Followers

Friday, January 9, 2015

Beat of my Heart Chapter 27&28



AUTHOR’S NOTE

Tama naman siguro kung sasabihin ko na ‘ang pagmamahal ay iniiba ang ugali ng isang tao.’

Iyon po kasi ang mangyayari sa chapters ng story na `to. Thanks for Brax for being understanding and loving to Vienne.

JM!! Heto na at sa mga naunang chapter. Sasaya si VIENNE.. Sabi ko naman sa`yo, hindi ba??

Enjoy po!!

CHAPTER TWENTY-SEVEN

ISANG linggo na ang nakakalipas mula nang maging maayos muli ang relasyon ni Vienne at Brax. At si Brax na ang pinakamasaya. Everything becomes perfect again for him. Ang problemang sinabi sa kanya ni Vienne ay agad niyang natanggap ng maluwang sa dibdib.
            Oo, inaamin nj Brax na nasaktan siya sa nalaman ngunit hindi iyon sapat para magkaroon siya ng galit kay Vienne. Masyado niya itong mahal. Nauunawaan kung bakit mas pinili nito ang maglihim sa kanya kaysa sabihin ang totoo. Alam niya rin kung gaano kahalaga kay Vienne si Tita Flora. Mahal na mahal nito ang ina nito kahit na ganoon ang pagtrato nito sa anak noon.. Noon dahil sabi sa kanya ni Vienne ay nagbago na ang mama nito.
            At patunay doon ang pagtapak niya muli sa bahay ng mga ito. Nang makita siya ni Tita Flora, isang warm na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Halata na rin ang umbok sa tiyan nito.
            Habang pinagmamasdan niya si Vienne at Tita Flora, sobrang saya ang nasa puso niya. Masaya siya para sa taong pinaka mamahal niya.
            Masaya rin siya na tinapos ni Tita Flora ang relasyon nito sa papa niya para kay Vienne. At ang papa niya? Waka siyang alam kung nasaan ito ngayon. Hindi na ito bumalik. At kung babalik naman ito ay nakahanda siyang harapin ito.
            Ngunit sa kabila ng kasiyahan na nadarama niya. Hindi maiwasan ni Brax ang mangamba para sa mama niya. Nangangamba siya sa posibleng maging reaksyon nito kapag nalaman na si Tita Flora ang naging kabit ng papa niya.
            Nagi-guilty man sa ginagawa niyang paglilihim. Okay lang sa kanya. Ayaw lang niyang malayo kay Vienne. Hindi niya kaya.
            Umayos ng upo si Brax nang makita si Tita Flora na palapit sa kanya.
            "Brax.."
            "Tita," kinakabahan niyang sabi.
            Hindi siya sanay sa ganito.
            "Huwag kang matakot sa `kin. Dapat ako nga ang mahiya sa `yo dahil nasira ko ang pamilya niyo sa ginawa kong pagpatol sa papa mo. Humihingi ako ng tawad para roon, Brax. Okay lang sa `kin kung magalit ka. Alam ko naman na hindi mo basta-basta mapapatawad ang ginawa ko sa inyo ng mama mo."
            Nakita niya ang sinseridad sa mukha nito.
            "Masaya rin ako na nagkabalikan na kayo ng anak ko. Hindi siya katulad ng dati mula nang maghiwalay kayo. Aaminin ko sa `yo na n'ung una ay hindi ko talaga gusto na maging kayong dalawa. Natatakot ako para sa aming dalawa ng papa mo dati."
            "Okay na ho `yon, tita. Salamat po at tanggap n'yo na kami ni Vienne. Aaminin ko rin po sa inyo na nasaktan ako ng malaman ko ang totoo pero para kay Vienne. Natanggap ko ang lahat."
            "Salamat at mahal na mahal mo ang anak ko."
            "Mahal din po niya ako."
            "Alam ko. Sige. Maiwan na muna kita rito. Pupuntahan ko muna si Vienne. Ihahanda ko na ang mesa."
            "Okay po."
            Tumayo ito. Naglakad patungo sa kusina.
            "Tita," tawag niya rito.
            Huminto ito saka humarap sa kanya. "Bakit?"
            "Sana ho suportahan n'yo kami ni Vienne lalo na kapag nalaman ni mama ang totoo. Hindi ko ho kasi alam kung ano ang posible niyang gawin sa relasyon namin."
            "Makakaasa ka sa `kin, Brax. Hindi ko kayo pababayaan."
            "Thank you po."
            "Iyon ang magagawa ko para makabawi sa inyo."
            Lumapit siya rito saka ito niyakap. Gumanti naman ito.


NAG-IPON muna ng lakas ng loob si Santi bago magawang pindutin ang doorbell sa bahay nina Flora. Isang linggo na siyang namamalagi sa bansa ngunit ngayon lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob para pumunta sa bahay ng mga ito. Humingi ng tawad at kausapin si Flora pati ang anak niyang si Vienne.
            Ilang minuto ang hinintay niya bago may lumabas sa bahay at dumiretso sa hindi kataasang gate ng bahay. Hindi sa kanya pamiyar ang mukha ng taong iyon. Sa tantiya niya, ka-edad ito ng anak niya.
            Nang makalapit ito sa kanya, napagmasdan niya ng maigi ang mukha nito. May pagkakahawig ito sa bestfriend ni Flora noon, kay Bruce.
            "Sino ho sila?" Magalang na sabi nito.
            "Nandiyan ba si Flora o kaya naman si Vienne?"
            "Nandito po sila. Pwede ho bang malaman kung ano ang pakay n'yo sa kanila?"
            "It's a personala matter, hijo. Kung nandyan sila. Pakisabi na may naghahanap sa kanila."
            Naguguluhan man ang teenager. Sumunod ito. Muling pumasok sa bahay. Nang lumabas ito, kasama na nito si Vienne. Sumaya ang puso niya nang makita ang anak.
            "Mr. Santi," tawag nito sa kanya nang makita siya. Agad na binuksan ang pintuan saka siya pinapasok. "Kumusta ho kayo? Sino ho ang hinahanap n'yo dito sa `min?"
            "Ang mama mo, Vienne."
            Nagulat ito. "Bakit po? Ano pong kailangan n'yo sa mama ko?"
            "Pwede ba akong pumasok sa bahay n'yo? Gusto kong kausapin ang mama mo."
            "Okay po."
            Magkaagapay na naglakad sila nito papasok sa bahay. Nakasunod naman sa kanila ang lalaking teenager.
            Nang makapasok sa bahay. Naisip ni Santi na walang pinagbago iyon. Nandodoon ang homey feeling. Ang mga gamit na pinaglumaan na ng panahon ngunit nanatiling kaaya-aya sa paningin dahil sa pangangalaga sa mga ito. Nakita niya ang isang personal na bagay na hindi niya makakalimutan na naka-display sa isang tabi. Isang banga iyon na ginawa niya para kay Flora. Natuwa naman siya.
            "Umupo po muna kayo rito. Tatawagin ko si mama," ani Vienne.
            Tumango siya.
            "Maiwan ko ho muna kayo rito," sabi ng teenager.
            "Pwede ko bang malaman kung kaano-ano mo si Vienne at Flora?"
            "Boyfriend po ako ni Vienne," sabi nito.
            Napangiti siya sa sinabi nito. Proud na proud ito roon. Masaya siya para sa anak.
            "Ganoon ba."
            "Opo. Sige ho, maiwan ko na kayo. Kukuha ako ng maiinom n'yo."
            Tumango siya. Umalis na rin ito.
            Ilang saglit lang, lumabas mula sa isang kwarto si Flora. Nang makita siya nito, natigilan ito. Hindi makapaniwala sa nakikita sa harapan nito.
            Napatayo naman siya. Tiningnan ito, hindi pa rin ito nagbabago. Maganda pa rin ang babaeng minahal niya.
            "Flora," aniya.
            "Santi."
            Naguguluhan na naglipat ang tingin ni Vienne sa kanya at sa mama nito.
            "Ki-kilala n'yo ho ang isa't-isa?"
            "Anong ginagawa mo rito, Santi? Pagkatapos ng maraming taon."
            "Pwede ba tayong mag-usap?"
            "Para saan?"
            "Tungkol sa `yo, sa atin at sa anak natin."
            "Ka-kayo po ang papa ko?" Hindi makapaniwalang sabi ni Vienne.
            Tumango siya. "Ako nga ang papa mo."

PARANG bombang sumabog sa mukha ni Vienne ang sinabi ni Mr. Santi. Ito ang papa niya. Kaya naman pala ang gaan ng loob niya rito nang makausap niya ito isang linggo na ang nakakaraan. Hindi siya makapaniwala.
            Napatingin siya sa mama niya. Hinihintay niya ang kumpirmasyon nito sa sinabi ng lalaki.
            Nang tumango ito. Bumangon ang sobrang saya sa kanyang puso. Pananabik na mayakap ang kanyang ama kahit na wala siyang ni-isang bagay na alam mula rito. Lumapit siya rito. Niyakap niya ito nang mahigpit na ginantihan naman nito. Naramdaman niya ang pangungulila, pagsisisi at pananabik sa yakap na ibinibigay nito sa kanya.
            Humiwalay siya rito ng maramdaman niya ang pamamasa ng balikat niya. Tiningnan niya ito. Umiiyak ang papa niya.
            "Okay lang po ba kayo?"
            Tumango ito. "Okay lang ako, anak. Masaya lang ako kaya ako lumuluha. Akala ko magagalit ka sa akin. Susumbatan sa pagkukulang ko sa `yo."
            Umiling siya. "Hindi ko ho `yon gagawin. Masaya lang po ako na nakita na kita. Kung may mga bagay man kayo na nagawa. Wala na hong kaso `yon, ang mahalaga, babawi ho kayo."
            "Talagang babawi ako, Vienne. Pwede ko bang kausapin ang mama mo?" Tanong nito.
            Tumango siya. "Pwedeng-pwede po," aniya sabay tingin sa mama niya.
            Naluluha na rin ito. Wala siyang mabanaag na galit sa mukha nito. Sana kapag nag-usap ang mga ito, maging okay na ang lahat.
            "Maiwan ko na po kayo," paalam niya saka nagtungo sa kusina kung saan si Brax.
            Nang makarating siya roon. Agad niyang niyakap si Brax. Nabigla ito sa ginawa niya ngunit agad ding gumanti.
            "Para saan `to?"
            "Masaya lang ako, Brax. Masayang-masaya."
            "`Yong lalaki sa labas. Ano mo siya?"
            "Papa ko siya, Brax."
            "Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi nito.
            "Oo. Bumalik siya para sa akin. Nag-uusap sila ni mama ngayon. Kung ano man ang pag-uusapan nila. Sana maging maayos. Sana magbati na sila."
            "Think positive lang."
            "Alam mo bang mas masaya ako.."
            "Bakit?"
            "Mas masaya ako na kasama na ulit kita. Alam ko paulit-ulit `to, Brax. Sorry sa lahat ng nagawa ko, ah. Sa hindi paniniwala sa `yo. Sa pag-iisip na hindi mo ako.."
            "Bawi ka na lang. Okay na ang lahat sa atin, Vienne. Bumawi ka na lang."
            "Talagang babawi ako. Sa kahit anong paraan."
            Pilyo itong ngumiti. "Tara sa kwarto kung ganoon."
            "Baliw ka na naman."
            "Sabi mo babawi ka, eh."
            "Hindi sa ganoon."
            "Gusto ko ganoon, eh. Isang linggo kaya ta--."
            Pinatigil niya ito sa pagsasalita sa pamamagitan ng isang mabilis na halik sa labi.
            "`Wag mo nang ituloy. Masyado ka talaga, baka marinig ka nina mama."
            "Busy naman sila sa sala, ah? Hindi nila tayo maririnig. Umiiwas ka lang, eh. Hindi mo ba na-miss `yon?"
            Matamis niya itong nginitian saka lumayo rito. Hindi pa siya nakakalayo nang mabilis nitong hawakan ang kamay niya. Hinila siya pabalik dito.
            "Umiiwas ka talaga, eh."
            "Hindi kaya. Baka makita tayo nina mama kasi."
            "Umiiwas ka nga."
            "Kulit mo. Pakawalan mo na ako. Ihahanda pa natin ang mesa."
            "Mamaya na, kiss mo muna ako."
            Natawa siya. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha nito. Idinikit niya ang ilong sa ilong nito.
            "Nose to nose tayo," aniya.
            Sa lapit ng mukha nila sa isa't-isa. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito.
            "Ayoko ng nose to nose. Gusto ko lips to lips." Anito.
            Pagkasabi niyon. Hinalikan siya nito sa labi. A slow but passionate kiss. He teased him by gently sucking his lower lip. Bilang ganti sa ginawa nito. Kinagat niya rin ang upper lip nito.
            "Ouch." Reklamo nito. "Masakit iyon, ah."
            "Gumaganti lang ako. Kinagat mo rin kaya ako."
            "Kagatan ang gusto mo kung ganoon?"
            Umiling siya. "Ayokong mamaga ang labi ko na parang kinagat ng putakti at bubuyog."
            "Ulitin natin," anito.
            Iyon nga ang ginawa nila. They kiss each other passionately. Naramdaman niya ang paggalaw ng nasa gitna ng hita nito. Mas naramdaman pa niya iyon ng hapitin siya nito palapit dito. Sapat para dumikit nang maayos ang katawan nila. Na parang walang hangin ang makakadaan.
           Kung ganoon ang reaksyon ng ibabang parte ng pagkatao nito. Siyempre, hindi siya magpapahuli. They both having hard on..
            Naging mapusok ang paggalugad ng kamay nito sa kanyang likuran. Bumaba iyon patungo sa kanyang pang-upo at mahinang pinisil iyon. Hinapit pa rin palapit dito.
            Saka lamang siya lumayo rito.
            "Tama na," aniya. His eyes were hazy because of just what happened to them.
            He also saw fire in his eyes. Pagnanasa na alam niyang siya lang ang makakagawa.
            "Nakakabitin," anito.
            "Isipin mo na nandito ang mga magulang ko."
            Umungol ito. "Alam ko. Hindi ba pwedeng magkulong na lang tayo sa kwarto mo. And do it there."
            Umiling siya. "Hindi pwede. Nakakahiya sa kanila."
            Pumalatak ito. "Ano ba naman `yan? Naramdaman mo naman `yon, hindi ba?"
            "Ramdam na ramdam."
            "So, gawin na natin."
            Natawa na lang siya. "Kulit mo na, ah. Asikasuhin na lang natin ang mesa."
            "Okay. Ikaw ang boss. Basta babawi ka sa `kin."
            "Oo na."
            "Bago `yon, isa pang kiss."
            Natatawang binigyan niya ito ng halik. Katulad ng una. Mapusok, puno ng init at nakakabuhay ng dugo. Lumayo lang sila sa isa't-isa ng marinig ang papalapit na yabag ng mga taong nasa sala patungo sa kinaroroonan nila.
            Nagkunwari siyang abala sa pag-aayos ng mesa. Si Brax naman, nagkunwari na naghuhugas ng pinggan.
            Natawa na lang siya sa pinagagawa nila.
           
NAGING maganda ang tanghalian nilang mag-anak. Wala nang mahihiling pa si Vienne. Kasalo na niya kasi ang tatlong tao na mahalaga sa kanya. Hindi man masyadong nag-uusap ang mama at papa niya. Alam niya na okay na ang lahat sa pagitan ng mga ito. Tila bumalik lamang ang mga ito sa pagiging bagong magkakilala. Nag-ngingitian at nagtatanguan.
            Sila naman ni Brax sa kabilang banda ay abala sa pagkain. Kanina pa niya gustong subuan ito ng kinakain nila. Ang kaso, kahit sila na nahihiya pa rin siya sa mama niya. Baka kasi kung ano ang isipin nito.
            Nang tingnan niya ang kanyang ina, nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.
            "Subuan mo na si Brax. Alam kong kanina mo pa `yon gustong gawin."
            "Sige na, Vienne," segunda ng papa niya.
            Tiningnan niya si Brax na ngiting-ngiti. "Pwede na raw. Bilis na," anito.
            Natatawang tumusok siya ng isang hiwa ng karne saka sinubo rito.
            Ngumuya ito saka nilunok ang kinakain. Tumusok ito ng pirasong karne. "Ikaw naman. Say ah, Vienne."
            Ibinuka niya ang bibig.
            "Maging totoo lang kayo sa isa't-isa na dalawa," anang mama niya. "Iyon ang susi para tumagal ang relasyon niyo."
            "Okay po tita. Wala pong lihiman. Iyon ang motto namin ni Vienne. Hindi ba?"
            Tumango siya. "Opo."
            "Natutuwa talaga ako sa inyong dalawa. Ang saya nilang tingnan, hindi ba Santi?"
            Tumango ito. "Ang saya nga. Kung ipapakilala ko ba sa `yo si Will, Flora, hindi ka na magagalit?"
            "Sino po si Will?" Pag-uusisa niya.
            "Partner ko anak. Okay lang ba kung ipakilala ko siya sa `yo?"
            Napangiti siya. "Okay na okay po. Okay na kay mama, eh."
            Kahit saan-saan napunta ang pag-uusap nila. Napunta iyon sa buhay ng papa niya sa ibang bansa at kung anu-ano pa. Pagkatapos nilang kumain, umalia na rin ang papa niya. Ang paalam nito, kukunin ang gamit at pansamantala ay titira muna sa kanila.
            Natuwa siya nang sabihin nito niyon dahil talagang gagawin nito ang lahat para sa kanya. Siyempre, mas natutuwa siya dahil pumayag ang mama niya.
            Sila naman ni Brax, nagpahinga muna sila sa sala habang nanonood ng palabas sa TV.
            "Labas tayo."
            "Saan naman tayo pupunta?"
            "Kina Coby. Makigulo tayo sa kaniya. Nakakahiya na d'un, hindi ko man lang siya inimbitang pumunta rito. Baka kung ano ang sabihin."
            "Hindi naman dapat talaga kasi time natin to para ibalik ang dati," anito.
            "Ikaw talaga. Parang hindi natin bestfriend `yong tao. Ang sama mo."
            "Talagang atin lang naman kasi itong araw na `to. Dapat walang sagabal."
            "Possessive."
            "Agad-agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang na masolo ka."
            "Oo na nga," nangingiting pagsang-ayon niya. "Basta labas tayo."
            "Oo na. Sino sa `tin magda-drive?"
            "Ikaw na lang. Yayakapin na lang kita ng mahigpit."
            "Gusto ko `yon. Sige. Deal."
            Hawak kamay na lumabas sila ng bahay. Nang sumakay ito sa motor at i-on iyon agad din siyang sumakay. Niyakap ito nang mahigpit.
            "Ang higpit. Ang sarap sa pakiramdam." Sabi nito.
            "Ang sarap mo rin kasing yakapin, eh."
            "Ako pa."
            Natawa na lang siya. "Paandarin mo na. Para makarami."
            Sumunod naman ito.

NAUWI sina Brax at Vienne sa isang parke. Magkaagapay silang naglakad patungo sa isang bench. Siya ang may dala ng softdrinks na binili ni Brax. Ito naman ang may dala ng mga pinamili nilang pagkain sa convenience store na nadaanan nila kanina. Nakalagay ang mga iyon sa may supot.
            "Hahawakan ko ang kamay mo, ah," anito.
            Napangiti siya.
            Tutal wala namang masyadong tao dahil alas dos pa lang ng hapon. Okay lang iyon sa kanya.
            Siya na ang nagkusang hawakan ang kamay nito.
            "Ang sarap ng ganitong feeling, Brax."
            "Masarap nga. Masarap at masaya kasi kasama kita. This will lead to forever, my love."
            "Corny mo." Natatawang sabi niya. "Baka nakakalimutan mo na walang forever. Sinabi ko na sa `yo `yon dati."
            "May forever kaya. Ikaw at ako. Forever tayo."
            "Oo na lang, Brax."
            "Alam mo ikaw, KJ ka rin talaga."
            "Hindi naman kaya. Kung KJ ako, sana wala tayong HHWW ngayon. Hindi sana ako pumayag."
            "Puro ka abbreviation."
            "Ayaw mo? Bakit pala hindi na tayo nagtatawagan sa endearment natin?"
            "Bakit mo natanong?"
            "Wala lang. Para maiba." Nakangisi niyang sagot.
            "Mas masarap kapag tinatawag kasi kita sa pangalan mo at tinatawag mo ako sa pangalan ko. Kapag ikaw ang gumagawa niyon. Nakakaramdam ako ng kakaiba. Feeling ko, lumilipad ako. Sumasaya ang puso ko kapag tinatawag mo ang pangalan ko ng may pagmamahal."
            "Brax.."
            "Hmmm.." Pumikit ito. "Tawagin mo pa nga ako ulit."
            "Brax.."
            "`Yan, ganyan-ganyan ang gusto ko. Dama ko ang pagmamahal mo sa `kin. Saka akin ka lang, hindi ba?"
            "Lokong `to! Kung hindi ako sa `yo sana hindi tayo ngayon. Mahal na mahal kaya kita."
            Iminulat nito ang mata. Ngumisi nang bahagya saka huminto. Humarap ito sa kanya.
            "Alam ko. Kahit na pinahirapan mo ako ng isang linggo sa hindi mo pagpansin sa `kin. Sa pagpapahabol mo at sa pakikipag-hiwalay mo. Alam ko na mahal mo ako."
            "Nanumbat ka pa talaga, ah." Inirapan niya ito. "May reason naman ako. Valid `yon. Alam mong mahalaga ka sa `kin pero mas mahal.."
            "Shhh.. `Wag mo nang ituloy. Alam ko na `yon."
            "Pero sana, Brax, tuloy-tuloy na ito. Sana maging masaya na tayo nang tuluyan."
            Lumungkot ang mukha nito. "Sana nga."
            "Sana nga?" Gagad niya. Patanong.
            "Alam mo naman kung ano ang sitwasyon natin. Si Tita Flora, ang mama mo at ang papa ko. Kahit na hiniwalayan na ni tita si papa. Hindi ibig sabihin niyon, okay na ang lahat. Marami pa rin ang problema. Lalo na kapag nalaman ni mama na ang mama mo ang naging-- sorry for the term-- kabit ng papa ko."
            "Sa side naman natin si Tita. Hindi niya tayo pababayaan."
            "Dati. Hindi mo alam kung ano ang changes kay mama mula nang maghiwalay sila ni papa. Hindi na katulad si mama ng dati. Lagi siyang malungkot. Lagi siyang.." Bumuntung-hininga ito. "Basta kapag nangyari ang kinakatakutan ko, harapin natin `yon ng magkasama, ah."
            "Oo naman, Brax. Hindi na kita pababayaan. Hinding-hindi na ako bibitaw pa sa `yo."
            Niyakap siya nito.
            Hindi pa pala tapos ang problema nila. Of course, alam niya ang ibig sabihin ni Brax. Napagdaanan na niya iyon. Nakita niya sa mama niya.

            Malaki naman ang tiwala niya na hindi sila basta-basta matitinag. He is ready to make a stand with him. No matter what happened.

CHAPTER TWENTY-EIGHT

ANG kanyang puso ay puno ng kalungkutan. Sakit. Paghihirap. Ginawa naman lahat ni Raquel para sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang asawa ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng nagawa niya upang manatili sa kanya ang lalaking mahal na mahal niya. Sobra siyang nasasaktan. Ano bang kulang sa kanya para ipagpalit pa rin siya ni Bruce. Mahigit isang buwan na rin mula nang mangyari iyon ngunit ang sakit ay nanatiling sariwa. Tila hindi maghihilom at patuloy na dadaloy ang dugo.
            Tumulo ang kanyang luha. Ang impit na pag-iyak ay nauwi sa hagulgol. Hindi niya makaya ang sakit.
            Narinig niya ang pag-ingit ng pintuan. Kung dati, natutuwa siyang abangan ang mag-ama niya, ngayon hindi na. Alam naman kasi ni Raquel na si Brax ang pumasok. Hindi na niya makikita ang asawa niya na tuluyan na silang iniwanan para sa babae nito.
           
NAGLAHO ang kasiyahan na nararamdaman ni Brax nang makita ang mama niya. Nakaupo ito sa one seater na sofa. Puno ng luha ang mata at humahagulgol. Ibang-iba na talaga ito. Wala na ang masayahin, puno ng pagmamahal at mapag-aruga niyang ina. In an instance, his mother changed.
            Alam naman ni Brax kung gaano nito kamahal ang papa niya. Ang buong oras at panahon nito ay inilaan para sa papa niya. Ginawa nito ang lahat para sa kanilang dalawa. Minsan nga ay wala na itong panahon sa sarili dahil sa kanila. Ngunit.. nagawa pa rin itong pagtaksilan ng papa niya.
            Dapat nga, magalit siya sa Tita Flora niya dahil nagawa pa nitong pumatol kahit alam na nito na pamilyadong tao ang karelasyon nito. Pero hindi, eh.. Ang galit na namuo sa dibdib niya, parang bulang naglaho dahil sa pagmamahal niya kay Vienne. Para kay Vienne ay nakaya niya iyon. Ayaw niyang malayo rito. Ang mundo niya ay umiikot na kay Vienne. At ang isang araw na wala ito sa tabi niya ay magiging isang impiyerno at sobrang pasakit sa kanya.
            Dama niya ang pinagdadaanan ng mama niya.
            Pinigilan niya ang pagtulo ng luha niya. Kailangan niyang maging malakas para rito. Dapat siyang maging matatag para maging sandalan nito.
            "`Ma," aniya.
            Hindi siya nito pinansin. Napabuntung-hininga na lang siya. Lumapit siya rito. Hinawakan ito sa balikat saka niyakap ng mahigpit.
            "`Ma, tama na ho ang pag-iyak. Nasasaktan din po ako na makita kayo na ganito. Hindi ako sanay, `ma. Alam ko ho na imposible pa `tong mangyari. Kalimutan niyo na ho si papa. Mabubuhay naman po tayo na tayo lang na dalawa. Kung hindi n'yo kayang mag-isa, isipin n'yo po na nandito ako. Hindi ko po kayo pababayaan."
            "Hindi ka sapat, Brax. Hindi ka sapat para mapalitan ang papa mo."
            "`Ma.."
           "Ang papa mo ang lahat sa `kin. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala siya sa tabi ko. Hindi ko kaya." Mula sa lungkot napalitan ng galit ang reaksyon ng mukha nito. "Kasalanan lahat ito ng kabit ng papa mo. Kung sana hindi siya pumatol. Sana nasa atin pa rin ang papa mo! Sa oras na makilala ko ang babeng iyon. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya."
            Bumangon ang takot sa kanyang puso. Hindi para kay Tita Flora kundi sa kanilang dalawa ni Vienne.
            "`Ma. Wala naman pong magagawa ang paghihiganti n'yo."
            "Meron! Meron Brax!"
            "Mama.."
            Tumayo ito. Tiningnan siya saka naglakad patungo sa kwarto nio.
            Naiwan naman siyang tulala. Kinakabahan siya ng sobra. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Bulag na ang kanyang ina sa galit. Hindi na ito matino kung mag-isip. Ang buong sistema nito ay naiisip ang paghihiganti.


NAGULAT si Vienne nang makita si Brax sa labas ng bahay nila. Nakaupo sa isang tabi. Nakayuko at gumagalaw ang mga balikat. Umiiyak ito. Lumabas siya sa kanyang kwarto para mag-banyo sana nang makita niya na bukas ang pintuan. Isasara na sana niya iyon nang makita niya si Brax.
            "Brax." Tawag niya sa pansin nito.
            Nag-angat ito ng paningin. Sapat para makita niya ang luhaan nitong mukha.
            "Vienne.." tawag nito sa kanya.
            Lumapit siya rito saka ito niyakap nang mahigpit. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
            "Natatakot na ako para sa pamilya ko, Vienne. Natatakot na ako sa kilos ni mama. Natatakot ako para sa `tin."
            "Nandito lang naman ako sa tabi mo. Kaya natin `to, Brax."
            "Please do it, Vienne. Please. Kasi kung mawawala ka pa sa tabi ko, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko."
            "Brax. Hindi ako lalayo sa `yo. Hinding-hindi na. Sinabi ko na `yon sa `yo."
            Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Pinunasan niya ang luhang sa pisngi nito.
            "Huwag ka nang umiyak, Brax. Hindi ako sanay na nakikita kita ng ganito."
            Sa halip na sagutin siya. Kinabig siya nito. Niyakap ng mahigpit.
            "Mahal na mahal kita, Vienne. Kung ano man ang gagawin ni mama.."
            "Hindi ako lalayo." Pamamatlang niya rito.
            "Salamat."

MAY ideya na si Raquel kung paano niya malalaman kung sino ang babae ng kanyang asawa. Katulad ng sabi niya kay Brax, gagawin niya ang lahat npara makapag-higanti sa ginawa nitong pagpatol sa lalaking minahal niya ng buong puso.
            Lumabas siya ng kanilang bahay. Naglakad-lakad. Nagbabakasakaling makikita ang taong iyon. Isang linggong mahigit na rin siyang nagkulong sa kaniyang bahay. Laging umiiyak, hindi makapag-isip ng matino at tila laging wala sa huwisyo. Unti-unti, kailangan niyang buuin ang sarili. Kailangan niyang magpalakas para sa gagawin na paghihiganti.
            Sa ngayon, hindi ang ina kundi ang anak ang pupuntiryahin niya.
            Si Vienne.
            Alam naman ni Raquel na si Flora ang babaeng mahal na mahal ng kanyang asawa. Bago pa niya makilala at pikutin si Bruce, magkakilala na ang mga ito. Mag-bestfriend pa na nasira lang dahil sa isang lalaki, si Santi.
            Si Flora ang kabit ng asawa niya. Ang ideyang naiisip niha kanina ay naging konkreto ng minsan niyang makita si Bruce at si Flora na magkasama. Binalewala lang niya iyon dati ngunit iyon ang naging umpisa ng panlalamig ni Bruce sa kanya.
            Hindi niya nga alam kung minahal ba talaga siya ng kanyang asawa. Pinahalagahan siguro dahil kay Brax. Ngunit pagmamahal? Wala.
            Pinigilan niya ang maiyak. Sa mahigit labing-walong taon na pagsasama nila, hindi man lang siya nagkapuwang sa puso ni Bruce. Nanatili sa puso nito si Flora. At nang makita na may pagkakataon, sinunggaban nito agad iyon.
            At si Flora.. Hindi niya akalain na kaya nitong magawa iyon pagkatapos nitong maloko ni Santi.
            Hindi na kailangan pang pumunta ni Raquel sa tapat na bahay. Tinawagan niya si Vienne kanina upang makipagkita sa kanya sa isang restaurant na malapit sa school ng mga ito.
            Inaasahan niya ito. Bakit hindi? Nice ang pakikipag-usap niya rito kahit gustong-gusto na niyang ipamukha rito ang kawalanghiyaan na ginawa ng mama nito sa kanya at sa pamilya niya.

"SAAN ka ba pupunta, Vienne?"
            Pangalawang tanong na iyon ni Brax sa kanya. Nasa bench sila nito. Doon nila napiling kumain para sa pananghalian nila. Siyempre, courtesy nito. Imbes na kasi sa karinderya sila ni Aling Tere kumain, nag-iba ang isip nito. Isa pa, puno na rin ng parokyanong estudyante ang karinderya.
            "May kikitain lang ako," aniya.
            Gusto niyang sabihin dito na ang mama nito ang kikitain niya. Ang kaso, kabilin-bilinan ni Tita Raquel na huwag sasabihin kay Brax na magkikita sila. Hindi naman niya naitanong ang rason kung bakit ayaw nitong sabihin kay Brax dahil sa pagmamadali nito.
            Sa isang restaurant na malapit sa school sila nito magkikita pagkatapos ng tanghalian.
            "Hindi ba ako pwedeng sumama? Sino naman ang kikitain mo?" Sumimangot ito. "Baka makikipag-date ka."
            Natawa siya. "Para kang ewan. Ikaw lang kaya ang nakaka-date ko. Huwag ka nga. Hindi ako salawahan, no?"
            "Bakit kasi may nalalaman ka pang secret-secret diyan?"
            "Ayaw niya kasing ipasabi, eh."
            "Curious tuloy ako."
            "Huwga ka nang ma-curious. Curiousity kills the cat, hindi ba?"
            "Hindi naman ako pusa. Tao kaya ako."
            "Kahit na. Ang curiousity na `yan, pwedeng mag-lead sa pain."
            Kumunot ang noo nito. "Pain? Bakit? Sasaktan mo ba ako?"
            Umuling siya. "Hinding-hindi. Ikaw. Kahit saan na napupunta ang pag-uusap natin, Brax. Don't you worry. Babalik din naman ako kaagad."
            "Sure ka?" Paniniyak nito.
            "Oo naman," aniya. Hinawakan niya ang kamay nito saka mahinang pinisil.
           

WALANG partikular na rason kung bakit gustong kausapin si Vienne ni Tita Raquel. Ngayong kaharap na niya ito. Sa hindi niya malamang dahilan, bigla na lamang siyang kinabahan. Lalo na at nakikita niya ang kaseryosohan sa mukha nito. Hindi ngumingiti at tila may galit sa mga mata.
            Pinili niyang manahimik habang kaharap ito. Aaminin ni Vienne na nakokonsensiya siya sa ginagawa niyang paglilihim dito. Sabihin man na selfish silang dalawa ni Brax lalong-lalo na siya, okay lang. Basta hindi sila magkakalayo ng lalaking mahal niya. Kahit alam niya na may masasaktan siya. At iyon nga ay si Tita Raquel.
            Kimi siyang ngumiti. "Ano pong pag-uusapan natin, tita?"
            "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Vienne. Dalawang dahilan lang naman kung bakit gusto kitang maka-usap."
            "Ano ho `yon, tita?"
            "Una. Gusto kong malaman mo na ang mama mo ang sumira sa pamilya ko. Pumatol siya kay Bruce kahit alam niya na pamilyadong tao ang nilandi niya. Hindi na siya naawa sa `kin at kay Brax. Gusto kong ipamukha sa `yo kung gaano kawalang hiya ang mama mo! Hindi na nga mabait ang pagtrato sa `yo, nagawa pang maging kabit!"
            Ang mga salitang pinakawalan nito ay tila mga sibat na tumusok sa kanyang pagkatao. Masakit na marinig ang mga ganoon na bagay mula sa isang tao na masasabi niyang malapit na sa kanya lalo na at ang tinutukoy nito ay ang taong mahalaga sa kanya.
            Nanlilisik ang mata ni Tita Raquel. Tila anumang oras, handang makipag-away sa kanya.
            Napayuko siya. Hindi niya kayang salubungin ang titig nito.
            "Wala ka man lang bang magiging reaksyon, Vienne? Alam mo na ba ang lahat?"
            Hindi siya sumagot.
            Napapitlag siya ng hampasin nito ang mesa.
            "Alam mo na ba ang lahat?! Sumagot ka Vienne!"
            Mahina siyang tumango. "A-alam ko na p--."
            "Pu******! Matagal mo na palang alam at nagawa mo pa talagang makipag-relasyon sa anak ko!"
            Tumayo ito. Lumapit sa kanya. Isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya. Gulat siyang napatingin dito. Tama nga si Brax. Ibang-iba na si Tita Raquel. He saw so much pain, hatred, jealousy and grudge in her face.
            "Ti---."
            "Huwag kang magsalita! Layuan mo ang anak ko! Oras na makita kitang kasama mo siya! Mag-eeskandalo ako! Ipapakita at ipapamukha ko sa mga kapitbahay natin ang kababuyang ginawa ng mama mo sa pagpatol niya sa asawa ko! Layuan mo si Brax, Vienne! Layuan mo!"
            "Wala naman po kaming kasala---."
            "Wala kang kasalanan? Ah? Meron! Naglihim ka! Tinolerate mo ang kalandian ng ina mo! Magsama kayong mag-ina! Layuan mo si Brax! Huwag ka ring magpapakita sa akin! Dahil tuwing nakikita kita, nakikita ko ang kalandian ng malandi mong ina!"
            Pagkasabi nito niyon. Napayuko siya. Umagos ang luha niya. Sinapo ang kanyang pisngi. Tahimik siyang umiyak.
            Panibagong problema. Pero hindi siya basta-basta bibitaw. Nangako siya kay Brax na hindi niya ito bibitawan. Hindi niya ito lalayuan. Tutuparin niya iyon kahit na anong mangyari.
            Nagpupuyos ang kalooban nito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
            "Nasabi ko na ang pangalawa. At uulitin ko `yon, Vienne. Layuan mo si Brax. Layuan mo ang anak ko! Huwag ka nang sumabay pa sa pasakit ko," anito saka umalis.
            Naiwan si Vienne na umiiyak.
            Ilang minuto rin siyang naupo roon bago umalis.

"PWEDE ba kitang maka-usap anak?"
            Napahinto si Brax sa paglalakad. Humarap siya sa mama niya na nakaupo sa sofa. Lalampasan na sana niya ito nang magsalita ito.
            "Anong pag-uusapan natin, `ma?"
            "Tungkol sa mga nangyari nitong nakaraang araw. Ang relasyon ko sa papa mo, sa `yo. Pati ang relasyon mo kay Vienne."
            "Anong tungkol sa relasyon namin ni Vienne? Suportado niyo naman po kami, hindi ba?"
            Ang maamong mukha nito ay nag-iba. Napalitan iyon ng galit. Agad na bumangon sa puso ni Brax ang pangamba.
            "Noon `yon! Noong hindi ko pa nalalaman na ang ina niya ang kabit ng papa mo. Noong hindi ko pa nalalaman na alam niya ang pangangabit ng ina niya."
            Nagulat siya. Hindi nakapagsalita.
            "Layuan mo na si Vienne, Brax. Mula ngayon, ayoko nang magkaroon pa tayo ng ugnayan sa pamilya niya. Ayokong makita na nakadikit ka sa kanya. Itigil n'yo na ang relasyon n'yong dalawa."
            Umiling siya. "Hindi. Hindi ko tatapusin ang relasyon namin ni Vienne, `ma."
            "Pati ba naman ikaw, Brax? Mas pipiliin mo rin ba ang Vienne na iyon kaysa sa akin? Katulad ka rin ba ng ama mo? Hindi mo ba ako pinapahalagahan? Mas mahalaga pa ba sa `yo ang bak--."
            "Tama na `ma! Hindi ko lalayuan si Vienne. Mahal na mahal ko siya. Bakit pati kami kailangang madamay sa problem n'yong matatanda? Hindi ba pwedeng hindi kami makasma dyan?"
            "Madadamay kayo kahit na hindi mo gustuhin, Brax! Anak kita at anak siya ng babaeng malandi na iyon na pumatol sa papa mo! Kung hindi sana pumatol ang babaeng iyon sana buo pa tayo! Sana sa piling pa natin ang papa mo! Sana--."
            "`Ma, kasalanan `yon ni papa. Kung titingnan natin si papa ang may kasalanan ng laha--."
            "Hindi! Walang kasalanan ang papa mo! Kasalanan ito lahat ni Flora. Nilandi niya ang papa mo kaya pumatol siya."
            "Bulag na po kayo sa sobrang pagmamahal n'yo kay papa, `ma. Nagiging unreasonable ka na. Hindi na kayo tama.."
            Tumayo ito. Isnag malakas na sampal ang ibinigay sa kanya.
            "Hindi kita pinalaki para sagutin ako ng ganito. Hindi ako unreasonable. Pinoprotektahan lang kita."
            "Hindi n'yo `ko pinoprotektahan. Pinoprotektahan n'yo ang sarili n'yo. Iniisip n'yo lang ang sarili n'yo. Sa gusto mong ipagawa sa akin, para mo na rin akong papatayin. Si Vienne ang buhay ko. Masaya ako kapag kasama ko siya. Alam n'yo naman po iyon, hindi ba?"
            "Tapos na ang pag-uusap na ito. Layuan mo si Vienne. Dahil kapag hindi mo iyon ginawa, ako ang mawawala sa `yo."
            Natahimik siya sa pagbabanta nito. Kasunod niyon ang takot sa kanyang puso.

"KAYA natin `to, hindi ba?"
            Isang tango ang iginanti ni Vienne sa tanong ni Brax. Kasunod ang pagyakap niya rito ng mahigpit. Kahit hindi pa nito naku-kwento sa kanya ang problema nito, alam na niya kung ano at sino iyon. Makikita sa mukha ni Brax ang sobrang kaulungkutan na maski din siya ay nararamdaman.
            Panibagong problema. The first problem they encountered was already solved. Ngayon naman, si Tita Raquel, ang mama ni Brax.
            "Hindi kita susukuan, Brax. Iyong ginawa ko noon, hindi na iyon mauulit. Ayokong malayo ka ulit sa akin."
            Ngumiti si Brax. Ngiting hindi man lamang umabot sa mga mata.
            "Ganoon din naman ako, Vienne." Anito. Tumulo ang luha nito. "Hindi kita susukuan pero.."
            "Kung hindi pwedeng ipagmalaki, itatago natin katulad ng dati."
            Pinunasan nito ang luha. "Hindi ko pa nasasabi sa `yo ang lahat. Ngunit kung iisipin ko, mukhang may idea ka na. Sabihin mo, si mama ba ang kinatagpo mo kahapon?"
            Tumango siya. "Oo, si tita nga. Alam na niya na si mama ang naging babae ng papa mo. Sinabihan niya rin akong layuan ka. Bagay na hindi ko gagawin."
            "Kinausap niya rin ako kahapon, Vienne. Nagbanta nga siya. Kung hindi raw kita lalayuan, mawawala siya sa akin."
            Bumangon ang takot sa puso niya. "Wala ka namang balak na lumayo at tapusin ang relasyon natin, hindi ba?"
            Umiling ito. "Walang-wala iyon sa isip ko. Mahal na mahal kita kahit mahal ko si mama."
            Niyakap niya ito. "Kaya natin `to, Brax. Walang sukuan. Walang hiwalayan. Walang lalayo sa ating dalawa. Will make this relationship a secret. Kung kailangan nating magpanggap na hindi nag-uusap sa publiko, gagawin ko. Kailangan nating maging maingat."
            "Yeah." Anito. Gumanti ito ng yakap.
            Isang mahigpit na yakap na nagsasabing 'hinding-hindi tayo magkakalayo'.


ITUTULOY..

4 comments:

  1. Sarap naman ng sumpaan nila. Thanks for the most awaited update. Take care Vienne.

    ReplyDelete
  2. kawawa nmn ang relasyon nila ni brax kaya pala ganun nalang ang sobrang senti din nya sa Mr. Assuming.., hay pero bakit cya nawala sa battle of the band nung nakita nya c vinnie dahilan para matalo sila haist next chapter please.., nabasa ko din eto ngaung buong araw na eto..

    ReplyDelete
  3. Bilib ako Kay brax..open minded sya.. SNA may mktgpo dn akong tulad nya..
    .vienne at brax kya nyo Yan..

    ReplyDelete
  4. I really love this author. And big Thank You dahil di mo kami iniiwan at pinapaasap. Haha jk. But still salamat at di ako magsasawa sa mga stories mo. Kahit di na ako makapagpost ng comments. Sensya na ah.

    Kuyang Anonymous sa Chapter 9

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails