawang `yan sa bahay."
            "Bakit ko naman gagawin `yon, Clyde?"
            "Para ka namang ewan. Malamang. Dadalhin mo sa bahay para makilala nina mama at Kuya Vin. Kahit na ganyan ka, dapat ingatan mo pa rin ang puri mo. Saka para makilatis namin na kapamilya mo. Hindi iyon na sa school lang nanliligaw."
            "Oo na. Huwag ka nang makulit." Pagsang-ayon niya. Kung tutuusin, may punto naman talaga ang kapatid niya. Na-touch nga siya sa pagpapahalagang ibinibigay nito sa kanya kahit na ganito siya. Ramdam niya ang pagmamahal nito.
            "Good."
            "At para sabihin ko sa `yo, kilala at nakita na ni Kuya Vin si Devin. Remember n'ung araw na may pinuntahan silang dalawa?" Hindi ito tumugon. "Iyon doon sila nagpunta kay Devin, tinulungan nila."
            "Ang daya n'yo! So ako lang pala talaga ang nahuhuli sa balita?" Nakasimangot na sabi nito.
            Nginitian niya ito.
            "Salamat, Clyde."
            "Para saan?" Anito. Nawala ang pagkakasimangot.
            "Sa pagtanggap sa akin."
            Ngumiti ito. "Ikaw pa ba? Kakambal kita. Sa ating dalawa, ako ang mas matanda kaya ako ang kuya. Bilang kuya mo, dapat kitang alagaan pati sina Vhian."
            Kahit na noon pa, responsable na talaga si Clyde. At mas naging responsable pa ito mula nang lumipat sila at mamatay ang papa nila.
            "Basta dalhin mo sila sa bahay, ah." Anito.
            "Oo. Gagawin ko `yon."
            "Good."


ABALA SI Jake sa pagpindot ng cellphone niya nang maramdaman niya ang paggalaw ng upuan na nasa kabilang mesa na paharap sa kanya. Mula sa kanyang ginagawa, nag-angat siya ng tingin. Nakita niya si Vix. Kampante ang pagkaka-upo habang nakatingin sa kanya. A half-smile formed in his lips. Binalewala niya iyon.
            "May kailangan ka ba?"
            "Wala naman."
            "Bakit ka lumapit kung wala naman pala?"
            Waring natakot ito sa pinapakita niyang reaksyon. Hindi man nito pinapahalata pero alam niyang ganoon ang nararamdaman nito. Isa pa, hindi niya nakakalimutan ang mga sinabi ni Dominic lalo na ni Rubius na nakita ito noong panahon na may mahulog na halamanan.
            "Okay. Sige. Lumapit ako kasi gusto kong makipag-kaibigan sa `yo." Anito. Buong-buo ang tinig. Sinasalubong ang malamig niyang tingin.
            "May mga kaibigan na ako. I don't need a new one."
            Ngumiti ito. Tila nasiyahan pa sa narinig mula sa kanya.
            "I like you."
            "And I hate you."
            Kahit matagal nang nangyari ang nakita niyang eksena nito sa canteen at ni Hyde ay hindi pa rin niya nakakalimutan iyon. Sa mga kilos din ni Vix, may paghihinala sa loob niya.
            "Alam ko. Pero hindi nabawasan ang pagkakagusto ko sa `yo dahil sa ayaw mo sa akin."
            "Tapatin mo nga ako. Ano ka ba talaga?"
            "Kung ano ka na ngayon." Mabilis nitong sabi.
            "So you mean.."
            "Yes." Pagputol nito sa sasabihin niya. "I'm always open for having an affair. Gusto ko, kung magkakaroon man ako ng isa, ikaw iyon, Jake."
            Nakakabigla ang mga sinasabi nito. Masyadong lantaran at tila walang takot. Tama nga sina Rubius at Dominic. Kakaiba sa totoong salita si Vix. Parang may kung ano rito na nagbibigay ng kilabot sa kanya. At ang ngiti sa labi nito, parang nasa demonyo.
            "I'm not into that kind of stuff, faggot."
            "Faggot din naman si Hyde, ah." Tila nabubwisit na sabi nito.
            Napanting ang tainga niya saka hinampas ang mesa na nagpapitlag dito.
            "Paano nasali si Hyde dito? Meron ka bang animosity sa kanya, Vix?" Tanong niya. Also, he is fishing for some information about the person infront of him.
            "Wala. Pero concern lang ako sa `yo. That gay is a two-timer. Bakit pinayagan niya kayong dalawa ni Devin na ligawan n'yo siya kung simula pa sa umpisa ay mahal na nya si Devin."
            "What?!" Gulat niyang sabi.
            "Yes. You heard me right, Jake. Mahal na niya si Devin. If I were you, patulan mo ako. Wala ka namang makukuha sa malanding iyon, eh."
            Umiling-iling siya. Itinago niya ang sakit na tila may tumusok sa puso niya. Pinilit niyang maging okay na siya namang nagawa niya sa harapan nito.
            "Kanino mo naman nalaman iyon?"
            "Don't be a pathetic fool, Jake. We all know from the start that Devin ad Hyde already have that special connection between them. Napilitan lang naman siya na paligawin ka dahil sa ayaw niyang nag-aaway kayong dalawa. Kaya kahit na nakapili na siya. He took that risk."
            "Pwede bang umalis ka sa harapan ko." Sabi niya. Sumunod naman ito.
            Nagtagis ang bagang niya. Kumuyom ang kamao. Bigla-bigla, parang gusto niyang manakit. Maybe he really is a pathetic fool. Masyado niyang niloko ang sarili na may pag-asa siya kay Hyde. Naging assuming din siya.
            You're a big loser, Jake Hyllel Jacinto! Ever!


KATULAD ng kanyang inaasahan ang naging reaksyon ni Jake kaya naman malaki ang ngiti sa labi ni Vix. Ngayon. Excited na siya sa pagkompronta ni Jake kay Hyde. Of course, wala namang alam si Vix. Ang sinabi niya ay pawang obserbasyon lamang. At si jake, hindi niya alam na gullible pala ang gwapong iyon. Palibhasa, nagmamahal kaya nagiging tanga.
            Oo. Aaminin ni Vix na drastic ang mga ginagawa niyang hakbang. Posibleng mag-usap si Devin at Jake. Posibleng mag-usap ang mga ito tungkol sa pinagagawa niya pero posibilidad lang naman iyon. Jake and Devin hated each other to the core. Hindi mag-uusap ang mga ito. Malaya siya na gawin ang gusto niya.
            Ah! Isipin pa lang niya na mappupunta sa kanya ang panalo sa mga nangyayari ay sobra na siyang natutuwa. Yes. Devin and Hyde will end to each other. Okay lang naman. Kung magiging magnobyo man kasi ang mga ito ay may iba pa siyang baraha na alam niyang makakasira sa relasyon ng mga ito.
            Siyempre. Ang iisipin na niya muna sa ngayon ay si Jake. Ngayon na alam niyang may galit na ito kay Hyde ay baka hindi na nito pansinin ito. Mawawalan ng taga-hanga ang lalaki na labis niyang ikakasaya.


ITUTULOY…



5 comments:

  1. Natawa naman ako kay CLYDE..sa script yang bka mawala PURI ni HYDE hahaha.. Anyway..OO nga naman HYDE dapat sa bahay ka ng papaligaw.. The TRADITIONAL WAY.. Yung pagsisibak ka ng kahoy nung dalawa.. Pag- iigib ka sa balon ng tubig.. Etc.. hahaha

    Ganyan dapat ang dalagang PILIPINA HYDE..haha.. Pinagsisilbihan nila.. Pra mkamit nila ang yung matamis na AHhh.. Este Oohh OO.. Lol

    Desperado na naman si SELENA Ah.. Este si VIX haha.. Kung makatingin ay parang LALAPAIN NA SI DEVIN.. Lol.. Easy lng VIX......Vicks vapor rub..lol..

    OSHA byee na hba ng comment ko ah

    ReplyDelete
  2. Booooooh vix get a freakin life... hahai c jake nmn ito uto2x hindi mn lang nag dalawang isip

    ReplyDelete
  3. Hahaha jake banat pa more heheheh
    Sarap magkaroin ng kapatid na gaya clyde haizzzz sana may ganyan mga kapatid ko hehee

    Hai vix sarap mong ipahid sa langs ahhhh

    ShaiπŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘

    ReplyDelete
  4. Yup Team Jake ako ng mga 55% at Team Devin ako ng 45% hahaha ganyan.

    HAHAHAHA buti nga sayo Vix wala kang napalang hayup ka!!!

    Go Jake humarurot ka ma habang wala pang eksena si Devin! Dapat makuha mo na si Hyde haha.

    -44

    ReplyDelete
  5. Kainis talaga yang Vix na yan Sana talaga mahuli na yan ni Hyde. Parang Hindi siya titigil masira lang ang relasyon nila. Hi author sana tuloy- tuloy na ang update namiss ko talaga story niyo promise!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails