Followers

Monday, February 2, 2015

String from the Heart [2]





Author’s Note

Waaahhh!! Second chapter.

Sa totoo lang, hindi ko ini-expect na magkakaroon ng more than 10 na comment sa chapter 1 ng story na ito. MARAMING SALAMAT po ng marami!! Sana hanggang sa huli, nandyan pa rin po kayo. ;)

Sa mga sumusunod:

ANGEL!! (kala ko hindi ka magco-comment. Lol.)
SHAI, AZ, Papa JC Sy,
MHER JOHN PUNZALAN (hindi ako anthologists.. lol.. nagkataon lang talaga ang mga ito. lol)
Sir Alfred of T.O (22 na ho ako.)
JHARZ_05, 44, Bharu, Gilrex Laurente, K, Vian. Kay Kuyang Anonymous.
 YEAHITSJM (salamat sa pagbabasa ng Fated Encounter! Thank you for trying it. ;))

At sa mga taong ito. Kay Mama Lalie, Faustino, Alex, Alexander Miguel, 
  Ashigawa Kushiwa (heto na! ;))

Pati sa mga co-RA’s ko. Kay KuyA Carlos, Kuya Rye, SEyren, Jace at sa iba pa!
Kay Prince Justin sa honest na comment tungkol sa story na `to! Sa uulitin. ;)

At salamat kay Sir Mike sa privilege na ito! Pati kay Kuya Ponse.

Heto na po ang CHAPTER 2.

Heto lang po ang nakayanan ko! Pasensya! ;)
ENJOY! (sana)



CHAPTER TWO

NASA tapat na ng pintuan sila Hyde at Devin ng classroom para sa unang pagpasok niya roon. Kung desidido si Devin na tulungan siya para i-excuse at makapasok, ganoon naman kabaliktad ang nararamdaman niya. Mas gusto na niya kasi ang huwag pumasok doon. Ngayon pa na mula sa kanilang kinatatayuan ay naririnig niya ang istriktong boses ng babaeng professor.
            Kanina pa siya nagdadalawang isip.
            Ayaw niyang makompromiso si Devin sa gagawin nito. Baka ito pa kasi ang mapahiya sa gagawin nitong 'pagtatakip' sa kanya. Baka mapahamak ito.
            Nang hawakan siya ni Devin sa pulsuhan. Bahagya pa siyang napapitlag. Napatingin siya rito.
            "Don't worry, Hyde. Masyado kang tense. Akong bahala sa `yo." Anito.
            Such comforting words from someone he just knew for a minute. But it didn't lessen the tension he was feeling at the moment.
            Hindi siya sumagot. Nagpatianod na lamang siya.
            "Akong bahala. Okay."
            "Baka mapahamak ka sa gagawin mo, Devin. Kakakilala pa lang natin. Hindi mo ako kargo para gawin `to. Isa pa, hindi mo rin ako kaibigan para tulungan mo ako ng ganito."
            "Nah. It's okay. Walang kaso sa `kin `to. Wala rin naman akong gagawin kaya willing akong tumulong."
            "Hindi tayo magkaibigan." Pag-ulit niya sa huling sinabi.
            Mataman siyang tiningnan ni Devin.
            "Hindi pa ba? Para sa akin kasi kaibigan na kita. We already introduced ourselves to each other so given na iyon."
            "Ganyan ka ba talaga ka-friendly?"
            Ngumiti ito. "Oo. Ganito lang talaga ako. Nakasanayan na rin kasi. At isa pa, hindi ako tatawaging Mr. Congeniality kung hindi ako friendly."
            May gusto pa sana siyang sabihin ngunit hinila na siya nito papasok pagkabukas nito ng pintuan.
            Sinalubong silang dalawa ni Devin ng katahimikan. Nang mag-angat siya ng tingin. Nakita niyang lahat ng tao sa loob ng room ay napatingin sa kanilang dalawa. Natigil ang mga ito sa ginagawa.
            "Goodmorning Mrs. Mendez," magalang na bati ni Devin sa professor.
            Nakibati na rin siya.
            Ngumiti ang guro. "Goodmorning din, Mr. Dela Cruz. Anong kailangan mo sa aking klase? At sino naman ang kasama mo?"
            Hinila siya nang mahina ni Devin palapit sa guro. Hyde clearly heard the murmuring of the students, mostly of the girl. At base sa pagkakarinig niya ay si Devin ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi na iyon nakapagtataka. Nakikita rin niya ang lantaran na paghanga sa mukha ng mga babae sa uri ng tingin na ibinibigay nito kay Devin.
            Sige na. Sige na. Si Devin na ang sikat.
            Iginala niya ang paningin sa loob ng classroom. Natigil ang tingin niya sa isang tao na nakaupo sa panghuling upuan. Nakatingin din ito sa kanya. Kita niya ang disgusto sa mukha nito. Well. Alam na niya na para sa kanya iyon.
            Iniiwas na lamang niya ang tingin dito. Sakto naman na nagasalita si Devin.
            "Mrs. Mendez, nandito po ako para i-excuse ang kaibigan ko. Na-late po siya sa pagpasok sa klase n'yo dahil sa akin. Hindi na sana po siya papasok dahil nakakahiya raw sa inyo pero pinilit ko po siya kaya nandito kami ngayon. Nandito po ako para humingi ng paumanhin behalf of him."
            Hyde was astounded. Simply dumbfounded in the way how politely Devin talked with the teacher. Mukhang sanay na sanay ito sa pakikipag-usap sa mga nakakatanda in a very gentle way.
            Napatingin siya kay Mrs. Mendez. Nakangiti ito. A warm smile was on her face. Waring naghihintay din ito sa paliwanag mula sa kanya.
            "May sasabihin ka ba, Mister?" Tanong nito.
            Kinalma niya muna ang sarili. "Harold Yde Ilagan po ang pangalan ko." He paused. "Sorry po sa pagkaka-late ko. Hindi na po mauulit iyon. Ako po talaga ang dapat sisihin dahil hindi pa po ako sanay dito. Transferee po kasi ako." 
            "It's okay. I fully understand. Sana nga hindi na ito masundan," ani Mrs. Mendez.
            "Tama pala ako, Ma'am, naligaw siya." Sigaw ng isang estudyante.
            Pare-pareho silang napabaling dito.
            Ang lalaking nabunggo, rather, nakabunggo sa kanya kanina iyon. Nakangisi ito. Tiyak na nang-aasar. Habang nakatingin siya rito. Napansin niya na magandang lalaki ito. Gwapo na maituturing katulad ng katabi niya. Ngunit kung boy next door ang image ni Devin, si.. ang lalaking ito ay bad boy image naman.
            "Paano mo naman nasabi `yon, Mr. Jacinto?"
            "Kasasabi niya pa lang po, Ma'am. Transferee siya kaya na-late siya. Siguro, hindi niya tinandaan ang direksyon papunta dito."
            "Tama ka naman d'un." Pagsingit niya. Kung may balak itong pahiyain siya. Uunahan na niya ito. "Kasasabi ko pa lang na transferee ako. Alam ko na entirely ay kasalanan ko iyon dahil hindi ko tinandaan ang direksyon papunta rito."
            Hindi nakapagsalita ang lalaking Mr. Jacinto pa lang ang alam niya na pangalan.
           "Okay. That's acceptable, Mr. Ilagan," ani Mrs. Mendez. "Thanks for bringing him here, Mr. Dela Cruz. Pwed ka nang maupo, Mr. Ilagan. Salamat ulit, Mr. Dela Cruz."
            "Okay po." Sabay na sabi nila ni Devin.
            Binitiwan na ni Devin ang pulsuhan niya
            Nag-iba sila ng direksyon na pupuntahan. Pumwesto na siya sa bakanteng upuan
 Nataon pa nasa tabi ng lalaking 'nabunggo' niya.
            Bago lumabas si Devin sa pintuan. Kumaway ito sa kanya. Gumanti naman siya ng kaway. Nahinto lang iyon nang marinig niya ang 'tsk' mula sa lalaki. Tiningnan niya ito. Gumanti naman ito.
            Hindi na lang niya pinansin. Ang mga sumunod na sandali ay pakikinig sa kanilang professor. Kasunod ang muli niyang pagpapakilala sa harap ng klase hanggang sa matapos ang unang subject nila.


ABALA si Hyde sa pagka-copy ng notes niya para sa isang subjects. Nasa loob siya ng library. Doon na rin siya naghanap ng references para sa ibang subjects na kailangan niya.
            Kung ang iba ay may mga kasama. Nag-iingay ng pakonti-konti at nagbubulungan, siya ay wala. Nag-iisa siya sa isang sulok at tanging libro at mga gamit niya ang kasama. Wala naman siyang ibang magawa kundi ang makinig at abalahin ang sarili sa pagsusulat.
            Kahit kasi sa mga bago niyang classmate ay wala pa siyang masyadong nakaka-close. Hindi niya alam kung ano ang problema. Nasa block section lang naman sila pero hindi pa niya nakakasundo ang mga ito.
            So far, sa isang linggong pananatili niya sa URS, wala naman kakaibang nangyayari sa kanya katulad ng iniisip niya. Patungkol iyon sa lalaking nakabunggo niya at the same time ay classmate rin niya. Pwede na nga rin niyang masabi na seatmate silang dalawa kahit na may espasyo sa pagitan nilang dalawa tuwing nasa first subject sila.
            Sa pagkakarinig niya. Ang pangalan ng lalaki ay Jake Hyllel Jacinto. In fairness naman sa lalaking iyon, kahit na may pagka-bad boy ang hitsura ay may talino. Iyon nga lang at tamad. May mga inuutusan ito para gawin ang ilang bagay na kaya naman nitong gawin katulad ng paggawa ng projects at reports.
             Malaki rin ang pasasalamat niya na hindi pa siya napagdidiskitahan ng lalaki na i-bully. Sa loob kasi ng isang linggo, napansin niya na kilala si Jake sa pagiging notorious. Hindi lang sa classroom nila kundi sa buong university.
            "May gig mamaya ang The Gravity, nood tayo." Narinig niyang sabi ng babaeng nasa kabilang mesa sa kasama nito.
            Nag-usap pa ang dalawa. Sapat para marinig niya ang mga iyon.
            Pagdating naman kay Devin. Well. Hindi na muli pang nag-krus ang landas nila. May pagkakataon na nakikita niya ito pero hindi siya nagtangka na lapitan ito. Masyadong abala si Devin. Hindi lang sa banda nito kundi sa school. Dakilang scholar kasi ang lalaki at kasali pa ito sa isang org. Nagtataka nga siya kung paano nito iyon nagagawa. Masyado itong active.
            Kung iisipin at hihiling siya na muli silang makakapag-usap. Alam niya na malaking asa iyon. Sa dami ng nakakasalamuha ni Devin sa araw-araw, sa school man o sa labas, baka hindi na siya makilala nito.
            Natapos na siya sa pagsusulat. Inilagay niya ang mga ginamit niya sa loob ng kanyang bag. Abala siya sa pagliligpit nang may umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya,
            Nagsalita iyon. "Aalis ka na?" Tanong ng pamilyar na tinig.
            Napatingin siya rito. Nakangiti nang maluwang si Jake. Hindi nga ngiti kundi ngisi. Waring nang-aasar. Prente rin ang pagkaka-upo nito sa upuan na animo may ari niyon.
            "Obvious naman," pabalang niyang sagot.
            Lumawak ang pagkakangisi nito. "May tapang ka rin palang itinatago. Akala ko, tatahi-tahimik ka lang."
            Kahit may kaba siyang nadarama, itinago niya iyon. Pinatatag niya ang sarili sa pakikipag-usap dito. Wala siyang alam kung ano ang dahilan nito sa paglapit sa kanya. Hindi niya iyon inaasahan.
            "Malamang. Alangan naman ikaw lang ang mayroon."
            "That's nice. Marunong kang sumagot, ah." Tunog pamumuri nito.
            "Ano ba ang dahilan ng paglapit mo sa `kin? Ako ba ang susunod mong aalilain? Pagagawin ng mga bagay na dapat ikaw ang gagawa?"
            Tumawa si Jake. "Observant ka rin pala. Akala ko dati wala kang pakialam sa paligid mo."
            "Mukha lang akong walang pakialam pero ang totoo ay meron. Pwede ba kung ano ang binabalak mo. Itigil mo na lang. Wala akong balak na magpa-alila sa `yo. Hindi rin ako basta-basta magpapasindak sa `yo."
            Tumaas ang kaliwang kilay nito. "Talaga?"
            "Oo."
            "Then let's see." Nanunuyang sabi nito.
            Nais niyang mapapikit sa sinabi nito. Mukhang may balak nga talaga itong alilain siya at pagawin ng kung anu-ano.
            "Tigilan mo ako. Pwede ba!" Halos pasigaw na sabi niya.
            Hindi naman ito natinag.
            "Sa mga sinabi mo kanina, mas nakukuha mo ang interes ko. Na-challenge tuloy ako na subukan ang tapang mo. Kung hanggang saan `yan at kailan ka tatagal."
            Kahit nakadama nang pagkasindak. Hindi niya iyon pinakita. Pilit niyang itinago. Sa halip ang ginawa niya, isinukbit niya ang kanyang bag.
            Iniwan niya ito.
            Grabe ang kabang nadarama niya. Nangangatog na rin ang tuhod niya pati ang mga kamay. Kinalma niya muna ang sarili bago siya magpatuloy sa paglalakad. Nang makalayo na siya at makalabas ng library. Napasandal siya sa dingding ng hallway.
            Sinigurado niya munang kalmado na siya bago magpatuloy sa paglalakad. Ngayon lang siya kinabahan ng sobra. At si Jacinto pa ang dahilan. Ang lalaking iyon na walang ibang ginawa kundi ang mambully sa kapwa estudyante.
            Nagsimula na siyang maglakad. Ngunit napapitlag siya nang may humawak sa balikat niya. Tiningnan niya kung sino iyon. Si Jake!
            "Basta mo na lang akong iniwan." Umiling-iling ito. '"Wala kang manners, alam mo ba `yon?"
            "Bakit? Magkasama ba tayo? Hindi tayo magkasama kaya wala akong pakialam sa `yo."
            "Bastos ka rin." Anito. Napapangiti.
            "Dapat ka bang igalang?"
            "Ano sa tingin mo?"       
            "Hindi. Wala ka namang ginawang mabuti para igalang ka. Mas pa ang kabalastugan na ginawa mo. Sakit ka sa ulo."
            "Isa ka ba sa napapasakit ang ulo?"
            "Hindi. Wala. Wala akong pakilam sa `yo para problemahin kita. Wala akong kinalaman sa `yo para guluhin mo rin ako."
            "You are interesting."
            Natawa siya nang pagak. "Interesting? In what sense?"
            "Simula nang makilala kita. Alam mo naman siguro ang unang pagkikita natin, hindi ba? Nakuha mo na ang interes ko n'ung una pa lang. At sa mga sinabi mo kanina, mas nakuha mo pa ako. Para kang tiger."
            "Oo nga naman. Interesting. Interesting ako dahil ako na ang susunod mong gagawin na apple of the eye. At kapag sinabi kong 'apple of the eye. Iyon nga ang pambu-bully mo at pag-uutos ng kung anu-ano. Tama ako, hindi ba?"
            "What do you think? Sa tingin mo ba may tama ka?"
            "Of course." Matapang niyang sabi. Pumiksi siya mula sa pagkakahawak nito. "Kagaya ng sinabi ko sa `yo kanina. Hindi ako basta-basta papatinag sa `yo. Kaya kitang labanan. Stop doing your stupidity, Mr. Jacinto."
            Tumaas ang sulok ng labi nito. "Scared."
            "Dapat lang." Sabi niya.
            "Stupidity. Iyon pala ang tawag mo sa ginagawa ko."
            "Bakit? Mayroon pa bang dapat na itawag sa ginagawa mo?"
            Hindi ito nagsalita. Dumaan ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
            Sinamantala niya ang pananahimik nito. Agad siyang lumayo rito. Naglakad palayo sa lalaki. Bilis na parang may naghahabol sa kanya kahit alam niya na hindi na susunod sa kanya si Jake.
            "Hindi pa tayo tapos, Hyde!" Sigaw nito. Pumuno ang boses nito sa hallway. "Mag-uusap pa tayo sa ibang pagkakataon. Asahan mo `yon, Hyde."
            Mabuti na lamang at silang dalawa lang ang nasa hallway. Walang makakarinig ng pagtatalo nilang dalawa. Lalo na sa pagsigaw nito. Sa verbal na paraan lang ito lumalaban. Hihintayin pa ba niya ang worst na bagay mangyari?
            Narinig niya ang paglalakad ni Jake. Ang paglalakad niya ay mas lalo niyang binilisan. Mahirap na. Kumaripas siya ng takbo palayo sa hallway na iyon. At last maiiwasan na niya si Jake.
            Pero talaga bang maiiwasan niya ito?


KINAUMAGAHAN. Sinadya ni Hyde ang gumising nang maaga para maaga siyang makapasok sa URS. Nagtataka nga si Clyde sa kanya dahil mas maaga pa siya ritong nagising. Sanay kasi ang kanyang kakambal na sa kanilang dalawa ay ito ang unang nagigising. Madalas, siya ang huli.
            Well. Hindi naman talaga siya gigising nang maaga kung wala naman siyang iniiwasan. Nakakabwisit lang dahil sa pag-iwas niya kay Jake na ngayong araw niya sisimulan ay mababago ang routine niya. Masidhi kasi ang hangarin niya na huwag mag-krus ang landas nila ni Jake. Isipin pa lamang niya ang lalaking iyon ay may namumuo ng inis sa kanya. Ang dami naman kasi ng pwedeng mapag-trip-an at mapansin, siya pa talaga.
            Ano ba ang meron sa kanya? Sa pagkakaalam niya ay isang malaking average lang siya. Well. Kapag pinilit niya na maging average ay ganoon talaga. Ngunit ibang usapan na kapag naayusan siya o kaya ay magsusuot ng magarang damit. As far as he could. Pinipili niya ang maging anino ng kakambal niya para huwag siyang masyadong mapansin pero iba ang sitwasyon ngayon. Nag-iisa na lang siya sa URS.
            Nasa hapag-kainan siya, kasama ng kanyang kakambal. Kanina pa ito nakatingin sa kanya ngunit hindi niya pinapansin. Mas pinili niya nga ang maupo sa ikatlong upuan. Malayo sa kinauupuan nito para huwag siyang matanong. His brother was nosy. Proven and tested na iyon kaya sa abot ng makakaya niya, iiwas at iiwas siya. Ayaw din niyang mapag-trip-an nito.
            "Ang aga mo naman yata, Hyde." Anang mama niya.
            Kalalabas pa lang nito mula sa kusina. May dalang isang plato na may laman na itlog. Umupo ito sa bakanteng upuan saka humigop ng kape na sa tingin niya ay hindi na mainit dahil kanina pa iyon.
            "`Sakto lang po ako, `Ma. Seven thirty ang pasok. So, maghahanda po ako ng mahigit isang oras at kalahati bago pumasok." Dahilan niya.
            Dahil sa alam niyang nakatingin sa kanya si Clyde. Hinarap niya ito.
            "Bakit?" Tanong niya sa nanlalaking mata.
            Nakakairita lang ang paraan ng pagtitig nito. Waring diskumpiyado. Malaki ang pagdududa sa alibi niya.
            "Nakapagtataka. Kilala kita, Hyde. Hindi ka gumigising nang maaga para lang pumasok. Madalas kang eksakto sa pagising. Monotonous nga ang buhay natin, hindi ba? Anong masamang hangin ang nag-udyok sa `yo para pumasok ng maaga sa school mo?"
            Sa tono ng pananalita nito, mukhang alam o sadyang nakuha nito ang dahilan niya. Oo nga pala. Bakit naman siya magtataka? Pareho ang likaw ng bituka nila. Si B1 at si B2 sila. Kung ano ang naiisip niya ay agad nitong nakukuha. Hindi sila naging kambal kung hindi. Pero nunca na aamin siya rito. Maloko si Clyde ngunit sa kabila niyon ay over-protective ito sa kanya lalo na nang malaman nito ang 'naiiba' niyang reference -- na maluwang nitong tinanggap sa kanya pati ng mama niya,
            Ang Kuya Vin niya nga ay agad siyang natanggap. Tsk.. Tsk.. Tuwing naiisip niya ang Kuya Vin niya ay malaki ang katuwaan sa puso niya. Ang saya lang na may boyfriend ito. At any time soon ay pwede na itong maikasal kay Kuya Joen.
            "Magsabi ka ng totoo sa `kin, Hyde," pambabasag ni Clyde sa pananahimik niya. Sila na lamang na dalawa ang natira sa hapag. Nagtungo kasi ang mama niya sa kwarto kung saan ang bunso nilang kapatid nang marinig nito na umiiyak.
            "Nagsasabi ako ng totoo, Clyde. `Wag ka nga. Bakit naman ako magsisinungaling sa `yo?"
            "Ewan ko sa `yo? Bakit nga ba nagsisinungaling ka sa `kin? Bakit nga ba hindi ka nagsasabi ng totoo?" Balik-tanong nito na naging dahilan ng pananahimik niya.
            Ayos talaga mang-corner ang peste niyang kakambal. Ngunit hindi siya aamin. Nunca!
            "Ewan ko sa `yo. Bahala ka sa buhay mo."
            Nagsalita ito. Waring hindi ininda ang simple niyang pang-di-dismiss sa usapan nila.
            "Maliban sa kambal tayo. Kilala kita, the better. Naiisip ko rin at nararamdaman ang mga nararamdaman mo. Just like now."
            "Sows! `Wag kang echusero."
            Kumunot ang noo nito. "Anong echusero?"
            Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Hindi ko alam. Narinig ko lang naman na sinabi `yon ng kaibigan ni Kuya Vin. Si Ate Joanna at Ate Diega."
            "Sumasama ka sa kanila?"
            "Hindi." Agad niyang sagot. "Minsan ko lang naman silang nakasama. N'ung minsan na magpunta sila sa bahay nina lola."
            "`Kala ko sumasama ka sa mga `yon. Hindi ka bagay na sumama sa kanila. Bisexual ka lang. Hindi ka crossdresser. Hindi ka rin malandi."
            "Hoy! Ang bunganga mong damulag ka! Kung makapag salita ka naman. Hindi malalandi ang katulad nila. They were just jolly and happy person. Parati ring positive ang outlook nila sa buhay-buhay. `Wag kang homophobic. Pektusan kitang damuho ka. Saka si Kuya Vin nakikisaa sa kanila. Kaibigan sila ni Kuya kaya pwede akong sumama sa kanila.
            "Umayos ka nga, Hyde. Alam ko kung ano ka pero hindi ko pa ring maiwasan ang ma-irita sa pinagsasabi mo. Masyado kang ano.." Clyde paused.
            "Masyadong ano?"
            "Ewan. Hey! Dini-deprive mo ang main topic natin dito. `Ayos ka rin maka-segway, ano? Sabihin mo sa `kin ang totoo. Kung bakit ka maaga ngayon na papasok."
            "Wala nga!" Giit niya.
            "Meron. Naiisip ko."
            "Mind reader ka na ngayon?" Ani niya. May pang-aasar sa tono.
            Sumimangot ito. "Gusto mong batukan kita?" Banta nito ngunit nasa akto na na babatukan siya.
            "Babatukan din kita. Ikaw lang ang marunong?"
            "Umayos ka nga!"
            "Matagal na akong ayos. Ikaw ang umayos, Clyde."
            "Sabihin mo na sa akin ang totoo."
            Nagkunwari siyang hindi ito narinig. Ibinuhos niya ang atensyon sa pagnamnam ng kinakaing itlog. Scrambled iyon at ganoon ang gusto niyang luto sa itlog. Ayaw niya ng sunny side up at boiled.
            Sarap na sarap siya sa pagkain.
            "Ang sarap mong gulpihin, Harold Yde! Ang sarap mong tirisin na alanganin ka." Naaasar na sabi ni Clyde.
            Maingat niyang ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak saka hinarap muli si Clyde. "`Yan ka na naman, Claudio Yde. Nakita mo na naman ang preference ko. Umayos ka nga. Sapakin din kita, `you like?"
            "Hindi bagay sa kahinhinan mo ang sinsabi mo. As if you know how to punch."
            "Umayos ka nga. Mahinhin lang ako pero kaya kong makipag basagan ng ulo. You don't know me that well, my dear twin brother." Umiling-iling pa siya.
            "Ikaw ang umayos, Hyde. Magsabi ka na kasi ng totoo." Giit pa rin nito.
            "`Wag ka ngang makulit, Claudio. Ikaw ang umayos. Hindi ka naman reporter pero ang hilig mong mag-usisa. Ang hilig mong sumagap ng balita o kaya naman tsismis. Masyado kang issue maker. `Yong totoo? Ano ka ba?"
            "Walang isyu kung hindi ka nagsisinungaling."
            "`Wag ka ngang mambwisit."
            "Hindi Ko nambu-bwisit. Sa ating dalawa, mas ikaw pa ang nakakabwisit sa pagsisinungaling na ginagawa mo."
            Hindi na lang niya ito pinansin. Tinapos niya ang pagkain saka ito iniwan. Bahala ito sa buhay nito. Kulit lang.


ITUTULOY…
            

12 comments:

  1. Nakakatuwa naman ang kambal kahit nag-aaway alam mong mahal nila ang isa't isa. Sino ba talaga Hyde? Si Devin o si Jake? Nakakaexcite naman ang mga susunod na mangyayari, as always author you really write your story well.

    ReplyDelete
  2. ...dao ming si at sanchai ang peg ni Jake at Hyde. nice :) .. I like the angas factor mu Jake..yowww men. Keep it up. Haha.. Si Devin si Wachi Lei.. Haha..

    ReplyDelete
  3. asot pusa lang ang drama ng magkakambal ah. mukang naaamoy kong tinamaan si jake kay hyde ah. next chapter please hehe. salamat.

    bharu

    ReplyDelete
  4. Ano kaya ang mangyari sa araw na to sa school? Salamat sa update. Tito na lang tawag mo sa akin. huwag na sir. Hindi kasi ako royalty. Tsaka gurang na ako. Hehehe. Take care. Looking forward to the next update.

    ReplyDelete
  5. Nabitin ako pero naeexcite na ako sa next chapter!!

    -44

    ReplyDelete
  6. yiiieee kabitin lang haahaha
    more to go kuya

    :) smileysiako

    ReplyDelete
  7. ang haba nang away nila.... half nang story away nang kambal... heheheh pero maganda ang 1st part.. sa 2nd half paranf boring lang

    ReplyDelete
  8. Tawa ko usapan ng kambal...heheheh


    Shai™

    ReplyDelete
  9. Another series..... Nice and cool story.... I enjoy reading this part... I really love ur stories... T. C.

    J. M.

    ReplyDelete
  10. Wala na bang i-iikli pa to? Charot. Hahahaha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  11. Keep it up sa pagupdate author para hindi kami mabitin at lalong maexcite sa mga magyayari sa story mo.....heheheheheheheh

    Climax na ung story tpos biglang natapos itutuloy lang


    Jharz

    ReplyDelete
  12. Wow it's kinda nice naman . I'm going to read the
    next chapter

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails