Followers

Friday, February 6, 2015

String from the Heart [3]



AUTHOR’S NOTE

Siguro marami na naman ang mabubwisit sa kaiksian ng chapter na ito. HAHA. Pasensya na po pero ito lang ang aking kaya. Ganonpaman, nagpapasalamat po ako sa pagbabasa niyo nito. Kahit na maiksi, sana hindi n’yo bitawan. Sana po.

Thank you sa lahat ng silent reader. Sa mga nag-comment sa chapter 2.
Tito Alfred of T.O. (lol, may ‘TITO’ na po `yan.)
Angel (sana mas ma-excite ka pa sa mga susunod. Iyon kung may exciting nga na mangyayari. wahahaha)
Papa JC Sy (nahalata ko nga rin po, parang gumaganoon nga ang drama nila. METEOR GARDEN. lol)
Bharu (Malalaman po natin sa mga susunod na kabanata o baka sa chapter na rin ito kung ano nga ba ang feelings ni Jake kay Hyde. ;))
J.M (bagong name!! Salamat sa pag-iiwan ng comment.)
YeahitsJm (Mukha ngang wala na itong iikli. Lol Yan lang ang nakayanan ko ng utak ko. ;))
Jharz_05 (Salamat!)

Sa mga taong nasa group. Kay Faustino, Mama Lalie, Ashigawa Kushiwa, JM Perez, Tofi Leofric at sa gumawa ng photo cover ng story na ito, kuya Alex, Matsala.

Sa mga CO-RA’s ko, Kuya Carlos, Kuya Rye, Jace, Seyren at Prince Justin.

Kay Kuya Ponse at Sir Mike. Salamat sa privilege.



Enjoy po!! Sana!! Kahit na mabibitin kayo. Haha ;)



CHAPTER THREE

NAGSUSUOT na ng sapatos si Hyde nang lapitan siya ni Clyde. Nagsusuot ito ng polo nito at naghahanda na rin sa pagpasok sa school. Mula sa kanyang ginagawa, bumaling siya rito.
            "Oh, bakit?" Blangko ang ekspresyon sa mukha na tanong niya.
            "Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin ang totoo?"
            Naitirik na lang niya ang mga mata sa sinabi nito. Ang buong akala niya ay tapos na sila doon. Nakapaghanda na silang dalawa at lahat-lahat ngunit hindi pa pala. Ayos din talaga ang kakambal niya. Hindi talaga ito titigil hanggang hindi nito nalalaman ang totoo. Hindi talaga ito papayag. Ang kulit lang.
            "Makulit ka talaga, ano?" Naiirita niyang sabi.
            Kilala naman talaga siya nito. Kaya alam nito kung kailan siya nagsisinungaling o hindi. Ang sabi niya nga dati ay magkasama na sila, mula sa sinapupunan ng ina nila hanggang sa pag-aaral sa elementarya, high school at so on.
            "Ihahatid na lang kita sa school mo, Hyde."
            Napanganga siya. Hindi nag-function ang utak niya ng ilang segundo sa sinabi nito.
            "Pwede ba, Clyde. Hindi na ako bata para ihatid mo pa saka malayo ang distansya ng school ko sa school mo. Isa pa, hindi tayo sa isang way dadaan. Salungat tayong dalawa."
            Clyde just eyed him. Hindi ito nagsalita. Waring binabasa ang nasa utak niya sa paraan ng pagtitig nito.
            "Ihahatid pa rin kita," anito.
            Lihim na lang siyang napasimangot. Ang kulit din talaga nito. Siguro. Kung sa ibang pagkakataon ay matutuwa siya sa pagbo-boluntaryo nitong ihatid siya. Sanay naman kasi siya na palagi silang dalawang magkasama ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Kilala niya si Clyde. Mapamaraan itong tao kaya alam niya na kukuha lang ito ng ilang impormasyon ukol sa kanya lalo na sa ginagawa niya ngayon.
            "`Wag ka ngang makulit. Sinabi nang 'I can manage', eh. Kumag na `to."
            "Ikaw ang kumag. Parang may tinatago ka talaga sa paraan ng pag-iwas mo. Siguro, may boyfriend ka na."
            "Boyfriend-in mong pagmumukha mo! Kumag ka talaga."
            Agad na nag-isip si Hyde kung paano makakatakas sa mapanuri at nang-uusig na tingin ng kakambal niya. Inabala niya ang sarili sa pagsusuot ng sapatos na naudlot kanina nang lapitan siya. Nang matapos, agad niyang kinuha ang kanyang bag, tumayo ag kumaripas ng takbo palayo sa usisero niyang kapatid.
            Tumakbo siya palayo sa bahay nila hanggang sa makaabot siya sa sakayan ng jeep. Humihingal na napasandal siya sa poste. Kinalamay ang kalooban at ang pagtahip ng dibdib. Nang maging okay ay umayos na siya ng tayo saka pinara ang paparating na jeep,
            Sumakay siya sa jeep at piniling maupo sa harapan, sa katabi ng driver. Isinandal niya ang likuran sa sandalan saka tumingala. Mabuti na lang at naiwasan niya si Clyde. Kung hindi niya iyon nagawa ay sigurado siyang nasa kandungan na siya ng hot seat. Ang eksena ay parang sa katulad ng isang pelikula. Interrogation process at nasa madilim na kwarto. At si Clyde ang nag-iimbestiga.
            Napabuga siya ng hangin saka umayos ng upo.
            "Mukhang pagod na pagod ka mula sa mahabang pagtakbo, ah."
            Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na boses. Napatingin siya sa kanyang likuran. Nang makita niya ang taong iyon ay nag-iba ang tibok ng puso niya. Ngiting-ngiti ito sa kanya. Waring kilalang-kilala siya. And, oh so, damn the smile in his handsome face. Napapa-english siya ng wala sa oras pagkakita kay Devin.
            Tsk. It's been a week since their encounter. At habang tinitingnan niya ang mukha ni Devin na nakaupo sa likuran ng kinauupuan niya ay kitang-kita niya ang katuwaan sa mga iyon. At sa palagay niya ay natatandaan pa siya nito.
            "Kumusta, Hyde?" Again, his heart skip a beat by just hearing his nickname being said by him. "Ang tagal kitang hindi nakita, ah? How's life?"
            "Ki-kilala mo pa rin ako?" Parang timang na sabi niya. Still in owe.
            He heard him chuckle. "Bakit naman hindi kita makikilala? Of course, I knew you. Hindi naman matagal ang isang linggo para hindi kita makilala. At sa pagkakaalam ko, hindi pa ako matanda para maging ulyanin. Bakit ikaw? Hindi mo na ba ako kilala?"
            Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Oo nga naman. Hindi ito ulyanin! Pero! Naman! Abalang tao si Devin. Marami rin itong nakakasalamuha dahil sa kinalalagyan nito kaya naman.. Argh.. Still, he can't believe.
            "Gusto mo ng proof? Well. Ang buo mong pangalan ay Harold Yde Ilagan. Your name should be mention as HAY-DE but I preferred calling you by HAYD."
            Ahhhh! Hindi talaga siya makapaniwala kaya naman speechless pa rin siya. Nakakahiya na nakatingin lang siya sa nakangiting gwapo nitong mukha ngunit hindi naman niya magawang mag-iwas ng tingin. Devin was so.. Basta! Ang gwapo talaga nito. Ang gwapo ng kumag.
            Bago pa man siya mapahiya ulit dahil sa lantarang pagtitig na ginawa niya, inilibot niya ang paningin sa mga taong nasa loob ng jeep. At laking gulat niya nang makita sa may pintuan, nakaupo ang taong iniiwasan niya! Deym! Anong ginagawa ni Jake sa loob ng jeep? At nang magtama ang paningin nila, ngumiti ito saka kumaway. Hindi na nga matatawag na ngiti ang nasa labi nito kundi ngisi.
            Bago pa man siya mabwisit. Tumalikod na siya.
            Kahit na nakatalikod na siya. Pakiramdam ni Hyde ay nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok. Parang ang lakas kung makatitig sa kanya ang pesteng si Jacinto. Ang sidhi naman yata ng tingin na ibinibigay nito sa kanya. Hindi tuloy siya mapakali. Naiisip niya na kahit gumagalaw pa ang jeep ay bababa na siya. Huwag lang muling tingnan si Jake.
            Hindi pa man siya nakakarating sa school, kinakabahan na siya. Paano kung agad siyang i-corner ni Jake? Paano ang gagawin niya? Makakatakas pa ba siya sa pambu-bully nito? Makakaya ba niyang labanan ang pesteng lalaki?
            Kailangan na niyang mag-isip ng paraan bago pa siya makaabot sa school nila. Isang paraan para makaiwas at malusutan si Jake.
            At kay Devin. Gagawa siya ng paraan para makabawi dito. Dahil kay Jake nawala ang atensyon niya kay Devin. Pesteng-peste talaga! Nagmukha tuloy siyang walang manner sa ginawa niyang pagtalikod kay Devin. Basta-basta lang pati. Nakakahiya talaga! Hindi pa pala siya nakakapagpasalamat sa kabutihan na ginawa nito sa kanya one week ago.
            Hanggang sa makaabot ang jeep sa harap ng school nila. Nang makapagbayad si Hyde sa driver ay agad na siyang bumaba. Gustuhin man ni Hyde na huminto para hintayin si Devin, hindi niya iyon nagawa. Mabilis ang paglalakad niya patungo sa harap ng school, para makapasok.
            Ngunit bago pa man siya makapasok sa school ay naramdaman na niya ang paghawak ng kung sino sa braso niya dahilan para mapahinto siya,
            Tiningnan niya kung sino iyon. And to his shock na hinaluan ng horror ay nakita niya si Jake, seryoso ang pagkakatingin sa kanya.
            "Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Aniya. He tried his very best to be calm na nagawa naman niya sa mabisang paraan.
            Mula sa pagiging seryoso. Ngumisi ito. "Hindi pa. Hindi ko pa nakukuha ang gusto ko, eh."
            "Peste!" May kalakasan niyang sabi.
            Sa halip na mainis sa sinabi niya, tumawa pa ito. Isang malutong na tawa na nagpatigil sa kanya. Bakit ang gwapo ng lalaking ito? Poker face. Serious face. Mischievous face. Sad face. Angry face. At lahat-lahat na na emoticon sa facebook. Bakit ang gwapo ng lalaking ito kahit na nakakaasar at nakakapeste ang pambu-bwisit sa kanya?
            "You are really interesting." Sabi nito.
            "Pwede ba? Tigilan mo nga ako!"
            Tsk. Mabuti na lang at na-compose niya ang sarili mula sa paghanga dito. Yeah! Ahhh! Gusto niyang sumigaw. Kaasar lang na hinahangaan niya ang pisikal na hitsura nito, ang kagwapuhan, kahit na nakakabwisit.
            "Hindi pa nga ako nagsisimula, patitigilin mo na ako kaagad. Give me something first before I stop goofing and pestering you."
            "`Buti naman at inamin mo na stupid at peste ka. Hindi ka ba nahihiya? Ang lakas mong man-trip at mambwisit. Mabuti kung may natutulungan ka? Mabuti kung nakakatulong sa kaunlaran ng school ang ginagawa mo. Mabuti kung nakakatulong sa bansa. Eh, wala naman. Hindi. Binibigyan mo lang ng trauma ang mga binu-bully mo."
            "Masyado kang maraming sinasabi."
            "What the!" Nagulat siya nang kabigin siya nito at akbayan. An unexplainable feeling rise inside him. Parang may ano na hindi niya mawari kung ano. Basta magulo. Mahirap i-explain.
            Pumalag siya para makawala rito ngunit hindi iyon nangyari. Di hamak na mas matangkad sa kanya si Jake. Nasa limang talamapakan at limang pulgada ang height niya samantalang ang peste sa tantiya niya ay naglalaro sa pagitan ng limang talampakan at siyam na pulgada ang height. Anong laban niya sa may pagka-higante na lalaki?
            "`Wag ka nang pumalag, Hyde." Sabi nito. Bigla siyang na-kuryente sa pagdampi ng mainit na hininga nito sa tenga niya. The sensation was.. Ahhh! Bwisit! Bakit napupukaw nito ang ganoon sa kanya?
            "Now, I'm your boss either you like it or not. Ang mga sasabihin ko ay susundin mo. Dapat palagi kang nasa tabi ko. Dapat hindi ka nawawala sa paningin ko. Kapag nawala ka sa tabi ko at nawala ka sa paningin ko." Huminto ito sa pagsasalita. Waring talagang binibitin siya.
            Pambibitin na naghahatid sa kanya ng sanlaksang kaba. Arghh! Ang asar lang talaga.
            "Paparusahan kita. Isang parusa na hindi mo magugustuhan. Klaro ba iyon sa `yo, Ilagan?"
            Hindi siya sumagot.
            "Ouch!" Napahiyaw siya ng kagatin nito ang tainga niya ngunit agad naman siyang nakabawi. Siniko niya ito.
            "Ouch." Anito. Ininda ang ginawa niya ngunit panandalian lang.
            At hindi naman dapat niya mapansin ngunit matigas ang abdomen nito. Parang may ano rin..
            "Aray! Talagang gumaganti ka, ah." Natutuwa pang sabi nito saka siya hinapit mas malapit dito. "Sumunod ka na lang. Mas marami akong kayang gawin. Lahat marahas na parusa sa `yo, Hyde."
            "Oo na!" Napipilitan niyang sabi.
            Ngumiti ito saka hinihipan ang tainga niya. "Good!"
            Bwisit. May bukas ka rin.


LIHIM na napapangiti si Jake Hyllel Jacinto habang nakaakbay kay Hyde na napipilitan na sumusunod sa kanyang paglalakad. Habang naglalakad sila ay hindi niya maiwasan ang balikan ang eksena pagkatapos ng unang encounter nila isang linggo na ang nakakaraan.
           
INIS NA INIS si Jake habang pinapagpag ang suot na puting damit na natapunan ng iniinom niyang kape kanina. Nakakainis at nakakabwisit lang kasi ang taong nakabangga niya. Well, the guy who bumped him was a new face. Ngayon lang niya ito nakita at inaamin niya na nakuha nito ang atensyon. Atensyon para gawin itong utusan.
            Habang nakatingin sa nadumihang damit ay hindi niya talagang maiwasan ang pag-init ng ulo. Ang aga-aga badtrip siya kaagad dahil doon. Bakit ba kasi may katulad nitong tao? Aanga-anga na parang ewan lang. Wala siyang pamalit ng damit kaya nadagdagan pa niyon ang pagkaasar niya.
            "Damn!" Malakas niyang mura.
            Malakas niyang itinapon ang hawak na styro cup. Napatingin siya ulit sa kanyang damit kasunod sa repleksyon niya na nasa salamin. Napapailing na lang siya sa pagka-bwisit. Para hindi na masira ang umaga niya. Hinubad niya ang suot na damit saka ipinatong sa lavatory. Paborito pa naman niya ang puting t-shirt na iyon.
            Naghilamos na rin siya saka tinitigan ulit ang sarili sa salamin. Mula sa pagtingin sa sariling repleksyon lumipat ang tingin niya sa pintuan na bumukas. Pumasok doon ang isang estudyante.
            Nagulat pa ito nang makita siya. Alam ni Jake na pinapangilagan siya ng karamihan na estudyante sa URS. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil kilala ang pangalan na Jake Hyllel Jacinto sa paggawa ng mga notorious na bagay. Ilang ulit na rin siyang na-i-report ng mga estudyante sa guidance lalo na sa dean. At wala siyang pakialam doon.
            Nang harapin niya ang lalaking nakasalamin na patpatin mas lalo pa itong nagsumiksik sa gilid. Visible sa mukha ang takot.
            "Hoy! Ikaw!" Sigaw niya.
            Napapitlag ito. "Ba-bakit?"
            He frowned. Slowly walk toward the scared guy. Dahil matangkad siya, nakatingala na ito.
            "Pahiramin mo ako ng damit." He demanded. Walang kahit na anong 'please, o 'paki'. "
            Dumaan ang kalituhan sa mukha nito. Mukhang alam na niya ang naglalaro sa isip.
            "Kung wala kang ibang damit, hubarin mo ang suot mo. Gawin mo! Kilala mo naman kung sino ako!" Paasik na sabi niya.
            Kung makahiya lang ito baka kanina pa ito tumiklop or rather kanina pa tiklop na tiklop.
            "Ma-may damit ako." Anito. Nanginginig na kinuha ang damit sa loob ng bag. "He-heto."
            Hinablot niya iyon. Pagalit. Tinalikuran niya saka nagpunta sa isang cubicle at isinuot. Narinig na lang niya ang pagbukas ng pintuan at tila mabilis na pagtakbo ng lalaki palabas.
            Napangisi na lang siya.
            Ganoon talaga ang nagagawa kapag sikat ka sa pagiging bully. You can take or get everything with or without the consent of the bullied person.
            Nang maisuot niya ang damit saka siya lumabas ng cubicle. Tamang-tama lang ang pagkaka-fit sa kanya ng damit. Hindi masikip o maluwang. As if the shirt was really fitted for him. Ang hindi lang nakakatuwa sa T-shirt na nakuha niya ay ang malaking mukha ni Minnie Mouse doon. Pambabae pa yata ang T-shirt na nakuha niya mula sa patpating lalaki.
            Hinayaan na lang niya iyon. Kung may makakapansin naman ay hindi mangangahas na magsalita. Tingin pa lang niya, titiklop na ang mga ito.
            Lumabas na siya ng comfort room. Hindi nga siya nagkamali sa sapantaha dahil marami ang nakatingin sa kanya habang naglalakad sa corridor ng school building. At katulad din ng inaasahan niya ay walang nangahas na magbigay ng komento. Hindi rin makatingin sa kanya ang bawat daanan niya kapag gumanti na siya ng tingin.
            He walk with coolness. Habang naglakakad, naalala niya ang earring na nasa bulsa ng suot niyang pantalon. Kinuha niya iyon saka isinuot. May butas ang kaliwang tainga niya. Pangdagdag ng appeal. Ng kaastigan. May tattoo rin siya sa kaliwang braso. Isang ibon iyon, isang agila.
            Dahil malayo pa siya sa room nila. Umupo siya sa isang tabi. Without minding the looks that other student giving to him. Naalala niya ang mukha ng lalaki na nakabunggo niya kanina. Kapag nagkita sila ay talagang malalagot ito sa kanya. Pero bakit pa niya patatagalin ang pagkikita nila kung pwede naman siyang kumalap ng impormasyon sa pamamagitan ng alipores niya. Nang maisip iyon ay agad siyang tumayo saka nagmamadaling nagtungo sa classroom nila. Mabuti na lang at may photographic memory siya. He could easily tell the facial features of the guy to Marty.
            Nang makapasok siya sa classroom nila ay agad na nagsitahimik ang mga classmate nila. Napangiti naman ang mga ka-grupo niya na nasa likurang bahagi ng room.
            "`Ayos sa suot na T-shirt, ah, Jake. Hello Minnie Mouse ang banat. Saan mo `yan na-arbor?" Nakangising sabi ni Rubius. Isa sa masasabi niyang kaibigan sa loob ng classroom kasunod kay Dominic na katabi nito
            Hindi niya ito pinansin. Umupo siya sa upuan na nakatoka sa kanya.
            "Marty." Tawag niya sa lalaking nakaupo sa isang sulok. Nerdy type at maituturing na wallflower.
            Nagkukumahog na lumapit ito sa kanya. Isa si Marty sa alipores niya sa loob ng classroom nila. Ito ang gumagawa ng lahat ng dapat gawin ng isang estudyante na siya dapat ang gumagawa. Nagagamit niya ang katalinuhan nito.
            "Ba-bakit Jake?" Tanong nito. May kaba.
            "May ipapagawa ako sa `yo," umpisa niya. "Gusto kong alamin mo ang mga impormasyon sa kanya." He started to describe the guy's face and how he look. "Kapag may nalaman ka na sa kanya, i-report mo sa akin, ASAP. Nauunawaan mo ba?"
            Napalunok ito. "O-oo. Ire-report ko sa `yo kaagad. Huwag kang mag-alala."
            Napangiti siya. "Good."
            Pinabalik na niya ito sa kinauupuan nito. Nang may maalala ay lumapit siya sa lalaki na ikinagulat at ikinapitlag nito.
            "Ba-bakit?"
            "You should do your best, Marty," nakangisi niyang sabi. "Kapag nakakuha ka na ng impormasyon sa kanya. Titigilan na kita. Makakalaya ka na sa pagiging alila ko."
            "Ta-talaga?"
            "Oo. May isang salita ako."
            "Ma-makakaasa ba a-ako sa sinasabi mo?" Nag-aalangan na sabi nito.
            Hinampas niya ang upuan nito. "Kasasabi ko pa lang na may isang salita ako. So ibig sabihin niyon ay totoo ang sinasabi ko."
            "O-okay. Gagalingan ko."
            "Good." Sabi niya saka ito tinalikuran.

            Salamat kay Marty at nakakuha ito ng impormasyon tungkol sa taong katabi niya. Idagdag pa na classmate pa niya si Harold Yde Ilagan o mas kilala sa pangalan na Hyde. Siya rin ang dahilan kung bakit sa isang linggo at mahigit na pananatili nito sa school nila ay wala pa itong ka-close na classmate nila. Tinakot lang naman niya ang mga iyon na kapag lumapit kay Hyde ay malalagot sa kanya.
            "Nakakabwisit." Bulong ni Hyde na narinig niya. Sadya naman yatang pinarinig nito sa kanya iyon. Lihim na lang siyang napangiti saka mas hinigpitan ang pagkakaakbay dito.
            Pumalag ito. Pagpalag na katulad kanina ay wala ring nagawa dahil sa higpit ng pagkaka-akbay niya rito.


ITUTULOY..


10 comments:

  1. Oh baby baby baby my baby baby...haha Dao Ming Si este Jake may secret agenda ka ha... Aalilain mo si Hyde..haha..

    Well it's ok, even though shorter than never..
    But...there is a but..haha.. If you can try to prolonged the story .its better :-)

    ReplyDelete
  2. Hahaha first comment nkakatuwa tlga kuya vienne pwedeng ang update? "Sumunod ka na lang. Mas marami akong kayang gawin. Lahat marahas na parusa sayo Vienne kya bilisan mo ang update" hahaha evil laugh XD astigggg pamore

    -Drei

    ReplyDelete
  3. Naiinis ako sa itutuloy. Hahaha. Ang ikli friendshiiip. Ay. Hahaha.


    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  4. nakakainis ka jacinto. panira ka ng araw ni hyde.

    bharu

    ReplyDelete
  5. Maikli nga pwede madagdagan next update? Ano ba talaga si Jake? Excited for the next update.

    ReplyDelete
  6. Asan na ang Knight in the Shining Armour ni Hyde? Sino sa kanilang dalawa? Thanks sa update neph Vienne. Take care.

    ReplyDelete
  7. Hahahaha akala c Clyde un nagsalita sa likuran nia tatawa tawa sana ako hehehe pero ayos nmn... Sana lumapit s D.... :)

    Shai™

    ReplyDelete
  8. Badtrip. Nakakabitin. Argh!

    - K

    ReplyDelete
  9. Tawang tawa ako sa "subo ice cream" na term ni Ren. Hahahahha

    ReplyDelete
  10. Dinadaan sa santong paspasan ni Jake ah.
    Tsk. Bitin!! But thanks sa update author ^^

    -vhian

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails