Followers

Friday, March 13, 2015

String from the Heart [14]




Author’s Note


Hello! Magandang gabi bayan! Lol

Heto na naman ako!

Sa mga nag-iwan ng comment sa chapter 13. Salamat much po!

SHAI (ahahaha.. Dun na lang ako sa atleast ay nice ang chapter na ito! Haha. Pagkatapos ko pong mabasa ang comment n’yo. Tsk. Talagang API nga si Jake. Pero fixed na ang lahat ng chapter nito. Panget o maganda ang kalalabasan ng bawat chapter. Tamad ako mag-revise. HAHA)
Papa JC Sy (Haha.. Tulungan kitang kalbuhin siya. You like? Maarten a rin kasi masyado eh.)
44 (Continuation pa ang first part nito ng Hyde and Jake moment. May susunod pa. I guess? Unsure ako. Nakalimutan ko na kasi eh.)
YeahitsJM (yeah. Tungki ng ilong. Iyon na iyon. Ikaw nga ba ito, YeahitsJM?)
Tito Alfred of T.O (Ako nga rin po naguguluhan. Haha. Si Hyde, magulo ang utak at puso. Pati ako naguguluhan kaya naman stranded na naman ako. Lol. MASAKLAP.)
Anonymous, March 11, 2015 at 11:35 (Go team Jake! Gooooo!!)
Jharz (Natutuwa ako ng sobra sa comment po! Hahaha. Napansin ko rin poi yon. Sobra. Sa dalawa, si Devin ang nagiging dehado at llamado in way si Jake. Tama po kayo. Ang mga unang bagay ay napunta talaga kay Jake, like the kiss at pagpunta sa bahay. Napapansin na ba na talagang bias ako. Simula sa umpisa? Haha. Pasensya na po!)
Toto Tancinco (Go Team Jake! Salamat!)
Angel (Hyde is just so unfair! Pinipigilan kasi ang mga bagay na dapat mangyari. Maarte at matigas ang ulo niya kaya nahihirapan ako. In a way, yeah, Jake is desperate.)

 So here it is na po! Sana ay mag-enjoy kayo! Dahil pagkatapos yata ng chapter na ito ay magiging magulo na ang flow ng story. Parang bumalik ako sa pinaka-umpisa sa mga mangyayari. Kaya sa ngayon pa lang! DISPENSA Amigo!


CHAPTER FOURTEEN

PAGKATAPOS nilang kumain ni Jake sa turo-turo, hindi pumayag ang lalaki na basta na lang umuwi si Hyde kaya naman labis ang pagkabwisit na nadarama niya para dito. Pagkabwisit na agad din namang nawala ng dalhin siya nito sa isang boutique na ang mga paninda ay stuffed toy. Agaw pansin sa kanya ang kulay berdeng palaka. Habang nakikita niya iyon ay parang nakikita niya si Jake doon. Napatingin siya sa lalaking nakasunod sa kanya saka napangiti.
            "Bakit ka nakangiti?" Takang tanong nito.
            Umiling siya saka nilapitan ang stuff toy. Hinawakan niya iyon saka pinisil-pisil. Sobra talaga siyang naku-cute-an sa laruan.
            "Gusto mo ba `yan?" Tanong ni Jake na nagpatingin sa kanya dito.
            "Hindi." Tanggi niya.
            "Alam ko na hindi ka nakakatulog sa gabi kapag wala kang kayakap na stuff toy." Anito na nagpatigil sa kanya.
            "Kanino mo `yan nalaman?"
            "Kay Mama."
            Sumimangot siya. "Anong ginawa mo kay Mama at napakwento mo siya ng kung anu-ano tungkol sa akin?"
            "Sa pagkain."
            Mas lalo siyang napasimangot sa sinabi nito. "Kaya naman pala."
            May ugali kasi ang mama niya na palakwento at mas lalo pa itong nagaganahan kapag ang kinukwentuhan nito ng kung anu-ano ay masigla ang pagkain sa hinain nito na pagkain. Hindi na iyon nakapagtataka kung nalaman nga ni Jake ang ilang bagay sa kanya.
            "Bibilhin ko `yan para sa `yo."
            "`Wag na." Tanggi niya.
            "Maarte ka talaga." Komento nito.
            Nang tingnan niya ito ng masama, natawa na lamang ito. "Totoo naman `yon, Hyde. Talaga namang maarte ka. Gusto mo rin naman ang stuff toy na hawak mo pero tumatanggi ka pa."
            "Gusto mo talagang naaasar ako sa `yo, ano?"
            Ngumiti lang ito na ikinapitlag ng hindi dapat. "Doon ka naman kasi komportable sa akin. Kahit na naaasar ka, nagsasalita ka. Lahat ng bagay na sasabihin ko, sinasalungat mo."
            "So gusto mo nga talagang maasar ako sa `yo?" Seryoso niyang tanong.
            "Siyempre hindi. Gusto ko `yong good tayo. `Yong tipo na ituturing mo akong kaibigan at hindi kaaway."
            "Hindi na mawawala sa akin ang isipin na masama ka."
            "Alam ko. Kaya nga sobra akong willing na baguhin ang impresyon at isipin mo na masama ako."
            "At alam mo kung ano ang panig ko."
            "Alam na alam. Kaya nga, habang mabait ka pa sa akin, habang nandito tayo, susulitin ko ang pagkakataon na para makasama ka."
            "Gusto ko ng umuwi."
            "Hindi kita papayagan na basta umuwi."
            Tinalikuran niya ito saka ibinalik ang stuff toy sa lalagayan nito.
            "Bibilhin ko `yan para sa `yo, Hyde."
            "Hindi ko sinabing bilhin mo `yan para sa akin."
            "Hindi mo nga sinasabi pero kitang-kita ko naman sa aksyon mo na gusto mo `yan. Tamang-tama, cute siya. Hindi ba may ganyan ka rin sa bahay n'yo?"
            Napahinto siya saka bumaling dito. Marahan din siyang napailing. "Kay mama mo rin ba nalaman `yon?"
            Umiling ito. "Hindi. Kay Vhian ko nalaman `yon. Sabi pa nga sa akin ni Vhian, nanggaling daw `yon sa kaibigan mo."
            Lihim niyang namura si Vhian sa utak niya. Oo. Sinabi niya iyon dito pero hindi niya alam na ipagkakalat nito ang bagay na iyon. Ano ba ang ginawa ni Jake at nagkwento rito ang kapatid niya? Ang sinasabi nitong stuff toy na lagi niyang katabi tuwing gabi ay iyong bigay sa kanya ng Kuya Vin niya.
            Kung sakali namang kukunin nga ni Jake ang palaka na iyon ay magkakaroon na siya ng tatlong stuuf toy. Ang isa ay iyong galing kay Devin na nasa loob ng bag niya. Napabaling siya kay Jake.
            "Parang wala na akong itatago sa `yo, Jacinto, ah." Nasabi niya.
            Sumimangot si Jake na lihim niyang ikinangiti. Bakit ang cute ng potek kahit na ganoon ang tabas ng pagmumukha nito?
            "Can you just call me by my first name, Hyde."
            "Mas gusto ko na tawagin ka sa apelyido mo."
            "Nakakatanda na tawagin ako sa surname ko. Pakiramdam ko si daddy ang tinatawag mo. Aside from that, I like hearing my name when you say it."
            "Jake." Wala sa sarili na sabi niya.
            Napangiti si Jake na muling ikinapitlag ng hindi dapat. Ang epekto naman talaga nito. Bakit parang katulad lang ng kay Devin? Ang weird lang niya.
            "Pwedeng isa pa." Anito.
            "Nawiwili ka na." Asar na sabi niya.
            "Okay. Huwag na lang. Hintayin mo ako rito. Babayaran ko lang ang stuff toy." Anito sabay kuha sa palaka na stuff toy.
            Napasunod na lamang ang tingin ni Hyde dito. Habang tinitingnan niya si Jake, makikita sa mukha nito ang kasiyahan. Kasiyahan na totoo. Kasiyahan na alam niyang siya ang nagbibigay dahil sa pagsama niya rito.
            Alam naman ni Hyde na may kabaitan na taglay si Jake. Lagi lang itong nami-misinterpret dahil kilala ito sa school nila bilang bad guy. Bilang bully. Pero kung titingnan, mabait talaga ito. Parang ito naman kasi ang may dahilan kung bakit mali ang impresyon ng ibang tao rito at wala itong balak na baguhin iyon.
            Nang matapos ito sa pagbabayad. Lumapit ito sa kanya.
            "Para sa `yo, Hyde." Sabi nito sabay abot sa kanya ng paper bag na dala.
            Tinananggap niya iyon. "Salamat."
            "Walang kaso basta para sa `yo. Ano ba ipapangalan mo dyan?"
            "Wala."
            "Bakit wala? Parang anak na natin `yan."
            Natigilan siya saka ito tiningnan. Nahihiyang napangiti naman ito na labis niyang..
            "Pasensya naman. Peace." Anito saka nagpeace sign.
            "Ang lakas mo rin mag-imagine, ano?"
            "Can't help it. Pangalanan mo na `yan para alam ko kung ano ang ibibigay mo."
            "`Wag kang makulit."
            "Bilis na."
            "Kulit mo."
            "Bilis na nga." Pangungulit pa nito.
            "Jake."
            Natigil ito. "Jake ang ipapangalan mo dyan?"
            "Oo. Makulit ka eh. Para ka ring palaka kaya Jake ang pangalan niya."
            "Sobra talaga ang galit mo sa akin para ihalintulad mo ako sa palaka."
            "Ayaw mo? Nagtatanong ka ng pangalan tapos nang bigyan ko ayaw mo. Ano ba?"
            "Okay na iyon. Sige." Sabi nito. "Jake na ang ipangalan mo. Jake Junior dahil ako ang tatay niya."
            Napailing na lang siya. "Uuwi na ako."
            Nawala ang ngiti sa labi nito. "Mamaya na. Kain ulit tayo."         
            "Ayoko na. Busog pa ako. Anong oras na rin."
            "Ihahatid naman kita."
            "As if na magpapahatid ako sa `yo."
            Bumuntung-hininga ito. "Okay. Sige. Uwi na tayo. Hindi na rin kita ihahatid. Pero para malaman ko kung safe ka na makakauwi, bigay mo sa akin ang cellphone number mo."
            "Wala akong cellphone."
            "May gamit ka naman n'ung isang araw ah?"
            Tsk. Hindi na talaga nakapagtataka na alam nito ang ilang bagay tungkol sa kanya. Jake was really into him. Hindi na siya magtatanong kung saan nito nalaman iyon.
            "Sige na nga." Napipilitan niyang sabi. Idinikta niya ang numero niya na mabilis naman nitong tinatype sa cellphone nito.
            "Okay na. Para sure," anito sabay lagay ng cellphone sa kanang tainga nito.
            Narinig niya ang pagtunog ng ringing tone ng cellphone niya na nakalagay sa kanyang bulsa. Cellphone iyon ng Kuya Vin niya na napaglumaan nito.
            Ngumiti si Jake saka tinapos ang tawag. "That's good. Tawagan na lang kita mamaya."
            "Para-paraan ka rin."
            "Kasama na `yon d'un."
            "Pagkatapos nito huwag ka nang lalapit sa akin. Huwag mo na rin akong kukulitin."
            Tumahimik si Jake. Tila nag-iba rin ang mood nito.
            "Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Lalapit pa rin ako sa `yo."
            "Ang daya mo!" Sigaw niya.
            "Madaya na kung madaya pero hindi ko kaya na basta na lang balewalain ang nararamdaman ko sa `yo."
            "Bahala ka sa buhay mo."
            "Hindi na kita sasabihan na gusto kitang maging kaibigan dahil higit pa roon ang gusto ko. I want you to be mine and I know, soon, you will be."
            "Iba rin talaga.."
            Natigil siya sa pagsasalita ng kabigin siya nito at yakapin ng mahigpit.
            "I'll treasure this day, Hyde. Hindi ako sentimental na tao pero dahil sa `yo naging ganito na ako. I'll mark this day in the calendar with the caption, 'a day with my love'. Mahal kita. Sana hindi ito ang huli na makasama kita."        


NAPANGITI nang maluwang si Vix habang tinitingnan ang cellphone niya kung saan nandodoon ang picture ni Jake at Hyde na magkayakap. Pauwi na siya at hindi maalis sa kanyang labi ang ngiting iyon dahil magsisilbing ningas sa apoy ang picture na iyon. Ningas na siya ang magbibigay para sumiklab ang apoy sa pagitan ni Devin at Jake. Siyempre si Hyde ang dahilan niyon.
            Alam naman niya simula pa n'ung una ay may alitan na sa pagitan ni Devin at Jake. Ang hindi lang niya alam ay kung ano iyon. At ngayon, tiyak niya na sisiklab na naman ang away sa pagitan ng mga ito sa gagawin niya. Well. Wala naman na siyang pakialam doon. Okay lang na magkasakitan si Devin at Jake lalo na at wala naman siyang makukuha sa mga ito. Both of the two men were already smitten with Hyde's charm. And thinking that thing just annoyed him to death.
            At si Hyde. Tsk.. Mapagkakamalan lang naman itong timer at manloloko sa gagawin niya.
            Tamang-tama dahil may numero siya ni Devin. He can send the pictures to him immediately. O pwede rin niyang i-upload iyon sa social networking site at sa pahina ng school nila. Bongga! It will be a blast!
            Ise-send na sana niya ang picture kay Devin ng mabangga siya ng kung sinong Poncio Pilato. Matalim ang tingin na ibinigay niya rito. Natigilan lamang siya ng mapagsino ang nakabangga sa kanya. Si Hyde. Ngunit wala siyang makitang recognition sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Blangko ang ekpresyon ng mukha nito. Tila hindi siya kilala o namumukhaan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkabangga sila.
            Kinompronta niya nga ito at sinabihan ng flirt dati. Hindi kaya may kakambal ang Hyde na iyon? Bukod pa roon ay mas matangkad ito. Makikita rin sa mukha ang pagkabwisit habang nakatingin sa kanya.
            Oo. Hindi ito si Hyde dahil kung si Hyde ito, tiyak niya na mamumukhaan siya nito. Walang rekognisyon sa mukha nito, eh.
            "Next time tingnan mo ang dinadaanan mo." Anito saka siya nilampasan.
            Natigilan siya. Hindi nakapagsalita. Niloloko ba siya ng kanyang paningin? Ng kanyang pandinig? Lalaking-lalaki ang Hyde na nakasalubong niya. Bukod pa roon, walang maririnig na bahid ng pagiging kasapi nito. Totoong lalaki.
            Paano? Pwera na lang kung may kakambal nga ito. May kakambal nga ba si Hyde? Napailing na lang siya. Hindi niya dapat pag-aksayahan ng panahon ang mga bagay na magpapagulo sa kanya. Dapat siyang mag-focus sa gagawin niya. Muli niyang binalingan ang kanyang cellphone saka isinend ang picture kay Devin. Tumawa siya ng malakas. Success!


NAPABUNTUNG-HININGA si Devin habang nakasakay sa tricycle na maghahatid sa kanya sa subdivision na kinaroroonan ng bahay ng taong hihingian niya ng tulong para sa pambayad sa ospital at pambili ng gamot ng bunso niyang kapatid. Pikit mata na lang ang gagawin niya. Ayaw naman niya talagang humingi ng tulong at lumapit sa taong iyon pero wala na siyang choice. Ang kapakanan ng kapatid niya ang iniisip niya. Mabuti sana kung may pera pa siya. Wala na. Naubos na ng pera niya sa pagbayad ng renta sa apartment pati sa pagbili ng mga gagamitin niya sa school.
            Nang tumunog ang cellphone niya agad niyang tiningnan iyon. Nakita niya ang isang unregistered number. Isang picture ang sinend ng numerong iyon. Napapikit siya at mariin na nahawakan ang cellphone niya ng makita ang litrato. Side view position iyon. Kitang-kita niya ang mukha ni Hyde habang yakap ni Jake. Umusbong ang galit at selos sa kanyang puso.
            Nawala lang siya sa tabi nito agad ng gumawa ng aksyon si Jake. Tsk. Matindi rin naman talaga ito. Ito na ang sinasabi niya. Ayaw man niyang aminin ngunit nababahala siya sa ginawa ni Jake. Mukhang gumagawa na ito ng paraan para mapalapit kay Hyde. Para maligawan ang taong mahal niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Aatake at aatake ito tuwing nakatalikod siya.
            Nag-type siya ng mensahe para sa taong nagpadala ng mensahe.
            Sino ka? Paano mo nakuha ang numero ko? Paano mo nakuha ang pictures na sinend mo?
            Ilang minuto ang lumipas bago siya nakatanggap ng mensahe mula sa numerong iyon.
            You don't need to know my name. Concern lang ako sa `yo, tino-two time kayo ng Ilagan na iyon. Namamangka siya sa inyong dalawa ni Jake.
            Napailing na lang siya. Ite-text pa sana niya ito ng mag-error iyon. Wala na siyang load. Eksakto naman na nasa tapat na siya ng subdivision na pupuntahan niya. Pumara siya saka nagtungo sa guard house para sabihin kung sino ang sadya niya. Alam ni Devin na hindi na iyon kailangan dahil kilala naman siya sa lugar na iyon. He used to lived in the place when he was young. Pero kailangan pa rin niyang magsigurado. Agad naman siyang pinapasok ng guard dahil nasabihan na ito.
            Naglakad na siya papasok. Malapit lang naman ang bahay ng pupuntahan niya. Sa loob ng labing-limang minuto na paglalakad. Nakarating siya sa harap ng isang malaking bahay. Bumuntung-hininga siya saka pinindot ang doorbell. Ilang minuto, bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang babae na kaedad lang ng mama niya. Ngumiti ito at niyakap siya ng mahigpit.


NAWALA ANG ngiti sa labi ni Jake ng makapasok siya sa bahay nila. Paanong hindi mawawala? Nakita lang naman niya kasi si Devin na nakaupo sa one seater sofa na nasa sala nila. Kausap nito ang mommy niya na maluwang ang ngiti sa labi. Ngiti na totoo na tila walang alam sa totoong bagay tungkol sa kaharap nito. Ewan ba niya sa mommy niya kung tanga ba ito o sadyang manhid lang. At si Devin? Wala man lang ba talaga ito kaide-ideya kung ano ang totoong ugnayan nila nito? O sadyang sa school lang ito matalino at hindi sa ilang bagay na may concern dito.
            Nang makita siya ng mga ito. Agad na tumayo ang mommy niya para salubungin siya. Humalik siya sa pisngi nito. Tinanguan naman siya ni Devin. Pareho lang blangko ang tingin na ibinibigay nila sa isa't-isa.
            "Come join us, Jake. Nandito ang kababata mo."
            "No `My. Pagod po ako. Magpapahinga na ako."
            "Huwag na po, Tita. Aalis na rin ako." Ani Devin.
            Nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ng moomy niya. Tila nag-usap naman sila sa titig ni Devin. Wala siyang ideya sa tingin na ibinibigay nito. Waring nagbabanta at may ginawa siya na hindi nito gusto. Wala na siyang pakialam doon.
            Naputol lamang ang titigan na iyon nang magsalita ang mommy niya.
            "Okay. Sige, Jake. Magpahinga ka na sa kwarto mo. Ikaw naman, Devin. Ipapahatid na kita sa driver namin."
            Tinalikuran niya ang mga ito saka umakyat ng hagdan.
            "Huwag na po, Tita. Maglalakad na lang ako." Narinig niyang sabi ni Devin.
            "Sigurado ka ba?"
            "Opo."
            "Gabi na. Baka kung mapano ka sa daan."
            "Huwag na po, Tita."
            Magsasalita pa sana ang mommy niya nang sumabat siya at tingnan ang mga ito. "Huwag n'yo na pong pilitin ang ayaw, `My. Masasayang lang ang laway n'yo sa kapipilit sa ayaw."
            Tiningnan siya ng masama ng mommy niya. Waring may pagbabanta rin doon. Hindi niya iyon pinansin.
            "Tama po si Jake, Tita. Masasayang lang po ang laway niyo." Devin said with sarcasm. Hindi ito nakatingin sa mommy niya kundi sa kanya.
            "See `My. `Wag n'yo na pong pilitin ang ayaw. Masyadong maarte, kalalaking tao." Pagpaparinig niya.
            "Mas okay na ang maging maarte kaysa ang maging mayabang. Hindi po ba, tita?" Pagpaparinig din nito.
            "Nag-aaway pa rin ba kayong dalawa?"
            Natahimik silang pareho. Tsk. Kailan ba sila nagbati ni Devin? Noong mga bata pa sila, jive sila ng sobra pero ngayon.. imposible na yata iyon.
            "Hindi naman kami nagkasundo na dalawa, mommy."
            "Hindi nga tita, mas mabuti pa pong umalis na ako. Salamat po."
            Naglakad na patungo sa pintuan si Devin. Sinundan niya ito ng tingin. Napasunod naman ang mommy niya rito. Lihim siyang napapalatak. Ewan ba niya talaga sa mommy niya, masyado naman yata itong mabait.
            Dumiretso na lamang siya sa kanyang kwarto. Hindi pa siya tumatagal sa paghiga sa higaan niya ng marinig niya ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto niya. Ang mommy niya iyon, walang duda. Pumasok na nga ito. Nakahalukipkip at masama ang tingin sa kanya.
            "Bakit ganoon ang pakikitungo mo sa kababata mo?"
            "Bakit `My? Ano ba dapat?"
            "Jake!" Nakukunsuming sabi nito.
            Nag-iwas siya ng tingin.
            "Paki-explain Jake." Pagde-demand nito.
            Never siyang aamin sa mommy niya na nagseselos siya kay Devin. Never.
            "Ano na jake? Naghihintay ako."
            Bumuntung-hininga siya. "Si Devin ang karibal ko kay Hyde."
            Napa-oh ito. "Kahit sa taong mahal n'yo.."
            "Yeah. It's just so coincidental. Palagi na lang, hindi ba?" Sarkastiko niyang sabi.
            "Labas ako dyan." Anito. "Pero Jake. Hindi ka dapat naging ganoon kay Jake. Kababata at ka--."
            "Cut that off, `My. Alam ko na po `yan noon pa. At wala na akong magagawa sa katotohanan na iyon."
            "Tell me. Galit ka ba sa kanya dahil sa karibal mo siya kay Hyde o dahil sa may iba pang dahilan?" Napatingin siya rito.
            "Wala na, `My." He said. Nag-iwas ulit siya ng tingin. Hindi nga siya aamin. Never.


EKSAKTONG PAGBABA ni Hyde sa tricycle at pag-alis niyon saka naman may humintong tricycle s            a tapat niya. Mula roon bumaba ang kakambal niya. Nagtama ang tingin nila saka iyon bumaba sa hawak niyang paper bag.
            "Kanino galing `yan?" Kunot ang noong tanong nito.
            Sinimangutan niya ito. "`Ayos ka kung makatanong, ah. Tatay lang ang peg mo?"
            "Tinatanong kita ng maayos, Hyde. Kanino ba galing `yan? Nakipag-date ka ba? Bakit ngayon ka lang umuwi?"
            "Ako yata ang dapat na nagtatanong sa `yo ng ganyan, Clyde. Ikaw? Bakit ngayon ka lang? Nakipag-date ka ba?"
            "Nambubwisit ka ba?"
            "Hindi ako nambubwisit. Nagtatanong lang," aniya. Humarap siya sa gate para buksan iyon. Dumikit naman sa kanya si Clyde sabay agaw ng dala niyang paper bag. Napailing na lang siya ng ilabas nito ang berdeng palaka sa loob niyon.
            "Stuff toy na palaka. Kanino `to galing?"
            Hindi siya sumagot saka pumasok sa bakuran nila. Sumunod naman ito. Hindi pa rin siya tinatantanan ng tanong.
            "Hyde, sumagot ka nga. Kinakausap kita ng maayos. May manliligaw ka na ba? Ipakilala mo sa akin. Sa amin nina kuya."
            "No comment."
            "Hyde!" Nakukunsuming sabi nito.
            "`Wag kang makunsumi. Masyado ka naman."
            "Kakambal mo ako. May karapatan akong malaman ang mga bagay-bagay na nangyayari sa `yo." Seryoso na nitong saad.
            Natigilan naman siya. "Saka ko na sasabihin sa `yo, Clyde. Wala ako sa mood makipag-usap."
            Wala talaga siya sa mood makipag-usap. Bukod pa roon ay hindi niya alam kung ano ba ang dapat sabihin sa kakambal niya. Ano nga ba niya si Jake? Kaaway niya ito, pero bakit ganito? Parang itinuturing na rin niya itong manliligaw. At si Devin.. Bakit magkapantay lang ang tingin niya sa dalawa ngayon?
            Ang weird lang talaga! Masyado siyang naguguluhan.
            "Confusion. Ilan ba ang manliligaw mo?" Usisa ni Clyde.
            Tinalikuran niya lang ito saka nagtuloy-tuloy sa loob ng bahay nila patungo sa kanilang kwarto. Damn confusion!
            Para mawaglit sa isipan niya si Jake. Kinuha niya ang cellphone niya para mapadalhan ng mensahe si Devin. Agad niyang tinext ito. Ilang minuto ang hinintay niya ngunit wala siyang natanggap na reply dito. Napabuntung-hininga na lang siya. Patamad na humiga sa higaan ni Clyde.
            Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Hindi siya nag-abala na tingnan iyon hanggang sa maramdaman niya ang paglundo ng higaan.
            "Heto na `yong stuff toy mo," anito sabay lagay sa ibabaw ng katawan niya ng paper bag.
            "Salamat." Aniya saka niyakap iyon.
            "Bakit ganyan ang tabas ng pagmumukha mo?" Anito.
            "Wala."
            "Hyde."
            "Wala nga."
            "May confusion ba? Ilan ba ang manliligaw mo? Ang haba naman ng buhok mo."
            "Ewan ko sa `yo, Clyde. Maghanap ka ng kausap." Kumuha siya sa bulsa niya ng piso saka inabot dito.
            "Para saan `yan?"
            "Bayad mo sa mahahanap mong makakausap. Sa gusto sa `yo makipag-usap."
            Napailing na lang ito sabay abot sa piso. "Itatago ko `to. Pandagdag pa `to sa pambili ng candy."
            "Baka yosi?" Aniya.
            "Hindi ako nagyoyosi."
            "Weh?"
            "Ipaamoy ko pa sa `yo hininga ko."
            "Never mind." Aniya. Naniniwala naman siya sa kakambal niya. Tsk. Tanga na lang sila kung lalaki silang katulad ng papa nila na alcoholic at may iba pang bisyo na masama sa kalusugan. Pinanganak silang matalino at hindi tanga kaya hindi sila gagawa ng bagay na alam nilang ikapapahamak nila.
            "Mabuti naman."
            "Kahit saan-saan na lang napupunta pag-uusap natin, Hyde. Basta makaiwas ka lang talaga sa tanong ko, ano?"
            Napangiti siya. "Napansin mo pala."
            "Pansin na pansin."
            "Mabuti naman. Kaya huwag ka ng magtanong pa."
            "Okay. Umalis ka na dyan sa higaan ko. Magpapahinga na ako."
            Sinunod naman niya ang sinabi nito. Umalis siya sa pagkakahiga sa kama nito saka tumayo. Nagpunta siya sa harap ng drawer saka kumuha ng damit niya.
            Nang makapagbihis, lumabas siya ng kanilang kwarto. Nagtungo siya sa kusina para kumain. Kahit na kumain na sila ni jake kanina, gutom pa rin siya. Naabutan niya sa kusina ang Kuya Vin niya.
            "Kuya," tawag niya rito.
            Tumingin ito sa kanya. Nginitian siya. "O, Hyde? Kakain ka ba?"
            Tumango siya. "Nandito ka pala. Kailan ka pa dumating?"
            "Kanina lang. Nagpapasundo kasi si Lola Fe. Uuwi na raw sa amin."
            "Kasama mo ba si Kuya Joen?"
            Tumango ito. "Oo. Nasa kwarto siya. Natutulog."
            "Ganoon ba."
            Naisip niya na tamang-tama na itong pagkakataon para makahingi siya ng tulong sa dalawa niyang kuya. Tulong na para kay Devin.
            Sa halip na kumuha siya ng pagkain, umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harap ng kinauupuan ng Kuya Vin niya na nasa kabila naman.
            "Kuya."
            "Ano?"
            "May hihingiin po sana akong pabor."
            "Gaano ba kalaki?" Nakangiting sabi nito. Makikita sa mukha ang pagbibiro.
            "Sinlaki ko, kuya." Pagsakay niya sa biro nito.
            "Ano ba ang pabor na iyon?"
            "Hihingi ako ng pera."
            "Pera? Saan mo gagamitin?"
            "Sa pagtulong sa isang kaibigan."
            "Kaibigan? Lalaki o babae?"
            "Lalaki."
            Aaminin ni Hyde na medyo naiilang siya sa mga tinatanong ng kuya niya. Idagdag pa na pera ang hinihingi niyang pabor sa kuya niya.
            "Anong pangalan?"
            "Devin po."
            "Pamilyar ang pangalan niya. Wait." Anito. Nag-akto na nag-iisip. "Pangalan `yon ng miyembro ng kumanta sa espesyal na okasyon namin ng Kuya Joen mo, ah. `Yong The Gravity."
            Tumango siya. Siya kasi ang nag-imbita sa The Gravity na tumugtog sa kasal ng dalawa niyang kuya. N'ung mga panahon iyon na hindi pa sila close ni Devin. Mga panahon na sa tingin pa lang siya.
            "Siya nga, Kuya."
             "Para sa'n ba gagamitin ang pera?"
            "Sa pagtulong sa kapatid niya na na-ospital. Ang totoo, ayaw niya ng tulong na galing sa akin pero.."
            "Mahalaga ba sa `yo ang Devin na iyon?"
            Napayuko siya sa sinabi nito. Namula rin ang pisngi niya.
            "Mukhang oo ang sagot sa tanong ko," sabi ng Kuya Vin niya na mas lalo pa yatang nagpatindi sa pamumula ng kanyang mukha.
            "Kuya.."
            "Sige. May pera ako dyan. Ilan ba?"
            "Kung ilan ang ibigay mo, Kuya." Aniya.
            "Okay. Kain ka na. Kumain na tayo."
            Iyon nga ang ginawa niya. Tumayo siya saka kumuha ng plato niya. Na-focus na ang pansin niya sa pagkain. Gumaan na rin ang pakiramdam ni Hyde. Alam niya kasi na makakatulong siya kay Devin kahit na hindi nito alam iyon.

9 comments:

  1. NABWIBWISET na ko sa kaartehan mo Hyde ha.. Kung naging masama man sayo si Jake.. Dti.. He deserve a second chance. Nobody is Perfect..tandaan mo Yan.. Ng papaubaya na nga ako sayo kht gusto ko si JAKE EH.. Hahaha


    ..Na imagine ko si SELENA yung sa MULA SA PUSO dti..sa karakter ni VIX HAHA.. Umaapoy tlga ang mata ha.. Tapos tumawa pa..eksena nung pinasabog ni SELENA ang bus na sinasakyan ni Via (Claudine Baretto)
    ..tawa pa more VIX haha.. Ikaw na ang may tawa ng tagumpay.. Haha..

    Misteryoso si Devin..sense ko mayaman tlga Yan..ska ampon.. Kc db sabi nya dti hindi nya kamukha mga kptid nya.. Anyway aabangan ko Yan..

    Jake ako rin gusto ko ng HOTDOG PILLOW..yung mahaba gagawin kong dantayan at kayakap sa Gabi.. Haha

    pero seriously wala tlga ko nung hotdog pillow na yun.. Maiksi ang nkita ko sa BLUE MAGIC.. Bibili tlga ko nun..haha

    Ok tama na mhba na.. CAN'T WAIT FOR THE NEXT CHAPTER..

    ReplyDelete
  2. Ako nga nagcomment ng tungkil ng ilong. Haha. Wala ba akong naiwang name? Haha. Magkapatid si Devin at Jake? Feeling ko anak ng katulong si Devin? Hahaha. Sana lagi kasama si Clyde sa kwento. Haha

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  3. Nakakabitin naman hahaha pero ok lang. Nakakabwiset talaga si Vix paki sabi pakamatay na sya!!! Kainis.

    Sana naman hindi magalit si Devin kay Hyde. Hehe. Ang sweet nung palakang Jake jr ang pangalan haha.

    Thanks mr.author sa update!! :)

    -44

    ReplyDelete
  4. Team jake pa rin ako. :) Becuz Devin will be mine joke lang.

    Naasar pa rin ako kay Hyde, Walang kuwenta kung umasta. Edi wow. Torpe type pa.

    ReplyDelete
  5. Naku problema nga ito. Mukhang malalim pa ata ang alitan nila Devin at Jake noon pa saka meron pang hindi nababanggit sa nakaraan nila. Nakakainis talaga yung Vix na yan panira. Next update na agad.

    ReplyDelete
  6. nice galing ng move ni Jake, may palaka pang nalalaman. . . :D naiirita ako dun sa isang character yung kontrabida, na hanggang ngayon di ko matandaan ung pangalan. good job author :) pahabol lang regards pala kay Clyde hahaha (nakikita ko kay Clyde ung ideal man ko hahaha :D)

    -Toto Tancinco

    ReplyDelete
  7. woah . nakakakilig si hyde at jake..
    may iiksina na nman na empakto .. hahaha

    jekjek

    ReplyDelete
  8. Salamat vienne... sa comment ko hehehehe πŸ˜„πŸ˜ŠπŸ˜³

    Hmmmf...atlest ngayon hndi na masyadi duhado si jake..hehehe may konting laban n... :) bitin lang ako hahahaa

    Shai:)

    ReplyDelete
  9. Anu b tlga tunay na relasyon ni devin at jake malibansa kbabata niya ito?nu ung pinag aawayan nito maliban ky hyde

    Jharz

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails