Followers

Wednesday, March 11, 2015

String from the Heart [13]





Author’s Note


HELLO!

Maraming salamat po ng marami sa nag-comment sa Chapter 11 at 12 ng String. Hindi ako nakabati sa chapter 12, kaya dito na lang. Tamang-tama rin na kaunti lang ang comment dun though I’m still expecting for some to come. (Asa ako ng asa. Wala na nge eh.) Pasensya nasanay na lang kasi. :)

For chapter 11 commentators:

CasirayanJunrey (New name! SALAMAT sa pag-iiwan ng komento. Sana ay masundan pa.)
Leandro Roque (Babawi ako para kay Jake. Papatayin ko si Hyde. Joke!)
44 (Hahaha! Bitin ba? Palagi naman eh.)
Gilrex Laurente (Team Jake din po ako!)
Jharz
Papa Jc Sy
Ylden Cunanan (New name! Salamat s apag-iiwan ng komento.)
Angel
Vhian
Grey Uson (Bagong pangalan din! Hehe. Salamat po sa pag-iiwan ng comment.)
YeahitsJM (Yeah! Malapit na ako dun! Meet the family na ako sa mga oras na ito. HAHA)
Toto Tancinco
SHai (Walang mamatay ditO.)

Para sa chapter 12:

Tito Alfred of T.O (Haha. Malay natin. Baka soon, magkaroon na ako. Sa ngayon, nganga muna.)
YeahitsJM (Tungki ng ilong. Hmmm.. Pano ba i-explain. Basta `yong point po siya ng ilong. Haha. Parang mas nagulo. Basta yun na yon.)
Angel (Aatake at aatake si Vix. Kung kailan. Unpredictable.)
44 (Ang chapter na ito ay eksena na ni Jake.)

Sa mga tao sa group. HELLO din! Mama Lalie, FAUSTINO (heto na! Basahin mo `to!) Kuya Alex J. King (Haha.. Alam kong medyo mabubuset ka sa chapter na ito dahil nawala na naman sa eksena si Devin. Ganoon talaga. (insert evil laugh here))

Sa mga co-RA’s ko. Hello rin po! Kuya Rye, Kuya Carlos, Seyren, Prince Justin, Apple Green at Axel. Sir Mike at Kuya Ponse. Thanks sa privilege.

Ang chapter na ito ay isa sa mga gusto ko. Moment ni Jake eh. Team Jake po ako at ipu-push ko ito! Sa mga team Jake dyan! Magbunyi tayo! May moment na sila eh. xD
Kahit ako naaasar na sa kaartehan ni Hyde. Tsk. Nakaka-stress siya. Undetermine pa tuloy ang ending nito kaya hindi ako makausad sa next na story. Wahahah..

Sa ngayon! Sana po ay mag-enjoy kayo gaya ng pagka-enjoy ko ng muli kong basahin ang chapter na ito!



CHAPTER THIRTEEN

HABANG namimili si Hyde ng materyales na gagamitin para sa activity nila, nakasunod lang si Devin sa kanya. Pagkatapos nilang kumain sa tabi-tabi ay may tumawag dito na nagpabago sa mood nito. Bigla itong nalungkot na ikinalungkot din niya. Hindi naman kasi kaila sa kanya na nag-iisa lang ito sa apartment na inuupahan nito. Bukod pa roon ay malayo ito sa pamilya kahit na sabihin na dalawang oras lang ang biyahe mula sa kanilang school papunta sa bahay nito. Mas naging practical din lang naman kasi ito.
            Naikwento sa kanya ni Devin kung ano ang dahilan ng pagtawag ng mama nito. May sakit kasi ang bunso nitong kapatid at kailangan dalhin sa ospital para mapa-check up-an. Pabalik-balik din daw ang lagnat nito na labis ikinabahala ng mga magulang nito.
            "Puntahan mo na kaya sila," aniya.
            Mula sa pagtingin sa naka-display na gamit sa gondola, tumingin ito sa kanya.            "May pasok ako sa isang subject at kailangan ko pang pumasok sa trabaho mamaya." Malungkot na sabi nito.
            "Ako na mag-e-excuse para sa `yo, Devin. Sa trabaho mo naman, ako na muna ang papasok."
            "Pwede ba `yon?"
            "Pwede naman. Makakausap naman natin ang manager n'yo."
            Umiling ito. "Huwag na, Hyde. Bukas na lang ako pupunta sa ospital saka kailangan ko rin naman ng pera para makatulong kina mama."
            "May pera ako rito."
            Blangko ang ekspresyon na tiningnan siya nito. "Hindi ko `yan kailangan."
            "Devin.." aniya.
            Natigilan siya ng ma-realize ang naging nosyon ng sinabi niya rito.
            "Hindi iyon ang ibig sabihin ko, Devin."
            "Alam ko," anito saka bumuntung-hininga. "I'm sorry, Hyde. Uuwi na lang muna ako sa bahay. Baka ikaw pa ang mabalingan ko ng frustration na nadarama ko ngayon."
            "Ikaw ang bahala. Samahan na kita."
            "Huwag na. Kaya ko na mag-isa, mag-iingat ka na lang dito."
            "Devin.." aniya. "Sigurado ka ba talaga?"
            Tumango ito. Malungkot ang anyo. Para maibsan ang lungkot na nadarama nito, lumapit siya at niyakap ito ng mahigpit. "Dito lang ako, ah. Handa akong tumulong."
            "Salamat Hyde pero hindi na kailangan. Makakagawa ako ng paraan."
            "Ikaw ang bahala," aniya.
            "Sige. Mag-iingat ka dito. Pasensya ka na." Anito.
            Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Bago siya nito talikuran, hinalikan siya nito sa pisngi. "Mag-iingat ka rin, Devin."
            "Para sa `yo."
            Sinundan na lamang niya ito ng tingin. Ang makita na malungkot si Devin ay nagpapalungkot din sa kanya. Bigla-bigla ay nawala siya sa mood na bumili ng materials na gagamitin nila ngunit hindi naman niya pwedeng i-take aside ang bagay na dapat niyang gawin dahil kailangan na nila iyon sa susunod na bukas.
            Bumalik siya sa pagpili ng materyales na gagamitin. Muli. Bumuntung-hininga siya.
            Ang paghangang nadarama niya para kay Devin ay mas lalo pang tumaas ng ilang lebel. Kahit na nakakadama siya ng lungkot para dito ay hindi maipagkakaila kung gaano ito ka-close sa pamilya nito. Huwaran at responsable ito. Kahit na malayo ito sa pamilya nito ay hindi ito nawala sa track na dapat sundin ng katulad nila. Mas nagpupursige pa ito para makaahon. Kung sana pwede niya itong matulungan sa kanyang munting paraan. Iyong hindi nito malalaman.
            Tama! Magpapatulong na lang siya sa Kuya Joen niya para matulungan si Devin. Hindi naman nito malalaman iyon. Kung maaari ay tutungo na rin siya sa ospital na pinagdalhan ng mga ito sa kapatid pero hindi siya magpapakita.
            Natigil lamang sa pag-iisip si Hyde ng pwedeng gawing tulong kay Devin nang mahagip ng kanyang paningin ang nakasimangot na mukha ni Jake. Napako ang tingin niya rito. Katulad niya, suot pa rin nito ang uniform. Sa tabas pa lang ng mukha nito habang nakaupo sa upuan na nandodoon, waring nayayamot na ito. Tila naramdaman naman nito na may nakatingin dito, nagpalinga-linga ito sa paligid hanggang sa magsalubong ang paningin nila.
            Nawala ang pagkakasimangot nito sa mukha. Napalitan iyon ng isang ngiti na nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Nag-iwas siya ng tingin saka inabala ang sarili sa dapat gawin.
            Matagal na rin mula ng makausap niya ito. Ang huli nilang pag-uusap ay n'ung sa canteen sila. Hindi naman manhid si Hyde para hindi malaman at mapansin na tuwing nasa loob sila ng classroom ay tinitingnan siya nito. At hindi rin maipagkakaila na hanggang ngayon, hindi pa rin mabura sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ni Jake.
            Mabuti na lang at hindi na siya kinukulit nito. Well. Ginawa naman niya kasi ang lahat para makaiwas dito. Siguro, no choice lang talaga ito noong sa canteen sila kaya umupo sa mesa niya. At siguro rin, hindi nito maiwasan na balikan ang mga nangyari dahil sa nasasaktan ito.
            At hindi niya alam kung bakit ba niya kailangang bigyan ng lahat ng dahilan ang mga bagay na ginagawa ni Jake. Napaka-weird lang naman talaga niya.
            "Hyde." Napapitlag si Hyde ng marinig ang boses ni Jake. Muntikan pa niyang mabitawan ang dalawang rim ng bond paper dahil dito.
            Napatingin siya rito.
            "Ja-jake," aniya.
            Ngumiti ito. Ngiti na parang wala siyang nagawa na bagay na nakasakit dito.
            "Tulungan na kita dyan sa dala mo," anito. Hindi pa man siya pumapayag, kinuha na nito sa kanya ang dalawang rim ng bond paper pati ang dalawang cartolina.
            "Salamat," sabi niya.
            "Mag-isa ka lang ba?" Tanong nito.
            Sa totoo lang sobra siyang naiilang sa pagkakalapit nilang muli ni Jake. Hindi siya sanay at hindi masasanay kahit kailan. Nagsusumigaw naman kasi sa utak niya na dati itong bully na may gusto sa kanya. Na hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon para ligawan siya dahil..
            "Mag-isa ka lang ba?" Ulit ni Jake sa tanong nito.
            Tumango siya. "O-oo. Mag-isa lang ako."
            "Samahan na kita kung ganoon."
            Huminto siya saka marahang umiling. "Hindi na kailangan, Jake. Pagkatapos nito, uuwi na rin ako."
            "Ihahatid na kita sa inyo."
            Umiling siyang muli. "Hindi na. Kaya ko ng mag-isa."
            "Ihahatid pa rin kita." Pamimilit nito.
            "Alam mo ba ang bahay ko?"
            Tumango ito. "Oo. Alam ko." Mabilis na sagot nito saka kiming ngumiti. Ngiti na katulad ng dati ay nagbigay sa kanya ng stir sa puso. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Ang weird lang.
            Napapalatak siya. Nawala rin ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa lalo na sa kanya.
            "Oo nga naman pala. Ikaw ang nagpunta sa bahay namin. Matagal na."
            "Ako nga. Sinabi naman sa `yo `yon nina Vhian, hindi ba?"
            "Sinabi pero hindi nila alam ang pangalan mo."
            "They used to call me 'Hellel'. Kahit si Lola Fe, iyon ang tawag sa akin."
            "Close ka na ba sa lola ko?"
            "Hindi pa. Pero gusto kong maging close sa pamilya mo. You have a nice family, by the way. Masarap magluto si Mama, accommodating naman si Lola Fe at madaling maka-close. Ang mga kapatid mo naman makukulit pero mababait."
            Napasimangot siya sa mga sinabi nito. Parang sa sinabi nito, pinapabalik ang naging ugnayan nila noong una. Aaminin niya na nagtagumpay naman ito dahil nakakadama na naman siya ng inis sa mga pinagsasabi nito.
            "Kailan mo pa naging mama ang mama ko? Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na tawagin sina Mama ng ganoon na parang close na close na kayo?"
            "Noong pumunta ako sa bahay n'yo," nakangising sabi nito.
            Umiling-iling siya. "Makapal pa rin ang pagmumukha mo."
            "Matagal na. At may balak din akong bumalik sa bahay n'yo."
            Sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi ka welcome sa bahay namin."
            "Sa `yo hindi pero sa pamilya mo, welcome ako."
            "Hindi ka welcome sa kakambal ko." Hindi papatalong sabi niya.
            "Okay lang. I'll just do things for him to like me."
            Natigilan si Hyde. Sa pagsagot kasi nito parang alam na alam na may kakambal talaga siya. Nakakaasar lang.
            "Nakakaasar ka. Paano mo nalaman na may kakambal ako?"
            "Kapag interesado ka sa isang tao gagawin mo ang lahat para malaman ang ilang bagay sa taong iyon. Mahalaga ka sa akin, eh. Higit pa roon, mahal kita."
            "Wala akong masasabi."
            "Alam ko. Mahigpit naman talaga ang pambabalewala mo sa akin, eh. Lagi kang tumatanggi na ligawan kita. Umiiwas ka rin tuwing gusto kitang makausap. Unfair ka."
            "Hindi ako unfair. Nagpapakatotoo lang ako."
            "Pagpapakatotoo ba na huwag mo akong pansinin?"
            Natigilan na naman siya. "Ano ang ibig mong sabihin?"
            "Alam ko na gusto mo rin ako." Cool na sagot nito.
            Mas lalo siyang napasimangot sa sinabi nito. "Mayabang ka pa rin kahit kailan talaga." Nayayamot na sabi niya.
            Ngumiti lang ito saka cool na naglakad palayo sa kanya. Sinundan niya ito ng ma-realize na dala nito ang mga bibilhin niya. Nagmamadali siyang lumapit dito at kinuha ang rim ng bond paper at dalawang cartolina.
            "Akin na `yan." Aniya.
            Hawak na niya ang mga materyales ng muli nitong bawiin sa kanya iyon.
            "Ako na nito. Nakakahiya naman sa `yo na ikaw pa ang pagdalhin ko nito."
            "Hindi tayo magkasama. Hindi mo kailangan gawin `to."
            "Bakit ba ang hilig mong i-resist ang lahat ng bagay na gusto kong gawin para sa `yo? Napaka unfair mo pagdating sa akin."
            "Dahil gusto ko. Akala ko pa naman kahit papaano nagbago ka na. Katulad ka pa rin ng dati, Jacinto. Hindi ka ba talaga magbabago? Nakakainis ka lang!"
            "Hindi na ako magbabago. Dapat sana magbabago na ako pero hindi na rin, wala ng dahilan para magbago pa." Makahulugan nitong sabi na parang hindi niya alam kung sino ang tinutukoy.
            "Ewan ko sa `yo. Ibigay mo sa akin `yan."
            "Ako na nga nito. `Wag kang makulit."
            "Hindi ako makulit. Ikaw nga ang nangungulit. Lumapit ka lang sa akin para mambwisit."
            Lumungkot ang hitsura nito. "Hindi iyon ang intensyon ko, Hyde."
            "Eh ano?"
            "I miss you, Hyde."
            Natigilan siya.
            "Kaya ako lumapit sa `yo dahil gusto kong sabihin na na-miss kita."
            Hindi nakapagsalita si Hyde. Napatingin lang siya rito. Tsk. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya?
            "Pwede ba kitang mayayang lumabas?"
            Hindi pa rin siya nagsalita. Nagma-malfunction na naman ang utak niya sa mga nakikita kay Jake. Sa aksyon, sa salita at sa lahat-lahat.
            Para ma-deprive siya, kinuha na lang niya ang dala nito saka nagtungo sa counter area para bayaran ang pinamili.
            "Just for this day, Hyde. Kahit na masakit, kahit na ayaw ko. Pagkatapos nito, hindi na kita lalapitan. Magkakasya na lang ako na tingnan ka mula sa malayo. Magkakasya na lang ako sa isipin na kahit ngayon naging masaya ako na kasama ka."
            Parang pipi na hindi pa rin siya nagsalita.
            "Luluhod ako rito. Gagawa ako ng eksena. Mapapayag ka lang, Hyde. Hindi ka man lang ba naaawa sa akin? Sawi na nga ako sa `yo, hindi mo na ako pinagbigyan na ligawan ka tapos isang simpleng pagyayaya sa `yo na kumain sa labas hindi mo magawa."
            Nagkunwari siya na hindi ito narinig. Nang ang mga pinamili na niya ang ini-scan ng cashier, kinuha niya ang pera niya para ihanda sa pagbabayad.
            "Gusto mo ba talagang gumawa ako ng eksena rito?"
            Natigilan si Hyde nang hindi na magsalita si Jake. Nang makarinig siya ng bulung-bulungan mula sa ibang customer na nakapila sunod sa kanya. Napatingin siya sa cashier na natigilan din na nakatingin sa kanya,
            "Bakit Ate?" Nagtatakang tanong niya.
            Itinuro nito ang kinaroroonan ni Jake. Napatingin siya roon para magulat lang sa makikita. Nakaluhod na si Jake! Magkadikit pa ang dalawang kamay nito na parang nagdarasal. At ang hitsura ng mukha ay talagang nagpapaawa.
            "Ano bang ginagawa mo?" Galit niyang tanong.
            "Begging for you to go out with me." Jake answered. "Please Hyde. Pumayag ka na. Hindi ako tatayo dito hanggang hindi ka pumapayag."
            "Tumayo ka dyan!" Nandidilat ang matang sabi niya.
            "No." Mariin nitong tanggi. "I won't stand here. Tatayo lang ako kapag pumayag ka na na sumama sa akin kumain sa labas."
            "Bahala ka sa buhay mo." Aniya.
            Hinarap niya ang cashier.
            "Paki-punch na po, Ate."
            Ginawa naman iyon ng babae na tila nag-aalangan pa. Habang ginagawa nito iyon ay patingin-tingin pa rin ito kay Jake na waring naaawa. Lumakas din ang mga bulungan ng ibang nakapila na halos kaedad din naman nila, bukod pa roon ay estudyante rin ng URS. Ang iba naman estudyante ng SAU at Schoneberg. At may ilan siyang naririnig doon na nagpapikit na lamang sa kanya.
            "Kung ako `yan, kanina pa ako pumayag. Bihira lang naman sa mga katulad natin ang hindi natatakot na ipakita ang pagkakagusto sa kapwa-lalaki." Ang sabi ng isa na nakasuot ng uniform na pang Schoneberg. Halata sa kilos at pananalita na kasapi ito ng federacion. Halata rin naman iyon sa kapal ng make-up sa mukha nito at sa pulang-pula na labi.
            "My God! Ano ba ang nangyayari sa Earth?`Yong mga kapwa gwapo na ang nagliligawan imbes na `yong mga gwapo sa magaganda. Bakit?" Naghihinakit naman na bulong ng isang babae na malinaw din naman niyang narinig.
            "Mga kabataan nga naman. Kakaiba na talaga. Wala ng hiya." Ani naman ng isang may katandaan na babae. "Kaya ikaw, anak. Huwag kang ganyan." Panenermon pa nito sa anak na babae na nasa tabi nito.
            "Ang tapang mo dude!" Sigaw naman ng isang lalaki na waring nasisiyahan pa sa nakikita.
            May iba pa na nagsalita. Hindi na lang niya iyon pinansin.
            "Ate, magkano po ba lahat?" Tanong niya sa babae.
            Sinabi naman nito iyon ngunit dahil sa sadyang pakialamera rin ito, hindi nito napigilan ang magkomento.
            "Bakit hindi ka pumayag na makipag date sa kanya? Date lang naman. Ikaw pa ba ang magiging choosy, gwapo na ang nanliligaw sa `yo. Nakakainggit na kaya niyang ipagsigawan ang totoong nararamdaman niya at ipakita sa publiko ang totoong siya. Pumayag ka na. Wala namang mawawala sa `yo, hindi ba?"
            Hindi na niya ito pinansin. Ibinigay na lang niya sa babae ang bayad niya. Napailing naman ito saka binalot ang mga pinamili niya.
            "Hindi ka ba talaga naaawa sa kanya? Masakit na ang tuhod niyan."
            "Hayaan mo na siya, Ate."
            "Hindi `yan tatayo dyan."
            "Tatayo rin siya, Ate."
            "Hindi nga." Giit nito.
            Hindi mapigilan ni Hyde ang mayamot sa pakikialam ng babaeng cashier.
            "Tatayo siya Ate."
            "Narinig mo naman ang sinabi niya kanina, hindi ba? Hindi siya tatayo hangga't hindi ka pumapayag."
            "Ate, `wag naman po kayong pakialamera."
            "Hindi ako nangingialam. Nakakayamot lang na makita na dito kayong dalawa gumagawa ng eksena. Tingnan mo ang mga nakapila sa likuran n'yo."
            Tiningnan naman niya ang mga iyon. Imbes na pagkayamot ang makita, iba ang nakita niya. Well. Ang iba ay nayayamot pero mas marami pa ang naghihintay sa magiging sagot niya. Mula sa mga ito, bumaba ang tingin niya kay Jake. Ganoon pa rin ang hitsura nito.
            "Hyde. Please."
            Napabuntung-hininga na lang siya saka tumango.
            "Para saan ang tango mo?" Nakangiting sabi nito.
            "Huwag kang magkunwari na hindi mo alam kung para saan ang tango na ginawa ko, Jake. Tumayo ka na dyan."
            Umiling ito. "Hindi. Tatayo ako kapag narinig ko na pumapayag ka na. Kapag narinig ng mga taong nakasunod sa atin na payag ka na."
            "Ang arte mo!" Nabubwisit na sabi niya.
            "Just say it. Please."
            "`Yong lalaki pa ang sinabihan ng maarte samantalang maarte naman siya," komento ng isang babae. "Papayag din pala. Pinatagal pa."
            Muli siyang napabunting-hininga. Tama naman ang babae. Wala na siyang nagawa kundi sabihin iyon.
            "Tumayo ka na dyan, Jake. Pumapayag na akong kumain sa labas kasama ka."
            Sa sinabi niyang iyon ay mabilis itong tumayo saka siya niyakap ng mahigpit.
            "Thanks Hyde."
            Narinig niya ang palakpakan at hiyawan ng ibang tao.
            Si Jake na naman ang nagwagi.


MALUWANG ang pagkakangiti ni jake habang kaagapay sa paglalakad si Hyde. Pagkatapso ng eksena niya sa bilihan ng supplies, heto na sila ngayon, patungo sa pinakamalapit na fastfood chain para kumain. Mabuti na lang at pumayag ito. Salamat na rin sa mga taong nandoroon dahil nagsilbing mga back-up niya para pumayag si Hyde, lalo na sa cashier na pinanganak yata talaga para maging pakialamera.
            Hindi ito inaasahan ni Jake kaya naman gagawin niya ang lahat para maging sulit ang once in a lifetime opportunity na ito lalo na at sinabi niya kay Hyde kanina na kahit ngayon lang na araw. Dahil pagkatapos nito ay hindi na siya lalapit dito.
            Ngunit bago niya makita si Hyde sa loob ay may balak na talagang umuwi si Jake. Wala na kasi siyang kasama dahil naunang umuwi si Rubius at Dominic. Iniwan lang naman siya ng dalawa. Na-delay din ang pagbili nila ng materials dahil sa biglaan na pag-alis ng dalawa. Tumambay lang siya sa bench na nasa loob dahil sa hinihintay niya na tumawag ang driver niya para ipaalam kung saan na ito.
            "Saan mo ba gustong kumain?" Tanong niya rito.
            "Sa turo-turo, gusto mo?" Balik-tanong nito.
            "Pwede. Ikaw naman ang masusunod sa ating dalawa."
            Sinimangutan lang siya nito na ikinatawa niya. Okay lang na ganoon ang maging reaksyon ni Hyde sa kanya. Ang mahalaga ay kasama niya ito ngayon at may pagkakataon siya na ipakita rito ang mabait na bahagi ng pagkatao niya. Hindi iyong Jake na bully at inalila ito. Gagawin niya talaga ang lahat para masabi nito na mabait siya at masarap na kasama.
            "Kung gusto ko ng umuwi, papayagan mo ba ako?" Anito.
            Nawala ang ngiti sa labi niya. Bigla siyang sumeryoso. Ayos na, eh. Bakit kailangan pa nitong hilingin ang bagay na iyon?
            "Ganoon ba talaga katindi ang hangarin mo na malayo sa akin? Iyong huwag tayong maging malapit sa isa't-isa?"
            "Oo."
            "Bakit pagdating sa akin ang sakit mong magsalita? Hindi ka naman ganyan kay Devin, ah? Napaka unfair mo naman talaga!" Hindi niya maiwasan ang mabahiran ng pagseselos ang kanyang boses. Hyde was just so unfair.
            "Hindi mo man lang ba ako pwedeng bigyan ng second chance, Hyde? Nagpapakabait naman ako para sa `yo. I stoop down on my level just to be with you. Tapos ganito lang? Para naman akong may sakit nito na nakakahawa at ayaw na ayaw mong madikit at makasama ako."
            "Second chance? Hindi naman kita binigyan ng pagkakataon para ligawan ako. Una pa lang, basted ka na."
            "Kaya nga eh. Iyon ang mas masakit. Mahal kita, gusto kitang ligawan pero wala. Nganga lang ako sa isang tabi. Pasulyap-sulyap tapos nagseselos tuwing nakikita ko kayong dalawa ni Devin na magkasama."
            "Pagseselos na hindi dapat."
            "Hindi dapat para sa `yo pero sa akin oo. Isang malaking 'oo', Hyde. Nagseselos ako kasi mahal kita."
            Napailing-iling na lang ito. Waring naawa sa kalungkutan na narinig sa kanyang boses pati sa kanyang tingin na nagmamakaawa.
            "Sinabi mo na ngayon lang ito. Pagkatapos ng pagkain natin, hindi mo na ako lalapitan. Hindi ka na.."
            "I stand to it," pamumutol niya sa sasabihin pa sana nito.
            Yes. Kahit masakit. Papanindigan niya ang bagay na ito. Dahil alam niya na makakagawa siya ng bagay na pwedeng maging dahilan para payagan siya nito na ligawan ito at para maging katapat niya si Devin. Alam niya na may puwang siya sa puso ni Hyde. Maging assuming man siya, wala siyang pakialam. Basta nararamdaman niya na mahalaga siya rito. Na pwedeng mging sila oras na makita nito ang totoong siya.
            "Mabuti naman kung ganoon," anito. "Ikaw na ang bahala kung saan mo tayo gustong kumain."
            Pagkasabi niyon nauna na ito sa kanya. Nilampasan ang fastfood chain kung saan sila dapat kakain. Sinundan na lamang niya ito para umagapay sa paglalakad. Bakit ba ang harsh nito sa kanya?
            Kailangan pa bang itanong `yan, Jake? Remember the day you met. Ang mga ginawa mo sa kanya para magalit siya at marami pang iba. Sabi ng bahagi ng pagkatao niya na nagpabunot sa kanya ng malalim na paghinga.
            Oh yeah! Kasalanan niya nga. Pero willing naman siya na baguhin ang pananaw at pagtingin sa kanya ni Hyde. Only if he will give him a chance. Kaso wala.
            "Ako na ang bahala kung saan." Aniya. "Hindi ba sabi mo sa turo-turo? Then be it. Doon tayo kakain."
            "Kumakain ka ba doon?"
            Matamis niya itong nginitian. "Laking kalye ako, Hyde. Kaya oo, kumakain ako sa ganoon."
            "Sigurado ka ba?"
            Tumango siya. "Oo naman. Cowboy din ito. Kahit saan mo ako dalhin, okay lang sa akin."
            "As if na mangyayaring dalhin kita kahit saan."
            "Mangyayari iyon." Cool niyang sagot.
            Napailing na lang ito.
            Mga ilang minuto pa ang ginugol nila sa loob ng mall bago sila lumabas ni Hyde doon. Kaagad naman silang nakahanap ng pwedeng kainan.
            "Ano bang gusto mo?" Tanong dito ni Jake. Magkatabi silang nakatayo habang nakatingin sa mga pagkain doon.
            "Kahit ano."
            "Okay." Aniya. Mabuti na lang at naitanong niya kay Vhian kung ano ang gustong pagkain ni Hyde. May ideya na siya at sakto naman na may putahe roon na gusto nito. Sinabi niya sa ale ang order niya saka hinintay iyon para siya na ang magdala sa mesa nila.
            Alas sais na kaya kanin at ulam ang kakainin nila. Magsisilbi na ring dinner niya iyon para pagdating sa kanyang bahay ay hindi na siya kakain. Bukod pa roon, may balak siya na huwag basta tapusin ang gabing ito sa lugar na ito.
            "Heto na ang pagkain natin," aniya. Inilapag niya ang mga iyon sa mesa. "Wait lang. Bili ako ng tubig." Paalam niya rito saka tumayo.
            Pagbalik niya, may dalawa na siyang dalang bottled water. Nakasunod lang ang tingin sa kanya ni Hyde. Nginitian niya ito na ikinaiwas naman nito ng tingin. Napansin niya ang pamumula ng pisngi nito.
            "Cute." Naiusal niya. "Kain na tayo, Hyde."
            "O-okay." Sabi nito.
            "Huwag kang mailang sa akin. Kain na tayo."
            "Hindi ako naiilang sa `yo," mariing tanggi nito.
            Hindi na lang siya nagsalita saka sumubo ng kanin at bopis na in-order niya.
Nagsimula na ring kumain si Hyde. Katulad niya, magana rin ito. Talagang paborito nga nito ang bopis lalo na raw kung luto iyon ng mama nito.
            Napapitlag si Hyde ng dumukwang siya at punasan ang gilid ng labi nito. Natigilan naman siya ng madama ang lambot ng labi nito. Napalunok at tumiim ang tingin niya rito. Naiisip niya na halikan ito. Na gusto niyang madama ang lambot ng labi nito sa labi niya..muli.
            Nawala siya sa trance na iyon ng tumikhim si Hyde saka hawakan ang kamay niya at ilayo dito. Nag-iwas naman siya ng tingin saka nag-focus sa pagkain. Hyde did the same. Ngunit hindi maipagkakaila ni Jake ang init na dulot sa kanya ni Hyde. Init na ito lang ang nagbibigay pagkatapos ng huli niyang karelasyon. Hyde's effect to him was lethal. Kung siraulo lang siya baka matagal na siyang nawalan ng huwisyo dahil dito, sa paulit-ulit na rejection niyang natatanggap mula rito. But he always wanted to be positive. Alam niya na sa pagtitiyaga niya ay makukuha rin niya ito. At kapag nangyari iyon, hindi na niya ito pakakawalan. Gagawin niya ang lahat mapasaya lang ito.


ITUTULOY..



10 comments:

  1. 😍😘😍😍😍Nice ng chapter nato atlest...

    D ko lang masyado gusto masyadong api s jake..😒😞😒😞😒😞
    Pata ung ginawa n Devin para bawas pointz ata ang ganun..

    Shai 😊😚😁

    ReplyDelete
  2. Ang sarap mo kalbuhin Hyde.. Haha.. Ang ganda mo... Lakas makababae ng pg luhod sayo ng Ex kong si Jake..lol

    ReplyDelete
  3. Yehey binigyan nya na ng chance si Jake sana sa susunod mas mahaba pa yung moments nila and eventually sana maging sweet naren sila sa isa't-isa pumayag ka na kasi Hyde!! Hahaha

    thanks mr.author sa update. Take care!!

    -44

    ReplyDelete
  4. Ah yung point ng ilong yung tungkil. Hahaha. Devin parin po ako Kuyang Author. Hu hu hu. :( hahaha

    ReplyDelete
  5. Kahit ako malilito sa sitation. I can't blame Hyde.....Thanks sa pdate Mr Author. Take care.

    ReplyDelete
  6. Team Jake!!! GO! Go! GO!

    ReplyDelete
  7. Bkit ganon kuya alvin parang lugi si drvin ky jake kahit lagi nitong kasama si hyyde.... kasi si devin nfi pa niya kila pamilya ni hyde samantala si jake naka punta at nahalubilo na niya ito, tpos my special space soya sa puso ni hyde gdapat ndi ganon kiya alvin

    Jharz

    ReplyDelete
  8. ah! ! ! ! ! kilig much :D on the moves na si Jake. Go TeamJake! ! :)

    -Toto Tancinco

    ReplyDelete
  9. Kawawa naman talaga si Jake nagiging desperado na siya para mapansin siya ni Hyde. Hyde masyado ka nang unfair Kay Jake mag- bigay ka naman ng chance na ligawan ka. Devin where na you? Si Devin ang mas good choice kaysa kay Jake.

    ReplyDelete
  10. Naiinis Na rin ako Kay Hyde
    Oa na masyado, napepeste ako ang arte na ni hyde sobra. Author yung totoo naiinis na rin ako sayo

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails