Followers

Tuesday, March 3, 2015

String from the Heart [11]



AUTHOR’S NOTE

Heto na po ang chapter 11.

Muli. Nagpapasalamat po ako sa mga readers at commentator sa chapter 10 ng String. Nakakatuwa na lumampas na naman ng sampu ang comments. Lol

Bharu (Magkakasundo. YEAH.)
Toto Tancinco (Naaawa na rin ako sa kanya. Sinasaktan ko na masyado pambato ko, eh. MASAKLAP.)
44 (As usual, maiksi pa rin ito. 9 pages lang po ito.)
Anonymous, Feb. 28, 2015, 10:00 & 10:31 PM (Si Vhian ka, hindi ba? Haha. Tama ka! Kapangalan mo ang isa sa kapatid ni Vin at Hyde.)
Anonymous, Feb. 28, 2015, 11:00 PM (Salamat po at isa ito sa paborito mo at pangalawa pa! Salamat!)
Tito Alfred of T.O (Hindi po `yon mapupunta sa ere. I’m sure, may patutunguhan `yon! Malayo pa nga lang.)
Gilrex Laurente (Eehem! Tama ka po! Si Jake nga.)
Angel (Salamat! Ikaw na lang ang hindi ko po nakikita sa FACEBOOK. Lol. At talagang umaasa ako na makikita kita!)
Leandro Roque (Heto na po ang update!)
Papa JC Sy (Isa sa paborito kong character dito ay si Lola Fe! Haha)
Harold Gaje (Oo nga, ano? Kapangalan mo nga!)

At sa mga tao sa group! Hello po! Faustino, Chrisitian, Mama Lalie, Alex J. King at sa iba pa!

Hello rin po sa mga co-RA’S ko. Kuya Carlos, Kuya Rye, Seyren, Apple Green, Prince Justin Dizon, Axel De Los Reyes at sa iba pa!

Lastly! Salamat sa pribilihiyong ito. Sir Mike at Kuya Ponse.

Heto na po!
ENJOY!


CHAPTER ELEVEN

MASAKIT. Iyon ang nararamdaman ni Jake sa mga oras na iyon. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan saka lumabas ng MAB. Napakagago lang niya para sundan si Hyde sa bar na ito. Tuloy ngayon, siya ang nasasaktan sa nasaksihan. Nakakapagselos na si Devin ay may access na pwedeng maipadama kay Hyde ang nararamdaman nito. Samantalang siya ay isang malaking 'wala' ang sumisigaw. Hindi man lamang siya nabigyan ng pagkakataon para maipadama ang pagmamahal na iyon. Paano naman kasi? Isinara na niy Hyde ang pagkakataon na iyon dahil sa mga nangyari sa kanila.
            Nang makalabas siya ng bar. Pumunta siya sa parking lot. Napagdiskitahan niya ang gulong ng isang sasakyan. Pinagsisipa niya iyon. Mabawasan lamang ang sakit na dulot sa kanya ng nasaksihan. Habang ginagawa niya iyon, hindi niya mapigilan ang maiyak. Para siyang tanga na pinagdiskitahan ang gulong kahit na siya ang nasasaktan, ang paa niya ang nasasaktan.
            Naiyak na siya ng tuluyan. Gusto niyang sumigaw na siya namang ginawa niya. Pero bakit ganoon? Hindi nababawasan ang sakit ng kanyang puso. Matindi. Masidhi. Matapang. Ang mga eksaktong salita na pwedeng ilarawan.
            Dahil sa pagmamahal niya kay Hyde, nagbago siya. Nawala ang Jake na bully. Iyong matapang at walang inuurungan. Si Hyde lang ang nagpatiklop sa kanya ng ganito. At ngayon..
            "Shit lang! Shit!" Paulit-ulit na pagbigkas niya.
            Hindi niya alam kung sino ang eksaktong minumura. Kung ang sarili bang nasasaktan o ang kanyang katangahan. Mukhang pareho rin naman.
            "Gago ka Jake! Napaka-gago pa!" Sabi niya sa sarili.
            Para siyang ewan. Kilala siya ng marami na bully, na matapang at hindi basta-basta nagpapatalo pero ang mga aksyon niya ngayon ay taliwas sa nasasaksihan, sa alam ng karamihan.
            Ganito ba talaga magmahal? Ang matapang nagiging mahina. Nagiging iba ang ugali ng isang tao na dapat manatili kahit na nagmamahal.
            "Shit lang talaga!"
            Wala pa ring tigil ang pagbuhos ng luha niya. Kahit na anong gawin niyang pagpunas doon ay meron pa ring bumubukal.
            Natigil lang siya sa pagsipa sa gulong ng kotse ng marinig ang pagtunog ng cellphone niya na nasa bulsa. Kinuha niya iyon, tiningnan kung sino ang tumatawag. Ang driver niya iyon.
            "Hello."
            "Sir, nandito na po ako sa sinasabi n'yong bar. Saan na po kayo?" Sabi ni Mang Temyong. Bago siya magtungo sa MAB, tinawagan niya ito na sunduin siya ng mga alas-dose.
            "Nandito ako sa parking lot, Mang Temyong. Ako na lang po ang pupunta dyan." Sagot niya. Pinigilan niya ang mapasigok.
            "Okay po, Sir." Sinabi nito sa kanya ang kinaroroonan nito.
            Bago magtungo roon. Inayos niya muna ang sarili. Nang masiguradong hindi na siya mukhang ewan mula sa pag-iyak kanina, nagtungo na siya roon. Nang makita siya ni Mang Temyong, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Tsk. Hindi naman yata maiiwasan iyon dahil alam niyang namumula ang mata niya dahil sa pag-iyak. Kahit na sabihin pa niyang inayos niya ang kanyang sarili, hindi naman maipagkakaila na galing siya sa pag-iyak. Siguro nga pati ilong niya ay namumula. Ganoon pa man, hindi ito nag-usisa saka sumakay. Pinaandar nito ang kotse.
            Sumandal naman siya sa sandalan ng upuan. Tumingala saka ipinikit ang mata. Pilit niyang iwinaksi sa isip ang nasaksihan kanina ngunit hindi niya magawa. Parang pirated cd na paulit-ulit na naglaro iyon sa isipan niya. Muli, naluluha na naman siya. Agad niyang pinunasan iyon saka mariing pumikit.
            Para kang siraulo, Jake! Matagal nang sira ang tuktok mo pero mas nasira pa yata ngayon dahil sa nagmamahal ka! Umayos ka.
            Paalala niya sa sarili ngunit wala ring saysay.
            Bakit ba kasi ako nagmahal? Tuloy ito, nasasaktan ako. Sa dami ng pwedeng mahalin, bakit siya pa? Bakit sa tao pang naging katapat ko sa lahat ng mga binully ko? Bakit ba kasi si Hyde pa? Tuloy ngayon, wala akong pag-asa. Hindi ko rin maipadama sa kanya ang pagmamahal ko.
            Para na siyang baliw na nakikipag-usap sa sarili. Baliw na yata talaga siya.
            Oh, Hyde. Ano ba ang ginawa mo sa `kin? Nakakuha na nga ako ng katapat sa katulad mo. Ang malala, hindi ka lang basta naging katapat dahil ikaw pa pala ang magpapakita ng kahinaan ng isang tao na katulad ko.

MGA KALAHATING oras din ang ginugol ni Jake sa biyahe bago makauwi sa bahay nila. Nasa loob pa rin siya ng kotse. Naghihintay na pagbuksan sila ng katulong ng gate. Habang tinitingnan niya ang malaking bahay nila. Hindi niya maiwasan ang madagdagan ang kalungkutan na nadarama.
            Ang pakiramdam niya na nag-iisa ay mas lalo pang nadagdagan dahil doon. Paano namang hindi? Malaki nga ang bahay nila. Marangya. May pera sila. Nakukuha niya ang lahat ng gusto ngunit ang mga materyal na bagay na iyon ay wala pa ring silbi. Nagsusumigaw kasi ang katotohanan na mula pagkabata, mula ng magkamuwang siya ay nag-iisa na siya. Lumaki sa piling ng kanyang Yaya Seling na noong nakaraan ay umalis na rin dahil aalagaan nito ang apo nito sa panganay na anak. Mag-iisa na lang ba siya palagi?
            Nang mabuksan ang gate ng isang katulong, pinaandar na ni Mang Temyong ang kotse papasok sa garahe ng kanilang bahay. Nang huminto iyon, hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pintuan nito. Bumaba na siya at dire-diretsong umakyat ng hagdan patungo sa kanyang kwarto.
            Kahit na nakita niya ang kotse ng magulang niya sa garahe, hindi niya iyon pinansin. Kahit na umuwi naman kasi ang mga ito, walang oras na kamustahin siya dahil sa kaabalahan.
            Binuksan niya ang pintuan ng kwarto niya. Nagulat siya nang makita kung sino ang taong nakahiga sa malaki niyang kama. Ang mama niya iyon. Tinitigan niya ito. Nakapikit ang mata, halata ang pagod sa mukha. Siguro, naramdaman nito na may nakatingin dito kaya nagmulat ito ng mata. Inilibot ang paningin at napangiti nang makita siya.
            "Jake, anak, nandiyan ka na pala." Anito.
            "Bakit kayo nandito, `ma?" He asked, coldly.
            "Hinihintay kita. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Saan ka galing, anak?"
            "Bakit po?" Tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito
            "Para kamustahin ka."
            "Bakit niyo ko kakamustahin, `Ma?"
            Nabigla ito sa tanong niya. Tila napahiya rin. "Dahil anak kita at mama mo ako, Jake."
            Lihim siyang napangiti. Ngiti na may pang-uuyam. "Okay lang. It's just weird, `Ma. Ngayon ko lang nalaman na may ina pala ako."
            "Jake, hijo." Anito. Visible na sa mukha ang lungkot. "I'm sorry. Sorry sa.."
            "`Wag na `Ma. Lagi naman kayong humihingi ng sorry saka paumanhin sa akin pero wala namang bago, eh. Ganoon pa rin."
            "Jake. Babawi ako. This time, totoo na ito. Nag-usap na kami ng papa mo. Hindi na ako magtatrabaho, aalagaan na kita. Sa `yo ako magpo-focus."
            "Bakit ngayon lang? Kung kailan matanda na ako," naghihinakit na sabi niya.
            "Jake. Hayaan mong bumawi ako."
            Tumayo ito mula sa kanyang kama saka lumapit sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit. Hindi siya gumanti.
            "Alam kong marami kaming pagkukulang ng papa mo sa `yo. Naiintindihan ko na galit ka sa amin dahil sa pagkukulang na iyon. Hayaan mong punan ko ang mga iyon lalo na at wala na si Tiyang Seling dito sa bahay."
            "Sa tingin n'yo po, `Ma? Kailangan ko pa `yon?"
            "Oo. Kahit na wala naman ako sa tabi mo, alam ko ang mga nangyayari sa `yo, Jake. Nagre'-report sa `kin si Mang Temyong. At alam ko na nasasaktan ka ngayon."
            Nagulat siya sa sinabi nito. "`Ma."
            "Tanggap ka namin ng papa mo sa kung ano ka man."
             Lumambot ang puso ni Jake sa sinabi ng mama niya. Tila nawala rin ang galit na lumukob sa puso niya. Nabigla na lamang siya ng gumanti siya ng yakap dito. Nagulat ang mama niya ngunit hindi nagsalita.
            "`Ma." Iyon lang ang nasabi niya.
            "When you're ready, you can tell it to me." Anito. Waring nabasa ang nasa isipan niya.

IBA ANG PAKIRAMDAM ni Jake nang magising siya. Magaan ang kanyang pakiramdam. Waring may mangyayaring bago sa araw na ito. Tumayo siya mula sa kanyang higaan. Inilibot ang paningin sa kanyang kwarto. Maaliwalas na iyon. Hindi katulad ng dati na tila palaging gloomy.
            Nag-inat-inat siya. Nagpunta sa banyo para maghilamos at magmumog. Napatingin siya sa repleksyon sa kanyang salamin. Kahit ang mukha niya ay maaliwalas. Epekto iyon ng nangyari kagabi. Pagkatapos siyang yakapin ng mama niya, nagpaalam na ito na aalis para makapagpahinga siya.
            Hindi na siya nag-iisa. Alam niya na paglabas niya sa kwarto makikita niya ang mama niya. Sana ngayon na ayos na siya sa mama niya, maging maayos na rin sila ni Hyde. Napangiti siya nang maalala ang mukha nito ngunit dagli ring nawala ang ngiting iyon ng maalala niya ang nangyari kagabi bago siya umuwi.
            Sana magkaroon na rin ako ng pagkakataon na magawa ang nagawa ni Devin.
            Nakakainggit lang ang Devin na iyon.
            Nang matapos sa ginagawa sa banyo, lumabas na siya ng kanyang kwarto. Pagkababa niya ng hagdan ay agad sumalubong sa kanya ang isang bulaklak sa gitna ng mesang nandodoon. Matingkad na kulay pulang rosas iyon. Waring nagbigay ng kasiyahan sa bahay, sa kabuuan nito.
            Mahilig ang mama niya sa bulaklak kaya hindi na iyon nakapagtataka. Matagal na rin mula nang magkaroon ng sariwang bulaklak sa bahay nila.
            Dumiretso siya sa dining area ng maamoy ang mabangong aroma ng nilulutong agahan ng ina niya. Kahit hindi pa niya nakikita, alam niya na ang mama niya iyon. Nang makapasok siya doon. Napangiti siya nang makita ang mga nakahain na pagkain. Pritong itlog, hotdog, daing at sinangag. Mayroon ding tasa ng umuusok na kape. Inumin na paborito niya mula ng naging kinse ang edad niya. Inumin na madalas niyang naiinom sa loob ng mga fastfood chain at hindi sa bahay nila.
            Napatingin siya sa pintuan na papunta sa kusina nang lumabas doon ang mama niya. Elegante, kahit na nasa bahay lang ay nakapostura.
            "Magandang umaga, anak. Gising ka na pala," anito.
            Lumapit siya rito saka ito hinalikan sa pisngi. "Morning din po, `Ma."
            "Kumain ka na ng agahan bago ka pumasok sa URS."
            "Sige po. Hindi po ako tatanggi. Na-miss ko `to," aniya saka umupo.
            Tumawa ang mama niya saka siya pinuwestuhan. Nilagyan nito ng sinangag ang kanyang plato. Napatingin siya rito nang lagyan nito ng daing ang plato niya.
            Nakangiti ito.
            "Alam ko na mas gusto mo ang daing, anak. Sinabi sa akin ni Yaya Seling. Pasensya na at wala akong nakuha na dried pusit. Hayaan mo at magpapabili ako."
            "Okay na po `to, `Ma. Salamat po."
            "Tungkulin ko `to bilang ina mo, anak."
            Umupo ito sa katabing upuan ng kinauupuan niya.
            Magana siyang kumain habang nakatingin sa kanya ang mama niya.
            "Nakakatuwa na magana kang kumain, Jake." Anito. "Salamat at agad mong napatawad si mama sa pagkukulang ko sa `yo."
            Napatingin siya rito. "Akala ko rin po hindi ko kayo mapapatawad. Pero kagabi, hindi ko po makapa ang galit, tampo lang po ang mayroon ako sa inyong dalawa ni papa."
            "Salamat. Talagang babawi ako sa `yo, kaming dalawa ng papa mo. Siyanga pala, Jake, noong nakaraan, nakausap ko ang Ninong Ferdie mo, wala na raw report tungkol sa `yo. Mukhang nagbago ka na mula sa pagiging bully. Siya ba ang dahilan?"
            "Kilala n'yo po siya, `Ma?"
            Tumango ito. "Kilala ko. Nang sabihin sa akin ni Mang Temyong na may sinusundan ka. Nang sabihin niya sa akin ang pangalan niya, agad akong nagpakuha ng impormasyon tungkol sa kanya."
            "Siya nga po ang dahilan," aniya. "`Ma, salamat po sa pagtanggap n'yo na lalaki ang mahal ko."
            Nakangiting hinawakan nito ang pisngi niya saka siya hinalikan sa noo. "Hindi mo kailangang humingi ng salamat, anak. Hindi. Tanggap ka namin ng papa mo kahit na maging ano ka man."
            "Salamat po talaga."
            "Magkwento ka tungkol sa kanya. Iba pa rin ang nanggaling mula sa `yo kaysa kay Mang Temyong."
            Iyon nga ang ginawa niya. Nagkwento siya tungkol kay Hyde. Ang mga ginawa nito sa kanya na mga bagay. Sa huli, nalungkot siyang muli nang madako ang kwento niya sa wala siyang pag-asa dito.
            "Hayaan mo. Darating ang araw na mapapansin ka niya bilang ikaw, bilang lalaking nagmamahal sa kanya at hindi bilang ang bully na Jake na nakilala niya."


ISANG LINGGO na rin mula nang mangyari ang panghaharana ni Devin kay Hyde ngunit kahit na ganoon na katagal ang nakalipas ay hindi pa rin niya maiwasan ang mangiti ng maluwang tuwing naaalala iyon.
           
            Nanatiling nakayuko si Hyde kahit na wala na ang spotlight na nakatutok sa kanya. Alam kasi niya na sa kanya pa rin nakatutok ang mata ng ibang nandodoon. Talagang takaw atensyon at tingin naman kasi ang ginawa ni Devin. At kahit na wala na si Devin sa itaas ng stage..
            "Puntahan mo na kaya si Devin," ani Vienne.
            Napatingin siya rito. Malawak pa rin ang pagkakangiti nito. Wala na siyang makitang panunudyo roon.
            "Sa akin pa ba sila nakatingin?"
            "`Yong ibang parokyano, pero,`yong iba hindi na. Busy na sila sa mga ginagawa."
            "Ganoon ba?"
            "Oo."
            "Sige. Pupuntahan ko na siya," paalam niya rito. Tumayo na rin siya. Habang naglalakad patungo sa backstage, iniwasan ni Hyde na salubungin ang mga tingin ng taong nakatingin pa rin sa kanya. Siyempre natutuwa siya sa ginawa ni Devin ngunit nandodoon pa rin ang hiya. Hayst.
            Nang makarating siya sa backstage, agad niyang nakita si Devin. Nakaupo ito habang yakap ang gitara. Nilapitan niya ito. Nang makita siya, tumayo ito saka siya sinalubong.
            "Nagustuhan mo ba, Hyde?' Nahihiya nitong tanong. Katulad ng nakagawian, nagkamot na naman ito sa tungki ng ilong.
            "Oo. Kaso nahihiya ako," aniya. "Salamat pala sa ginawa mo, Devin."
            Ngumiti ito nang maluwang saka ibinaba ang gitara sa katabing upuan.
            "Pwede ba kitang yakapin?"
            Hindi na siya nagsalita pa. Mas lumapit siya rito saka ito niyakap na ikinagulat nito ngunit panandalian lamang iyon dahil gumanti na ito ng yakap.
            "Salamat talaga sa ginawa mo, Devin. Salamat." Overwhelming naman talaga ang pakiramdam ni Hyde ngunit wala siyang ibang masabi kundi ang pasasalamat.
            "Para sa `yo gagawin ko ang lahat."
           

Pagkatapos ng eksena nila sa backstage, namasyal pa sila nito at sa huli ay hinatid sa kanto patungo sa kanilang street. Hindi na niya ito pinababa ng jeep dahil alam niya na pagod na si Devin.
            At bago siya matulog ay ka-text pa niya ito.
            Heaven. Iyon ang pakiramdam ni Hyde hanggang sa ngayon.
            "Nakakabwisit ang malawak na ngiti sa labi mo." Natigil siya sa pagre-reminisce ng marinig ang pamilyar na boses na hindi niya inaasahan na maririnig ulit. Galing iyon kay Jake.
            "A-anong ginagawa mo rito?" Parang timang na tanong niya.
            "Kakain." Pagak na sagot nito.
            "Alam kong kakain ka. Canteen kaya ito pero bakit ka nasa harapan ko?" Panonopla niya rito.
            Jake gave him a blank look. "Tumingin ka sa paligid mo. May nakita ka bang bakanteng upuan bukod sa upuan na nandidito?"
            Ginawa niya ang sinabi nito. Inilibot niya ang paningin sa loob ng canteen. Wala na ngang bakante bukod sa mesa niya.
            "Wala na hindi ba?"
            Hindi siya sumagot. Umupo na ito sa upuan na nasa kabilang bahagi ng pakwadradong mesa. Maganang kumain si Jake samantalang siya ay bigla-biglang nakadama ng pagkailang sa muli nilang paglalapit.
            "Kumain ka na lang, pwede." Anito. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Baka kung ano ang magawa ko sa `yo."
            Napayuko siya dala ng hiya. Pakiramdam niya rin ay namula ang mukha niya sa sinabi nito. Akala pa naman niya ay abala ito sa pagkain nito. Paano naman nito nalaman na nakatingin siya?
            "Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sa `yo noon, Hyde?" Tanong ni Jake na nagpatigil sa kanya.
            "Hi-hindi na."
            "Mabuti ka pa," anito. Maririnig ang pait sa boses. "Ako kasi, hindi ko makakalimutan iyon. Nakita mo naman siguro ako sa bar n'ung haranahin ka ni Devin, hindi ba?"
            "Oo." Sagot niya. Ang eksenang iyon ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya. Ang luha..
            "At nakita mo na umiiyak ako n'un."
            Nagulat siya. Ang ginawa nitong pag-amin sa kahinaan nito ay sadyang bago sa kanya. Hindi ito ang tipong ganoon.
            "Ano ba ang gusto mong sabihin, Jake?" Lakas loob niyang tanong.
            "Na sa paglipas ng mga araw, mas lalo kitang minamahal. Na sa paglipas ng araw, nasasaktan ako na wala man lang ako magawa para ipadama sa `yo ang pagmamahal na iyon."
            "Kaya ba nilapitan mo ako para sabihin iyon?"
            "Partly."
            "Jake.."
            "Kung sasabihin mo na wala akong aasahan sa `yo, `wag na. Alam ko na `yon, paulit-ulit kaya iyon na naglalaro sa isip ko. And hell! It was torturing me."
            "Ano ba talaga ang gusto mo?"
            "Na payagan mo akong maipadama sa `yo ang pagmamahal ko. Payagan mo akong ligawan ka."
            Speechless si Hyde. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin kay Jake. Aaminin niyang naaawa siya rito ngunit sa likod ng awang iyon ang pakiramdam na..
            "Bakit mo ba pinipigilan na ligawan kita?"
            "Si-sinabi ko na sa `yo ang rason. Wala kang aasahan sa `kin, Jake. Walang-wala."
            "Kung wala, bakit hindi ka tiyak sa sinasabi mo?"
            Muli, muli siyang natigilan. Napatingin lamang siya rito saka nag-iwas ng tingin ng hindi makaya ang sidhi ng pagtitig nito.
            Sinamsam na lamang niya ang kanyang gamit sa mesa pati ang hindi pa nauubos na pagkain saka tumayo. Ngunit hindi pa siya nakakaalis, pinigilan siya nito. Tumayo rin ito at hinawakan siya sa braso.
            "Lagi ka na lang bang tatakbo tuwing mag-uusap tayo, Hyde? Paraan mo ba `to para lalo pa kitang habulin? Ang lalo pa kitang mahalin? Ang maging miserable pa akong lalo?"
            "Wala akong ginagawa na paraan. Kung lumalayo man ako, ang dahilan niyon ay hindi kita kayang kausapan. Na.."
            "Na kaya mo akong mahalin." Pamamatlang nito sa kanya na ikinatigil niya.
            Umiling-iling siya saka pumiksi. Binitawan siya nito. "Mahal ko na si Devin. Si Devin lang ang mamahalin ko at hindi ikaw."
            Pain etched in Jake's face. He also saw defeat in his eyes.
            "But that will not stop me to do things, Hyde. Guguluhin kita hanggang sa mabaling sa akin ang pagmamahal na sinasabi mong para kay Devin. And when you fall, I will make sure that you will never get away. Gagawin kitang bilanggo sa pagmamahal ko."
            Umiling lang siya saka iniwan ito.
            Malakas ang tibok ng kanyang puso. Dala ng kaba at.. Natigil siya ng maramdaman ang pagbangga ng kung sino sa likuran niya. Nang harapin niya iyon, nagulat siya. Bakit hindi siya magugulat? The guys face looks so scary. Mukha itong kontrabida sa pagkakakunot ng noo nito saka sa talim ng tingin sa kanya. Bukod pa roon, pamilyar din ito. Ito ang lalaking nakabangga niya na galit pa samantalang ito ang nakabunggo sa kanya. At ang senaryo ngayon, naulit, at ito pa ang galit.
            "Hindi ako hihingi ng sorry sa `yo." Aniya.
            "Wala akong pakialam. Kung hihingi ka man ng sorry, hindi ko rin naman tatanggapin. Get out of my way, flirt!"
            Napanting ang tainga niya sa sinabi nito. "Flirt? Anong sinasabi mo? Sa pagkakaalam ko wala akong nilalandi sa school na ito? How come you say things about me? Hindi mo naman ako kilala, ah!"
            "Kilala kita. Kilalang-kilala. Nilalandi mo si Devin at si Jake."
            Sa sinabi nito, kumalma siya. Naisip niya na walang katuturan kung paiiralin niya ang galit at patulan ito.
            "Excuse me." Aniya saka ito iniwan.
            Hindi pa siya nakakalayo ng hawakan nito ang balikat niya saka lumapit sa kanya,
            "Stop flirting with them. Kapag hindi ka tumigil, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin."
            Kinilabutan siya sa sinabi nito. Nakadama ng takot. Hindi niya iyon pinahalata saka kumawala rito.
            Nang tingnan niya ito sa mukha, kitang-kita ang balasik doon. Tila handang pumatay kapag hindi nasunod ang gusto. Ngunit wala siyang balak na lumayo kay Devin.
            Lihim na napailing si Hyde nang makita na nakangiti na ito. Nilampasan na lamang niya ito.


ANG NGITING makikita sa kanyang mukha ay napalitan ng galit nang mawala si Hyde sa harapan niya. Wala siyang balak na lapitan ito ngunit pagkatapos ng nalaman niya mula sa isang kaklase na ginawa ni Devin para kay Hyde, isang linggo na ang nakakaraan ang nag-trigger sa kanya para lapitan ito. Para babalaan. At kanina, nang makita niya itong kausap si Jake ay mas lalo pa siyang nangitngit lalo na ng makita niya ang pagkatalo sa mukha ng lalaki na hinahangaan at simpleng tinatangi.
            Ano ba talaga ang mayroon sa Ilagan na iyon?
            Bakit mas ito pa talaga ang napansin kaysa sa kanya?
            Ang mga katanungan na iyon ang naglalaro sa isipan niya. Gusto niyang malaman iyon kasabay ng kaigihan na mawala sa landas niya si Hyde. Peste! Hindi talaga siya papayag na mas mapalapit ito sa dalawa. At lalong hindi siya papayag na maging nobyo nito si Devin. Sa kanya lamang ito.
            "Ex-excuse me."
            Napatingin siya sa nagsalita sa kanyang likuran. Nabigla siya ng makita si Marty, kasama si Rubius na kasunod si Dominic. Nakatingin sa kanya ang mga ito. Nagtataka ang paningin. Nang maalala niya ang tabas ng kanyang mukha, agad siyang ngumiti.
            "Hello sa inyong tatlo."
            Hindi siya pinansin ng mga ito. Waring nagtataka sa mga kilos niya. Naikuyom niya ang kamao ng magtama ang paningin nila ni Marty. Hanggang ngayon, hindi pa siya natutunawan sa nerd na ito. Ito ang dahilan ng pagpalpak ng plano niya. Masidhi rin ang hangarin niya na magantihan ito.
            At sa usaping pagganti kay Hyde. Wala pa siyang naiisip. Kapag gumawa siya ng plano, sisiguraduhin na niyang mag-isa si Hyde at malakas ang magiging epekto niyon sa lalaki. Sa ngayon, sisimulan niya muna iyon sa pagpapadala ng mga mensahe na magbibigay ng takot sa malanding lalaking iyon!
            "Bakit ka ba nakaharang sa daan, Asethi." Tanong ni Rubius sa kanya.
            "Wala." Aniya. "Pwede na kayong dumaan. Mag-ingat lang kayo." Aniya.
            Napailing na lang ang mga ito. Si Marty naman ay nakatingin lang sa kanya. Pasimple niyang sinamaan ito ng tingin na naging dahilan para mag-iwas ito ng tingin.
            "Sige, Vix." Ani Dominic.
            Nasa unahan na niya ang mga ito ng marinig niya ang sinabi ni Rubius sa katabi nitong si Dominic.
            "He's really weird, Doms."


JAKE'S heart shattered into pieces. It is in pain in the moment. Wala siyang ibang magawa kundi ang tingnan si Hyde na papalayo sa kanya. Hindi naman niya inaasahan na makakausap niya ito kanina lang. Dahil sa wala na siyang maupuan, eksakto naman na sa mesa nito na lamang ang may bakante kaya doon na siya pumwesto at hindi niya napigilan ang sarili na kausapin ito at banggitin kung naaalala pa nito ang sinabi niya rito. At mapait na katulad ng gulay na ampalaya na hindi na nito iyon maalala samantalang siya ay sobra pang naglalaro sa isipan niya.
            Siguro. Ang pag-uusap nilang ito ay huli. Hindi na siguro masusundan pa dahil sa ginawa niya mas lalayo pa ito. Kung sana lang talaga..
            Bumuntung hininga na lamang siya.
            Napatayo siya sa kinauupuan nang makita ang pagbangga dito ng isang lalaki. Nag-usap at parang may pinag-uusapan ang dalawa na hindi naaayon sa nararamdaman ng lalaki pati kay Hyde.
            Natigilan siya ng mamukhaan ang lalaki. Vix Asethi Alcarion. Classmate niya ito noong elementary, hindi lamang niya kundi pati nina Devin, Rubius at Dominic. Ang classmate nila na may pagka-weird dahil madalas na tahimik at laging nasa isang sulok ng classroom.
            Nakapagtataka na ngayon lamang ito nagsalita ng ganoon. At ngayon lang niya nalaman na sa school nila ito nag-aaral. Kagaya niya, masasabi niyang may kaya ang pamilya nito. Kaya nitong mag-aral sa Schoneberg o kaya sa SAU.
            Handa na siyang lapitan ang mga ito ng umalis si Hyde at iwanan si Vix. Nakita niya si Marty na patayo sa kinauupuan nito kanina kasama ang ibang classmate nila kasunod si Rubius at Dominic.
            Nang makita siya ng dalawa, tinanguan siya ng mga ito saka mas lumapit kay Marty.
            Sa isip-isip niya. Talagang weird. Weird.
            Nang malampasan si Vix nina Marty ay umalis na rin ito sa canteen. Lumapit naman sa kanya sina Rubius at Dominic.
            "Ang weird ni Alcarion." Agad na sabi ng nauna.
            "Iyon din ang pakiramdam ko habang nakatingin ako sa inyong apat. Something is really weird."
            "N'ung araw na may aksidenteng mahulog na halamanan sa kinaroroonan nina Hyde at Marty, nakita ko siya roon," ani Rubius.
            Nagulat siya. "Ano daw ang ginagawa niya doon?"
            Nagkibit ito ng balikat. "Aba ewan ko. Malay ko ba sa weirdo na `yon. Nag-usisa ako pero wala naman siyang matinong sagot."
            "Lunatic yata si Vix." Ani Dominic.
            "Kailan ka pa naging mapanghusga na tao, Doms?" Baling niya rito.
            "Ngayon lang." Anito saka nagsimula nang kumain.
            Napailing na lang siya saka malalim na napaisip.

ITUTULOY..

14 comments:

  1. Huhuhu, sobrang nakaka-awa si Jake..... Hoy, ikaw Hyde ha, baka gusto mong ipasapak kita kay JOSEPH at CHRIS? Sobrang haba na ng hair mo masyado!
    Team JAKE ako, kung ayaw mo sa kanya..... uhmm, ah... eh, pwede akin na lang siya? Hihi, joke... Lol!

    ReplyDelete
  2. Nasaktan na naman ang aming pambato. Susmaryosep. Nakakaawa naman siya. May feelings naman kasi tapos nakukuha pang mag-inarte ni Hyde. Haha. Joke. Nakakatakot si Vix. Akala ko pa naman babae ang makakabangga ni Hyde.

    Salmat sa matulin na update mr. Author :D

    ReplyDelete
  3. So sya pala yung walang hiyang may gawa nun kay Hyde yung Vix na yun tsktsk kawawa na talaga si Jake huhu nakakainis si Hyde haha joke lang ok naman kajit medyo bitin paden haha joke lang mr. Author! :)

    -44

    ReplyDelete
  4. Hanep sa pananakit ky jake ah pero sana mging okie n lng sila as frend..... At ky devin wagas ang the moves

    Jharz

    ReplyDelete
  5. Ah..kala ko babaeita ang kontrabida..haha..
    Desperado na si Jake ah.. Ayaw sumuko.. Tsk... Akin k n lng kc.. (insert mo ko jan mr.author haha)

    ReplyDelete
  6. Sobra ka naman Hyde bigyan mo naman ng chance si Jake para patas ang Laban. Hmm may problema ba sa utak ang Vix na yan at inggit na inggit siya kay Hyde? Naku gulo na naman Siguro dala niya. Update please :)

    ReplyDelete
  7. Ako nga. Hindi ko na nalagyan ng pangalan ko buti na lang nalaman mo na ako haha. Grabe ka po inaapi mo na masyado si Jake! Boto kami ni Vhian jan eh :(

    - Vhian

    ReplyDelete
  8. Jeeeeeyk! Wag na wag mong isusuko ang sayo! Ipaglaban mo si Hyde naiintindihan mo? Wag mo siya hayaan mapunta kay Devin. Ang boring ng buhay niya dun pag nagkataon hahahaha parang hindi sila magaaway pag naging sila sa sobrang bait kasi ni Devin takte XD

    ReplyDelete
  9. Team Devin forevs. Haha. Sana ma meet nila Devin at Jake ng personal si Clyde. Ewan ko ba bat ako obsess sa idea na yun. Ang exciting lang kasi kung pano maging protective yung mga kapatid na lalaki sa mga kapatid na niligawan tas kung kanino magiging boto si Clyde. Syempre kay Devin yan. Hahaha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  10. Go go go Jake wag mang susuko, pag hindi nadaan sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan :D kidnapin mo hahaha

    ReplyDelete
  11. Haizzt grbi otor buti at konti lang eksena ni jake at ang mommy nya kondi lalabo siguro ang mata ko huhuhu buti pinatawad mya agad ang mommy nya hehehehe

    Naguguluhan ako sa kay jake kong anu mangyayari s kanya wag mo lang sya patayin ahhhhh plzzzz lang po heheheee


    ShaiπŸ˜ŠπŸ˜„πŸ˜‚πŸ˜­πŸ˜‚πŸ˜­πŸ˜‚

    ReplyDelete
  12. eto na ulit ako, ang haba ng bakasyon ko. inulit kopa talaga basahin mula chapter 1. Di bale jake, may pumalit naman sa sakit ng puso mo eh. Andyan na ang mama mo, hindi kana pababayaan. Para sakin mas importante ang masayang pamilya. Ang pagibig naman nandyan lang yan, kasama din ang mabigo, tas handa uling tumibok sa iba.

    Bharu

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails