Followers

Monday, February 16, 2015

String from the Heart [6]



Author’s Note

Hello sa lahat! Belated Happy Valentines! Lol Masyadong late lang. xD

Katulad ng dati, maiksi na naman ito. Haha.. (ipinagmamalaki pa talaga.)

Salamat ng marami sa ma nag-comment sa Chapter 5 ng String. Ang tatlong bagong pangalan na nandodoon. Sa mga sumusunod:

Jess, Jekjek01 at Jamesloko2 (Maraming thank you sa pag-iiwan ng comment. Lol. Salamat at napakilig kayo ng chapter 5. ;))

Tito Alfred of T.O. (hehe.. ngayon alam ko na kung ano ang T.O. Salamat sa pagsagot po. Sa uulitin.)
Angel (Maiksi rin po ito. Pasensya na. Hindi pa nagsisimula ang giyera sa pagitan ni Devin at Jake, malayo pa sila sa katotohanan. At malapit na rin akong mawindang sa pag-iisip ng susunod na eksena. :()
Gilrex Laurente (Nakakilig ba sina Devin at Hyde? Haha.. Paano ba `to? Mas gusto ko ang kontrabida kaysa sa bida. Eh.)
Bharu (lol.. Humaba nga bigla ang buhok. Wait lang. Mabilisan ka rin pala magda-moves..)
Az (Si Jake naman! Ma-iisip pa ako ng pwedeng maging sweet moment nila. Pag hahandaan ko iyon.)
K (In a way dama kita, hindi talaga dapat magpa-bully si Hyde kaya naman hindi talaga. At si Marty. Ano nga ba gagawin ko sa kanya? Haha.. Masyado na ba talaga siyang takot?)
Jharz (Hindi yata si Jake ang may gawa dahil dati ng takot si Marty.)
Marlon Macario Del Rosario (thanks at nakilig ka.)
Vhian (Anong gusto mong gamitin kong pamutol? Nail cutter, gunting o grass cutter? Wahahah.. Hayaan mo, malalaman din naman ni Clyde iyon.)


Sa co-RA’s ko rin, salamat ng marami sa promotions. Hahaha.. Kay Kuya Rye, Kuya Carlos pati kay Seyren, Prince Justin at sa iba pa.

Kina sir Mike at kuya Ponse para sa pribilihiyong ito SALAMAT!

At last but not the least sa tao sa group. ;)

At bago ko pa makalimutan, salamat na rin sa mga taong nakaka-usap ko sa FB. Kay Scott Park. Kuya Valintin Olingay.

Mag-enjoy po sana kayo! Baka mawaley ang chapter na ito!

Haha. Enjoy po!

CHAPTER SIX


KANINA PA nakasimangot si Jake habang nakatingin sa dalawang tao na nasa bench. At napepeste siya na makita na malaki ang ngiti sa labi ni Hyde habang kausap si Devin. Napaghahalata tuloy ito na may gusto sa Devin Dela Cruz na iyon. Ang kababata at mahigpit na niyang karibal noon pa. Ngunit ibang-iba sila sa isa't-isa. If Devin was the good boy, he was the bad. Kung sikat si Devin dahil sa achievement nito sa paaralan, siya naman ay sikat sa kabalastugan.
            Magkaibigan sila ni Devin noon. Katulong nila ang mama nito kaya naman sabay silang lumaki. Ngunit lahat ay nagbago ng may malaman siyang hindi inaasahan sa pagitan ng pamilya nila. At iyon ang naging sanhi para bigla silang maghiwalay at maging magkaaway.
            Gusto na niyang lapitan ang mga ito ngunit natigilan siya ng halikan ni Devin si Hyde sa pisngi. May naramdaman siyang kung anong kudlit sa puso niya na hindi niya binigyan ng pansin.
            Tinalikuran na lamang niya ang mga ito saka naglakad palayo. Nagtungo siya sa rooftop at doon nilabas ang inis na nadarama.

NAWALA ANG ngiti sa labi ni Hyde nang makita niya ang papalapit na si Jake. Nakasimangot ito na tila kanina pang bagot na bagot. Simula nang mag-inisan at halikan siya nito ng tatlong beses, isang linggo na ang nakakaraan ay hindi na sila masyadong nag-imikan. Oo. Alipin pa rin siya nito ngunit hindi na katulad ng dati na parang ewan lang ito.
            Kung may nagbago man sa kanilang dalawa iyon ang pag-iinisan nila na madalas ay siya rin naman ang natatalo. Lagi naman kasing malakas mang-asar ang Jake na ito. Ngunit ginagawa naman niya ang lahat para makaganti rito na madalas naman nitong kinaaasar. Ang gulo lang nila.
            Nang makalapit ito sa kanya basta na lang nito ibinigay sa kanya ang folder na hawak nito. Agad naman niyang hinawakan iyon para huwag mahulog at kumalat sa sahig.
            "Ano `yan, Hyde? Sinabi ko sa `yo na pagandahin mo ang report na gagawin mo. Pero ano `yan? Lahat ng ginawa mo, mali. Spelling at grammar mali. Talaga bang nanadya ka?"
            Napaismid siya saka humalukipkip.
            "Gusto mo bang pagtawanan ako ng mga classmate natin? Gusto mo bang mapagalitan ako ni Mrs. Salazar dahil sa report na `yan? Kaya nga ikaw ang pinagawa ko niyan para maging maganda tapos pinapangit mo."
            "Ay! Mali ba?" Nang-aasar na tanong niya. Sinadya pa niyang maging over acting para mabwisit pa itong lalo. May patakip-takip pa siya sa bibig na nalalaman para ma-emphasize ang pagiging OA. "Akalain mo `yon? Ang isang tulad ni Jake Hyllel Jacinto, natatakot na mapahiya sa classmate at mapagalitan ng prof. Sounds so new to me. Nakakapanibago naman talaga."
            "Shit lang!" Nanggigigil na sabi nito. Namumula na ang mukha sa inis sa kanya.
            Lihim naman na nagbunyi ang kalooban niya dahil siya na naman ang dakilang wagi at si jake ang dakilang sawi. Para-paraan lang para makaganti siya rito. Talaga namang sinadya niya na gawin ang report ng maraming mali. Ang mga spelling at kung ano pa na concern doon ay hindi na niya pinansin.
            "Shit ka rin," nakakalokong sabi niya.
            "Kung hindi lang ako marunong magtimpi, Hyde! Baka matagal na kitang nagulpi. Sa ating dalawa, mas ikaw pa ang nagmumukhang bully. You love pissing me off!"
            "Ako lang ba? Ikaw din naman, ah. Gantihan lang ito, Jake."
            Umiling ito. "Hindi ka ba talaga susunod sa akin ng matino? Why do you love so much defying me, Ilagan?"
            Napa-'tsk' na lamang siya sa tanong nito. Ilang beses na bang tinanong nito iyon sa kanya? Marami nang beses ngunit hindi niya sinasagot. Bakit nga ba mahilig siyang kontrahin ang gusto nito kahit napakadali naman niyon. Maybe because of the idea that Jake was too stupid and until now he was still disturbed by the kiss that Jake gave to him. Ilang beses na ba siya nitong hinalikan?
            Lihim niyang sinaway ang sarili. Tuwing naaalala niya iyon ay may stir sa kalooban niya. At weird iyon para sa kanya.
            "Hinding-hindi."
            Bumalatay ang inis sa mukha ni Jake. Kasunod niyon ang pamumula ng mukha nito. Mestiso kaya madaling mamula ang mukha tuwing naiinis o anuman sa kanya.
            "Ah ganoon." Anito.
            Hahawakan sana siya nito ngunit agad siyang nakaiwas. Alam na niya ang gagawin nito. Ang corner-in siya sa isang sulok at bigyan na naman ng halik. He knew his tactic well subalit hindi naman niya magawang pigilan ito sa ginagawa nito.
            Tuwing may ginagawa siyang mali at nagkakasagutan sila ay lagi siya nitong pinapatahimik sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang halik. Halik na madalas na nagpapatigil sa kanya. Minsan nga dahil sa panggigigil nito sa kanya ay nagawa pa ni Jake na kagatin ang lower lip niya.
            Hindi na siya papayag na mahalikan nito! Nawiwili na ang lalaking ito! Para tuloy itong basorexic. Halik lang ng halik kahit na hindi dapat. May sakit yata itong basorexia. Pero hindi iyon excuse kung ganoon nga ang kaso nito.
            Kahit ganito siya, ginagalang niya ang sarili. Hindi naman siya kung sinu-sino na basta na lang hahalikan ng kung sinu-sino lalo na ang Jake na ito. Siyempre. Malaking ipokrito si Hyde kung sasabihin niya na hindi siya naaapektuhan ng halik ni Jake. May mga pagkakataon na nadadala siya ngunit matindi ang will-power niya para huwag magantihan iyon. Baka gawin pa nitong dahilan iyon para asarin na naman siya.
            "Umayos ka Jake!" Nanlalaki ang mata na sabi niya. "Nawiwili ka na sa ginagawa mo! Stop giving me a kiss everytime I do something you don't like. Hindi laruan ang labi ko!"
            "Ayaw mong nangyayari `yon pero patuloy mo akong inaasar sa paggawa mo ng mali. Abnormal ka rin, eh. Kung gusto mong matigil iyon, sundin mo ako ng matino."
            "Tigilan mong sabihan ako na magtino dahil ikaw nga hindi mo magawa iyon sa sarili mo! Bago ka magsalita ng kung anu-ano, i-apply mo muna sa sarili mo! Kung abnormal ako mas abnormal ka."
            "Hindi mo ba natatandaan ang sinabi ko sa `yo? The more you resisted, the more I become interested to you. Gusto mo ba talagang maging interesado ako sa `yo? Gusto mo bang ang pagiging interesado ko sa `yo ay mag-lead on sa isang pakiramdam na tinatawag na 'love'."
            Natameme si Hyde. Tigalgal sa narinig      
            "Eh? Nagbibiro ka lang, hindi ba?" Parang timang na sabi niya.
            Buset! Nag-malfunction pa yata ang utak niya sa sinabi nito. Bakit siya nagkaroon ng ibang pakiramdam? Hala!
            Pinaningkitan siya nito ng mata. "Mukha ba akong nagbibiro, Hyde? Stop doing things that will make me fall for you, Hyde. Alam mo ba kung sa lahat ng ginagawa mong mali ang parusa ko ay halik?"
            Umiling siya. "Hindi ko alam. At wala akong balak na alamin! Sa `yo na ang sagot na `yon! Hindi ko `yon kailangan."
            Agad niya itong tinalikuran. Naguguluhan siya sa kanyang reaksyon. Ang weird lang! Malaking BWISIT talaga! Kumaripas siya ng takbo palayo kay Jake.         

NATATAWA na lamang si Jake habang nakasunod ang tingin sa mabilis na pagtakbo ni Hyde. Nakita niya ang kalituhan sa mukha nito. Nang hindi na ito makita ay saka lang siya natigil. Ang ngiti sa kanyang labi ay unti-unting nawala saka napalitan iyon ng kaseryosohan. Pinakiramdaman niya rin ang sarili.
            Naguguluhan siya. Really.
            Bakit ng sabihin niya kay Hyde ang mga bagay na iyon ay parang napaka-natural. Parang totoo sa kanyang damdamin na iyon talaga ang nararamdaman.
            Gusto ko na ba ang lalaking iyon? Ang tanong niya sa sarili.
            Napailing siya. Sobrang naguguluhan. Alam niya kung sino siya. For crying out loud! Hindi siya naa-attract sa same sex pero bakit ganito.. ang puso niya.. malakas ang pagtibok na tila lalabas sa loob ng dibdib niya anumang oras.
            Noong una, ang paghalik niya kay Hyde bilang parusa ay isa lamang malaking biro. He loved stopping him talking by doing that thing. Gusto rin niyang mapahiya ito sa mga classmate nila kaya ginagawa niya iyon. Sa parte naman niya, sanay na siya na masama ang tingin sa kanya ng mga ito kaya wala siyang pakialam kung masabihan man siya na 'bakla'. He just did it for Hyde to despised him.
            Pero kinalaunan.. The kiss that he was giving to him na dapat ay parusa ay naging habit na para sa kanya dahil sa gusto niya ang tamis ng labi nito. Gusto niya ang pakiramdam na malapat ang malambot na labi nito sa labi niya.
            Ang isa pa, na-challenge rin siya sa hindi ni Hyde sa halik niya. Pinapadama kasi nito sa kanya na lousy kisser siya na hindi naman totoo. He proved that thing. Hindi siya lousy pero.. Inaamin ni Jake na nakakadama siya ng konting kirot sa tuwing hindi gumaganti si Hyde.
            He was hoping.
            Parang timang na tumawa siya nang malakas. The realization just hit him very hard in the head through to his heart. He is falling.. Falling for the guy.
            Bakit parang ang dali sa kanyang tanggapin ang bagay na iyon? Bakit tila walang resistance kahit na sinasabi niyang lalaki siya, na totoong lalaki siya? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?
            If ever na i-resist niya ang nadarama lalo lang iyon kakawala. If ever na ipagtapat at sabihin niya iyon kay Hyde ay malaki ang porsiyento na mababasted siya. And before that thing to happen. ..
            Arghhhh!
            "Ahhhhhhh!" Malakas na sigaw niya. Pumuno ang kanyang boses sa hallway ng school building saka binato ang dalang bag.
            "Bwisit! I'm beginning to like that.." Napailing siya. "No. I think I already fall for him."
            Nasabunutan niya ang sarili.

HYDE STOPPED in the corner. Napatingala siya saka kinalma ang sarili mula sa mahabang pagtakbo. Malakas ang kabog ng puso niya sa sinabi ni Jake sa kanya kanina. Nakakaasar lang dahil apektado siya sa mga iyon. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Masyado naman yata siyang nagpapa-epekto sa sudden things na sinabi ni Jake.
            "Bakit ba ganoon iyon?" Pagkausap niya sa sarili. "Talaga bang gusto niya na mabuwisit ako sa kanya? Talaga bang gagawin niya ang lahat para lang maasar ako.."
            Hyde sighed. Napaupo siya sa sahig. Natigil lang siya sa pag-iisip sa sinabi ni Jake nang makuha ang atensyon niya ng isang pulseras na nakalapag sa hindi kalayuan sa kanya. Tumayo siya para kunin iyon.
            Sinipat niya ang pulseras. Pinagmasdan maigi. May kung ano doon na hindi niya alam. Maganda ang design at panlalaki. It was a silver bracelet.
            Tumingin siya sa paligid. Nang walang makita ay itinago niya sa bulsa ng suot na slacks ang pulseras. Hindi niya alam kung kanino iyon kaya habang walang naghahanap ay sa kanya na muna.
            Naglakad siya patungo sa room nila.                                             
           

UNANG ARAW ng panliligaw ni Devin kay Hyde. Sinadya niyang pumasok nang maaga para hintayin ang pagdating ni Hyde. Alam niya ang schedule nito kaya sigurado siya na mauuna siya kaysa rito. Gusto niyang umpisahan ang kanyang araw na kasama ito. Sayang lang at hindi niya nakuha ang cellphone number nito nang makausap niya ito two weeks ago.
            Mahaba na ang dalawang linggo mula nang magkausap sila. Dapat kinabukasan pa ay uumpisahan na niya ang panliligaw dito. Ang kaso ay mas inuna niya ang priorities niya sa school. Gusto niya kasing i-clear out muna ang mga bagay-bagay bago siya gumawa ng bagay para sa taong mahal na niya.
            Bumilis ang tibok ng puso ni Devin nang makita niya ang pamilyar na pigura papalapit sa kanya.
            "Ang aga mo naman, Devin." Sabi nito.
            He smiled at him. "Sinadya kong pumasok nang maaga."
            "Bakit?"
            "Hinihintay kita." Hindi nagsalita si Hyde. Nagpatuloy siya. "Well, gusto ko lang naman na maging tama ang araw ko. I wanted to be with you. At ngayon na rin ang official kung panliligaw sa `yo."
            Hyde just stared at him. Maya-maya nang ma-realize na yata nito ang sinabi niya, namula ito.
            "K-kung ganoon.." anito. Stuttering. Napayuko.
            "Don't worry, Hyde. Manliligaw lang ako. Hindi ako mangangagat," aniya.
            Lumapit siya rito saka hinawakan ito sa baba. Itinaas niya ang mukha nito para magtama ang paningin nila.
            Pinigil niya ang mapangiti nang makita ang namumula pa rin nitong mukha. Cute. Sa isip-isip niya.
            "Goodmorning, Hyde."
            After saying it, he lowered his face then give him a peck on his cheeks. Nagulat man sa kanyang ginawa. Hindi nagsalita si Hyde ngunit kitang-kita sa reaksyon ng mukha nito na mas lalo pang namula.
            "G-good morning," ganti nito.
            "Tara na. Saan mo ba gustong kumain? Mag-almusal tayo."
            "I-ikaw ang bahala."
            Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Sinalubong ang tingin nito.
            "`Wag kang kabahan. Ako ito, Hyde, hindi ako mangangagat. Kung nahihiya ka sa ginawa ko, sorry, pero hindi ako sorry. I like that. At ito pa.."
            Kung kanina ay sa pisngi niya ito hinalikan, ngayon naman ay sa labi.
            Muli, natigilan si Hyde.
            Nang matapos ang halik ay niyakap niya ito.
            "Baka iniisip mo na sinasamantala kita. Siguro nga ay ganoon, `wag kang kabahan. I'm doing it to say how important you are to me. Agad-agad. No question ask, Hyde."
            Kumalas siya sa pagkakayakap dito saka hinawakan ang kamay nito. Napangiti si Devin nang hindi ito tumanggi. Masaya siya na hindi ito tumutol sa simpleng pamamaraan niya.
            "Devin." Tawag nito sa kanya.
            "Hmmm."
            "Nakakakaba ito pero masaya ako na kasama kita ngayon. Ang bilis mo rin, ano?"
            Natawa siya. "Hindi ko maiwasan, Hyde. Pagbigyan mo na ako. Saan mo gustong kumain?" Pag-iiba niya sa usapan.
            "Kahit saan. Ikaw ang bahala."
            Masaya ang pakiramdam ni Devin habang hawak ang kamay ni Hyde. Siguro nga ay mabilis talaga siya pero bakit pa niya patatagalin ang ganitong pagkakataon? May kasabihan nga na 'ang oras ay ginto' kaya gusto niyang sulitin iyon kasama ito.
            "Gusto mo bang makita ang pag-practice namin?" Aniya. "Kung gusto mo, sama ka sa `kin sa music room bukas."
            "Pwede ba `yon? Baka makaistorbo naman ako sa `yo."
            "You'll never be one, Hyde. Baka mas lalo pa akong ma-inspire kapag doon ka."
            Nangingiting napapailing na lang ito. Siguro nagtutunog presko siya sa bawat salitang sinasabi pero masisisi ba siya? Gusto lang naman niya kasing magpa-impress sa taong mahal niya.
            "Pwede sana. Gusto ko rin ang kaso may gagawin naman kami bukas. Anong oras ba ang band practice n'yo?"
            Nakadama siya ng pagkadismaya sa sinabi nito. Pero hindi niya iyon pinahalata.
            "After class. Mga four thirty na ng hapon."
            "Hindi ako available sa oras na iyon," anito. Tunog dismayado.
            "Well. Okay lang. Maybe some other time."
            Agad naman silang nakarating ni Hyde sa malapit na fastfood chain.
            Papaupo na sana ito nang ayusin niya ang kinauupuan nito. Natawa na lang ito.
            "Hindi mo na kailangan pang gawin ang ganito, Devin. Pareho naman tayong lalaki."
            "Nanliligaw ako sa `yo kaya kailangan `to."
            "`Wag na kaya. Pinagtitinginan na nila tayo."
            Kumunot ang noo niya saka bumaling dito. "So? Wala naman silang alam sa atin kaya hindi natin sila problema. Ikaw at ako naman ang mahalaga. Kaya ipa-pamper kita."
            "Ikaw at ako ang mahalaga." Pag-ulit nito. "Mahalaga ka rin sa akin."
            Natigilan siya saka napaupo sa katabing upuan ng kinauupuan nito.
            "Mahalaga ako sa `yo? Ibig bang sabihin niyon.."
            "Crush kita." Pagputol nito sa sasabihin sana niya.
            Nanlalaki ang mata na napatitig siya rito. "Cr-crush mo `ko?"
            Tumango ito. "Oo. Kaya nga n'ung una na sabihin mo sa akin na gusto mo ako. Parang hindi ko naman nasabi `yong n'ung sabihin mo sa akin na manliligaw ka."
            "Nakalimutan ko," nahihiyang sabi niya. "May malaki palang porsiyento na magustuhan mo ako. Na mahalin mo rin ako," diretsa niyang sabi.
            Tumango ito. "Sabihin na natin na malaki ang porsiyento pero siyempre manliligaw ka pa rin. Gusto kong mas makilala ka pa."
            Napangiti siya saka ito mabilis na hinalikan sa labi na ikinagulat na naman nito. "Thank you. You just made my day, Hyde. Sige. O-order na ako ng pagkain natin."
            Sinabi nito sa kanya ang gusto nitong pagkain. Pagkatapos niyon ay tumayo siya saka nagpunta sa counter para pumila.
            Maluwang pa rin ang pagkakangiti niya. Ang saya lang sa pakiramdam na malaman na crush ka ng taong mahal mo at may malaking porsiyento na maging kayo.
            Parang gusto niyang sumigaw. Sabihin at iparating sa lahat ng tao ang kasiyahan sa puso niya.

NAPAKAGANDA. Iyon ang salitang mailalarawan ni Hyde sa araw niya. Bakit naman hindi? Sinimulan niya kasi ang araw ng maganda at lalo pa iyong naging maganda ng makita niya si Devin sa harap ng school nila at sadyang hinihintay siya.
            Niyaya siya nitong kumain na malugod naman niyang tinanggap at sa pakiwari niya ay umpisa na ito ng panliligaw nito sa kanya officially.
            Maluwang ang ngiti niya habang nakatingin sa likuran nito. Abala si Devin sa pagkausap sa cashier. Sinasabi yata ang order nila. Nang maramdaman siguro nito na may nakatingin dito. Humarap ito sa kanyang direksyon saka siya nginitian.
            Ginantihan naman niya iyon ng buong puso saka ito bumaling ulit sa cashier na mukhang nagpapa-cute dito.
            Inaamin ni Hyde na nabibilisan siya sa pangyayari sa pagitan nila ngunit wala naman siyang reklamo roon. Ang halik na binigay sa kanya ni Devin ay sadyang nakakagana ng araw. The first kiss was in the cheeks and the second one was in his lips. At ang halik nito sa kanyang labi ay ginantihan niya ng buong puso kahit na hindi pa siya sanay humalik. Kahit na given na nahalikan na siya ni Jake.
            Thankful din siya na kahit alam niyang abala si Devin sa school at trabaho nito ay naglaan talaga ito ng panahon sa kanya. Patunay na mahalaga siya talaga rito. Siyempre. Nalaman niya ang kaabalahan nito sa school sa pamamagitan ni Marty. Si Marty ang tanungan niya ng mga bagay-bagay tungkol sa school. At nagkataon naman na isa pala ito sa follower ng The Gravity kaya may alam ito tungkol doon.
            Sayang nga lang at walang cellphone number si Marty ni Devin. Iyon tuloy, pagkatapos nilang mag-usap two weeks ago ay hindi niya nakuha ang cellphone number nito.
            "Heto na ang pagkain," ani Devin nang makalapit sa kanya.
            Inilapag nito sa mesa ang mga dala saka umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.
            Isa-isa nitong inalis iyon sa tray saka binaba iyon.
            "Salamat," sabi niya nang iabot nito sa kanya ang pagkain.
            "Walang anuman basta para sa `yo."
            Kinikilig na napailing na lang siya. Ang pasimple nitong dumiga pero may dating sa kanya ng sobra.
            "Oo. Basta para sa akin. Kain na tayo."
            "Okay. Kain na tayo."
            Nagsimula silang kumain.
            Napatingin si Hyde kay Devin nang iumang nito sa kanya ang piraso ng fench fries. "Say ah, Hyde. Isusubo ko `to sa `yo," anito.
            Parang namatanda na ibinuka niya ang bibig saka nginuya ang pagkain. Nakatingin pa rin siya kay Devin. He saw gladness in his eyes while looking at him. Sunod nitong ginawa ay kinuha ang tissue at pinunasan ang kung ano sa gilid ng labi niya. Parang babae lang tuloy ang style niya. Tsk..
            Peste! Kinikilig siya.
            Napakamot ito sa tungki ng ilong nang hindi pa rin niya tantanan na titigan. Gesture na talaga nito iyon. At ang cute lang kahit na gwapo ito. Bahagya ring namumula ang mukha.
            "Habang nakatingin ka sa akin ng ganyan. Parang gusto kitang halikan."
            Siya naman ang nag-iwas ng tingin saka namula ang mukha.
            Natawa si Devin na nagpatawa rin sa kanya. Ang mga sumunod na sandali ay puro kasiyahan. And it was the most beautiful day in his life. Starting the day with his crush and soon-to-be-boyfriend.
            Siya na ang positive!

ITUTULOY…

16 comments:

  1. I'm back. hahaha.. Kutang kuta ka naman Hyde sa mga HALIK..tsk. kainggit ka teh.. At dahil dyan.. Pkisabi sa author nito..hyde..
    "ANG TAGAL NAMAN NG BED SCENE . haha..

    ako nga rin Jake.. Penge ng kiss..yung torrid ha.. Haha..

    ReplyDelete
  2. Nice nakakakilig ang chapter na ito...... Sana hindi na umeksena si jake sa dalawa, update ulit agad kuya vienne

    Jharz


    ReplyDelete
  3. Grabe nakakilig naman to! Can't wait sa next update :))

    -44

    ReplyDelete
  4. Mr. Vienne,, i read all ur story silently from joen to devin... U never fail us to fell the kilig and heart warming moment in every update u have... I start the day with riel and red. ..then ends with... Hyde and devin... How bout jake.. Mr vienne..

    Thank u sa update mr. Vienne and t. C. Always

    Jess

    ReplyDelete
  5. kaing get Ikaw na ang my manliligaw eeedi wow...

    ReplyDelete
  6. May S & M po ba dito?

    ~KilalaNa

    ReplyDelete
  7. Ahhhhhhhh, bitin! Maraming salamat sa update. Kilig ang episode ngayon. Take care always (para may kasunod pa, hehehe.) God Bless. Btw, any more questions, viber me.4168280872 or rbluegle740@yahoo.ca. Good Day.

    ReplyDelete
  8. sana c jake at hyde mai date rin mr. Author... heheheheh gusto ko dn na c jake at hyde ang love team jake +hyde= jade.. go team jade hehehe

    ReplyDelete
  9. Ang bait ni Devin wala masyadong thrill.
    #TeamJake FTW!


    -vhian

    ReplyDelete
  10. salamat sa update. nkakakilig lang yung 2. walang paks sa paligid ligid ay puno ng linga haha.

    bharu

    ReplyDelete
  11. Hahahahah Hyde kinikilig hahahaha pati ako kinikilig din kay devin....

    Halalalala baka magkapilatid sila jacinto(lakas makatanda ng jacinto hrheheheheh) devin..

    Shai

    ReplyDelete
  12. Oo nga ang bilis masyado ni Devin pero bakit mas gusto si Jake para kay Hyde? Pakihabaan naman po ng next update medyo bitin ako.

    ReplyDelete
  13. Nice po update pa more ha ha kakabitin kc ha ha

    Juss

    ReplyDelete
  14. Sana alipinin ng husto ni Jake si Hyde. Tas ipagtanggol sya ni Clyde. Parang ang astig ng ganun magugulat si Jake kasi may kambal pala si Hyde. Ay. Haha. Ako nalang sana gumawa mg sarili kong kwento
    nagmarunong pa ako sa author. Haha

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  15. Waaaahhhhh! ! ! pwede bang akin na lang si Devin hahaha ang sweet niya, TeamJake ako :) sana si Devin at Clyde na lang magkatuluyan. Identical twins ba sila? Nice ganda ng story first time ko mabasa story mo author, dahil dyan mag rereading marathon ako ng mga story mo. Looking forward for the update

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails