Followers

Sunday, February 22, 2015

String from the Heart [8]



Author’s Note

Nang basahin ko ulit ang chapter na ito, talaga naming nabwisit ako! Ouch! Nasaktan kasi pambato ko. `Yong astig nawala ang ka-astigan dahil sa nagmahal. Ang saklap. Pero nangyayari ba talaga ang mga ganoon na bagay sa reyalidad? Hindi ko alam, eh.

Kung WALEY ang chapter na nauna, mas yata ito. Haha..

Salamat sa mga nag-iwan ng comment!
44
Aulric Blaine Lord Melbone
Jess
Tito Alfred of T.O
Gilrex Laurente
Bharu
Toto Tancinco
YeahitsJM (Pasensya na nakaligtaan kitang batiin sa chapter 7. Churrii!)
Seyren (Wala pang rape! Ipupush ko ba `yon? Ahaha)

At sa mga co-RA’s ko. Hello!
Sa mga tao sa group. Hello rin!

Heto na po!


CHAPTER EIGHT

"PWEDE BA kitang makausap, Hyde?"
            Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Hyde kay Jake. Walang salita na nilampasan niya ito. Ngunit hindi pa siya nakakalayo rito ay nahawakan na nito ang kamay niya.
            Mula nang makausap niya ito nang tatlong linggo at mahigit na ang nakakaraan ay hindi na sila nagkausap pa. Rather, hindi na niya hinayaan na magsolo silang dalawa. Ayaw lang niya. Pakiramdam niya kasi ay may kung ano sa kanya na nag-re-react kahit hindi tama.
            At ngayon na nasa harapan niya ito, hawak ang kamay niya saka lang niya na-realize na matagal na pala ang linggong iyon. Hindi naman niya ito naisip dahil sa buo niyang atensyon ay kay Devin na mahigit sa dalawang linggo na palang nanliligaw sa kanya. Iyon nga lang at hindi sila masyadong nagkakasama dahil sa kaabalahan nito sa school activities at sa banda nito. Pero hindi naman nagkukulang si Devin sa pagpapadala ng mga mensahe sa kanya. Puro mga sweet things iyon na lagi niyang inaasahan sa araw-araw.
            Ngayon lang din natanto ni Hyde na lampas na pala ng isang buwan na iniiwasan niya talaga si Jake. Tuwing nagtatangkang lumapit sa kanya si Jake ay agad siyang tumatakbo o kaya naman ay gumagawa ng paraan para hindi siya nito malapitan. Proud din siyang sabihin na hindi na siya SLAVE nito. Nakawala na siya sa kuko ni Jake. Marami na rin siyang ka-close at si Marty ang palagi niyang kasama na masasabi niyang buddy na niya.
            "Wala tayong dapat pag-usapan, Jake." Aniya.
            Iyon na lamang ang nasabi niya para iparating dito na ayaw niya itong makausap. Ngayon lang sila nakapagsolo nito. Nagkataon kasi o sadyang itinaon ni Jake na sila lang ang nasa room. Wala kasi ang mga classmate nila. Busy sa mga kung anu-anong bagay.
            "Meron."
            "Wala."
            "Alam mong meron, Hyde. Natatandaan mo naman siguro na hindi pa tayo tapos mag-usap. Gusto kong tapusin ang gusto ko sanang sabihin sa `yo.."
            "Hindi ako interesado sa kung ano man ang sasabihin mo. Just get a life, Jake."
            "Paano ako kukuha ng bagay na pwede kong ikabuhay kong ikaw na `yon?"
            Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi siya nakapagsalita. May kung ano rin sa loob niya ang biglang..
            "Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, Hyde. I think I already fall for you. Hard. Nami-miss ko ang presensiya mo sa tabi ko. Nami-miss ko ang pagtanggi mo sa bawat bagay na iniuutos ko."
            Hindi siya makakapa ng salita na pwedeng sabihin dito. Parang may kung ano rin sa loob niya ang naapektuhan sa sinabi nito. Kinalma niya ang sarili. Pinanaig ang tuwid na pag-iisip kahit na may komosyon sa kanyang dibdib.
            Bakit ba ganito `to? Aniya sa sarili.
            "Pwede ba Jake. Tigilan mo ako. Kung wala kang magawa, maghanap ka! Huwag mo akong pagtrip-an."
            "Hindi kita pinagti-trip-an." Anito.
            Sinalubong niya ang tingin nito. At malaking bwisit lang dahil sinseridad ang nakikita niya sa mata nito. Walang pagkukunwari. At mas nabubwisit siya sa sarili dahil sa komosyon sa loob ng dibdib niya.
            "`Wag kang mag-imbento ng kung anu-anong bagay, Jake." Aniya. Kulang sa power ang pagkakasabi. Kulang sa conviction. "H-how can someone like you fall for a kind of person like me?" Napaka-imposible. Wala sa karakter mo ang magkakagusto sa katulad na kasarian. Wala sa karak.."
            "Napaka-imposible. Iyon din ang tingin ko sa nararamdaman ko. Pero hindi eh. Noong una, akala ko, hinahalikan kita dahil sa parusa ko iyon sa `yo. Pero habang tumatagal, habang ginagawa ko ang bagay na iyon, na-realize ko na kaya kita hinahalikan dahil gusto ko ang labi mo. Ang lasa nito. Ang pakiramdam kapag nagkakadikit ang labi natin. I love the feeling of it in my lips. "
            He was just totally speechless once again. Nakatingin lang siya rito. Makikita ang paghihirap sa mukha nito.
            "Wala naman talaga sa character ko ang ganito, eh. Kilala ako sa school bilang bully. Na walang nagagawang mabuti, na sakit sa lipunan ng school na ito. How the heck it happened, Hyde? Why did I fell for you, hard? Iyon ang mga katanungan ko sa sarili ko pero hindi ko masagot. Basta na lang, nagising ako isang umaga na mahal na kita. Na gusto kong nasa tabi kita. Na gusto kong nahahalikan ang labi mo. Na gusto kong ligawan at mas makilala mo pa ako."
            Wala siyang masabi. Hindi niya inaasahan ang mga bagay na maririnig mula rito. Bakit ba nahulog sa kanya ang lalaking kinaasaran niya? Bakit ba sa dami ng pwede nitong magustuhan ay siya pa talaga? Bakit sa katulad niyang alanganin? Bakit ba..?
            "Ba-bakit ako pa?" He asked, stuttering. Lakas loob na rin ang pagtatanong niya.
            May eksakto bang depinisyon kung bakit ka nahuhulog sa isang tao? May sakto bang depinisyon kung bakit kahit na ayaw mo sa taong iyon ay nahuhulog pa rin sa `yo? Wala yata.
            "Bakit ikaw? Hindi ko rin eksaktong alam kung bakit ikaw, Hyde. I don't know the exact reason, why? Basta ang alam ko, malakas ang tibok ng puso ko kapag nasa paligid ka. Masaya ako kapag nasa paligid ka."
            "Imposible `to." Aniya. Bakit para siyang nanghihina? Bakit ganito ang nararamdaman niya?
            "Maybe for some people it is impossible. Pero na-realize ko na walang imposible pagdating sa pag-ibig, sa pagmamahal. Kahit na anong uri pa iyon, sa lalaki man o sa babae. When Cupid strike your heart, all you can do is to go with the flow. At iyon ang ginagawa ko, Hyde."
            Umiling-iling siya. "Imposible `to," pag-ulit niya.
            Hinawakan ni Jake ang magkabilang balikat niya. Tiningnan siya nito sa mukha. Nagtama ang kanilang mata. Nag-iwas siya ng tingin nang hindi niya makaya ang sidhi ng pagtitig nito. Tumungo siya.
            "Tigilan mo ang pagsasabi na imposible, Hyde. Bakit imposible pagdating sa akin?" Naghihinakit na sabi nito.
            Napatingin siya rito. Nakita niya ang sakit sa mukha nito. Nagpatuloy ito.
            "Bakit imposible pagdating sa `kin, Hyde? Bakit hindi mo nakikitang imposible nang ligawan ka ni Devin? Ano ba ang pagkakaiba ko sa kanya? Bakit ka pumayag na ligawan ka niya kung nakikita mo na imposible palang mahulog ang katulad namin sa katulad mo?"
            "Alam mo?" Tanong niya.
            "Alam ko na nanliligaw sa `yo si Devin. Alam ko ang lahat pagdating sa `yo. Alam ko kaya nga nasasaktan ako dito, eh." Anito sabay turo sa tapat ng kaliwang dibdib. "Bakit mo `ko pinagsasarhan ng pinto, hindi pa ako nagsisimula. Hindi pa ako nagsisimula talo na ako kaagad." Jake said in defeat.
            Nagulat pa si Hyde nang makita ang pamumuo ng luha sa sulok ng mata nito.
            "Paano mo nalaman?" Tanong niya.
            "Alam ko! Dahil sa pesteng nararamdaman ko sa `yo, naging stalker mo na ako."
            "Stalker? Hindi mo dapat ginagawa `yon."
            "Hindi dapat, Hyde. Hindi dapat pero iyon ang tama para sa akin. Para makita kita kahit sa malayo. Kung hindi ko `yon gagawin, mababaliw ako."
            "Hindi pwede `to," aniya.
            Bakit mahirap sa kanya na tanggapin ang ganito? Ang mga sinabi ni Jake.
            Mas bumalatay ang sakit sa gwapong mukha nito.
            "Alin ang hindi pwede?! Ang mahalin ka? Ang ligawan ka? Hindi mo `ko mapipigilan na mahalin ka, Hyde. Mahal kita."
            Kinabig siya nito. Niyakap ng mahigpit.     
            "Bitiwan mo `ko, Jake."
            "Please naman, Hyde. Bigyan mo ako ng chance na ligawan ka. Ng chance na para maipadama ko sa `yo kung gaano ka kahalaga. Katulad kay Devin, bigyan mo ako ng pagkakataon."
            Kumawala siya sa pagkakayakap nito. Nagpumiglas hanggang sa makalayo siya.
            "Itigil mo na `yan, Jake! May iba akong gusto. May mahal na ako."
            "May mahal ka na pero hindi pa kayo. May pag-asa pa ako para magustuhan mo. Para mabago ko ang pagtingin mo sa akin. Just try, please try to open your heart to me."
            "Jake..."
            Tumulo ang luha nito. Hindi man lang nag-abala na punasan iyon. Naaapektuhan siya sa nakikita. Bakit ba siya naaapektuhan? Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang makita ang kalungkutan sa mukha nito na siya ang may dulot.
            Sanay siya na ang nakikita ang Jake na bully. Ang Jake na mapang-asar. Hindi ang katulad nitong nasa harapan niya na tila talunan.
            "Jake, `wag mong gawin `yan." Ang mabilis na pagsabi niya ng walang anu-ano na lumuhod ito sa harap niya.
            "Please, Hyde. Please. Bigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan ka. Sanay ako na laging naiiwan pero sa pagkakataong ito, hindi ko kaya. Please, bigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan ka."
            "Ayoko! Wala kang aasahan sa akin! Mas okay na saktan na kita ngayon kaysa ang umasa ka sa wala."
            Tumayo ito.
            "Ayoko Hyde! I'll do everything just to get you. Call me stupid, I don't care! Basta gagawin ko ang lahat para sa `yo."
            Pagkasabi niyon, kinabig siya nito at hinalikan sa labi.
            Nagpumiglas siya saka ito tinulak.
            "Ayoko, Jake!" Sigaw niya saka ito iniwan.


NATIGIL ang akmang pagtawag sana ni Devin kay Hyde nang mapansin niya ang pamumuo ng luha sa sulok ng mata nito. Nasa bench siya kasama ang ibang classmate ng dumaan ito roon. Masyadong malalim ang iniisip kaya hindi man lang siya napansin. Parang may bumabagabag dito. Kung ano ang dahilan ng pag-iyak nito, hindi niya alam.
            Lalapitan na sana niya ito nang harangin siya ni Stelle. Ang kaklase niyang babae na masasabi niyang isa sa malapit sa kanya.
            "Saan ka pupunta, Devin?" Tanong nito.
            "Pupuntahan ko ang nililigawan ko," aniya.
            "Saan siya?" Bahagyang kunot ang noo.
            Tiningnan niya ang direksyon kung saan si Hyde ngunit wala na ito doon. Bumaling siya kay Stelle. "Nandoon siya kanina. Saan na `yon nagpunta?"
            Natawa ito. "Mukhang nagha-hallucinate ka, Devin. Halika na. Balik na tayo sa room. Kung gusto mo libre kita ng pagkain sa canteen baka gutom ka na kaya ganoon."
            Hindi siya sumagot sa sinabi nito. Nang hawakan siya nito sa braso, nagpatianod na lamang siya. Muli, tiningnan ang direksyon kung saan niya nakita si Hyde.
            Nasaan siya? Saan siya nagpunta? Mga tanong niya sa sarili.
            Nag-aalala siya rito. Baka may problema ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng suot na slacks saka tinawagan si Hyde. Mga ilang ring ang namagitan. Walang tugon mula rito.
            Napabuntung-hininga na lamang siya.
            Nitong nakaraan ay masyado siyang abala sa mga school project. Idagdag pa ang practice nila sa banda para sa Battle of the Bands. Bukod pa roon ay sa trabaho niya bilang waiter. Madalas siyang nag-o-overtime kaya naman kulang siya sa tulog. Kaya naman minsan, kapag may free siyang oras, natutulog talaga siya.
            Nawalan na pala siya ng pagkakataon na kumustahin si Hyde dahil sa kaabalahan niya pero hindi dapat niya gawin iyong excuse. Babawi na lang siya rito. Dahil sa wala namang response mula rito. He just texted him.
            Hyde, nakita kita sa bench kanina. You seem upset. May nangyari ba sa `yo? May problema ka ba?
            Nang ma-send niya iyon, sinilid niya ang cellphone sa kanyang bulsa. Hoping na sana ay agad na makasagot si Hyde sa text niya.
            "You seem worried, Devin," ani Stelle. "Tawagan mo kaya siya."
            "Ginawa ko na `yon. Walang sagot mula sa kanya."
            "Baka hindi dala ang cellphone."
            "Siguro."
            "Tinext ko na lang siya. I'm really worried about him. Ngayon ko lang siya kasi nakita na malungkot tapos wala pa ako sa tabi niya."
            "Well, may valid reason ka naman d'un. You are a busy person. Hindi lang dito sa school pati sa labas nito."
            "Bumawi ka na lang sa kanya." Mahina siyang tinapik nito sa balikat na parang nakababatang kapatid. Di hamak na mas matanda naman talaga ito sa kanya ng dalawang taon. Irregular student kasi ito. Eighteen siya, twenty naman ito. Bulakbol daw kasi ito kaya naman ganoon.
            Natawa na lang ito nang umiwas siya. "Hindi ko akalain na mai-in-love ka sa same sex, little bro. Masaya ako sa `yo."
            Nangiti siya. "Walang imposible sa taong nagmamahal, Ate Stelle. Para lang talaga kitang Ate, ano?"
            Natawa ito. "Ate mo naman talaga ako. Not by blood, not by birth but with the feelings."
            Natawa na rin siya. "Salamat sa pagpapagaan ng pakiramdam ko, Ate."
            "Walang kaso, little brother kahit na mas matangkad ka sa akin."
            Nang makarating sila sa canteen ng school. Si Estelle ang nag-asikaso ng pagkain niya. Babayaran niya sana iyon ngunit nagpumilit ito na ito na ang magbabayad. Sumang-ayon na lamang siya para walang away.
            Nakita niya si Jake habang kumakain sila. Kahit na sa malayo, kitang-kita niya ang pagkatalo sa mukha nito. Lulugo-lugo itong umupo sa sulok saka tinungga ang inumin na binili nito. Nagulat pa siya nang may umalpas na luha sa mata nito. Nakakapanibago iyon. Umiiyak ito. Bakit?
            Habang tinitingnan niya ito ng pasimple. Waring nakikita niya ang reaksyon na nakita niya kay Hyde kanina.
            "Tinitingnan mo kababata mo," ani Estelle.
            "Oo."
            Nakwento niya sa babae ng pahapyaw ang chilhood background niya kaya alam nito iyon.
            "Wala na bang chance na magkakabati kayo?"
            "Ewan. Wala na yata. Siya naman ang unang lumayo sa akin, eh. At hindi ko alam ang dahilan."
            "Bakit hindi mo siya tanungin ngayon? Best of buddies naman kayo dati, ah. Ikaw, si Jake, si Dominic at si Rubius."
            "`Wag na Ate. Ang dami mong alam," aniya, natatawa.
            "Nagsa-suggest lang naman ako. May pagka-pilyo ka rin." Anito saka napapalatak.
            "Kumain na lang tayo."
            "Mabuti pa nga."
            Nang muli niyang bigyan ng pansin si Jake. Nakatayo na ito saka naglakad palabas ng canteen.

KUNG BINILANG lang ni Hyde ang buntung-hininga na pinakawawalan niya, alam niya na mahigit sa sampu na iyon. Pagkatapos niyang takbuhan si Jake ay walang direksyon na naglakad siya papunta sa bench saka umalis din doon.
            Naguguluhan siya sa sarili. Masyado kasi siyang naaapektuhan sa nakitang sakit at sa pag-iyak ni jake sa harapan niya. Idagdag pa na lumuhod ito, halos nagmamakaawa na rin na payagan itong ligawan siya.
            Hindi siya sanay na nakikitang ganoon si Jake. Oo. Inaamin naman ni Hyde na nakita na niya ang vulnerability nito nang minsan na magsagutan sila at ang topic nila ay ang magulang nito. Ngunit ang vulnerability na ipinakita nito kanina ay sadyang kakaiba. Sadyang may tama talaga sa kanya. Natatandaan pa niya ang sinabi ni Jake.
            "Please, Hyde. Please. Bigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan ka. Sanay ako na laging naiiwan pero sa pagkakataong ito, hindi ko kaya. Please, bigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan ka."
            Napapikit siya. Bakit ba ganoon ang nararamdaman niya? Naaawa siya kay Jake na hindi naman dapat dahil galit siya dito. Dahil hindi naman nito deserve ang nararamdaman niya. Sobra siyang naguguluhan.
            Huminga siya nang malalim saka naglakad. Nagdesisyon na babalik sa room nila para kunin ang gamit niyang naiwan doon. Lihim niyang nahihiling na sana wala si Jake sa classroom nika kapag pumunta siya doon. Hindi niya kayang makaharap ito. After what happened between them. Hindi pa niya kaya. Siguro sa ibang pagkakataon pero hindi ngayon.
            Nasa hallway na siya ng school building nang makasalubong niya si Rubius kasama si Dominic. Nakasunod naman sa mga ito si Marty na halatang naiilang sa dalawang nasa unahan nito.
            "Nakita mo ba si Jake?" Tanong ni Rubius sa kanya.
            Hindi niya ito sinagot. Basta na lamang niyang nilampasan at nilapitan si Marty na dala ang bag niya.
            "Masungit pala ang natitipuhan ni Jake," sabi ni Rubius. May kalakasan iyon.
            Natigilan naman siya saka hinarap ito.      
            "Ano ba ang sinasabi mo?" Naiiritang sabi niya kahit na alam niya ang sinasabi nito. Ayaw niyang maririnig mula sa ibang tao na gusto, na tipo siya ni Jake dahil may..
            "Gusto ka ni Jake, hindi ba." Ani Rubius. Hindi iyon patanong kundi isang matibay na konklusyon.
            "Kung gusto niya ako, eh ano naman sa `yo?"
            Hindi niya mapigilan ang magsungit. Nabubwisit lang siya.
            "Malaking bagay `yon. Hindi ako homophobic. Open ako sa ganoon na bagay pero hindi ko gusto ang ginagawa mo sa kaibigan namin. Nagmumukha siyang kawawa dahil sa `yo."
            Natigilan siya. Bumalik sa kanyang alaala ang ginawa kanina ni Jake. Ang pagluhod nito at ang pagmamakaawa nito na ligawan siya. Gone the Jake that he knew. Saan napunta ang kilala niyang Jake na astig, bully at lahat gagawin para makuha ang gusto. Ganoon ba talaga nagagawa ng pag-ibig sa isang tao na umiibig? Nag-iiba ang ugali para sa taong mahal?
            "Rubius, tigilan mo `to. Wala tayo sa lugar para pagsabihan ng kung ano si Hyde. Labas tayo sa kanilang dalawa." Pagsaway dito ni Dominic.
            Sa dalawa, mas tahimik at mukhang mabait si Dominic. Maingay naman at maangas ang hitsura ni Rubius.
            "Hindi pwede sa akin ang manahimik, Doms. Alam mo naman na hindi tayo.."
            "Alam ko `yon," pamumutol nito sa sasabihin sana ni Rubius.
            Napatanga na lang siya sa dalawa. Imbes na siya ang harapin ay ang mga ito pa ang nagtatalo dahil sa hindi pagkakaisa ng opinyon.
            "Hindi ko gusto na magmukhang kawawa si Jake," aniya na nagpatigil sa dalawa. Napatingin ang mga ito sa kanya.
            "Sabihin n'yo sa kanya na wala siyang makukuha na positibong reaksyon sa akin. Hindi ko siya pwedeng hayaan na manligaw sa `kin dahil may gusto akong iba."
            "Bakit hindi ikaw ang magsabi sa kanya niyan, Hyde?
            "Sinabihan ko na siya. Nag-usap kami kanina. Pero hindi siya nakinig sa akin. Hindi siya.."
            "Wala kaming magagawa sa katigasan ng ulo ng kaibigan namin. He loves you and he stands for it. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, liligawan ka niya."
            "Tama si Rubius, Hyde." Pagsang-ayon dito ni Dominic. "You need to deal with it. Sige. Aalis na kami."
            "Oo. Aalis na kami. Mukhang wala naman kaming makukuhang impormasyon sa `yo kung nasaan si Jake." Rubius said.
            Kumaway si Dominic, tumango naman si Rubius saka sila tinalikuran.
            Napasunod ang tingin niya sa mga ito. Napabuntung-hininga siya saka bumaling kay Marty na tahimik sa tabi niya.
            "Okay ka lang ba?"
            "Okay lang ako. Ako yata dapat ang nagtatanong sa `yo kung okay ka lang, Hyde. Mukha kang ewan." Anito.
            Inabot nito sa kanya ang bag. Kinuha naman niya iyon. Nang maalala niya ang cellphone niya, kinuha niya iyon.
            Nakita niya ang isang mensahe na galing kay Devin. Binasa niya.
            Hyde, nakita kita sa bench kanina. You seem upset. May nangyari ba sa `yo? May problema ka ba?
            Nag-type siya ng message para rito ngunit nabigla siya ng bigla siyang itulak ni Marty. Dahilan para matumba siya sa isang tabi. Kasunod ang pagtama ng ulo niya sa pader. Nakadama siya ng pagkahilo saka tiningnan si Marty na nakahiga malapit sa kanya. Sa kanyang kinatatayuan kanina, nakita niya ang basag na paso na may tanim na hindi niya alam kung ano.
            Nakadama siya ng kaba sa kabila ng hilo na nadarama niya.
            "Okay ka lang ba, Marty?" Nag-aalalang tanong niya.
            Tiningnan siya nito saka ngumiti. Isang malamyang ngiti.
            "Okay lang. Hindi ka naman nasaktan, hindi ba?"
            Umiling siya. "Hindi, ikaw ba?"
            "Hindi rin. Mabuti na lang at nakita ko `yong pagbagsak ng paso."
            Napatingala siya sa second floor ng building.
            "Bakit ba nahulog kasi `yon?"
            "Hindi ko alam, Hyde." Ani Marty.
            Tumayo na siya gayundin ito. Pinagpag ang suot. Muntikan naman siyang mabuwal. Nakakadama pa rin siya ng pagkahilo sa pagtama ng ulo niya sa pader.
            "Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong ni Marty. May pag-aalala sa tono.
            "Oo. Nahilo lang. Tumama kasi ulo ko sa pader, eh."
            "Punta tayo sa clinic."
            "`Wag na." Magalang niyang tanggi saka tiningnan ang cellphone na hawak.
            Napa-shit siya ng makita na basag ang screen niyon. Namatay din. Nang buksan niya ay hindi gumana. Nasira pa ang cellphone niya.
            Napapalatak siya saka umiling. Hindi niya mate-text si Devin. Ang malas lang ng araw niya. Ang dami ng nangyari.



Itutuloy..

16 comments:

  1. "Paano ako kukuha ng bagay na pwede kong ikabuhay kong ikaw na `yon?"
    - enebe Jake kinikilig kaya ako! Kainis to. :"'> hhahaha

    PS: Suuuuus! Kunwari pa si Marty! Feeling ko siya yung nasa isang POV eh. Kunwari lang tinutulungan niya si Hyde. XD

    - vhian

    ReplyDelete
  2. Grabe intense tong update na to nakakaawa naman si Jake hayyy pero sana magbago ang isip ni Hyde at payagan nyang manligaw na si Jake haha. Sino kaya yung naghuloh ng paso kay Hyde? Mapapatay ko yun!

    -44

    ReplyDelete
  3. Mgtitirik naq ng kandila Kay Jake..charot hahaha.. Akin k na lang kasi..haha
    Kawawa naman si Jake :( lumuhod p tlga sya ..grabe ang ganda mo Hyde..haha..
    Na curious tlga ko Sino kya ang kontrabida.. Na sense ko si Marty..hehe..
    Can't wait for the next chapter :)

    ReplyDelete
  4. sino kaya yung gustong manakit kay hyde? hindi kaya si stelle? may gusto din kaya sya kay Devin? Jake hindi bagay sayo ang inakto mo, si marty nalang ang mahalin mo hehe.

    Bharu

    ReplyDelete
  5. Hi author I am a silent reader of your story, but not until today. Just one favor update pa more. Another interesting story again from you. More power and keep safe always... - ulan@26 :)

    ReplyDelete
  6. Nice ung update natin kuya alvin......mas nagiging interesting ung story mo, my iba pang pang papasok sa kwento makiki gulo

    Jharz

    ReplyDelete
  7. Nice ung update natin kuya alvin......mas nagiging interesting ung story mo, my iba pang pang papasok sa kwento makiki gulo

    Jharz

    ReplyDelete
  8. Mr. Vienne waatttaa confession... Update pa more... Pag may time na boss... Jejeje..

    Begging for love waatttaa pity jake...

    Jess

    ReplyDelete
  9. Heartbreaking nmn ung nangyari kay jake huhuhuhuhu pati ako nadadala.. Ung tipong sanay ka tlagang iniiwan pero may isang bagai n hnd mu kayang mawala sau.. :(

    Sino nman kaya ang epal n naghulog paso...


    Shai™

    ReplyDelete
  10. Maganda ang update. Change of attittude si Jake. Take care.

    ReplyDelete
  11. Feeling ko si Martys crackling ang kontrabida na yan. Hahaha. Ramdam ko talaga sya yung kontrabida. Ay. Haha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  12. Waaaaaaaah jake kwawa ka nmn... hyde bigyan mo nang chance c jake paano na ang #jade na love team.. sino bayang kontrabida nayan..

    ReplyDelete
  13. Kawawa naman si Jake Sana nga pagbigyan na siya ni Hyde. Malakas ang kutob ko na si Marty yung gustong ipahamak si Hyde.

    ReplyDelete
  14. Yung habang nagbabasa ka eh nagpplay yung kantang 'Bakit Ba Ikaw' ni Michael P. Haha. Ang sakit lang nung nangyari kay Jake. Nakakaawa. Team Jake na ako. Haha. Galing mr. Author.

    ReplyDelete
  15. This chapter? Well tatlong beses lang naman akong nahulog sa kama sa sobrang kilig, #TeamJakeAllTheWay :) Next chapter please....

    ReplyDelete
  16. Ikaw na talaga!!!! Ang galing ng mga linya mo, nakakapagpahulog ng puso't damdamin.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails