Followers

Saturday, December 13, 2014

Beat of my Heart Chapter 17&18





Author’ Note

CHAPTER 17 at 18..

Pasensya na sa pagiging korni ng chapters na ito.. Walang particular na rason kung bakit ko ginamit ang Can’ Take My Eyes of You na kanta rito.. haha. Trip lang.

SALAMAT!!



CHAPTER SEVENTEEN

"KAILANGAN ko palang kausapin si Ambrose."
            Napatingin si Brax kay Vienne. Naglalakad silang dalawa patungo sa kanilang school. He decided to walk with him rather riding in the motorcycle. Mas gusto niya kasi na masulit ang umaga na kasama ang taong mahal niya.
            Now, he has the right to claim Vienne as his own cause he was already his boyfriend. Isang araw pa lang ang nakakalipas mula nang mangyari ang sudden confession nila sa isa't-isa. Confession na sana ay paghahandaan niya. Ang kaso ay nasa sitwasyon na silang dalawa ni Vienne para magtapat.
            The feeling was exhilarating nang aminin sa kanya ni Vienne na mahal siya nito. Para siyang tumama sa lotto. Ang pakiramdam na sobrang kasiyahan dahil sa nalaman niya. Pakiramdam na parang lalabas ang puso niya sa kinalalagyan nito at bigla-bigla ay nawala iyon sa beat. At si Vienne lang ang nagpasirko ng ganoon sa puso niya.
            Inaamin niya na naramdaman rin niya iyon kay Krishna ngunit sadyang mas masidhi at sobra-sobra ang hatid ni Vienne sa kanya.
            Alam ni Brax na may doubt at second thought si Vienne tungkol sa relasyon nila but he is willing to make the stand for the both of them. Hindi niya basta-basta pakakawalan ito at alam niya na ganoon din si Vienne sa kanya.
            "Kausapin mo siya. Sabihin mo na tayo na kaya back-off na siya. Hindi na siya pwedeng magpahaging at manligaw sa `yo."
            "Grabe ka naman. `Wag ka ngang harsh."
            "Hindi ako nagiging harsh. I'm stating reality, Vienne."
            "Sasamahan mo ba ako na kausapin siya?"
            "Hindi na. Alam ko na kaya mo na `yon. May tiwala ako sa `yo."
            "Salamat sa pagtitiwala," sabi nito. Ngumiti ito nang maluwang.
            "Walang anuman," anito. "Pwede mo siyang kausapin, anumang oras, Vienne, pero sa ngayon, kailangan muna natin paghandaan si Coby. Mamaya na natin siya susunduin."
            "Oo nga pala, ano?"
            Natawa siya sa sinabi nito na patanong. "Hala ka! Nakalimutan mo na si Coby. Siguradong magtatampo `yon. Huwag mo kasing masyadong isipin ako." Pagbibiro niya.
            "Sus. Kung makapagsalita ka, ako lang ba?"
            "Hindi. Tayong dalawa." Inabot niya ang kamay ni Vienne saka pasimpleng hinawakan.
            Mabilis naman nitong binawi iyon. "Bakit? Ayaw mong hawakan ko ang kamay mo."
            "Gusto pero maraming tao."
            "Anong paki natin sa kanila?"
            "Ang sasabihin ng makakati ang dila. Baka sabihin nila kay mama ang makikita nila. Alam mo naman siguro na hindi okay kay mama ang maging magkaibigan tayo. `Yong maging tayo pa kaya."
            Sumimangot siya. Alam naman niya ang ipinupunto nito. Mula ng maging magkaibigan sila ni Vienne. Sa pagkakatanda niya noong high school sila ay marami na ang matang nakasunod sa kanila mula sa kanilang mga ka-street. Parang naging persons of interest na sila ng mga ito simula ng maging teenager silang dalawa. Lagi rin sinasabi na may relasyon sila ni Vienne sa sobrang closeness nila.
            Hindi rin nila alam na dalawa kung bakit ba tutol sa kanila ang mama nito pati ang papa niya, bigtime. Wala naman silang ginagawa pero ang animosidad ng mga ito sa pagkakaibigan nila ay masyadong malala. Parang may pinaghuhugutan.
            "Sabihin na nila ang sasabihin nila. I'm just here to support you, Vienne. Kung itatakwil ka ni tita at hindi matanggap dahil dito, hindi kita iiwan," aniya saka inabot ulit ang kamay nito. "Let me just hold your hand. Kung dati theory lang ang mga sinasabi nila, ngayon, bibigyan natin sila ng proof. Hindi kita ikinakahiya. Hindi ko ikakaila ang relasyon natin."
            Napangiti siya nang makita ang maluha-luhang si Vienne.
            "Mahal kita, Brax. Tandaan mo `yon, ah," anito saka pinisil ang kamay niya.
            "Mahal din kita. Kaya huwag kang matakot."
            Tumango ito.
            Naglakad sila na magkahawak kamay. Not minding what people will say about it. Alam ni Brax na magiging talk of the street sila ni Vienne ngunit wala siyang pakialam. Kung magiging dahilan rin ito ng pagkakaalam ng mama ni Vienne tungkol sa relasyon nila. Handa siyang ipaglaban ang taong mahal niya. At kung malalaman rin ito ng papa niya, handa rin siyang harapin ito. Alam niya, malaki ang porsiyento na hindi nito matatanggap ang kinahihinatnan niya pero ayos lang. As long as his mother supporting him. He knew he will survive. He knew that his relationship with Vienne will survive.

AGAD napansin ni Vienne ang mga tinginan ng ibang estudyante na nakakakilala kay Brax at sa kanya. Ang mga tingin ng mga ito ay nagtatanong, nagtataka at hindi makapaniwala sa nakikita. Mula sa kanilang mga mukha ay lilipat iyon sa magkahawak nilang kamay. Ngunit kahit na ganoon ay wala siyang pakialam. Ganoon naman yata palagi. Ang sinasabi niya nga palagi tuwing may nagtatanong sa kanya kung ano sila ni Brax ay wala siyang sapat na rason para ipaliwanag ang sarili sa mga ito. Siya ay siya. At walang magbabago doon. Sapat nang ika-worry niya ang sasabihin at magiging reaksyon ng mama niya kaysa sa reaksyon ng mga estudyante na nasa paligid nila ngayon.
            Si Brax nga na kilala sa pagiging brusko at maton hindi nahihiya. Siya pa kaya na sa puno't dulo ng lahat ay alam na ng karamihan kung ano ang totoong pagkatao kahit hindi niya lantaran na inaamin iyon. He must and should be proud about their relationship.
            Nilampasan nila ni Brax ang mga estudyante. Nagtungo sila sa music room. Wala pa siyang klase para sa oras na iyon ganundin ito kaya doon muna sila tatambay.
            Pagkarating nila doon ay isang tingin na hindi makapaniwala ang nasa mukha ni Devin. Si Theo naman ay nakangiti nang maluwang. Alam na nito, siguro, ang sa kanila ni Brax.
            "Oh my gosh!" Pabaklang sabi nito. "Ang lakas ng chemistry n'yong dalawa. Bagay na bagay kayo," anito.
            "Umayos ka nga, Theo. Baklang-bakla lang."
            Tumikhim ito saka umayos. "Oh my gosh! Ang lakas ng chemistry n'yong dalawa. Bagay na bagay kayo," pag-uulit nito sa sinabi. Sa pagkakataong iyon ay sa natural na boses na nito.
            "Alam mo ito, Theo?" Tanong ni Devin. Nagtataka pa rin.
            "Yeah! Alam niya Devin. Nasabi ko na sa kanya na mahal ko si Vienne sa bar, eh."
            Napatingin siya kay Brax. "Sa labas ba ng CR `yon?"
            Tumango ito. "Oo. Pinagtawanan pa nga ako ng loko-lokong `yan, eh."
            "Congrats sa inyo!" Ani Devin. Nakangiti ito pero hindi maipagkakailang may tinatago na lungkot.
            "May problema ka ba, Devin?" Hindi niya mapigilang itanong.
            "Wala naman. Stress lang sa mga activities sa school at sa mga exam na darating."
            "Sus. Kaya mo kaya `yon, Devin," pangbo-boost dito ni Theo.
            "Dito muna kaming dalawa ni Vienne, ah."
            "No problemo!" Sabay na sabi ng dalawa.
            "Aalis na rin kami at may pasok pa.
            Tinanguan nilang dalawa si Theo. Magkasabay na lumabas ang mga ito.


AGAD na pumwesto sa sofa na nandodoon sina Brax at Vienne nang makaalis ang dalawa. Kinuha ni Brax ang gitara ni Devin na iniwan saka ito tumabi sa kanya.
            "Anong gusto mong kantahin ko?"
            Maluwang niya itong nginitian. "Kakantahan mo ako?"
            "Yeah. Sort of, harana." Nahihiyang sabi nito.
            "Wow! Nahihiya ka na ngayon sa akin, ah," natatawa niyang sabi. "Bago sa akin ang ganyan, Brax."
            "Nahihiya talaga ako, eh. Hindi ko maiwasan. Ngayon ko lang `to gagawin."
            "Hindi mo ba `yan ginawa kay Krishna?"
            Umiling ito. "Hindi. Hindi ko naisip. Ngayon ko nga lang naisip na gawin ito nang makita ko na hawak ito ni Devin kanina" anito sabay taas sa hawak na gitara. "Sige na, Vienne. Bigay ka ng kanta na gusto mong kantahin ko para sa `yo."
            Sobrang masaya si Vienne. Iyon ang pakiramdam na nasa loob niya habang kaharap si Brax. Pinagsawa niya ang mata sa pagtingin sa mukha nito. Mula sa gitara, tumingin ito sa kanya saka siya nginitian.
            "Ano na? May naisip ka na ba na kanta?"
            Umiling siya. "Wala pa, eh."
            "Halata nga," anito, kasabay ng pag-strum ng string ng gitara. Pumuno sa loob ng kwarto ang tunog niyon.
            "Wala talaga akong maisip, eh."
            "Mas pinag-iigihan mo kasi ang pagtingin sa mukha ko kaysa sa pag-iisip ng pwede kong kantahin para sa `yo."
            "Napansin mo pala `yon," pagbibiro niya.
            "Of course. You can't take your eyes on me."
            "Parang lyrics `yon ng kanta, ah."
            Ngumisi ito. "Alam ko na kung ano ang kakantahin ko para sa `yo."

           Again, he started strumming the guitar. Pumuno sa loob ng music room ang pamilyar na tugtog.
You're just too good to be true.
Can't take my eyes off of you.
You'd be like heaven to touch.
I wanna hold you so much.
At long last love has arrived.
And I thank God I'm alive.
You're just too good to be true.
Can't take my eyes off of you.

                        Natawa siya sa paraan ng pagkanta nito. Ngunit agad rin na sumeryoso siya ng makita na seryoso ito. At sa lyrics na ipinaparating nito. Hindi niya maiwasan ang patlangin ito.
            "Mukha ba akong angel, Brax? Masyado ba talaga akong mabait para sa `yo? Last love mo na ba talaga ako?"
            Naiinis na huminto si Brax sa pagkanta. Seryoso ang mukha at tutok na tutok ang paningin sa kanya. "Nakakainis ka naman, Vienne, eh. Iniistorbo mo ako sa panghaharana ko sa `yo. `Wag kang gan'on. Pero, sige para masagot lang ang mga tanong mo. Yes, mukha kang angel para sa akin. Parang ikaw `yong nagsisilbi kong ilaw tuwing naba-bad trip ako sa ibang tao na nakapaligid sa `tin. Pinapagaan mo ang pakiramdam ko. Yes, last at true love na kita. Your effect on me was lethal that no one could erase you from it."
            "Baka pumutok ang puso ko sa sobrang patronizing na mga sinabi mo, Brax."
            "Masyado kang madaldal. Just listen and savor the song I'm singing. Pwede ba?"
            "Okay. Sige, ikaw na ang boss."
            Ngumiti ito. "`Yan ang dapat."
            Nagpatuloy ito sa pagkanta.

Pardon the way that I stare.
There's nothing else to compare.
The sight of you leaves me weak.
There are no words left to speak.
But if you feel like I feel.
Please let me know that it's real.
You're just too good to be true.
Can't take my eyes off of you.

            Dahil sa sinabi ni Brax na huwag itong istorbohin sa pag-aalay ng kanta sa kanya. Nanahimik nga si Vienne ngunit may mga naiisip siya na gusto niyang sabihin dito regarding sa kanta na kinakanta nito ngayon sa kanya.
            Walang masama sa paraan ng pagtitig mo, Brax. I like the way you look at me. Ako lang ang nakikita mo. Salamat, kasi tanggap at mahal mo ako. I so love you, Brax. I also can't compare you with anyone else because for me you are the best. Ikaw na rin ang una at magiging huli sa akin. Kapag sa tabi kita, pakiramdam ko, lahat ay kaya ko. Kung mawawala ka naman sa tabi ko, pakiramdam ko ay mamatay ako. Pero, siyempre, joke lang. Hindi lang naman ikaw ang mundo ko.
            Napangiti siya sa huling naisip. Nagawa pa niya talagang magbiro.
            Pero, pakiramdam ko, kapag mawala ka sa tabi ko ay hindi na magiging katulad ng dati ang lahat. Alam ko na magbabago ang lahat sa pagitan natin na dalawa. Siyempre, totoo ang nararamdaman ko sa `yo. Kaya nga naging tayo kasi pareho nating mahal ang isa't-isa.
            Ginalaw niya ang ulo habang pinapakinggan ito sa pagkanta. Hindi na siya nakatiis at nakisabay na dito.

I need you baby, if it's quite all right,
I need you baby to warm a lonely night.
I love you baby.
Trust in me when I say, "OK." (it's OK)
Oh pretty baby, "Don't let me down," I pray.
Oh pretty baby, now that I found you, stay.
And let me love you, oh baby let me love you, oh baby...
           
                        Napangiti si Brax. Mas lalo pa itong ginanahan sa pagsabay niya sa pagkanta nito. Muli nitong inulit ang first at second na stanza ng kanta na sinabayan niya. Niyakap siya ni Brax nang mahigpit ng matapos sila sa pagkanta.
            "Maganda ang boses mo," pamumuri nito.
            "`Wag ka nga, pang-banyo lang ang boses ko, eh. Walang panama sa boses mo."
            "Maganda kaya. Trust me, Vienne."
            Ngumiti siya. "Sinabi mo, eh. Sige lang. Go lang ng go!"
            "Wala ba akong reward sa pagkanta ko?"
            "Meron."
            Napangisi si Brax. "Ano?"
            "Ililibre kita sa tindahan ni Aling Tere o kaya naman `yong mani ni Aling Tinay."
            Napasimangot ito. "Ayoko n'un. Gusto ko iba."
            "Maghanap ka naman ng lugar na pwede natin gawin ang gusto mong gawin natin, Brax. Nakakahiya ka naman."
            "Grabe ka! Kiss lang naman ang hinihingi ko. Anong masama d'un? Saka tayo lang naman ang dito sa loob ng music room. Wala namang masyadong pumupunta dito bukod sa amin na apat."
            "Masama pa rin iyon. Hindi tayo nakakasigurado. Public kaya ito. Hindi private. At isa pa, school po `to. Bawal ang ganoon dito."
            "Sige ka. Ganyan ka." Kunwari, nagtatampong sabi nito.
            "May ganyan talaga, ah."
            "Iba-blackmail kita. Gusto mo?"
            Napasimangot siya. "Ano naman ang ipang-ba-blackmail mo sa akin?"
            "Wala," anito saka sinunggaban siya.
            "Uy! Harassment itong ginagawa mo," natatawang sabi niya.
            "Pakialam ko. Basta hahalikan kita," anito sabay bigay sa kanya ng isang mainit na halik. Halik na agad naman niyang tinugon. Walang pag-aalinlangan kahit na nagpapakipot pa siya kanina.
            Naputol lang ang halik ng makarinig sila ng isang malakas na boses.
            "Shit! Maghanap kayo ng kwarto na dalawa!"
            Pareho silang lumayo ni Brax sa isa't-isa saka napatingin sa taong gumambala sa moment nila. Nakatayo sa may pintuan si Theo. Nanlalaki ang mata.
            "Istorbo ka, Theo!" Naiinis na sabi ni Brax.
            "Shit kayong dalawa! Iyon ang sabihin n'yo! Mga PDA!" Singhal nito sabay talikod.
            "Kung makapagsalita ka. Akala mo hindi ka gumaganito," ani Brax.
            "Shit! Aminado akong nakikipagahalikan ako pero hindi sa ganito. Naghahanap ako ng lugar para doon." Defensive na sabi nito saka lumabas ng music room.
            Nagkatinginan sila ni Brax saka nagtawanan.
            "Istorbo siya," anito. "Pwede bang ulitin natin, Vienne?" Pilyong sabi nito.
            Tinampal niya ito nang mahina sa pisngi. "Hindi na pwede. Tama na ang isa. Tama si Theo."
            Bumuntung-hininga ito. "Sayang."
            "Sayang ka dyan," irap niya.
            Muli, nagkatawanan silang dalawa.

NAGLAHONG parang bula ang kasiyahan na nadarama ni Ambrose nang makita niya si Vienne kasama si Brax. Mula sa masayang mukha ng mga ito, nalipat ang kanyang paningin sa magkahawak nitong mga kamay na sadyang kapansin-pansin at isang matinding indikasyon kung ano na ang relasyon ng mga ito. Nanghihinang napaupo siya sa bench at iniwas ang tingin sa mga ito.
            Tuluyang naglaho ang kalahating porsiyento niya sa sarili na magiging sila ni Vienne sa kanyang nasaksihan. Talo siya. Hinding-hindi sila magiging dalawa ni Vienne dahil tuluyan na itong nakuha ng taong minamahal nito at mahal ito.
            Ngunit kung iisipin, wala naman na talaga siyang pag-asa dito. Simula't sapul kasi, sinabi na nito sa kanya na mahal nito si Brax. Siya lang naman ang mapilit dahil sa sobrang pagmamahal niya dito.
            Pasimple niyang pinunasan ang luhang umagos sa kanyang pisngi.
            Excited pa mandin siya na makita ito at bigyan ng isang regalo na ginawa niya para lang dito. Tiningnan niya ang bracelet na ginawa niya mula sa loom bands ng kapatid. Isang araw at kalahati ang ginugol niya sa paggawa niyon para lamang dito. Nagpaturo pa siya sa ate niya.
            Huminga siya nang malalim. Muli niyang pinunasan ang luha sa kanyang pisngi saka tumayo mula sa kinauupuan at nagsimulang maglakad palabas ng campus. Nawalan siya ng gana na pumasok ngayon. Ngayon pa na labis siyang nasasaktan sa nakita. Hindi niya kaya.

CHAPTER EIGHTEEN

UNANG naisip ni Vienne pagkarating na pagkarating niya sa Education building si Ambrose. Imbes na agad na magtungo sa classroom niya, dumiretso siya sa classroom nito. Gusto niya kasing makausap si Ambrose tungkol sa kanilang dalawa. Gusto na rin niyang sabihin dito na sila na ni Brax kaya hindi na ito pwedeng manligaw sa kanya.
            Alam ni Vienne na masasaktan niya si Ambrose ngunit kailangan niyang maging tapat dito para hindi na ito tuluyang masaktan. Tama na ang sakit na naibigay niya dito n'ung malaman nito na si Brax ang sinasabi niyang taong mahal niya.
            Agad niyang hinanap si Ambrose pagkarating niya sa classroom ng mga ito. Hindi naman siya makapasok dahil nahihiya siya sa mga taong nandodoon. Hindi niya makita si Ambrose.
            Lumabas ang isang lalaking classmate ni Ambrose na sa pagkakatanda niya ay Chase ang pangalan.
            "Hello!" Masiglang bati niya sabay ng isang maluwang na ngiti.
            "Hi."
            "Itatanong ko lang sana kung pumasok na si Ambrose."
            "Pumasok na siya kanina pero lumabas ulit. May hihintayin daw."
            "Ah, ganoon ba," aniya.
            "Oo," anito. "Sige, Vienne. Alis na ako, pupunta kasi ako sa banyo."
            "Sige. Salamat."
            "Walang anuman. Siyanga pala, congrats sa inyo ni Brax," pahabol nito.
            Ngumiti siya. "Salamat!"
            "Walang kaso. I'm a fan. Ang tapang n'yong dalawa na harapin ang mga tingin ng ibang tao."
            "Kailangan, eh. Nahihiya man ako pero kailangan naming harapan lalo na at proud naman si Brax. Ako pa ba ang tatanggi."
            "Sige na! Kayo na ang may lovelife na dalawa," nagbibirong sabi nito. "Aalis na ako at puputok na ang pantog ko."
            Natawa na lang siya saka ito sinundan ng tingin.
            Ngunit agad din naman siyang natigil sa pagtawa nang may ma-realize. Siyempre, sikat si Brax sa school nila. Hindi nalalayong kumalat agad ang balita na sila na nito dahil sa pagho-holding hands nila habang naglalakad kanina at.. Natigilan siya. Bago pa niya masabi dito iyon ay mukhang alam na nito. Malaki rin ang posibilidad na nakita nito iyon kaya wala ito ngayon dito.
            Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na slacks saka nag-dial. Pasalamat na lang at may load siya ngayon. May pantawag siya kay Ambrose. Ilang ulit niyang tinawagan si Ambrose ngunit hindi naman nito iyon sinasagot. Nasa pang-limang try na siya ng sagutin ni Ambrose ang tawag niya.
            "Hello, Ambrose! `Buti sinagot mo ang tawag ko." Relieved na sabi niya. "Nasaan ka ngayon? Pwede ba kitang makausap?"
            Isang malalim na buntung-hininga ang naging tugon nito. "Not now, Vienne. Masakit, eh. Saka alam ko naman na kung ano ang sasabihin mo sa akin. Alam ko na na kayo na ni Brax." Natigil ito sa pagsasalita. Nang muli itong magsalita, garalgal na ang tinig nito. Halos nagtitimping umiyak. "Nakita ko kayong dalawa kanina pagkapasok n'yo pa lang ng campus. Sweet na sweet nga kayo sa isa't-isa kahit na nahihiya ka pa."
            Pagkatapos niyon. Narinig niya ang impit na pag-iyak nito.
            "I'm sorry, Ambro.."
            Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang marinig niya ang 'totoot, na hudyat na tinapos na nito ang tawag. Napatingin na lamang siya sa cellphone niya.
            Wala sa sarili na naglakad siya patungo sa hagdan. Dama niya ang sakit sa puso at hinanakit ni Ambrose para sa kanya. Kasalanan rin naman niya. Pinaasa niya si Ambrose sa wala.
            Ilang sandali, muli niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan si Ambrose. Kung kanina, naririnig pa niya ang ringing tone nito ngayon ay hindi na. He just heaved a sigh. Sa ngayon, hahayaan niya muna si Ambrose. He knew na kailangan nito ng space at mag-isip. Kasalanan niya. Alam niya iyon at siya lang ang dapat na umayos nito. Hindi pa naman siya sanay na may taong galit sa kanya lalo na at mahalaga ang taong iyon. Sapat na ang mama niya na galit sa kanya.. sa hindi pa rin niya alam na dahilan.


"KANINA ka pa tahimik, Vienne."
            Napatingin si Vienne sa katabing si Brax. Nasa loob sila ng sasakyan na patungo sa paliparan para sunduin si Coby. Kasama nila roon ang katulong at driver ng mga Castillo. Hanggang ngayon kasi, si Ambrose pa rin ang gumagambala sa isip niya. Kanina, pagkatapos ng klase niya ay muli niyang pinuntahan ang classroom nito sa pagbabakasakaling nandodoon na ito. Ngunit wala ang lalaki. Ang sabi sa kanya ng nakausap niya na classmate nito, hindi raw pumasok si Albrose sa mga subjects ng mga ito. Nag-aalala siya para kay Ambrose dahil doon. Baka kung ano rin ang mangyari dito.
            "Iniisip mo si Ambrose?"
            Tumango siya sa tanong ni Brax. "Hindi ko mapigilan, Brax. Hindi pumasok si Ambrose ngayong araw. Saka nakausap ko siya sa cellphone kanina, dama ko ang sakit at hinanakit niya sa akin."
            "Hindi naman maiiwasan iyon, Vienne. Siyempre, nasaktan mo siya. Umasa kaya `yong tao. Kahit ako, kung sakali na nasa sitwasyon niya ako, hindi rin kita kakausapin."
            "Alam ko naman `yon pero hindi naman `yong ganito.." natahimik siya.
            "Alin na ganito?"
            "`Yong hindi siya papasok dahil lang doon."
            "Kagaya ng sabi ko, hindi maiiwasan ito. Initindihin mo na lang siya."
            "Ang bait mo yata ngayon," sabi niya.
            "Nasa mood kasi ako maging mabait ngayon," anito, nakangisi.
            Ipinatong niya ang ulo sa dibdib nito. Naramdaman niya ang mahinang paghaplos nito sa buhok niya.
            "`Wag kayong PDA na dalawa," ani Yaya Crising.
            Napatingin sila ditong dalawa. Nasa likuran silang upuan ng sasakyan. Natawa naman si Manong Gardo.
            "Ang luwang-luwang ng upuan, kung magtabi kayo parang ang sikip-sikip," sabi pa nito.
            Nahihiyang lumayo naman siya kay Brax ngunit agad rin naman siyang pinigilan nito. Matanda sa kanila ng limang taon si Yaya Crising kaya ka-jive nila ito. Kalog rin ito at open sa lahat ng bagay. Ganoon din naman si Mang Gardo na father figure nila kapag sa bahay sila ng mga Castillo.
            "Ate Crising, `wag n'yo naman pong istorbohin ang moment namin ni Vienne. `Wag n'yo po kaming pansinin na dalawa."
            "Anong huwag pansinin? Kanina pa kayo, eh. Nakakainggit lang. Ang gwapo n'yong dalawa tapos kayo pa ang nagkatuluyan. Nasaan naman ang hustisya d'un. Ako babaeng-babae pero walang mahanap na pwedeng i-boyfriend." Pagda-drama nito.
            Natawa na lamang silang tatlo.
            "Tigilan mo nga ang dalawang `yan, Crising. Doon sila masaya kaya suportahan mo na lang. Tiyak kung magugulat si Sir Coby nito kapag nakita kung ano na ang dalawa ngayon."
            Nagkatinginan sila ni Brax saka nag-ngitian. Kanina kasi, pagkarating nila sa bahay ng mga Castillo ay agad na napansin ng dalawa ang ibang pagtitinginan nila. Itatago sana nila iyon, kaso nakita sila ni Yaya Crising na magkahawak ng kamay at nang halikan siya ni Brax sa pisngi. Kaya naman umamin na sila. At thankful naman sila dahil tanggap at hindi makitid ang utak ng dalawa. Fascinated pa nga ang mga ito lalo na si Yaya Crising na hindi itinatago ang pagkaka-crush sa kanilang dalawa ni Brax kahit na alam nito na silahis siya.
            "Nakakainggit lang kasi Mang Gardo, eh," pagrereklamo pa nito.
            "Ate, darating rin po kayo doon. Tiwala lang," nasabi niya.
            "`Wag n'yo nang pansinin si Crising, Brax, Vienne. Bitter lang iyan kaya ganyan."
            Muli, nagkatawanan sila. Napapaisip tuloy si Vienne na sana kapag nalaman ng mama niya kung ano sila ni Brax ngayon ay matanggap nito. Ngunit alam naman niya na sobrang malabo iyon. Nang maging kaibigan niya nga si Brax ay ayaw na nito, ngayon pa kaya na boyfriend na niya ito.
            Ang mga sumunod na sandali ay napuno ng kwentuhan hanggang sa makarating sila sa paliparan.
            Agad na bumaba si Brax kasunod si Vienne. Inalalayan pa siya ng loko na parang tunay na babae.
            "Ang gentleman." Panunudyo niya dito.
            "Kailangan. Bawal kung hawakan ang kamay mo ngayon, hindi ba?" Anito.
            Tumango siya. "Oo. Iyon ang napag-usapan natin kanin, hindi ba?"
            Ito naman ang tumango. "Okay lang. May iba akong naisip para maging sweet pa rin sa `yo."
            "Talaga?" Hindi naniniwalang tanong niya.
            "Yeah. Just trust me with this," anito sabay akbay sa kanya at hapit palapit dito. Naramdaman niya ang mabilis na paghalik nito sa pisngi niya.
            "Uy, namumuro ka na, ah. Kanina ka pa halik ng halik."
            "Bakit ayaw mo?"
            Tiningnan niya ito saka mabilis na hinalikan sa pisngi. "Siyempre, gusto ako pa ba ang tatanggi."
            Natawa ito. "Pakipot ka pa, eh."
            "Bawal ba na magpakipot?"
            "Siyempre, hindi. Sige, ituloy mo lang. Let's chase each other sa pamamagitan ng pagpapakipot sa isa't-isa."
            "`Wag na. Talo ako kung ganoon ang laban. Moody ka pa naman. Sala sa init, sala sa lamig ka."
            Ngumisi ito. "Isang bagay lang naman ang dapat mong gawin para ma-tame ako."
            "Ano?"
            Ngumuso ito.
            Natawa naman siya.
            "Now I know."
            "Eh, ikaw? Ano bang dapat kung gawin para ma-tame kita?"
            "Secret."
            "Ang daya mo."
            "Alam mo na `yon."
            "Pwede ko bang gawin ngayon?"
            "Hindi." Agad niyang sagot.
            "Mamaya. Pwede?"
            "Depende sa lugar."
            "Sa bahay. Sa loob ng kwarto ko. O sa loob ng kwarto mo."
            Napapalatak siya. "Vast verdant na naman ang utak mo."
            "Hindi kaya. Ikaw lang naman ang green mag-isip," tanggi nito.
            "Weh?"
            "Sige na nga. Oo na." Napipilitang sabi nito na nagpatawa sa kanya ng sobra.
            "Hoy! Kayong dalawa. Itigil n'yo nga ang PDA na `yan."
            "Istorbo ka na naman, Ate Crising."
            "Iniinggit n'yo ako, eh," parang bata na sabi nito. "Focus niyo ang sarili niyo sa paghihintay kay Coby. Lalabas na `yon."
            Sa sinabi nito ay napatingin sila sa pintuan. Parang nagdilang-anghel naman ito dahil lumabas ang pamilyar na pigura sa kanilang dalawa ni Brax. Nag-uunahan na pinuntahan niya si Coby.
            "Coby!" Excited na sigaw niya saka ito sinalubong ng yakap.
            "Vienne!" Sigaw naman nito saka natawa.
            "Uy, Vienne. Ang higpit ng yakap mo," ani Brax.
            Bigla naman siyang nahiya kay Coby saka lumayo dito. Napatingin siya kay Brax na simangot ang mukha.
            Lumapit siya dito. "Seloso," bulong niya dito.
            "Umayos ka," ganting sabi nito.
            Pareho silang napatingin kay Coby nang magsalita ito. "Hoy! Kayong dalawa, anong bulungan `yan? Marami ba akong na-miss na happenings?"
            "Wala!" Mabilis na sabi ni Brax.
            "Meron! Marami kaya," aniya.
            "Ano?" Ani Coby. Nasa mukha nito ang paghihintay.
            "Sa sasakyan na lang natin pag-usapan, Coby! Namiss kita nang sobra!" Aniya sabay yakap ulit dito.
            Ngunit agad naman siyang nilayo ni Brax dito. "Ano ba, Brax?"
            "Sinabi nang huwag masyadong mahigpit, eh."
            "Ang seloso mo, Brax! Kung hindi ka lang talaga.." natigil ito sa pagsasalita. "...iisipin ko na gusto mo si Vienne."
            Nagkatinginan silang dalawa ni Brax saka tumawa.
            "May sapi ba kayong dalawa?"
            "Wala!" Halos magkasabay na sabi nila.
            "Ewan ko sa inyo. May mga pasalubong pala ako."
            "Salamat!" Sabi niya. "Ikukwento ko sa `yo ang mga nangyari."
            "Sige."
            Sabay-sabay silang nagtungo sa sasakyan. Pasimple naman siyang inakbayan ni Brax ngunit inilayo siya ni Coby dito.
            "Ano `yan, Coby? Ako lang ang aakbay kay Vienne," asik nito.
            "Paki ko sa `yo. Na-miss ko kaya si Vienne. Huwag mo akong pakialaman sa gagawin ko."
            "May paki kaya ako," ani Brax, naaasar.
            "Bestfriend kaya tayong pareho."
            "Hindi na lang ako bestfriend!"
            Bago pa matapos ni Brax ang sasabihin ay hinila na niya si Coby palayo dito. Isang ngisi naman ang binigay niya sa boyfriend. Sinamaan lang siya nito ng tingin na ikinangiti niya.     
            "Anong sinasabi ng kumag na iyon?" Tanong ni Coby.
            "Mamaya nga. Sasabihin namin sa `yo. Chill lang, Coby."
            "Paano ako mag-chi-chill? Kadarating ko pa lang, may jetlag ako at ngayon dahil sa inyong dalawa, sumasakit na ang ulo ko. Ano ba kasi ang sinasabi ni Brax?" Giit nito.
            "Mamaya nga. Kapag sa bahay n'yo na!"
            "Wait. Bati na ba kayong dalawa?"
            "Oo naman. Kung hindi, hindi kami magkasama ngayon saka hindi naman kami nag-away para magbati."
            "Eh, anong ibig sabihin ng hindi n'yo pagkikita sa loob ng isang buwan at mahigit?"
            "Busy lang!"
            "`Wag kang parang ewan, Vienne. Kung si Brax ang unang nakakakilala sa `yo, ako ang sunod. May itinatago kayong dalawa sa akin. Nagka-developan na ba kayong dalawa?"
            "Ewan ko sa `yo."
            "Sus!"
            "Sus-in mo ang mukha mo, Coby!" Pagsingit ni Brax na nakasunod na pala sa kanila. Hinawakan nito ang kamay niya. "Kami na ni Vienne, kaya may karapatan na akong magselos. Hindi na lang ako basta bestfriend dahil boyfriend na rin ako ngayon."
            Natigilan si Coby. Hindi nakapagsalita at napatingin na lamang sa kanilang dalawa. Palipat-lipat ang tingin.


"WHAT the.. totoo!"
            Natawa na lamang si Brax sa nakikitang reaksyon na mukha ni Coby. Hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Alam niyang mabibigla ito sa malalaman ngunit hindi na siya nakapagpigil na sabihin dito ang totoo. Ang plano nila ni Vienne sabihin dito pagdating nila sa bahay ng mga ito ang totoo ngunit nangyari na ang nangyari kaya nasabi na niya. Bukod pa doon, nagseselos na rin siya.
            "Oo. Totoo `yon! Gusto mo ng proof?" Matapang na hamon niya.
            Umiling-iling ito. "No need! Huwag dito kung sakali na hihingi ako ng pruweba!" Tumingin ito kay Vienne. "Totoo ba iyon, Vienne?"
            Tumango si Vienne. Isang nanalong tingin naman ang ibinigay niya kay Coby.
            "Kailan pa?"
            "Kahapon."
            "Tapos nag-ano na kayo?"
            "Anong paki mo?"
            "Shit `yan! Ang dami kong na-miss sa inyong dalawa!"
            "Mauna na ako sa inyong dalawa," ani Vienne. Sinundan nila ito ng tingin.
            "Proud na proud ka, ah!" Ani Coby.
            "Malamang! Ang gwapo ni Vienne, eh. At alam ko na mahal niya ako at mahal ko rin siya."
            Pumalatak si Coby. "Inlababo nga ang gago! Congrats sa `yo, Brax. Sinabi ko na nga ba, ang pagiging possessive mo ay magle-lead on sa ganito."
            "Anong sinasabi mo?"
            "Bestfriend mo ako, Brax. Bestfriend ko kayong dalawa ni Vienne kaya ako ang nakakakilala sa inyong dalawa. Noon pa, possessive ka na kay Vienne. Kahit nga sa akin, inilalayo mo siya."
            "Hoy! Hindi kaya!" Tanggi niya.
            "Oo kaya!" Giit naman nito saka tumakbo palayo sa kanya.
            Huminto siya saka sinundan ito ng tingin.
            Possessive na pala siya, noon pa.
            Ngayon lang niya nalaman.          


ITUTULOY.. 

5 comments:

  1. Yes,,,, dumating na si coby.. buti nlang wala shang gusto kai vienne..

    ReplyDelete
  2. Ang saya lang hehheheheh

    ReplyDelete
  3. Maganda ang kinalabasan ng story. Thanks sa update.

    ReplyDelete
  4. Nice story vienne sunod n chapter agad pls.....excited na aq eh

    ReplyDelete
  5. Ang ganda ng story galing ng author

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails