Followers

Monday, February 9, 2015

String from the Heart [4]



Author’s Note

Hinabaan ko na po ito. Sana nga ay sapat na ito. Haha..

Thank you sa mga nagbigay ng comment sa Chapter 3 ng String from the Heart.
Sa mga sumusunod po.

Papa JC Sy (Yeah! My baby, baby, baby. Meteor Garden lang talaga. Haha.)
Drei (bagong pangalan sa mga nag-comment. Lo. SALAMAT po! Xd.. heto na ang update. Hindi siya mabagal (kaunti lang. xD))
YeahitsJM (haha! Wag ka nang mainis sa ITUTULOY. Mas mainis ka sa WAKAS. Hahaha. Peace!)
Bharu (Hindi ako naiinis kay Jake. Natutuwa ako sa character niya. Lalo na sa mga susunod na kabanata.)
Angel (Dinagdagan ko na. Sana nga maging sapat ito sa `yo pati sa iilan. Haha Salamat sa comment mo. Simula FE hanggang ditto sa SFTH. Sana sa mga susunod pang story. Dun ka pa. ;))
Tito Alfred of T.O (Wala pa ho sa eksena si Devin. Baka ditto at sa mga susunod siya eepal. hehe)
Shai (Originally, dapat si Clyde nga kaso mahaba na ang appearance niya eh. Masasapawan na `yong mga bida. lol)
K (Sana po `wag ka nang mabitin dito. Nadagdagan naman siya kahit paano mula sa ilang pages originally dapat.)
Vhian (Sana hindi ka na rin mabitin dito. Hehe.)

Faustino, Mama Lalie, Ashi.. Thank you din :)

Heto na po ang chapter 4 ng String. Sana po ay mag-enjoy kayo! Sana!


CHAPTER FOUR

AAMININ ni Devin na nakadama siya ng simpleng sakit sa ginawa ni Hyde habang sakay sila kanina ng jeep. Ang buong akala pa naman niya ay okay na sila nito. Na ituturing na siya nitong kaibigan. After what happened a week ago between them. Ngunit kahit na ganoon ay itinuturing pa rin niya na kaibigan si Hyde. Iyon nga lang at one-sided friendship iyon. Napapalatak siya. Parang one-sided love lang.
            Gusto niyang makausap ito nang mas matagal. Buong isang linggo kasi na hindi niya ito nakita dahil sa ka-busy-han niya sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pag-aaral at pagbabanda niya. Idagdag pa na may part-time job siya sa isang fastfood chain na malapit sa school nila.
            Abot-kamay na sana niya ito kaso tila may malaking pader na nakaharang sa pagitan nila dahil sa pagtalikod nito pagkatapos ilibot ang paningin sa loob ng jeep na sinasakyan nila kanina.
            At habang naiisip niya iyon ay hindi niya maiwasan na maalala ang kanina. He also saw recognition in Hyde's eyes. Kung assuming lang siya ay baka masabi na niyang katuwaan at kagalakan ang nakita roon nang makita siya.
            Ngunit dahil sa isang tao. Well. He wasn't sure if the reason of Hyde's suddenly coldness was no other than Jake Hyllel Jacinto. Ang lalaking walang ibang alam gawin sa campus ng URS kundi manggulo. Ang estudyanteng notorious sa lahat ng sulok ng school. He also knew Jake for some reason. Ngunit mas nangingibabaw sa pagkakakilala niya sa lalaki ay ang pagiging inaanak nito ng isa sa dean sa school. Kaya siguro kahit na marami na itong nagawang kabalastugan at labag sa rule ng school dahil sa malakas ang kapit.
            Ang isa pang kinaaasar ni Devin ay pag-ngiti ni Jake kanina sa kanya rather kay Hyde nang makita ito. Parang may something sa ginawa nitong iyon. Iyon siguro ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang tinalikuran ni Hyde. Nakakabwisit lang ang Jacinto na iyon!
            Hindi rin niya maiwasan ang mangamba para kay Hyde. Baka ito na kasi ang sunod na gawing biktima ng lalaki. Biktima ng pambu-bully na pamoso ito doon. Hindi siya papayag na maging biktima si Hyde ng lalaking iyon.
            Ngunit kahit na anong gusto niya yatang gawin iyon, ang protektahan ito, ay hindi rin niya magagawa dahil sa tight ng schedule niya. Masyado siyang abala sa maraming bagay. Sa labas o sa loob man ng school kaya paano naman niya iyon gagawin?
            Pero.. pipilitin pa rin niya. Pipilitin niya.
            Masyado na ba siyang nagiging over acting sa mga iniisip niya? Poprotektahan niya si Hyde as if he had the right to do it. As if they have the deeper connection to each other. Ang kapal lang ng pagmumukha niya na isipin ang ganoon.
            Ang nangyari nga kanina ang isang malaking halimbawa niyon. Isang malaking harang. Isang malaking ewan siya sa pag-iisip ng ganoon. Sa pagiging overacting at over protective kay Hyde.
            Napabuntung-hininga na lang siya.
            Habang nakatingin siya kay Hyde na katabi ni Jake na nakaakbay pa rito ay nangingitngit ang kalooban niya. Balak sana niyang lapitan ang mga ito ngunit may humarang na sa daraanan niya. Isang kaklase na may kasamang babae. Wala na siyang nagawa kundi ang kausapin ang mga ito at makipag-selfie. As if he was really popular. As if na hindi siya nakikita nito sa araw-araw sa campus ng school nila.
            Nakadama ng lungkot si Devin habang nakatingin kay Hyde. Ngunit dahil sa harap siya ng ibang tao at kilala siya sa pagiging palakaibigan at jolly ang personality. Ngumiti siya. Ngiti dito! Ngiti roon! Ngunit hindi niya maipagkakaila ang totoong nararamdaman.
            Sana siya na lang `yon. Bulong niya sa sarili.


"ANG HIRAP talaga maging sikat!"
            Reklamo ni Theo na nagpatingin kay Devin dito. Patamad itong naupo sa couch. Nasa loob sila ng music room at kasalukuyang nagpapahinga mula sa pag-eensayo. Silang dalawa na lamang ang naiwan. Nauna na kasing umalis si Chris at Brax.
            Tahimik naman ang naging pagsang-ayon niya sa sinabi nito. Hindi naman sila maituturing na 'totally popular'. May pangalan lang sila sa school nila dahil sa sunod-sunod na pagkapanalo nila sa battle of the bands.
            Kung si Theo ay sayang-saya sa atensyon na nakukuha nito. Siya naman ay kabaliktaran ngunit hindi naman niya magawang sungitan ang mga taong humahanga sa kanila kaya hinahayaan na lang niya.
            Devin was a busy person. Ngunit kahit na anong pagka-abala pa niya ay hindi siya titiwalag sa The Gravity. Ang banda niya ay isa sa mga source niya ng income tuwing tumutugtog sila sa Maysha Acoustic Bar. Siyempre, may parte rin sila kapag nananalo sa BotB.
            "Ang hirap, ano, Devin?" Ani Theo.
            "Oo. Mahirap nga. Sa ganoon naman talaga."
            "Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong nito.
            "Hindi naman, medyo lang."
            "Masyado na tayong indemand, Devs. Dahil doon, wala na tayong panahon para sa sarili natin."
            Natawa na lang siya sa sinabi nito. indemand na ba sila? Ewan lang niya kay Theo kung saan nito nakuha ang ideya na iyon. Ngunit sa kabilang banda ay may katotohanan naman iyon, atleast sa parte niya.
            "Sa ating dalawa, ako ang dapat na nagsasabi niyan, Theo. Halos wala na akong panahon sa sarili ko. At alam mo naman siguro kung bakit? Hindi ba?"
            "Alam na alam. ikaw na ang huwaran na estudyante, Devin. Ikaw na rin ang masipag. Ikaw na ang maraming raket. Nakakabilib ka nga pero huwag mong pababayaan ang sarili mo. Mahirap at mahal magkasakit. Dapat ka na rin yatang magka-love life."
            "Kung makapag salita ka naman. Bakit ikaw? May minamahal ka na ba? Katulad ko, loveless ka rin."
            Sa apat na taong bumubuo ng The Gravity. Si Devin at si Theo ang masasabing close talaga. Sila ang madalas na magkasama nito tuwing practice. At wala pa sa kanila ang may lovelife. Hindi katulad ni Brax na may umuusbong na lovelife at kay Chris. Kahit na sabihin pang naiiba ang usaping pampuso ng mga ito. Paanong naiiba? Well. Attracted sa same sex ang dalawa niyang kabanda at hindi siya naiiba roon. At malaking halimbawa na sa nararamdaman niya ang nadaramang atraksyon kay Hyde. Wala namang kaso iyon kay Devin. He was open for any possibilities lalo na pagdating sa usaping pampuso. Sino siya para magbigay ng puna sa mga kabanda at sa iba kung ganoon din siya? People have it's own perception about the thing called 'love'. May iba't-ibang paraan din kung paano ito mapaparamdam. At lalong wala sa kasarian o sa kulay ang pagmamahal. All were equal in that thing. Ang totoong kaligayahan ay makikita kahit saan.
            "Coming soon ang lovestory ko, hindi pa naisusulat, eh. Darating din ako sa puntong iyon." Sabi ni Theo. "Ikaw ba, Devin? May nagugustuhan ka na ba?"
            "Meron." Agad niyang sagot.
            Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito. "Ano? Paano? Sino? Kanino? Nakakabigla ka naman." Anito.
            Natawa siya. "Last week ko lang naranasan. Paano? Hindi ko eksaktong alam. Sino at kanino? Time will come, makikilala mo rin siya."
            "Ah. Lalaki o babae?"
            Hindi na nagtataka si Devin kung magtanong ng ganoon si Theo. Sa lugar ba naman nila, hindi na iyon ordinaryo. Open din naman ito roon.
            "Lalaki."
            "Ah. Okay. Ano ang pangalan?"
            "Hyde."
            "Hyde? As in `yong nakatago?" Curious na tanong nito.
            "Same pronounciation but different in spelling. Homonym, perhaps."
            "Spell mo nga," napapakamot sa ulo na sabi nito.
            "H-Y-D-E. Dapat HAY-DE ang pagbanggit niyon but I prefer him calling like that. Bagay sa kanya."
            "Ah. Takte! Eh di kayo na ang may nagugustuhan."
            "Parang wala kang nagugustuhan, ah? Well. Wala nga siguro kasi pulos ka lang fling. You love women attention. Playboy ang image mo, eh."
            Ngumisi ito. "Well. Sila naman ang lumalapit. Who am I to resist? Saka mabait ako kaya as long as I could, I'll entertain them."
            Napailing na lang siya.
            "Paano pala kayo nagkakilala, Devin? Love at first sight ka ba sa kanya? Ano ba ang hitsura niya?" Usisa nito.
            "`Wag ka nang masyadong magtanong pa. Nag-aaral ako," aniya sabay taas sa hawak na notebook.
            "Ang daya mo!" Reklamo nito. Napasimangot. "Magkukwento ka tapos hindi mo tatapusin. You're such a cliffhanger, my friend. Sige. Maiwan na kita rito. Lalabas na muna ako."
            "Okay. Ingat ka," aniya.
            Itinaas lang nito ang kanang kamay bilang pagsang ayon sa sinabi niya.
            Nang makaalis si Theo ay inabala na ni Devin ang sarili sa pagre-review para sa long quiz niya mamaya sa isang major na subject. Ilang minuto ang lumipas bago siya matapos. Para ma-cool down at hindi makalimutan ang riniview, inabala niya ang sarili sa pagtugtog ng gitara na nandodoon.


KAHIT na sobra ang pagkaasar, pagkabwisit at kung ano pa negatibong emosyon ang nararamdaman ni Hyde para kay Jake ay mas pinili niya ang manahimik. Ikatlong araw na ng pagiging alila niya para sa lalaki at hindi pa rin niya maiwasan ang mayamot o maasar sa lalaking katabi niya na prente ang pagkaka-akbay sa kanya habang naglalakad sila.
            Ngali-ngaling sikuhin niya ito. Gusto rin niyang burahin ang malawak na pagkakangisi sa labi nito na parang nang-aasar lang. Ang buong akala pa naman ni Hyde ay magiging malaya siya kahit sa umagang ito subalit hindi rin pala dahil pagkapasok pa lang niya ng malaking gate ng school ay agad na siyang inakbayan ng lalaki.
            At heto sila ngayon, pinagtitinginan ng ibang estudyante. Some of them have a symphatizing look at him. Mukhang alam na alam talaga kung ano ang ginagawa ni Jake. Well. Sikat naman yata talaga ang lalaki. Iyon nga lang at nasa maling kasikatan. Sa pagiging notorious. Sa pagiging..
            "Buksan mo na ang pintuan, alila."
            Napasimangot na lang siya. Nasa harapan na pala sila ng room nila at nakasarado ang pintuan. Natigil tuloy sa pag-iisip ng pwedeng maging panlait dito dahil sa utos nito. Talagang sinadya pa na ilapit ang bibig sa kanyang tainga. Bagay na nakakahiligan na nitong gawin.
            Ang isa pang kinasimangot ni Hyde ay ang pagtawag nito sa kanya ng alila. As if na hindi alam ng lalaking bwisit ang pangalan niya. Mukhang ginagawa lang naman nito iyon para bwisitin siya. Bagay na gustong-gusto nitong gawin.
            "Masusunod, kamahalan." Sabi niya. Binigyan ng diin ang salitang 'kamahalan'. Iyon naman ang gusto nito. Feeling nito hari ito.
            Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.
            Binuksan niya ang pintuan. Katulad ng dati, kahapon, natigil ang mga kaklase nila sa pag-uusap. Napatingin ang mga ito sa kanila. Partikular na sa kanya. Katulad ng mga estudyante na nakita at nakasalubong niya sa labas. Makikita rin sa mukha ng iba ang awa para sa kanya. Malaking karatula naman kasi ang nakasabit sa ulo niya kahit na sa mental lang iyon. Parang nagmamalaki at nagsasabi ang karatula na: 'JAKE HYLLEL'S SERVANT'. Wala namang naglalakas ng loob na magsalita sa mga ito dahil nga sa ugali at record ni Jake.
            Sa mga kaklase nilang nakatingin sa kanila, partikular na sa kanya, bukod tangi roon ang reaksyon ng isa, si Marty. Makikita kasi ang awa sa mukha nito ngunit nandodoon ang tuwa. Tila relieved na relieved din ito na wala na ito sa kuko ng bully. Hindi na siya nagtataka dahil malaking kaginhawaan naman talaga iyon. He also feel it.
            Pero hindi pa rin niya maiwasan ang ma-bwisit.
            Paano naman kasi siya? Ilang araw, linggo o baka buwan pa bago siya pakawalan ni Jake. Wala naman siyang magawa. Hindi rin niya makuhang mag-report sa kinauukulan dahil tinitimbang niya ang sitwasyon. Given na alila na nga siya nito ngunit wala naman itong pinagagawa sa kanya na makakasama sa record niya. Halos puro usaping school lang ang pinagagawa nito sa kanya. Wala itong ibang tao na natatapakan. Siya lang.
            Hindi niya maiwasan ang magtanong. Ano ba ang nakita sa kanya ni Jake? Bakit ba siya ang napili nito na i-bully at gawing alila? Hindi sa sinasabi niyang maghanap ito ng iba pero sana nga lang naghanap na ito ng iba o kaya naman tumigil na. Hindi na kasi nakakatuwa.
           Inalis niya ang pagkaka-akbay nito sa kanya. Muli rin naman nito iyong binalik. He did the same thing again. And also he did the same. Dahil sa panggigigil, kinurot niya ang kamay nito. Napahiyaw ito sa sakit.
            "Ouch! Bakit mo ginawa iyon?"
            Makikita sa mukha ang pagkabigla.
            Hindi siya sumagot. He just met his gaze. Ilang beses na rin naman niya ginawa iyon. Na madalas na binabalewala nito. Mukhang ngayon lang ito napuno sa kanya. Nawala sa mukha ang pagkabigla at napalitan iyon ng pagkaasar.
            "Sumosobra ka na, ah!" Asik nito.
            "Bagay naman `yon sa `yo! Talagang nagtanong ka pa kung bakit ko ginawa iyon? You know the answer! Hindi ka nakakatuwa, Jacinto! Tigilan mo na ako! Tama na ang dalawang araw na sumunod ako sa `yo! Hindi na ako papayag na magiging alila at biktima mo. Hindi ako ipinanganak para maging ganoon sa `yo!"
            Pulang-pula na ang mukha ni Jake habang nakatingin sa kanya. Halata na ang galit sa mukha. Kahit hindi niya nakikita ang sarili sa salamin, he also knew that his face was already red because of him. Kung galit ito, galit din siya!
            "Hah! Talagang palaban ka!" Nanggigigil na sabi nito. Mukhang pinipigilan ang sarili na makasakit. "Sa lahat ng na-bully at ginagawa kong alila, ikaw lang ang lumaban sa akin. Stop defying me, Ilagan! Ang lakas ng loob mo na saktan ako."
            "Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatan na manakit? I'm also entitled to do such thing!"
            "You're also entitled to do that thing but I'm more entitled to do it. Ako ang bully dito! Ako ang mananakit. Sa mga ginagawa mo? Ilang beses mo na ba akong sinaktan? Not once, not twice but many times. Sa mga ginagawa mo, mas lalong hindi kita pakakawalan. Magsakitan na tayo kung magsakitan pero mananatili kang sa ilalim ng batas ko. Alila kita at amo mo ako."
            Nakakagigil talaga ang lalaking ito. Nakakabwisit! Talaga namang..
            Alam ni Hyde na sa malakas nilang sagutan ay sa kanila na naka-focus ang tingin ng mga classmate nila na kanina pa naman talaga mula nang makapasok sila. Hindi siya magpapatalo sa lalaking ito. Lalaki rin siya! Hindi kahinaan at hadlang sa kanya ang pagiging mahinhin o kilos babae kung makikipagsuntukan siya sa Jacinto na ito. Alam niyang praktisado ito roon pero lalaban siya kahit na maging dehado pa siya.
            "Wala akong paki--."
            Sa gulat niya, basta na lang siya nito hinawakan sa braso at hinapit palapit dito. Mas nakakagulat ang sunod na ginawa nito na hindi niya inaasahan. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa mata nito na walang reaksyon sa kapangahasan na ginawa nito.
            Magkalapat ang labi nila!
            He was stunned. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Lalayo na sana siya dito nang maramdaman niya ang kamay nito sa likuran ng ulo niya. And then his lips started moving above him. Pinalalim nito ang halik ngunit siya ay nanatiling nakatikom ang bibig. Still in awe.
            Think Hyde! Mag-isip ka! Kinuha niya ang first kiss mo. Sa isiping iyon. Malakas niyang itinulak ito.
            Ang sunod niyang ginawa, binigyan ito ng isang malakas na suntok. Saka siya nagmamadaling lumayo mula rito. Nang makawala ay sa mabilis na pagkilos siyang lumabas ng classroom. Tumakbo siya palayo. Hindi niya pinansin ang mga taong nakasalubong. Hindi rin naman niya magawang salubungin ang mga tingin ng mga ito dahil sa nangyari kahit na hindi naman nakita ng mga ito.
            Hindi pinangarap ni Hyde na maging ganoon ang una niyang halik. Hindi niya inaasahan na mawawala ang first kiss niya mula sa isang lalaki na hindi niya maarok kung ano ang ginagawa sa kanya. It is stupid! Takte lang!
            Bakit ba ang Jacinto na iyon ay walang magawa sa buhay nito? Wala na ba itong naisip na ibang paraan para patahimikin siya kundi ang bigyan ng isang halik sa labi. Hindi lang isang simpleng halik kundi torrid!
            Damn! Double damn! Ano na lamang ang iisipin ng mga classmate niya? Ng ibang tao?
            Nang humupa ang nararamdaman niya ay saka pa lang siya huminto. Noon lang niya napansin na mahaba rin pala ang natakbo niya. Mula sa ikalawang palapag ng school building ay napadpad siya sa open field kung saan may mga benches na nasa tabi, magkaka-hilera ang mga iyon kapareho ng mga naglalakihang mga puno ng acacia na napapandungan ng mga dahon at sanga ang bench.
            He rested under the big acacia tree. Umupo siya sa isang bench saka bumuntung-hininga. Still thinking what just happened earlier. Marami rin ang katanungan sa isipan niya. Bakit iyon ang ginawa ni Jake? Bakit sa dami ng pwedeng gawin nito ay ang paghalik pa sa kanya ang ginawa nito? Wala na ba itong ibang naisip na paraan para mapatahimik siya? Katulad na lang ng pagsuntok sa kanya o ibang pananakit na pisikal. O gusto lang talaga ni Jake na mapahiya siya kahit na alam nito na mapapahiya rin ito sa ginawa?
            Alam naman ni Hyde na mahinhin siya ngunit hindi naman siya halata na parte ng third sex o sadya kayang mapapansin iyon once na titigan at bantayan ng isang tao ang pananalita at pagkilos niya? Alam na ba ni Jake na attracted siya sa parehong kasarian?
            Mula sa malalim na pag-iisip, nagising ang diwa ni Hyde ng makita ang dalawang gwapong lalaki sa kabilang bench. The first guy look very familiar. Ito ang drummer ng The Gravity at ang kasama nitong lalaki ay agaw-pansin din ang gandang lalaki. Sa pagkakatanda niya ay Vienne ang pangalan nito.
            The two look so sweet together.
            Nang mapansin siya ng mga ito ay bumaling ang mga ito sa kanya. Nginitian siya ni Vienne samantalang si Brax ay isang malamig na tingin ang ibinigay sa kanya. Vienne looks so very nice, comforting and welcoming while the other one look hostile and intimidating. Contrast ang ugali ng dalawa ngunit mag-bestfriend ang mga ito, iyon ang naririnig niya sa ibang estudyante. Paano kaya nangyari na anging mag-bestfriend ang mga ito? Well. Wala naman yata siya sa lugar para isipin o mag-usisa kung bakit ba ganoon. Karamihan naman sa mundo ay weird. At nangunguna sa pagiging weird ang Jacinto na iyon.
            Tumayo si Vienne saka siya nilapitan. Bigla naman siyang nakadama ng pagkailang saka kiming ngumiti rito. Gumanti naman ito.
            "Hi!" Masiglang bati nito sa kanya.
            "Hello," kimi niyang sagot.
            "Ako nga pala si Vienne. Ikaw? Anong pangalan mo?"
            Why this guy infront him was so acccommodating? Ang ngiti na binibigay nito ay napaka-genuine. Ngunit kahit na ganoon hindi pa rin niya maiwasan ang mailang.
            "Hyde."
            "Hyde? As in nakatago?"
            "Hindi. Magkatunog pero hindi pareho ang spelling. 'Y' `yong sa akin imbes na 'I'."
            Nang sabihin niya iyon ay naalala niya si Devin. Si Devin ang nagbigay niyon sa kanya. Imbes na HAY-DE ay mas pinili nito ang HAYD na pagbigkas ng nickname niya.
            And speaking of Devin. Kailangan niyang makabawi rito sa ginawa niyang pagtalikod kanina.
            "Ah, I see. Pwedeng maupo?" Anito.
            "Sure." In the simple talking, biglang nawala ang kaba ni Hyde, napalitan iyon ng kakomportablehan.
            "Transferee ka ba?" Usisa nito.
            "Oo."
            "Kalilipat ko pa lang dito noong isang linggo. At sa isang linggo na iyon ay wala pa akong ka-close."
            "Ganoon? Bakit naman?"
            "Hindi ko alam."
            "If you want, pwede mo ako maging kaibigan."
            "Ta-talaga?" Hindi makapaniwala niyang sabi.
            "Oo naman. Kung gusto mo, pwede mo rin maging kaibigan si Brax."
            "Ang bait mo naman."
            "Hindi naman," natatawang sabi nito. "Kadalasan may topak din ako. Wala ka bang pasok?"
            "Meron. Kaso ayokong pumasok ngayon."
            "Bakit?"
            "May nangyari kasing hindi dapat mangyari," sabi niya. "Nahihiya akong magpakita sa mga classmate ko pagkatapos mangyari iyon. May iniiwasan din ako."
            "Pumasok ka pa rin," sabi nito. "Sa tingin ko dapat mong harapin ang taong iyon. Kung matatakot ka sa kanya walang mangyayari sa `yo kundi ang magtago at umiwas."
            "Gagawin ko rin iyon pero hindi ngayon. Pag-iisipan ko ang mga susunod kong gagawin." After what happened earlier. It was still bugging my head. Hindi iyon mawala sa utak ko.
            Gusto niya sanang idugtong iyon kaso mas pinili niya ang manahimik.
            "Ikaw ang bahala. Sige. Alis na ako. May pasok pa kasi ako." Paalam nito.
            "Okay. Sige. Salamat."
            "Walang anuman. Magkaibigan na tayo, right?"
            Tumango siya. Ngumiti nang maluwang si Vienne saka bumalik sa pwesto ni Brax. Saglit na nag-usap ang dalawa saka bumaling sa kanya. Kumaway pa si Vienne bilang paalam. Si Brax naman ay ganoon pa rin ang reaksyon.
            Naiwan siyang nag-iisa. Napatingin siya sa paligid. Mangilan-ngilan na estudyante ang nakatambay sa mga benches. Habang nandirito siya sa premises ng school, kailangan niya talagang harapin si Jake. Wala naman kasi magagawa ang pag-iwas niya. Tama si Vienne sa sinabi nito.
            Kailngan niyang tatagan ang sarili. Hindi siya magpapagapi. Hindi dapat!
            Nang makaramdam na maayos na siya. Tumayo na siya. Its now or never. Kailangan na niyang harapin si Jake.
            Nasa first floor na siya ng department building nang makita niya si Marty.
            "Hyde." Tawag nito sa kanya.
            "Bakit?"
            "Pinapahanap ka sa akin ni Jake. Kapag hindi ka raw bumalik sa room na hindi ko kasama malalagot ako. Nagbanta siya na gugulpihin ako." Sabi nito. Halos mangiyak-ngiyak na.
            Nakadama ng awa si Hyde para sa lalaki.
            "Kaya naman please, Hyde! Maawa ka sa akin. Bumalik ka na sa room kasama ko. Sawa na ako na ma-bully. Sawa na ako sa pananakot at pagiging takot sa kanya." Anito. "Please, Hyde!"
            Habang tinitingnan ni Hyde si Marty, kulang na lamang ay lumuhod ito sa harap niya para mapapayag siya.
            "Sinabi niya ba sa `yo na kapag sumama ako, titigilan ka na niya?"
            "Matagal na niyang sinabi iyon," mabilis na sagot nito. "Pero.. Sa mga nangyayari ngayon.. baka sa akin na naman mabaling ang atensyon niya. Ayoko na. Takot na ako na muli niyang mabalingan." Tuluyan nang tumulo ang luha nito.
            Mas sumidhi ang awa na nadarama ni Hyde para sa lalaki.
            "Please. Just please, Hyde. Alam ko na magmumukha akong masama sa gagawin ko, na para mawala sa akin ang atensyon niya, ikaw ang gagamitin ko."
            Hindi siya nagsalita. Bigla rin siyang napaisip. Ano kaya ang pwedeng magawa ni Jake kay Marty kapag hindi siya sumama? Talaga bang kaya ng lalaking talipandas na iyon ang manakit ng tao sa simpleng pagkakamali lang? Na hindi naman talaga maituturing na pagkakamali. Pero.. Bakit ba naman siya magtataka? Jake was infamous for doing nothing good. At nagkataon na siya na ang apple of the eye nito.
            "Ano ba ang pinaka masamang nagawa ni Jake bukod sa pambu-bully?"
            Nag-iwas ito ng tingin sabay punas sa luhang naglandas sa pisngi. "Hindi ko alam. Pero sa mga usap-usapan ng mga tao dito sa school? Baka mas pa ang nagawa niya. Hindi ko siya kilala at ayaw kong kilalanin pa."
            Tumango siya. "Ganoon ba?"
            "Oo. Bago pa siya makagawa ng ibang mali. Pumayag ka na. `Wag ka nang pumalag pa para hindi na niya ako mabigyan ng atensyon."
            Sa sinabi nito, napailing siya. "`Yong totoo? Kinukumbinsi mo ba ako o tinatakot? For the record, aaminin ko na may takot akong nadarama sa lalaking iyon pero sa mga nangyayari, wala na. Kaya ko siyang labanan. At alam ko na hindi niya magagawang saktan ako."
            "Pa-paano ka naman nakakasiguro doon?"
            Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko at nararamdaman ko na hindi niya ako kayang saktan."
            "Bilib ako sa pinapakita mong tapang. Sana naging ganoon din ang ugali ko," sabi nito.
            "Tara na," yaya niya rito.
            Lumiwanag ang mukha ni Marty. Parang nanalo sa lotto sa sinabi niya.
            "Salamat, Hyde."
            "Walang anuman. Gagawin ko ito para sa `yo. Para na rin sa sarili ko. Para makita ko kung ano ba ang kayang gawin ni Jake. Medyo, nakakairita nga lang ang katotohanan na sa pagpayag ko na sumama sa `yo, ako naman ang malalagay sa alanganin, pero okay na rin `yon."
            Ngumiti si Marty. "Ang bait mo. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Out of the blue question nito.
            "Pwede. Matagal ko na rin gustong magkaroon ng kaibigan dito. It's been a week since I came here. Pero wala pa rin akong kaibigan."
            "N'ung una kitang makita. Gusto na kitang maging kaibigan."
            Napahinto siya. Napatingin dito sa hindi naniniwalang paraan. "Talaga?"
            Tumango ito. "Oo. Kahit hindi pa kita nakikilala, sa tingin pa lang mukha ka nang mabait. At napatunayan ko `yon ngayon. Ang kaso, nauunahan naman ako ng takot kay Jake."
            Napakunot ang noo niya. "Dahil kay Jake? Anong kinalaman ni Jake doon?"
            "Sinabi niya sa amin na huwag kang lapitan. Na sa kanya ka raw."
            Bumangon ang galit sa puso niya sa sinabi nito. Kaya naman pala! Abnormal ang lintik! Kaya naman pala nagtataka siya dati pa. Na sa tuwing nilalapitan niya ang mga classmate ay parang may ketong na lumalayo ang mga ito sa kanya.
            "Mabuti at sinabi mo sa akin `yon." Galit na sabi niya. "Dalian na natin. Lagot sa akin ang lalaking `yon! Peste!"


SA PAGTAKBO ni Hyde palabas sa classroom nila, natigilan si Jake sa nangyari. Wala na si Hyde sa harapan niya ngunit ang pakiramdam na mahalikan ito ay parang merong ano.. Binalewala niya iyon saka bumaling kay Marty. As usual, nasa tabi na naman ito, nakaupo at nang makitang nakatingin siya ay napayuko.
            Hinawakan niya ang nasaktang pisngi sa ginawang pagsuntok sa kanya ni Hyde. Kakatwa lang na mas nararamdaman pa niya ang halik kaysa ang suntok ni Hyde na may kalakasan din. Just weird. Very weird.
            Pinuntahan niya si Marty na sobra ang pagkakayuko.
            "Marty." Malamig ang tinig na tawag niya rito.
            Napapiksi ito saka natatakot na tumingin sa kanya.
            "Ba-bakit Jake?"
            "Sundan mo si Hyde."
            "O-okay."
            Tatayo na sana ito nang pigilan niya. "Dapat kapag bumalik ka, kasama mo na siya. Kapag hindi mo siya kasama, malalagot ka sa akin. Gugulpihin kita." Pananakot niya rito. "Babawiin ko ang sinabi ko sa `yo na pakakawalan na kita. You better do your best, Marty. Kung ayaw mong muli kitang gawing alila."
            Napalunok ito saka napatango. "O-oo. Gagawin ko ang lahat."
            "Good." Aniya saka ito inalalayan tumayo. Halos padaskol na rin iyon.
            Nagmamadali naman itong umalis. Tiningnan na lamang niya ang papalayong pigura nito.
            Muli niyang nasapo ang nasaktang pisngi ng kumirot iyon. Bumalik siya sa kinauupuan saka prenteng sumandal doon.
            "That's a powerful blow, Jake." Ani Rubius.
            Masamang tingin ang ibinigay niya rito. "Gusto mong gawin ko rin sa `yo?"
            Ngumisi ito saka umiwas sa kanya. "No thanks. Ayokong mabangasan ang kapogian ko dahil sa suntok mo."
            "Kung makapagsalita ka, Rubius, parang hindi mo kayang ilagaan ang suntok ni Jake." Ani Dominic na nakatingin din sa kanya.
            Hindi rin maipagkakaila sa mata nito ang katuwaan. Katuwaan na alam niyang nasaksihan nito kanina. Hindi man nagsasalita ang mga ito ng tapatan tungkol sa nangyari kanina, alam niya na natutuwa ang mga loko. Bakit naman hindi? Ngayon lang naman kasi may naglakas ng loob na i-defy siya. Sa unang araw ng pagpasok niya sa URS, ngayon lang na may gumawa nito sa kanya. At ang Hyde na iyon.
            Nakakatawa rin na imbes na mabuwisit siya o kaya naman magalit sa ginawa nito, iba ang nararamdaman niya. Nag-uumpisa na kasing tumubo ang fondness niya para kay Hyde. At weird iyon para sa kanya.
            "I salute him for doing that to you, Jake." Dominic said, grinning.
            Sa wakas at nasabi na nito iyon.
            Napailing siya. "It was visible in your eyes, Doms. Kanina ko pa hinihintay na sabihin mo `yan."
            "Nakakuha ka na ng katapat." Ani Rubius.
            "I second the motion."
            "I agree." Aniya.         
            Natawa na lamang ang dalawa na nagpailing sa kanya. Sa ibang pagkakataon, maiinis siya ngunit ngayon, wala siyang madama na inis kundi saya lang.
            Mukhang nakahanap na talaga siya ng katapat.


ITUTULOY..       

8 comments:

  1. Hahaha. Ano to chapter four palang malapit na mag wakas? Haha. Yey! Kahit papano di maikli yung chapter ngayon. Tsaka sama sa susunod na chapter maliit lang yung itutuloy. Nakakainis kasi ang laki laki ng itutuloy. Ay. Hahaha. Pati yun problema ko. Haha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  2. Yeeeees no dull moments.... ka sabik2x lahat.... cant wait for the next chapter... mukhamg galit na c hyde hap... go hyde .. gogogo mr author

    ReplyDelete
  3. Ang bilis ng update yess! Di na ko bitin. XD

    -Vhian

    ReplyDelete
  4. Ok lang kung medyo bitin basta madalas ang update. Hehehe. Thanks for sharing your story. Take care. God Bless You.

    ReplyDelete
  5. Ano yun? nainlove si jake kay hyde? parang sleeping beauty lang ang peg ng makatikim ng halik ay nabuhay ang natutulog nyang puso hahaha. pano na si devin, love pala nya si hyde.

    Hindi po nakakatuwa yung ginagawa ni jake. isusumbong ko sya sa kinauukulan, sa teacher at kung kanino pa. pag walang nangyari, isusumbong ko sya s nanay ko hahahaha. last option ko, lumipat ng ibang section at pag diparin sya tumigil, lilipat ako ng ibang school. at pag diparin sya tumigil, padadalan ko sya ng letter with black ribbon wahahaha.

    bharu

    ReplyDelete
  6. Grabe. Ba't hinayaan ni Hyde na alipinin siya ni Jake? Nakaka-inis si Jake. Hindi man lang ba lumaban si Hyde? Tsk

    - K

    ReplyDelete
  7. Ahaha sabi na eh mukhang nagustuhan na ni Jake si Hyde pati rin si Devin. Oo nga naman nakakainis talaga ang mga bully na katulad ni Jake pero sa tingin ko si Hyde ang magiging instrumento para tigilan niya na ang pang- bubully. Author more updates to come the story keeps getting better and better every update.

    ReplyDelete
  8. grabeh naalala ko tuloy si vienne sa beat of my heart na lukaret hahaha grabeh ang biten sakit sa puson nyahaha. . ok actually silent reader lang po ako pero dhil hindi ko na tlga mpigilan ang magcomment heto at umaariba na ko. . update pa more author taz hbaan mo narin ung aabot ng 30min ung pagbasa haha echosss

    -drei

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails