Followers

Tuesday, March 17, 2015

String from the Heart [15]




AUTHOR’S NOTE


Hello sa lahat! Heto na naman ako!

Salamat sa mga nagbasa at nagbigay ng comment sa Chapter14 ng String. `Wag po sana kayong magsawa na magkomento.

Papa Jc Sy (Haha. Dami kong tawa sa comment mo na na-i-imagine mo si SELENA na character ng MULA SA PUSO kay Vix. Haha. Ang saya rin basahin ng mahaba mong comment at `yong tungkol sa hotdog pillow. Kung wala sa blue magic, baka sa naglilibot at nagbebenta sa bahay-bahay ay makakita ka! Haha)
YeahitsJM (Tungki ng ilong. Hihi. Wala ka ngang naiwan na pangalan dun. BTW, sa comment mo, oo na hindi po ang masasabi ko. xD)
44 (Sabi ni Vix. Masamang damo raw siya. Matagal mamatay! Haha Dito natin malalaman kung magagalit ba si Devin kay Hyde.)
MegaYasutoshi (Haha. Asar ka ba kay Hyde? Ako medyo lang.)
Angel (Pakita ka na sakin sa FB. Lol (Namimilit). Malalim nga po ang alitan nila. Well, sa side lang naman yata ni Jake. Hindi ko lang alam.)
Toto Tancinco (Makakarating kay Clyde ang regards na yan. `Yong pangalan ng isang character ay tatlong letter lang ‘VIX’. Haha.. Masyado bang kontrabida ang peg niya?)
JEKJEK (Salamat sa comment. Sana masundan pa!)
SHAI (Sana ay hindi ka ma-bitin sa chapter na `to kahit maiksi nga siya.)
Jharz (Malalaman po natin `yon sa mga susunod na kabanata.)

Hello rin po pala sa mga co-RA’s ko. Kuya Carlos, Kuya Rye, Seyren, Prince Justin at sa iba pa. Salamat din kay Sir Mike at Kuya Ponse sa pribilihiyong ito!

At sana, hindi po kayo ma-OA-an sa chapter na ito. Lol Kayo na po ang bahalang humusga!

ENJOY!!

CHAPTER FIFTEEN

KAGABI PA natanggap ni Devin ang mensahe mula kay Hyde ngunit umaga na at lahat-lahat ay hindi niya magawang sagutin iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa mensahe na iyon. Paulit-ulit na binabasa na parang kinakabisa kahit na maiksi lang iyon.
            Devin, kumusta ka? Kumusta na ba kapatid mo?
            Sa text ni Hyde. Mahahalata na nag-aalala ito sa kanya pati sa kapatid niya. Masaya siya, oo, pero hindi maipagkakaila ang lungkot na nadarama niya lalo na kapag naaalala ang litrato na ipinadala sa kanya ng isang unknown number. Inaamin niya na may pagseselos siyang nadarama. Hindi naman yata maiiwasan iyon lalo na at mahal niya si Hyde. At hindi maganda ang ugnayan nila ni Jake.
            Mabuti na nga lang at nakaya niyang magtungo sa bahay ng mga ito kagabi. Lakas-loob nga lang. Kung paiiralin niya kasi ang hiya, wala siyang patutunguhan. Mabuti na iyon. Kailangan lang talaga niyang humingi ng tulong sa magulang ni Jake, hindi para sa kanya kundi sa kanyang kapatid.
            Tumayo siya mula sa hinihigaan saka wala sa sarili na nagtungo sa kusina. Nang makarating siya doon, nadismaya lang siya sa nakita. Disorganized. Iyon ang masasabi niya sa kusina niya. Hindi pa niya nahuhugasan ang mga pinagkainan at hindi pa niya nalilinis ang mesa na ginamit niya kagabi sa pagkain.
            Wala siya sa mood. Walang-wala.
            Napatingin siya sa hawak niyang cellphone ng tumunog iyon. Tiningnan niya kung kanino nanggaling ang mensahe. Galing iyon sa mama niya. Ito lang ang nag-iisang ka-text niya simula pa kagabi pagkatapos niyang magpa-load.
            Minomonitor pa rin ang platelet count ni Diane, anak.
            Hindi na muna siya nag-reply. Sa halip, ang ginawa niya ay inayos ang mga kalat sa kusina. Hindi siya ganito. Hindi siya burarang tao. Ngayon lang ito nangyari dahil sa mga bagay na bumabagabag sa kanya. Sa pamilya, kay Hyde. Idagdag pa ang problema sa school nila.
            Napatingin siya sa cellphone niya ng tumunog iyon.
            Si Theo ang tumatawag. Kinuha niya iyon saka sinagot ang tawag.
            "Napatawag ka Theo?"
            "Hindi ka raw pumasok ngayon." Anito.
            "Hindi nga."
            "Bakit?"
            "Hindi ko lang trip." Matamlay niyang sagot.
            "Mahirap `yan, Devin. N'ung dati, nang sagutin mo ako niyan, may masamang nangyari."
            Napapalatak siya. Alam niya kung ano ng ibig sabihin nito. Paano ba niya iyon makakalimutan? Nang minsan siyang mawala sa sarili dahil sa kalasingan na ginawa niya dahil sa problema ay muntikan na siyang mapahamak. Muntikan na siyang maaksidente noon at si Theo ang kasama niya. Mabuti na lang at hindi siya natuluyan. Kaya naman pagkatapos mangyari iyon ay ipinangako niya sa sarili na hindi na siya iinom pa. Na magtitino na siya. Well. Napanindigan naman niya iyon. Hindi na siya umiinom at wala na siyang bisyo.
            "Hindi ako uminom. Hindi ko lang trip na pumasok. Uuwi ako sa amin."
            "Bakit?" Takang tanong nito.
            "Nasa ospital si Diane."
            "Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nito.
            "Na-dengue."
            "Kumusta na siya?"
            "Ewan ko. Hindi ko pa tinatanong si Mama. Basta mino-monitor daw ang dugo niya. Favor, Theo, paki-excuse na lang ako sa mga professor ko."
            "Sure." Agad na pagsang-ayon nito.
            "Salamat."
            "No worries. Malakas ka sa akin. Ingat ka sa biyahe. Kung gusto mo gamitin mo na ang motor ko."
            "Pwede. Sige. Salamat. Pupunta na lang ako sa bahay n'yo."
            "Okay. Hintayin na lang kita mamaya."
            "Okay. Salamat."
            Ibinaba na niya ang tawag. Malaki ang pasasalamat ni Devin na naging parte siya ng The Gravity, kahit noong una, hindi pa sila close sa isa't-isa ng mga ka-grupo niya eventually ay naging close rin. Sa oras ng pangangailangan ay hindi mawawala ang mga ito lalo na si Theo.
            Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng kusina. Nang matapos, agad na siyang naghanda ng pagkain niya. As usual, noodles na naman iyon. Iyon na ang laman ng sikmura niya mula pa noong isang araw.
            Hayst. Mahirap talaga kapag nag-iisa at wala kang kasama. Lahat mo iisipin at kailangan mong masanay kahit na hindi ka sanay sa una. Matagal na siyang nag-iisa pero hindi pa rin siya sanay. Iyon ang totoo at hindi niya maipagkakaila.
            Mga ilan pang sandali, narinig niya ang muling pagtunog ng cellphone niya. Sa pagkakataong iyon, si Hyde naman ang tumatawag. Napangiti siya ng mapait. Hindi pa niya kayang makausap ito. Siya ang problema at hindi ito.


SOBRA NG nag-aalala si Hyde kay Devin. Ilang beses na niya itong tinawagan ngunit hindi ito sumasagot. Limang beses na pero wala pa rin. Dahil sa hindi ito sumasagot ang ginawa niya ay tinawagan si Theo. Hindi niya masasabing close na sila nito. Magbabakasakali lang siya. Tatanungin niya rin ito kung saan ang apartment na inuupahan ni Devin.
            Ilang ring ang hinintay niya bago sagutin ni Theo ang tawag niya.
            "Hello Theo," pambungad niya.
            "O, Hyde, napatawag ka. May problema ba?"
            "Pwede bang magtanong?"
            "Pwede. Ano ba `yon?"
            "Itatanong ko lang kung nasaan ang bahay ni Devin? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan pero hindi sumasagot. Nag-aalala na ako."
            "Kayo na ba?" Out of the blue question nito.
            Natigilan siya. Hindi naman sila pero may unawaan na sila ni Devin. Para sa kanya maikokonsidera niyang label nila ang salitang MU.
            "Hindi pa."
            "Sobra ka naman kung mag-alala." Natatawang sabi nito.
            Napailing na lang siya. "Mahalaga siya sa akin. Pwede ba? Kaya naman hindi ka pinapansin ni Austin eh. Wala ka sa lugar magbiro."
            Natahimik ito sa kabilang linya. "Out of the blue ka rin magsalita ng kung anu-ano, Hyde. Wala ritong kinalaman ang relasyon ko kay Austin. Kaaway ko `yon."
            "Okay. Sabi mo eh. Saan na nakatira si Devin?"
            Sinabi naman nito iyon. Pagkatapos ibinaba na niya ang tawag. Naghanda na siya para magtungo sa bahay nito. Nagdala na rin siya ng pagkain na niluto ng mama niya. Kailangan niyang maghanda.
            Ilang minuto ang ginugol ni Hyde sa biyahe bago makarating sa tapat ng apartment na inuupahan ni Devin. Nagbayad muna siya sa tricycle driver bago bumaba. Nakatayo na siya sa harap ng gate ng bahay ng bumukas iyon at iluwa si Devin. Nakasuot ito ng itim na damit at naka-jeans. May sukbit din itong malaking backpack.
            Kapwa pa sila nagkagulatan ng makita nila ang isa't-isa.
            "Devin.."
            "Hyde.."
            Nagkatitigan sila. Nag-iwas ito ng tingin. Bago nito gawin iyon ay nakita niya ang sakit sa mata nito. Sakit? Para saan?
            "Anong ginagawa mo dito, Hyde?" Malamig nitong tanong na ikinagulat niya. Ibang-iba ito sa nakasanayan niyang Devin na malambing at mabait. Ano ba ang nangyayari? Alam niyang may problema ito pero..
            "Dinadalaw ka. Nag-aalala ako sa `yo, Devin. Hindi mo sinasagot tawag at text ko."
            "Busy ako." Anito. "May pupuntahan din ako."
            "May problema ka ba sa akin, Devin?" Hindi niya mapigilan na itanong. Alam din ni Hyde na maririnig ang hinanakit sa kanyang boses.
            "Wala."
            "Sigurado ka ba?"
            "Oo."
            "Then why you acting suddenly cold to me."
            "Hindi."
            "Anong hindi? Anong hindi, Devin? Bigla-bigla kang.."
            "Damn it!" Nagulat siya sa pagsigaw nito.
            "Devin.."
            "Hindi ngayon, Hyde. Hindi ngayon.. I'm so fucked up with my life. Marami akong iniisip na problema. Idagdag pa na nagseselos ako sa nakita ko kagabi sa `yo."
            "A-ano?"
            "Damn!" Muling mura nito na ikinapitlag niya ulit. Hindi siya sanay na nakikita ito na ganoon. Masyado naman yata itong napeperhuwisyo at siya ang napagbabalingan. At isa pa clueless siya sa sinasabi nito.
            "Anong nagseselos ka? Saan?"
            "Sa picture mo na kayakap ang mahigpit kong karibal sa `yo, Hyde! Hindi naman ako dapat na nagseselos, hindi ba? Nanliligaw pa lang naman ako kahit na sabihin na natin na may unawaan na tayo. Pero.. naman.. kasi.. Bakit?"
            "Walang kaso ang nakita mo."
            "Walang kaso pero niyakap ka niya. At nagpayakap ka, Hyde. I'm jealous! Damn jealous on what I've saw."
            "Pwede ko bang makita ang picture." Kampante niyang sabi. Walang mangyayari kung sasalubungin niya ang galit nito.
            Ibinigay nito sa kanya ang cellphone. Hinanap niya ang picture.
            Makikita nga roon ang higpit ng yakap sa kanya ni Jake. Nakasandal pa ang ulo nito sa balikat niya at nakasubsob iyon doon. At siya naman sa kabilang banda ay parang tuod. Hindi niya masisisi si Devin kung makadama man ito ng selos dahil intimate ang picture kahit na sabihin pang yakap lang iyon. Mahigpit na yakap na makikita ang connection nila ni Jake sa isa't-isa. The way that Jake embraced him give so much meaning. Nangunguna na roon ang sobrang pagmamahal sa kanya. At ang reaksyon niya..
            "Huwag na muna tayong mag-usap, Hyde. I need to let myself cool down. Ayaw kitang makausap ngayon na sobra ang pagseselos sa puso ko. Hindi kita dapat mapagbalingan ng frustration na nadarama ko sa buhay dahil hindi dapat. Hindi tama. Hindi tayo para umakto ako na kung sino sa buhay mo. Sa ibang pagkakataon. Please."
            Tumango siya.
            Pinigilan niya ang mapaiyak sa harapan nito ng halikan siya sa pisngi. Tama ito. Hindi naman sila kaya wala itong karapatan. Pero ang damage ay nagawa na. Aaminin niya na may kasalanan siya dahil nagpayakap siya. Pero sana..
            Nilampasan siya ni Devin. Hindi na siya nag-abala pang sundan ito ng tingin. Kung gagawin niya kasi iyon, makikita nito ang pagtulo ng luha niya. Bakit ganoon? Sa mga sinabi ni Devin, parang pinapakita nito na two timer siya. Na hindi siya mapagkakatiwalaan. Alam niya ang pinanggagalingan nito pero dapat bang ganoon? Hindi man lang ba siya bibigyan nito ng benefit of the doubt?
            Hindi na napigilan ni Hyde ang mapasigok. Hindi na rin siya ng-abala pang punasan ang luha niya dahil wala namang silbi. Patuloy na umaagos iyon. Nabitawan niya ang hawak na supot ng maramdaman niya ang pwersa ni Devin sa likuran niya. Nagulat siya ng yakapin siya nito.
            "I'm sorry, Hyde. I'm sorry." Usal nito. "Hindi kita dapat sinasaktan. I'm sorry."
            Hindi siya tumugon. Tahimik lang siyang umiyak. Yumugyog na rin ang balikat niya dala niyon.
            "Sorry. Sorry. Sorry. Ako ang mali. Dapat hindi kita.."
            "Masakit." Nasabi niya saka tinanggal ang braso nitong nakayakap sa kanya. Humarap siya rito. Nakita niya ang pamumuo ng luha sa sulok ng mata nito. Waring nahihirapan din. Pero kailangan niya itong gawin.. Nasaktan siya eh.
            "Alam ko naman ang pinanggagalingan mo." Umpisa niya. "Pero.. Sana.."
            "I'm sorry."
            "Hindi mo direktang sinabi pero iyon ang ipinahiwatig mo, Devin."
            "Hyde.."
            "Huwag na muna tayong magkita." Aniya.
            Lumungkot ang anyo nito. Oo, hindi pa sila. Pero sa mga nangyayari ngayon.. Para lang silang nag-aaway na mag-syota. Mag-ko-cool off at hindi magkikita ng ilang linggo. Kailangan niya itong gawin kahit labag sa kalooban niya. Hindi niya basta matanggap ang paulit-ulit na sorry ni Devin.
            Sa mga nakikita niya kasi, sa mga naiisip.. Nostalgic siya sa sitwasyon noon ng mama niya. Ang kaibahan nga lang ay siya ang nasa sitwasyon na iyon. Mahirap pala. Mahirap na maparatangan ka ng bagay na alam mong hindi mo ginawa. Iyong makakarinig ka pa nga masakit na. Iyon pa kaya na ikaw na ang pinaparatangan?
            "I'm sorry, Hyde. Ikaw ang bahala." Devin said in defeat.
            "Ako ang bahala," gagad niya. "Sa pamilya mo na muna ikaw mag-focus. When things get back in proper again, saka na lang tayo magkita ulit."
            Tumango ito. "Okay. I'm sorry ulit."
            Tinalikuran na niya ito saka siya naglakad palayo. Bakit ganito? Para lang siyang nakipag-break sa sitwasyon nila ni Devin. Ang sakit lang.

PINUNASAN NI Devin ang luhang tumulo sa kanyang pisngi habang nakatingin sa papalayong si Hyde. Kasalanan niya, aminado siya roon. Alam niya kung ano ang nararamdaman ni Hyde. Mali siya na pagsabihan ito ng ganoon kahit hindi direktahan. Kailangan ba niyang i-defend ang katangahan na ginawa niya? Huwag na lang. Dahil kung titingnan naman talaga ay siya ang mali. Hindi man lang niya binigyan ng benefit of the doubt si Hyde. Basta lang siya tumalak at sinabing nagseselos siya. Na sa nakita niya, ipinapakita niyon na two timer si Hyde.
            Nasabunutan niya ang sarili sa labis na frustration. Marami na siyang iniisip at nadagdagan pa iyon dahil sa nangyari ngayon lang.
            Shit ka Devin! Bakit ba hindi ka nag-iisip? Nasabihan ka nga na matalino pero tanga ka pagdating sa ganitong usapan. Shit lang talaga!
            Nang mawala na sa paningin niya si Hyde saka lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Naglakad palayo sa kanyang bahay. Naguguluhan at nabubwisit pa rin sa nangyari na wala dapat ibang sisihin kundi siya.
            Tumigil siya sa paglalakad saka tumingala. Pinigilan niya ang pagdaloy ng luha sa kanyang mata ngunit hindi rin iyon nagpapigil na tila may sariling buhay. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa saka tinext si Hyde.
            I'm sorry. I was wrong for saying those things. For simply telling that you're a two timer. I'm sorry, Hyde. I will not make any promises but I'll do everything for us to be good again. Not now but soon. I'm sorry.
            Eksakto naman siyang natapos sa pagta-type ng message ay may dumaan na tricycle. Pinara niya iyon. Nang huminto sumakay siya saka nagpahatid sa sakayan papunta sa bahay nina Theo.
            Ilang minuto ang ginugol ni Devin sa biyahe bago nakarating sa bahay nina Theo. Pagdating niya roon ay nasa labas na ng bahay si Theo.
            "Bakit ganyan ang hitsura mo?" Bungad nitong tanong ng makalapit siya. "Mukha kang biyernes santo. `Yong totoo, todos los santos na ba?"
            Hindi niya pinansin ang biro nito. Bumuntung-hininga siya.
            "Maliban sa kapatid mo, may problema ka pa bang iba?"
            Tumango siya.
            "Si Hyde ba?"
            "Oo."
            "Pumunta siya sa bahay mo."
            "Oo. Pa'no mo alam?"
            "Tumawag siya sa akin. Nagtanong kung saan ka nakatira kaya alam ko. Nag-usap ba kayo?"
            "Yeah. And it was hell."
            Kumunot ang noo nito. "Paano naging hell? Kasama mo ang mahal mo."
            "Dahil sa frustrations sa mga nangyayari. Sa nakita ko, nadala ako ng selos, Theo. I said things beyond its boundary. Sabihin na natin hindi lantaran pero iyon ang pinupunto ko. Galit sa akin si Hyde."
            Pumalatak ito. "Masaklap `yan. Bakit ka ba nagselos?"
            "Because of the picture that someone sent to me."
            "Picture? Anong picture?"
            Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa saka ipanakita kay Theo ang picture. Napa-shit ito sabay palatak.
            "Magkayakap lang naman sila, ah. What's wrong with embracing?"
            "Walang kaso ang yakap pero ang taong yumayakap, Theo. Kilala mo si Jake. Kilala mo kung ano ang kaugnayan niya sa akin."
            "Mahirap `yan. Akala ko pa naman dahil sa matalino, gwapo, madiskarte ka, confident ka na. Hindi pala. Lumalabas ang insecurity mo kapag si Jake na ang sangkot."
            Nasabunutan niya ang sarili sa sinabi nito.
            "At dahil sa insekyuridad at selos na nadama ko, galit na sa akin si Hyde."
            "Hindi pa kayo pero parang break na."
            "Hindi lang naman basta na hindi kami, Theo. Maituturing na kaming MU ni Hyde. We have the same feelings to each other."
            "Kaya nga MU, hindi ba?" Sarkastiko nitong sabi.
            Sinamaan niya ito ng tingin. Natawa lang ito saka ibinigay sa kanya ang susi ng motorsiklo nito. Kinuha niya iyon.
            "Hindi ka nakakatulong."
            "Alam ko. Bigyan mo na lang siya ng time, Devin. Kapag okay na siya, saka ka ulit dumiga."
            "Iyon ang gagawin ko."
            "Good. Sige umalis ka na." Pananaboy nito.
            Nagpataboy naman siya. Nagpaalam na siya kay Theo saka sumakay sa motorsiklo. Isinuot niya ang helmet. Habang nagmamaneho, si Hyde pa rin ang nasa isipan niya. Still, he was sorry on what he said.

I'M SORRY. I was wrong for saying those things. For simply telling that you're a two timer. I'm sorry, Hyde. I will not make any promises but I'll do everything for us to be good again. Not now but soon. I'm sorry.
            Iyon ang natanggap na mensahe ni Hyde mula kay Devin. Pagkatapos niyang mabasa iyon ay isinilid na niya ang cellphone sa kanyang bulsa. Napabuntung hininga naman siya saka inisip ang aksyon niya kanina. Sumobra ba siya? Masyado ba siyang naging OA sa ginawa niya? Masisisi ba siya?
            Siya lang naman ang makakasagot ng mga tanong niya. At kahit na ano pa iyon, alam niya na may punto siya sa ginawa niya. Hindi naman iyon mangyayari kung wala, hindi ba?
            Sa halip na umuwi na sa bahay nila, nagtungo siya sa malapit na fastfood chain. Doon niya naisipan magtungo para mawala ang lungkot na nadarama niya. As if the sadness he feel will be gone by just eating his favorite food. Pwedeng oo, pwedeng hindi.
            Bubuksan na sana niya ang glass door ng chain nang maunahan siya ng kung sino sa paghawak sa hawakan niyon. Nang tingnan niya kung sino iyon ay natigilan siya. Si Jake iyon, smiling ear to ear and happiness was visibly seen in his handsome face. Bagay na taliwas sa kanya.
            Nang makita nito ang reaksyon niya, nawala ang ngiti sa labi nito. Napalitan iyon ng pag-aalala.
            "Okay ka lang ba, Hyde?"
            Tumango siya. "Okay lang."
            "Hindi ka mukhang okay sa akin," anito.
            "Wala ka nang pakialam d'un kung ganoon," sikmat niya na ikinagulat nito.
            "Okay naman tayo kahapon, ah. Anong nangyari sa `yo Hyde?"
            Nag-iwas siya ng tingin sa lungkot na nakita sa mga mata nito. Damn! Hindi niya kayang makita iyon. Oo, okay lang naman sila kahapon pero.. Si Jake, hindi niya maiwasan na isipin na ito ang naging dahilan kung bakit sila ngayon ni Devin..
            "Ikaw ang may kasalanan," nasabi niya.
            Kumunot naman ang noo ni Jake. "Anong kasalanan ko, Hyde?" Clueless din ito.
            Natigil siya sa akmang pagsagot ng may dumaan na customer. Kailangan kasi nilang tumabi para makadaan ito. Sumunod na siya nang makapasok ang babae. Sinundan naman siya ni jake.
            "Ano ang sinasabi mo, Hyde?"
            "Wala." Mas gusto na niya ang manahimik para huwag na nitong malaman iyon. Baka kasi kapag nalaman nito na hindi sila okay ni Devin ay magdiwang pa ito. Bagay na alam niyang posibleng mangyari.
            "Ano `yon Hyde?"
            "Wala!" Halos pasigaw na sabi niya.
            Napatingin siya sa loob ng chain nang pagtinginan sila ng mga tao.
            "Bakit ka sumisigaw?"
            "Because it was frustrating!"
            "Frustrating? Ganoon ka na ba ka-frustrated kapag nakikita mo ako? Ganoon na ba katindi ang galit na nadarama mo sa akin pagkatapos ng nangyari kahapon?"
            "Ahh!" Sigaw niya na muling nagdulot para tingnan sila ng ibang customer.
            "Hyde.."
            "Dahil sa `yo jake. Ikaw ang dahilan kung bakit kami hindi good ni Devin. Ikaw ang dahilan.."
            Natigil siya sa pagsasalita ng basta na lang siya nitong kabigin at hilahin palabas ng chain. Pumiksi siya pero matindi ang pagkakapit nito sa siko niya. Hindi siya basta makawala.
            Nang makarating sila sa parking lot ay pinasakay siya nito sa kotse nito. Sumakay na rin ito pagkatapos.
            "Ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?"
            "Mag-uusap tayo, Hyde."
            "Wala tayong dapat pag-usapan, Jake."
            "Meron," anito saka in-start ang sasakyan saka pinaandar.
            "Wala!"
            "Hyde."
            "Stop calling my name!"
            "Hyde." Pag-ulit nito. Sa pagkakataong iyon nakataas na ang sulok ng labi. Na nauwi sa pagtawa.
            "I love you."
            Natigilan naman siya sa akmang gagawin sana rito.
            "I love you Hyde."
            I love you Hyde. Parang batingaw ng kampana na paulit-ulit iyon tumunog sa isipan niya. At ang puso niya.. Shit! Bakit malakas ang pagtibok? Bakit natutuwa sa narinig mula kay Jake? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? At bigla-bigla nawala sa isipan niya ang nangyari sa pagitan nila ni Devin at pinunan iyon ng pagkabwisit niya kay jake na napalitan ngayon ng..
            Napasigaw siya. Ano ba ang ginagawa nito sa kanya? Weird na siya pero mas nagiging weird pa sa mga nangyayari.
            "Mahal kita Hyde."
            "Shut up Jake!"
            Sinabi naman ni Jake noon sa kanya na mahal siya nito. Hindi na niya iyon pinansin pero ngayon.. Bakit? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?
            "Ibaba mo ako. Ihinto mo ang kotse na ito. Ibaba mo ako!"
            Ginawa naman ni Jake ang sinabi niya. Inihinto nito ang sasakyan sa tabi pero hindi naman siya nakababa dahil automatic ang lock niyon. Masama ang tingin na ibinigay niya sa damuho na nakangisi lang.
            "Bumalik na naman ang ugali mong bwisit ka!" Naaasar na sabi niya.
            "I love you."
            "Wala ka bang ibang kayang sabihin kundi ang tatlong salita na `yon?"
            "Wala."
            "Jake.."
            Hindi na niya naituloy pa ang sasabhin. Napaiyak na siya. Napaiyak siya dahil sa kaguluhan ng utak at puso niya. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya? Bakit ba ang gulo lang niya?
            Suddenly he was torned.
            Hindi niya gusto ang nangyayari sa kanya. Ayaw niya ng ganito. Sobra siyang naguguluhan.
            "Pababain mo na ako, Jake. Ayaw kitang makita. Ayaw ko kayong makita na dalawa ni Devin. Ayoko!"
            Narinig niya ang pag-angat ng lock ng pintuan ng kotse. Agad siyang bumaba saka nagmamadaling tumakbo palayo sa kotse ni Jake.
            Sumigaw siya ng malakas.
            "Bwisit!"

SINUNDAN na lamang ng tingin ni Jake ang papalayong si Hyde. Iyon na lang ang ginawa niya dahil alam niya na mali siya sa pagdiga dito. Siguro. Iisipin ng iba na sobrang sama niya. Sinamantala lang naman niya kasi ang pagkakataon na makasama si Hyde at pinasakay pa sa kanyang kotse. Aaminin ni Jake na nagdiwang siya sa kaalaman na magkagalit si Hyde at Devin. Rason kasi iyon para siya naman ang umeksena, para samantalahin ang pagkakataon.
            Pero. May malaking pero dahil sa ginawa niya ay siya pa tuloy ang naging sanhi ng pagkakasira ng mga ito. Wala naman siyang kinalaman doon o sadyang hindi lang niya alam na siya yata talaga ang dahilan.
            Napatingin siya sa cellphone niya na nasa dashboard ng tumunog iyon. Isang mensahe ang natanggap niya mula sa unknown number.
            Two timer si Hyde. Pareho kayong niloloko ni Devin ng malansang iyon.
            Uminit ang ulo niya sa nabasa.
            Sino ka para siraan sa akin si Hyde? Shut the fuck up! Huwag mo siyang sisiraan dahil hindi mo siya kilala!
            Agad naman na tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ang text na mas lalong nagpakulo ng dugo niya.
            Haha! Baliw ka rin pala, Jacinto. Hindi na nakapagtataka dahil sira na ang ulo mo noon pa. Magsama kayo ng malanding iyon!
            Sino ka ba talaga? Nanggagalaiti na sa galit si Jake. Kung makikita lang niya ang sender ng mga mensahe na ito ay baka nagulpi na niya sa suntok. Sino ba talaga ito? Kung titingnan ang mensahe ng maigi ay tila may pinaghuhugutan ang galit.
            Hindi na nag-reply sa text niya ang texter. Sa halip, pinadala nito ang isang picture. Nakayakap siya kay Hyde, mahigpit samantalang ito ay parang tuod na hindi man lang gumanti. Kasunod ng picture na iyon ang isang mensahe.
            Ang sweet n'yo, hindi ba? Kaya naman siguro ngayon galit na si Devin kay Hyde. At kung iyon nga ang kaso, ikaw ang dahilan niyon.
            Natigilan siya.
           


ITUTULOY.. 

11 comments:

  1. Hay mga ingitiro talaga walang magawa sa buhay... hahahai hyde mag reflect ka kung sino ang gusto mo talaga kaw din baka maging two timer ka talaga... salamay sa update mr. Author

    ReplyDelete
  2. ahahaha.. cge author,,
    comment
    comment
    comment
    comment
    comment.. hahahaha

    comment muna si ako bago ko basahin,, isa lang masasabi ko sa mga gwa mo mr. author nice nice nice nice.. galing galing mo.. keep it up.. salamat sa update :)

    jekjek

    ReplyDelete
  3. Napaiyak ako bigla dun sa convo nila Hyde at Devin :'( kawawa naman si Hyde. Pesteng Vix yan eh!! Demonyo! Hay pati tuloy si Devin nadagdagan pa ang problema.

    Nako Jake ewan sayo ang kulit mo kasi eh yan tuloy nagalit din sayo si Hyde. Tsk tsk

    sana naman maging ayos na sila pati si Diane sana gumaling na. Excited na ako sa next update!!! Waaahhhhh.

    Thanks mr.author sa update. Ingat ka palagi! :)

    -44

    ReplyDelete
  4. Ipako sa krus si Vix. Thanks sa update. take care.

    ReplyDelete
  5. hahah lakas maka baliw ni Jake :D galit na nga ung isa nag a "I Love You" pa :) anyways kiligmuch. . .#TeamJake update agad. . .
    (Hi ulit sa aking Clyde hahah :D nag eexist ba un sa totoong buhay? pahingi nga ng number lol)


    -Toto Tancinco

    ReplyDelete
  6. Nakakaksakit sa puso ung nangyari ky devin at hyde ndi pa nga sila eh parang ngbreak na sila sa nngyari ito...... Kasalanan ito ni author at jake kasi eh..... How sad the story hmmmmm.....

    Devin bababwintayo ha


    Jharz

    ReplyDelete
  7. hyde.. ako na lang

    ReplyDelete
  8. Hay naku Devin bantayan mo nga si Hyde at baka maagaw siya ni Jake. Teka lang Hyde gumawa ba daw ng eksena sa public place? Naku yang Vix na yan nakakarami na talaga siya. Si author may kasalanan niyan eh joke :P . Excited na ko for the next update :D

    ReplyDelete
  9. kawawa nmn c Devin punong puno na nga ng problema, haist..,
    ikaw Hyde magtimbangin mo kaya cnu ba sa dalawa ang gusto mo...haba ng buhok mo ahhh..,
    may naalala akong isang tao na ngayun ay nasa katayuan ni Jake isang personalidad ng isang taong makulit na bumihag ng puso ko dati.., gusto ko etong moment na eto may naalala ako..salamat author sa pag update.., sana may maging kasunod ulit agad...godbless..

    - Joey :-)

    ReplyDelete
  10. M.U. -- Malabong Ugnayan.. Haha. Kayo pero parang hindi kayo.. Yan yung label na nakikita ko sainyo Hyde at Devin.


    ReplyDelete
  11. papatayin ko yang epal na yan... si hyde... denial pa

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails