Followers

Monday, January 19, 2015

Beat of my Heart 33&34



AUTHOR’S NOTE


This is it pansit! I don’t know if the ending will be satisfying or not though it’s really a happy ending. Well. Kayo na po ang humusga.

At last!! Pangalawang story na ang natapos ko! Ang saya sa pakiramdam. Tsk.Tsk.

MARAMING SALAMAT po sa mga commentators, readers at iba pa na may concern sa istoryang ito!


At sa mga sumusunod.
Mama Lalie, Faustino, Seyren, Kuya Alex! Salamat sa cover!
Kay Angel: thanks sa mga comments. (redundant na ako masyado). Tito Alfred, thank you din po!!
Kuya Papa JC Sy: Kuya, sige po. Add mo ako sa true account ko. vinlazech1792@gmail.com po. Yan ang fb ko.

Gilrex Laurente, Marc Abellera, Jefferson Cabriana, Kuya Shai. Kuyang Anonymous sa Chapter 9, at sa iba pang kuyang Anonymous ng Chapter 25@26 at panghuli kay Kuya Jharz. 



SA UULITIN!!

CHAPTER THIRTY-THREE

MAPAIT ang ngiti na makikita sa labi ni Brax habang nakatingin sa labas ng kotse na sinasakyan niya. Ayaw man niyang umalis, hindi naman pwede. Kailangan niyang samahan ang mama niya sa pagpunta sa probinsya para maka-recover ito mula sa nararamdaman. Even this things will lead him to be away with Vienne. Kanina pa niya gustong umiyak. Kanina pa masakit ang lalamunan niya sa pagpigil ng luha na tumulo. Hindi na nga siya makapagsalita nang maayos dahil kung gagawin niya iyon ay baka mag-break down lang siya.
            Ang sakit-sakit lang na isipin na tuluyan na siyang malalayo sa taong mahal niya.
            Napatingin siya sa kanyang katabi ng tapikin nito nang mahina ang balikat niya. Ang pinsan niyang si Vaughn iyon. Mas matanda ito sa kanya ng isang taon at ito ang sumundo sa kanila sa utos na rin ng lola nila.
            "Okay ka lang ba?" Anito.
            "Hi-hindi." He answered. His voice cracked down. Tumulo na nang tuluyan ang luha na kanina pa niya pinipigilan.
            "Mahirap `yan, Brax." Palatak nito. "Kung nagdadalawang isip ka sa pagsama kay tita, sabihin mo. May maiiwan ka ba dito? Si Vienne ba?"
            Tumango siya. "Oo. Maiiwan dito ang kaligayahan ko, Vaughn. Ayokong umalis pero paano si mama? Si mama ang mas mahalaga ngayon kaysa sa sarili kong kaligayahan."
            "Nagpaalam ka na ba sa kanya?" Tanong nito. Makikita sa mukha ang simpatiya sa kanya.
            "Hindi pa."
            "Sasamahan kitang magpaalam sa kanya." Prisinta nito.
            "Pwede ba?"
            "Oo naman. Nagprisinta na nga ako. Walang kaso `to sa `kin, Brax. Pinsan kita. Hindi rin ako sanay na makita kang ganyan. Hindi ka na astig tingnan. Mukha kang kawawa."
            "Gago." Natatawa niyang sabi sa pagitan ng pagtulo ng luha. Pinunasan niya iyon.
            Sabay silang nagtungo nito sa bahay ni Vienne. Agad siyang kumatok sa pintuan pagkarating nila doon.
            "Dito na lang ako. Ikaw na lang ang pumasok, ah." Ani Vaughn.
            Tumango siya. Ilang minuto ang lumipas bago bumukas ang front door ng bahay. Si Tita Flora ang nagbukas niyon.
            "Tita. Si Vienne po?"
            "Nasa kwarto niya, Brax. Halika pumasok ka na dito."
            Agad naman siyang tumalima.
            "Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Dalawang linggo nang tahimik at malungkot si Vienne."
            Hindi siya nakaimik. Ano bang sasabihin niya kay Tita Flora? Ayaw niyang sabihin dito ang totoo tungkol sa kanilang dalawa ni Vienne. Alam niya kasi na baka magalit sa kanya si Tita Flora. Ngunit mas gusto niya ang maging totoo dito kaya nagdesisyon siyang sabihin dito ang totoo.
            "Aalis ka na pala." Tanging nasabi ni Tita Flora. Wala siyang nakitang galit sa mukha nito bagkus pag-unawa. "Mahal n'yo ang isa't-isa pero maglalayo pa rin kayo, Brax. Siguro kung hindi ngayon ang panahon baka sa susunod, Brax. May tamang oras at tamang pagkakataon para sa inyong dalawa ni Vienne."
            "Mahal na mahal ko po si Vienne, tita. Alam ko rin po na tama na ang panahon para sa amin na dalawa. Hindi po ako nandito para magpaalam na hindi na ako babalik. Nandito po ako para sabihin sa kanya na babalik ako para sa kanya."
            "Kailan iyon, Brax?" Walang reaksyon na tanong nito.
            Natigilan siya. Kahit siya hindi rin niya alam kung kailan ba siya babalik. Hindi niya alam kung kailan makaka-recover ang mama niya.
            "Hindi ba sa gagawin mo magiging unfair ka sa kanya? Sasabihin mo na babalik ka pero hindi mo alam kung kailan. Aasa ang anak ko. Masasaktan kung hindi ka babalik. Mas mabuti pa sigurong huwag ka nang magpaalam at magsabi pa ng bagay na hindi mo mapapanindigan, Brax. Huwag mong ipagkakamali na ayaw ko sa `yo. Gusto na kita sa anak ko pero hindi tama ang gagawin mo para sa akin."
            "Magpapaalam na lang po ako sa kanya," aniya. Nalungkot siya. Sobra. Siguro tama nga si Tita Flora. Magiging unfair siya kay Vienne kung sasabihin niya rito na babalik siya. Ngunit hindi niya alam kung kailan.
            "Pumunta ka na lang sa kwarto niya," ani Tita Flora.
            Agad naman siyang tumalima. Nagtungo siya sa kwarto ni Vienne. Nadatnan niya itong natutulog sa kama nito. Payapa ang mukha ngunit hindi maipagkakaila ang kalungkutan doon. Kalungkutan na alam niyang siya ang may dala. Magulo rin ang loob ng kwarto nito. Taliwas sa Vienne na kilala niya. Sa Vienne na organize at ayaw ng kalat.
            Tumulo ang luha niya habang dahan-dahang lumapit dito. Iniwasan niya ang makalikha ng ingay.
            Umupo siya sa kama nito. Hinaplos niya ang mukha nito. Bumaba ang kanyang mukha para halikan ito. Una sa noo, sumunod sa tungki ng ilong at magkabilang pisngi. Panghuli sa labi.
            "Mahal na mahal kita, Vienne." Pinigilan niya ang mapasigok. "Babalik ako para sa ating dalawa. Huwag mo akong kakalimutan, ah. Hindi ko alam kung kailan ang pagbabalik ko basta alam ko babalik ako. Para sa atin, para sa `yo, mahal ko."
            Muli niya itong hinalikan sa labi saka tumayo at lumabas ng kwarto nito.

TULUYANG tumulo ang pinipigilang luha ni Vienne nang marinig niya ang pagsara ng pintuan ng kwarto niya. Napaupo siya sa kanyang kama at isinubsob ang kanyang mukha sa kanyang palad.
            Narinig niya ang lahat na sinabi ni Brax. Gising ang diwa niya nang pumasok ito sa kwarto niya. Pinigilan lamang niya ang sarili na dumilat. Kung gagawin niya kasi iyon, alam niyang pipigilan lang niya si Brax. Mas malulungkot ito kung ganoon ang gagawin niya. Nahihirapan na nga ito sa desisyong gagawin mas lalo pa niya iyong dadagdagan kung pipigilan niya ito.
            He's been in the same shoes before. Alam niya na mahalaga siya kay Brax ngunit mas higit na mahalaga dito si Tita Raquel. Ang pamilya ay pamilya at walang makakapantay doon. Sino siya para pahirapan pa ng lalo ang mahal niya? Magiging unfair siya kung pipigilan niya ito.
            "Mahal din kita, Brax. Mahal na mahal." Napahagulgol siya. "At sorry. Sorry kasi ako ang dahilan ng pagkatalo niyo sa battle of the band."

"ANO? Nakausap mo ba?" Ang bungad na tanong ni Vaughn kay Brax nang makita siya nitong palabas ng gate ng bahay nina Vienne.
            Malungkot niyang tiningnan ito saka marahang umiling. "Hindi. Hindi ko siya nakausap. Tulog si Vienne nang pumasok ako sa kwarto niya."
            Lumungkot ang mukha ni Vaughn. Waring nadama ang bigat ng kalooban na nadarama niya. "Awts. So, ibig sabihin hindi kayo nagpakaalaman?"
            Tumango siya. "Hindi nga. Mas mabuti na rin siguro na hindi kami nag-usap. Simula nang mangyari ang bagay na ito, hati na ang buo kong pagkatao. I wanted to stay here with him but I can't because of my mother's situation. Mahalaga sa akin si Vienne pero mahalaga rin sa akin si mama. I'm torn between the two person I cherished so much. Ang sakit ng ganito."
            Tumulo ang luha niya. Lately, naging iyakin na siya dahil sa sitwasyon niya. Masyado talaga siyang nahahati. Nasasaktan sa nangyayari sa buhay niya at buhay pag-ibig.
            "Kaya mo `to, Brax. Babalikan mo naman siya, hindi ba?"
            "Babalikan ko siya. Oo. Pero kailan `yon? Nag-file lang ako ng one month na leave of absence sa school pero tentative pa rin iyon. Nakabase sa recovery ng mama ko ang pagbabalik ko dito. Paano kung matagalan iyon, Vaughn? Ano ang gagawin ko? Wala kaming komunikasyon ni Vienne dahil tapos na sa amin ang lahat. Hindi ko rin siya mako-contact dahil wala na akong cellphone."
            "Papahiramin kita."
            "Salamat."
            Sa kaalamang iyon, at least ay nakahinga siya nang maluwang.
            "Tara. Alis na tayo," aniya.
            Nauna na siyang naglakad palayo sa bahay nina Vienne.
            "Till we see each other again, my love." Bulong niya.

ONE MONTH na leave of absence. Iyon ang sabi ni Devin kay Vienne nang makita niya ito sa hallway ng Education building isang hapon. Iyon ang alam nito na nai-file ni Brax bago ito umalis at magtungo nga sa probinsya nito.
            Nang makausap niya si Devin ay humingi na rin siya ng paumanhin dito tungkol sa nangyari sa battle of the band. Alam niyang siya ang may kasalanan niyon. Nawala si Brax sa focus dahil sa kanya. Mabuti na lang at maunawain ang mga ito. Si Theo lang ang medyo bitter sa pagkatalo ng mga ito.
            Vienne wasn't the same anymore. Mas marami siyang pagkakataon na nag-iisa. Nakatingin sa malayo. Hindi makausap nang maayos. Malungkot. Iyon ang mailalarawan sa kanya mula nang umalis ang taong mahal niya.
            Ang isa sa mga diversion niya para sumaya ay ang makausap at maka-text sa cellphone ang isang tao. Nagsimula siyang magkaroon ng textmate isang linggo na ang nakakaraan. Mula nang umalis si Brax.
            In a way, parang nakikita niya at nararamdaman niya na si Brax ang kausap at kapalitan niya ng text. May mga pagkakataon kasi na pareho ang paraan ng pagte-text ng mga ito. Ang pangalan ng textmate niya ay Vaughn. Excited nga niyang tinawagan ito. Nagbabakasakali na si Brax lang ito at niloloko siya. Ngunit nadismaya lang siya nang marinig ang boses nito dahil hindi naman ito si Brax.
            Ngunit magka ganoon pa man ay katext pa rin niya ang lalaki.
            "`Sama ka sa akin, Vienne," ani Coby." Mula sa kanyang cellphone, nagtaas siya ng paningin.
            "Saan naman tayo pupunta?"
            Ang isa sa pinapasalamat niya rin ay ang presensiya ni Coby sa tabi niya. Hindi lang naman ito ang umaalalay sa kanya. Pati si Austin at Ambrose ay nasa tabi rin niya sa panahon na nalulungkot siya.
            "Mamamasyal." Anito.
            "Saan?"
            "Sa lugar na sasaya ka."
            "Huwag na lang." Tanggi niya.
            "Hindi ka na katulad ng dati. Gone the positive Vienne. Napalitan iyon ng gloomy at puno ng pessimist na tao. Nag-aalala na ako sa `yo, alam mo ba `yon?"
            "Alam ko." Aniya. "Pero mas okay na ito, Coby. Mas sasaya ako kapag bumalik na si Brax."
            "Kailan iyon? Walang araw at petsa kung kailan babalik si Brax, Vienne. Ilulugmok mo ba ang sarili mo sa kalungkutan dahil sa kanya?"
            "Babalik siya."
            Coby sigh in defeat. "Bahala ka nga. Just always remember that I'm here, ah. Willing ako na maging sandalan mo. Iyon ang silbi ko ngayon sa `yo bilang kaibigan mo."
            "Salamat." Ngumiti siya.
            Bumuntung-hininga ito. "I'm not used to this kind of situation. Your smiling pero makikita pa rin ang lungkot sa mukha mo."
            "Hindi ko magawang maging masaya. Tama ka. Nakangiti nga ako pero puno ako ng lungkot, Coby."
           "Babalik si Brax. Babalik siya. Kailangan mo lang magtiwala. At kailangan mong maging positibo. Kailangan mo ring alagaan ang sarili mo para kapag bumalik siya ay makita niya kung gaano ka kagwapo."
            A half-smile formed in his lips. "Puro ka biro. Matanong kita, Coby. Saan ka pala n'ung battle of the bands?"
            Bigla itong na-tense. Nautal din ito sa pagsagot. "Uhmm.. Somewhere."
            Hindi na siya nag-usisa pa. Tumingin lang siya sa malayo. Nilanghap ang hangin saka bumuntung-hininga.
            Babalik si Brax. Ang malaking katanungan ay kailan?


MABILIS na lumipas ang araw. Naging linggo. At naging buwan. Isang buwan na rin mula nang umalis si Brax sa kanilang lugar at magtungo sa probinsya para samahan ang mama niya. Ang ina niya na imbes bumuti ay tila mas lalong naging malala ang kalagayan. Madalas ay tulala ito. Umiiyak tuwing gabi. Hindi makausap. Masyadong dinamdam ang nangyari sa relasyon nito sa papa niya. Kaya imbes na makauwi na sila ay hindi iyon nangyari. Nangangamba rin siya na baka ma-drop na siya sa mga subject niya pagkatapos nito. Isang buwan lang naman kasi ang na-file niya na absence of leave sa registrar. Ang buong akala niya kasi ay one month lang ang recovery process ng mama niya ngunit kabaliktaran ang nangyari.
            His mother loved his father so much. Ganito pala talaga ang pag-ibig. Masyadong iniiba ang ugali ng isang tao. Some will lead to happiness, some will lead to sadness. At sa sitwasyon ng mama niya, nasa huli ito.
            Malungkot siya na nakikita itong ganoon ngunit pilit niyang pinapatatag ang sarili. Ang tanging pakunswelo niya ay kahit papaano, nakakausap, mali, naririnig niya ang boses ni Vienne mula sa cellphone ng pinsan niyang si Vaughn. Nakaka-text sa araw-araw.
            Bago siya umalis sa bahay nila. May ipinakita sa kanya ang mama niya na picture ni Vienne kasama si Ambrose. Base sa picture, nasa loob ng kwarto ang dalawa. Magkayakap. Aaminin niya na nasaktan siya sa nakita ngunit agad namang bumangon ang tiwala at pagmamahal niya kay Vienne. Pinanghahawakan niya ang napag-usapan nila noon. Alam niyang sa kanya si Vienne. The beat of his heart belongs to him and so as he.
            One month without Vienne beside him was pure torture. Alam niya na sobrang lungkot nito sa mga panahon na wala siya. Ganoon din naman siya. Miss na miss na niya ang taong mahal niya. At kapag naging malaya na siyang gawin ang lahat para makasama si Vienne, iyon ang gagawin niya.

"TWO MONTHS na mula nang umalis si Brax, Vienne."
            Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Vienne kay Ambrose. Kasama niya ito sa isang restaurant. Actually, si Ambrose, Austin at Coby ang mga kasama niya. Kasalukuyan lang na nag-o-order ng pagkain ang dalawang nahuli kaya sila ang natira ni Ambrose sa mesa.
            "Alam ko. Pero alam kong babalik siya."
            "Babalik siya," anito. Kulang sa kumbiksyon ang tono.
            Hindi na lang niya pinansin iyon. Hindi niya alam kung nasa proseso na ba ng 'moving-on' si Ambrose sa pamamahal sa kanya. Wala itong binabanggit ngunit hindi siya manhid para hindi maramdaman na tuwing si Brax ang topic ay hindi ito nagsasalita. Paiwas din ito kung sumagot kapag tinatanong niya kung ano ang estado ng buhay pag-ibig nito kuno.
            "Baka lumampas pa nga bago siya bumalik." Aniya.
            Sa ngayon, hindi muna masyadong umaasa si Vienne na babalik si Brax sa lalong madaling panahon. Wala siyang inaasahan mula rito bukod sa isiping balang-araw ay muli niya itong makikita at mayayakap.
            "Naiinggit ako." Mahinang sabi ni Ambrose. Kahit na mahina ang pagkakasabi nito niyon ay umabot pa rin sa pandinig niya.
            Muli. Hindi siya nagsalita. Hindi niya alam kong manhid ba si Ambrose o nagmamanhid-manhidan. Kahit alam niyang pakulo lang nito ang 'so-called-lovelife' nito. Siguro, martir din ito. Masokista. Nasasaktan na at nasasaktan sa walang ganting pagmamahal nito ngunit nanatili itong sa tabi niya.
            Nagkaroon lang ng ingay sa pagitan nila nang dumating na sina Austin at Coby. Nagtatawanan ang mga ito. Nang mapansin ang pananahimik nila ay nahinto ang mga ito.
            "May dumaan bang anghel sa pagitan n'yo?" Tanong ni Austin.
            "Wala." Agad na sagot ni Ambrose. Siya naman ay mas pinili ang manahimik. Wala siyang salita na maapuhap para sabihin. Nitong nakaraan ay wala talaga siya sa sarili, matagal na niya iyong napapansin mula nang umalis si Brax. Kasabay kasi ang utak at puso niya nang umalis ito. At magbabalik lang ang huwisyo niya kapag bumalik na ang buhay niya.
            "Hindi talaga ako sanay na makita kang tahimik, Vienne." Ani Coby sabay upo sa upuan na nasa tabi niya.
            Ibinigay nito sa kanya ang pagkain na gusto niya.
            "Salamat," aniya.
            Tiningnan niya ang pagkain. The food looks appetizing but he doesn't have the appetite to eat. Kumagat lang siya ng isa. Pakunswelo sa panlilibre ni Coby sa kanya.
            Inilapag niya ang pagkain sa plato niya saka tinitigan iyon.
            Bago pa niya mamalayan. Tumulo na ang luha niya. Bakit naman hindi? Ang pagkaing sa harap niya ang nagpapa-alala sa kanya ng masayang relasyon nila ni Brax noon. Ang pagkain na..
            Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Kahit anong punas niya ay hindi iyon mawala-wala.
            Naramdaman niya ang mahinang paghaplos sa kanyang likuran ni Coby. Walang nangiming magsalita sa mga ito. Waring intinding-intindi ang kalungkutan na pinagdadaanan niya.
            Muli niyang pinunasan ang luha na dumaloy sa kanyang pisngi saka tumayo at lumabas ng restaurant na iyon. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng tatlo ngunit hindi na niya pinansin.
            Ayaw niyang makita siya nang iba sa ganitong sitwasyon. Mas gusto niya ang mag-isa. Isipin ang araw na magkasama sila ni Brax. Isang buwan na. Dalawang buwan. Kailan ba ito babalik? Kailan ba babalik ang lalaking mahal niya? Ngunit ang matinding tanong: babalik pa ba ito para sa kanya?
            Mula sa paglalakad palayo sa restaurant. Napansin ni Vienne na nasa parke na siya kung saan sila nag-usap noon ni Brax. Noong panahon na nag-break sila. Araw kung saan dapat ay si Coby lang ang kausap niya ngunit ito pala ang may pakana niyon. Ang araw kung saan umulan ng malakas at nawalan siya ng malay mula sa bisig nito. Ang lugar kung saan sila naghiwalay na dalawa sa ikalawang pagkakataon. Ang lugar kung saan naging bahagi ng masasaya at malungkot na bahagi ng relasyon nila ni Brax.
            Umupo siya sa bench kung saan siya nakapwesto noon.
            Humagulgol siya. Miss na miss na niya si Brax. Miss na niya ang ngiti nito. Ang pagsusungit. Ang tantrums at pagpapa-cute sa kanya. Ang paglalambing. Ang lahat-lahat dito.
            Kailan niya ba ito mayayakap ulit?
            Kailan ba..
            Tumingala siya sa langit. Hindi niya maiwasang magtanong sa Itaas kung bakit puro na lang sila pagsubok nito. Mahal na mahal nila ang isa't-isa ngunit tila nasa isang maling panahon ang pagmamahalan nila bukod sa nagsusumigaw na katotohanan na pareho ang kasarian nila.
           Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak. In the darkest night, in the broad daylight. Si Brax.. Puro na lang si Brax ang naiisip niya. Wala nang iba pa.
            "Iiyak ka na lang ba palagi?"
            Napatingin siya sa nagsalita. Hinanap niya ang pinagmulan ng tinig ng hindi ito makita.
           Mula sa likuran ng puno. Lumabas doon ang lalaking iniisip niya, ang tinitibok ng kanyang puso. Ang buhay niya.
            Bago pa ito makahakbang. Mabilis siyang tumayo at niyakap ito nang mahigpit. Muntik pa itong matumba sa lakas ng pwersa niya. Mabuti na lang at malakas ang reflexes nito at agad na nakabawi.
            "Brax..." sabi niya sa pagitan ng paghikbi.
            Ang kalungkutan na nadarama niya ay biglang nawala. Napalitan iyon ng ibayong kagalakan at kasiyahan. Ang luhang kanina pa tumutulo dala ng kalungkutan ay luha na ngayon ng kasiyahan. Masayang-masaya siya na nandito na ito. Nayayakap at nadarama ang init na nagmumula dito.
            "Brax.."
            "Ang iyakin mo naman." Nagbibirong sabi nito.
            Hindi niya iyon pinansin.
            "Ang iyakin mo," ulit nito. Ngunit sa pagkakataong iyon ay basag na ang tinig. Tanda na pinipigilan lamang ang maiyak.
            "Na-miss kita, Vienne, mahal ko."
            Ang huling sinabi nito saka siya niyakap nang mahigpit.
            "Na-miss kita. Miss na miss. I love you. Sorry sa pagpapaiyak ko sa `yo. Sorry sa paglayo ko. Sorry kasi dahil sa akin nasasaktan ka ng ganito. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka muli. Para maibsan ang nagawa kong pagpapalungkot sa `yo." Bulong nito.
            Umiling siya. "Hindi mo na kailangan ang bumawi, Brax. Sapat na nasa tabi na ulit kita. Huwag ka nang aalis pa. Para akong zombie kapag wala ka sa tabi ko. Para akong.."
            "Hinding-hindi na, Vienne. Hinding-hindi na."
            Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Yakap na puno ng pagmamahal. Hahawakan niya ang sinabi nito. Hahawakan niya.

CHAPTER THIRTY-FOUR

PAGKATAPOS ng mahigpit na yakap. Lumayo si Vienne kay Brax. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito saka tinitigan nang maigi. Sobra niya itong na-miss. Habang nakatingin dito. Nakita niya ang kasiyahan sa mukha nito. Kasiyahan na alam niyang makikita rin sa mukha niya lalo na sa kanyang mata.
            "Huwag ka nang aalis pa, ah." Muling sabi niya.
            Ngumiti si Brax saka hinawakan din ang magkabila niyang pisngi.
            "Hindi na. Magiging pamilya na tayo, eh."
            Nagulat siya sa sinabi nito. "Anong sabi mo?"
            "Umupo muna tayo. Pero bago iyon. Pwede ba kitang i-kiss."
            Napangiti siya sa sinabi nito. "Pwedeng-pwede. Bakit nagpapaalam ka pa?"
            "Dahil hindi mo na ako boyfriend." Mabilis nitong sagot.
            "Anong hindi? Hindi naman tayo nag-break, ah."
            "Hindi ba? Tinapos ko ang lahat sa atin bago ako umalis. Isang bagay na hindi bukal sa loob ko, Vienne. Kung alam mo lang kung gaano kasakit sa akin ang araw na nakipag-hiwalay ako sa `yo. Kung hindi lang dahil kay mama. Hindi ko `yon gagawin. Alam ko na naiintindihan mo ako pero hindi ko maiwasan ang malungkot."
            Hinawakan niya ito sa kamay saka hinila para maupo sila sa bench.
            "Mahaba ang oras natin, Brax. Palubog na ang araw kaya hindi na mainit. Hawak natin ang oras at panahon natin kaya magkukwento ka."
            "Iyon ang gagawin ko, Vienne. Pero sa ngayon, heto muna ang gagawin ko."
            Bago pa siya makapagsalita. Nasakop na nito ang labi niya. Isang masuyong halik ang ibinigay nito sa kanya na ginantihan niya sa parehong intensidad. Sa halik na ibinibigay nito sa kanya, ramdam niya kung gaano siya nito namiss. Brax lips was still the same. Malambot, matamis, at hindi siya magsasawang halikan hanggang sa pagtanda nila.
            "I love you," anito nang matapos ang halik. Idinkit nito ang ilong sa kanyang ilong saka mahinang gumalaw. "I love you. I love you."
            Napangiti siya. "Magkwento ka na, Brax. Dali. Mahaba ang dalawang buwan. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa `yo."
            "Ang sabi ko nga sa sarili ko, two months being away with you was pure torture. Walang araw na hindi kita naaalala, Vienne. Mabuti na lang at kahit papaano ay naririnig ko ang boses mo. Nakaka-text at nalalaman ko kung ano ang nangyayari sa `yo."
            Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "I-ikaw `yon? Pero Vaughn ang pangalan ng ka-text ko."
            "Si Vaughn ang pinsan ko. Siya ang kausap mo sa phone nang tumawag ka. Pero ako ang ka-text mo."
            "Bakit hindi ka nagpakilala? Kaya naman pala ang pakiramdam ko ay ikaw ang ka-text ko. Alam ko kasi kung paano ang style mo sa pagte-text. Alam ko.."
            "Ako muna ang magsasalita, Vienne." Nakasimangot na sabi nito.
            Napangiti siya saka ito pinisil sa pisngi. "Hindi ko mapigilan. Sige. Magpatuloy ka na."
            Miss na miss niya ito ng sobra. Having Brax beside him again made him so much happy. Na-miss niya ang lahat-lahat dito. Bago pa makapagsalita si Brax. Niyakap niya itong muli.
            Nagulat man. Gumanti ito.
            "Damang-dama ko kung gaano mo ako na-miss, Vienne, mahal ko." He said then chuckled.
            "Talagang na-miss kita. Miss na miss. Having you beside me made my day, Brax. Hindi lang sa araw na ito kundi sa mga susunod pa, Hindi na tayo magkakalayo, hindi ba?"
            Nag-angat siya ng tingin nang hindi ito sumagot. Nakatingin lang sa kanya si Brax. Isang tingin na puno ng pagmamahal. Tingin na nagsasabing hindi na sila magkakalayo.
            "Hindi na Vienne. Hinding-hindi na. I'll be with you now and always. Hindi na tayo magkakalayo."
            Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito saka umiyak. Iyak na puno ng kasiyahan.
            "Tsk. Umiiyak ka na naman. Stop crying, Vienne. N'ung wala ako umiiyak ka na. Ngayon na nandito na ako, umiiyak ka pa rin. Masyado kang nagiging iyakin."
            "Umiiyak ako dala ng kasiyahan, Brax."
            "Ganoon ba. Itigil mo na `yan." Masuyong sabi nito. "Okay lang sa akin na ganito ang posisyon natin," anito. "Okay lang na yakap-yakap kita habang nag-uusap tayo. Rather nagku-kwento ako sa nangyari sa akin sa dalawang buwan na wala ako sa tabi mo."
            "Okay."         
            Nagsimula na nga ito. "Ang tanong mo sa `kin kanina ay kung bakit hindi ako nagpakilala. Maniwala ka Vienne kung sasabihin ko sa `yo na gustong-gusto ko nang magpakilala sa `yo ng mga panahon na `yon. N'ung marinig ko nga ang boses mo, hindi ko mapigilan ang umiyak. Sa boses mo pa lang kasi, rinig na rinig ko na kung gaano ka kalungkot, kung gaano ka nasaktan sa paglayo natin sa isa't-isa. Pinigilan ko ang sarili kong magpakilala kasi alam ko na kapag ginawa ko iyon ay susugod ako pabalik dito. Pabalik sa piling mo. Marinig ko pa nga lang ang boses mo, gusto ko nang bumalik. Ang sabihin mo pa kaya na bumalik ako sa `yo kapag nalaman mo na ako ang ka-text mo.
            Ang sabi ko kanina, magiging pamilya na tayong dalawa. Hindi malabo iyon kasi kasama ko si papa sa pagbalik ko dito. Kinuha niya ako kay mama. Actually, hindi kinuha dahil may consent kay mama ang pag-alis ko sa piling niya. Na-realize ni mama na naging makasarili siya nang minsan makita niya akong umiiyak habang nakatingin sa picture mo. Ang sabi niya, ayaw niyang matulad ako sa kanya na malungkot kaya tinawagan niya si papa at pinakuha ako. At sa kaso naman nila ni papa. Sinabi sa akin ni mama na mula noon pa ay ang mama mo na ang mahal ng papa ko bago niya pikutin ito. Sinabi niya na magiging okay siya sa gagawin niya. Mahal na mahal niya si papa kaya nagawa niyang palayain ito kahit na noong una ay nasaktan at muntikan pa siyang magpakamatay dala ng depresyon. Um-okay pa lang si mama. Nandodoon siya kasama sina tita at ang kababata niya na may gusto sa kanya. At nang muli silang magkita, I saw my mother changed. At masaya ako sa pagbabagong iyon, Vienne. Dahil sa lalaking iyonay malaya na akong makapiling ka. At si papa, nasa bahay n'yo na ngayon siya. All set and ready to propose to your mother. Kaya puntahan na natin sila."
            "Hindi ka ba nangangamba na magiging magkapatid na tayo kapag nagkatuluyan na silang dalawa?"
            "Hindi. Hindi dahil bubukod tayo sa kanila." May katiyakan na sagot nito.
            "Siguradong-sigurado ka, ah? Parang may bahay at trabaho ka na."
            Tumawa ito. "Awkward naman kasi kung sa kanila tayo tutuloy tapos makikita tayo ng mga kapatid natin kapag lumaki na sweet na sweet sa isa't-isa at naghahalikan. Mas mabuti na `yong humiwalay tayo. Bumili sila ng sarili nilang bahay at tayo na ang titira sa bahay n'yo."
            Natawa na lang siya. Ang advance lang kasi mag-isip ng taong mahal niya. Tila sigurado rin sa lahat ng bagay na mangyayari sa kanilang dalawa.
            "Kung saan ka, sasama ako sa `yo," aniya. "Brax, I'm sorry pala."
            Kumunot ang noo nito. "Sorry for what?"
            "Sa nangyari sa battle of the bands. Alam ko na dalawang buwan na mula nang mangyari iyon pero.."
            "Wala kang kasalanan doon. Ako ang may kasalanan. N'ung makita kita nawala ako sa focus kasi hindi ko inaasahan na makikita kita r'un kahit na inaasam ko na pumunta ka. And one more reason, hindi lang naman ikaw ang problema noon dahil pati si mama pinoproblema ko. Kaya wala kang kasalanan."
            "Basta sorry pa rin. Humingi na rin ako ng sorry kay Devin pati sa iba."
            "Huwag na nating balikan pa iyon. Let's just talk about our future, Vienne. Ikaw at ako ang mahalaga. Gusto mo bang makita ang proposal ni papa sa mama mo?"
            Agad siyang tumango. "Gustong-gusto."
            "Tara na kung ganoon," anito.
            Sabay silang tumayo. Habang naglalakad ay magkahawak pa ng kamay.

SIGURO iisipin ng iba ay isang malaking tanga si Ambrose. Well, hindi lang naman ibang tao ang magsasabi niyon kundi siya na rin sa sarili niya. Ngunit ano ba ang magagawa niya kung tanga, bobo o estupido siya dahil sa pag-ibig. Nagmahal lang naman siya ng sobra ngunit ang pagmamahal na iyon ay walang katumbas mula sa taong kanyang minamahal.
            Sasabihin din siguro ng iba na masokista siya. Nasasaktan na ng sobra ngunit mas pinili pa ang lumapit sa taong nagbigay sa kanya ng kasiyahan at kalungkutan in the same time. At ngayon, mapapatunayan iyon ng mga taong iyon na nagsasabing malaki siyang bobo, estupido, tanga at masokista habang nakatingin sa magkahawak na kamay ng Vienne at Brax.
            Tumulo ang luha niya. Naglandas iyon sa kanyang pisngi subalit hindi siya nag-abalang punasan man lang iyon. Hinayaan niyang umagos at tumulo ang luha niya.
            Nagawa pa niyang magsinungaling kay Vienne na may karelasyon na siya para mas malapit dito at huwag itong mag-alala sa kanya na nasasaktan siya tuwing uiiyak ito at paulit-ulit na sinasabi ang pangalan ni Brax at kung gaano nito kamahal ang lalaki. Ang sakit-sakit lang. Sobra. Pero siguro ay ito ang kapalaran ng pag-ibig niya sa lalaking mahal niya. Shattered. Left alone. Sawi.
            Sinundan niya ito nang makita niyang umiiyak at kahit na anong gawin nilang pagtawag kanina sa loob ng restaurant ay hindi sila pinansin. Tinanong pa nga siya nina Austin at Coby kung saan tutungo pero hindi niya pinansin ang mga ito.
            Siguro dapat maging masaya na siya sa kaalaman na kahit papaano ay naging kaibigan siya nito. Naging malapit sila sa isa't-isa at kahit na alam nitong higit pa sa pagkakaibigan ang damdamin niya para dito, hinayaan pa rin siyang makalapit.
            Nang mawala sa kanyang paningin ang mga ito. Naglakad na rin siya palayo. Contrast in the path they were taking. Dahil nakayuko hindi niya nakita ang kasalubong niyang lalaki. Nabangga niya ito. Dahilan para mapaupo siya.
            "I'm sorry." Narinig niyang sabi nito.
            Hindi niya iyon pinansin. Nanatili siyang nakaupo. Umiiyak.
            "Okay ka lang ba?" Tanong ng lalaki.
            Hindi pa rin siya sumagot. Wala siya sa mood para maging mabait.
            "Baka nasaktan ka. Halika. Dadalhin kita sa malapit na ospital dito." Maririnig ang pag-aalala sa boses nito.
            Hahawakan sana siya nito nang pumiksi siya.
            "I don't need help! I'm okay! Mas gusto kong mag-isa ngayon." Garalgal ang tinig na sabi niya. Hilam pa rin ng luha ang mukha.
            "Umiiyak ka ba?" May katiyakan na tanong nito.
            "The hell you care! Wala kang pakialam. Hindi kita kilala! It's none of your business."
            Hindi nagsalita ang lalaki. Naglakad ito. Ang buong akala ni Ambrose ay lalayo na ito sa kanya ngunit nagulat siya nang buhatin siya nito. Nagpumiglas siya ngunit masyadong malakas ang lalaki. Pinaupo siya nito sa bench.
            Dala ng galit . Inuntog niya ang ulo sa ulo nito. Napahiyaw ito sa sakit.
            "Ouch! Umayos ka nga! Sawi ka ba sa pag-ibig?"
            Napamura siya. "Pakialam mo ba?!" Asik niya rito.
            Natawa na lang ito.
            "Anong nakakatawa?"
            "Ikaw!"
            "Bakit?" Tanong niya. Out of curiousity. Natigil din siya sa pag-iyak. Pinakatitigan niya ang lalaking nakatayo. Nakatingala na siya kung tutuusin. Gwapo ito. Maputi. Mukhang koreano dahil sa style ng buhok at may pagkasingkit. Sa tantiya niya mas matanda ito sa kanya ng limang taon.
            "Alam kong gwapo ako." Anito. "By the way, Mack Dwayne ang pangalan ko."
            "Wala akong pakialam." Sabi niya.
            "Okay lang. You look miserable. Mukha kang basang sisiw kahit na hindi ka literal na basa. You know what, I've been in your situation before. Naramdaman ko rin ang nararamdaman mo ngayon."
            Ang kanyang kuryusidad ay dumoble sa sinabi nito. "Nasaktan ka na rin?"
            "Oo naman."
            "Bakit hindi ko `yon makita sa hitsura mo ngayon?"
            "Because I'm already happy with my partner."
            Natigilan siya. "Partner?"
            "Yeah." Natawa na naman ito. "Hindi ba halata na.."
            "Hindi."
            Pinakita nito sa kanya ang suot na singsing. He clearly saw also the happiness in his face.
            "You know what. Nakikita ko ang sarili ko sa `yo noon. I also loved someone in my past, one year ago. I loved. I confessed. I pursued but still the end I failed. Ganoon naman talaga ang kalakaran sa pag-ibig. Kahit na anong gusto mo na maging kayo hindi mngyayari. Kapag hindi ukol, hindi talaga bubukol. But in that loss, one will come to your life. Maybe someday you'll find the one who destined to be your love for the rest of your life. Kailangan mo lang magtiwala. At mag-move on na rin. Don't swallow yourself in misery because your heartbroken, be open in any possibilities, man. Hindi ko sinasabi na madaling mag-move on, alam ko naman na matagal na proseso iyon pero depende pa rin sa tao."
            Tumatak ang mga sinabi nito sa utak niya. He was quiet for a moment before he uttered a word.
            "Saan na ngayon ang taong minahal mo?"
            "He's happy with his special someone. At alam mo ba kung ano pa ang nakakatawa. Ako, si Nick at ang nakatuluyan niya ay magpi-pinsan."
            "Talaga." Kahit hindi niya alam kung sino ang mga taong binanggit nito ay nanatiling nakuha nito ang kuryusidad niya.
            "Sinu-sino naman ang mga iyon?"
            "Si Joen ang nakatuluyan ng gusto kong si Vin."
            Nagulat siya. "Kilala n'yo sila?"
            "Bakit? Kilala mo rin ba sila?"
            Tumango siya. Nakilala niya sina Vin at Joen sa pamamagitan ni Vienne ng minsan na makasalubong niya ang dalawa sa mall.
            Tumunog ang cellphone nito. Tiningnan nito iyon saka ngumiti. "Kailangan ko nang umalis. Hinahanap na ako ng lovey dudes ko," anito.
            Tumango lang siya.
            "In due time. Makakabangon ka rin. Makaka-move on at mahahanap ang para sa `yo. Just trust destiny."
            "Okay. Salamat."
            Ngumiti ito saka siya tinalikuran. Sinundan na lamang niya ito ng tingin.

IT'S BEEN a month since Brax came back but Vienne was still in cloud nine. He was the happiest having Brax beside him again. And this time, he knew that they will be together until the right time comes. Wala nang makakalayo pa sa kanila ngayon na wala na silang problema na maituturing na major. Time and everything were on there side right now.
            Ang mga tao na naging bahagi ng buhay nila ay masasaya na rin sa kanya-kanyang buhay.
            Ang bestfriend nilang si Coby ay bihira na lang nilang makasama dahil sa pinagkaka-abalahan nito na hindi nila alam.
            Ganoon din kay Austin. Abala na rin ito sa mga ginagawa nito kaya hindi na niya ito masyadong nakikita.
            Si Krishna at Andrew ay masaya pa rin sa isa't-isa at tila walang problema ng minsan nilang makita ito n'ung nagde-date sila ni Brax sa loob ng isang mall.
            Ang Papa Santi niya at si Tito Will ay bumalik na sa ibang bansa para sa trabaho ng mga ito. Bago umalis ang mga ito ay nagbilin pa ang mga ito sa kanila na alagaan nila ni Brax ang isa't-isa. At babalik bago maikasal ang mama niya kay Tito Bruce.
            At tungkol naman sa mama niya at kay Tito Bruce. Well, totoong nagmamahalan ang mga ito. Nakita iyon ng dalawang mata niya noong araw na bumalik si Brax pagkatapos nilang mag-usap sa park. He saw how his mother missed Tito Bruce so much. Hindi nito mapigilan ang maiyak nang makita ang lalaking minamahal. Si tito Bruce naman ay ganoon din. Umiiyak ito ngunit alam niya na dahil sa saya. Humingi na rin ito ng tawad sa kanya sa pagtrato nito. At agad-agad naman niyang tinanggap iyon. Hindi siya mapagtanim ng sama ng loob kaya agad niya itong napatawad at para na rin sa maalwan na buhay. Ang sarap na wala na sa kanyang galit. Panatag na ang kalooban niya. Inaasikaso na rin ng mga ito ang kasal ng mga ito.
            Si Tita Raquel naman ay nasa mabuting kalagayan na. Nasa recovery stage pa rin ito sa tulong ng isang lalaki na sinabi sa kanya ni Brax na childhood sweetheart nito. Nakausap na rin niya ang babae sa cellphone nang tawagan ito ni Brax. Katulad ni Tito Bruce ay humingi na rin ito ng tawad sa kanya.
            At panghuli. Si Ambrose. Nabalitaan na lang niya na umalis na ito ng school nila. Lumipat ito sa Saint Ambrose University. Hindi na rin ito nagpakita sa kanya at tila pinagtataguan talaga siya. Kahit na malungkot siya sa ginawa nitong paglayo. Naiintindihan niya ito. Intinding-intindi. Sayang nga lang at hindi sila nakapag-usap bago ito umalis. Ngunit hindi siya sigurado kung masaya ba ito. Alam naman kasi niya na malungkot ito dahil sa kasawian sa kanya.
            At silang dalawa ni Brax. Well. They were both happy being back to each other arms again. Ngayon na malaya na sila at tanggap ng taong nasa paligid nila. Wala na silang mahihiling pa. Nakatira na sila sa bahay nila. Ang bahay kung saan siya lumaki at nagka-isip. Noong nakaraan pa lumipat ang mama niya sa bahay ni Tito Bruce na binili talaga ng lalaki para sa mama niya. Dalawang beses lang sa isang linggo kung pumunta ito sa bahay nilang dalawa ni Brax.
            "Bilisan mo, Vienne. Tikman mo ang niluluto ko." Sabi ni Brax na nagpatingin sa kanya dito.
            Kasalukuyan silang nasa kusina. Abalang-abala ito sa pagluluto at siya talaga ang ginagawang taga tikim na wala naman siyang reklamo. Para na silang mag-asawa kung mamuhay nito.
            Lumapit siya kay Brax saka kumuha ng kutsara sa lalagayan na nasa malapit lang.
Nakasalang pa ang niluluto nitong afritada.
            "Masarap na ba? Tama na ba ang lasa?"
            Tumango siya. "Tama na para sa akin. Kapag ikaw naman ang nagluto, kakainin ko ng buong puso."
            Tumawa ito saka siya niyakap. "Tayo lang naman kasi ang nandito, eh."
            "Bakit? Gusto mo bang meron pa?"
            Umiling ito. "Hindi. Wala na akong gustong makasama pa kundi ikaw lang. Ikaw pa lang sapat na, Vienne, my love. I love you."
            "I love you din, Brax. I love you. I love you!"
            Natawa itong muli saka siya hinalikan sa labi. Buong puso naman niya iyong tinanggap at ginantihan.
            Ah! Wala na siyang mahihiling pa. Nasa bisig na kasi siya ng taong mahal na mahal niya. Salamat sa Taas dahil binigyan siya nito ng isang bestfriend at partner na mahal na mahal siya at mahal niya.


WAKAS

9 comments:

  1. Nakakatuwa naman na naayos na lahat ng mga problema nila eto talaga ang tinatawag na happy ending kaso paano si Ambrose? Siya na ba ang susunod na bida sa story niyo author? Anyway this is really a good story about bestfriends who were destined to be lovers.

    ReplyDelete
  2. Ngayon, makatulog na ako ng maayos. Thank sa happy ending ng story mo Vienne boy. Hope to read more of your stories ne t time. God Bless you.

    ReplyDelete
  3. Hai buhay sarap na may nagmamahal sana makahanap din ako heheheh saya ng ending... ;) hapy together

    Shai :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din eh naghahanap ng magmamahal ng tunay.

      Delete
  4. Nice,.
    Pero paRang mdyo bitin,
    Pero okay na siguro,mas okay na ito kaysa sa sad ending.!

    Salamat po sa story.

    Breaille lance.

    ReplyDelete
  5. at last, naayos na din mga lovelyf nila. tnx sa maganda mong kwento, hope na more story to come author, CONGRATZ FOR A JOB WELL DONE!

    ReplyDelete
  6. Kahapon ko lang to binasa Kuyang Author. Haha. Kaya di ko sya binabasa kahit alam kong mabilis kang mag update Kuyang Author kaso yung cover mo di pumasa sa taste ko. Charot. Haha. Pero may kasabihan nga Don't judge the book by its cover. Haha. Ewan ko ba mga binabasa ko dito sa MSOB mga ang babagal mag update pero mga mabibilis di ko muna binabasa. Ayako din kasi mabitin. Ay. Haha. Btw. Ang ganda ng story Kuyang Author. Nakakainis langg yung mga extra character mga napapadaan at nadadaanan lang may sense yung lines nila kaso parang di na kelangan na pagsalitain yung nga extra. Charot ulit. Haha. Pero btw. Super ganda di lang nga lang nabigyan ng justice yung role ni Coby parang di naman sya Bestfriend nila Vienne at Brax. MIA lagi si Coby. Tsaka yung mga pangalan halatang pinag isipan talaga mga kakaibang name. Haha. Yun lang. Thanks sa magandang story na ito. Sana matapatan neto o mas maganda yung magiging next story mo Kuyang Author. Kuya ba talaga o Ate? Srsly. Haha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  7. Wow ang galing mo talaga author mhuahh ! Halos lahat ng story mo author ay nabasa ko nahh ^_^ Sana maraming story ang magagawa mo author para pa kiligin kami mhuahh ! ^_^

    ReplyDelete
  8. Congrats. This is excellent writing.

    - David

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails