Followers

Saturday, February 28, 2015

String from the Heart [10]




Author’s Note

Here it is! Ang chapter ten ng String.

Una sa lahat, hello kay kuya ALEX J. KING na hinintay talaga ang chapter 10 na ito para makapag-umpisa na raw siyang magbasa. Haha.. Salamat Kuya!
Kay ASHIGAWA KUSHIWA. Heto na ang bati. Haha
Faustino (Basahin mo na ito. Dali!) Mama Lalie (Salamat!) at SEYREN ;).

Sa mga taong nagbasa ng chapter 9, nag-comment at mga silent. Thank you po!

44 (Don’t yah worry! Magkakaroon siya ng chance. Matagal nga lang! Haha)
Shai (Hindi siya nahuli. Muntikan lang!)
Angel (Katulad ng dati. Maiksi eto. Pasensya na po. Matigas ang ulo ng author nito. haha)
Bharu (Haha.. Iyon din ang naiisip ko. Bakit kaya, ano? Masyado naming powerful ang bagay na tinatawag na ‘PAG-IBIG’.)
Tito Alfred of T.O (Pasenya na po! Masyadong late `yong reply ko sa inyo. Hehe. `Sensya na po talaga!)
Leandro Roque (Kung ano man po ang pakiramdam n aiyon, sana hindi matuloy. Haha. Mukhang naiisip kop o ang naiisip mo, eh.)
Toto Tancinco (Heto na po ang update!)
Papa Jc Sy (Tsk. Tamad si nagsulat nito kaya heto lang. maiksi. Haha.. Pasensya na.)

Sa mga co-RA’s, hello din!

Salamat kay Sir Mike at kay Kuya Ponse sa pribilihiyong ito. Salamat!

Heto na po! Enjoy!


CHAPTER TEN

ILANG LAKAD na lamang ang layo ni Hyde sa bahay nila nang makita niya ang paglabas ng isang lalaki sa gate ng bahay nila. Nakasuot ito ng hooded jacket at nakatakip iyon sa mukha nito kaya hindi niya nakita ang mukha nito. Idagdag pa na nakatalikod sa kanya kaya naman ang malapad na likuran lang nito ang nakita niya. Kasunod nitong lumabas ang tatlo niyang kapatid na mukhang nawiwili sa pakikipag-usap sa unknown na taong iyon.
            Nagmamadali siya para makalapit sa mga ito ngunit napatid naman siya ng isang bato na nakaharang sa gitna ng daan. Dahilan para mawalan siya ng balanse na muntikan pa niyang ikaplakda sa sementadong daan. Mabuti na lang at mabilis siyang nakakilos.
            Nakita rin niya na hindi ayos ang pagkakatali ng sintas ng suot niyang rubber shoes kaya inayos na rin niya iyon. Nang matapos siya, hindi na niya nakita ang lalaking nakatayo at kausap ng mga kapatid niya.
            Napakunot noo na lang siya. Ang bilis naman yata ng taong iyon. O sadyang mabagal lang talaga siyang kumilos. Hindi na lang niya inisip iyon.
            Nagsimula na siyang maglakad patungo sa bahay nila. Papasok na sana siya ng gate ng maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. Tiningnan niya ang paligid. Napako ang tingin niya sa mga taong nakatambay sa harap ng tindahan na nasa kabilang kalsada na kaharap ng bahay nila. Wala naman kapansin-pansin doon. Abala rin ang mga tao sa pagkukwentuhan.
            Napakibit-balikat na lamang siya saka pumasok sa gate. Agad siyang sinalubong ng nagtatakbuhan na kapatid. Natigil ang mga ito nang makita siya. Lumapit sa kanya at agad na nagkwento.
            "Kuya Hyde, may nagpunta ditong lalaki na classmate mo daw. Mestiso saka gwapo. Nakipaglaro nga sa amin saka kumain ng meryenda na hinanda ni Mama. Ang bait niya, Kuya. Sayang nga lang at umuwi siya kaagad."
            Napakunot noo siya. Sa pagkakaalam niya, wala siyang classmate na sinabihan kung saan ang bahay nila. At ang magpapunta ng kaklase sa bahay nila ay big No-No para sa kanya. Hindi siya sanay doon.
            "Ano ba ang pangalan?"
            "Mahirap bigkasin kahit maikli lang."
            Mas lalo siyang napakunot. "Saan ba nagsisimulang letra ang pangalan, Vhian?"
            "Sa letter 'H', pero sabi niya tawagin na lang namin daw siya ng kuya. Siguro, Kuya Hyde, may gusto sa `yo `yon, tanong ng tanong ng bagay tungkol sa `yo."
            Sinimangutan niya si Vhian. "Paano mo naman nalaman iyon? Saka huwag ka ngang malisyosa. Grade four ka pa lang may nalalaman ka ng gusto-gusto."
            "Eh.. kasi.. parang katulad siya ni Kuya joen kay Kuya Vin."
            Natawa na lang siya saka iniwanan ang mga ito. Mas mabuti pa na ang mama na lang niya ang tanungin niya. Pagkapasok niya ng bahay, nagulat siya nang makita ang Lola Fe niyang nakaupo sa one seater sofa. Nanonood ng palabas sa TV. Nagmano siya rito.
            "Nandito po pala kayo," aniya. "Kailan pa po kayo dumating?"
            "Kani-kanina lang. Hindi ba naikwento sa `yo ng mga kapatid mo?"
            Umiling siya. "Hindi po. Sinalubong nila ako ng kwento tungkol daw sa classmate ko na nagpunta dito. Alam n'yo po ba `yon?"
            "Oo. Ako nga nagpapasok sa kanya dito. Nagpatulong ako na dalhin ang mga dala ko dito. Nakita ko kasi sa tapat na tindahan na kanina pa nakatingin kaya kinausap ko at nalaman ko na classmate mo raw."
            Napatango-tango siya. "Ano raw po ba ang pangalan?"
            "Hali yata iyon. Ewan ko, nakalimutan ko na. Basta gwapo saka mestiso. Matangos ang ilong saka di hamak na mas matangkad sa `yo. Bakit ba kasi ang baba mo, si Clyde matangkad naman."
            Napasimangot siya. Pasimple pa talagang nang-insulto ang lola niya. Kakaiba talaga ito.
            "Sa inyo naman po ako nagmana, `La, tingnan n'yo rin po ang height n'yo. Maliit."
            Pinandilatan siya ng matanda. Lihim na lamang siyang napangiti. Talagang para-paraan lang kung paano maibabalik dito ang pang-aasar nito sa simpleng paraan.
            "Ano po ulit ang pangalan ng kaklase ko raw, `La?"
            "Ha..Hy.. nakalimutan ko na, Hyde. Basta nagsisimula sa letrang 'H' `yong pangalan."
            Nag-isip siya ng classmate na nagsisimula sa 'H' ang pangalan. At nag-isip rin siya ng classmate na pwede pumunta sa bahay nila. Si Marty lang naman ang ka-close niya at iyong iba, medyo-medyo lang.
            Helleno. Harvey. Hanan. Hardy. Iyon ang mga naisip niyang pangalan ng mga classmate niya na nagsisimula sa letter H ang pangalan. Maya-maya ay natigilan siya ng sumagi sa isip niya ang pangalan ni jake.
            "Jake Hyllel. Jake Hyllel." Pagbigkas niya sa pangalan ng lalaki. "Ano po ulit ang hitsura ng lalaki, `La?"
            Agad namang sumagot ang lola niya. "Gwapo. Mestiso. Matangos ang ilong. Papasang taga-ibang bansa."
            Nanlaki ang mata niya. Si Jake lang naman ang may feature ng ganoon. Para makasigurado. Nagtanong pa siya.
            "Maangas po ba ang dating?"
            "Oo. Maangas pero mabait."
            "Mabait?!" Biglang gagad niya. Kailan pa naging mabait si jake? Baka namali lang ang lola niya sa paghusga ng karakter ni Jake. Baka naman na-charm ito ng Jake na iyon dahil nahihilig ang lola niya sa mga boy band tulad ng One Direction, The Wanted at iba pa. Directioners lang ang peg nito.
            "Kailan pa naging mabait si Jake?" Ulit niya sa sinabi. Sa pagkakataon na iyon ay buo na. Hindi niya maiwasan ang mapasigaw sa sinabi ng lola niya.
            "Ang bunganga mo, Harold!" Anito. Kapag off ang reaksyon niya ay tinatawag siya ng Lola Fe niya sa kanyang first name.
            Bigla siyang natahimik. Napatiklop at nahiya. "Pasensya na po."
            "Mabait naman talaga `yong pumunta dito. Parang si Kuya Joen mo lang habang tinitingnan ko. May gusto ba `yon sa `yo?"
            "Lola! Babae ba ako? Kung makatanong naman kayo parang.."
            "Hindi ka babae, binabae ka."
            "Binabae talaga? Hindi ba pwedeng bisexual lang. Na lalaking naa-attract sa lalaki at babae."
            "Na mas malakas pang magkagusto sa lalaki," ani Lola Fe.
            "Lola naman!"
            "Umayos ka nga, Hyde. Uso naman `yon ngayon sa inyong kabataan, hindi ba? Mga mapupusok na kayo. Mga walang kinakatakutan."
            "Hindi po ako ganoon." Sa mga sinasabi ni Lola Fe. Napapayuko na lang siya. Igaya ba naman siya sa ibang kabataan. Tsk. Masaklap.
            "Ano Hyde? May gusto ba sa `yo `yong Jake?"
            Speechless si Hyde.
            "Ano nga `yong kasabihan na `yon sa English. Silence means yes. Ibig sabihin, may gusto sa `yo ang Jake na iyon."
            Hindi pa rin siya sumagot. Intrigerang matanda lang ang bet ng Lola Fe niya.
            "Hindi ka na sumagot, Hyde?" Pangungulit nito.
            "Wala po akong sasabihin, `La." Aniya. "Sige po. Magbibihis lang ako."
            "Umiiwas ka lang para huwag `yon pag-usapan, eh. Tama ba ako, Hyde?"
            Napapikit sa inis si Hyde nang marinig ang boses ng kakambal niya. Nang lingunin niya ito, nakangisi ito. Nakasandal pa sa pintuan. Katulad niya, galing din ito sa labas para bumili ng kung anong gamit nito.
            "`Wag kang makisali sa usapan ng may usapan, Claudio!" Naiinis na sabi niya.
            Hindi na nakapagtataka na may kalakasang mambuwisit si Clyde. May pagmamanahan naman kasi at ang Lola Fe nila iyon.
            "May manliligaw ka na pala." Ani Clyde. Waring hindi talaga magpapapigil.
            Napapadyak siya saka iniwanan ang mga ito. Narinig pa niya ang tawanan ng mag-lola. Like grandmother, like grandson. Tsk. Mga pasaway!


"HIHINTAYIN kita."
            Ang mensahe na natanggap ni Hyde galing kay Devin. Ilang oras na lang at maghahanda na siya sa pagpunta sa MAB para makita ang gig ng The Gravity doon. Excited na siya at kanina pa nakahanda ang damit na susuotin niya. Habang kumakain sila kanina,nagpaalam na siya sa mama niya at kay Lola Fe. Kokontra pa nga sana si Clyde kaso hindi niya ito pinayagan na gawin iyon.
            Kinuha niya ang cellphone na hiniram niya sa Kuya Vin niya saka nagpadala ng mensahe kay Devin. Mga ilang sandali pa ay nagpapalitan na sila ni Devin ng text message. Natapos lang iyon ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ng mama niya.
            "Bakit po, `Ma?" Tanong niya kaagad ng makalapit siya rito.
            "Anong oras ka nga ulit aalis?"
            "Mga nine po," aniya. "Bakit n'yo po natanong?"
            "Wala naman. Anong oras ka uuwi?"
            "Mga eleven o kaya twelve po. Hindi pa sigurado."
            "Saan ka ulit pupunta?"
            "Sa MAB po. Inimbitahan kasi ako ng isang kaibigan na panoorin `yong pagtugtog nila."
            "Ano ang pangalan ng kaibigan na `yan?"
            "Devin po."
            "Maaasahan ba `yon?"
            Sa mga tanong ng mama niya, hindi niya maiwasan ang mapakunot ng noo. Para lang itong pulis kung makaasta. Nang lumampas ang paningin niya sa mama niya ay nakita niya ang kapatid na si Clyde. Nakangisi ito. Alam na this! Ito na naman siguro ang nanggatong para magtanong ng maigi ang mama nila. Sinasabi na nga ba niya.
            "`Ma, mapagkakatiwalaan po ang taong iyon. Isa po siya sa scholar sa school namin saka madiskarte sa buhay."
            "May gusto ka siguro r'un." Ani Clyde.
            Pinaningkitan niya ito ng mata. "`Wag ka ngang sumabat. Panira ka talagang Claudio ka."
            "Pasasamahan kita sa kalatid mo, Hyde."
            "`Ma!" Mariing tanggi niya. "Hindi ako babae. Kaya ko po ang sarili ko, hindi ko kailangan ng chaperone."
            "Chaperone? Ano `yon date?" Pagsingit na naman ni Clyde.
            "Bakit? Ginagamit lang ba na salita ang chaperone kapag may date?" Defensive na sabi nkya.
            "`Wag kang defensive uy! Napaghahalata ka tuloy."
            "Baliw ka! Anong mahahalata sa akin?"
            "`Yong mahahalata." Sarkastiko nitong sabi.         
            "Tumahimik nga kayong dalawa. Ang ingay n'yo. Sige, Hyde. Hindi na kita papasamahan kay Clyde. Basta mag-iingat ka. Ikaw naman, Clyde, gawin mo ang dapat mong gawin. Ikaw ang nakatoka sa paghuhugas ngayon, hindi ba?"
            Tumango si Clyde. Binelatan niya ito ng pasimple.
            "Gawin mo na para maaga kang matapos."
            "Okay `Ma," anito saka naglakad palapit sa kanya.
            Hindi naman siya nakaharang ngunit binangga nito ang balikat niya. Sadyang sinadya nito na gawin iyon. Pasaway talaga.
            "Mag-iingat po ako, `Ma. `Wag po kayong mag-alala."
            "Aasahan ko `yon."
            "Makakaasa po kayo."


"ANONG KANTA ba ang pwedeng kantahin ko para kay Hyde?"
            Mula sa ginagawa ng mga kasama niya, napabaling ang mga ito sa kanya. Nasa loob sila ng bahay nina Brax. Nagyaya ito roon para sa birthday celebration nito. Isang simpleng handaan lamang iyon. Para sa pamilya at malalapit na kaibigan ni Brax. Eighteen years old na ito. Si Chris ay nauna nang umalis dahil may pupuntahan daw ito. So bale, si Vienne at si Coby na bestfriend ni Brax, si Theo na abala sa pagkain ng spaghetti at si Brax na kumakain naman ng kakanin na ginawa ng mama nito.
            "Kakantahin mo ba mamaya?" Tanong ni Vienne.
            "Yup."
            "Hanap ka na lang," ani Brax na tila walang pakialam saka sumubo ng kakanin.
            Hindi naman nagsalita si Theo at Coby na abala sa mga ginagawa ng mga ito.
            "Wala akong maisip."
            "Ano bang paborito na kanta n'un?" Tanong ni Theo. "Potek `yan. Sa tagal ng panliligaw mo sa kanya hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang Hyde na `yan. Na-ku-curious na ako ng masyado."
            "Hindi ko alam kung ano ang paborito niya." Natawa siya. Hindi pa nga talaga nakikita ni Theo si Hyde. Puro kwento lang siya.
            "Nakita na namin siya. Actually, kaibigan ko na nga si Hyde." Ani Vienne.
            Napabaling siya rito. "Paano?"
            "Matagal na rin. Basta kaibigan ko na siya pati ni Brax. Hindi ba, Brax?"
            "Ewan ko sa `yo, Vienne. Ikaw lang naman ang lumapit d'un eh."
            Napasimangot si Vienne saka siniko si Brax na nagpaigik dito. Natawa na lang siya pati si Coby.
            "Tulungan n'yo ako na maghanap ng kanta. Any suggestion?"
            "Hanap ka sa kanta ng Westlife." Ani Theo. Nakangisi.
            "Wala bang iba? Fan ka ba ng Westlife?"
            "Hindi. Naisip ko lang naman."
            "Sa kanta ng One Direction, 5 Second of Summer, Before You Exit, Linkin Park, The Wanted, The Vamps, o kaya naman sa kanta ng Aerosmith, Beegees, Air Supply, Fra Lippo Lippi, Menudo, Journey, o `yong mga iba pa." Sabi ni Coby.
            "Nakakatawa. Sabi ko kanta, hindi `yong mga kumanta."
            "Try mo ang My Guardian Angel," ani Vienne. "Red Jumpsuit Apparatus iyon."
            "Jenny ng ClickFive. Palitan mo na lang `yong 'Jenny' ng 'Hyde'," ani Brax.
            "Umayos nga kayong dalawa ni Theo, Brax." Medyo naaasar na sabi niya.
            Tumawa lang ang dalawang kabanda niya.
            "Like a Rose." Ani Coby.
            "Panget."
            "Best in Me." Ani Vienne.
            "Ayoko."
            "Angel of Mine." Ani Theo. Sa pagkakataon na iyon, seryoso na.
            "My Heart Will Go On," ani Brax.
            Tiningnan niya ito ng masama saka nag-peace sign.
            "Angel of Mine. Pwede na rin." Sabi niya. "May iba pa ba?"
            "Heaven By Your Side." Vienne suggested.
            "Will it fit?"
            "Hindi ko alam."
            "Its The Way You Make Me Feel ng Steps," ani Vienne.
            "Hindi bagay."
            "Thunder." Ani Coby.
            "Linger." Ani Theo.
            Hindi niya ito pinansin.
            "Creep." Sabi ni Brax na natatawa.
            "Isa pa talaga, Brax." Pagbabanta niya.
            Natawa ito.
            "Zombie." Ani Theo.
            "Mga bwisit kayo. Seryoso ako dito."
            Tumawa lang ang mga ito na sinabayan din ni Coby. Napapailing na lang siya. Mga pasaway lang talaga.
            Naisip niya na pwede ang Angel of Mine at Heaven By Your Side. Pagpipilian niya ang dalawa. Alam naman niya ang chords niyon. Bahala na mamaya. Basta aalayan niya ng kanta si Hyde. Isang sorpresa iyon.
           

"SAMAHAN NA kaya kita."
            Isang masamang tingin ang ibinigay ni Hyde kay Clyde. Nagsusuot siya ng damit ng magsalita ito. Kanina pa nakasunod ang tingin nito sa kanya habnag nagbibihis siya ngunit ngayon lang ito naglakas ng loob na magsalita.
            "Ayoko. Sabi ko nga, hindi ko kailangan ng chaperone. Kaya ko ang buhay ko, Clyde."
            "Bakit ba ayaw mo akong pasamahin? Manonood ka lang naman ng gig. Makikinig sa tugtugan. Kung iinom ka naman, hindi kita pipigilan. Iinom din naman ako.  `Yong totoo, Hyde? May itinatago ka ba sa akin."
            "Umaandar na naman ang pagiging intrigero't tsismoso mo, Clyde. Wala akong tinatago. Ayoko lang na makasama ka ngayon. Hindi ko trip."
            Sumimangot ito saka siya binato ng unan. Agad naman niyang nailagan iyon.
            "Umayos ka nga! Maghanap ka ng ibang bagay na gagawin. Nambubwisit ka na naman. Para kang si Ja--."
            Natigilan siya nang ma-realize na babanggitin niya ang pangalan ni Jake.
            "Para akong si Ja? Sinong Ja?" Kunot ang noo na sabi nito.
            "Para kang si Jacken, `yong character sa InuYasha na sidekick ni Seshomarou na naiinggit kay Rin." Palusot niya.
            "Parang nanonood ka naman ng InuYasha."
            "Oo naman! Paborito ko kayang anime `yon."
            "Weh? Baka Sailormoon at Akazukin Chacha ang gusto mo. O kaya naman `yong mga bago ngayon Date a Live, Kokoro Connect, Mirmo De Pon, Yumeiro Patissiere at mga iba pang shoujo?"
            "Baka ikaw. Ikaw yata ang may gusto n'un, sa akin mo pinapasa."
            Sinimangutan lang siya ulit nito. "Anong oras ka ba uuwi?"
            "Si mama ka ba? Sinabi ko na kay mama kung anong oras ako makakauwi. `Wag ka nang mag-usisa pa."
            "Nagtatanong lang."
            "`Wag kang magtanong."
            "Ang sungit mo yata ngayon. Halatang may itinatago ka."
            Hindi niya ito pinansin saka nagtungo sa pintuan. Bubuksan na sana niya iyon nang magsalita si Clyde. "Kapag may nalaman ako sa itinatago mo. Isusumbong kita kay mama."
            Hayst! Bahala na nga ito sa buhay nito. Pasaway na intrigerong kakambal.


MALUWANG NA napangiti si Devin nang makita ang papalapit na si Hyde. Nasa labas siya ng MAB. Sadyang hinihintay ang pagdating nito. Ngumiti ito nang makita siya. Simple lamang ang suot nito ngunit para sa kanya ay mas lalo itong gumwapo. Siyempre, hindi naman siya pahuhuli rito. Pinaghandaan niya ang araw na ito, rather ang gabing ito para magpa-impress kay Hyde.
            "`Buti nakarating ka," aniya.
            "Siyempre naman. Kahit walang pangako. Talagang pupunta ako rito. Gusto ko rin naman kasi na makita kayong mag-perform, lalo ka na. Lahat naman kayo kumakanta, hindi ba?"
            Tumango siya. "Oo. Kumakanta naman kami lahat pero si Chris ang may pinakamagandang boses sa amin."
            "Ah. Well. Hindi ko pa naman naririnig boses niyo kaya hindi muna ako huhusga." Anito natatawa.
            Natawa na rin siya. "Tara. Pasok na tayo."
            "Okay. Pang-ilan kayo tutugtog?"
            "Pangalawa sa paghuli. So bago `yon mangyari, dito muna ako sa tabi mo. Ano bang gusto mo?"
            Ipinaghila pa niya ito ng upuan para makaupo na nagpailing lang kay Hyde.
            "Hindi mo na dapat ginawa `to," anito.
            "Okay lang. Hindi ka na nasanay."
            "Ang lapit ko sa stage, ah."
            "Siyempre. Para sa `yo naman talaga laan ito, eh. Ano bang gusto mong kainin?"
            "Kahit ano na lang, Devin. Salamat."
            "Okay."
            Pareho nilang pinanood ang banda na nagpe-perform sa stage. Masaya si Devin sa nakikitang nag-eenjoy si Hyde sa mga iyon. Sinasabayan pa nito ang bawat beat pati ang kanta.
            "Mahilig ka bang makinig ng music?" Usisa niya.
            "Oo. Kahit anong genre basta maganda ang lyrics, okay sa akin."
            "Ah." Aniya, napatango.
            "Ano bang paborito mong kanta?"
            "Wala naman." Anito. Saglit na nag-isip. "Nasa playlist ng phone ko `yong kanta ng 1D, pati ng 5SOS at iba pa."
            "Ah. So. Wala kang paborito?"
            "Wala. Okay naman lahat ng kanta. I'm enjoying every songs. Pero sabi nila, mas dama raw ng tao ang isang kanta kapag malungkot."
            "Sabi nga ng ilan," pagsang-ayon niya.
            Dalawang banda pa ang tumugtog bago ang banda ni Devin. Nang sila na ang tutugtog. Nagpaalam na siya kay Hyde. Sakto naman na dumating si Vienne kasama si Coby kaya hindi ito mag-iisa doon.
            "Galingan mo, Devin!" Natutuwang sabi nito.
            "Para sa `yo. Ayoko namang mapahiya sa pag-iimbita ko sa `yo dito."
            Natawa na lang siya ng mamula ang mukha nito saka yumuko. "Goodluck."
            "Salamat. Sana mag-enjoy ka sa performance namin."
            "Oo naman. Ikaw pa! Malakas ka kaya sa akin."
            Pagkatapos niyon, nagpunta na siya sa backstage para maghanda. Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay sa kanya ni Theo.
            "Infairness, gwapo siya." Anito.
            "Gwapo naman talaga si Hyde."
            "`Di ikaw na." Sabi nito.
            "Maghanda na tayo," ani Chris.
            Sabay-sabay silang sumagot saka nagpuntahan sa stage. Nang makaakyat sila, nakarinig sila ng malakas na palakpakan. Siyempre, bilang leader. Nagsabi si Chris ng kung anu-ano tungkol sa kanta na kakantahin nila.
            They started to play their intruments.

Lately I been, I been losing sleep
Dreaming about the things that we could be
But baby, I been, I been prayin' hard
Said no more counting dollars
We'll be counting stars
Yeah, we'll be counting stars

Umpisa ni Chris. The crowd started to cheer. Naiiba kasi ngayon ang kanta nila. Medyo may buhay kaysa sa nakasanayan ng parokyano na kinakanta nila. Iyong uri ng kanta na pang-sawi lang.
            Ang mga sumunod na sandali. Ang buong atensyon niya ay nabaling sa pagtugtog. At pagkatapos ng kantang ito. Siya na ang susunod.


ENJOY NA ENJOY si Hyde sa pakikinig sa magandang boses ni Chris. Sumasabay din ang ulo niya sa beat ng kanta na kinakanta nito. Nasa second voice lang si Devin pati ang iba ngunit masasabi niya na maganda ang boses ng mga ito. Ngunit ang mata niya ay nakatutok sa tumutugtog ng gitara sa kanang bahagi ng stage. Tutok na tutok ang atensyon nito roon. Nang mag-angat ito ng paningin, nagtama ang paningin nila. Ngumiti ito na nagpangiti rin sa kanya. Habang tinitingnan niya si Devin ay mas lalo siyang humahanga sa mga bagay na natutuklasan niya rito. At ang nararamdaman niya..
            Naghiyawan ang mga tao ng matapos ang unang kanta ng The Gravity. Ang sabi sa kanya ni Devin, isang kanta lang ang kakantahin ng mga ito kaya nagulat siya ng magsalita si Chris.
            "Ang susunod po ay solo performance mula sa isang ka-grupo ko. Si Devin po ang susunod na kakanta. Palakpakan po natin siya."
            Gulat na napatingin lang siya kay Devin. Kinindatan siya nito. Nagsialisan naman ang tatlo sa stage at naiwan nga si Devin doon na pumwesto sa gitna ng entablado.
            "Magandang gabi po sa lahat. First time ko po ito na tumugtog at kumanta ng mag-isa sa stage na ito." Nagkamot ito sa tungki ng ilong. "Ninerbiyos po ako, aaminin ko iyon."
            Nagtawanan ang ibang audience. Nagpaswitan naman ang iba. Siya naman ay tulalang nakatingin kay Devin. Parang may alam na siya sa gagawin nito.
            Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Pero wala pong puwang dapat ang nerbiyos ngayon dahil ang gagawin kong ito para sa taong mahalaga sa akin."
            Napapikit si Hyde nang tumama sa kanya ang spotlight. Nakatutok iyon sa kanya na naging dahilan para pagtinginan siya ng ibang parokyano ng bar.
            "Hyde, para sa `yo `to. I love you."
            And Devin start strumming his guitar. Pamilyar sa kanya ang tugtog na iyon. Then he started singing.

You and I cannot hide
The love I feel inside
The words I need to say
I feel that I always walked alone
But now that you're here with me
There'll always be a place that I can go

Ang mga naunang lyrics ay puno ng emosyon. Idagdag pa na visible sa mukha ni Devin ang emosyon habang nakatingin sa kanya. Parang biglang nawala ang ibang tao. Parang sila na lang ni Devin ang tao sa loob ng establisiyemento na iyon. Ang tingin nila sa isa't-isa ay hindi mawala. The connection is..

Suddenly our destiny has started to unfold
When you're next to me
I can see the greatest story love has ever told

Bumalik sa alaala niya ang unang pagkikita nila. Dahil sa mahina niyang sense of direction kaya sila nito nagkita. Nang aksidente niyang mabuksan ang pinto ng music room habang tumutugtog ito ng gitara. Greatest story love has ever told..

Now my love is blessed with the love of an angel
How can it be true?
Somebody to keep the dream alive
The dream I found in you
I always thought that love would be the strangest thing to me

Somebody to keep that dream alive. Siya ang somebody na iyon para kay Jake. Nakakatuwang malaman iyon. Ganoon din naman sa kanya ito. Sino ang mag-aakala na ang crush niya, liligawan siya? Magkakagusto sa kanya at sasabihan siya ng 'I love you' sa harap ng maraming tao kahit na marami ang lilibak sa naiibang uri ng pagmamahalan.
            Dati, hanggang tingin lang siya rito. Hanggang paghanga lang. Ngunit ngayon..

But when we touch, I realize
That I finally found my place in heaven by your side
That I finally found a place in heaven by your side

Heaven. Iyon din ang pakiramdam niya tuwing kasama ito. Sabi nga nito sa kanya, siya at ito lang ang mahalaga kaya wala silang pakialam sa iba lalo na silang dalawa. Inulit ni Devin ang mga naunang lyrics. 
            Ang puso ni Hyde ay sobrang naliligayahan. Tila anumang oras ay sasabog sa sobrang emosyon ng katuwaan na ipinadama sa kanya ni Devin.
            Nawala siya sa mahikang nakabalot sa kanila ni Devin ng matapos nito ang kanta kasunod ang masigabong palakpakan mula sa taong nandodoon.
            "I hope you like it, Hyde. I love you." Anito.
            May narinig siyang sumigaw ng 'sagutin mo na `yan'. 'Ang haba ng buhok mo'. 'Nakakakilig'.
            Nahihiyang napayuko siya. Napakamot naman sa tungki ng ilong si Devin.
            "Hindi ko ito ginawa para sagutin ako ni Hyde," umpisa nito. "Hindi po ako nagmamadali na sagutin niya. Nasa estado pa lang po kami ng pagkilala sa isa't-isa. Kaya kong maghintay sa magiging sagot niya. Ang ginawa ko po ay para malaman niya kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano po siya kahalaga sa akin."
            Napapayuko na lang si Hyde. Alam niya na lahat ng tingin ay nakapako sa kanya. Nakadama siya ng pressure ngunit agad din namang nawala iyon sa mga sinabi ni Devin. Aaminin niyang kinilig siya sa ginawa nito. Nag-reminisce nga siya, hindi ba? Pero pakiramdam niya, hindi pa siya handa sa pagtaas ng level ng relasyon nila kahit alam niya kung ano sa kanya si Devin. May mga factors kasi siyang isinasaalang-alang.
            "Hindi kita pini-pressure, Hyde. Alam ko na marami akong panahon, oras at araw para maipadama sa `yo kung gaano ka kahalaga."
            Nagpalakpakan ang mga taong nandodoon.
            "Salamat po." Anito.
            "Bumaba na si Devin, Hyde. Wala na sa `yo ang spotlight." Saka pa lamang nagtaas ng paningin si Hyde sa sinabi ni Vienne.
            Nakangiti ito.
            "Kinabahan ako r'un."
            "Nakakakilig ang ginawa niya, ano?" Anito. "Kung may nga taga-hanga lang siya rito na babae mula sa campus natin, tiyak ko na maghuhuramentado ang mga iyon."
            Nangiti na lang siya. "Ang sweet niya."
            "Alam ko. Alam mo bang nagtanong siya sa amin ng kakantahin niya para sa `yo. He really prepared his self for this night, Hyde. Ang swerte mo."
            "Swerte ka rin naman kay Brax, ah." Aniya.
            Nag-iwas ng tingin si Vienne nang mamula ang mukha nito.
            "Hi-hindi kami ni Brax. Bestfriend lang kami."
            "Sinabi mo eh." Aniya.
            "Nilalagay mo ako sa alanganin, Hyde." Anito. Natatawa ngunit hindi maipagkakaila ang pagkailang.
            "Nagbibiro lang ako," aniya.
            "Alam ko." Sagot nito. "Sige, punta muna ako sa CR." Paalam nito.
            Sinundan na lamang niya ito ng tingin. Sa kakasunod niya rito ng tingin. Nakita niya ang isang pamilyar na mukha na hindi niya naisip na makikita doon.
            Nang magtama ang paningin nila. Nag-iwas agad ito ng tingin ngunit ang lungkot sa mukha nito, ang luha sa sulok ng mata nito.. hindi maipagkakaila.



ITUTULOY..

12 comments:

  1. Ang haba nga ng hair ni hyde. Manang-mana talaga kay kuya Vin nya haha. wawa naman ni jake. may duda ako na magkakaayos din si jake at hyde. diko lang alam kung kelan. salamat sa update.

    bharu

    ReplyDelete
  2. ang sweet naman :) #kiligmuch . Kaso nakaka awa si Jake. Author pwede bang si Clyde at Devin na lang hahaha :D parang mas bagay yung personality nila isang tahimik at isang ususero :D TeamJakeAllTheWayAko. Love will find a way Jake!!! Aja lang fight :D

    ReplyDelete
  3. Grabe naawa ako kay Jake huhu pero dahil sa sinabi mo na bibigyan sya ng chance ni Hyde medyo natuwa ako haha sana naman mangyare na yun haha

    infairness nakakakilig sila Devin at Hyde hihi kaso medyo bitin haha sana next update mahaba plsplspls

    -44

    ReplyDelete
  4. Te-teka O___o ano daw yung pangalan nung isang kapatid ni Hyde? Namamalikmata ata ako e. Lol

    ReplyDelete
  5. Luh ang galing kapangalan ko nga. Haha astiiig! :))

    ReplyDelete
  6. niCe cHapter hOw niCe? 2nd fAvorite Story ko to...
    kxi inAabnGan ko dIn just for a moment....

    ReplyDelete
  7. Wawa naman si Jake. Papano na yung feelings nya? Mapunta na lang kaya sa ere? Thanks sa update Vienne boy. Take care.

    ReplyDelete
  8. Grabe na to Hyde sagutin mo na yan. Author kawawa naman si Jake Pero mag kakaayos din sila. Devin kaw na talaga I'm waiting for the next update.

    ReplyDelete
  9. Waaaah!! Hanggang kelan mo papahirapan si Jake, mr. Author?? Haha. Nakakaawa na eh. Haha. Medyo nabitin ako. Excited na ako sa next chapter :D

    ReplyDelete
  10. Lola Fe ang cool mo.. Haha.. Peyburet mo mga 1 Directions pla..lol kla ko sila Elvis Presly..

    Kung Ako ba sya.. Yan ang theme song ni Jake ngayon..haha..
    Haba hair Hyde pagupit kna.. Haha ..

    ReplyDelete
  11. Harold ang pangalan ng bida..
    Hahaha kapangalan ko pa. Hehe

    #Harold Gaje

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails