Followers

Thursday, January 15, 2015

Beat of my Heart Chapter 31&32



CHAPTER THIRTY-ONE

"KINAUSAP ako ni Tita Raquel, `ma."
            Walang balak magkwento si Vienne sa mga magulang niya pati kay Tito Santi. Pero sa mga nangyayari, gusto niyang kahit papaano ay mabawasan ang alalahanin niya. Iyon nga ang sabihin sa mga ito ang nangyayari sa kanya, sa relasyon nilang dalawa ni Brax.
            Parehong napatingin sa kanya ang mga ito. Agad niyang nakita ang pag-aalala sa mukha ng mga ito.
            "Anong sinabi niya sa `yo, Vienne?"
            "The usual things, `ma. Gusto niya pong layuan ko na si Brax. Nalaman na rin po ni tita na hindi kami totoong nag-break. Nag-aalala na po ako. `Yung huli naming pag-uusap, may pagbabanta na po sa boses ni tita. Baka po anong magawa niya sa relasyon namin."
           Hindi niya maiwasan ang sobang kahaban tuwing naiisip niya ang pwedeng gawin ni Tita Raquel. Ibang-iba na kasi ito. Parang anuman ay maaari nitong gawin masunod lamang. Hindi pati niya alam kung ano ang pwedeng gawin ng isang sugatan na puso.
            "Kakayanin n'yo naman lahat ng `yan, hindi ba, Vienne?"
            Napatingin siya sa papa niya na katabi si Tito Santi. Noong isang araw dumating ang life-long partner nito. At sa pagkakakilala niya sa lalaki, masasabi niyang mabuti ito. Sinabihan pa nga siya nito na huwag nang 'tito' ang itawag dito kundi 'papa' na rin dahil partner naman ito ng papa niya. Idagdag pa na kasal ang dalawa. Kitang-kita niya rin sa mukha ng mga ito ang pagpapahalaga at pagmamahal sa isa't-isa.
            At tungkol naman sa mama niya. Well, sa bakas ng kasiyahan na nakikita niya sa mukha nito, masasabi niyang nakapag moved on na ito. Totally. As ease na nga ito sa pakikipag usap sa dalawa. Walang ilang sa mukha tuwing nakikita na naglalambingan ang dalawa.
            In an instant, nagkaroon siya ng isang masayang pamilya. Isang ina at dalawang ama. Kakaiba ngunit wala siyang pakialam.
            Ang malaking problema na lang niya talaga ay si Tita Raquel.
            "Kakayanin po." Sagot niya sa tanong ng papa niya.
            "Nasabi mo na ba `to kay Brax?"
            "Hindi pa po, `ma. Simula kahapon, hindi pa kami masyadong nag-uusap. Busy po kami pareho."
            "Dapat kausapin mo na siya," anang papa niya.
            "Bukas po."
            Natapos ang hapunan nila ngunit ang pangambang nararamdaman niya ay hindi nabawasan. Bagkus, ang pakiramdam niya ay tila mas nadagdagan pa ang pasanin niya. Ilang araw na ba mula nang makapag-usap sila ni Brax nang seryosohan at matagalan? Hindi niya alam. Katulad nga ng sinabi niya; hindi pa sila nag-uusap dahil sa kanya-kanyang aktibidades.
            Nang makarating sa kanyang kwarto. Agad niyang hinarap ang cellphone niya. Tinawagan niya si Brax. Ilang minuto pa, sinagot na nito ang tawag niya.
            "Hello Vienne. Kumusta?" Masiglang bati nito.
            "A-ayos lang ako. Tumawag lang ako para marinig ang boses mo."
            "Talaga." Anito. Mahihimigan ang kagalakan sa boses. "I was about to call you too when my cellphone rang. Na-miss kita."
            "Na-miss rin kita."
            "Na-miss mo `ko, pero malungkot ka?"
            Natigilan siya. Ganoon ba katransparent sa boses niya ang nararamdaman?
            "Wa-wala talaga akong maitatago sa `yo. Sige, aaminin ko, nalulungkot ako."
            "Bakit?" Nag-aalalang tanong nito.
            "Hindi yata tama na pag-usapan natin `to over the phone, Brax. I want to tell it to you personally."
            "Sa mga naririnig ko, parang seryoso talaga `yon. Kinakabahan tuloy ako. Labas ka dyan sa bahay n'yo, magkita tayo sa park. Pag-usapan natin `yan ngayong gabi."
            "Oo ba." Pagsang-ayon niya. Hindi niya palalampasin ang gabing ito na hindi niya ito nakakausap.
            Dali-daling nagbihis si Vienne nang damit na pananggalang sa lamig. Nagpaalam siya sa mga kasama niya sa bahay na lalabas lang saglit na agad namang pinayagan ng mga ito.
            Eksaktong palabas na siya ng gate nila nang makita niya si Brax. Nakatayo sa labas ng bahay ng mga ito. Nakasuot ng itim na hooded jacket. Nakapamulsa. Tila hinihintay siya.
            Ngumiti ito saka kumaway. Gaganti sana siya nang maudlot iyon nang lumabas si Tita Raquel. Isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa kanya saka humarap kay Brax. Nag-usap ang dalawa. Hindi niya iyon marinig dahil sa layo ng pagitan niya sa mga ito. Waring nagtatalo.
            Wala sa loob na tinalikuran ni Brax ang mama nito saka pumasok sa gate at pabalibag na sinara iyon. Sumunod naman si Tita Raquel.
            Maya-maya pa ay narinig niya ang pagtunog ng message tone ng cellphone niya. Nanggaling kay Brax ang mensahe.
            I'm sorry. Hindi na tayo tuloy. Binabantayan na ako ni mama. I love you, Vienne.
            Napabuntung-hininga na lang siya. Nagsusumigaw na ang malaking salitang 'forbidden' sa relasyon nilang dalawa. Forbidden in every sense of the word but he couldn't help himself but to be helpless about it.
            Pakiramdam niya. Unti-unting mahihiwalay sa kanya si Brax dahil sa salitang iyon. Na mas pinapakita pang lalo ni Tita Raquel.
            Nagdesisyon siya na pumasok na lang ulit.
            Kahit nakita niya ang nagtatakang tingin ng mga kasama niya, hindi niya iyon pinansin. Diretso siyang nagtungo sa kwarto niya saka ibinagsak ang katawan sa kanyang higaan.

KINIMKIM na lamang ni Brax ang galit na nadarama niya para sa mama niya. Simula nang araw na kausapin siya nito, nag-umpisa na itong bantayan siya at buntutan na parang aso. Kapag nasa school siya ay lagi siyang tinatawagan nito. Laging tsini-check kung sino ang kasama niya. Sa likod ng utak niya, alam niya na may binayaran ito para bantayan siya at i-report iyon dito. Kaya kahit na gaano kasidhi ang hangarin niya na makasama si Vienne sa loob ng campus ay hindi niya magawa. Ayaw niyang ipahamak ang relasyon nilang dalawa. Kaya niyang magtiis.
            At ngayon... gusto niyang magmura. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon para makasuap si Vienne, para mayakap ito. Ngunit hinadlangan iyon ng mama niya.
            Narinig niya ang pagtawag nito sa kanya. Hindi niya iyon pinansin. Bahala ito sa buhay nito. Kung sasagot siya, hahaba lang ang usapan. Mag-aaway lang sila. Magsasagutan. Paulit-ulit lang. Nakakasawa.
            "Huwag mo akong tatalikuran, Brax! Kinakausap kita! Wala ka ng galang! Hindi mo na ako ginalang bilang ina mo! Ganyan na ba katigas ang ulo dahil sa Vienne na iyon! Ganyan ka na ba ngayon! Wala kang galang."
            Matinding galit ang nadarama niya. Halos madurog ang kamao niya sa sobrang pagkakakuyom dahil sa nadarama. Masyado siyang nasasaktan. Masyadong nagagalit sa mga nangyayari ngayon.
            "Kinakausap kita Brax!"
            Parang pisi na naputol ang pagtitimpi niya. Marahas siyang humarap dito.
            "At ano ngayon, `ma?!" Sigaw niya.
            Nagulat ang mama niya ngunit nawala rin iyon kaagad. Walang babalang lumapit ito sa kanya. Isang malakas na sampal ang pinadapo sa kanyang kaliwang pisngi.
            "Hindi mo na talaga ako ginalang!"
            Nag-igtingan ang bagang niya.
            "Ginagalang kita `ma! Mahal kita! Pero nitong nakaraan, you changed. Masyado kang nag-iba. Masyado mong dinamdam ang pagkawala ni papa. Ang paghihiwalay n'yo. Katunayan nga hindi n'yo na ako napapansin." Bahaw siyang natawa. "Yeah. Oo nga pala. Napansin n'yo ako. Napansin n'yo ako mula nang malaman n'yo na si Tita Flora ang ka--"
           "Huwag na huwag mong banggitin ang pangalan ng malanding babaeng `yon! Hindi mo siya tita. Hindi mo siya kaano-ano. Hindi natin siya kilala!"
            "Itinuturing ko siyang kamag-anak. Nanay siya ng ma--"
           "Pesteng pagmamahal na `yan! Pesteng pagmamahal, Brax! Hindi mo ba talaga ako papakinggan! Talaga bang wala ka nang amor sa akin. Katulad ka na b--"
            "Hindi ako katulad ni papa, `ma! Hinding-hindi! Hinding-hindi!"
            "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa`kin ngayon?! Mas pinipili mo pa na makasama ang Vienne na `yon! Mas pinipili mong saktan ang sarili mong ina dahil sa pagmamahal mo sa baklang `yon!"
            "Kahit ano ano pa si Vienne. Mahal ko siya!"
            "Mas mahal mo sa `kin?! Mas mahal mo kaysa sa sarili mong ina? Sa sarili mong kadugo!"
            "You're just being impossible `ma! Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na wala kaming kinalaman dito ni Vienne. Spare us! Spare me with the jealousy you were feeling. Spare me with the misery you were feeling. Ikaw ang naglulugmok sa sarili mo, `ma! Ikaw an--."
            "Wala kang alam! Wala kang alam!" Halos mabingi na siya sa sigaw nito.
            Sobrang malakas ang boses nila. Alam niya na nakakakuha na sila ng atensyon mula sa kapitbahay dahil sa walang humpay na sigawan nila. All right. The lady in front of him was his mother. Ginagalang niya ito. Mahal niya ito. Pero.. Hindi niya basta magawa na sundin ito. Alam naman niya ang nararamdaman nito. Alam niya dahil naranasan niya iyon ngunit madali niyang natanggap dahil kay Vienne. Mas matimbang ang pagmamahal niya rito kaysa sa galit na nadarama niya para kay Tita Flora na agad din naman natunaw. Para sa mahal niya.
            "May alam ako, `ma! Alam na alam ko ang nararamdaman n'yo, eh. Anak n'yo `ko. Kasama n'yo ko dito sa bahay. Simula nang mangyari ang lahat ng ito. Naging miserable tayo. You wallowed yourself in misery. Mas pinahalagahan n'yo ang nararamdaman n'yo kay papa kahit na nagmumukha na kayong losyang sa ginagawa n'yo. Mas inuna n'yo pa ang pagiging sawi kaysa sa akin. `Tapos sasabihin n'yo sa akin ngayon na layuan ko si Vienne dahil anak siya ng babaeng umagaw kay papa mula sa inyo. Si Vienne ang nag--."
            "Wala akong pakialam! Basta layuan mo siya! Layuan mo ang bakla--."
            "Stop calling him names! Vienne ang pangalan niya! Vienne ang pangalan ng lala--."
            Again, he felt a hard slapped in his face. Sa pagkakataong iyon sa kanang pisngi naman.
            Hilam na ng luha ang kanyang mata. He was being too emotional. He was feeling so hopeless. He was feeling so damn hurt with this confrontation. Hindi ito dapat nangyayari. Hindi niya dapat sinasagot ng ganito ang babaeng nagpalaki sa kanya. Hindi niya maiwasan, eh. Masyado siyang nasasaktan.
            "Uulitin ko `to, Brax! Layuan mo si Vienne. Layuan mo siya dahil kung hindi mo gagawin `yon, aalis tayo dito. Sa ayaw at sa gusto mo, aalis tayo." May pinalidad na sabi nito saka siya iniwanan.
            Napasunod na lamang ang tingin niya rito. He cried his heart out. Masyado siyang nasasaktan. Masyado siyang naiipit sa pagitan ng taong mahal niya.
            Sa ayaw at sa gusto niya. Lalayuan niya si Vienne. Hindi niya kayang mas malayo pa rito. Ang pumunta sa ibang lugar at hindi ito makita. He knew his mother too well. Alam niya kung ano ang kaya nitong gawin.
            Wala sa sarili na umakyat siya sa hagdan saka nagtungo sa kanyang kwarto. When he entered his room, the tears started to fall again. Kahit anong gawin niyang pagpunas, hindi iyon maampat. Tila bukal, tila dam, na walang tigil sa pag-agos.
            Lalayuan niya si Vienne. Isipin pa lang niya ay nasasaktan na siya. Sapat na sa kanya na makita ito nang malayuan. Hindi malapitan basta makita niya. Huwag lang siya malalayo rito nang tuluyan.
            Umupo siya sa kanyang kama. Ipinatong niya ang magkabilang siko sa magkabila niyang tuhod. Isinibsub niya ang mukha sa kanyang palad. Doon siya umiyak nang umiyak.


MAY MAGBABAGO. Iyon ang naiisip ni Vienne simula nang magising siya. Nakaayos na siya at lahat-lahat ngunit iyon ang patuloy na naglalaro sa utak niya. Hindi niya maiwasan. Mula nang mangyari ang kagabi. Marinig ang sigawan ni Brax at ni Tita Raquel sa loob ng bahay ng mga ito. Kahit nga takpan niya ng unan ang mukha niya ay hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang sigawan ng mga ito. Masyadong malakas. Nagdudulot sa kanya iyon ng sakit sa puso. Hindi niya kaya na makita sa ganoong sitawasyon si Brax. Hindi niya kayang makita na nagkakasira ang mag-ina dahil sa kanya. Alam niyang mahal na mahal ni Brax si Tita Raquel. Ngunit alam niya na mahal siya nito. Ngunit alam niya na siya ang dahilan ng pag-aaaway ng mga ito. Away na hindi dapat mangyari dahil lang sa relasyon nilang dalawa.
            Namalayan na lang niya ang pagtulo ng luha niya. Bakit ang sakit? Ang sakit-sakit. Isipin pa lang niya na maghihiwalay sila ni Brax ay hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Pero alam niya na ito ang makakabuti sa kanila. Sa kanilang pamilya. Kung ang pakikipag hiwalay niya rito ang paraan para maging maayos ang ugnayan ng mag-ina. Gagawin niya. Kahit tutol ang puso niya sa ideyang iyon.
            Okay lang sa kanya na mag-break sila. Okay? Hindi magiging okay ang lahat. May magbabago. Hindi sila magdidikit na dalawa. Mawawala ang sweet things kapag naghiwalay sila. Magkakasya na lang siya na mula sa malayo ito matingnan. Mag-aasam na sana maging mabuti ang lahat at magkabalikan sila.
            He was thinking so advance but what he can do. Alam naman niya na ito ang mangyayari sa kanilang dalawa. Dahil sa pagtutol ni Tita Raquel.
            Walang buhay na ginawa niya ang bagay na dapat niyang gawin sa araw na iyon. Kahit pakikipag usap sa mga taong nasa paligid niya hindi niya magawa.
            Pumunta siya ng school na tahimik. Hindi pinapansin ang tao sa paligid niya. Hindi nakikipag usap. Para siyang bagay na sa isang tabi lang. May kumakausap ngunit hindi niya pinapansin.
            Ang tanging ginagawa niya ay tingnan ang cellphone niya. Nag-aasam na tatawag si Brax. Na mag-uusap silang dalawa para magkaroon na ng closure ang relasyon nilang dalawa.
            "Vienne." Tawag ni Rion sa kanya. Isang kaklase na naka-close niya nito lang.
            Hindi niya ito pinansin. Naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya.
            "May naghahanap sa `yo."
            Bumuntung-hininga ito.
            "Nasa labas ng room si Brax. He, too, looked the way you look, Vienne. Para kayong pinagsakluban ng langit at lupa. Kausapin mo na si--."
            Bago pa nito matapos ang sasabihin. Iniwanan na niya ito, dali-dali siynag tumakbo palabas ng classroom nila. Nakita niya si Brax. Nakatayo sa may pintuan. Tama nga si Rion, ang mukha nito ay katulad ng sa kanya. He clearly saw sadness in his face. Mangyayari ang kinatatakutan niya. Pero kailangan niyang magpakatatag. Alam naman niya na ito ang mangyayari. Handa ba siya? Hindi. Malaking hindi. He knew that his heart will be broken into pieces once they parted, once their relationship comes to an end.
            Lumapit siya rito. Niyakap ito nang mahigpit. Gumanti naman ito.
            "Brax," he said between sobs.
            Suminghot ito. Tanda na nalulungkot din. Tanda ng pinipigil na pagluha.
            Lumayo siya rito. May namumuong luha sa sulok ng mata nito. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong nito. Halos nanginginig ang boses dala ng pagpigil sa pag-iyak.
            "O-oo."
            "Sa park tayo." Anito.
            Nauna ito. Hawak nito ang kamay niya ngunit pakiramdam niya ay napakalayo ng agwat nila sa isa't-isa. This is the beginning, he knew. He needs to accpet the fact that their relationship will end in an hour.
            Nang makarating sila sa paborito nilang pwesto. Naupo sila roon. May distansya sa pagitan nilang dalawa.
            Pareho silang hindi makatingin sa isa't-isa. Mas pinagkasya nilang tingnan ang puno na nasa harapan ng kinauupuan nila pati ang pagsasayaw ng mga damo sa paligid niyon na hinahangin. The silence was deafening. Nakakailang. Awkward. Hindi alam kung paano sisimulan ang isang pag-uusap na hahantong na sa isang katapusan.
            "Alam mong mahal na mahal kita, hindi ba?"
            Kahit hindi nito nakikita tumango siya. "Oo. Mahal na mahal kita."
            "Mabait ka, Vienne. Alam ko na mauunawaan mo ang magiging desisyon ko, hindi ba?"
            Napapikit siya. Pinigilan niya ang pagtulo ng luha niya.
            "A-alam ko."
            "Mahal kita, mahal ko rin si mama. Ayokong gawin `to pero para sa ikabubuti ng lahat. Ka-kahit masakit.." natigil ito. Garalgal ang tinig na nagpatuloy. "..masakit sa `kin na gawin `to. Ang sabi ko sa `yo, you're my everything. Ikaw ang rhythm ng puso ko. You're the beat of it. Ika.." Tuluyan na itong napaiyak.
            Ganoon din siya. Parting. Breaking-up. Parehong masakit ito sa kanila dahil mahal nila ang isa't-isa. But what will they do? Mahal nila ang isa't-isa ngunit hindi ibig sabhin niyon ay sila pa rin sa huli lalo na at maraming hadlang sa pag-iibigan nilang dalawa. Sapat sa kanila ang nararamdaman, alam niya iyon ngunit.. Napahagulgol siya.
            "Na-naiintindihan ki-kita, Brax. Ma-masakit pero kakayanin ko. Alam k-ko naman na ma-mahal mo si tita. Mas mahalaga at mahal mo siya kaysa sa aki kaya tatanggapin ko ang lahat. Yeah. This is goodbye. I love you pero.."
            Natigil siya sa pagsasalita nang kabigin siya nito. Isang mahigpit na yakap ang binigay sa kanya.
            "Mahal din kita. Mahal na mahal."
            After that, itinaas nito ang mukha niya. Their gaze met. Slowly, his face lowered and give him a kiss. A kiss that will say goodbye. And after it, everything will end between them.


ARAW na ng Battle of the Band.
            Imbes na maging masaya si Brax para sa araw na iyon ay kabaliktaran ang nararamdaman niya. Walang excitement. Walang adrenaline rush katulad ng mga nauna nilang laban sa battle of the bands. At siyempre, alam niya ang dahilan niyon.
            Kahit paulit-ulit na sabihin niya sa sarili na kailangan nilang manalo at huwag pumalya ay hindi niya magawa. Ang puso at isip niya ay nasa isang tao lang. Sa taong mahal na mahal niya. Sa taong alam niya na hindi makakarating sa importanteng araw na ito dahil wala na silang kaugnayan sa isa't-isa. Tinapos na niya iyon. Isang linggo na ang nakakaraan. Tanging nagagawa niya ay pagmasdan ito mula sa malayo. Makita ang mukha nito na sobrang lungkot na siya ang dahilan.
            Bago pa siya maiyak. Tumingala siya. Hindi siya dapat maging emosyonal. Kailangan niyang i-focus ang lahat ng atensyon niya sa pagtugtog mamaya. Ang instrumento niya ang puso ng isang banda. Once na mawala siya sa beat at sa rhythm, everything will end. Everything will end for their band, totally. Ayaw niyang maging dahilan niyon. Ah! Bahala na.
            "This is our night. Remember that guys! Energy!" saad ni Theo habang nakatingin sa kanya. Marahan naman siyang tumango. "Brax sang-ayon ka naman d'un, di ba?"
    "Of course," pagtango niya. Ah! Napakadaling sabihin na sumasang-ayon siya. Na tama ang sinabi ni Theo ngunit hindi siya buo sa sitwasyon niya ngayon. Katulad ng sinabi niya kanina. Bahala na!
    "Brax mahihirapan kami kapag nawala ka sa focus. Ngayon lang ako makikiusap sayo. Please." seryosong saad ni Chris. Humugot lang siya ng malalim na hininga. Hindi lang naman siya ang namomroblema pati si Chris ngunit kitang-kita niya ang determinasyon sa mukha nito. Ibang-iba sa kanya.
    "Tangina ang tagal nating pinaghandaan `to. Tapos ganun lang?" inis na saad ni Theo. "Umayos ka Brax."
            Ilang beses na ba niyang narinig iyon mula kay Theo? Marami nang beses. Simula sa sasakyan nila patungo sa dadausan ng battle of the bands ay paulit-ulit na nitong sinasabi iyon. Theo was so eager as so Devin. Eagerness. Determination. Will to win. Iyon ang nakikita sa mga ito pati kay Chris kahit na..
            "Theo shut up." Pagsaway kay Theo ni Chris.
    "Okay. Okay. Don't worry hindi ko ilalaglag yung banda." Nakatungong saad niya. "Huwag kayong mag-alala."
    "Siguraduhin mo," saad ni Devin saka sila nilampasan at tumuloy sa backstage.
            Ngumiti siya. Pilit na ngiti. Alam niya na alam ng mga ito ang pinagdadaanan niya. Bumuntung-hininga si Theo saka siya tinabihan.
            "Kaya natin `to. Kaya mo. Alam ko ang nararamdaman mo ngayon pero kailangan ka namin ngayon para manalo tayo."
            "Alam ko. I will do my best. I will try." Aniya sa sarili.
            I will do my best. I will try. He was so stupid to say such thngs kung hindi naman niya mapapanindigan. He felt so down. But he doesn't want to let his bandmates down because of him. Matagal nilang pinaghirapan at pinag praktisan ang pagtugtog dito kung mauuwi lang sa wala.
            Nang tawagin ang pangalan ng grupo nila. Huminga muna nang malalim si Brax saka ngumiti. Nagsigawan ang mga taong nakakakilala sa kanila. So much supporters, so much crowd. Some of them were cheering for them. Chanting their name in unison. Kung dati ay masigla siya, kabaliktaran na ang lahat. Wala si Vienne. Inikot niya ang paningin. Iyon naman ang dapat niyang asahan pero hindi niya maiwasan ang umasam na makikita ito ngayon. Na sususportahan siya nito.
            Namuo ang luha sa sulok ng mata niya. Pasimple niyang pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi. Nagdadalawang isip siya. So much of second thought. Kung ipagpapatuloy niya ba ito o hindi. Kung makakaya ba niya ang tumugtog ng may buhay.
            Nang tingnan niya ang mga ka-grupo. Tinanguan siya ng mga ito. A knowing look was on their faces. Sinasabi rin ng tingin ng mga ito na kaya niya ito.
            Sana nga..sana nga..


VIENNE was full of loneliness.
            Nakaupo siya sa isang sulok. Tanging sa isang tao nakatutok ang paningin niya na kasalukuyang tumutugtog. Late man siyang dumating, sapat naman iyon para maabutan niya ang unang pagtugtog ng The Gravity. First song was a triumph. Maraming mga kaedaran niya ang nagtilian nang matapos iyon.
            He was proud. So proud that the love of his life did well. Naiiyak siya sa katuwaan na kahit mababakasan ng kalungkutan ang mukha nito ay nagawa nito ang parte nito. Now, they were started to sing their second song. Hudyat na kailangan na rin niyang umalis. Kapag natapos kasi iyon at makita siya ni Brax ay hindi niya alam kung ano ang magagawa niya. He wanted to hug him so badly. Tell him how much he love him. And everything.
            Ngunit alam niya na hindi naman na pwede dahil hindi na silang dalawa. Wala na siyang karapatan. Eksaktong nasa kalagitnaan na siya ng daan patungo sa labasan ng mawala ang tunog ng drum. Nang tingnan niya iyon ay nakita niya na nabitawan ni Brax ang stick. Mabilis na kinuha nito iyon ngunit nawala na sa beat. Hindi na ito nakahabol pa. Nawala sa tono ang mga ito. As if the heart started to stop and the recovery was in a very slow pace.
            At alam niya na matatalo ang mga ito. Nang mag-angat si Brax nang paningin. Nakita niya ang pagmamahal sa mukha nito. Kakatwa dahil kahit na madilim ay kitang-kita niya iyon. Nagtama ang paningin nila. Tuluyan na siyang napaiyak nang makita ang pagliwanag ng sulok ng mata nito. Tanda na pamumuo ng luha. Tuluyang nahulog iyon. Napaiyak na rin siya.
            Siya ang dahilan kung bakit matatalo ang mga ito. Nakita siya nito. Hindi nito inaasahan na makikita siya rito kaya nawala ito sa focus.

CHAPTER THIRTY-TWO

 PAGKATAPOS nilang tumugtog. Agad na kinompronta si Brax ni Chris ngunit wala roon ang buong pansin ni Brax. Matatalo sila sa battle of the band at mananalo ang mahigpit nilang kalaban na Schoneberg Academy. Brax knew that all the blame was on him. Nawala siya sa focus kaya natalo sila. Nang makita niya si Vienne kanina sa crowd, nawala siya sa focus. Nahulog ang stick na ginagamit niya at hindi siya nakahabol sa beat ng mga kabanda niya. Dahil sa pagkawala niya sa beat, nawala rin ang mga ito. Or he guess so. Pinilit nina Theo na punan ang pagkawala niya ngunit walang nangyari.
            Hindi niya masalubong ang nang-uusig na tingin ng mga kabanda. Lahat ng mga ito, siya ang sinisi. Wala naman na siyang magawa. Kahit na anong sabihin ng mga ito ay wala nang mababago. Siya ang dahilan ng pagkatalo nila -- sa unang pagkakataon.
            Pagkatapos niyang humingi ng sorry kay Chris. Tumakbo siya palayo sa mga ito. Si Vienne. Si Vienne ang mas mahalaga ngayon. Mahalaga sa kanya ang banda nila ngunit kay Vienne ang focus niya. Kailangan niyang makita ito.
            Natuwa siya na nakita ito kanina. Hindi niya inaasahan iyon kaya naman nawala siya sa focus. Nakakahiya rito. Nakakahiya na dahil dito ay natalo sila. Ngunit hindi niya sinisisi si Vienne. Siya lang ang dapat sisihin. Sa nag-uumapaw na saya at kagalakan sa kanyang puso ay nawala siya at dahilan nga ng pagkatalo. Bagay na kabaliktaran na dapat na nadarama niya. Dapat nga, nagpursige siya para manalo, para kay Vienne, pero hindi iyon nangyari. Nawala siya sa focus.
            Vienne, nasaan ka na? Dumating ka. Dumating ka.
            Napabuntung-hininga siya. Tumakbo siya palayo sa mga kabanda. Sinuyod niya ng tingin ang bawat lugar na nadaanan niya. Nagbabakasakali na makikita si Vienne.
            Nang makita niya ito kanina, alam niya na umiiyak ito. Ganoon din siya. He cried even he was happy seeing him. Nakita rin niya sa mata nito ang kagustuhan na malapitan siya, ang manatili para suportahan siya, ngunit hindi nito ginawa dahil tapos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa.
            Napahinto siya mula mahabang pagtakbo. Hingal kabayo na siya. Inilibot niya ang paningin, sa bawat tao, sa bawat sulok ng daan. Wala si Vienne. Wala. Hindi na niya ito makita.
            Tuluyan na siyang napaiyak. Ito na ba talaga ang huli nilang pagkikita na dalawa. Hindi na ba niya mababawi ang pakikipag hiwalay dito. Hindi na ba niya mayayakap ito. Hindi na niya ba magagawa ang mga bagay na kasama ito.
            After this. Ang isa pang gumugulo sa isipan niya ang napipintong pag-alis para masamahan ang mama niya sa probinsya. His mother needed to breathe fresh air. Kailangan nitong makalayo sa stress at para mawala sa depression. Tuluyan na kasing nawala ang ugnayan nila sa papa niya. Tuluyan nang nagkabisa ang annulment ng mga ito kaya lalong nalugmok ang mama niya. Ang payo ng doktor sa kanila ay ilayo muna ito.
            Maiiwan ang kaligayahan niya. Alam niyang tapos na ang lahat sa kanila ni Vienne ngunit sa puso niya ay hindi pa. His heart will remain to him. Hindi mababago ang tibok ng puso niya para kay Vienne.
            Bumuhos ang malakas na ulan. Imbes na sumilong, nanatili siya sa gitna ng daan. Hinayaan niyang mabasa ang sarili.
            "Mahal na mahal kita Vienne." Bulong niya. Kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha.


WALANG PAKIALAM si Vienne kahit na malakas ang buhos ng ulan. Mas okay nga iyon para hindi makita ng mga taong nakakasalubong niya ang pag-iyak niya na hatid ng sobrang pagmamahal para kay Brax. Gustong-gusto niyang lapitan ito kanina. Alam niya na sinundan siya nito ngunit hindi siya huminto para mag-usap sila. Bakit pa? Wala na silang dalawa. Hindi na niya magagawa pa ang mga bagay na kasama ito. Kahit sobra niyang mahal si Brax wala na siyang karapatan dito. Ang sakit lang na dahil sa problemang inumpisahan ng mama niya na tinapos ni Tita Raquel kaya sila naghiwalay na dalawa. Paghihiwalay na hindi nila parehong gusto subalit nangyari dahil kahit na mahal nila ang isa't-isa, higit na mas importante sa kanila ang mahal nila sa buhay.
            Masakit din para sa kanya na siya ang downfall ng taong mahal niya sa larangan nito. Para tuloy siyang si Delilah na dahilan ng pagkawala ng lakas ni Samson. Nang makita siya nito, nahulog nito ang stick at nawala sa focus.
            Naiintindihan niya si Brax. Kung siya naman kasi ang sa kalagayan nito, iyon din ang gagawin niya.
            Nagpatuloy siya sa paglalakad. Walang tiyak na direksyon. Wala pa siyang balak umuwi. Ayaw niyang makita siya ng mama at papa niya pati na rin ni Tito Will na sa ganitong katayuan.
            Hindi naman siya pwedeng pumunta kay Coby dahil nitong nakaraan ay abala na rin ito sa kung anumang bagay na ginagawa nito. Kaya nga hindi na silang tatlo masyadong nagkakasama n'ung okay pa silang dalawa ni Brax.
            "Magkakasipon ka niyan." Ani ng pamilyar na tinig.

MULA SA glass window ng restaurant na kinaroroonan ni Ambrose, natigilan siya. Nakita niya ang pamilyar na taong gumugulo sa utak at sa puso niya. Na kahit alam niyang wala silang pag-asa na dalawa ay hindi niya mapigilan ang pagmamahal na nadarama para rito.
            Kahit malakas ang buhos ng ulan. Kapansin-pansin ang pag-alog ng mga balikat nito. Umiiyak si Vienne. Hindi niya alam kung ano ang dahilan niyon ngunit nasasaktan siya na makita ito.
            Kinuha niya ang dalang payong na nakapatong sa katabing upuan ng kina uupuan niya. Walang pagdadalawang isip na lumabas siya ng restaurant at tinungo ang kinaroroonan nito.
            "Magkakasipon ka niyan," aniya.
            Hindi ito nagsalita. Sa lapit niya kay Vienne. Kitang-kita niya sa ekspresyon ng mukha nito ang kalungkutan. Kahit na malakas ang ulan, mahahalatang hilam sa luha ang mata nito.
            "Vienne. Ok--" Natigilan siya. Silly to ask things na alam niyang obvious naman na hindi. Pinili niyang itikom ang bibig. In a slow movement, lumapit siya dito at pinayungan ito.
            "Hi-hindi mo na dapat gawin `to," anito.
            "I insist. Magkakasakit ka sa ginagawa mo."
            "Mas mabui nga `yon. Mas mabuti na mabasa at magkasakit ako. Mas oka--"
            Kinabig niya ito palapit sa kanya. Dahilan para matigilan ito. Kahit na nabitawan niya ang payong, kahit na nabasa siya, wala siyang pakialam. Ang importante ay madamayan niya ito sa sakit na nararanasan nito.
            "Mababasa ka sa ginagawa mo, Ambrose." Anito.
            "Okay lang. Dapat ganito rin ang gawin ko, dahil sa totoo lang nasasaktan din ako. Nasasaktan na nakikita kang ganito. Nasasaktan na hindi ka akin. Nasasaktan na kahit mahal kita, wala akong pag-asa sa `yo. Hayaan mo na damayan kita sa sakit na nararamdaman mo, Vienne."
            Humigpit ang hawak nito sa damit niya. Mas kinabig pa niya ito palapit sa kanya. Vienne cried like a child. Hinayaan niya lang ito. Alam niyang masakit dahil ganoon din ang nararamdaman niya. Hindi man niya alam ang buong pangyayari, alam niya na wala na ito at si Brax.
            Dapat nga matuwa siya subalit hindi iyon ang nararamdaman niya. Nasasaktan siya na nakikita itong ganito. Okay lang kung hindi silang dalawa basta masaya ito. Okay lang na nasasaktan siya basta nakikita niyang nakangiti ito kasama ang taong mahal nito. Okay lang kung grabe ang pagseselos niya basta..
            Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito.
           

AYAW PANG umuwi ni Vienne kaya dinala ito ni Ambrose sa bahay nila. Sa pintuan pa lang ng bahay nila, agad niyang nakita ang pagkabigla sa mukha ng mga magulang at kapatid niya. His family knew Vienne. Paanong hindi makikilala ng mga ito ang taong mahal niya gayon kapag nagtitipon-tipon sila ay wala siyang ibang bukambibig kundi ito. Hindi na siya nagtataka kung ganoon man ang reaksyon ng mga ito.
            "Bakit kayo basa?" Tanong ng mama niya mula sa pagkabigla.
            "Nasira po ang payong," pagsisinungaling niya saka tumingin kay Vienne.
            Tahimik lang ito. Nakatayo sa tabi niya.
            "Okay ka lang ba Vienne?" Tanong ng mama niya rito.
            "O-okay lang po," anito. Mababakasan ng pagkabigla ang boses.
            Waring nabasa naman ng mama niya ang iniisip nito. Napakamot na lang siya sa sentido.
            "`Wag ka nang magtaka kung bakit kilala kita. Ambrose used to talked about you everytime we have gathering."
            "Ga-ganoon po ba." Anito.
            Kahit wala sa harap ng salamin. Ambrose knew that his face was flush red already. Ikaw ba naman ang ibuko ng magulang mo sa taong mahal mo kung ano ang pinagagawa niya.
            "Let's go, Vienne. Magpalit na muna tayo. Baka magkasakit tayo nito," aniya.
            Kailangan niyang gumawa ng paraan para huwag na siyang mabuko pa nito dahil sa mama niya. Mahirap na. Baka ikwento pa nito ang pagda-drama niya. Mahirap na.
            Bago pa maka-react ang mama niya o sinuman sa taong nasa sala, agad na niyang hinila si Vienne, paakyat sa hagdan, patungo sa kwarto niya, para mapalitan ang damit nila at makapag-shower na rin.
            "Okay ka na ba?" Tanong niya rito nang makapasok silang dalawa sa kwarto niya.
            "Magsisinungaling ako kung sasabihin kung oo. Hindi ako okay, Ambrose. Ang sakit-sakit sa dibdib na kahit na mahal mo ang isang tao. Na kahit na nagmamahalan kayo, hindi kayo pwedeng magsama dahil marami ang hadlang at kontra."
            "`Wag kang umiyak," aniya rito. Agad niyang nilapitan ito. "Alam kong masakit. Naramdaman ko rin `yan, eh." Bigla siyang nag-panic nang makita ang lalong pagbalong ng luha nito. "That's not what I mean, Vienne.. I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Kinabig niya ito palapit sa kanya. Muli, niyakap nang mahigpit. "Maligo ka na muna. Papahiramin kita ng damit at underwear."
            "Sa-salamat," anito saka kumalas sa pagkakayakap niya.
            "Nandoon ang banyo." Itinuro niya ang banyo.
            Tinalikuran siya nito saka nagtungo roon. Sinundan na lamang niya ng tingin si Vienne. Dama niya ang sakit na nadarama nito.
            Tinanggal niya ang suot na jacket kasunod ang t-shirt niya. Huhubarin na sana niya ang suot na pantalon nang tumunog ang pintuan ng banyo. Lumabas doon si Vienne na ikinagulat niya. Napatingin siya dito. Napako ang tingin niya sa mukha nito, pababa sa.. Nakahubad baro rin ito katulad niya. At.. Napalunok siya.
            Suddenly, he felt hot all over.
            Ang kinis ng katawan nito.
            "I-i'm sorry," anito saka nagtungo ulit sa banyo. Nagmamadali.
            "A-anong kailangan mo, Vienne." Bwisit! Hindi niya maiwasan ang mag-stammer. Arghh.
            "Hihingi sana ako ng tuwalya, Ambrose." Anito.
            "Ga-ganoon ba." Shit lang talaga! Kinakabahan siya dala ng init.. Umiling-iling siya. "W-wait lang. Kukuha ako."
            "Sa-salamat."
            Nang makakuha siya. Kumatok muna siya ng tatlong beses sa pintuan ng banyo. "Narito na `yong tuwalya, Vienne."
            Binuksan ni Vienne nang kaunti ang pintuan bago ito dumungaw sa siwang niyon. "Sa-salamat, Ambrose."
            "Wa-walang anuman." Lihim na lamang siyang napapalatak. The situation they were in was awkward. "Lalabas muna ako." Aniya.
            Tumango ito saka isinara ang pintuan.
            Napasandal siya sa pader saka napabuntung-hininga. Grabe talaga ang epekto sa kanya ng lalaking mahal niya. Tumuwid siya ng tayo saka nagtungo sa pintuan ng kwarto niya saka tuluyang lumabas.

HINAYAAN ni Vienne na bumuhos ang malamig na tubig sa katawan niya. Walang humpay pa rin ang pagtulo ng luha niya. Masyado siyang nasasaktan sa isipin na wala na sila ni Brax. Ang sakit na nararamdaman niya ay parang walang katapusan. Sakit na alam niyang si Brax lang ang makakahilom. Bakit ba kasi ganito? Mahal nila ang isa't-isa pero hindi sila pwedeng magsama at magkaroon ng masayang katapusan dahil sa pampamilyang problema. Hindi ba pwedeng wala na lang. Hindi ba pwedeng maging okay na kay Tita Raquel ang relasyon nila ni Brax. Akala niya pagkatapos ng problema niya sa pamilya, sa pakikipag hiwalay ng mama niya kay Tito Bruce, ay magiging okay na ang lahat. Hindi pa pala. Mas tumindi pa ang problema dahil kay Tita Raquel.
            Humagulgol siya.
            Wala siyang pakialam kung malamig ang tubig. Kung magkasakit siya sa kanyang ginagawa. Mas okay na mamanhid siya. Mas okay na wala na siyang maramdaman.
            "Vienne, okay ka lang?"
            "O-okay lang." Sagot niya sa pagitan ng paghagulgol.
            "You don't sound okay to me," ani Ambrose. "Umiiyak ka ba?"
            "Hi-hindi." Pagsisinungaling niya. Alam niyang obvious naman na umiiyak siya dahil sa paghagulgol niya ngunit kailangan niyang magsinungaling.
            Alam ni Vienne na masasaktan lang si Ambrose kung makikita siya nito sa ganitong estado. Nagtataka nga siya sa sarili kung bakit pinaunlakan niya ang imbitasyon nito na magtungo sa bahay nito. Imbes na umalis at layuan ito ay mas pinili niya ang una. Siguro dahil na rin sa kagustuhan niya na magkaroon ng karamay. Karamay na alam niyang masasaktan sa nakikitang paghihirap niya.
            "Vienne. Pwede mong sabihin sa `kin ang problema. Magkaibigan tayo, hindi ba?"
            "O-okay lang ako, Ambrose. Salamat sa concern mo."
            "Kahit na anong sabihin mo. Hindi ako naniniwala. I can sense it, maliban sa garalgal mong tinig."
            "`Wag mo `kong alalahanin, Ambrose."
            "Paanong hindi kita aalalahanin? You're in my mercy right now. Kargo kita dahil dito ka sa bahay ko. Pag-usapan natin ang nararamdaman mo. Willing akong makinig."
            "Salamat na lang. Kaya ko pa naman."
            Napatingin si Vienne sa seradura ng pinto. Gumalaw iyon kasunod ng pagbukas niyon. Bago pa siya makapag-react, yakap-yakap na siya ni Ambrose. Basa na rin ito dala ng tubig na nanggagaling sa shower.
            "Mahal kita, Vienne. Nasasaktan ako na nakikita kang umiiyak at nasasaktan ng ganito. Hayaan mo na damayan kita. Katulad ng sabi ko sa `yo dati, I'm willing to be your handkerchief. I'm willing to be a shoulder in times of your crying. Willing ako na maging shock absorber mo basta mawala lang ang sakit na nararamdaman mo. Mahal na mahal kita."
            Hindi nakapagsalita si Vienne. Wala siyang maapuhap na salita para sabihin kay Ambrose. Alam niyang mahal siya nito ngunit hindi niya ito mahal. May iba siyang mahal. Si Brax lang.
            "I'm sorry, Ambrose."
            He cupped his face. Itinaas nito ang mukha niya. Nagtama ang paningin nila. Before he utter a single word. Ambrose lips already above his lips.
            Itinulak niya ito.
            "Bakit mo ginawa `yon?" Galit niyang tanong.
            Habang nakatingin siya kay Ambrose. Wala siyang makitang pagsisisi sa mukha nito.
            "Dahil iyon ang gusto ko." Anito.
            Hindi siya nakapagsalita. Tinitigan niya lang ito.
            "Bilisan mo na ang pagligo, Vienne. Kanina ka pa basa. Babad na babad ka na sa tubig."
            Pagkasabi niyon. Lumabas na ito.
            Nanghihinang napasandal si Vienne sa pader.


AGAD na lumabas si Vienne sa banyo nang matapos siya sa pagbibihis. Naabutan niya si Ambrose na nakaupo sa kama nito habang may hawak na tasa ng kape sa magkabilang kamay. Umuusok pa iyon. Palatandaan na mainit pa.
            Pagkatapos ng nangyari kanina. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan ngayon. It seems that the air between them suddenly become unease. Its also seems that there is an invisible wall between them.
            Ngumiti ito nang makita siya.
            Kung tensiyonado siya, kabaliktaran naman ito. Parang wala na itong pakialam sa nangyari. Parang hindi binbagabag sa ginawa nitong paghalik sa kanya.
            "Mabuti naman at tapos ka na. Magkape ka na muna para mainitan ang katawan mo."
            Sa mahinang pagkilos, lumapit siya rito saka kinuha ang inaabot nitong tasa ng kape. Umupo siya sa kabilang panig ng kama.
            "`Yong tungkol sa nangyari kanina," simula nito.
            "Bakit mo ba ginawa `yon?"
            "Dahil gusto ko, Vienne." Matatag na sagot nito. "I've been always dreaming about that day even I know the real score between us two. Hindi ko mapigilan ang umasa, Vienne. Alam mo nang makita kita kanina. Nasaktan ako. Bakit kailangan kang paiyakin ni Brax ng ganyan? Akala ko kapag naging kayo magiging masaya ka. Pero bakit hindi iyon ang nakikita ko?"
            "Wala kang alam sa nangyayari, Ambrose."
            "Bakit mo ba siya pinagtatanggol pa, Vienne? Sinaktan ka niya. Hindi ka naman iiyak nang ganoon kung hindi ka niya nasasaktan."
            "Umiiyak ako kasi mahal ko siya. Ganoon naman talaga kapag nagmamahal ka hindi ba? Masasaktan at masasaktan ka. Mahal ko si Brax kaya ko siya pinagtatanggol, Ambrose. At katulad ng sinabi ko sa `yo. Wala kang alam sa nangyayari."
            "I'm not sorry on what I've did." Anito. Mukhang wala nang makapang salita na sasabihin. Hindi niya nakikita ang reaksyon ng mukha nito dahil sa pwesto niya. Nakatalikod siya dito at ganoon din ito. Ngunit kung papakinggan niya nang mabuti. Alam niyang nasasaktan ito sa sinasabi niya.
            "Then be it. Aalis ako, Ambrose. Ayokong manatili dito sa inyo. Masasaktan lang kita."
            "Mahal kita kaya okay lang sa akin na masaktan ng ganito. Okay lang kung iba ang mahal mo basta ako ang nasa tabi mo sa oras na kailangan mo ng kadamay."
            "Hindi mo ako matutulungan."
            "Alam kong hindi. Alam ko na nakakadagdag pa ako dahil sa ginawa ko pero gusto ko--."
            "Snap it out." Galit niyang sabi. "Oo. Nagpapasalamat ako na dinala mo ako dito sa bahay mo pero hindi ibig sabihin niyon na --."
            Napapitlag siya. Natigilan. Nahito sa pagsasalita nang marinig ang malakas na lagabog ng nabasag na tasa.
            Napatingin siya kay Ambrose. Sunod sa basag na tasa. Itinapon nito iyon sa pader.
            "Mahal kita, Vienne. Sobra! Nasasaktan ako na nakikita kang ganyan! Kung mahal ka ni Brax. Hindi ka niya iiwan. Hindi ka niya sasaktan ng ganito. Hindi ka ni--."
            "Sinabi ko na sa `yo na wala kang alam!" Pagputol niya sa sasabihin nito. "Huwag mong huhusgahan si Brax. Wala kang alam, Ambrose!"
            May galit sa mukha na lumapit ito sa kanya. Kinuha ang hawak niyang tasa saka itinapon. Nagdulot ng ingay ang pagkakabasag niyon.
            Bago pa siya makakilos. Naitulak na siya nito pahiga sa kama. Dinaganan siya. Bigla siyang tinubuan ng takot sa nakikita dito.
            "A-anong ginagawa mo, Ambrose."
            Nawala ang galit sa mukha nito. His face soften. Namasa ang sulok ng mata nito. Alam niyang pinipigilan nito ang maiyak ngunit tumulo pa rin ang luha nito. Natuluan siya sa pisngi.
            "I love you, Vienne. Mahal na mahal kita. Dapat maging masaya ako na wala na kayo ni Brax pero iba ang nararamdaman ko. Hindi ako natutuwa kundi nalulungkot. Nalulungkot ako na makita ka ng ganito. Hindi ikaw ang Vienne na nakilala ko. Ang kilala ko kasing Vienne, `yong masayahin. `Yong positibo sa lahat ng bagay. `Yong kahit na nasasaktan kayang.." Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin. Humagulgol na ito.
            Napaiyak na rin siya saka ito kinabig at niyakap.
            "Alam ko na mahal mo ako. Pero I'm sorry, Ambrose. Sorry kasi kahit na anong gawin mo, hindi ko magagantihan ang pagmamahal mo. Mahalaga ka sa akin, mahal kita bilang kaibigan pero hanggang doon lang `yon. Hindi na hihigit pa."
            "Alam ko `yon. Alam na alam ko, Vienne." Anito sa pagitan ng paghikbi.
            "Hindi ako ang nakalaan sa `yo. May taong darating na mas deserve ang pagmamahal mo, Ambrose. Hindi ako `yon. Makakalimutan mo rin ako."
            "Sana nga ganoon kadali ang makalimot, Vienne, `Yong paggising ko isang umaga wala na akong nararamdaman sa `yo. `Yong hindi na ako nasasaktan kapag nakikita kita. `Yong hindi na ako nasasaktan tuwing nakikita kang nasasaktan. Pero hindi, eh. Loving you is easy but forgetting you is not."
            "Alam ko `yon." Tanging nasabi niya.
            Nasasaktan siya. May nasasaktan siya.
            Ganito ba talaga kapag nagmamahal. Hindi maiiwasan ang masaktan at makasakit.
            "I'm sorry," sabi nito.

2 comments:

  1. Grabe sobrang sakit sa puso nito di ko kinaya :(


    -44

    ReplyDelete
  2. Nakakaawa naman sila Vienne at Brax masyado na silang nadadamay sa gulo ng kanilang pamilya. Sana naman sa susunod maayos na ang problema nila. Author next update na agad.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails