Followers

Thursday, January 29, 2015

String from the Heart [1]




CHAPTER ONE

ISANG malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Hyde bago tumingala at tingnan ang arko ng bagong school niya kung saan nakalagay ang malaking pangalan niyon.
            University of Rizal..
            Ang walang tunog na pagbigkas niya sa pangalan niyon. New school. New environment. New classmates. Lahat bago at alam niya na maninibago talaga siya. Mas malaki kasi ang school na papasukan niya ngayon kaysa sa state university na pinasukan niya sa probinsya noong doon pa sila nakatira.
            Excited ba siya? Oo. Siguro. Malamang, hindi rin.
            Ang totoo ay hindi siya excited dahil sa ideyang siya na lang ang papasok nang mag-isa sa bagong school niya. Hindi na niya makakasama ang kakambal na si Clyde sa araw-araw na pagpasok. Ngayon lang kasi siya malalayo sa kakambal niya. Sa tagal ng pagsasama nilang magkapatid, mula elementarya hanggang high school ay ngayon lang ito mangyayari sa kanila. Hindi pa naman siya sanay na nag-iisa. Nasanay na siya kasi na palaging nasa tabi niya si Clyde.
            Iba kasi ang kursong kinuha ni Hyde sa kurso ni Clyde. Meron rin naman niyon sa URS ngunit mas pinili ni Clyde na mag-aral sa Saint Ambrose University o mas kilala sa tawag na SAU.
            Nalulungkot at nag-aalala siya sa pwedeng kahinatnan ng unang araw niya sa bago niyang school bilang freshman student.
            Ang dalawang pakiramdam na naghahari sa kanyang puso ay nagbibigay sa kanya ng uneasiness. Hindi siya sanay sa ganito. Aaminin niya na sa kanilang dalawa ni Clyde ay ito ang mas matapang. Siya ang madalas na ipinagtatanggol nito dahil siya ang madalas na nasasabak sa mga taong mahilig mam-bully.
            Mahinhin siyang kumilos kaya naman ay madalas siyang asarin ng mga mahilig mang-asar na 'bakla'. Madalas na iyon ang napupuna sa kanya. Wala naman siyang ginagawa na aksyon tungkol doon. Para sa kanya ay hindi na kailangan. Lately lang niya na-realize, nang makita niya ang Kuya Vin niya na kasama ang Kuya Joen niya na magkasama, na attracted siya sa same-sex, kahit na attracted rin siya sa opposite sex. Dahil sa nakita niyang pagmamahalan sa pagitan ng Kuya Vin at Joen niya ay na-realize rin niya na pwede pala ang magkaparehong kasarian magmahalan. Sabihin na may tututol doon pero kapag mahal mo ang isang tao at kapag usapin na pampuso ay wala kang pakialam sa sasabihin ng iba. Siya at ang taong mahal mo lang ang mahalaga.
            Alam naman niya na walang kaso sa pamilya niya, lalo na sa mama niya kung katulad siya ng Kuya Vin niya. Tanggap siya ng mga ito. At isa pa ang pagiging parte ng ikatlong kasarian ay wala namang masama. Oo, sa ibang tao na makikitid ang utak ay laging mabibigyan ng malisya ang katulad nila. Laging makikita na masasama sila pero naiisip niya na bakit niya iintindihin ang sasabihin ng ibang tao samantalang wala namang kaso sa pamilya niya kung ano siya.
            Nagpapakatotoo lang naman siya sa sarili. Kung pipigilan niya kasi iyon ay siya lang naman ang mahihirapan. At ang ganoon na bagay ay ayaw niyang mangyari sa kanya.
            Nag-umpisa na siyang maglakad papasok sa bago niyang school. Huminto siya saglit saka bumunot ng malalim na paghinga. Mula sa kanyang likuran ay may bumangga sa kanya. Dahilan para mawalan siya ng balanse na kamuntikan pang maging sanhi ng pagkakadapa niya. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya at nakatayo siya agad.
           Nang matiyak niya ang kalagayan niya, nakatayo na siya ng tuwid. Kinalma niya ang sarili. Hinarap niya ang taong nakabangga sa kanya. Walang makikita na emosyon sa mukha niya.
            Nakatingin rin sa kanya ang lalaki.
            "``Wag ka kasing haharang-harang sa daan. Alam mo naman na daanan ito talagang nakaharang ka pa."
            Mababakasan ng sobrang iritasyon ang mukha nito pati ang paraan ng pagkakasabi nito sa mga salitang iyon. Maliban kasi sa pagkakabangga nito sa kanya ay natapunan pa ang damit nito ng malamig na inumin na hawak nito. Sa kabilang kamay naman nito ay nakita niya ang cellphone nito.
            Gusto niyang sagutin ito kaso pinigilan niya ang sarili. Hindi niya ito kilala. Baguhan pa lang siya sa URS at hindi niya kilala kung anong klase ng estudyante meron ang URS. Isa pa ay ibang lugar na ito. Malaki ang pagkakaiba ng probinsya nila sa lugar na ito lalo na ang mga tao. Anong malay niya? Baka kasali ang lalaking ito sa gang o kaya sa fraternity. Mahirap na. Baka sa isang mali niyang kilos ay mapahamak siya. Kailangan niyang mag-ingat. Iyon ang palaging itinatanim niya sa isipan. Lalo na at wala siyang kilala sa bagong school.
            "Ano ba naman `yan? Pipi ka ba? Bakit pumayag ang URS na magpapasok ng katulad mo dito sa school? Kung hindi ka sasagot, pwede pakitabi na lang. Nakaka-badtrip! Ang aga-aga, kamalasan kaagad ang sumalubong sa akin. Sa tapat pa talaga ng school," palatak nito.
            Humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng bag na nakasukbit sa balikat niya. Nakakainsulto ang lalaking ito! Wala itong karapatan na hamakin ang mga katulad ng sinabi nito kahit na hindi siya kabilang doon. Ang pagtitimpi niya ay hinabaan niya. Ang inis na nararamdaman niya para dito ay ibinaling na lang niya sa higpit ng pagkakahawak niya sa strap ng kanyang bag.
            Isinisiksik rin niya sa isipan na kailangan niyang mag-ingat. Magpakumbaba kahit na alam niyang wala siyang kasalanan. Well, partly ay may kasalanan naman talaga siya pero hindi tama na sa kanya nito isisi ang lahat. Pareho silang may kasalanan na dalawa. Kung hindi ito nagte-text habang naglalakad, sana ay nakita siya nito na nakaharang sa daan at naiwasan siya.
            "I'm sorry," sabi niya. Iyon lang ang tanging nasabi niya saka yumuko at tumabi.
            Bago siya yumuko, nakita niya ang pag-ismid ng lalaki. "Marunong ka palang magsalita. Hindi ka sumasagot. Sa susunod mag-ingat ka para hindi ka makaabala," anito. Sarkastiko ang pagkakasabi. "`Wag kang haharang-harang sa susunod."
            Nilampasan siya nito.
            Nang likuran na nito ang nakikita niya. Binigyan niya ito ng isang masamang tingin. Simpleng pag-irap na alam niyang hindi nito makikita.
            Inumpisahan niya ulit ang paglalakad nang makalayo na ito sa kanya. Kahit na natatakot siga, kailangan niyang maging matatag. Ganito naman kasi talaga kapag unang araw ng klase. Talagang maiilang ka. Alam niya na mapaglalabanan niya ito.
            Kailangan lamang niyang mag-ingat sa mga katulad ng lalaking nakasalubong niya. Ngunit alam ni Hyde na may ibang estudyante sa school na ito ang mababait. Mahahanap at makakasalamuha rin niya ang mga iyon pagdating ng panahon.
            Muli siyang bumunot ng isang malalim na paghinga.
            Habang maaga pa, kailangan din niyang sanayin ang sarili na nag-iisa. Wala si Clyde para back up-an siya sa oras na may mam-bully sa kanya. He just need to be strong. At isalugar ang mga bagay-bagay sa paligid niya.


DAHIL sa malaki ang school building na kinaroroonan ni Hyde. Nahirapan siya sa paghahanap ng classroom niya para sa kanyang unang klase. Nagkandaligaw-ligaw siya.
            Sinipat niya ang suot na relong pambisig. Alas otso na ng umaga! Late na siya ng sobra sa unang klase niya. Unang araw pa naman ng klase at ito ang nangyari. Schucks! Grabe naman ang kamalasan niya.
            Una ang lalaki na nakabangga niya.
            Pangalawa ang pagkakaligaw niya sa school biulding na ito.
            At pangatlo, ito nga! Ang pagkaka-late niya.
            Kung sakali naman na papasok pa siya, in case na mahanap niya ang classroom, baka mapahiya siya ng titser niya. Malay ba niya kung terror ang teacher na iyon. Hindi niya keri ang ganoon. Hindi siya sanay na maging laughing stock ng buong klase dahil lang sa simpleng pagkaka-late.
            Masyado kang negative. Kontra ng bahagi ng utak niya.
            Hindi niya maiwasan ang maging negative. Maiiwasan ba niya iyon? Wala pa naman siyang alam sa kung ano ang ugali ng mga professor sa school na ito.
            Tapos na si Hyde na tumingin sa first floor ng school building na kinaroroonan niya. Patapos na rin siya sa second floor. Nasa ikatlong floor na siya, nagbabakasakali na mahahanap doon ang room sa unang subject niya. Inisa-isa niyang tingnan ang room number.
            Wala pa rin!
            Hindi niya maiwasan ang ma-frustrate sa kamalasan niya.
            Humantong na siya sa pinakadulo ng pasilyo na iyon. Naagaw ang atensyon niya ng tugtog ng isang gitara. Sa tingin niya ay doon nanggagaling ang tunog. Dahan-dahan siyang nagtungo sa harap ng pintuan. In a slow manner, he open the door. Mula sa siwang ng pintuan, malaya niyang nakita ang hitsura ng taong tumutugtog.
            Nanlaki ang mata niya nang mapagsino ang taong iyon. Isa sa miyembro ng The Antagonist ang tumutugtog. Si Devin Dela Cruz iyon! Isa ito sa hinahangaan at tinitilian na miyembro ng nasabing grupo. Well, lahat naman ng miyembro ng The Antagonist ay sikat dahil sa kanya-kanyang looks ng mga ito na walang maitulak-kabigin. Bukod pa doon ay talented ang mga ito. Ngunit naging kontrobersyal ang grupo dahil sa naiibang kulay ng pag-ibig ng mga ito. Well, sa pagkakaalam niya ay na-inlove ang ibang miyembro ng grupo sa kapwa lalaki at proud ang mga ito roon. Well, wala naman kasing mukha ang pag-ibig. Lahat ay pwede basta kayang mapanindigan.
            Sa pagkakaalam din niya. Ang pangalan ng mga miyembro ng The Gravity ay sina Christian Castillo, Brax Garcia at Timotheo Perez at panghuli at para sa kanya ay may pinaka hitsura ay si Devin Dela Cruz.
            Nalaman niya iyon mula sa isang kaibigan. Bukod pa doon ay may nakita na rin siyang video ng mga ito sa Youtube. Kuha iyon n'ung minsan na tumugtog ang mga ito sa Battle of the Bands kung saan nanalo ang mga ito.
            Dahil sa sobrang fascination niya sa nakikita at pakikinig sa malamig na boees ni Devin, nawalan siya ng balanse. Sanhi para maitulak niya ang pintuan at makalikha ng ingay na nagpatigil sa pagtugtog at pagkanta ni Devin. Nakuha niya ang atensyon nito.
            Bahagya pa titong nagulat sa pambubulabog niya.
            "I-i'm sorry. Na-naistorbo kita," nahihiyang sabi niya.
            Baka magalit ito sa kanya. May alam pa naman siyang tao na kapag naiistorbo sa ginagawa ay nanininghal at nagagalit. Baka isa si Devin sa ganoon. Kailangan niyang gumawa at makapag-isip ng palusot para hindi nito malaman na eavesdropper siya. Kahiya-hiya iyon! At para na rin kabawasan sa galit nito. Kung sakali?
            "May kailangan ka ba?" Tanong nito sa kalmanteng tinig.
            Ikinagulat niya iyon. At the same time ay ikinahinga ng maluwag. Hindi naman ito nagalit pero kailangan niyang magpalusot. At tamang-tama dahil nagtanong na ito.
            "Me-meron."
            "Ano `yon?"
            Kinalma muna ni Hyde ang sarili bago magsalita. "Pwede bang magtanong kung saan ang room 308 sa building na ito?"
            Mula sa kinauupuan nito, tumayo ito. Naglakad palapit sa kanya.
            "Alam ko `yon. Pero hindi sa building na ito. Siguro namali ka ng napuntahan. Bagong estudyante ka ba rito?"
            Agad siyang tumango. Nakakadama pa rin siya ng hiya. Sa pang-iistorbo niya rito pati sa pagkakaharap nilang dalawa. Maituturing na malaking tao si Devin sa paaralan na ito.
            "New student at transferee."
            "Kaya pala," anito. Half smiling. "Welcome sa URS." Magiliw na sabi nito.
            Sandali siyang natigilan sa pagkakatingin dito. Shemay!  Gwapo na ito kapag nasa serious mode ngunit mas nagiging magandang lalaki sa pagngiti. Pantay-pantay at mapuputi ang ngipin ng lalaki. Parang modelo ng toothpaste. Hahays!
            Nang mapansin nito na nakatingin siya sa mukha nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Mapaghahalata na may crush siya rito.
            "A-akala ko kasi nandito `yon."
            "I understand. Madalas naman talagang may naliligaw dito. Usually `yung mga first timer pa."
            Sinabi ni Devin sa kanya ang direksyon patungo sa kinaroroonan ng hinahanap niya na classroom. Mabuti naman at klaro ang pagbibigay nito ng direksyon. Hindi siya maliligaw. At salamat din dahil kahit na malapit ito sa kanya, hindi siya na-distract. Slight lang.
            "Salamat," aniya.
            Ngayong alam na niya ang direksyon ng hinahanap niya. Wala na siyang balak na pumasok pa. Bukas na lang. Ang pangalawamg classroom na lang ang hahanapin niya para hindi siya ma-late.
            Nagpaalam na siya kay Devin. Ngunit nagulat siya nang pigilan siya nito. Humarap siya rito.
            "Ba-bakit?"
            "Hindi pa tayo nagpapakilala sa isa't-isa. I'm Devin Dela Cruz."
            "A-alam ko," aniya. "Sikat ka kaya sa school na `to, bukod pa r'on may video rin kayo sa Youtube."
            Nahihiyang napakamot ito sa tungki ng ilong nito.
            "Sabi ko nga, but I prefer to introduce myself in a proper way to you. So bear with it. Again, ako si Devin Dela Cruz."
            Natameme naman siya sa sinabi nito. May pagka masungit din pala ang lalaking ito. Pero in a nice way ang pagiging masungit.
            Natigilan siya.
            Meron ba n'un?
            "Harold Yde Ilagan," pagpapakilala niya.
            "Ang haba naman ng pangalan mo."
            Kung sa ibang pagkakataon, ipapakilala niya ang sarili rito sa pamamagitan ng kanyang nickname. Ngunit iba ang ginawa niya. Mas prefer niya ang magpakilala rito sa buong pangalan para matandaan siya nito. As if.
            "Wala ka bang nickname?" Sabi nito.
            "Mayroon."
            "Ano?"
            "Hyde."
            "Hide. As `yong nakatago?"
            Napangiti siya sa tanong nito.
            "Hindi. Pero taman naman ang pagkakabigkas mo, iyon nga lang ay hindi nakatago ang spelling ng pangalan ko. H-Y-D-E, iyon ang spelling ng nickname ko."
            "Ah." Tumatangong sabi nito. "H-I-D-E was okay. Hide."
            "Ikaw ang bahala," aniya.
            Masyadong magaan ang loob niya sa lalaking ito. Siguro dahil na rin sa may crush siya dito. Friendly din kasi ito.
            "Sige. Mauuna na ako. Nice meeting you."
            "Nice meeting din."
            Nagsimula siyang maglakad palayo rito. Ayaw pa sana niyang matapos ang pag-uusap nila dahil bihira ang ganitong pagkakataon. Commoner lang naman kasi siya samantalang royalty na maituturing si Devin. Baka nga pagkatapos nito ay hindi na siya nito makilala sa dami ng nakakasalamuha nito.
            Ganunpaman ay masaya siya. Halata naman siguro iyon sa lawak ng pagkakangiti niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng kanyang bag dala ng sobrang kasiyahan.
            Bumaba na siya ng hagdan.
            Nagulat siya nang tawagin ni Devin ang pangalan niya. Napahinto siya saka napatingin dito.
            "Bakit?"
            Tumakbo ito palapit sa kanya.
            "Bakit?" Ulit niya sa tanong nang makalapit na ito.
            "Sasamahan na kita sa pupuntahan mo. Baka maligaw ka na naman."       
            Natigilan siya. This things rarely happened to an ordinary student like him. Sino ang matinong tao na mag-o-offer ng ganito? Wala naman yata. O sadyang mabait lamang talaga ito. Ang kamalasan na nangyari sa kanya ay napalitan ng kabutihan ni Devin. Quotang-quota na siya mula sa kamalasan na napalitan ng kaswertehan sa pagkikita at pagkakaroon niya ng oras na makilala ito.
            Ngunit muli siyang natigilan. Bigla niya kasing naisip na hindi na pala siya pupunta sa classroom na iyon.
            "Huwag na," tanggi niya.
            "Bakit?"
            "Hindi na kasi ako papasok eh." Nahihiya niyang pag-amin.
            "Bakit?"
            "Nakakahiya kasi na papasok pa ako samantalang sobra na akong late. Isang oras na."
            "Come on."
            "Huh?" Clueless na sabi niya.
            Napangiti si Devin. "Sasamahan na kita sa classroom mo. I'll back you up. Ako ang mag-e-excuse sa `yo kung bakit ka na-late."
            "Huh? Hindi ba nakakahiya iyon. Maaabala pa kita."
            "Don't worry. Walang kaso `to."
            "Sigurado ka ba?"
            "1-0-1 percent."
            "Ikaw ang bahala. Sobra na akong abala."
            "Kanina pa kaya," pagbibiro nito.
            Napayuko siya. Sa pakiramdam niya ay biglang namula ang mukha niya. Nakalimutan niya na kanina pa pala niya ito naabala mula nang aksidente niyang mabuksan ang pintuan ng music room.
            "Sorry."
            "Walang kaso. Tara."
            "Sige."
            Magka-agapay silang maglakad pababa ng hagdan. Palabas sa building na iyon.

ITUTULOY…


Author’s Note

Minsan nakakatakot na mag-post dito sa blog. xD .. Nakakahiya na maka-disappoint ng reader kaya naman uunahan ko na kayo. This chapter.. well.. Hindi ko alam kung papasa ba ito sa panlasa ng iilan. Basta. Nakakatakot. Wahahaha

Bago pa ako pangunahan ng takot, lol. (Naunahan na nga). Babati na muna ako sa mga taong nagbigay ng comment sa teaser nito na sina:
Alfred of T.O.
K
44
Gilrex Laurente
Young Jc Sy (lol. Redundancy na `to, sa group ka na, eh..wahahah.. Anyways. Salamat sa paghihintay)
Tonette Jay Salvaña
YeahitsJM
Shai
Sa uulitin po na comment!! Lols.. SANA?

--at sa mga silent reader. Sa mga tao sa group. HELLO!! Salamat sa pagbabasa ng stories na ginawa ko.

Heto na po ang chapter 1.  :) ;)

19 comments:

  1. What the !!!

    Ngayon ko pang napansin ang pagkakamali ko.. Ang daming typos..


    Pasensya.. Tulog pa yata ang diwa ko ng ilagay ko to rito. Dispensa!!

    ReplyDelete
  2. Ayos lang nman hnd nman nahalata heheheh

    Hmmmf cno kaya ung nakabanga nia hahaha pero ok ngmeet n sila :)

    Shai™

    ReplyDelete
  3. Whooahh.. Chapter 1 pa lang lumalandi kna HYDE ah.. Hahaha. . Aral muna bgo landi.. Si Devin naman..paraparaan.com.. haha.. CAN'T WAIT FOR THE NEXT CHAPTER.. OK..NEXT PLEASE!.. haha

    ReplyDelete
  4. Ayos lang ung mga mali. Mukhang promising nmn ung kwento ee. Keep it up.


    Az

    ReplyDelete
  5. Ewan ko sa kanila. Basta ako, in my humble opinion, maganda ang pasimula. i am waiting for the next chapter, as sal. Thanks Viennie. Magaling ka na athor. How old are you?

    ReplyDelete
  6. Oo nga landian kaagan ang nangyari kakasimula plang dapat matpos ang kwento ganon parin sila ah author..... Nakakaingit kya

    Jharz05

    ReplyDelete
  7. Haha grabe tong si Hyde first day na first day kumokota na agad haha. Next chapter na agad!!! Can't wait mr. Author!!

    -44

    ReplyDelete
  8. ganon talaga pag bago pa lang nagsusulat ng kwento. kinakabahan talaga, pero dapat, nakahanda kang tanggapin yung mga maling puna para sa susunod mapagbubuti mona.

    bharu

    ReplyDelete
  9. Ka-apelyido ko pa naman si Devin. Take care Vi.

    ReplyDelete
  10. Okay another good story again author. I can't wait for the next update!

    ReplyDelete
  11. Hala no ba yan un na yun ei.., haist BITIN!!!!

    ReplyDelete
  12. Whoever is the author of gapangin... And ng final requirements..Pls tell him to update their stories more often! Natabunan na ng iba story mga story nila. Better yet make an announcement kung nsusundan pa update nila or kung matatapos pb nila story nila.. Its been months since their last update. Nkkhiya sa avid readers :-)

    ReplyDelete
  13. Hala. Ayan na umaariba si Devin.. Harot ni Hyde lagot ka sa kambal mo XD

    -vian

    ReplyDelete
  14. Alam mo ba kuyang author kakatapos ko lang basahin ying Fated Encounter mo nung isang araw. Haha. Nakaktuwa at naisip kong basahin yung Fated Encounter at least may back ground ako kay Hyde. Haha.

    Kinikilig pa din ako kay Joen hanggang ngayon. Charot. Hahaha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails