Followers

Thursday, February 12, 2015

String from the Heart [5]


Author’s Note

Salamat sa sponsor ko at nakapag-update ako ngayon!

Unang-una, salamat nang marami sa nagbigay ng comment sa Chapter 4 ng String.

YeahitsJM (lol. Malayo pa sa ‘wakas’ ang istoryang ito. Chapter 5 pa lang ako, eh. Haha.. At seriously? Pati ang nagmamalaking ‘ITUTULOY’ prinoblema mo. Nakakatuwa ka. haha)
Gilrex Laurente (sana nga po ay walang dull moments din ito para mag-enjoy kayo :))
Vhian (kailangan yata talagang mabilis dahil maiksi lang naman mga chapter. Buti sana kung worth the wait ito. Mahirap maka-disappoint lalo na kung hindi.. lol)
Tito Alfred of T.O (Yes! Okay na po `yung medyo maiksi kaysa sa matagal. Curious lang po ako. Ano ang ibig sabihin ng T.O. sa pangalan n’yo dito? Hehe.)
Bharu (Parang ganoon nga ang mangyayari. Haha.. Parang ganoon. Pero ipaglalaban ko pa rin si Jake, eh. Gusto ko siya kaya. Haha. Hayaan mo baka magbago na siya sa mga susunod na kabanata.)
K (Hindi siya magpapa-alipin! Lumaban na siya dito eh! Abangan na lang natin.)
Angel (Hello! Haha.. Hindi nakakaasar si Jake (lol. Talagang pinaglalaban ko, eh) Malay natin baka si Hyde ang maging susi (kung may pintuan), para magbaGo si Jake. At si Devin, eeksena na siya dito! Heto na!)
Drei (salamat sa comment. sana huwag ka nang maging silent reader para mainspire pang lalo si ako. lols salamat talaga! sa uulitin!)
Sa mga co-RA’s ko po! Isang malaking ‘HELLO’ sa inyong lahat!
Kay Prince Justin, Kuya Carlos, Kuya Rye, Seyren, Jace at sa iba pa.

At lastly. Walang hanggan na pasasalamat kay Sir Mike at Kuya Pose para sa pribilihiyong ito!

Heto na po ang CHAPTER 5 ng String! At sana mapasaya ko kayo. Haha. Kahit na may kaiksian yata ulit. (na mukhang lagi naman.)

At mukhang ewan yata ang chapter na ito, siyanga pala. Hindi ko alam kung pwede ba ito. Kung alin ang sinasabi ko, pakihanap na lang. haha 
Aarangkada na si Devin! Eeksena na siya!

ENJOY!!

CHAPTER FIVE

PAGKARATING ni Hyde sa kanilang classroom kasama si Marty ay agad niyang hinanap si Jake. Nasa dulo ito kasama ang ilang classmate nilang lalaki na sa pagkakatanda niya na ang mga pangalan ay Dominic at Rubius.
            Nang makita siya ni Jake ay ngumisi ito. Ngisi na nagsasabing nagwagi na naman ito. Ah! Asa ang lalaking ito! Magtutuos sila nito.
            Mula sa prenteng pagkakaupo sa silya, tumayo ito.
            Nilapitan niya ito at agad na binigyan ng isang malakas na suntok. Hindi nito inaasahan iyon kaya naman napaupo ulit ito.
            "`Tangina! Bakit mo ginawa `yon?! Sigaw nito. Sapo ang nasaktang pisngi.
            "`Wag kang magtanong kung bakit ko ginawa iyon. Wala kang karapatan!" Sigaw niya.
            Kumuyom ang kamao nito. Nasa akto na sanang susuntukin siya nang huminto ito saka tumawa.
            Nababaliw na ba ito?
            "You really never failed to amaze me, Ilagan. Kung sa tingin mo, pakakawalan kita sa pananakit mo sa akin. Never! Malaking asa ka kung sa tingin mo gagawin ko `yon! Nasa akin ka pa rin."
            After saying the things. Jake just tapped his face in a very slow manner. Halos wala ngang pwersa iyon. Nanlaki ang mata niya nang lapitan na naman siya nito. Isang dangkal na lang ang layo ng mukha sa mukha niya. Naaamoy na niya ang mabangong hininga nito.
            "Siguro nasabi na sa `yo ni Marty kung ano ang kaya kong gawin, Hyde. If you won't stop defying me, may masasaktan. At alam mo naman siguro kung sino iyon." Pagbabanta nito.
            Natigilan siya. Napalunok. Hindi niya kayang makita na may masaktan dahil sa kanya. Nakita na niya kung ano ang reaksyon ni Marty. Speaking of the guy. Nasa isang sulok ito. Tila takot na takot at hindi makasalubong ang tingin ni Jake.
            Naaawa siya rito.
            "Ngayon, Hyde? Susundin mo ba ako o may masasaktan dahil sa `yo?"
            Hindi bukal sa loob na sumagot siya. "Susunod na ako sa `yo," aniya.
            Napangiti si Jake. "That's good. By the way, malakas ka sumuntok kahit na malamya ka." Tinalikuran na siya nito saka umupo.
            Tinapik nito ang katabing upuan. Hudyat na tabihan niya ito. In a silent movement, sumunod siya rito.
            Nakita niya ang kasiyahan sa mukha nito sa walang reklamo niyang pagsunod. Nakakagigil na makita ang ngiting iyon. A triumphatic smile that killing him inside. Kung hindi lang talaga ito nagbanta, hindi siya susunod. Ayaw lang niyang may masaktan pa. Ayaw na niyang masaktan si Marty lalo na at kaibigan na niya ang lalaki.
            "Good," anito.
            Kung maaari lang talaga baka nasagot na niya ito ng pabalang kahit na 'good' lang ang salitang sinabi nito. Siguro kailangan niyang paghandaan ang pagganti rito. Humanda ito kapag nakabuo siya ng konkretong plano. Isang malaking ganti ang gagawin niya.
            Napapiksi siya nang akbayan siya nito. Nasa akto na siya ng pagtanggal ng braso nito sa kanyang balikat ng magsalita ito.
            "`Wag ka nang papalag pa, Hyde. Sundin mo na lang ang lahat ng gusto ko. Sumang-ayon ka para huwag na tayong magkagulo. Para magkasundo. `Wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo."
            Wala siyang tugon.
            "Hindi ka ba sasagot?"
            "Makakaganti rin ako sa `yo." Mariin niyang sabi.
            "Hindi ka talaga natatakot sa `kin, ano?"
            "Hindi. Kung wala lang masasaktan, hindi talaga ako susunod sa `yo."
            "Gusto mo talagang maging interesado ako sa `yo, ano?" Mayabang na sabi nito.
            "At bakit ko gugustuhin na maging interesado ka sa akin? Ang maging interesado ka sa `kin ang pinakahuling bagay na gugustuhin ko, Jake. You are nothing but a stupid bastard."
            "Masakit kang magsalita, ah."
            "Wala akong pakialam. You deserve that."
            "Gusto mo bang gawin ko ang ginawa ko kanina?"
            "Gusto mo rin bang gawin ko ang ginawa ko kanina pagkatapos mong gawin ang ginawa mo?"
            Napadaing siya ng kagatin nito ang tainga niya. Namumuro na ang lalaking ito!
            Siniko niya naman ito para makaganti. Napadaing ito. "Ouch."
            "Ngayon quits na tayo. Umayos ka Jake!"
            "Umayos ka rin Harold Yde. Hindi mo alam kung ano ang pwede kong gawin sa `yo." Muling pagbabanta nito.
            "Scared." Sarkastiko niyang sabi. "Hindi mo rin alam kung ano ang pwede kong magawa, Jake."
            "Talagang sinusubukan mo ako, ah?" Gigil na sabi nito saka tumayo.
            Hinawakan siya nito sa pulsuhan saka pwersahang pinatayo. Halos kaladkarin na siya palabas ng room nila.
            They were really making a scene. Kanina pa! Mukhang magiging talk of the classroom sila sa pinagagawa nila sa isa't-isa.
            Pumiksi siya. "Kaya ko ang sarili ko. Hindi mo na kailangan pang kaladkarin ako
palabas." Aniya.
            Wala naman itong naging tugon. Muli siyang hinawakan at sa mabilis na pagkilos ay nasa labas na sila ng classroom patungo sa comfort room na nasa floor din na iyon.
            Nang makapasok sila sa CR, ibinalya siya nito roon. Mabuti na lang at naitukod niya ang mga kamay sa dingding. Naiwasan niya ang masubsob.
            "You're pain in the neck!"
            Sinalubong niya ang titig nito. "Pain in the neck?" Aniya. Bahaw din siyang natawa. "Kung pain in the neck ako, ano pa ang tawag mo sa sarili mo? Sa ating dalawa, mas applicable ang salitang iyon sa `yo. Aand for the record, hindi ko pinasakit ang ulo ng mga taong nagmamahal sa `kin! Hindi tayo connected sa isa't-isa kaya wala akong plano na maging mabait sa `yo!"
            Tahimik lang ito. Nagpatuloy siya.
            "Kung wala kang pakialam sa mga pinagagawa mo, wala akong pakialam! Hindi ka ba naaawa sa magulang mo? Naghihirap sila na pag-aralin ka tapos ganito ang ginagawa mo dito sa school. Pinapasakit mo ang ulo ng mga superior. Pinalalala mo ang takot ng mga estudyanteng binu-bully mo. Wake up, Jacinto! Matanda ka na para gumawa pa ng selfish acts! Huwag mong pasakitin ang ulo ng mga magulang m--."
            "Wala kang alam!" Galit na sabi nito.
            Nagtagis ang bagang. Kumuyom ang kamao na tila handang-handa na na suntukin siya. He stood still. He let his guard up.
            Nagapatuloy siya sa pagsasalita. "..mo. You are nothing but a selfish bastard! Wala kang magawa na mabuti sa iba. Wala kang magawa na mabuti sa sarili mo. Wala kang magawa na mabuti sa mga magulang mo na naghihi--."
            "Tumigil ka!" Sigaw nito. Susuntukin na sana siya ngunit napigil iyon. Parang may naisip na kung ano saka ibinaba ang kamao na ilang pulgada na lang ang layo sa kanyang mukha. Sa halip kinuwelyuhan siya nito saka binalibag. Tumama ang kanyang likod sa dingding.
            Lihim siyang napadaing sa nadamang sakit.
            "Wala kang alam sa personal na buhay ko kaya tumigil ka! You don't have any right so say things that out of your limit! Alipin lang kita. Iyon lang ang koneksyon natin sa isa't-isa kaya wala kang karapatan! `Wag na `wag mong mababanggit ang mga magulang ko." Anito.
            Natigilan si Hyde nang makita ang sakit na bumalatay sa mukha nito. Ngunit panandalian lang iyon. Napalitan ang sakit ng galit.
            "Magulang? Ah! Magulang, Hyde! Wala ako n'un! Simula nang magkamuwang ako sa mundong ito, namuhay akong mag-isa! Yes! Given na mayroon ako n'un pero hindi ko naramdaman! All of their attention was on that business! Wala kang karapatan na sabihin ang mga ganoon. Kung napapasakit ko man ang ulo ng lahat. The hell I care! Gagawin ko ang gusto ko kahit na ibig sabihin pa n'un na makakasakit ako."
            Itinulak siya nito. Muli siyang napasandal sa dingding. Nag-iwas ng tingin si Jake nang makita niya ang pamumuo ng luha sa sulok ng mata nito na mabilis naman nitong pinunasan.
            Iyon ba ang dahilan kaya ganoon na lang ito? Kulang ba ito sa atensyon kaya mas pinipili nito na magpapansin sa paraan na malilibak ito kahit na ganoon? He just saw earlier the soft side of this man. Nasasaktan ito ngunit mas pinipili ang makasakit para ma-deprive sa totoong nararamdaman.
            Nakadama ng awa si Hyde para rito. Bumangon ang isang emosyon na hindi niya mapangalanan na nag-uudyok sa kanya na damayan ito. Na maging sandalan nito kahit na hindi niya gusto ang ugali nito. Jake is a lonely man inside. At kailangan nito ng masasandalan sa panahon na malungkot ito.
            "Ngayon na binuksan mo ang personal na bahagi ng buhay mo. I think, we already have the connection. Sa tingin ko rin may pakialam na tayo sa isa't-isa. Wala naman dapat pero parang nagkaroon na," aniya.
            Jake just eyed him. Nagsalita ito pagkatapos ng ilang sandali na pananahimik.
            "Wala tayong koneksyon sa isa't-isa. I stand on what I've said. Alila lang kita. Wala ka ring karapatan na manghimasok sa buhay ko kahit na nasabi ko sa `yo ang personal na bagay tungkol sa akin."
            "Hindi ako manghihimasok dahil nakapasok na ako, Jake. Sa ayaw mo at sa gusto mo, naging parte na ako ng buhay mo. Oo, alila mo pa rin ako pero hindi sa totoong salita. I can do what I' want, and defying you is the number one on the list."
            "Then be it!" Anito. "Kung iyon ang gusto mo, tingnan natin kung sino ang unang susuko."
            Tinalikuran na niya ito. Ngunit muli rin siyang napaharap nang hawakan nito ang balikat niya at paharapin dito.
            "The be it," muling sabi nito, sabay yuko at hinalikan siya sa labi,
            At sa muling paglapat ng labi nila. Natigilan na naman siya.
            "And the game will start here," sabi nito pagkatapos ng halik.


TULALANG NAPATINGIN si Hyde kay Jake nang matapos ang halik na binigay nito sa kanya bilang parusa. Imbes na makadama siya ng parusa sa ginawa nito, iba ang naramdaman niya. Nang matauhan sa naiisip. Malakas niyang itinulak ito saka nagmamadaling iiiwan na sana ito kung hindi lang siya nito napigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kamay.
            Muli. Pinasandal siya nito sa dinding saka ikinulong sa pamamagitan ng pagharang nito sa magkabilang side ng kinatatayuan niya gamit ang mga braso nito.
            "Hindi pa tayo tapis mag-usap, Hyde."
            "Hi-hindintayo nag-uusap."
            Lihim niyang namura ang sarili sa pag-stammer. Shit! Apektado siya ng sobra. Una ng halik, pangalawa ng pagkakalapit ng mukha nila. At higit sa lahat ang sidhi ng tingin na ibinibigay nito sa kanya.
            What the heck!
            "Pakawalan mo nga ako!" Nanggigigil na sabi niya.
            "Not that fast, Hyde."
            "Bwisit!"
            "Call me names, I don't care. Hindi ka pa rin makakatakas sa akin. I can do anything what I want. You are under my mercy, Hyde. Kaya kung hahalikan kita ulit, wala kang magagawa kundi ang sumang-ayon at tumugon doon."
            "Shit!" Mura niya. "Hindi ako nasa ilalim ng awa mo, Jake! Hinding-hindi! Katulad ng sinabi ko sa `yo. I can defy you anytime I want. Wala kang karapatan sa akin at.."
            Again. Jake kiss him.
            Itinukod niya ang mga kamay sa dibdib nito saka pwersahang itinulak ito palayo sa kanya.
            "Shit ka talaga!" He said with so much disgust. "Maghanap ka ng pwedeng gawin na hindi ako concern, Jacinto!"
            "May koneksyon ang halik natin. Hindi mo ba nararamdaman `yon? We really have connection as you have said, Hyde."
            Shit! Mukhang nag-backfire pa sa kanya ang mga sinabi kanina. Nakadama na siya ng awa sa nakitang sakit sa mukha nito kanina. Sa pamumuo ng luha sa sulok ng mata nito na may tumulo pa ngang luha. Pero ang awa na nararamdaman niya ay naglaho. Napalitan na naman ng pagkabwisit dito.
            "Shit ka talaga, Jake!" Aniya saka nagmamadaling lumabas ng comfort room.


NAPAHIKAB si Devin habang papasok sa malaking gate ng university. Sobra pa siyang inaantok. Pakiramdam niya nga ay wala pa siya sa huwisyo dahil sa kapuyatan kagabi. Hindi niya alam kung anong oras ang eksakto niyang pag-uwi kagabi, rather madaling araw. Nang makarating kasi siya sa apartment niya ay agad na siyang humilata sa kama niya at tuluyan nang nakatulog ngunit kulang pa rin iyon. Kaya heto siya. Ilang beses nang humikab.
            Mag-isang nakatira si Devin sa mumurahing apartment na nirerentahan niya. Dapat sa boarding house lang siya titira ngunit mas pinili niya ang mumurahing apartment. Mas safe at tahimik kasi doon. Ilang buwan na rin siyang nakatira doon. Mas pinili niya ang bumukod sa pamilya na dalawang sakay pa ang tatahakin mula sa kanila patungo sa school nila. Well. Aprubado naman iyon ng papa at mama niya. Iyon nga lang at siya ang nagbabayad ng renta at bumubuhay sa sarili niya kaya naman kailangan niyang mag-working student. Bukod sa pagbabayad ng renta sa bahay ay gumagastos din siya sa ilang requirements sa school. Scholar nga siya ngunit hindi naman ibig sabihin niyon na iaasa niya lahat sa scholarship niya. Kung hihintayin niya rin kasi ang pera mula roon ay baka mamatay na siya ng dilat.
            Devin yawned again and heaved a sigh afterwards. Wala naman sanang kaso kung late na siya nakauwi mula sa pinagtatrabahuan na fastfood chain bilang service crew. Ang kaso ay may mahalaga siyang gagawin ngayong araw. May long quiz din siya sa isang major subject na hindi dapat palampasin.
            Bilang mag-isang nakatira sa apartment. Sa kanya lahat nakaatang ang lahat ng gastusin. Ah! He still remembered where did he get the money he used to pay the landlady. Ang perang ibinayad niya sa babaeng landlady ay nagmula pa sa pagtugtog nila sa MAB. Ang iba ay kinuha niya mula sa allowance niya at sa pinagtatrabahuan na fastfood chain. Mabuti na lang at mabait ang manager ng chain na pinagtatrabahuan niya at pinautang siya para makapagbayad sa bahay na inuupahan.
            Kung sa mga magulang niya kasi ay wala siyang aasahan. Devin came from a poor family. Isang kahig, isang tuka, as other people say about their living. Ang papa niya ay isang hamak na tricycle driver. Ang mama naman niya ay pa-extra-extra lang sa paglalabada. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay kaya naman sobra talaga ang pressure niyon sa kanya,
            Bukod sa kaalaman na dalawang sakay mula sa bahay nila ang school. Ang totoong dahilan ng pagbuklod niya ay upang huwag nang magbigay pa ng alalahanin sa mga magulang. Kahit noong una ay hindi niya kaya, pinilit niya talaga. Salamat na rin sa mga kabanda niya na maaasahan niya tuwing nagigipit siya.
            Minsan din siyang umuwi sa kanila. Sa pagkakatanda niya ay noong isang buwan pa ang huling pag-uwi niya. Nami-miss niya ang pamilya ngunit pinaglalabanan niya iyon. Kaya naman inaabala niya ang sarili sa pagtatrabaho.
            Ang isang malaking palaisipan kay Devin ay ang katotohanan na wala siyang kamukha sa mga magulang at kapatid niya. Kung madidikit kasi siya sa mga ito ay nagmimistulan siyang banyaga. May kaputian siya. Matangos ang kanyang ilong at ang buhok niya ay nagkukulay mais. Para lang siyang foreigner sa hitsura niya. Samantalang ang magulang niya at mga kapatid..
            Hay ewan!
            Minsan nga naiisip niya na baka ampon siya pero itinatapon niya ang ideya na iyon. Nakita naman niya kasi ang mga picture ng ancestor nila. At may kamukha siya sa mga iyon. Sadya lang yata talagang mestisuhin siya.           
            Mula sa mahabang paglalakad. Napangiti si Devin. Tila nawala rin ang antok na nadarama niya nang makita ang taong gustong-gusto niyang makita. Nasa isang bench si Hyde. Nakaupo at tutok ang paningin sa kung anong binabasa nito.
            Nagmamadaling lumapit siya rito.
            "Hello Hyde!" Masigla niyang bati rito.
            Bahagya pang nagulat si Hyde sa pagbati niya. Mula sa tinitingnan nito, lumipat ang tingin sa kanya. Ngumiti ito nang mamukhaan siya.
            Ah! Seeing Hyde smile like that just made his day. Hindi niya alam kung ano ba ang meron sa lalaking ito at para siyang may kung ano sa dibdib na tanging ito lang ang nakakapagbigay. Yeah, it was given that he like him. Sinabi na nga niya iyon kay Theo.
            "Nakakagulat ka, Devin," anito. "Upo ka."
            Iyon nga ang ginawa niya. Umupo siya sa tabi nito. Umisod naman ito nang bahagya para maging kumportable siya sa pag-upo.
            "Kumusta ka na?"
            Dalawang araw na rin ang nakalilipas mula nang mangyari ang eksena sa jeep. Noong isang araw pa sana niya ito gustong kausapin ngunit marami siyang ginawa.
            "`Ayos lang. Ikaw ba? Siyanga pala, Devin," sabi nito.
            "Ano `yon?"
            "About d'un sa nangyari n'ung isang araw." Natigil ito. Tila nahihiya.
            "Ano `yon, Hyde? Go on," pag-udyok niya. "Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin, Hyde. Makikinig ako saka mahaba ang oras natin."
            "`Yong tungkol sa nangyari sa jeep. `Yong tinalikuran kita. Geez. Nakakahiya na umabot pa ng dalawang araw bago ko sabihin `to pero okay lang naman hindi ba?"
            Tumango siya.
            "I'm sorry sa pagtalikod ko sa `yo bigla habang nag-uusap tayo."
            "It's nothing." Nakangiting sabi niya.
            Aaminin ni Devin na may tampo siya sa inakto nito noon. But as the day passed, nawala na iyon sa kanya. At ang paghingi sa kanya ni Hyde ng paumanhin ukol doon ay isang malaking bagay para sa kanya.
            "Sigurado ka ba?" Naniniyak na tanong ni Hyde.
            Muli siyang tumango. Isang maluwang na ngiti ang nasa labi.
            "Nakakahiya `yong bigla kong pagtalikod sa `yo talaga. Pakiramdam ko nabalewala ang kabutihan na ginawa mo dahil sa inasta ko. Humihingi talaga ako ng dispensa sa `yo. Hindi pa nga ako nakakapag thank you sa `yo tapos ganoon pa `yong ginawa ko. Hindi na `yon mauulit, Devin."
            "Talaga?"
            "Oo."
            "Aaminin ko na n'ung una talaga nakadama ako ng lungkot sa ginawa mo, Hyde. Pakiramdam ko nga, hindi pa tayo magkaibigan dahil d'un. Nakadama ako ng sakit dito." Sabi niya sabay turo sa tapat ng kaliwang dibdib.
            Gulat na napatingin ito sa kanya. Tila hindi inaasahan ang sinabi njya. At sana nga ay nakuha nito ang pinahihiwatig niya sa aksyon.
            "Hi-hindi ko `yon binalewala, Devin. Hindi lang talaga ako makapaniwala na naaalala mo pa ako after the incident. Alam ko naman kasi na busy kang tao. Saka sa araw-araw ay marami kang nakakasalamuha. I'm just ordinary. Pero para makabawi ako sa `yo, I'm willing to do something just for you."
            Agad na nag-isip si Devin ng pwedeng 'something' na mangyari. Mabilis naman siyang nakaisip ng pwedeng bagay sa 'something' na iyon.
            "Paano `yan, Hyde? Ang gusto ko mangyari sa 'something' na `yan ay date sa `yo."
            Nagulat na naman ito sa sinabi niya.
            "D-date?"
            "Oo. Date nga."
            "Sigurado ka?"
            "Isang daan na porsiyento."
            Saglit na natigilan si Hyde. Waring nag-isip ng sagot sa kanya. At sa saglit na iyon ay hindi makahinga si Devin. Parang nagmumula sa magiging desisyon ni Hyde ang hanging lalanghapin niya.
            "Sigurado ka ba talaga?" Tanong nito.
            "As I've said, isangdaan na porsiyento. And one more thing, Hyde. Can I court you?"


"AND ONE more thing, Hyde. Can I court you?"
            Hindi nakapagsalita si Hyde sa sinabi ni Devin. Nanatili siyang nakatingin dito. Pilit na binabasa ang emosyon na nasa mukha nito. At ang nakikita niya roon ay kaseryosohan. His eyes were also beaming just looking at him. Parang may something talaga ito sa kanya. Sa sinabi pa lang nito kanina na nasaktan ito sabay turo sa tapat ng kaliwang dibdib nito ay may kung ano na sa puso niga ang sumikdo. Hindi niya inaasahan iyon.
            Gusto siya nito.
            Can I court you? How the heck that word came out of his mouth. Sigurado ba talaga si Devin..
            Hindi ba siya nanaginip?
            Totoo ba ang lahat ng ito?
            Gusto siya ng crush niya...
            Parang nag-malfunction ang utak ni Hyde sa sunod-sunod na isipin sa utak niya. Gusto siya ni Devin. Paano nangyari `yon? Gusto siya nitong ligawan. Hindi siya makapaniwala. Hindi siya nananaginip dahil alam niya na kanina pa siya gising. Depende na lang kung nakatulog siya sa bench na kinauupuan nila. Totoo ba ang lahat ng ito? Of course. Hindi nga siya nanaginip, eh.
            Gusto siya ng crush niya. Waahhh! Gusto niyang sumigaw. Para siyang nasa alapaap. Para siyang lilipad anumang oras. Sobra siyang nate-tense dahil sa kasiyahan. What the..
            "Hyde," tawag sa kanya ni Devin. Nahihiyang kinamot nito ang tungki ng ilong. "Alam kong nakakagulat ito. Tatanungin ulit kita. Pwede ba kitang ligawan? Alam kong nakakabigla pero gusto kita. The first time I saw you, you already got me. Hindi ko alam kung paano pero nangyari, `Yong puso ko, naging malakas at mabilis ang pagpintig. Kaya nga hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."
            "A-ano ba ang sinasabi mo?" Sa wakas ay nakuha na ni Hyde ang magsalita. Ang mga katanungan sa utak niya ay gusto na niyang ibigkas. Gusto na niyang itanong iyon dito.
            Ngumiti ito. "Okay. Uulitin ko. Unang pagkikita pa lang natin, nakuha mo na ako. Attracted ako sa `yo kaya gusto kitang ligawan."
            "Sigurado ka ba talaga?" Ulit niya.
            Nangingiting napailing na lang ito. "Isangdaan na porsiyento. I like you. Kung pwede lang sabihin na mahal na kita sasabihin ko na, eh."
            "Paano ba nangyari `yon?" Parang timang na sabi niya.
            Oo. Inaamin niya na masaya siya pero hindi niya maiwasan ang magduda. Mahirap na. Pero si Devin ito. The good boy. Hindi ito magsisinungaling sa nararamdaman nito.
            "`Wag kang magduda, Hyde. Seryoso ako sa sinabi ko. Hindi naman kailangan ng rason kung bakit kita nagustuhan. Kung iniisip mo naman na niloloko kita, throw that. I'm open with any possibilities and you are one of that."
            "A-alam mo ba na nasa.."
            "I know." Pamamatlang nito. "At kung iniisip mo na kaya ko ito sinabi sa `yo dahil ganoon ka, hindi. I like you because I like you."
            "Ma-masyadong mabilis," aniya.
            Nanatiling nasa malfunction mode ang utak niya. Ano ba ito? Bakit bigla-bigla naman kung magsabi ng mga pasabog na bagay ang lalaking ito.
            "Masyado bang mabilis?" Napakamot sa ilong na gagad nito. "Then I'll take it slowly. Kaibigan na muna, after a month or two saka kita liligawan."
            "Uhmm. Ma-manligaw ka na," natatarantang sabi niya saka napayuko. Alam ni Hyde na namumula na ang pisngi niya sa sitwasyon na kinasusuungan. Ano ba ito? Masyadong nakaka-tense in a good way.
            Pero nasa sitwasyon na siya kaya aamin na rin siya kay Devin.
            "Pa-pakiramdam ko    nasa alapaap ako ngayon."
            "Bakit?"
            "Gu-gusto ako ng crush ko. Sa ti-tingin mo sino ang hindi makakaramdam ng ganito?" Lakas loob na sinalubong niya ang tingin nito.
            Namumula rin ang pisngi ni Devin at tila nahihiya na idinadaan na lang nito sa pagkamot sa tungki ng ilong. Ah! Mannerism yata nito iyon kapag nate-tense.
            "So, you mean.." Devin paused.
            Tumango naman siya saka nag-iwas ng tingin.
            "Nakakahiya `to!" Aniya.
            "`Wag ka nang mahiya, Hyde." Devin's voice was comforting. "Overwhelming sa pakiramdam na malaman na may crush ka sa akin. But I won't jump or overthink things. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari so manliligaw ako sa `yo. Pwede ba?"
            "Manligaw ka na, Devin." Aniya.
            Oo. Nahihiya pa rin siya sa sudden confession na ito ngunit mas  nangingibabaw ang katuwaan sa puso niya. Pakiramdam niya nga dahil sa overwhelming na nalaman, gusto niyang sumigaw. Parang.. Arghh.. Paano ba niya i-explain ang bagay na ito? Basta natutuwa siya! Iyon na `yon!
            "Pero itatanong ko lang sa `yo, Devin. Uso pa ba sa katulad namin ang ligawan?"
            "Hindi ko alam pero anong pakialam ko sa kanila. Ikaw at ako naman ang magliligawan. Expect me to bring something that will make you smile, Hyde."
            "Ikaw ang bahala."
            Sinipat ni Devin ang relong pambisig. "Sige, Hyde. Aalis na ako. May klase pa kasi ako."
            Lumapit ito sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi.
            "See you mamaya," anito saka siya tinalikuran.
            Napahawak si Hyde sa pisnging hinalikan nito habang nakatingin dito. Hinalikan siya nito! At ang lambot ng labi ni Devin. Nang dumampi ang labi nito sa kanyang pisngi ay may kilabot, in a very good way siyang nadama. Isang pakiramdam na..
Impit siyang napasigaw.
            Gusto siya ng crush niya! Liligawan siya! At higit sa lahat, hinalikan siya nito!
            Napatingala si Hyde saka pinakiramdaman ang sarili. Sanlaksa na kasiyahan. Malakas na tibok ng puso.
            Devin just made his day!
            At sana ay hindi iyon masira kapag dumating na ang bwisit sa buhay niya.


ITUTULOY…

12 comments:

  1. Sa wakas may background story na rin sa Devin. Total kilig ang episode na to. Thank you so much Vienne boy. T. O. means Toronto, Ontario, it's where i'm at. Take care. God bless you.

    ReplyDelete
  2. Another great masterpiece... Comes from a great mind... Thank u vienne.. Keep it up....

    Jess

    ReplyDelete
  3. Oh My G!! . Nakakaklig 2ng story .. Galing Mo Po Mr. Author .. :*

    Hyde&devin kilig Much ..
    Ung Kewnto Sarap Basahin Walang Paligoy Ligoy ..

    jekjek01

    ReplyDelete
  4. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!! KILIG TO DA MAX pero mas exciting c jake at hyde.... tnx sa update mr author

    ReplyDelete
  5. abah! biglang humaba ang hair ni hyde. gusto din sya ni bully, nakadalawang lipstulelay na nga sya eh. pag nalaman ni devin yan, todo selos yun haha. hoy devin bakit mo ginagaya ang style ko. hehe. okey yan, diretsahan, go lang ng go.

    Bharu

    ReplyDelete
  6. Wow.its so nice. Kakilig.. sna next c jake nmn aha.


    Az

    ReplyDelete
  7. Kahit naman magbanta si Jake ay dapat hindi matakot si Hyde, kaya naman niyang patulan eh. Yung si Marty, masyado naman ata siyang takot? Si Hyde naman, dapat wag na niyang hayaang alipinin pa siya ni Jake.. grabe kayang-kaya naman niya si Jake eh. Wag sana papauto si Hyde, salamat author.


    - K

    ReplyDelete
  8. Bakit ang ikli naman ata ngayon? Hala nag- sisimula ng giyera sa pagitan ni Hyde at Jake pero ang bilis mo naman Devin? Nag-mamadali lang? Well anyway I'm still waiting for the next update.

    ReplyDelete
  9. Nakakakilig naman ung d moves ni Devin ngaun ah, nice move din auhor...... Si jake anu kaya ginawa niya ky marty para matakot ng husto siya, ?
    Update na ulit vienne


    Jharz

    ReplyDelete
  10. ha ha ha ang sarap magpagulong gulong sa kama kinilig ako dun

    ReplyDelete
  11. Omaygad paki-putol ang buhok ni Hyde at masyadong ng mahaba hindi ko na kinakaya! ๐Ÿ˜‚ Sasabihin ko nga yan sa kambal niya ang harot eh ๐Ÿ˜ญ

    - vhian

    ReplyDelete
  12. Wahhhh.. hahaha kinilig ako sa chapter na to ahhh :D

    -jamesloko2

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails