Followers

Monday, January 12, 2015

Beat of my Heart Chapter 29&30




AUTHOR’S NOTE

Pasensya na sa mali-mali!!

Paunawa po. Masyadong cheesy at korni ang chapter 29.. haha..
Sa 30 na ulit ang problema. Meron pa..

Dapat may 'ehem' scene na dito pero binura ko na lang.. Baka may ma-offend kung ilalagay ko iyon . :)


SALAMAT sa pagbabasa!!

ENJOY po!!



CHAPTER TWENTY-NINE



WALANG lihim na hindi nabubunyag. Isang katotohanan na hindi maipagkakaila. Iyon ang nasa isipan ni Vienne habang magkahawak sila ng kamay ni Brax. Nasa loob sila ng kwarto niya. Doon lang nila pwedeng ipadama ang pagmamahal nila sa isa't-isa na hindi dapat makita ng publiko lalo na ang mama nito. Kahit nga ang pagpasok nito sa bahay nila ay pasimple na rin. Imbes na pumasok kasi ito sa main entrance dumadaan na ito sa bintana ng kwarto niya. Sa likod bahay kasi ito dumadaan.
            Masaya siya sa ganoong set-up kahit sabihin na natatakot siya. Isa pa, hindi naman kasi nagkukulang si Brax sa pagpapakita ng pagmamahal nito sa kanya. Kapag sa publikong lugar naman sila gaya ng school, nagpapalitan lang sila ng mensahe na hindi mawawalan ng "I love you' sa hulihan.
            At ngayon na nandito sila sa kwarto. Naghahanda ng bagay na gagawin nila para sa second monthsary nilang dalawa.
            "Walang lihim na hindi nabubunyag." Sabi niya.
            Napatingin sa kanya si Brax saka bumuntung-hininga. "Alam ko. Pero kinaya naman natin na ilihim ito sa loob ng isang linggo, hindi ba? So, ibig sabihin niyon, mas kakayanin pa natin, Vienne. Tiwala lang ang kailangan."
            "Tiwala lang ang kailangan," ulit niya sa sinabi nito.
            "Oo. Iyon ang kailangan. Kaya huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Dapat ang isipin natin `yong gagawin natin para sa monthsary natin. Second monthsary," nakangiting sabi nito. "Dahil bawal naman dito sa lugar natin, sa kabilang bayan na lang tayo mag-date."
            "Ikaw ang bahala. Basta ikaw ang kasama ko. Okay lahat."
            Iyon nga ang ginawa nila. Nag-plano sila ng gagawin nila sa araw ng monthsary nila. Pagkatapos niyon, nahiga silang pareho sa kama.
            "Vienne."
            "Hmm.."
            "May utang ka pa pala sa `kin."
            Tumagilid siya ng higa. Iyon din ang ginawa nito. Magkaharap na sila ngayon.
            "Anong utang?"
            "Iyong gagawin natin dapat n'ung isang linggo. Hindi pa natin nagagawa iyon."
            Napangiti siya sa sinabi nito. "Oo nga pala, ano?"
            "So payag ka na bang gawin natin iyon?"
            "Hindi pa, eh."
            Natawa siya nang sumimangot ito. "Ganoon. Kung ayaw mo ng good na usapan, dadaanin ko sa dahas."
            Pagkasabi nito niyon, pumaibabaw ito sa kanya. Hinawakan ang magkabila niyang kamay at ipinuwesto sa uluhan niya.
            "Uy, Brax. Bawal ito. Hindi mo ba alam na--."
            Pinatigil siya nito sa pagsasalita sa pamamagitan ng isang halik sa labi. Isang mapusok at mainit na halik na nagpaungol sa kanya.
            Brax is really a good kisser. Nakakadarang. Puno ng init. Habang nagpapalitan sila ng isang mainit na halik. Naramdaman niya ang matigas na bagay sa pagitan ng hita nito. Damang-dama niya ang katigasan niyon. Katulad ng sa kanya. Patunay na nagnanasa sila sa isa't-isa.
            And just like the other night, both of them went to the place where only the two of them can give to each other.


SATISFIED. Kung nakikita ni Vienne ang kanyang repleksyon sa salamin, alam niya na iyon ang makikita niya na nakalarawan sa mukha niya. Maaliwalas. Puno ng sigla. Hindi mapapantayan ang saya. Bakit naman hindi? Wala na kasi siyang mahihiling pa sa relasyon nila ni Brax kahit na nagsusumigaw ang katotohanan sa kanya na isang 'MALAKING' lihim pa rin na maituturing ang relasyon nilang dalawa -- hindi sa pamilya niya kundi sa pamilya nito.
            Kahit na nakakadama ng takot si Vienne sa oras na malaman ni Tita Raquel ang lihim nila, naiibsan naman iyon ng pagmamahal at pagpapahalaga na ipinapakita at ipinapadama sa kanya ni Brax. Ang kanyang Brax. Malaki ang pasasalamat niya na kahit alam na nito ang lahat, hindi siya nito iniwan. Napaka unawain nito. Hindi katulad ng inaasahan niya ang nangyari. Masyado lang siyang nalulong sa negativity dahil sa sunod-sunod na dagok na dumaan sa relasyon nila.
            At kung bibilangin niya ang mga iyon.. Hayst! Huwag na lang. Kung iisipin na naman niya kasi ang mga iyon ay baka masira ang araw niya. Dapat puro positivity lamang ang isipin niya.
            Sa marahang pagkilos, inilapit niya ang mukha rito para mabigyan ito ng isang halik sa pisngi. Halik na sa pisngi dapat ngunit gumalaw ito at eksakto namang dumantay iyon sa labi nito.
            Napangiti siya nang gumalaw ang labi nito. At para makasigurado na hindi siya basta kakalas ay hinawakan pa nito ang likuran ng ulo niya. Hinampas niya ito para makakalas siya rito.
            Natatawang umupo naman ito. Dahilan para mawala sa pagkakatakip ang kumot na nakatakip dito. Exposing his body.
            "Ang hilig mo talaga!" Natatawang sabi niya.
            "Hindi ko mapigilan, eh." Anito.
            Napailing na lang siya. "Masyado ka lang. Kain na tayo."
            "Nagluto ka?"
            "Hindi. Si mama at papa ang nagluto. Magkasundong-magkasundo sila pagdating sa kusina."
            "Lapit ka sa `kin," parang batang sabi nito.
            "Bakit?" Takang tanong niya ngunit lumapit na rin.
            Nang makalapit siya rito. Hinila siya nito palapit dito saka niyakap nang mahigpit.
            "I love you, Vienne. Mahal na mahal kita."
            "Ang cheesy mo yata ngayon. Ano ba nakain mo?" Pagbibiro niya. Nakangising tiningnan niya ito.     
            "Ikaw yata ang nakain ko." Anito, natatawa.
            Namula siya sa sinabi nito. "Umayos ka nga! Baka `pag may nakarinig sa `yo, maniwala. Masyado ka."
            "Hay naku, Vienne. You really are something. Ano ba ang gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko." Mula sa nakangiting mukha, napalitan iyon ng kaseryosohan. Inabot nito ang kanang kamay niya at dinala iyon sa tapat ng kaliwang dibdib nito. "Do you feel that, Vienne."
            Tumango siya. "Damang-dama ko. Ako ang dahilan niyan."
            "Yeah. You are the reason of this," anito. "Sabi nila, ang drum daw ang puso ng isang banda. Kapag nawala ito sa tono o kaya naman namali sa pagpukpok, lahat maaapektuhan. Lahat masisira. Ganoon ka sa akin. The beat of my heart already belongs to you. Walang basta-basta makakakuha nito. Ikaw lang. Sa `yo lang. Kaya kung ano man ang mangyayari sa ating dalawa. Always remember that I love you. You're the reason of my smile. You're my life. You're my everything. Kung mawawalay man tayo sa isa't-isa, tandaan mo na ang puso ko, maiiwan sa `yo."
            Hindi niya maiwasan ang maluha sa sinabi nito. His tears started to pour. Itinaas niya ang kaliwang kamay para mahawakan ang mukha nito. "Tatandaan ko `yon, Brax. Alam ko na hindi ka naman papayag na malayo ako sa `yo, maski ako, hindi papayag. Katulad mo, hindi ko rin alam ang mangyayari sa akin kung sakali na mawala ka sa tabi ko. Alam ko na hindi dapat, na mali ang maging dependent sa `yo dahil katawan ko `to pero hindi ko maiwasan. As if, I'm breathing using you. I'm living because of you. And I'm waking every morning because of you. Parang sa kanta lang na I Need You. Ikaw `yon lahat sa akin. Kaya naman hindi ako papayag na basta-basta malayo tayo sa isa't-isa."
            Nakita niya ang pagtulo ng luha nito.
            "I'm touch. Deeply. Mahal na mahal kita."
            "Alam ko na `yon. Hindi rin ako magsasawa na sabihing mahal na mahal na mahal na mahal na kita. Walang iwanan. In case na mangyari man iyon. Maniniwala ako na babalikan mo ako."
            "Asahan mo iyon. Kahit umabot ng linggo, buwan, taon. Babalikan kita."
            "Tama na nga `to, Brax," aniya, sabay punas ng luha na naglandas sa pisngi niya. "Masyado na tayong nagiging emotional. Kung makaarte tayo, parang may mangyayari na masama. Na parang pagkatapos ng happy moments natin muli na naman tayong dadaan sa trials at hardships. Huwag ganoon. Dapat laging positive tayo."
            Hindi ito nagsalita. Sa halip, niyakap siya nito nang mahigpit.


DUMAAN ang mga araw hanggang sa umabot iyon sa araw ng second monthsary ni Vienne at ni Brax. All set na silang dalawa. Alam niya na pareho silang nakasuot ng kulay asul na T-shirt. Iyon ang napag-usapan nila. Hindi sila nangahas na magsuot ng couple shirt kagaya ng iba dahil 'nagtatago' nga sila kahit na sabihin pang sa kabilang bayan nila gagawin ang 'tagong' selebrasyon ng mahalagang araw nilang dalawa.
            Simple lang naman ang itinerary nila para sa araw na iyon. Maglilibot-libot sa mall. Kakain sa paborito nilang lugar. Manonood ng sine. Kakain ulit. Kung tutuusin ay isang simpleng celebration lang naman iyon. Hindi magarbo. Maituturing na payak. Ang importante naman kasi ay ang makasama niya si Brax sa isang mahalagang okasyon. Kahit nga nasa loob lang sila ng kwarto, doing such things like watching anime and their favorites movies was okay with him.
            Magkikita sila ni Brax sa waiting shed na malapit sa school nila. Iyon ang usapan nila. Hindi pa man oras para magtungo siya roon, nakahanda na siya. Handang-handa na siya. Bilang panghuli sa get up niya. Nagwisik siya ng pabango na si Brax ang nagbigay. Sinipat niya ang sarili sa salamin. Satisfied siya sa nakikita. Gwapo si Brax kaya hindi siya magpapahuli rito.
            "Ang gwapo ng anak ko, ah," anang mama niya nang makababa siya ng hagdan.
            Nakaupo ito sa one seater sofa habang ang papa naman niya ay nakapwesto sa isang upuan. He was really glad that his parents were in a good condition now. Hindi na ito naiilang sa isa't-isa at kung magturingan ay para ng mag-bestfriend. Hindi man magkakatuluyan ang mga ito, masaya pa rin siya. Alam niya kasi na hindi basta-basta matitinag ang mga ito. Alam niya na susuportahan ng mga ito ang isa't-isa lalo na ang welfare niya.
            "Mag-iingat kayong dalawa ni Brax."
            "Mag-iingat kami, `pa," sabi niya. "Huwag kayong mag-alala sa amin."
            "Ang aga mo naman yata," anang mama niya.
            "Sakto lang po. Pagkarating ko po roon, eksakto na ang oras."
            "Maglalakad ka lang ba?"
            "Opo. Hindi pa naman masyadong mainit saka may payong naman ako. Isa pa, I'll be making sure na hindi pa ako haggard pagdating doon. Yakang-yaka ko ang maglakad."
            "Kung ganoon nga. Sige, umalis ka na, Vienne. Mag-iingat kayo roon, ah."
            "Sige po. Bye `ma, `pa."
            Nang makapagpaalam sa mga ito. Lumabas na siya ng bahay nila. Eksakto naman pagkasara niya ng gate at pagharap niya sa tapat ng bahay nina Brax saka naman ito lumabas.
            Nginitian niya ito ng matamis. Gwapong-gwapo ito sa suot na kulay asul na t-shirt. Kahit messy ang buhok nito, hindi iyon naging kabawasan sa kagwapuhan nito. Sa halip mas dumagdag pa iyon sa pamatay nitong appeal. Rugged at bad boy ang image ngunit ang totoo ay malambot ito lalo na sa kanya.
            Ginantihan nito ang ngiti niya. Parang mga timang na nagsenyasan silang dalawa. Itinuro nito ang sarili. Kasunod niyon ang pagguhit ng korteng puso sa tapat ng kaliwang dibdib nito. Para sa pagtatapos niyon, itinuro siya nito. Of course, he knew what that sign meant.
            Ginaya niya ang ginawa nito. Pagkatapos niyang gawin iyon. Nag-flying kiss pa siya na agad namang sinalo nito.
            Pareho pa silang natawa na dalawa sa kalokohan nila na natigil ng dumaan ang isang lalaki na nakatingin sa kanilang dalawa. Palipat-lipat to be exact.
            Nang makalampas ang lalaki. Naglakad na silang dalawa. Kahit malayo sa isa't-isa, ang drama nila ay parang magkasama at magkatabi. Pareho sila ng paraan ng paglalakad. Maituturing na halos magkasabay. Walang nauuna o nahuhuli kundi magkasabay talaga.
            Habang naglalakad. Tumunog ang cellphone niya. Ringing tone na isinet niya para kay Brax. Ang kanta ng Before You Exit na 'Soldier' iyon. Ang kanta rin na kinanta nito sa kanya n'ung na-ospital siya.
            Sinagot niya iyon. "Bakit ka tumawag?"
            "Para marinig ang boses mo," anito. Natatawa.
            "Bakit nga?" Pangungulit niya.
            "Sakay tayo ng tricy."
            "Maglalakad ako."
            "Huwag ka nang maglakad. Sakay na tayo ng tricy. Bilis na, Vienne. Gusto na kitang makatabi."
            "Para ka lang bata." Natatawang wika niya.
            "Bilis na, Vienne."
            "Oo na."
            Nang makarating sila sa paradahan ng tricycle. Eksakto naman na wala pang laman ang unang tricycle na nakapila. Agad silang sumakay doon.
            "Ito na ang hinihintay ko," anito, saka pasimpleng inilagay ang bag na dala nito sa gitna nila upang mahawakan ang kamay niya.
            "Hay naku! Para kang ewan, Brax." Bulong niya.
            "`Yaan mo na. Para sure lang. Alam mo naman ang mga tao dito sa `tin, mga tsimoso."
            "Mismo." Pagsang-ayon niya.
            "Excited ka na ba, Vienne?" Tanong nito maya-maya.
            "Over. Hindi ba halata."
            "Halata nga, eh. Pero don't worry, hindi ka nag-iisa. Excited na rin ako. Ano kaya kung ibahin natin ang itinerary natin? Instead of doing such things, magkulong na lang tayo sa isang--"
            "Adik ka! Umayos ka nga. Namumuro ka na sa pagiging ma-ano mo, eh. Masyadong mata--"
            "Nagbibiro lang naman ako. Malay mo baka makalusot. Huwag ka nga. Parang hindi mo naman.." ngumisi ito. "..gusto."
            Umiling-iling siya.
            "`Love you."
            "`Love you rin."
            Nanlaki ang mata niya nang ilapit nito ang mukha sa kanya para mabigyan siya ng mabilis na halik sa labi.
            Nang maka-recover sa pagka-shock. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito sabay bulong. "Baliw ka. Paano kung may makakita sa `yo?"
            "Pasensya. Na-carried away lang."
            Natigil ang pag-uusap nilang dalawa nang may sumakay na bata. Naupo ito sa baby seat.
            Ang mga sumunod na sandali ay katahimikan na lamang. Nagkasya silang dalawa na hawak ang kamay ng isa't-isa at pagpalitan ng ngiti na hindi mahahalata ng batang kasakay nila.
            Nang makarating sila sa paradahan ng jeep, magkasabay silang bumaba na dalawa at sumakay sa jeep.


KAHIT hindi nakikita ng kanyang dalawang mata, alam ni Raquel na may ugnayan pa rin ang anak niyang si Brax kay Vienne. Pasimple niya itong sinusundan ng tingin habang masayang nagluluto ng pagkain nito. Samantalang siya ay nakaupo naman sa tapat nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito pinapansin. Alam naman niya na may galit ito sa kanya. Galit na alam niya ang dahilan kung ano -- iyon ang sinabi niya ritong hiwalayan si Vienne. Kilala niya ang anak. Kahit na nitong nakaraan ay wala siya sa huwisyo dahil sa pang-iiwan sa kanya ni Bruce, hindi nawala sa isipan niya si Brax. Ang sakit sa mukha nito habang nakkitang naghihirap siya. Ang inis na nadarama nito para sa ama nito. At higit sa lahat ang kasiyahan na nakikita niya sa mukha nito tuwing kasama nito si Vienne. Kasiyahan na mabubura dahil sa kagagawan niya.
            Duda siya kung sinunod nito ang sinabi niya. Gayunpaman hindi siya nagsalita. Magmasid lang siya. Susubaybayan ito hanggang sa makita ng sarili niyang mga mata na magkasama ang dalawa.
            Si Brax na lang ang naiwan sa kanya at hindi siya papayag na malayo rin ito dahil sa pamilya na kinasusuklaman niya. Ang totoo, hindi naman dapat madadamay si Vienne sa galit niya para sa ina nito ngunit nag-iba ang pananaw niya nang makita kung paano na-shock at hindi makapagsalita si Vienne sa sinabi niyang kabit ng asawa niya ang nanay nito. Ang masama pa ay alam pala nito ang lahat. Nagawa pa nitong ilihim sa kanya ang katotohanan.
            "Brax," tawag niya sa pansin ng anak.
            Huminto ito sa pagkain ngunit hindi man lang nagawa ang tingnan siya sa mukha. Bagay na nagbigay ng lungkot sa kanyang puso.
            "Brax," muling tawag niya rito.
            Isang malamig na tingin ang ibinigay nito. "Kung sasabihin n'yo na naman sa `kin na layuan ko si Vienne. Nagawa ko na, `ma. Kahit ayaw ko, nagawa ko na."
            Bumangon ang galit sa kanya. Alam niyang nagsisinungaling ito. Kilala niya ang anak. Hindi ito nanggaling sa kanya at lumaki sa piling niya kung hindi. Ngunit kahit nagagalit siya, pinigilan niya iyon. Kung hindi ito makukuha sa galit, babaliktarin niya. Magpapaawa siya rito.
            "Talaga bang nakipag hiwalay ka na sa kanya, Brax?"
            Hindi ito nagsalita. Ipinagpatuloy nito ang pagkain.
            "Tinatanong kita. Sumagot ka. Hindi ka ba naaawa sa `kin, ah, anak. Ako ang naloko rito. Ako ang naiwan pero hindi ko makuha ang simpatiya mo. Tayo ang agrabyado, iniwan tayo ng papa mo dahil sa mama ni Vienne. Dahil sa walanghiyang babaeng iyon. At ang anak niya, si Vienne, nagawa niyang paglihiman tayo. Nagawa niyang ilihim sa `tin ang kataksilan ng nanay niya at ng papa mo. Intindihin mo naman ako. Ako dapat ang kinakampihan mo dahil ako ang mama mo. Tayo ang magkadugo. Hindi ang boyfriend mo."
            "Alam ko naman `yon, `ma. Alam ko na ang lahat." Anito.
            Natigilan siya. "Alam mo ang lahat?"
            "Opo. Bago mo pa malaman. Alam ko na ang lahat. Hindi lang ako nagsalita nang sabihin n'yo `yon sa `kin dahil naaawa ako sa inyo. Mahal ko kayo, `ma, pero mahal ko rin si Vienne. Alam n'yo po ba ang ginawa niya nang malaman niya na ang mama niya ang kabit ni papa. Nakipag hiwalay siya sa `kin. Isang linggo niya akong hindi inimik, iniwasan na parang hindi kami magkakilala. At nang malaman ko ang totoo, ang galit ko, biglang nawala. Naisip ko, bakit kami madadamay na dalawa sa problema n'yong matatanda? Dapat po na wala kaming kinalaman diyan. Hindi ba?"
            "Hindi pwedeng wala kayong kinalaman na dalawa, Brax. Alam ko na matalino ka. Huwag kang magpabulag sa pagmamahal na nadarama mo sa kanya. Isa siya sa nagtakip ng maling relasyon ng mama niya at papa mo. Malaki ang kinalaman niya dahil d'un."
            "Sorry sa sasabihin ko. Hindi ba ganoon din kayo, `ma. Nabulag din kayo sa pagmamahal n'yo kay papa kaya naman hanggang ngayon hindi kayo makapag move on. Lagi mong iniisip at hinihiling na muling babalik si papa sa atin. Kung tutuusin, magkatulad lang po tayo. Nagmana ako sa inyo kaya kahit alam ko na alam ni Vienne ang lahat, mahal ko pa rin siya. Parang ikaw lang kay papa."
            Napipilan siya. "Tandaan mo na nanay mo pa rin ako, Brax. Huwag kang magsalita nang ganyan sa akin. Alam ko naman ang totoo. Alam ko na hindi ka pa nakikipag hiwalay kay Vienne."
            "Isipin n'yo na po ang lahat. Basta nakipag hiwalay na ako sa kanya." Pagkasabi nito, tumayo na ito saka nagtungo sa harap ng lababo para hugasan ang ginamit nito.
            Nagngingitngit naman ang kalooban ni Raquel. Naiisip niya na gagawa siya ng paraan para maghiwalay ang dalawa. Hindi siya papayag na mawala pa sa tabi niya ang anak. Hindi siya papayag na mas piliin nito ang Vienne na iyon kaysa sa kanya. Hindi siya papayag na muling mangyari ang nangyari sa kanya kay Brax. Sa kanya lang ang anak niya. Walang makakakuha nito sa kanya.
            Gagawa siya ng plano para manatili sa tabi niya ang anak niya.


"AKALA mo hindi ko napapansin, Brax. Nakangiti ka nga pero malungkot ang mata mo."
            Mula sa kanyang kinakain, bumaling si Brax kay Vienne. He clearly saw how he worry or him.
            "Masaya ako na kasama kita," aniya. "That's given. Kung may pinoproblema man ako, hindi ikaw `yon. Ayokong madamay ka pa."
            Pumalatak ito. "Anong silbi kong boyfriend sa `yo kung hindi mo masasabi sa akin ang problema mo. Come on, Brax. Sabihin mo `yan sa `kin. Kahit hindi ko pa nalalaman at naririnig, alam ko na parte ako ng pinoproblema mo."
           Napangiti siya. "Talagang wala na akong maitatago sa `yo, Vienne. Sige. Dahil makulit ka naman, sasabihin ko sa `yo."
            Nagsimula siyang sabihin dito ang pinag-usapan nila ng mama niya bago siya umalis sa bahay nila.
            "Sinabi ko naman sa `yo, walang lihim na hindi nabubunyag." Ani Vienne.
            "Hinala pa lang naman. Siyemre, nag-insist ako na hiwalay na tayo. Hindi ako papayag na malayo na naman tayo sa isa't-isa."
            "Pero kung iisipin, dapat na si Tita Raquel ang piliin mo kaysa sa akin."
            "Bakit kailangan kong mamili kung pwede naman kayong dalawang manatili pareho sa tabi ko. At kung papipiliin man ako, hindi ako pipili."
            "Mahirap magsalita ng tapos, Brax."
            "Kontrabida ka," kunwaring nagtatampo na sabi niya.
            "Sus. Tampurorot ka naman agad."
            "Eh ikaw kasi. Bida ka sa istoryang ito pero kontrabida ka rin."
            Nawala ang ngiti sa labi nito. "Alam mo Brax. Kahit ano pa ang mangyari, mauunawan kita. Tandaan mo `yon, ah."
            "Tatandaan ko." Nasabi na lang niya.
            "Kung pakaka isipin din, nagi-guilty din ako sa nangyari sa pamilya mo. Lagi mong pinagmamalaki na buo ang pamilya mo noon. Na may tatay ka na responasable, na lahat ng bagay na magustuhan mo ay binibigay. You idolized your father that much but things started to change when you learned what your father did to your family. Si tita, nagbago, mula sa masayahin at nakangiting babae, napalitan iyon ng seryoso at matapang na babae. Tapang na alam kong magiging dahilan ng --"
            "Hindi mangyayari `yon." Putol niya sa sasabihin nito. "Huwag na nating pag-usapan ang mga bagay na ganito. Masaya lang tayo dapat. Dapat pala hindi ko na sinabi sa `yo ang napag-usapan namin."
            "Maiiwasan mo ba `yon?"
            "Naman."


CHAPTER THIRTY

NAPAKUNOT ang noo ni Ambrose nang makita ang unregistered number sa screen ng cellphone niya na tumatawag sa kanya. Wala sana siyang balak na sagutin iyon ngunit patuloy iyon sa pagri-ring. Waring hindi titigil hanggang hindi nakukuha ang kung ano mang pakay sa kanya.
            Pinindot niya ang answer button. Pumailinlang ang boses ng isang babae. Sa tantiya niya ay naglalaro sa thirty o forty ang edad niyon.
            "Sino po sila?"
            "Hindi ba gusto mo si Vienne." Sabi nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
            Natigilan siya. Of course, hindi naman iyon isang lihim para hindi malaman ng mga estudyante ng URS. Kahit nga yata ang mga professor at non teaching staff ng eskwelahan ay alam iyon. Pero hindi niya kilala kung sino ang babaeng ito na tumatawag sa kanya. Basta na lang nitong sinabi iyon.
            "Hindi naman po kaila iyon," aniya. "Sino po kayo?" Ulit niya sa tanong.
            "Hindi na mahalaga kung sino ako. Sa oras na mawala si Brax sa tabi niya, sunggaban mo na ang pagkakataon, hijo. Kayo ang mas bagay na dalawa at hindi si Vienne at Brax."
            Kahit papano, natuwa naman ang puso niya sa sinabi nito. Ambrose you knew that he had least part in Vienne's heart. Ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin nawawala sa kanyang puso ang paghangad na kahit papano ay mabibigyan ng kaunting pansin ni Vienne ang pagsinta niya rito.
            "I'm flattered for it, ma'am. Pero hindi naman yata iyon mangyayari. Paanong maglalayo ang dalawa? Talo pa nila ang dalawa ang linta kung magdikit tuwing sa school silang dalawa."
            "Ano?! Hindi ba sila nag-break?"
            Halos mabingi siya sa pagsigaw nito. Waring nagulat sa sinabi niya.
            "Hindi n'yo po ba alam na sila pa ring dalawa?" Takang tanong niya.
            "Hi-hindi."
            Malinaw niyang narinig sa boses nito ang galit.
            Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kwarto niya. Tiningnan niya kung sino ang pumasok. Ang Kuya Chester niya.
            "Sige po. Paalam na." Bago pa makasagot ang babae. Tinapos na niya ang tawag. Inilagay niya sa ibabaw ng bedside table ang cellphone niya saka siya humarap sa kuya niya.
            "Bakit?"
            "Tinatawag ka ni mommy, Brose. Gusto kang makausap."
            "Para saan daw?"
            "Hindi ko alam. Basta gusto kang kausapin."
            "Tungkol na naman ba `to sa pag-i-stay ko rito sa kwarto ko at pagpapakasasa ko sa kalungkutan dahil sa kabiguan ko kay Vienne?"
            Nagkibit balikat ito. "I dunno know. Hindi ako si mommy para tanungin mo ng ganyan, Brose. Kayo ang mag-usap na dalawa," anito saka lumabas ng kwarto niya.
            Naiwan naman siyang nakatingin sa nakasarang pintuan. Napabuntung-hininga saka nagpasyang tumayo at sundan ito.
            Agad niyang nakita ang mama niya pagkababa niya. Katabi nito ang papa niya. Seeing the look on their faces, he knew that both of his parents were worried about his welfare. Hindi man nagsasalita pa ang mga iyo, alam na niya iyon dahil sa nakikita niya.
            "Bakit n'yo po ako pinapatawag?" Tanong niya.
            Padabog siyang naupo sa pang-isang upuan.
            "Para makausap ka," anang daddy niya.
            "Nag-aalala na kami ng daddy mo sa kalagayan mo, anak. Simula nang mabasted ka kay Vienne, nag-iba ka na. Hindi na ikaw `yong kilala ko na anak ko."
            Hindi siya nagsalita. Ambrose was so much thankful for having a parents like them. Open minded in their own way. Nang malaman ng mga ito ang pagsinta niya kay Vienne, sa pareho niyang kasarian, kinausap siya ng mga ito nang mahinahon. Sa pagpapaliwanag niya at sa bukas ng pag-iisip ng mga ito, natanggap nito ang katotohanan. Kaya alam niya na nag-aalala ang mga ito sa kanya.
            "I'm okay, `my, `dy. Alam ko na malalampasan ko po ito."
            Pinigilan niya ang mapaiyak. Nang sabihin niya ang mga salita na iyon, parang may bumikig sa kanyang lalamunan. Parang anumang oras ay tutulo ang luha niya kapag nagpatuloy siya sa pagsasalita.
            Two months na mula nang malaman niya na si Vienne at Brax na. Ang pagbe-break ng mga ito, muling pagbabalikan, pagkaka-aksidente ni Vienne, pagkaka-ospital. Marami ang nangyari ngunit heto pa rin siya. Still stuck in the misery that he was feeling. For being broken hearted that Vienne did.
            "Nag-aalala na ako sa `yo, anak. Oo, given, na hindi ka umiiyak pero alam ko na nasasaktan ka. Hindi naman masama ang umiyak. Ilang beses ko nang nakita ang tingin mo palagi sa palayo. Nagbabadya rin ang pag-iyak mo pero lagi mong pinipigilan. Iiyak mo `yan. Nandito kami ng daddy mo para alalayan ka."
            Hindi siya nagsalita. Napayuko na lang siya.
            "Tama ang mommy mo, Brose. We're here. Kung hindi mo na kaya, willing kaming tulungan ka."
            "Ka-kaya ko na-naman po," aniya. Tuluyang tumulo ang luha niya. Nang mag-umpisa siyang lumuha, parang dam na iyon na hindi niya mapigilan. Natagpuan na lamang niya ang sarili na yakap-yakap ng mama niya. Parang dito kumukuha ng lakas.
            Ngayon lang siya nasaktan ng ganito. Hindi naman ganito kasidhi ang sakit na nararamdaman niya sa mga past relationship niya. Kay Vienne lang. Kay Vienne lang na sobrang mahal niya.

"NAG-ENJOY ako ng sobra." Ang paulit-ulit na sinasabi ni Vienne patungkol sa araw ng monthsary nila ni Brax kahit na dalawang araw na ang nakararaan mula nang mangyari ang bagay na iyon. Gusto lang niyang iparating kay Brax kung gaano siya kasaya tuwing kasama niya ito. Hindi niya ramdam ang pagdaan ng oras tuwing kasama niya ito. All of him was already into him no matter what happened.
            Ngumiti lang ito saka siya mabilis na hinalikan sa pisngi saka nagtungo sa pwesto nito, sa tapat ng drum set. Nasa music room sila kasama ang bandmates nito para sa paghahanda nito sa nalalapit na battlw of the bands. So far, sa mga narinig niya na performances ng mga ito, masyado siyang na-overwhelm. Hangang-hanga siya sa kagalingan na pinapakita ng mga ito. Sa ganda ng boses ni Chris, sa galing ni Devin at ni Thei, siyempre hindi magpapahuli ang lalaking mahal niya.
            Kitang-kita niya sa mukha ng mga ito ang masidhing paghahangad para manalo. Idagdag pa na sa dahan-dahang sitwasyon, nakikita niya ang pagbabago kay Chris mula nang maging syota nito si Geo.
            Sa side naman ni Devin at Theo, well, wala naman siyang alam sa mga ito dahil ang lahat ng atensyon niya, lately, sa iisang tao lang. Ang taong nagbibigay sa kanya ng sanlaksang kasiyahan.
            Sumenyas siya kay Brax na lalabas muna nang tumunog ang cellphone niya. Unregistered number ang nandodoon. Napakunot noo siya. Wala naman siyang pinagbibigyan ng numero niya.
            Para malaman kung sino ang tumatawag sa kanya. Sinagot niya iyon. Eksakto naman na nasa labas na siya ng music room.
            "Hello. Sino po `to?"
            "Si Ambrose `to, Vienne."
            Nagulat si Vienne. Hindi siya nakaimik. Isang buwan na rin mula nang hindi ito mag-text sa kanya. Isang buwan na nawalan siya ng komunikasyon dito. Pinalitan pa nga nito ang cellphone number nito para hindi siya makatawag. Tuwing nagkakasalubong naman sila sa building ng Education Department ay hindi siya nito pinapansin. Para lang siyang hangin na nilalampasan nito. Hindi siya tanga para malaman na hindi pa nito kayang makita o makausap siya kaya hinayaan na rin niya. Naiintindihan niya rin ang nararamdaman ni Ambrose. Kahit ano man ang mangyari, kaibigan pa rin niya ito. Iyon ang turing niya rito kahit na para dito ay iba na.
            "Na-napatawag ka," sabi niya.
            "Alam ko na hindi mo inaasahan `to," anito.
            "Hi-hindi talaga."
            Minura niya ang sarili sa pag-i-stammer. Hindi niya mapigilan. Hindi na siya sanay na makausap si Ambrose.
            "Kumusta ka na?"
            "Okay lang. I-ikaw?"
            "`Wag mo nang itanong. Hindi ko na rin sasagutin `yan dahil alam ko na alam mo ang sagot."
            Napakagat labi siya. "I'm sorry."
            "Don't be, Vienne. Wala ka namang kasalanan sa nararamdaman ko ngayon. Kung meron man dapat na humingi ng sorry, ako `yon. I'm sorry sa hindi ko pagpansin sa `yo."
            "Bakit ka tumawag? Dahil ba doon?"
            "Hi-hindi," anito.
            "Para saan?"
            "I just wanted to hear your voice. I know its crazy. Nasa moving on process ako dapat pero hindi ko magawa, Vienne. Hindi ko magawang makalimutan ka."             Nagsimulang mabasag ang boses nito.
            Nakadama siya ng lungkot. "Ambrose.."
            "I'll be fine. Sabi kasi ni mommy, tawagan daw kita. Tell you how sorry I am and for the last time to hear your voice. Baka dahil daw doon ay magkaroon na ako ng lakas ng loob para itigil ito. Pero, I'm just laughing to the idea. Sa tingin ko kasi, hindi ka basta-basta mawawala sa sistema ko. Just like how Brax gave to you. Masakit. Alam mo ba `yon? Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman kasi matuturuan ang puso ko na basta ka na lang kalimutan. Na huwag na ikaw ang mahalin dahil may iba naman na tao na nakalaan sa akin. Na hindi ngayon darating pero alam kong meron. Tell me, Vienne. Paano ba kita magagawang makalimutan kung buong sistema ko. Simula sa ulo hanggang sa puso, oras-oras ikaw `yong naiisip at tinitibok."
            Vienne left speechless. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa mga sinabi ni Ambrose. Parang may bikig sa lalamunan niya. Heto siya. Nagpapakasaya sa piling ng taong mahal niya without knowing the feeling of other people who also have feelings for him.
            "Sa-sabihin mo, Ambrose. Selfish ba ako?"
            "Paano ko sasabihing selfish ka, Vienne? Hindi, eh. Nagmamahal ka lang. Ang pagkakaiba lang natin na dalawa. `Yong mahal mo, mahal ka. Ako `yong mahal ko, may ibang mahal at malabo pa sa malabong tubig na pwede niya akong magustuhan."
            "Ambrose.."
            "I still love you, Vienne. I always will. Kung sana naging tayo, hindi na kita pakakawalan pa. Kung sana ako na lang ang unang nakilala mo, sana nagkaroon ako ng chance na makasama ka."
            "I'm sorry.."
            "Sinabi ko naman sa `yo na wala kang dapat na ihingi ng sorry. Ako dapat ang nagbibigay n'un dahil sa ginawa kong iyon, alam ko na nasasaktan at pinapaiyak na naman kita. Kung may pagkakataon ako na makuha ka. Gagawin ko. Pipilitin ko at ipipilit ko ang sarili ko sa `yo hanggang sa ma-realize mo na mahal mo na rin ako. I know it's stupid and a selfish act. Pero ganoon yata talaga kapag nagmamahal ka. You will turn things upside down just for the person you love. Gagawin mo ang lahat na imposible maging posible. Ibibigay mo ang lahat sa kanya para lang masabi mong mahal na mahal mo siya. I love you. I will not saying goodbye coz I know one day, my love for you will have a try."
            Magsasalita pa sana siya ngunit nawala na ito sa kabilang linya. Naramdaman niya ang pagtulo ng luha niya sa kanyang psingi. He's hurting. Hindi para sa kanyang sarili kundi para kay Ambrose na nasaktan niya nang sobra. Pero ganoon naman yata talaga siguro. Kapag nagmamahal ka, hindi maiiwasan ang masaktan. May masasaktan at masasaktan kahit na anong iwas ang gawin mo. Iyon ang batas ng pag-ibig. Siya ang nanakit ngunit sa kabila niyon may nagmamahal sa kanya.
            Ang kaso niya at kaso ni Ambrose ay ibang-iba. Nasaktan niya ito nang sobra.

ANG kasiyahan na nadaram ni Brax ay biglang naglahong parang bula. Nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makita si Vienne na umiiyak. Agad niyang nilapitan ito.
            "Bakit ka umiiyak?"
            Umiling lang ito saka pinunasan ang luha na naglandas sa pisngi nito.
            Wala siyang ideya kung bakit ito nagkakaganoon. Nang magpaalam naman ito sa kanya kanina ay okay naman ito.
            "Bakit ka ba umiiyak?" Ulit niya sa tanong.
            Ang pagiging protective niya rito ay agad na bumangon. He badly wanted to know the reason why Vienne was crying.
           "Sabihin mo sa `kin, Vienne!" Hindi niya maiwasan ang ma-frustarte sa pinapakita nito. Parang..
            "Damn it! Vienne! Sabihin mo sa `kin ang rason kung bakit ka umiiyak. Kailangan ko `yang malaman para maipagtanggol kita. Para.."
            "Tumawag si Ambrose." Pamamatlang nito sa kanya. "Umiiyak ako dahil sa kanya Brax. Ang saya-saya ko na kasama ka nang hindi nalalaman na may nasasaktan pala sa isang tabi. He told me how much he love me. Kahit na nasasaktan siya, naglakas siya ng loob na tawagan ako para sabihin sa akin ang saloobin niya. I feel so sorry for him. Gusto ko na makabawi sa kanya."
            "Gu-gusto mo ba siya?" Tanong niya. Bitterness was etched in his face. Alam niya na nagtunog bitter din siya sa paraan ng pagkakatanong niya iyon dito.
            "Hindi ko siya gusto. Hindi ko alam, Brax."
            Parang bombang sumabog sa harapan ng mukha niya ang walang katiyakan na sagot mula rito.
            "Gu-gusto mo ba siya?"
            "Gusto ko siya bilang kaibigan, Brax. Mahalaga sa akin si Ambrose dahil kaibigan ko siya."
            "Bakit ganyan kung maka-iyak ka? Hindi ko gusto ang nakikita ko, Vienne. Hindi naman dapat na magselos ako kasi akin ka na pero sa mga narinig ko mula sa `yo parang unsure ka na."
            "Hindi ako unsure." Matatag na sabi nito. "Mahal na mahal kita, Brax. Umiiyak ako dahil nasasaktan ako sa paraan bilang nagmamalasakit na kaibigan. Ako ang dahilan kung bakit nasa miserable state si Ambrose ngayon pero hindi ibig sabihin niyon ay mahal ko na siya katulad ng pagmamahal ko sa `yo." Niyakap siya nito. "Walang dahilan para maging bitter ka, Brax. Ikaw lang ang mahal ko. Gusto ko lang makabawi kay Ambrose. Makabawi na sa paraan na hindi kita masasaktan at alam ko na magiging masaya si Ambrose."
            Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito. "Next time, make it clear, Vienne. Hindi ko maiwasan ang magselos. Hindi ko maiwasan ang.."
            "You're always be the number one in my heart. Walang makakapalit sa `yo."
            Niyakap niya ito nang mahigpit. He was relieved. So much. Walang dahilan para maging kulubot siya at bitter dahil alam niya na hindi siya iiwanan ni Vienne. Masyado lang siyang nag-worry at stress out sa nangyayari sa bahay nila at sa sunod-sunod na band practice para sa nalalapit na battle of the band.
            "Akala ko kung ano na ang dahilan." Aniya, saka ito hinalikan sa noo.
            "Masyado ka kasi."
            "Kung makaiyak ka naman kasi." Dahilan niya.
            "Sorry na," anito. "Na-carried away lang."
            "Pasensya na rin."
            "Tapos na ba ang practice n'yo?"
            "Hindi pa. Break lang. Yayayain sana kitang kumain nang makita kita na umiiyak nga dito."
            "Pasensya na ulit. Pinaselos at naging bitter ka pa tuloy."
            "Buti at alam mo `yon."
            "Alam na alam."
            "Tara na." Yaya niya rito.
            Magkahawak kamay na pumasok sila sa music room.


THE days were just like the same. Ang kaibahan nga lang ngayon, may isang sikreto silang tinatago na hindi dapat malaman ng mama ni Brax. Dati nasa ganoon siyang senaryo, sa kanyang side ay inililihim din niya ang relasyon niya kay Brax mula sa mama niya. Nakakatawang isipin na parang nagpapalit-palit lamang sila ng sitwasyon na dalawa.
            Hindi maiwasan ni Vienne ang malungkot. Parang muling susubukan ang relasyon nila ni Brax sa pagtawag ng mama nito - ni Tita Raquel - at aaminin niya na hindi niya gusto ang tono nito. Nagbabanta. Tila anumang oras o araw ay may gagawing masama.
            Love can really do such things. A powerful force that cannot be seen but felt. Isang makapangyarihang damdamin na pwedeng maglagay sa isang tao sa iba't-ibang perspektibo. Isang makapangyarihang damdamin na naglalagay ng saya, tuwa, lungkot at pighati sa nakakadama nito.
            He was worried. Really. Kung muling susubukan ang relasyon nila ni Brax, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Brax is his everything.
            Muling naglaro sa isipan niya ang naging pag-uusap nila ni Tita Raquel.

            "Hindi ba sinabi ko sa `yong layuan mo si Brax. Anong gingawa mo, Vienne?! Ano itong nalaman ko na may rlasyon pa rin kayong dalawa. Kalat na kalat sa school niyo ang kalandian na ginagawa mo sa anak ko. Kung dati, gusto kita para sa anak ko. Ngayon iba na. Hindi ko maatim na makita kang kasama at malaman na ka-relasyon ng anak ko ang isang katulad mo. Anak ng isang home wrecker at sinungaling. Siguro, nagmana ka talaga sa mama mo. Ang kapal din kasi ng mukha mo na patuloy pa ring pumatol sa anak ko."
            Hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na makapagsalita si Vienne. Pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag ay agad na lumamyerda ang talak ni Tita Raquel. Masakit na marinig mula rito ang ganoon. Dapat nga masanay na siya dahil ganoon din naman ang pagtrato sa kanya ng mama niya dati. Pero.. Hindi eh. Hindi niya kaya ang ganito.
            "Ti-tita, mahal ko po si Brax. Hindi ko po kaya siyang layuan!"
           "Letseng pagmamahal `yan! Itigil mo na Vienne ang relasyon n'yong dalawa! Hindi kayo bagay! Hinding-hindi!"
            Nakakalungkot na ang una nilang naging supporter sa relasyon nila ay bumaliktad na.
            "Tita, I'm sorry po. Please naman po. Mahal ko po ang anak niyo. Hindi ko kayang malayo sa kanya."
            "`Wag mo `kong susubukan, Vienne. Hindi mo ako kilala. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa relasyon n'yong dalawa, sa inyo. Huwag mo akong susubukan."
            Nawala na ito sa linya.
            He left speechless.
            Napaiyak na lang siya.

            Problema. Problema. Problema. Kailan ba sila mawawalan ni Brax ng problema? Hindi niya kayang malayo kay Brax. He was treatened. Hindi niya kilala si Tita Raquel. Hindi niya alam kung ano ang pwedeng magawa ng isang sugatan na puso.
            Pero alam niya na magiging okay ang lahay. Hindi siya basta-basta bibitiw kay Brax. Hinding-hindi.


"TALAGA bang ganyan na katigas ang ulo mo, Brax! Hindi ka na ba naaawa sa akin. Hindi mo ba kayang sundin ang utos ko na layuan mo na si Vienne. Hindi kayo bagay. Hindi kayo magiging masaya. Hindi ka niya mabibigyan ng matinong buhay kung siya ang makakatuluyan mo. Hindi kayo magkakaroong anak! Maawa ka naman sa akin, anak. Ang pamilya ni Vienne, ang nanay niya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin. Ilang beses ko bang uulit-ulitin iyon sa `yo?"
            Isang blangkong ekspresyon ang ibinigay niya sa kanyang ina. Pagkarating na pagkarating niya mula sa kanilang school para sa kanyang band practice ay ito agad ang sumalubong sa kanya.
            Hindi siya nagsalita. Nagkasya siya sa pagbibigay dito ng isang tingin.
            "Magsalita ka Brax! Katulad ka ba ng papa mo! Iiwanan mo rin ba ako para sa Vienne na iyon."
            Napanting ang tenga niya sa sinabi nito. Ayaw na ayaw niya ang maikompara lalo na sa taong kinamumuhian niya. Sa taong dating iniidolo niya.
            "Hindi ako katulad ni papa!" May igting na sabi niya.
            Napipilan ito. Gulat na napatingin sa kanya. Hindi inaasahan ang outburst niya.
            "Huwag na huwag n'yo akong ikokompara sa kanya. Oo, `ma. Anak niya ako pero hindi kami magkatulad. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakasama ng pamilya ko o ng sarili ko. Hindi ako magtataksil sa taong mahal ko."
            Pumalatak ito. "Hindi magtataksil? Anong tawag mo sa ginagawa mo ngayon, ah, Brax! Nagtataksil ka sa akin dahil sa paglilihim mo sa relasyon n'yo ni Vienne. Relasyon na mahigpit kong tinututulan. Katulad ka ng ama mo. Hindi mo lang alam pero katulad ka niya."
            He clenched his fist. Umigting din ang bagang niya. Nanggagalaiti siya sa mga sinasabi nito. Sobrang pagpipigil ang ginawa niya. Huwag lamang..
            "Hindi ako katulad ni papa."
            "Katulad ka niya!"
            "Ibang-iba ka na `ma. Hindi na kita kilala. Hindi ko lalayuan si Vienne. Ngayon na alam niyo na ang totoo sa relasyon namin na hindi natapos. Hindi na iyon isang lihim. I'm not leaving, Vienne."
            Tinalikuran niya ito. Padabog siyang umakyat ng hagdan. Ibinalibag niya ang pagsara ng pintuan niya. Nagdulot iyon ng ingay sa loob ng bahay.

NANGGAGALAITI sa galit si Raquel. Sadyang matigas ang ulo ng anak niya. Tingnan lang niya kung saan aabot ang katigasan ng ulo nito kapag nalaman nito ang isang bagay na hindi nito inaasahan. Iyon ang huling alas niya. Kung hindi iyon kakagat. Ang dalawang plano niya ang kanyang gagawin. Ang pagkakasakit niya para mapalayo ito kay Vienne. Ang pag-alis nila sa sa pesteng bahay at lugar na ito. Alam niya na mahalaga at mahal pa rin siya ng anak niya. Mas pipiliin nito ang welfare niya kaysa sa Vienne na iyon. Nakakasigurado siya roon.


ITUTULOY..

4 comments:

  1. Hayyy. pag-ibig nga naman. May hirap, may ginhawa. Hwag lang sana idamay ang hindi dapat. Thanks sa update.Vienne. Take care.

    ReplyDelete
  2. Ouchhhhhh... Panu to huhuhu


    Sai

    ReplyDelete
  3. Sunod-sunod ang dagok sa relasyon nila Vienne at Brax sana naman matapos na ang mga problema nila at magkaroon na magandang katapusan ang kwentong ito. Kudos to you author and I'm expecting a good conclusion in this story.

    ReplyDelete
  4. Malapit na matpapos ang kwento na ito........ Mgkakatuluyan pa yata si ambrose at vienne eh......hay ang pag ibig tlaga madaming kylanagan isakripisyo para lang maging masaya


    Jharz05

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails