Followers

Friday, February 20, 2015

String from the Heart [7]



Author’s Note

Alam ko na kompara sa dalawang nauna na chapter, isang malakig WALEY ito. Kaya pagpasensyahan n’yo na po at ito lang ang nakayanan ko. At siguro iisipin ng iba na parang EWAN lang ito, at kunwari hindi ko alam iyon. Lol

PASENSYA NA lang talaga at ito ang nakayanan ko!


Muli, nagpapasalamat po ako sa mga commentator sa CHAPTER 6 ng String. Hindi ko inaasahan na aabot iyon ng lampas sa Dose dahil nasanay na ako na hanggang doon lang iyon. Sa mga sumusunod.

Papa JC Sy (lol.. napag-usapan na natin ang comment mo sa chatbox sa FB. Still a N-O. No. Para lang daw siya kay Hyde. `Yong tungkol naman sa BS. Malayo pa tayo sa malayo. Wala pa eh. haha)
JHARZ (Hindi pwedeng hindi umeksena si Jake. Maka- Jake po ako. Haha..)
44 (awts. Hindi na yata `to nakakakilig na chapter na ito. )
Jess (THANK YOU! Capslock para mas intense. Salamat sa paglalaang oras sa pagbabasa ng mga ABANG gawa ko. Haha. Wag ka po sanang magsawa.)
Sa mga Kuyang Anonymous (Kainggit nga! Sana ako rin. Meron. Haha. Yong tungkol sa S&M. Ang totoo kinailangan ko pa talagang tanungin si Seyren kung ano ba iyon. Haha.. Meron, wala, oo, hindi ko alam, siguro ang sagot ko. haha)
Tito Alfred of T.O (Mas mabibitin at siguro mauurat din po kayo sa chapter na ito. Haha.. Pasensya na po. Makaluma ang author nito kaya wala akong VIBER. FB lang. Haha..)
Gilrex Laurente (Cheers! Kampai! Team Jake din po ako. #TeamJADE. Ang totoo, mas gusto ko pa ang kontrabida sa bida.. haha)
Vhian (CHEERS din! #TeamJADE tayo! Go for the … haha)
Bharu (Salamat din s apagbabasa. Huwag kang magsawa.. hehe)
Shai (Mas nakakakilig si Jake. Haha. Ipu-push ko talaga bet ko. lol)
Angel (Bitin din ito. Ahah.. hindi ko na kayang magdagdag pa. Please. Tama na muna `to. ;))
Juss (Heto na ang update! Sana kahit magulo mag-enjoy ka pa rin!)
Vincent Cinco (Salamat po! Yep. May identical maliban sa height. Haha.)
Toto Tancinco (Salamat!)

Heto na. Ang totoo, akala ko talaga hindi ako makakapag-UD ngayon. Salamat na lang sa sponsor ko. HAHA.
BTW Special mention kay FAUSTINO kahit na hindi pa niya binabasa ang STRING.. Salamat sa binigay mo. Sayang at hindi na mauulit. HAHA.

Sa mga tao sa group! HELLO! Sa mga CO-RA’S ko! Hello sa inyo. Seyren, Kuya Carlos, Kuya Rye, Jace at Prince Justin. Salamt din kay Kuya Ponse at Sir Mike.

Heto na ulit! Sana magustuhan n’yo pa rin ang maiksi at WALEY na chapter na ito!

Enjoy reading!!
(Sana?)


CHAPTER SEVEN

LUNCH TIME NA!
            Ang mahinang pagbasa ni Hyde sa mensahe na nagmula kay Devin. Kalalabas pa lang niya ng classroom nila. Katatapos pa lang ng panghuli nilang klase para sa umagang iyon at eksakto namang nasa alas dose na natatapos ang klase niya.
            Lunch time na! Kumain ka na ba?
            Reply niya rito. Kanina pa lamang nila nakuha ni Devin ang numero ng isa't-isa. Noong dalawang linggo kasi nang sabihin nito na manliligaw ito sa kanya hindi nito nagawa iyon. Samantalang siya naman ay hindi masyadong gumana ang utak dahil sa biglaang pangyayari iyon. Sa overwhelming na pakiramdam ng sabihin ni Devin sa kanya na gusto siya nito at liligawan.
            He started walking.
            Nakita niya si Jake kausap si Dominic at Rubius. Nang nasa harapan na siya ng mga ito ay natigil ito sa pagsasalita. Hindi naman niya iyon pinansin saka nagmamadaling nilampasan ang mga ito.
            Ilang minuto, nakatanggap siya ng mensahe kay Devin ulit. Agad niyang tiningnan iyon.
            Kain tayo, Hyde. Puntahan kita dyan sa department building n'yo.
            Napangiti siya nang maluwang sa nabasa. Makakasama na naman niya ito. Makikita at mahahawakan ang kamay nito. Kamay na alam niyang abala dahil sa may kagaspangan iyon.
            Sige. Hintayin kita sa labas. :)
            Okay
            Bumaba siya ng building saka naghintay kay Devin sa labas niyon. Mga ilang minuto rin ang dumaan bago dumating si Devin. Napangiti siya nang maluwang nang makita ang gwapong mukha nito. Humahangos na tila galing sa mahabang pagtakbo.
            "Tumakbo ka ba?"
            "Yeah. Nakakahiya sa `yo kung paghihintayin kita." Anito.
            "Sus. Pinagod mo lang ang sarili mo. Pahinga ka muna."
            Ngumiti ito. "Salamat sa pag-aalala."
            Sumandal ito sa pader saka siya tiningnan. Nakangiti pa rin ng maluwang. At habang nakatingin dito si Hyde, sobra siyang nasisiyahan. Having Devin beside him just made his heart pound harder. And he was a sight to behold. Ang ngiti sa labi nito ay lalo pang nagpapatingkad sa kagwapuhan nito.
            "Okay na ako," anito. "Saan mo ba gusto kumain?"
            "Sa canteen na lang. O kaya naman sa tindahan ni Aling Tere."
            "Sa tindahan na lang ni Aling Tere," pagsang-ayon nito.
            "Okay."
            Naglalakad na sila nang hawakan nito ang kamay niya. Hindi siya umangal. Siya pa ba ang magiging choosy. Si Devin Dela Cruz ang ka-holding hands niya at proud siya roon gaya ng pagka-proud nito.
            Agad naman silang nakarating sa tindahan ni Aling Tere. At doon, kumain sila. Katulad kanina ay naging sweet na naman sa kanya si Devin. Masyado rin itong attentive. Oo. Nakakakuha sila ng atensyon mula sa iba ngunit walang nagtangka na magsalita sa mga ito.
            "Just don't mind the questioning looks," anito.
            Napangiti siya. "Napansin mo rin pala."
            "Yeah. Palagi naman, eh. Kay Brax at Vienne, ganyan din sila kahit na bestfriend lang ang dalawang iyon."
            "Pero may something sa kanila," aniya.
            "Talaga. Hayaan mo na sila. Hindi naman kasi common na may nakikita silang ganito. Knowing that our country is like this, like that."
            "Ano `yong like this, like that, Devin?" Tanong niya. Napapangiti.
            "You know what I mean, Hyde. Huwag na nating pag-usapan iyon. Kain na lang tayo."
            "Okay."
            "Maiwan na muna kita rito. Order lang ako."
            Pagkasabi niyon ay umalis na ito at nagtungo sa babae na nandodoon. Inabala ni Hyde ang sarili sa pagtingin sa paligid habang naghihintay kay Devin. Sakto naman na pumasok ang isang tao na hindi niya inaasahan na makikita doon.
            Si Jake.
            Nagtama ang kanilang mata. Ngunit agad siyang nag-iwas. Bago niya iyon gawin, hindi siya sigurado kung lungkot ba ang nakita niya sa mata nito. Pero. Ano ba ang pakialam niya roon.
            Hindi na siya nag-aksaya ng panahon pa. Hindi niya dapat iniisip si Jake. At lalong hindi dapat siya nagpapa-apekto sa presensiya nito. Hindi na siya api at wala na siya sa ilalim ng matatalas na kuko nito.
            Nawala rin naman ito sa isipan niya nang bumalik si Devin dala ang tray na kung saan nakalagay ang pagkain. Isa-isa nitong inilagay iyon sa mesa bago naupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.
            Muli. Katulad ng sabi niya kanina, asikasong-asikaso siya nito.
            "Kain na tayo, Hyde," anito.
            "Okay. Kain na tayo. Salamat sa libre, Devin."
            Ngumiti ito saka hinawakan siya sa pisngi. "This will be enough for 'thank you, Hyde," sabi nito saka dumukwang para malapit sa kanya ang mukha. Ang mas nakakagulat, nang bigyan siya ni Devin ng isang mabilis na halik sa kanyang labi.


"ANONG mayroon kay Devin at Hyde?"
            Ang tanong ni Rubius kay Jake nang hindi sinasadyang makita nila ang magkahawak na kamay ng mga ito.
            Nabubwisit na binalingan niya ang kaibigan saka ito inunahan sa paglalakad. Nakakabwisit lang talaga. Kanina pa siya nabubwisit. Kanina kasing umaga ay hindi niya inaasahan na makikita ang mga ito na kumakain sa loob ng fastfood chain na hindi kalayuan sa school nila.
            Hindi inaasahan na nakita rin niya ang paglalambingan ng dalawa na.. Shit! Paglalambingan na nagdulot ng sakit sa puso niya.
            Nagpunta siya sa fastfood chain na iyon para umorder sana ng paborito niyang kape at iyon nga ang nasaksihan niya. Dahil sa nabad-trip hindi na siya nagpatuloy pa. Nagtungo na lang sa school nila at sa rooftop ibinuhos ang sakit sa puso niya. Ang pagseselos. Napagdiskitahan niya ang bola doon na naiwan niya noong isang araw.
            At ngayon na nakita niya ang magkahawak na kamay ng mga ito.. Tsk. Masakit na naman sa puso. Nahihiling niya na sana siya ang may hawak sa kamay ni Hyde. Na sana sa magandang simula sila nag-umpisa. Na sana..
            Lihim siyang napapalatak. Para lang siyang isang character sa isang pelikula o kaya naman sa mga binabasa ng mga babae niyang classmate tungkol sa supporting character sa mga bida na may gusto na hanggang tingin lang.
            Para lang siyang.. Bidang kontrabida. Aping kontrabida dahil sa nararamdaman niya kay Hyde.
            "Bakit mo `ko iniwan?" Tanong ni Rubius nang maabutan siya.
            Hindi niya ito sinagot. Naglakad lang siya.
            "Mahirap `yan, Jake. Don't tell me.."
            "Shut your mouth, Rubius! Kung ano man ang naiisip at sasabihin mo, sarilinin mo na lang `yan."
            Nagtaas ito ng dalawang kamay. Tanda ng pagsuko.
            "Masyado ka namang highblood, Jake. Sinasabi ko lang naman ang nakita ko.."
            Natigil ulit ito sa pagsasalita nang tingnan niya ng masama.
            "Sarilinin mo ang naiisip mo, Rubius. Hindi ka nakakatuwa."
            Nagkibit-balikat lang ito saka ngumisi.
            "Ang init ng ulo mo. I think its boiling hard now, Hyde."
            "Oo! Talagang boling hard ang ulo ko! Kaya kapag hindi ka pa tumigil, masisipa kita."
            Natawa ito.
            "Nakakatakot. Parang hindi kita magagantihan sa gagawin mo, Jake! Pero kung gusto mo ng ka-sparring, I'm free and always ready to fight."
            Umiling na lang siya saka ito iniwanan. Tinawag siya nito ngunit hindi niya pinansin.
            Shit lang! Shit! Masakit ang puso niya. Parang may kung anong kirot dahil sa nakita kanina. Masakit. Sobra.
            Saglit na natigilan si jake nang mapansin na patungo siya sa direksyon na tinatahak ng dalawa. Napalingon siya nang marinig ang pagsigaw ni Rubius sa pangalan niya. Tumatakbo itong lumapit saka siya binigyan ng isang suntok na mabilis niyang nailagan. Ganoon ang ginagawa nito tuwing napipikon ito sa kanya. Katulad din ito ni Dominic kapag naaasar. Talagang mananakit na madalas naman niyang naiiwasan.
            "Takte ka, Jake! Ang hilig mong magpahabol!"
            "Hindi ko naman sinabing habulin mo `ko."
            "Fvck you ka!" Anito saka nagfinger sign.
            "Abnormal ka!" Malamig na tugon niya saka ito iniwan ulit.
            "Bahala ka nga sa buhay mo. Maiwan na kita rito," anito.
            Narinig niya ang papalayong yabag nito. Well, they parted ways.
            Katangahan na sigurong maituturing na tutungo siya sa tindahan ni Aling Tere para makita ang dalawa. Na alam niyang magdudulot ng sakit sa puso niya. Hay! Ewan! Para lang talaga siyang tanga.
            Agad siyang nakarating sa karinderya saka pumasok. Eksaktong pagkapasok niya nang makita niya si Hyde. Nagtama ang paningin nila. Nalulungkot siya na hanggang tingin lang siya rito. Siguro nabasa naman nito iyon sa mata niya bago ito nag-iwas ng tingin.
            Nagtungo siya sa bakanteng upuan. Inilibot ang paningin saka niya nakita si Devin na nakapila at kausap ang tindera roon. Siguro, naradaman nito na may nakatingin dito. Inilibot nito ang paningin saka natuon sa kanya. Tinanguan siya nito na ikinasimangot niya.
            Ang mga sumunod na sandali ay puro tanaw na lamang mula sa malayo. And his heart break into pieces. Scattered like a broken glass when he saw Devin kiss Hyde in the lips.
            Nag-iwas na lamang siya ng tingin saka nagmamadaling lumabas ng karinderya.
            Hindi niya kaya.


NAPANGITI si Devin sa gulat na reaksyon ni Hyde nang basta na lamang niya itong halikan sa labi. Nakatanga pa rin ito sa kanya. Nanlalaki ang mata kahit na tapos na ang isang mabilis na halik.
            "Magagalit ka ba sa `kin?" Tanong niya.
            Saka lamang ito natauhan. Nawala sa trance na dulot ng halik niya.
            "Bakit mo ba ginawa `yon?" Kampanteng tanong nito.
            Nakahinga siya nang maluwang. At least sa tono nito, alam niya na hindi ito galit. Napapatanong din siya sa sarili. Bakit niya nga ba ito hinalikan sa publiko? Hindi naman siyang PDA na tao ngunit may nag-udyok sa kanya na gawin iyon. Udyok na si Jake ang pinagmulan nang makita niya.
            Sa halik na iginawad niya kay Hyde, parang sinasabi niya na teritoryo niya ito, na sa kanya ito. At bukod pa roon, alam niya na may something si Jake sa taong mahalaga sa kanya. Ang sabi sa kanya ni Marty nang minsan niya itong maka-chat sa facebook, wala na sa kuko ni Jake si Hyde ngunit palagi naman nitong sinusundan ng tingin si Hyde. Umiiwas din daw si Hyde kay Jake sa hindi malamang dahilan ni Marty.
            "Bakit mo ba ginawa `yon?" Ulit na tanong ni Hyde.
            "Para sabihin na akin ka."
            "Ano ka? Territorial? Nanliligaw ka pa lang naman. Huwag ka ngang possessive," nayayamot na tono nito.
            Ikinabahala niya iyon lalo nang sumimangot ito.
            "I'm sorry." Napayukong sabi niya.
            Ano nga ba ang nangyayari sa kanya? Masyado siyang possessive.
            Hindi ito umimik. Nagtaas siya ng tingin para makita ito. Nadismaya siya nang makita na nakasimangot pa rin ito.
            "I'm sorry, Hyde. Hindi na iyon mauulit. I just.. I.."
            "`Wag ka nang magpaliwanag. `Wag na nating pag-usapan iyon, Devin. Kain na lang tayo. Masama sa harap ng pagkain ang magtalo," anito.
            Nagpatianod na lamang siya. Still worried on what happened. Kailangan niyang lagyan ng mental na babala ang sarili na 'hindi pa sila ni Hyde' na kahit na sila na ay 'hindi siya dapat maging possessive ng sobra' dahil baka masakal ito.


ISANG MATALIM na tingin ang binigay niya sa tatlong tao na nakikita niya. Hindi siya masaya sa nakikita habang masaya ang taong iyon. Masyado naman yatang nawiwili ang baguhan sa atensyon na nakukuha nito sa dalawang tao na popular sa school. Una, sa bad boy na si jake Hyllel Jacinto. Pangalawa sa good boy na si Devin Dela Cruz na miyembro ng bandang The Gravity.
            Nakakairita at nakakakulo lang ng ulo na nakikita niyang mas pinapansin ito ng dalawang taong hinahangaan niya. Nagkataon pa na ang dalawa talaga. Ano ba ang mayroon sa Harold Yde Ilagan na ito at nakuha nito ang atensyon ni Devin at Jake?
            Ang mas lalo pang nagpapadagdag ng galit niya ang kaalaman na nahalikan na ito ni Jake. Kumuyom ang kamao niya. Halos mayupi na rin ang hawak na bottled plastic sa kanyang kaliwang kamay nang makita ang paghalik ni Devin kay Hyde.
            Gusto niyang magmura! Gusto niyang lapitan ang mga ito at bigyan ng isang nakakasakit na bagay si Hyde! Nahihiling niya na sana siya ang kahalikan ni Devin. Na sana sa kanya ang atensyon na iyon!
            Nagmamadali siyang tumayo mula sa kinauupuan. Palabas na siya sa pintuan ng karinderya ng may mabangga siya. Handa na siyang bulyawan ito dala ng galit ngunit natigilan siya ng mapagsino ang taong iyon. Si Jake.
            Ngingitian sana niya ito ngunit hindi na niya nagawa dahil nilampasan na siya nito. Hindi man lang siya binigyan ng matagal na tingin. Hindi man lang sinungitan. Lihim niyang namura ang sarili. Matagal na silang magkasama ng mga ito ngunit.. wala. Zero. Nada. Hindi man lang siya mapansin.
            Napapadyak na lumabas siya ng karinderya. Natatawa na parang baliw habang iniisip ang mga bagay na posible niyang magawa. Siguro. Panahon na rin para magpapansin siya ng mga ito. Gagawa siya ng paraan para mapansin siya ni Devin at jake. Oo. Tama. Iyon ang dapat niyang gawin. Ang magpadala ng love letter at kung anu-ano pang anik-anik.
            At para sa Hyde na iyon. Napapalatak siya. Bumangon ang galit sa kanyang puso. Gagawa siya ng paraan para mawala ito sa daan. Wawalisin niya ito. Napahalakhak siya. Wala siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng ibang estudyante. The thoughts of removing Hyde in the way is way to overwhelming!
            Hindi na siya makapaghihintay na mawala ito sa landas. Aaksyon siya. Aaksyon!

HINDI NAMAN dapat mawalan ng gana si Hyde sa ginawa ni Devin ngunit hindi niya mapigilan na makadama ng pagkasakal sa ginawa nito. Sa ginawa nito ay parang bumalik sa kanya ang panahon na buhay pa ang papa niya. Ang pagiging possessive nito sa mama niya. Ang pag-iisip sa tuwing lumalabas ang mama nila na gumagawa ng masama.
            Ayaw niya ng ganoon. Pakiramdam niya nga ay na-trauma siya sa ugali ng papa niya na pagiging possessive. Nakita niya iyon kay Devin. Ayaw niya ng ganoon.
            Kaya habang kumakain silang dalawa, pareho silang tahimik. Alam niya na kanina pa siya tinitingnan ni Devin. Tila nananantiya kung kailan mag-uumpisa ng usapan. Patapos na siya sa pagkain ng magsalita ito.
            "Sorry sa ginawa ko, Hyde," anito. "Hindi na iyon mauulit."
            Ibinaba niya ang hawak na kutsara at tinidor saka ito tiningnan. "I'm sorry din. Alam ko na nag-over acting ako sa ginawa mo."
            Umiling ito. "May karapatan ka naman na mag-over act. Ako na ang magde-defend sa `yo. Alam ko na naisip mo na hindi pa naman tayo, na manliligaw mo pa lang ako pero kung makaasta ako, parang boyfriend mo na. I'm sorry talaga. Siguro inatake na naman ako ng insecurities ko kaya ganoon."
            "Wala na `yon, Devin. Wala ng kaso sa akin."
            "Salamat, Hyde."
            Tinapos na nila ang pagkain nila saka sila umalis sa karinderya. Habang naglalakad. Ikinwento ni Hyde kay Devin ang ilang personal na bagay tungkol sa kanya. Natuwa siya sa positibong reaksyon nito. Nagpapasalamt dahil sa pagiging maunawain.
            Nang makarating sila sa department building kung saan siya susunod na papasok. Niyakap siya nito. And again, he said 'i'm sorry'. Malugod naman niyang tinanggap iyon.
            "Napatawad na kita, Devin. Salamat sa pakikinig."
            "Walang kaso. Iyon naman ang purpose ng panliligaw ko sa kanya. Ang mas makilala ka pa at makilala mo ako."
            Napangiti na lang siya.
            Kumalas siya sa yakap nito saka ito binigyan ng halik sa pisngi. Mabilis lamang iyon. Isang halik ng pasasalamat.
            Napangiti si Devin saka kumaway at naglakad palayo. Sinundan niya ito ng tingin. Maluwang pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Sa mga araw na makakasama at nakikita niya ito. Hindi malabong sagutin na niya ito. Nag-uumpisa nang magkapuwang ng malaki ito sa puso niya.


MABILIS na dumaan ang mga araw. Isang buwan at mahigit na rin pala mula nang makausap ni Jake si Hyde. Kung pag-uusap nga na maituturing iyon dahil tinakbuhan siya nito. Nasa tabi siya, nakaupo sa kanyang silya. Nakatingin kay Hyde na nakikipag-usap kay Marty. Tumatawa ito at makikita ang kasayahan sa mukha.
            Nasa loob sila ng classroom nila. Naghihintay sa pagdating ng professor nila para sa subject na iyon. Kanina pa niya ito gustong malapitan ngunit hindi niya magawa. Baka kasi kapag nilapitan niya ito ay sumama ang timpla ng araw nito. Mas okay na ang ganito kahit na nasasaktan siya. Nahihiling na sana ay mapasaya niya ito. Na sana ay kapag siya ang kasama nito, maging good mood ito. Ngunit imposible naman yata iyon. Hyde despise him that much.
            Napabuntung-hininga na lang siya.
            "Bakit hindi mo siya lapitan, Jake?" Napatingin siya kay Dominic. May pag-aalala sa mukha nito.
            "Baka masira ang mood niya."
            "Try lang naman," singit ni Rubius na prenteng nakaupo sa upuan nito.
            Natutuwa si jake na kahit wala siyang sinasabi sa dalawang kaibigan, waring nauunawaan na ng mga ito ang pinagdadaanan niya. Totoong mga kaibigan talaga ito kahit na minsan nasusungitan niya.
            "`Wag na," tanggi niya.
            "Tsope," bulong ni Rubius na narinig din niya.
            Napapailing na lang siya. Wala siya sa mood para patulan ang pang-aasar nito.
            "If you want, I can make some arrangement for the two of you to talk," ani Dominic.
            "Thanks but no thanks. Makakausap ko rin siya pero hindi ngayon. Maybe some other time. `Yong oras na hindi masisira ang araw niya."
            "Ikaw ang bahala." Sabi ni Dominic.
            "Kaya mo naman `yan. Siga-siga ka tapos totorpe-torpe ka," ani Rubius.
            Nakangisi ito nang tingnan niya. Napailing naman si Dominic sa sinabi ng kanilang kaibigan.
            Alam niya na makakausap din niya si Hyde. Sa tamang oras at pagkakataon nga lamang. At sana kapag kinausap niya ito, huwag na siyang takbuhan, at sana huwag din siyang mabwisit kapag binwisit siya nito.
            Muli, tiningnan niya ito. Nagkasya na lang siya sa pagtingin.


ITUTULOY..



10 comments:

  1. Nakakabitin naman pero okay na din to hahaha sana masabi na ni jake ang tunay nyang nararamdaman haha.

    Sayang walang kilig momens haha.

    -44

    ReplyDelete
  2. cute ng story.... keep it up bro>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>hehehe

    ReplyDelete
  3. Hi mr. Author... Thnks sa update...


    It kills for me while reading this... Ang hirap sa side ni jake.. Then there's a demon that trying to ruin the picture.... Thumbs up... Mr. Author can u give a try to the team jade... T. C.

    I' m here always reading the art of love that u give life and color beyond expectations.... Thank Vienne

    Jess

    ReplyDelete
  4. Medyo bitin din pero Mauunawaan naman. Baka next update ok na. Take care.

    ReplyDelete
  5. Jake... do your move na for team #Jade ... sino yung kalaban mr. Author baka c marty yun hhe

    ReplyDelete
  6. bat bigla tumiklop si Jake na bully? hanggang tingin nalang sya ngayon kay hyde. asan na ang kaastigan nya. ganyan ba naging epekto ng halik nya kay hyde? hmmm, masarap siguro ang albi ni hyde kaya pati si devin e nanunuka narin. haha

    bharu

    ReplyDelete
  7. Nice :) ganda ng story . . . Excited much sa next chapter :) may asungot sa kwento hahaha sino kaya un

    ReplyDelete
  8. Team JAKE!!! Gusto ko din si Devin kaso mas malakas chemistry nila jake at hyde. AT yung epal feeling ko si Marty! Tsssss

    ReplyDelete
  9. Nice update pero sino yung hahadlang sa kanila? Bagong tauhan ba author o kaibigan niya?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails