Followers

Saturday, March 28, 2015

String from the Heart [16 & 17]






AUTHOR’S NOTE


FIRST, let me start this by saying my deepest gratitude for the following persons who showed their concern and supported me on what I’m dealing last week. (Last week nga ba iyon? Hehe.) Faustino, Mama Lalie, Tito Alfred of T.O, Alex J. King, Papa JC Sy, Christian, Seyren and Kuya Carlos and Kuya Rye. Maraming salamat po sa inyong lahat! Lol.
Naka-move on na ako ng bonggang-bongga!

Sa mga nagbigay ng comment sa chapter 15. Salamat din po! Silent o loud reader man. Matsala!
Gilrex Laurente
Jekjek (lol. Literal na salitang ‘comment’ talaga. HAHaha)
44
Tito Alfred of T.O
Toto Tancinco
Jharz
Angel
Joey
Papa JC Sy
Audric Blaine Lord Melbone
Kuyang Anonymous!

Sa mga co-RA’s ko. Prince Justin Dizon, Apple Green at Axel delos Reyes pati sa iba.

Kay Sir Mike at Kuya Ponse sa pribilihiyong ito. Salamat!

At pasintabi lang po. Kung sa tingin n’yo ay OA ang chapters na ito. (HAHA) Hindi kayo nag-iisa dahil ganoon din ang tingin ko pero.. May pero talaga dahil iyan na ang nangyari. Isa pa, nakakatamad na kasi mag-edit at mag-revise. Pambawi ko na rin po ito sa isang linggo na pagkawala ko. May pinagdaanan kasi ako na nalampasan ko na—ang akala ko nga ay hihigit pa sa isang buwan bago ako makapag-move on pero hindi pala--though nakatatak na siya sa isip ko at pati sa aking buong sistema.

Please. Do enjoy. Hindi ko kasi alam kung kailan ang next nito lalo na at may work na ako! Kahit na petiks lang iyon ay may pressure rin.

Again! Sana po ay mag-enjoy kayo! Sana!
Maraming thank you!


CHAPTER SIXTEEN


NAPANSIN AGAD ni Devin pagkarating sa ospital kung saan naka-confine and kapatid niya ang dalawang lalaki na kausap ng mga magulang niya. Dahil sa hindi naman siya nakita ng mga ito, nanatili siyang nakatayo sa isang tabi. Hihintayin na lang niya na matapos ang pag-uusap ng mga ito. Ayaw niyang makaistorbo dahil alam niya na masama iyon. 
            Tinawag siya ng mama niya nang makita siya nito. Napatingin naman sa kanya ang dalawang lalaki. Waring nabigla sa nakita ng mga ito.
            "Sir Joen, Sir Vin, ito po ang anak namin," anang mama niya nang makalapit siya sa mga ito.
            Ngumiti ang mas maliit samantalang seryoso naman ang tingin ng mas malaki.
            "Goodmorning po." Magalang niyang pagbati.
            Sa tantiya niya ay hindi naman nalalayo ang edad niya sa mga ito. Mga apat o lima ang pagitan yata ng kanilang edad.
            "`Morning din. Ikaw ba si Devin?" Tanong ng mas maliit.
            "Opo."
            "Ako si Vin, at itong katabi ko si Joen. Mga kuya kami ni Hyde."
            Sa sinabi nitong iyon, nagulat siya. Napatitig sa mga ito saka kumunot ang noo.
            "M-mga kapatid po kayo ni Hyde?"
            Umiling si Vin. "Ako lang. Itong kasama ko, partner ko. Siguro naman natatandaan mo kaming dalawa. Kumanta `yong banda n'yo sa celebration namin."
            Pamilyar nga ang mukha ng mga ito kanina pa. Sa sinabi nitong iyon ay naalala niya ang mga ito. Ibig sabihin.. Noon pa ay kilala na talaga siya ni Hyde. Na hindi naman kaila sa kanya. Of course, he remember that, iyon ang panahon na naniwala siya na may happy ending ang parehong kasarian. Na posibleng mauwi iyon sa pagsasama ng maalwan kahit na sabihin pang marami ang kokontra.
            "Natatandaan ko na po."
            "Sus. Drop the po. Hindi pa kami matanda ni Joen para i-po mo."
            "Pasensya na." Bumaling siya sa mama niya. "Bakit po sila nandito?"
            "Para tumulong," pagsabat ng lalaking ang pangalan ay Joen. Napabaling siya ulit dito.
            "Tumulong?"
            "Pinapunta kami dito ni Hyde para tulungan ang kapatid mo." Si Vin na ang sumagot.
            Sa sinabi nitong iyon ay mas nakadama siya ng habag para kay Hyde. Kasunod ang galit sa kanyang sarili. Inaway niya si Hyde tapos tinutulungan siya nito. Ang gago lang niya talaga. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang warm na ngiti sa labi ni Vin. Sa kaalamang nasaktan niya si Hyde.
            Nag-usap pa ang mga magulang niya at sina si Joen at Vin. Nag-excuse siya sa mga ito saka nagtungo sa hospital bed kung saan nakahiga ang kapatid niya. Umupo siya. Nginitian niya si Diane nang makita siya nito.
            Ngunit hindi maipagkakaila ang nararamdaman ni Devin. Guilt. Galit sa sarili dahil sa nangyari kanina sa kanila ni Hyde. Ang paratang niya rito na hindi lantaran ngunit iisa ang pinupunto.
            Gago ka talaga Devin! Gago!


HINDI RIN naman nagtagal sina Joen at Vin sa ospital. Mga kalahating minuto bago dumating si Devin, nagpaalam na rin ang mga ito. Siya na rin ang nagboluntaryo na ihatid ang mga ito palabas. Habang naglalakad sila, hindi pa rin maiwasan ni Devin ang mailang sa dalawang lalaki. Okay naman ang mga ito kaso lang talaga nakokonsensya sa mga nasabi niya kay Hyde. Hindi siya makapag-move on sa ginawa niya.
            "Kanina ko pa napapansin na naiilang ka sa amin. Mukha ba kaming monster?" Sabi ni Vin na nagpatingin sa kanya rito.
            "Hi-hindi."
            "Ikaw ba talaga ang nanliligaw kay Hyde? Ang kwento kasi sa akin ng kapatid ko, magiliw ka raw. Pero hindi ko makita `yon ngayon."
            Napaiwas na lang ng tingin si Devin sa sinabi nito. Naikwento na pala siya ni Vin sa mga ito.
            "Hindi naman maiiwasan `yon, Vin ko," pagsabat ni Joen. "Maiilang talaga siya sa atin. First time natin siyang nakita at niya tayo. Hindi niya inaasahan ito."
            "Tama ka naman, Joen ko, kaso lang.."
            "`Wag mo nang alalahanin ang mga bagay na hindi mo dapat alalahanin." Anito saka inakbayan si Vin.
            Pumwesto si Devin sa likuran ng mga ito. Aminin niya kaya sa mga ito na may nagawa siyang mali kaya naiilang siya sa mga ito.
            "Ma-may nagawa po kasi akong hindi tama." Aniya na nagpatigil sa dalawa. Eksakto naman na nasa parking lot na sila ng ospital.
            "Nagawang hindi tama?" Gagad ni Vin.
            "Opo."
            "Ano?"
            Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago magsalita.
            "Hindi kami good ni Hyde ngayon. Galit po siya sa akin."
            "Galit? Bakit?"
            "May nasabi akong bagay na hindi dapat sabihin." Aniya saka napayuko.
            "Kaya naman pala," ani Joen.
            "Hindi na kami mag-uusisa pa. Ngayon alam ko na kung bakit ka naiilang sa amin. Ayusin n'yo `yan bago pa mahuli ang lahat," ani Vin.
            Natatawa ito na para bang may nasabing mali.
            "Opo. Salamat po."
            "Walang anuman," sabi ni Joen.
            Nagpaalam na ang mga ito sa. Sinundan niya ng tingin habang pasakay ng kotse hanggang sa paandarin iyon ni Joen. Nang mawala na sa kanyang paningin saka pa lang siya umalis sa kinatatayuan at nagtungo pabalik sa loob ng ospital.
            Ayusin n'yo `yan bago pa mahuli ang lahat.
            Ang mga salitang naiwan na nakatatak sa isipan niya na sinabi ni Vin.


ISANG MALAKING tanga. Iyon ang mga salitang kanina pa umuukil sa isipan ni Vix kahit tapos na niyang padalhan ng mensahe si Jake. Talagang ipinagtanggol pa kasi ng gago si Hyde. Na kesyo hindi ito ganoon, hindi ito ganyan.
            Hindi na rin iyon nakapagtataka pero nanggagalaiti siya. Imbes na kasi magalit si Jake kay Hyde ay mas kinampihan pa nito ang makating higad. Pwes! Magsama ang dalawang iyon.
            Alam ni Vix na ang ginawa niya ay malaki ang porsiyento na magkagalit si Devin at Hyde. Na mas magalit si Devin kay Jake.
            "Oh God! Hindi na ako makapaghintay sa magiging gulo sa pagitan ni Devin at Jake." Pagkausap niya sa sarili saka tumawa ng malakas.
            Hindi lang ito ang gagawin niya. May iba pa siyang balak na gawin. Sumisigaw pa rin sa utak niya ang kagustuhan na mawala sa landas niya si Hyde.


MABILIS NA lumipas ang mga araw. Isang buwan na rin mula ng makausap ni Hyde si Devin at Jake. Hanggang ngayon ay wala pa siyang kinakausap sa mga ito kahit na sa text. Sa loob ng isang buwan na iyon ay gumaan naman ang pakiramdam niya ngunit hindi niya maitatago na nalulungkot siya sa ginagawang pambabalewala sa mga text ni Devin, sa mga simpleng pag-iwas niya kay Jake tuwing lalapitan siya nito.
            Wala na rin siyang balita sa dalawa kahit na sabihin pang nakikita niya ang mga ito lalo na si Jake. Parang sinarhan na niya kasi ang sarili na alamin ang mga bagay at aktibidades mula sa mga ito.
            Sa ginawa niya rin ay may natuklasan siya na hindi dapat. At hindi niya alam kung paano nangyari.
            "Anong mas bagay na damit sa akin?" Napatingin si Hyde kay Marty na nasa harapan niya.
            Nagpasama ang kaibigan sa pagbili nito ng damit na susuotin sa pupuntahan daw nito na birthday party. Dalawang damit na naka-hanger ang hawak nito sa magkabilang kamay. Kulay asul ang isa na V-neck, ang isa naman ay kulay pula.
            "`Yan na blue." Aniya.
            "Sigurado ka ba?"
            "Oo naman. Mas bagay sa kulay mo `yan eh."
            "Okay. Ito na lang." Anito saka ibinalik sa rack ang damit.
            Napasunod na lang ang tingin niya rito. Nang matapos ang ginagawa nito muli itong bumaling sa kanya.
            "Para kang Biyernes Santo, Hyde. Ilang linggo na `yan ah." Nag-anyo itong nag-iisip. "Mali. Isang buwan na `yan. Sino ba ang iniisip mo?"
            Hindi siya sumagot. Tumayo siya mula sa kinauupuan saka lumapit sa damit na natipuhan niya. Kukunin na sana niya iyon ng mahawakan iyon ng isang costumer. Dahilan para mahawakan niya ang kamay nito.
            Napatingin siya roon saka mabilis na binawi ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay nito. Paanong hindi niya iyon gagawin? Ang taong nahawakan niya ang kamay ay walang iba kundi si Jake. Seryoso ang tingin nito sa kanya at matiim iyon.
            Nag-iwas siya ng tingin. Iiwanan na sana niya ito ng hawakan siya nito sa braso. Napatingin siya rito.
            "Pwede ba tayong mag-usap, Hyde."
            "Wala nama tayong dapat na pag-usapan."
            "Meron."
            "Wa.."
            Natigil siya sa pagsasalita ng makita ang taong nakatayo sa likuran ni Jake. Seryoso rin ang tingin nito saka bumaba iyon sa kamay ni Jake na hawak ang braso niya.
            "Anong pag-uusapan n'yong dalawa, Jacinto?" Seryosong tanong nito.
            Napabaling naman dito si Jake.
            "Wala kang pakialam sa pag-uusapan namin, Dela Cruz."
            "Ako ang kailangang makausap ni Hyde." Ani Devin.
            Hindi maipagkakaila sa dalawa ang animosidad. Kitang-kita iyon sa paraan ng pagtitig ng mga ito sa isa't-isa. Bukod pa roon parang anumang oras ay mag-ka-clash ang mga ito.
            "Wala tayong dapat pag-usapan, Jake, Devin. Wala ako sa mood para makipag-usap sa inyong dalawa." Sabi niya saka pumiksi mula sa pagkakahawak ni Jake.
            Narinig pa niya ang pagtawag sa kanya ng dalawa ngunit hindi na niya iyon pinansin. Diretso siyang nagtungo sa kinaroroonan ni Marty na parang tuod na nakatayo sa isang tabi habang hawak ang nabili.
            "Tara Marty. Alis na tayo dito."
            "Bakit nandito silang dalawa?" Usisa nito.
            "Hindi ko alam." Aniya. "Wala akong pakialam sa kanila."
            "Pero.. Hyde. Baka mag-clash ang dalawang `yan." Nag-aalalang sabi nito.
            "Hayaan mo na sila."
            "Pero.." anito na hindi mapakali     
            "`Wag na natin silang pagka-abalahan pa, Marty. Alis na tayo."
            "Sige." Napipilitan nitong sabi.
            Lumabas na sila ng boutique na iyon saka naglakad palabas ng mall. Kahit na wala na sa paningin niya ang dalawa. Inaamin ni Hyde na nag-aalala rin siya sa posibleng mangyari. Baka nga mag-away talaga ang mga ito at magkagulo.
            Napahinto siya na nagpahinto naman kay Marty.
            "Hyde."
            "Babalik ako." Aniya.
            "Ikaw ang bahala."
            Hindi niya kaya na may masaktan ang mga ito dahil sa kanya. Ayaw niya ng ganoon.
            Malapit na siya sa boutique nang makita niya sina Devin at Jake na palabas ng mall. Sinundan niya ang mga ito ngunit agad na nawala sa kanyang paningin ang mga ito. Dahilan para hanapin pa niya hanggang sa mauwi siya sa parking lot ng mall at doon niya nakita ang dalawa.


PARANG EKSENA lang sa isang pelikula. Iyon ang naiisip ni Vix habang nakatingin siya sa partikular na tatlong tao sa loob ng boutique na iyon. Eksaktong-eksakto pa ang pwesto ng mga ito para makita niya mula sa kanyang kinauupuan.
            Sabihin na niyang naiinggit siya kay Hyde, okay lang. Alam naman niya kasi na anumang oras ay may mangyayaring away sa pagitan ni Devin at jake, at siyempre si Hyde ang dahilan niyon na plinano naman niya. Well. Pinadalhan lang naman niya ng mensahe sina Jake at Devin, sinabi niya sa mga ito na nasa isang boutique si Hyde sa loob ng mall na kinaroroonan nila.
            Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang labi ng basta na lang umalis si Hyde. Iniwanan nito ang dalawang lalaki na tinatawag pa ito. Napatayo naman siya sa kinauupuan nang umalis si Jake at Devin na magkasunod. Sinundan niya ang mga ito. Tiniyak niya na may distansya siya mula sa mga ito para hindi siya mapansin.
            Nauwi ang dalawa sa parking lot ng mall na iyon. Nagtago naman siya sa iang puno na sapat ang layo mula sa mga ito. Sayang nga lang at hindi niya maririnig ang pag-uusapan ng mga ito.
            Mula sa pagtingin sa dalawa, napatingin siya sa taong bagong dating, si Hyde iyon.
            Gusto niyang tumawa ngunit pinigilan niya.
            Simula na ng away!


GALIT. PAGKABWISIT. Iyon lang naman ang dalawang namamayani sa isipan ni Jake habang nakatingin sa likuran ni Devin na nauunang naglalakad sa kanya. Hindi man silang mag-usap ng dalawa ngunit mararamdaman ang animosidad nila para sa isa't-isa.
            Kakausapin niya sana si Hyde ng bigla naman dumating ang karibal niya. Heck! Ang isang buwan na hindi pagkausap sa kanya ni Hyde ay tila isang taon na nakalayo siya rito. As if na pinapansin siya ng taong mahal niya.
            Ang buong akala kasi ni Jake, pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa, kahit na nainis sa kanya si Hyde ay mag-uusap at ituturing na siya nitong kaibigan kahit na sabihin pang pinapadama niya palagi kay Hyde kung ano ito sa kanya. Pero hindi nangyari ang inaasahan niya.
            Kaya heto. Kahit na hindi siya kumbinsido mula sa text message na natanggap niya ay nag-take pa rin siya ng risk at pumunta sa mall na ito. Nakita niya nga si Hyde, kasama si Marty sa isang boutique pero dumating naman si Devin.
            Mula sa paglalakad, nauwi sila ni Devin sa parking lot ng mall.
            "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Jacinto. Ginagawa mo ba ang mga bagay na ito para gumanti sa akin?"
            Tiningnan niya ito ng masama saka umangat ang sulok ng labi niya. Nang-uuyam siyang ngumiti sa sinabi nito.
            "Bakit ako gaganti sa `yo, Dela Cruz? Hindi ko `to ginagawa para gantihan ka o maging epal sa inyo ni Hyde. Wala akong paki sa `yo. Ginagawa ko `to dahil mahalaga at mahal ko si Hyde."
            Tumiim ang bagang nito. Tinitigan siya ng matiim. Nakita rin ni Jake ang pagkuyom ng kamao nito sa sinabi niya.
            "Sigurado ka ba? Sa abot kasi ng pagkakaalam ko, lahat ng bagay na alam mong may gusto ako ay inaagaw mo."
            Hindi siya tumanggi sa paratang nito dahil sa ilang bagay ay totoo iyon pero hindi ngayon dahil wala na siyang pakialam sa mga nangyari noon.
            "Totoo iyon. Pero dati. Nakalimutan ko na ang mga bagay na nangyari noon, Dela Cruz. I'm doing this not for you but for myself. Mahal ko si Hyde kaya gagawin ko ang lahat para makuha siya kahit na masaktan pa kita." He said. Kahit hindi nakikita ni Devin ang kanyang mukha, alam niya na makikita ang kaseryosohan doon. Ang pagiging totoo.
            "Mahal mo siya?" Anito saka umiling-iling. "Paano mo nasabing mahal mo siya? Hindi ka nga marunong magpahalaga sa mga tao sa paligid mo. You let people in your life go. Wala ka ngang pakialam kahit na nakakasakit ka na, eh. Paano mo nasabi na mahal mo si Hyde?!" Pasigaw na patanong nito.
            Namumula na rin ang mukha ni Devin dahil sa galit sa kanya. Katulad niya, mestiso rin ito. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil..
            "Dahil iyon ang nararamdaman ko, Dela Cruz. Iyon ang nararamdaman ng puso ko. My heart fluttered everytime I saw him. Parang butterfly garden din ang sikmura ko kapag sa paligid lang siya. I'm happy when I see him. He makes me smile everytime I think of him."
            "Gago ka! Bakit sa dami ng pwedeng mahalin ang taong mahal ko pa? Hindi ka ba talaga titigil na kompentensiyahin ako, ah, Jacinto?"
            Nagulat si Jake ng basta na lang itong sumugod. Hinawakan ang kwelyuhan niya saka siya pinasandal sa kotseng nandodoon. Akmang susuntukin siya nito nang matigilan ito saka umiling-iling.
            "Gago ka Jacinto. Gago ka!" Anito. Bumalasik ang anyo. Reaksyon na kalimitan niyang nakikita mula rito. Kasunod niyon ay isang malakas na suntok ang ibinigay sa kanya.
            Sa ginawa nitong iyon ay na-trigger ang galit niya. Galit na kanina pa niya nararamdaman. Hinawakan niya rin ang kwelyo ng suot nitong damit saka itinulak palayo sa kanya. Sunod na ginawa niya ay binigyan ito ng malakas na suntok. Nagpalitan sila ng suntok hanggang sa maramdaman niya ang sakit sa kanyang mukha at sa ibang parte ng katawan tuwing nadadapuan ng suntok ang mga iyon.
            Devin was a good fighter. Simula pa noong mga bata na sila ay ito na ang matindi niyang katunggali. Kasabay niya ito noon na nag-aral ng self defense kasama sina Dominic at Rubius. Their good relationship ended when he heard things that he should not know. Ang inggit na nadarama niya rito noon ay may dahilan pala.


SA PALITAN pa lang ng tingin, malalaman mo na na matindi ang animosidad nila sa isa't-sa. Iyon ang mapapansin at makikita sa kanila ni jake kahit na hindi sila nag-uusap. Tingin pa lang alam na na hindi sila in good terms. Nang umalis si Hyde at maiwanan silang dalawa ni Jake ay kinausap ito ni Devin sa tingin saka siya naunang naglakad palabas ng boutique na iyon. Ang totoo ay hindi alam ni Devin kung saan siya pupunta para makausap ng sarilinan si Jake hanggang sa humantong siya sa parking lot at doon huminto.
            Bago siya magtungo sa mall na ito. Nagdadalawang isip si Devin kung pupunta nga ba siya o hindi. Paano naman kasi nakatanggap lang siya ng isang mensahe mula sa unknown number na nagsasabing sa mall na iyon si Hyde kasama si Marty. Pero nag-take pa rin siya ng risk dahil wala namang mawawala sa kanya kahit na gawin niya iyon. Isa pa, ang isang buwan na hindi pagpansin at pagkausap sa kanya ni Hyde ay parang torture sa kanya. Slowly its killing him. Alam niya na kasalanan niya ang lahat kaya nag-e-effort siya na makausap ito pero wala. At pagdating nga niya sa boutique na iyon ay naunahan naman siya ni Jake.
            At ito na nga.. Magkaharap na sila sa parking lot. Anumang oras ay magsusuntukan.
            "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Jacinto. Ginagawa mo ba ang mga bagay na ito para gumanti sa akin?" Umpisa niya.
            Tiningnan siya nito ng masama saka umangat ang sulok ng labi. Nang-uuyam itong ngumiti sa sinabi niya.
            "Bakit ako gaganti sa `yo, Dela Cruz? Hindi ko `to ginagawa para gantihan ka o maging epal sa inyo ni Hyde. Wala akong paki sa `yo. Ginagawa ko `to dahil mahalaga at mahal ko si Hyde."
            Tumiim ang bagang niya. Tinitigan niya ito ng matiim. Mariin ang ginawa niyang pagkuyom sa kamao niya. Nagsalita siya.
            "Sigurado ka ba? Sa abot kasi ng pagkakaalam ko, lahat ng bagay na alam mong may gusto ako ay inaagaw mo."
            Hindi ito tumanggi sa paratang niya. Alam naman kasi nilang pareho na simula ng bata pa sila, lahat ng bagay na meron siya ay inaagaw nito sa kanya. Simula sa simpleng laruan hanggang sa ilang bagay.
            "Totoo iyon. Pero dati. Nakalimutan ko na ang mga bagay na nangyari noon, Dela Cruz. I'm doing this not for you but for myself. Mahal ko si Hyde kaya gagawin ko ang lahat para makuha siya kahit na masaktan pa kita." Jake said. Pumait ang panlasa ni Devin sa sinabi nito at sa nakikitang kaseryosohan sa mukha nito. Ang pagiging totoo.
            "Mahal mo siya?" Aniya saka umiling-iling. Pinaglalabanan ang katotohanan na sinabi nito. "Paano mo nasabing mahal mo siya? Hindi ka nga marunong magpahalaga sa mga tao sa paligid mo. You let people in your life go. Wala ka ngang pakialam kahit na nakakasakit ka na, eh. Paano mo nasabi na mahal mo si Hyde?!" Pasigaw na tanong niya.
            Alam ni Devin na namumula na rin ang mukha niya dahil sa galit.
            "Dahil iyon ang nararamdaman ko, Dela Cruz. Iyon ang nararamdaman ng puso ko. My heart fluttered everytime I saw him. Parang butterfly garden din ang sikmura ko kapag sa paligid lang siya. I'm happy when I see him. He makes me smile everytime I think of him."
            "Gago ka!" Outburst niya. "Bakit sa dami ng pwedeng mahalin ang taong mahal ko pa? Hindi ka ba talaga titigil na kompentensiyahin ako, ah, Jacinto?"
            Nagulat si Jake ng basta na lang niya itong sugurin. Hinawakan ang kwelyuhan ng suot nito saka pinasandal sa kotseng nandodoon. Pwersahan. Akmang susuntukin niya ito nang matigilan siya saka umiling-iling. Kahit papaano ay mahalaga sa kanya si Jake. Bestfriend niya ito noon. Kung hindi lang sana may nagbago dito. Kung hindi nlang sana naging masama ang pagtrato nito sa kanya.
            "Gago ka Jacinto. Gago ka!" Aniya. Bumalasik ang kanyang anyo. Reaksyon na kalimitang makikita mula sa kanya. Ang masasayang bagay na magkasama sila ay napalitan ng isang bagay na ginawa nitong ikanagalit niya. Kasunod niyon ay isang malakas na suntok ang ibinigay niya rito.
            Sa ginawa niyang iyon ay na-trigger ang galit nito. Galit na kanina pa nito nararamdaman. Hinawakan rin nito ang kwelyhan ng suot niyang damit saka siya itinulak palayo. Sunod na ginawa, binigyan siya nito ng malakas na suntok. Nagpalitan sila ng suntok hanggang sa maramdaman niya ang sakit sa kanyang mukha at sa ibang parte ng katawan tuwing nadadapuan ng suntok ang mga iyon.
            "Gago ka talaga Jacinto!" Sigaw niya habang nagpapalitan sila ng suntukan.
            "Mas gago ka Dela Cruz! Wala akong pakialam sa `yo. Wala akong pakialam sa nararamdaman mo para kay Hyde dahil ako at siya lang ang mahalaga. Wala itong kinalaman sa `yo!"
            Nakita ni Devin ang kaseryosohan sa mukha ni Jake. Labis iyon nagpangitngit sa kanya. Hindi nga ito nagbibiro. Hindi ito dahil sa kanya at sa nakaraan nila. Hindi sa dating siya at dating si Jake.
            "Mahal mo siya? Mahalaga siya sa `yo? Kung totoo iyon dapat lumaban ka ng patas! Hindi kung kailan wala ako sa tabi niya saka ka kikilos na parang daga! You should fight fairly, Jacinto."
            Napapalatak ito saka pinunasan ng likod ng kamay ang dugo sa labi nito at dumura.
            "Oo! Mahal ko si Hyde! Mahal na mahal ko si Hyde, Dela Cruz. He's everything to me. Ngayon ko lang nadama ang ganitong kasidhi na pakiramdam. Sa kanya lang!"
            Sinugod niya ito saka sinuntok. "If you really love him, fight me fairly."
            Nailagan nito ang suntok niya. Ito naman ang sumuntok sa kanya na hindi niya agad nailagan. Natamaan siya sa gilid ng labi saka dumura. Kulay pula iyon, dugo.
            "How can I fight you fairly? Paano?! Kung hindi pa nga ako kumikilos, basted na agad ako."
            "Then you should quit!" Agad niyang sabi.
            Alam ni Devin na kahit ganoon ang sabihin niya ay hindi ito makikinig sa kanya.
            Umiling-iling ito. "I won't do that. I won't give up. Mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako."
            "Ako ang mahal niya!" Matapang niyang lahad.
            Natawa ito. Tawa na parang anumang oras ay mauuwi sa iyak.
            "Mahal ako ni Hyde!" Matatag na sabi nito. "Mahal niya ako."
            "Kailan ka pa naging assuming? Kailan pa?"
            "Mahal niya ako." Sabi nito na tila hindi siya narinig. "Ipaglalaban ko siya sa `yo Dela Cruz."
            "Ako ang mahal niya."
            Kinuwelyuhan siya nito. Kinwelyuhan niya rin ito. They are both ready to punch each others face when they heard a familiar voice. Sabay silang napabaling dito ni Jake.


"TAMA NA `YAN."
            Ang pagsigaw ng malakas ang tanging nagawa ni Hyde para patigilin ang dalawang tao sa pagsasakitan. Natigil naman ang mga ito saka parehong napabaling sa kanya. Naglayo at nakatitig lang sa kanya.
            Kitang-kita niya ang pasa sa mukha ng mga ito na ang mga ito ang dulot sa isa't-isa. Dahil sa kanya kaya nag-away ang mga ito.
            Napaiyak na siya habang nakatitig lang sa mga ito.
            Kanina, nang makarating siya sa parking lot ay tila tuod siya na natulos sa kinatatayuan sa nasaksihan at sa mga narinig. May ugnayan ang dalawa noon pa at iyon ang pinanggagalingan ng mga ito bukod sa kanya na siya ang nag-trigger.
            Ang mga luha niya ay walang tigil sa pag-agos. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Guilty. Siya ang guilty sa nakikita sa pasa ng mga ito. Ang sakit sa kanya na makitang nagkakakitan ito dahil sa kanya. Wala naman ibang pwedeng sisihin kundi siya lang.
            Akmang lalapit sa kanya ang mga ito nang umurong siya. Natigil ang mga ito.
            "Hyde."
            "Hyde."           
            Halos sabay na tawag ng mga ito sa kanya. Aaminin ni Hyde na na-miss niya ang presensiya ni Devin. Pati si Jake ay ganoon din. Pero sa mga nakita niya. Mas gusto na niyang lumayo sa mga ito ng tuluyan para walang gulo na mangyari.
            Tinalikuran niya ang mga ito saka dire-diretsong naglakad palayo. Natigil lang siya ng may yumakap ng mahigpit sa kanya mula sa likuran.
            "I'm sorry, Hyde." Sabi nito. "I'm sorry."
            "Jake.."
            "Hyde.."
            Sabi naman ni Devin. Nang kumalas siya at harapin ang mga ito. Parehong may lungkot sa mukha nito. Pagkatalo ang makikita sa mukha.
            "I'm sorry Hyde." Ani ni Devin.
            "I'm sorry Hyde." Ani ni Jake.
            "Hindi na mauulit ito." Sabi ni Devin saka pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi nito.
            "Patawarin mo kami. Patawad." Sabi naman ni Jake.
            Hindi nagsalita si Hyde. Palipat-lipat lang ng tingin sa mga ito.


CHAPTER SEVENTEEN

NAKATINGIN LANG si Hyde sa dalawa. Parehong may pasa ang mukha, may distansya ang mga ito sa isa't-isa ngunit hindi pa rin maipagkakaila ang animosidad sa mga ito. Nang hindi siya magsalita kanina sa parking lot ay hinawakan siya ng dalawa sa magkabilang kamay saka inakay sa parke na malapit sa mall na iyon.
            "Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon, Hyde." Ani Devin.
            "Payagan mo na rin akong ligawan kita Hyde." Sabi naman ni Jake.
            Hindi pa rin siya nagsalita.
            "Hindi na mauulit ang nangyari Hyde," ani Devin. Lumipat ang tingin nito kay Jake na nakahawak sa mukha niya. Pinupunasan ang luha na naglandas sa pisngi niya.
            "Yeah. Fighting with him won't happen again, Hyde. Alam namin na ikaw ang masasaktan kung gagawin `yon namin ulit."
            "I won't promise anything," sabi naman ni Devin saka siya tinabihan at inakbayan.
            Hindi pa rin nagma-malfunction ang utak ni Hyde sa mga nangyari. Para lang siyang manikang de susi na tumango sa mga sinasabi ng mga ito. Nang mahanap niya ang tamang salita na sasabihin saka pa lang siya nagsalita.
            "Siguraduhin n'yo na hindi na ito mauulit, Devin, Jake. Huwag kayong gagawa ng bagay na alam n'yong ikapapahamak n'yo lalo na at wala namang kabuluhan iyon."
            Magsasalita sana si Devin ngunit inunahan niya ito.
            "Lets go back to square one."
            "Hyde.."
            "I wanted to be fair. Gusto ko na.."
            "I understand." Anito.
            Kimi niya itong nginitian saka bumaling kay Jake.
            "Pumapayag na ako."
            Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito. "Really? Pumapayag ka na?"
            Tumango siya. "Oo. Pumapayag na akong ligawan mo."
            Hindi nagsalita si Jake. Ang ginawa nito, kinabig siya at niyakap nang mahigpit.
            "Salamat Hyde. Salamat."
            Gumanti siya sa mahigpit na yakap nito. Naghiwalay lang sila ng marinig ang malakas na pagtikhim ni Devin. Nagharap ang dalawa. Nagtinginan. Waring nagsusukatan saka inilahad ni Devin ang kamay nito. Mabilis naman iyong inabot ni Jake.
            "May the best man win." Sabi ni Devin.
            "May the best man win," gagad ni Jake.


"PESTE!"
            Nanggagalaiti sa galit si Vix habang nakatingin sa magkadaop na palad ni Jake at Devin. Bakit ganoon? Bakit lahat ng gawin niya ay parang nababaliktad? Imbes na magkagalit pa ng lalo ang dalawa ay tila nagkasundo pa ito at nagkaroon ng agreement. Sayang lang talaga at hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito.
            Naningkit ang mga mata niya nang mapatingin sa pwesto ni Hyde na tila nabatubalani sa nasaksihan nito. Waring hindi rin nito inaasahan iyon ngunit makikita naman sa mukha nito ang kasiyahan.
            Pareho na bang manliligaw ang dalawa kay Hyde? Pareho bang i-entertain nito ang dalawa at maiiwang sawi ang isa? Paano ba nagawa ng Hyde na iyon na magustuhan ng dalawang lalaki na pinapahalagahan niya? Paano ba nangyari ang bagay na ito?
            Parang mababaliw si Vix sa kaiisip ng mga katanungan sa isipan niya. Hindi niya maarok ang mga pangyayari dahil taliwas iyon sa inaasahan niya. Napapadyak siya sa inis saka naglakad palayo sa mga ito.
            Nakasalubong niya ang pamilyar na tao. Tiningnan niya ito ng masama. Parang makahiya na yumuko ito. Nang magkalapit na sila. Hinawakan niya ang braso nito na hindi maipagkakaila ang panginginig.
            "Tell your friend to take care, nerd. May mangyayari pa."
            Nang hindi ito magsalita, binitawan niya ito saka lumayo rito. Humanda ang Hyde na iyon! Pati si Jake at Devin ay idadamay na niya. Humanda ang mga ito!


NANG BITAWAN ng taong nakasalubong niya ang kanyang braso, saka pa lamang nakahinga ng maluwag si Marty. Nakakatakot ang presensiya ng taong iyon na namumukhaan niya ngunit hindi niya alam ang pangalan. Ang mas nakapagbigay pa sa kanya ng takot ay ang ibinulong nito.
            Sinong kaibigan ang sinasabi nito? Kahit na nerd siyang maituturing ay mayroon naman siyang kaibigan. Nadagdagan pa nga iyon sa pagdating ni Hyde sa buhay niya. Kahit na ganito siya may mga kaibigan siya sa labas nga lang ng school.
            Kanina pa si Marty paikot-ikot sa loob ng mall. Nagbabakasakali na mahahanap si Hyde na basta na lang siyang iniwan. Hindi masyadong gumagana ang inaamag niyang utak dahil sa pag-aalala sa kaibigan. Idagdag pa doon ang nalalapit na pagpunta niya sa isang party na dadaluhan niya ng walang kasama.
            Dumiretso lang siya ng tinatahak hanggang sa makaabot si Marty sa isang parke na hindi nalalayo sa mall na iyon. Napahinto siya nang makita si Hyde kasama ang dalawang may gusto dito. Ang dalawang lalaki na sikat sa magkaibang paraan sa kanilang school.
            Nagdalawang isip siya kung tutuloy pa o aalis na. Pinili niya ang una saka dahan-dahan na nagtungo sa kinaroroonan ng mga ito. Nang makita siya ni Hyde ay lumapit ito sa kanya.
            "Anong nangyari?" Usisa niya.
            "Magkasundo na sila, for now." Makahulugan nitong sabi.
            "Umiyak ka ba Hyde?"
            Tumango ito saka siya hinila palapit sa dalawang lalaki na nakaupo sa bench. May ilang agwat sa pagitan at hindi nagpapansinan. Hindi na siya nakakadama ng takot kapag kaharap si Jake dahil alam niya ang kapasidad nito. Bully, oo. Astigin, oo. Pero hindi ito aabot sa pananakit ng kapwa na walang dahilan. Dinadaan lang nito iyon sa sindak para makuha ang gusto nito.
            Nginitian naman niya si Devin na gumanti naman. Si Devin, kahit na hindi sila nag-uusap ng personal ay madalas naman niyang kausap sa FB o kaya sa text dahil kay Hyde.
            Masaya si Marty para sa mga ito ngunit hindi niya maiwasan ang malungkot dahil masaklap ang kalakaran ng mundo pagdating sa pag-ibig. May sumasaya, may nalulungkot. May nabibigo, may nagtatagumpay.


DALAWANG ARAW na ang nakakaraan mula ng mangyari ang suntukan sa pagitan ni Devin at ni jake ngunit hanggang ngayon ay hindi maipagkakaila ang kaba na nararamdaman niya para sa sarili at sa kahahantungan ng desisyon ni Hyde na payagan mangligaw si Jake dito.
            Simula pa kasi n'ung una ay lumalabas ang insecurity niya sa katawan kapag si Jake ang nasa landas. Oo. Sasabihin ng iba na masyado naman siyang takot samantalang nasa kanya na ang lahat. Matalino, gwapo at gusto ng mga tao maliban sa hindi siya mayaman. Pero hindi niya alam sa sarili kung bakit ba siya insecure kay Jake. Siguro, dahil na rin iyon sa kaalaman na kapantay niya lang si Jake sa maraming bagay kahit na mas angat ito sa kayamanan.
            Ang gulo lang niya.
            "Palagi kang tahimik." Puna sa kanya ni Theo na katabi niyang nakaupo sa sofa. Nasa loob sila ng music room. Walang practice pero doon nila piniling tumambay na dalawa.
            "Just thinking of something," tipid niyang sagot.
            "Something o someone?"
            "Pareho."
            "Si Hyde ba?"
            Umiling siya. "Hindi. Hindi si Hyde."
            Nagulat ito. "Sino kung hindi si Hyde?" Bahagyang nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala. "`Wag mong sabihin sa `kin na meron ka ng ibang gusto."
            "Wala. Si Hyde lang ang gusto ko."
            "Then kung si Hyde lang ang gusto mo, sino ang iniisip mo?"
            "Si Jake."
            "What?!" Gulat na sabi nito. "Bakit mo naiisip ang kababata mong iyon?"
            "Hindi ko lang siya basta kababata, Theo. Alam mo na bestfriend ko siya."
            "Bestfriend na naging best of enemy mo sa unknown na dahilan."
            Napapikit siya saka sumandal sa upuan. Tama si Theo. Unknown na dahilan kung bakit bigla na lang si Jake tumiwalag sa pagkakaibigan nila. Hanggang ngayon ay hanging question pa rin iyon.
            "Nanliligaw na siya kay Hyde."
            "What?! Ano ba ang nangyayari? Paanong nanliligaw siya?"
            "Nagsuntukan kami noong isang araw."
            "Ah. Iyon pala ang dahilan kaya ka nagkapasa ng marami." Ani Theo.
            Nang makita siya nito at ng iba niyang kabanda ay nagulat ang mga ito sa nakitang hitsura niya. Oo. Tama si Theo. Marami nga siyang pasa at kailangan pa niyang maglagay ng band aid sa taas ng kanang mata para matakpan ang sugat niya na nandodoon.
            "Pinayagan na siya ni Hyde. Ayoko sana pero wala naman na akong magawa. Buong-buo na bumangon ang insecurity ko sa pag-eksena niya, Theo."
            "Masaklap. Kaya palagi ka na lang tahimik."
            Natigil sila sa pag-uusap ni Theo nang marinig nila ang pag-ingit ng pintuan kasunod ang pagbukas niyon. Pumasok si Brax at Vienne.
            Nag-uusap ang mga ito. Pareho pang nagulat ang mga ito ng makita silang dalawa ni Theo sa loob. Nitong nakaraan, napansin niya ang pagbabago sa mga ito. Hindi naman siya nag-uusisa dahil abala rin siya sa mga bagay-bagay sa kanyang sarili. Umalis na rin si Coby at nagtungo sa ibang bansa. Marami ang naging kaganapan sa kanilang buhay-buhay ngunit mas nagfo-focus siya sa kanyang sarili lalo na at nababahala siya na pantay na lang sila ni Jake para kay Hyde.
            Nag-usap sila. Ngunit wala naman doon ang loob ni Devin.
            "May problema ka ba, Devin?" Tanong ni Vienne sa kanya.
            "Wala naman. Stress lang sa mga activities sa school at sa mga exam na darating." Pagdadahilan niya.
            "Sus. Kaya mo kaya `yon, Devin," pangbo-boost sa kanya ni Theo na waring hindi alam ang totoo niyang pinagdadaanan
            "Dito muna kaming dalawa ni Vienne, ah." Sabi ni Brax.
            "No problemo!" Sabay na sabi nila. Pinilit ni Devin ang maging masigla para hindi na mag-usisa pa ang mga ito.
            "Aalis na rin kami at may pasok pa." Aniya.
            Tinanguan silang dalawa ng mga ito. Magkasabay na lumabas sila ni Theo sa music room.
            "Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan." Ani Theo.
            Bumuntung-hininga siya. "Masyado lang kasing.." hindi na niga naituloy ang sasabihin ng maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya na nasa bulsa ng suot niyang slacks.
            He read the message.
            Fact: Ur not Hyde's first kiss. Jake is da one.
            Napakunot ang noo niya.
            "Ano `yan?" Usisa ni Theo.
            Pinakita niya rito ang mensahe.
            "Fact. You're not Hyde's first kiss, Jake is the one." Pagbasa nito. "Sino `to?"
            "Hindi ko alam. Pero sa ginawa ng sender na `yan. Damn! Bwisit! Hindi ko maiwasan ang magselos. Bakit ganoon? Ang sakit lang.."
            "I-re-reply ko `to," anito.
            "Ikaw ang bahala."
            Pagkatapos ma-send ni Theo ang mensahe na iyon, naghintay sila ng ilang minuto.
            A concern person.
            Napapalatak si Theo. "Para naman `tong gago. Matagal na bang may nagpapadala sa `yo ng mga ganyan?"
            Tumango siya. "Oo. Siya rin ang nag-text sa akin na sa mall si Hyde n'ung isang araw at iyon nga."
            "May masamang motibo ito."
            "I guess so but a reliable one."
            "Don't entertain this kind of shit, Devs."
            Tumango na lang siya. Gusto niyang pumunta sa rooftop para doon magpahangin at i-cool down ang sarili.


ANG BALAK sanang pagpunta ni Devin sa rooftop ay naudlot nang makasalubong niya si Hyde sa hallway ng school building nila. Awtomatiko siyang napahinto saka tinitigan lang ito. Ngumiti ito sa kanya na nagdulot ng pakiramdam na ito lang ang nakapagbibigay. At ang ngiti sa labi nito ay tila sikat ng araw na nagpapaliwanag sa pagkatao niya. Tila nawala ang selos at tampo na nararamdaman niya kanina.
            "Devin." Tawag nito sa kanya.
            "Hyde." Tanging nasabi niya.
            Ang ngiting binibigay nito sa kanya ay sadyang totoo. Hindi iyon pekeng ngiti. Na-miss niya si Hyde nang sobra. Ang isang buwan na hindi nito pagpansin at pambabalewala sa kanya ay nagdulot sa kanya ng kalungkutan. Kaya nga n'ung makatanggap siya ng mensahe ay agad niya itong pinuntahan sa mall para samantalahin ang pagkakataon. Iyon nga lang iba ang nangyari.
            "Mag-usap tayo," anito.
            "Tungkol saan?"
            Sa halip na sagutin ang tanong niya, hinila siya nito. Nauwi silang dalawa sa open field kung saan may benches na nasa ilalim ng magkakahanay na malalaking puno ng acacia.
            "Tungkol sa mga nangyari sa `yo sa loob ng isang buwan na hindi ko pagpansin sa `yo."
            He smile and caress his cheeks using his right hand. "Na-miss kita ng sobra Hyde. Guilty, nakokonsensya at malungkot ako sa mga nasabi ko sa `yo n'ung araw na iyon. I'm sorry about that."
            "Napatawad na kita. Matagal na."
            "Pero bakit hindi mo ako pinapansin? `Yong mga text at tawag ko binabalewala mo."
            Nag-iwas ito ng tingin. "May mga bagay lang akong kailangan na siguraduhin sa sarili ko, Devin."
            "Ano ang mga iyon?"
            Umiling ito. Binawi naman niya ang kamay na nakahawak sa pisngi nito.
            "Hindi ko pwedeng sabihin."
            "Ikaw ang bahala. Also, Hyde, thank you sa pagtulong mo sa pamilya ko. Talagang pumunta pa ang mga kuya mo sa ospital para personal na maabot ang tulong."
            "Mahalaga ka sa akin kaya gagawin ko `yon para sa `yo."
            "Importante ka rin naman sa akin. Sobra. Kaso nga lang.."
            "Iyon naman ang mas mabisang paraan, hindi ba, Devin? Kailangan na maging fair kayo ni Jake sa isa't-isa. Oo, inaamin ko na n'ung una talagang gusto ko na na maging tayo. Pero pagkatapos ng mga nangyari, na-realize ko na mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko. Ayokong ma-disappoint si mama pati si kuya."
            "Pero pinayagan mo kaming ligawan ka."
            "Para huwag na kayong mag-away."
            "Kung mahalaga ako sa `yo. Ano sa `yo si Jake kung ganoon?"
            Yumuko ito na ikinagulat niya.
            "Don't tell me.."
            "Mali ang iniisip mo, Devin."
            "Mahalaga ako pero si Jake ang.."
            "Sa totoo lang naguguluhan ako, Devin. Magkapantay na lang kayo ni jake para sa akin eh. Mahalaga siya katulad mo. Akala ko dati, galit ako sa kanya pero sa likod pala ng galit na `yon `yong pagpapahalaga. Hindi ko alam kung.."
            "I understand." He said then smile. Hinawakan niya ang mukha nito saka hinarap sa kanya. Tinitigan niya ito sa mata. "Mahal kita kaya gagawin ko ang lahat para makuha ng buo ang puso mo. Para muling tumibok `yan ng mabilis dahil sa akin."
            Niyakap lang siya ni Hyde na ginantihan naman niya. Malungkot. Oo. Nanghihinayang, oo. Ngunit gaya ng sabi niya, gagawin niya ang lahat para maging sa kanya ang taong mahal niya.


KAHIT PAPAANO ay nakahinga nang maluwang si Hyde pagkatapos niyang kausapin si Devin. Plano naman talaga niyang kausapin ito kaso naging mas maaga iyon dahil sa wala ang professor nila para sa susunod na subject. Pagkatapos nilang mag-usap ni Devin ay hinatid pa siya nito sa classroom nila. Ang susunod naman niyang gagawin ay kausapin si Jake. Si Jake na singhalaga na ni Devin sa puso niya.
            Hindi niya alam kung posible ba ang ganitong pakiramdam. Ang pahalagahan ang dalawang tao na may gusto sa iyo ng sabay. Pakiramdam nga ni Hyde ay abnormal na siya dahil kapag nasa paligid ang dalawa ay tumitibok ng napakabilis ang puso niya.
            "Nakausap mo na ba?" Tanong ni Marty nang makalapit siya rito.
            Tumango si Hyde saka umupo sa upuan na katabi ng upuan nito. Hindi pa siya nagtatagal doon ay dumating naman si Jake. Nakangiti ito nang maluwang, may dalang pagkain. Umupo ito sa bakanteng upuan na nasa tabi ng kanya.
            "Para sa `yo, Hyde."
            Inilapag ni Jake ang mga iyon sa desk ng inuupuan niya. Kung dati ay sinisimangutan niya ito ngayon ay isang ngiti ang ibinigay niya.
            "Salamat."
            "Paborito mo `yan." Proud na sabi nito.
            Kumunot ang noo niya saka tiningnan kung ano iyon. Tama nga ito. Paborito niya ngang pagkain ang dala nito sa kanya.
            "Pwede ba kitang mayaya mamaya, Hyde?"
            Mula sa pagtingin sa pagkain, bumaling siya rito.
            "Saan tayo pupunta?"
            "Date."
            Gustuhin mang sumama ni Hyde naisip niya na may gagawin siya sa kanilang bahay mamaya kaya kailangan niya umuwi ng maaga.
            "Hindi ako makakasama."
            Lumungkot ang anyo nito. "Ganoon ba. Hatid na lang kita sa inyo."
            Marahan siyang umiling. "Hindi pwede."
            "Bakit?"
            "Gusto kong maging fair sa inyong dalawa ni Devin."
            "Paanong maging fair?"
            "Nakapunta ka na sa bahay namin, Jake, samantalang si Devin hindi pa. Noon palagi siyang nagpiprisinta na ihatid ako pero hindi ko pinapayagan."
            Bumuntung-hininga na lang ito. "Okay. I understand. May iba namang pagkakataon."
            Nginitian niya lang ito. Sa totoo lang, naninibago si Hyde ng sobra sa pag-uugali ni jake noon pa. Nawala ang maangas na pagkatao nito na gagawin ang lahat ng gusto kahit na ayaw ng taong iyon. Napalitan iyon ng Jake na pasensiyoso at kayang maghintay.
            "Salamat."
            Natigil lang sila sa pag-uusap na dalawa nang dumating na ang professor nila para sa susunod na subject. Ang atensyon niya ay napako doon.
            "Okay class," simula ng babae nilang professor na si Mrs. Aguilar. "May activity tayong gagawin."
            Nagbulungan ang buong klase. Napatingin naman siya kay Marty. Si Marty kasi ang palagi niyang ka-grupo tuwing may ganoon na activity. Nginitian siya nito, waring alam na kung para saan iyon na tingin.
            Muli, napabaling siya sa teacher nila.
            "Well, class. Iba ito sa mga nauna niyong group activity. Dahil ngayon, pairing ang mangyayari. I'm also the one to assign your partner."
            Sa sinabi nitong iyon ay marami ang nanghinayang. Sanay na kasi sila na grupo palagi ang mga activity at sila-sila rin ang pumipili ng mga ka-grupo.
            Isa-sang tinawag ni Mrs. Aguilar ang mga pangalan ng clasmate niya. Alphabetical iyon hanggang sa dumako sa apleyido ni Marty.
            "Alonzo, Marty. Ang partner mo para sa activity na ito ay si Rubius Sarmiento."
            "What?!" Gulat na reaksyon ni Rubius. "Seriously, Ma'am?"
            "Oo, Mr. Sarmiento. Si Mr. Alonzo ang pair mo. May reklamo ka ba?"
            Sumimangot lang si Rubius saka tiningnan si Marty na napayuko na lang. Siniko niya ito para sabihin na okay lang iyon. Ngumiti lang ito.
            Sunod na pangalan na tinawag ng professor nila ang pangalan ni Dominic.
            "Alguerro, Dominic, si Jacinto ang pair.. ay teka, hindi pala si Lacsinto ang ka-partner mo. Ikaw naman Jacinto, si Ilagan ang ka-partner mo."
            Napatingin siya kay Jake na nakatingin pala sa kanya. Ngumiti ito. Waring sayang-saya sa naging desisyon ng teacher nila. At dahil sa ngiting iyon ay bumilis ang tibk ng puso niya.
            "Masaya ka yata," aniya. Mabuti na lang at hindi siya nag-stammer.
            "Oo naman. Ikaw ang ka-partner ko eh. Marami akong oras para maging sweet sa `yo."
            Napailing siya. "Huwag panliligaw ang atupagin mo, Jake. Ang magiging topic natin ang pagtuunan mo ng pansin."
            "Kasama na `yon doon." Hindi papatalong sabi nito.
            Napailing na lang siya na ikinangiti pa nito.

           
HINDI MAIWASAN ni Jake ang mapangiti nang maluwang sa mga nangyayari. Parang sugo ng langit ang professor nila na si Mrs. Aguilar sa naging desisyon nito na i-pair up siya kay Hyde. Ibig sabihin lang kasi niyon ay magkakaroon siya ng pagkakataon na mas makasama pa ito sa weekend lalo na at binigyan sila ni Mrs. Aguilar ng sapat na araw para gawin iyon. Nakakatuwa lang talaga.
            Pwede rin niyang yayain si Hyde sa bahay nila para gumawa niyon. Maipapakilala niya na rin ito sa mama niya. At kung maaari ay pwedeng siya ang yayain nito sa bahay nito para roon sila gumawa ng project nila.
            "Masaya ka ng sobra. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi mo, ah." Puna ni Rubius sa kanya.
            "Kahit kailan talaga may pagka-pakialamero ka."
            "Paanong hindi kita papakialaman. Nakakasilaw kaya ang ngiti mo."
            "Paanong hindi ako ngingiti ng ganito, si Hyde ang ka-partner ko."
            "So may ulterior motive ka pala." Ani Dominic.
            Nginisihan niya lang ang dalawa. "Magkakaroon ako ng sapat na oras para ligawan siya."
            "Sus. Kalandian ang iniisip mo imbes na `yong activity," napapalatak na wika ni Rubius.
            "Kailan ka pa naging KJ, Rubius?" Tanong dito ni Dominic.
            "Kanina pa lang. Ang pangit ng pair up na ginawa ni Ma'am Aguilar. Bakit si Marty pa ang kapartner ko? Marami namang iba."
            "Ikaw pa ang choosy, Marty." Aniya.
            "Ikaw pa talaga ang choosy," gagad ni Dominic. "Matalino kaya `yon."
            "Paki ko kung matalino siya. Hindi ako komportbale sa kanya."
            Tumawa lang siya pati si Dominic sa sinabi nito.
            "Basta ako, masaya. Si Hyde ang partner ko eh."

ITUTULOY…



10 comments:

  1. Yes! Finally binigyan nya na din ng chance si Jake para manligaw sa kanya!!! Ang saya lang sino kaya ang mag wawagi sa puso ni Hyde hmmmm...

    Nakakabwiset talaga tong Vix na to sarap ipa gang rape! Feeling ko may gusto si Rubius kay Marty hahaha feeling ko lang ah.

    Thanks mr.author sa update!!

    -44

    ReplyDelete
  2. Woah.. AYON NMAN PLA EE sa wakas dalawa na manliligaw ni Hyde ..Ang taray ng Lola nyo .. Haba ng hair tirentas Na yan bka maapakan.. Hahaha
    Ano shampoo mo Hyde tae ng manok hahahaha...

    Hahahahaha
    Author may tanong ako..

    Ung vhix ba yan ba yung gAmit na piΓ±a panapanghaplas kapag masakit ung tiyan.. Ung vhicks vaporub.. Waleyyyy..

    ReplyDelete
  3. Wala na yatang pag asa na maging de La Cruz si Hyde. Hhhu. Thanks sa update Mr. Vienne

    ReplyDelete
  4. EXCITING EXCITING EXCITING yun lang masasabi ko..haha

    Can't wait for the next EXCITING CHAPTER!

    ReplyDelete
  5. Hey, ang tagal ko ring di nagparamdam (walang may paki) haha.... Hoy Jake, wag kang sumuko, GO lang ng GO! Kaya mo yan, kakampi mo ako! Susuportahan ka namin!

    ReplyDelete
  6. πŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„
    Satisfied hehehe fair n ang laban hahhaha
    Lamat d UD.. 😁😁😁

    Shai

    ReplyDelete
  7. Naaasar pa rin talaga ako kay Hyde haha!

    Kailan kaya nag BS? Joke lang XD. Excited lang tlga ako sa BS ni Jake at Hyde kasi I'm sure it'll be wild. Joke lang C:

    ReplyDelete
  8. Kawawa nmm tlga si devin dela cruz pinaka gusto niyang tao eh mapupunta pa sa iba.....

    Cge Devin punta ka lng dito sa amin usap tyo.idaan natin sa inuman yan

    Jharz

    ReplyDelete
  9. Buti naman may chance na si Jake para makapangligaw kaso yang Vix na yan nakakainis na talaga di bale di naman siya basta-basta magtatagumpay. Author okay lang yun ika nga time heals all wounds.

    ReplyDelete
  10. I'm back!!! Namiss ko magbasa ng stories dito sa blog. Specially 'tong story na 'to. Katuwa naman at nasasama pa din pangalan ko sa ibang chapter.

    Hi, Vienne. Inumpisahan ko na ulit magbasa. Wehehehe

    -Vhian

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails