Followers

Wednesday, December 17, 2014

Beat of my Heart Chapter 19&20



AUTHOR’S NOTE

Sa Chapter na ito magsisimula ang problema.

Pasensya na ulit sa pagiging magulo ;)

Salamat!!



CHAPTER NINETEEN

DUMIRETSO agad sina Vienne sa kwarto ni Coby pagkarating nila sa bahay ng mga ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito makapaniwala sa nalaman mula sa kanilang dalawa ni Brax.
            "I still couldn't believe that the two of you were together now. I mean, meron na akong hinala noon na may something sa inyong dalawa pero hindi ko talaga matanggap na kayo. Unbelievable."
            "Sus, Coby. Maniwala ka kasi kami na ni Vienne. Alam ko naman na imposible kasi pareho kami ng kasarian pero wala namang imposible sa love, hindi ba?"
            Napangiti na lamang si Vienne sa sinabi ni Brax. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito.
            "Isa pa `yan!" Ani Coby. "Ikaw, Brax? Gumagamit ng mga ganyan na salita. It's not so you. Nakakapanibago. Moody ka pa rin, hindi ba?"
            "Yeah. Moody pa rin siya, Coby."
            "Iyon ang hindi magbabago," ani Brax.
            "`Kalain n'yo `yon. Well, sa maniwala man ako o hindi. Kayo na talagang dalawa kaya tatanggapin ko na lang kahit na medyo nakakapanibago sa parte ko. Ibig sabihin lang nito, lagi akong maiitsapwera sa ating tatlo."
            "Dati ka naman nang naiitsapwera, eh."
            "`Na mo, Brax! Masyado ka kasing possessive, eh. Lumabas na nga kayong dalawa. Baka langgamin ang kwarto ko sa ka-sweet-an n'yo."
            Natawa silang pareho.
            "Sige, Colbert Byron Castillo. Mauna na kami," aniya. "Sleep tight, ah."
            "Yeah. Masusunod po, Alvienne Santos. Umalis na kayo ni Ginoong Brax Garcia."
            Sinimangutan ito ni Brax. "Ayos, ah! Masyadong pormal."
            "Alis na kayo. Tsupi! Inaantok na ako. Pag-usapan na lang natin ang mga bagay-bagay pagkatapos kung makatulog nang mahimbing."
            "Wala kang kwentang kaibigan," ani Brax bago sila makalabas ng kwarto nito.
            Natawa na lang siya.


"MASAYA ka nang sobra, ano, Vienne?" Seryosong saad ni Coby kay Vienne.
            Umangat ang kanyang tingin mula sa kanyang ginagawa. Nasa isang convenience store silang tatlo nito. Si Brax ang kumuha ng pagkain nila. Naiwan naman silang dalawa ni Coby sa mesa.
            "Oo naman, Coby! Sobra!"
            "I'm happy about that, Vienne. Pero bilang bestfriend n'yong dalawa ni Brax, hindi ko maiwasan ang mag-alala."
            Napakunot ang noo niya. "Bakit naman? Ang seryoso mo yata ngayon." Pagbibiro niya na hindi naman nito kinagat. Sa halip, isang buntung-hininga ang iginanti nito.
            "As I've said, I'm happy about this thing. Suportado ko kayo kasi kaibigan n'yo ako. Pero bilang kaibigan, hindi ko maiwasan ang mag-isip ng mga bagay-bagay."
            "Anong klaseng bagay?"
            "Tungkol sa relasyon n'yo. Maraming what ifs ang pumapasok sa utak ko. Nagtatanong at nag-aalala ako d'un."
            "Sabihin mo kung ano ang mga what ifs na `yan, Coby." Udyok niya. Kahit siya ay naguguluhan sa aksyon ni Coby. Isang linggo na rin mula nang makauwi ito. Sa mga nakaraang araw ay ramdam niya na masaya ito para sa kanilang dalawa ni Brax. Suportado nito ang kung anong meron silang dalawa. Kaya naman naguguluhan siya sa pinapakita nito ngayon.
            Mga what ifs..
            "Paano kung maghiwalay kayo ni Brax? Paano kung hindi maging maganda ang relasyon ninyong dalawa? Paano ang pagkakaibigan nating tatlo? Tuluyan na bang masisira iyon dahil sa relasyon n'yo in case na mangyari ang sinasabi ko? Parang hindi ko kasi kaya na mamili sa inyong dalawa at maging medium sa pagitan n'yo kapag nangyari `yon. Sobra kong pinapahalagahan ang pagkakaibigan nating tatlo kasi kayong dalawa ang nakauunawa sa akin. Lagi rin kayong nandyan to console me every time na nalulungkot ako about my life. Natatakot ako na mangyari ang kinakatakutan ko."
            Kitang-kita ni Vienne ang pag-aalala sa mukha ni Coby. Ang mga katanungan nito ay hindi sumagi sa isipan niya dahil alam niya na hindi sila maghihiwalay ni Brax. Malaki ang paniniwala at damang-dama niya na mahal nila ni Brax ang isa't-isa para saktan ang kanilang damdamin.
            "You don't need to worry yourself, Coby. Hindi kami maghihiwalay ni Brax."
            "Sana nga."
            "Ano ka ba? Chill lang. Masyado kang serious. In case na mangyari naman ang kinakatakutan mo. Piliin mo si Brax, Coby. Kayo naman talaga ang magkaibigan bago ako dumating sa buhay n'yo."
            Isang blangkong tingin ang ibinigay nito sa kanya saka umiling-iling. "Ewan ko sa `yo, Vienne."
            Natigil sila sa pag-uusap na dalawa nang dumating si Brax dala ang isang tray kung saan nakalagay ang mga pagkain nila.
            "Ang seryoso n'yo namang dalawa. Ano ba ang pinag-uusapan n'yo? Agad na tanong nito.
            "Tungkol sa relasyon natin," agad rin niyang sagot.
            "Bakit? Ano ba ang tungkol doon?" Anito, sabay tingin kay Coby.
            "Nothing."
            Nag-iwas ng tingin si Coby.
            "Don't tell me. May gusto sa `yo si Coby, Vienne."
            Natawa siya sa sinabi nito. Nanlaki naman ang mata ni Coby.
            "`Na mo ka talaga, Brax! Hindi ako ahas para mang-agaw."
            "Seryoso mo naman! Nagbibiro lang naman ako. Ano ba kasi ang pinag-usapan n'yo?"
            "Sabihin mo na nga sa kumag na `yan, Vienne. Parang gago lang, eh. Masyadong seloso at possessive."
            "Bakit? Masama bang maging possessive?" Hindi papatalong tanong ni Brax.
            "Hindi! Pero isalugar mo naman. Napaghahalata ka masyado, eh."
            "Inggit ka lang!"
            "Hindi ako inggitero!"
            Natawa na lang siya sa small fight ng mga ito. Parang mga bata. Bago pa lumala iyon ay pumagitna na siya.
            "Worried si Coby sa ating dalawa, Brax." Nakuha niya ang atensyon nito. Tumahimik naman si Coby.
            "Bakit?"
            "Dahil hindi natin alam pareho kung hanggang kailan tayo magiging partner. At kung sakaling maghiwalay tayo ay natatakot siya na pumili sa isa sa atin para i-console."
            "Para ka namang ewan. Hindi kami maghihiwalay ni Vienne, Coby. Mahal namin ang isa't-isa para gawin ang bagay na iyon."
            Umiling lang si Coby. "Mahirap magsalita ng tapos."
            "Huwag kang negative. Hindi ka film."
            Ngumiti si Vienne. Ang totoo, napapaisip na rin siya. Ang mga what ifs na itinanong ni Coby sa kanya ay naglalaro na rin sa isipan niya. Paano nga ba kung mangyari ang mga bagay na iyon? Paano kung siya ang maging dahilan ng paghihiwalay nila ni Brax? Hindi lang relasyon nila bilang magnobyo ang masisira kundi pati ang pagkakaibigan nila. Mahirap naman kasi na ibalik ang dati lalo na pag nagkaroon na ng lamat.
            Ngunit magiging positibo siya. Panghahawakan niya ang sinabi ni Brax. Kung anuman ang mga suliranin na darating sa relasyon nila, sana malampasan nilang dalawa ng buong-buo.


"LET'S get ready to rumble!"
            Natawa na lang si Vienne sa sinabi ni Brax. "Parang ewan lang. Nandito ako sa kwarto mo para magpatulong sa `yo sa project ko. Hindi para sa iniisip mo."
            "Hindi ba pwedeng lumusot, Vienne? Miss ko na gawin `yon, eh. Pagbigyan mo na ako."
            Tinampal niya ito sa pisngi saka lumayo dito. Tinungo niya ang study table na nasa isang sulok ng kwarto nito. "Hindi pwede. May deadline kami rito kaya kailangan mo na akong tulungan."
            Mula sa kanyang likuran. Niyakap siya ni Brax. Inamoy pa nito ang leeg niya. Sunod ang isang halik sa batok niya na nagbigay sa kanya ng kiliti.
            "Anong ginagawa mo? I-itigil mo `yan." Kulang sa kumbiksyon na sabi niya. He even stammered about it.
            Dinadaan na naman siya nito sa kahinaan niya. Kaunting lambing at kaunting kibot lang ay agad na nagpapatianod siya.
            Inalis niya ang braso nito na nakapulupot sa kanya.
            "Umayos ka nga, Brax. Masyado ka."
            "Vienne naman!" Reklamo nito.
            Natawa siya. Pilit niyang kinakalma ang sarili sa naging dulot ng ginawa nito sa kanya. Kung alam lang nito.
            "Hindi nga pwede. Tulungan mo muna ako dito."
            "Kapag natapos, pwede na?" Parang bata na sabi nito. May nalalaman pa na papungay ng mata.
            "Nakakatawa ka lang."
            "Sus, gusto mo rin, eh. Tingnan mo ang baba mo."
            Hindi niya ito sinunod. Nagkunwari siya na walang alam.
            "Hay naku, Vienne. Hindi mo maipagkakaila `yan. Alam ko na gusto mong gawin iyon katulad ng pagkakagusto kong gawin. Alam natin pareho kung ano ang epekto natin sa isa't-isa."
            "Heh! Umayos ka."
            Isang malutong na tawa ang iginanti ni Brax sabay yakap ulit sa kanya. Kasabay niyon ay isang mainit na halik. Banayad at puno ng pagmamahal.
            Nang matapos ang halik. Isang satisfied na ngiti ang ibinigay sa kanya nito na ginantihan naman niya.
            "I'm inspired now. Lumakas `yong drive ko para tulungan ka," anito.
            "Oo na. Pasalamat ka at gusto ko rin ang halik mo."
            "Of course, irresistible ang lips at kiss ko."
            "Yabang."
            "Totoo naman."
            Mga ilang sandali pa, napuno ng tawanan ang kwarto ni Brax habang nagtutulungan silang dalawa na gawin ang project niya para sa isang subject.
            "`Yong pinag-usapan pala natin noong isang araw tungkol sa tawagan natin, Vienne," ani Brax.
            "Anong tungkol doon?"
            "May naisip ka na ba na pwedeng tawagan natin?"
            "Wala pa nga eh. Actually, hindi na iyon sumasagi sa isip ko. Kahit wala na tayong term of endearment sa isa't-isa, ayos lang, Brax. Ang importante naman kasi `yong magkasama tayo. `Yong mga bagay na nagagawa natin kapag magkasama. At `yong mga memories na pwedeng balikan tuwing maaalala natin ang isa't-isa."
            "Magtatagal tayo. Magkasama nating babalikan `yong sinasabi mo na memories."
            Napangiti si Vienne. "Sana nga, Brax. Sana magtagal tayo."
            "Hey! Be positive. Ako ang soldier sa ating dalawa. Kapag nasa labanan na tayong dalawa, kapit ka lang, hindi kita pababayaan. Ako ang magiging shield mo. While I'm doing my part you should do yours too. Para same."
            "Oo na! Positive naman na ako sa `ting dalawa. Walang susuko."
            "Sana nga." Anito. Biglang nagbago ang tono. Lumungkot din ang hitsura.
            "Hey! Kasasabi mo pa lang na stay positive. Bakit ganyan ang mukha mo?"
            "Naisip ko lang kasi `yong mga what ifs na sinabi ni Coby. Paano nga kung mangyari sa atin `yon? Magiging magkaibigan pa ba tayo kung sakaling mag-be-break tayo? Na sana huwag umabot doon."
            "Huwag na nating isipin `yon. Magugulo lang ang bangs ko."
            Natawa si Brax. "Wala ka namang bangs, eh."
            "Wala nga. Alam mo, para tayong timang. Kapag ako ang negative, ikaw ang positive. Kapag ikaw naman ang positive, ako ang negative. Ang gulo, hindi ba?"
            "Nagkakahawaan tayo."
            "Mismo! Kaya huwag na nating isipin ang mga iyon. Ang dapat nating isipin sa ngayon ay ang bagay na magagawa natin habang magkasama."
            Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kanya.


"ISANG linggo mahigit na tayo, Vienne. Hindi mo pa ba ako ipapakilala kay Lola Cons?"
            Natawa si Vienne sa sinabi ni Brax. Humarap siya dito at pinisil ang ilong nito. Dumaing ito sa sakit.
            "Ouch! Bakit mo ginawa `yon?" Tanong nito sabay layo sa kanya. Hawak-hawak ang namumulang ilong. "Ang sakit, ah! Gawin ko rin kaya `yon sa `yo."
            "Magagawa mo ba?"           
            "Hindi. Asar ka lang. Porke't alam mo na hindi kita gagantihan, namimihasa ka."
            "Ang cute ng ilong mo, eh. Ang tangos."
            "Huwag mong sabihin na naglilihi ka na? Buntis ka na ba?"
            Binato niya ito ng hawak na unan. "Adik! Umayos ka nga!"
            "Wow! Galit agad. Huwag kang GnG. Hindi bagay. Seryoso na, Vienne. Ano? Kailan mo ba ako ipapakilala kay Lola Cons bilang boyfriend mo?"
            "Hindi na kailangan, Brax," pagbibiro niya.
            Sumimangot ito. Lihim siyang natawa sa reaksyon nito. Tama naman kasi ito. Dalawang linggo at mahigit na sila ngunit hanggang ngayon ay hindi pa niya ito naipapakilala ng pormal kay Lola Cons bilang 'nobyo' niya. Ang alam kasi ng lola niya ay 'bestfriend' niya lang ito.
            Ang dating bihira na pagpunta ni Brax sa bahay niya. Partikular na sa kanyang kwarto ay naging madalas mula nang maging silang dalawa lalo na at wala ang mama niya. Pumunta kasi ito sa probinsya dahil sa trabaho nito.
            Doon na nga madalas natutulog si Brax. Siyempre, magkatabi sila. At bago pa mag-isip ng masama ang nakakaalam kung ano ang totoo sa kanila. Pangungunahan na niya iyon. Wala sa kanilang nangyayari. Diretso tulog sila. Sa abot ng kanyang pagkakaalam. Dalawang beses pa lamang nilang ginawa ang ganoon na bagay.
            "Ang sama mo! Napaghahalata na hindi ka proud na maging boyfriend ako."
            "Sus! Tampurorot ka naman kaagad." Tumayo siya mula sa kanyang higaan at hinila si Brax patayo.
            "Oh? Saan tayo pupunta?" Takang-tanong nito.
            "Gagawin ang kagustuhan mo. Hindi kita matiis, eh."
            Ngumiti ito. "Good yan! Tara!"
            Magkahawak ang kamay na lumabas sila ng kwarto niya ngunit agad rin na kinalas niya ang pagkakahawak sa kamay nito nang makasalubong nila ang mama niya. Kung nakikita niya ang sarili sa salamin. Tiyak niya na para siyang nakalaklak ng suka sa pamumutla niya.
            "Ma-mama," nasabi niya.
            "Tita," ani Brax. Narinig niya rin ang kaba sa boses nito. "Go-good morning po."
            Hindi kumibo ang mama niya. Nagpalipat-lipat lamang ang tingin nito sa kanilang dalawa. May pagdududa sa tingin na ibinibigay nito. Muli, nagpalipat-lipat ang tingin nito saka sila nilampasan para magtungo sa kwarto nito.
            Nagkatinginan sila ni Brax nang malampasan sila nito.
            "Unexpected ito," sabi niya.
            "Akala ko sa isang araw pa uuwi si tita?" Tanong nito.
            "Iyon din ang akala ko. Baka may nagbago sa schedule niya kaya ganoon. Halika, ipapakilala na kita kay lola."
            Marahan itong umiling. "Sa ibang araw na lang, Vienne. Ayaw kitang mapahamak. Nakita naman natin pareho ang tingin ni tita. Makapaghihintay ako."
            "Salamat, Brax."
            Ngumiti ito saka hinaplos ang pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay nito na humahaplos sa pisngi niya saka iyon hinalikan.
            "Para kang nakainom ng suka sa sobrang pamumutla ng labi mo, Vienne."
            "Nabigla ako, eh. Alam mo naman na.."
            "Alam ko. Wala kang dapat na ipaliwanag. Punta muna tayo sa bahay namin."
            "Sige."
            Para huwag magduda ang makakakita sa kanila. Inakbayan na lang siya ni Brax,
            Nasa pintuan pa lamang sila ng bahay ng mga ito ay agad na narinig nilang dalawa ang sigawan sa pagitan ng mama at papa nito. Nagkatinginan sila.
            "Dito ka muna, Vienne. Nag-aaway si mama at papa."
            "Sasamahan kita."
            Umiling ito. "Huwag na."
            "Sigurado ka ba?"
            "Oo naman." Ngumiti si Brax. Ngiti na hindi man lang umabot sa mata.
            "Dito lang ako, ah."
            "Salamat," anito.    
            Sinundan na lamang niya ito ng tingin. Nanatili siya sa bakuran ng mga ito. Umupo siya sa upuan na nandodoon. Sa mga narinig niya, mukhang malubha ang pag-aaway ng mag-asawa. Pag-aaway na sa pagkakaalam niya ay ngayon lang nangyari. Naninibago siya doon. Alam niya kasi na hindi umaabot sa ganoon na kalubha ang away ng mama at papa ni Brax. Kung ano man ang kahahantungan nito. Sana ay hindi maging malubha dahil ayaw niyang makita na nasasaktan si Brax. 


ISANG malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Ambrose. Two weeks at mahigit na mula nang maging si Vienne at Brax. Two weeks at mahigit na rin niyang hindi kinakausap si Vienne kahit todo na ang effort nito para makausap siya. Lagi siyang umiiwas. Hindi niya nga ito pinapansin tuwing makakasalubong niya ito sa hallway ng Education Building. Hanggang ngayon kasi ay nasasaktan pa rin siya. Sobrang sakit na makita ang taong mahal niya na may mahal na iba.
            Noong araw na tawagan siya ni Vienne ang huling pag-uusap nila. Dahil sa kabiguan na natamo niya, pati ang pag-aaral niya ay naaapektuhan na. Bagay na ipinag-aalala ng mama niya.
            Kung hanggang kailan ito. Hindi niya alam.

            Sa ngayon, kahit masakit, magkakasya na muna siya na tingnan sa malayo ang taong minamahal niya. Hanggang tingin lang siya. Kailangan niyang itino sa utak niya na hanggang tingin lamang siya. Hindi magiging sila kahit na ano pa ang gawin niya.


CHAPTER TWENTY

HINDI akalain ni Brax na ang masayang pamilya nila ay mauuwi sa isang bagay na hindi niya inaasahan. Nakatutok ang kanyang tingin sa mga magulang na malayo ang agwat sa isa't-isa. Tila may nakaharang na invisible na pader sa pagitan ng mga ito habang nag-uusap. Kung pag-uusap nga ang namamagitan sa mga ito.
            Nasa sala sila ng bahay nila. Hindi napansin ng mga ito ang pagpasok niya. Tuluyan nang masisira ang relasyon ng dalawang tao na importante sa kanya dahil sa pagdating ng isang babae na..
            "`Ma, `pa," tawag niya sa mga ito.
            Parehong tumingin ang mga ito sa kanya. Puno ng luha ang mukha ng mama niya. Makikita naman sa mukha ng papa niya ang tinitimping galit.
            "Brax," ani mama niya saka humagulgol.
            Marahas naman na umiling ang papa niya saka padabog na umalis sa living room. Tila natulos naman siya sa kinatatayuan. Hindi siya makakilos. Hindi niya mawari ang bagay na ganito. Hindi niya maarok na..
            Marahas niyang pinunasan ang luha na kumawala sa kanyang mata.
            "A-ano ang nangyari, `ma?" Tanong niya. Gusto niyang marinig ang lahat. Simula sa umpisa.
            Umiling-iling lamang ito saka humagulgol.
           Nilapitan niya ito saka hinaplos ang likuran. "Ano ba ang nangyari, `ma? Sabihin n'yo po sa akin. Anak n'yo ho ako. May karapatan akong malaman ang nangyari."
            Between sobs, his mother answered. "Ma-maghihiwalay na kami ng papa mo. May iba na siya."
            Parang bombang sumabog iyon sa kanya.
            Katulad ng narinig niya. Iyon nga ang mangyayari.
            "Bakit? Ka-kailan pa po ito?"
            "Hindi ko alam. Matagal na akong nagdududa na may iba ang papa mo. Napatunayan ko iyon noong isang araw. Hindi na ako nakatiis at kinompronta ko siya at heto nga ang nangyari. Ma-maghihiwalay na kami." Muling sabi nito saka umiyak nang umiyak.
            Damang-dama ni Brax ang sakit na nadarama ng mama niya. He clenched his fist. Bumangon ang galit sa kanyang puso para sa papa niya at sa babae nito. Hindi niya kaya na makita ang mama niya na nasasaktan ng ganito.
            "Tahan na, `ma. Nandito lang po ako."
            "Hindi na ako mag-aaksaya ng panahon para yayain ka na sumama sa akin, Brax." Napatingin siya sa papa niya. May maleta na sa tabi nito.
            "Hindi ako sasama sa `yo, `pa. Kay mama lang ako," matigas niyang sabi. "Bakit? Ba-bakit n'yo nagawa kay mama ang ganitong bagay? Bakit, papa?"
            Nag-iwas ito ng tingin. "Minahal ko ang mama mo."
            Napangiti siya nang mapait. Kumalas ang mama niya sa pagkakayakap niya saka umalis. Nagtungo ito sa kwarto nito.
            Hinayaan niya ang luha na kanina pa tumutulo mula sa mata niya. Hindi niya maapigilan ang pagbulwak niyon. Ang sakit na nadarama ng mama niya ay sobrang nagbibigay ng kalungkutan sa kanya.
            Mahigpit na ikinuyom niya ang mga palad.
            "Minahal? Minahal, `pa? Tuluyan na bang nawala ang pagmamahal mo kay mama dahil sa babae mo? Kailan pa, `pa? Kailan pa!?"
            "Matagal na. Matagal ng wala ang pagmamahal ko sa mama mo."
            Hindi siya nakapagsalita. Tila may bumara sa kanyang lalamunan sa narinig. He just cried. Lumapit sa kanya ang papa niya. Hahawakan sana siya nito ngunit pumiksi siya.
            Bumuntung-hininga ito. "Alam kong nasaktan ko kayo, anak. Tandaan mo na nandito lang ako." Sabi nito saka lumabas na ng tuluyan sa bahay nila.
            Sa nanlalabong paningin sinundan niya ito ng tingin.
            Wala na. Wala na ang isang perpekto na pamilya na kinalakihan niya. Tuluyan nang nasira sa pagdating ng babae na sumira doon. Hindi niya mapapatawad ang babaeng iyon. Malaman lang niya kung ano at sino ang pamilya nito... maghihiganti siya!


NAPATAYO si Vienne mula sa kinauupuan niya nang makita ang papa ni Brax. Nahihiyang tumingin siya dito.
            "Tito," sabi niya.
            Isang malamig na tingin ang ibinigay nito sa kanya. "Anong hindi mo nauunawaan sa salitang lumayo ka sa anak ko, Vienne?" Malamig na tanong nito.
            Nagdulot iyon sa kanya ng takot. Tumungo siya. Hindi niya kayang salubungin ang lamig ng tingin na ibinibigay nito sa kanya. Ilang beses na ba nitong sinabi sa kanya na layuan niya si Brax. Bagay na hindi naman niya ginawa dahil hindi niya kaya.
            "Be-bestfriend ko po si Brax. Hi-hindi ko po siya lalayuan."
            "Simula umpisa. Alam kong dama mo ang animosidad ko sa `yo, Vienne. Hindi ko alam kung makapal ba ang mukha mo o insensitive ka o pareho. Sasabihin ko ulit sa `yo ito. Layuan mo ang anak ko."
            Hindi na siya nagsalita. Parehong-pareho ang pagtrato nito sa kanya sa pagtrato ng mama niya. Hindi niya alam ang dahilan ng pagkakaganoon ng mga ito. Pinigilan ni Vienne ang sarili na umiyak.
            "Simula umpisa. Hindi kita gugutuhin na maging kaibigan ng anak ko. Ikaw ang dahi.."
            Hindi nito itinuloy ang sasabihin saka siya nilampasan.
            Nanghihinang napaupo siya sa inupuan niya kanina. Bakit ganoon? Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya para makatanggap ng sobrang animosidad sa mga taong iyon. Una, sa mama niya. Pangalawa, sa papa ni Brax.
            Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Agad din naman niyang pinunasan iyon nang makita si Brax. Bumangon ang pag-aalala sa kanya sa nakikitang hitsura nito. Parang pinagsakluban ito ng langit at lupa. Sobrang lungkot ang nakikita niya dito. Umiiyak din ito.
            "Wala na, Vienne," anito.
            "Anong ibig mong sabihin, Brax?"
            "Akala ko hanggang sa huli, buo ang pamilya ko, Vienne. Hindi pala. Hindi pala." Impit na umiyak ito. "Ang sakit-sakit lang. Dahil sa isang babae nasira ang pamilya ko. Bakit kailangan pang pumatol ni papa sa iba? Bakit kailangan pang ipagpalit niya kami sa babae niya?"
            Sunod-sunod na tanong nito na hindi niya alam kung ano ang sagot. Bakit nga ba? Bakit ba kailangan pang maghanap ng iba kung may pamilya na? Bakit hindi muna inisip ng taong iyon ang consequence sa ginawa nito? Ganoon na ba kabulag ang pag-ibig? Ganoon ba kabulag ang taong umiibig? Hindi niya alam kung ano ang mga nangyari kaya wala siyang karapatan na husgahan ang papa at ang babae na sumira sa pamilya ni Brax.
            Hinaplos niya ang likuran nito. Naiyak na rin siya nang tuluyan sa sitwasyon ni Brax.
            "Palagi kong ipinagmamalaki na buo ang pamilya ko. Si mama, si papa.. pero ngayon? May maipagmamalaki pa ba ako sa nangyayari?"
            "Iiyak mo lang `yan, Brax. Nandito lang ako."
            Hindi alam ni Vienne kung ano ang dapat sabihin kay Brax para kumalma ito. Ang tanging magagawa niya ay iparating dito na nasa tabi lang siya nito. Handang maging sandalan. Maging iyakan at kaibigan pati nagmamahal dito.
            "Hindi ko mapapatawad ang babaeng iyon. Sa oras na makita ko siya, gaganti ako. Ipapamukha ko sa kanya ang ginawa niya." Kumuyom ang kamay nito.
            Hinawakan niya iyon. "Brax, walang magagawa ang paghihiganti. Alam kong nasasaktan ka pero hindi mo kailangan na gawin iyon."
            "Ang sakit-sakit lang, Vienne. Ang sakit!" Sigaw nito.
            Niyakap niya ito nang mahigpit.
            Damang-dama niya ang paghihirap nito.
            "Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan." Tanging nasabi niya.
            Hinayaan niya na umiyak sa kanyang balikat si Brax. Mahinang paghaplos sa likuran nito ang kanyang ginawa .


"OKAY ka na ba, Brax?" Tanong ni Vienne kay Brax.
            Mahinang pagtango ang tugon nito sa kanya. "Okay na ako, Vienne. Thanks for comforting me. Thanks for being by my side."
            "Hindi iyon malaking bagay, Brax. Kaibigan at ka-ibigan mo ako kaya laging sa tabi mo lang ako. Ang sabi mo sa `kin kanina, ikaw `yong soldier ko sa panahon na nasa weakest point ako ng buhay ko. Ngayon naman ako ang soldier mo. Nandito ako para i-comfort ka. Nandito ako para maging shield mo sa panahon na nanghihina at nasa miserable ka na kalagayan."
            "Salamat, Vienne," anito. Pinunasan nito ang luha na nasa pisngi nito. "Nakakahiya sa `yo, sinabi ko kanina na ako ang soldier tapos ako ang umiiyak ngayon sa balikat mo."
            "Sus! Walang kaso sa `kin, Brax."
            "Ang tapang-tapang ko sa mata ng ibang tao pero heto ako ngayon.."
            Hindi na nito naituloy ang sasabihin. Pinatlang niya ito. "Shhh.. Brax. Huwag mong isipin na mahina ka kasi para sa akin, ikaw ang pinakamatapang. Saviour, soldier at gladiator kita. Kung nasa weakest point mo man ikaw ngayon, walang problema. Tao ka lang at nasasaktan."
            Kinabig siya nito palapit dito saka niyakap nang mahigpit. "Kung ako ang soldier, saviour at protector mo. Ikaw naman ang energy ko."
            "Corny!" Natatawang sabi niya.
            "Okay lang. Para sa `yo naman."
            Lumayo siya dito. Tinitigan niya ito. Tumahimik si Brax.
            "Masaya ako na napapangiti kita, Brax. Ngiti ka lang, ah."
            "Paano? Ganito?" Tanong nito saka ngumiti nang maluwang.
            "Hindi ganyan. Kaunti lang," aniya saka kiming ngumiti.
            "I love you, Vienne."
            "I love you rin, Brax."
            "Walang iwanan."
            "Wa-walang iwanan." Natigilan siya. Kung para saan hindi niya alam. Bumangon rin ang kaba sa kanyang dibdib.
            Bakit?
            "Kulang ka sa conviction."
            "May naisip lang ako," agad niyang sagot.
            "Ano ba `yon?"
            "`Wag na nating pag-usapan. Hindi iyon malaking bagay."
            "Ikaw ang bahala," anito, sabay yakap ulit sa kanya.


LUNGKOT ang namamayani kay Vienne habang pinagmamasdan niya si Tita Raquel. Nasasabing ginagawa nito ang dating mga ginagawa nito ngunit kapansin-pansin ang kalungkutan sa hitsura nito. Tila wala rin sa sarili na basta na lang ito kumilos.
            "Tita, ako na ho niyan," aniya dito. Hindi na siya nakatiis kaya lumapit na siya dito. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang mangyari ang kaguluhan sa loob ng bahay ng Garcia ngunit sariwa pa ang sugat na iniwan niyon para sa Tita Raquel niya at kay Brax.
            Gulat na bumaling ito sa kanya sabay bigay sa kanya ng hawak nito na hose. Ang maliit na estatwa ng dwende ang dinidiligan nito imbes na ang halaman.
            "Nandyan ka pala, Vienne. Kanina ka pa ba dito?"
            "Opo, tita. Sapat po para makita ko ang ginagawa n'yo."
            "Ganoon ba."
            "Opo. Umupo na lang po kayo d'un, tita. Ako na lang po ang magdidilig." Sabi niya.
            Inalalayan niya ito para umupo sa upuan na nandodoon. Binalikan niya ang hose na iniwanan niyang nakalapag sa damuhan.
            "Tita, si Brax po? Tulog pa ho ba siya?"
            "Tulog pa siya," mahinang sabi nito.
            Naging abala siya sa pagdidilig. Natigilan siya nang balingan niya si Tita Raquel. Umiiyak na naman ito. Lumapit siya sa gripo saka iyon pinatay. Binalikan niya si Tita Raquel na patuloy pa rin sa pag-iyak.
            "Tita.." tawag niya dito.
            Agad nitong pinunasan ang luha sa pisngi nito. "Nakakahiya sa `yo, Vienne. Nakita mo pa ang pagda-drama ko."
            "Okay lang po `yon, tita. Kung kailangan n'yo po ng makakausap, nandito lang ako. Pwede n'yo pong sabihin sa akin ang lahat."
            "Salamat sa offer, Vienne. Hindi na kailangan iyon. Ayokong mamroblema ka dahil sa pinagdadaanan ko. Sapat na sa akin na nasa tabi ka ni Brax. Hindi man nagsasalita iyon, alam ko na siya ang sobrang nasasaktan sa mga nangyayari. Manatili ka lang sa tabi niya, ah."
            Gusto sanang sabihin ni Vienne na kahit na ayaw nito na mamroblema siya ay hindi maaari iyon. Pamilya na ang turing niya sa mga ito dahil dito niya naramdaman ang pagiging isang ina na hindi naibigay sa kanya ng mama niya. Nasasaktan siya sa nakikitang kamiserablehan nito ngayon pati kay Brax.
            "Opo, tita." Sagot niya na lamang.
            "Salamat. Aasahan ko iyon."
            "Opo."
            Mahirap magsalita ng tapos. Iyon ang nasa isipan ni Vienne habang pinagmamasdan niya si Tita Raquel na papasok na sa bahay nito. Bakit niya nasabi iyon? Dahil sa namagitang pag-uusap sa kanila ng mama niya.
            Napabuntung-hininga siya habang binabalikan ang naging pag-uusap nila kagabi ng mama niya.

            Nagulat si Vienne nang makita ang mama niya sa loob ng kwarto niya. Nakaupo ito sa kanyang kama habang hawak ang isang bagay na iniingatan niya. Isang kahon iyon na naglalaman ng mga bagay na binigay sa kanya ni Brax simula pagkabata. Nasa loob din niyon ang isang singsing na ibinigay sa kanya ni Brax nang maging sila.
            "Ano `to, Vienne?" Paasik na tanong nito, sabay tapon sa hawak na box. Sapat para kumalat ang gamit na nasa loob.
            Napapitlag siya. Hindi siya nakapagsalita. Hindi makakilos at tila natulos sa kinatatayuan sa nakikitang hitsura ng mama niya.
            "Anong ibig sabihin ng mga bagay na `yan, Vienne?! Sumagot ka! Bakit may singsing dyan? Ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ni Brax? Ano?! Hindi ba sinabi ko na sa `yo noon pa na layuan mo si Brax! Ayokong maging magkaibigan kayo! Ayoko!"
            "`Ma.."
            "Sumagot ka! Huwag mo akong tawagin na mama! Wala akong anak na bakla! Simula noon hanggang ngayon kahihiyan na ang dala mo sa akin! Dapat pinalaglag na lang kita! Dapat hindi ako nakinig kay mama ng sabihin niya na buhayin kita! Ikinahihiya kita, Vienne!"
            Napaiyak na siya sa mga sinabi nito. Sobrang sakit ang nadarama niya. Ang sakit-sakit na marinig na ikinakahiya ka ng sarili mong ina at hindi mahal.
            "Bakit ba ganoon, `ma? Ginawa ko naman po ang lahat para maging maayos sa paningin n'yo? Bakit po ba hindi n'yo ako matanggap? Ano po ba ang ginawa ko para tratuhin n'yo ako ng ganito?" Sunod-sunod na tanong niya. Hindi na siya makatiis sa pagtrato na ibinibigay nito sa kanya.
            Marahas na tumayo ito saka lumapit sa kanya.
            "Ikaw! Isa kang pagkakamali! Simula nang mabuhay ka, pagkakamali ka na! Pareho kayo ng hinayupak mong ama! Pareho.."
            "Wala po akong kasalanan sa inyo. Hindi po ako si.."
            Hindi na niya natapos ang sasabihin. Isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya.
            "Ikaw ang bunga ng ama mo! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Ikaw ang dahilan ng kamiserablehan ko! Tuwing nakikita kita, naaalala ko ang kagaguhan ng ama mo! Layuan mo si Brax! Ayokong maging kaibigan mo siya! At lalong ayoko na maging boyfriend mo siya dahil wala akong anak na bakla. Kung hindi mo gagawin ang sinabi ko. Lumayas ka na dito! Hindi kita kailangan."
            Lumayo ito sa kanya saka lumabas ng kwarto niya. Napaiyak siya nang malubha sa kamiserablehan.
            Hindi niya lalayuan si Brax. Kay Brax lamang niya nakamtan ang kasiyahan mula ng makilala niya ito. Si Brax ang lahat sa kanya. Ito ang protector niya, ang saviour at soldier. Hindi niya makakayang layuan ang taong mahal niya. Hindi niya kayang mawalay sa kaligayahan niya.
            Nasapo niya ang nasaktang pisngi. Sa mga sinabi ng mama niya, maraming bagay ang naglalaro sa isipan niya. Sana nakilala niya ang papa niya. Sana nandito ito ngayon para matulungan siya sa problemang kinasusuungan niya. Sana ito ang natatanong niya kung bakit sagad sa buto ang galit sa kanya ng mama niya.

            Tumulo ang luha ni Vienne. Agad rin naman niyang pinunasan iyon. Masidhi ang kagustuhan ng mama niya na layuan niya si Brax sa walang konkretong dahilan. Bakit pati si Tito Bruce ay ganoon din ang kagustuhan?
            Natigil siya sa pagtatanong sa sarili nang tabihan siya ni Brax. Bagong gising ito.
            "Bakit hindi ka pumasok sa bahay?" Nabigla ito ng makita ang mukha niya. Sabay hawak doon. "Bakit namumula ang pisngi mo, Vienne? Ang mata mo? Umiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong nito.
            "Wala `to."
            "Anong wala? Sabihin mo, Vienne? May ginawa na naman ba sa `yo si tita."
            Marahan siyang tumango. Bumuntung-hininga naman ito.
            "Ano na naman ang dahilan?"
            "Ikaw," sabi niya saka yumuko.
            "Bakit?"
            "Nakita niya `yong mga regalo na binigay mo sa `kin mula nang maging magkaibigan tayo. Pati `yong singsing nakita niya. Naghihinala na si mama. Saka.." Hindi na niya natapos ang sasabihin. Napaiyak na siya.
            Kinabig siya ni Brax palapit dito. "Huwag mo nang ikwento. Tahan na. Dito lang ako, ah."
            Umiyak siya nang umiyak habang yakap nito. Masidhi pa rin ang sakit.

6 comments:

  1. Hirap naman ng buhay ni Vienne. Baka naman Nanay ni Vienne ang "other woman". Hehehe. Hula lang. Thanks sa update Mr Author. Take care.

    ReplyDelete
  2. Ang sad namn.... baka ang kabit nang papa ni brax ai mama ni vienne

    ReplyDelete
  3. Gulo nga hahahha gulo ng nanyayari sa buhay nilang dalawa...

    Shai

    ReplyDelete
  4. Sinasabi ko na nga ba eh mukhang ngang may nakaraan ang mama ni Vienne at papa ni Brax kaya ganun na lang ang pakikitungo nito sa kanya. Naku naman nakakaexcite ang mga susunod na mga mangyayari.

    ReplyDelete
  5. ...hula ko nga may past ang papa ni brax at mama ni vienne.. Ayan na gulo na Yan...

    ... Prang ako lng si brax.. Mahilig.. Haha..

    ReplyDelete
  6. Kung nanay ko un nako ihuhulog ko sa hagdan! Haha
    Sino nga kaya ung tatay ni vienne?? May connection kya kay ambrose? Haha may past siguro ung dad ni brax at mama nia. Mga amplaya. Haha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails