Followers

Tuesday, December 9, 2014

Beat of my Heart Chapter 15&16



AUTHOR’S NOTE

This is it pansit!! Moment of aminan na.. lol

Pasensya na at magulo ang utak ng nagsulat nito. Pagpasensyahan nyo na.. haha

Enjoy po!!       




CHAPTER FIFTEEN

"ANONG oras na kayo nakauwi kagabi, Brax, Vienne?"
            Parehong napatingin si Vienne at Brax kay Tita Raquel. Nasa hapag sila at kasalukuyang kumakain ng agahan. Kahit na late na sila nakatulog ni Brax ay maaga pa rin silang nagising na dalawa at dahil na rin iyon sa panggigising ni Tita Raquel. Malaki ang pasasalamat ni Vienne na wala ang papa ni Brax sa bahay ng mga ito. Hindi siya mate-tense na kaharap ito.
            "Nakalimutan ko na kung anong oras, `ma," ang sabi ni Brax saka sumubo ng pritong itlog kasunod ang sinangag.
            Bumaling kay Vienne si Tita Raquel. Alam niyang hindi na ito magtatanong pang muli kay Brax dahil alam nito na walang kwentang sumagot ang anak sa mga tanong nito.
            "Mga one o'clock na po yata iyon, tita," aniya.
            "Magkasama ba kayong dalawa na pumunta sa Maysha?"
            "Bakit tanong ka ng tanong, `ma?" Nababagot na tanong ni Brax.
            "Dahil kailangan, Brax. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa `yo. Hindi ka man lang nag-text pati sa akin. Hindi naman ako mahigpit sa `yo pero umaabuso ka."
            "`Ma, eighteen na po ako. Kaya ko na ang sarili ko."
            "Kaya ang sarili? Tigilan mo nga ako, Brax. Kahit hindi ako magtanong, alam ko na si Vienne ang nag-drive pauwi. Talagang inistorbo mo pa siya."
            Kimi siyang ngiti sa sinabi ni Tita Raquel. Habang nag-uusap si Brax at ang mama nito ay hindi maiwasan ni Vienne ang mainggit. Kitang-kita at damang-dama niya kasi ang pagmamahal at pag-aaruga ng mama ni Brax dito. Bagay na hindi niya madadama sa mama niya.
            "Pagpasensyahan mo na ang bestfriend mo, Vienne. Alam mo naman `yan, ikaw ang laging nakikita kapag ganoon ang sitwasyon niya. Mabuti at hindi ka nagsasawa sa kanya."
            Paano ako magsasawa, tita? Makita ko pa lang si Brax ay sobra ko ng saya. "Walang kaso po `yon, tita. Ganoon naman po kapag bestfriend, hindi ba?"
            "Oo naman. Kaya nga kampante ako kapag ikaw ang kasama ni Brax. Alam ko kasi na aalagaan n'yo ang isa't-isa."
            "Tama ka d'un, `ma. Aalagaan ko si Vienne. Mahal na mahal ko kaya `yan."
            Tiningnan lang niya si Brax. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa magaganda nitong mata.
            "Oh, siya. Sige na, kayo na ang nagmamahalan na dalawa," ani Tita Raquel. "Kumain na lang tayo."
            Iyon nga ang ginawa nila.
            Pagkatapos kumain ay tumulong si Vienne na ligpitin ang pinagkainan nila. Magkatulong sila ni Brax na ginagawa iyon. Bagay na napuna na naman niya dito. Bihira lang kasi nitong gawin iyon. Madalas kapag kumakain siya sa bahay ng mga ito ay siya na ang nagliligpit ng pinagkainan nila at nakatingin lang ito sa bawat galaw niya.
            "Kapag itlog, daing at sinangag pala ang ulam, nagiging masipag ka." Pagbibiro niya.
            Tiningnan siya ni Brax. "Isa `to sa pagbawi ko," anito.
            "`Wag ka nang bumawi, Brax. Okay na tayong dalawa. Kung may kailangan mang bumawi ay ako iyon. Ako kaya `yong naglagay ng distansya sa pagitan natin."
            "Oo, ikaw nga ang nagbigay ng distansya, Vienne. Pero bakit nga ba?"
            Nag-iwas siya ng tingin at inabala ang sarili sa pagkuha ng baso.
            "Ngayon ko lang ito itatanong sa `yo, Vienne. Hindi ka ba okay sa ideya na magkaroon ako ng girlfriend kaya ka hindi sa akin nagpapakita noon?"
            Natigilan siya.
            "Ba-bakit naman ako hindi magiging okay d'un?" Balik-tanong niya.
            "Hindi ko alam. Siguro, dahil sa gusto mo na ako ng higit pa sa pagiging bestfriend."
            "Hay naku, Brax! Epekto pa ba `yan ng kinain natin, kulang ba?" Pag-iiba niya sa usapan. Nasa hot seat siya sa mga tanong nito.
            "Natanong ko lang naman."
            "`Wag ka ngang magtatanong ng ganyan."
            "Bawal na ba `yon itanong ngayon?"
            Oo, bawal lalo na kapag ikaw ang nagtatanong. "Hindi sa bawal pero ewan ko.." naaasar na sabi niya.
            "Bakit ka naaasar?" Takang tanong nito sa kanya.
            "Basta."
            "Ang weird mo ngayon, ah."
            "Ewan ko sa `yo, Brax. Kapag nagtanong ka pa ng ganoon, iiwan kita dito."
            "Wow! Ikaw na ang namba-blackmail ngayon, ah."
            "Bakit ikaw ba ang marunong n'un?"
            "Natututo ka na."
            "Matagal na kaya."
            Nginitian lang siya ni Brax. "Pwede ba kitang yakapin?"
            Natigilan na naman siya. "Uy, ikaw na ang nagiging malambing ngayon, ah."
            "Bakit ayaw mo?"
            "Ewan."
            Bago pa siya makapalag ay niyakap na siya nito. Isang mahigpit na yakap. Ginantihan rin naman niya ang yakap nito.
            "Ay.. bakit kayo nagyayakapan?" Gulat na sabi ni Tita Raquel na nagpakalas ng pagkakayakap nila sa isa't-isa.
            "Showing of friendship, `ma," balewalang sagot ni Brax.
            Isang makahulugan na tingin ang ibinigay nito sa kanilang dalawa. Partikular na sa kanya. Napayuko siya. Hindi niya kinakaya ang tingin nito sa kanya. Masarap na kayakap si Brax pero nagi-guilty siya. Baka kasi anong isipin ni Tita Raquel. Baka paghinalaan siya nito. Iba pa naman ang radar ng mga nanay.
            "Ti-tita, aalis na po ako," nahihiya niyang paalam.
            "Sige, Vienne," anito.
            Dali-dali siyang lumabas ng dining area at lumabas ng bahay ng mga ito.

"`Ma, istorbo kayo, alam n'yo ba."
            Hindi maiwasan ni Brax ang maasar sa mama niya na makahulugan ang pagkakangiti. Wala naman ng dapat na ipaliwanag si Brax sa mama niya dahil alam na nito na may pagtingin siya sa bestfriend niya. At thank God dahil tanggap siya nito. Ibang usapan na lang kapag sa papa niya kaya wala siyang balak na sabihin dito ang nararamdaman niya.
            Noong araw na makipag-break siya kay Krishna ay kinausap niya ang mama niya tungkol sa nararamdaman niya at naliwanagan siya dahil dito. Dati, nasabi niya na kumplikado ang bagay-bagay dahil nga sa nagdadalawang-isip siya at natatakot sa nangyayari sa kanya ngunit sa tulong nito ay naging okay ang lahat.       
            "Paano ako naging istorbo, Brax?" Nang-aasar na tanong nito.
            "Nang-asar pa kayo, `ma," sabi niya na ikinatawa nito.
            "Nagtanong pa po kayo," aniya. Mas lalong lumakas ang tawa nito.
            "Ang tapang-tapang mo ng ligawan mo si Krishna. Pero sa bestfriend mo ka lang pala titiklop," anito.
            Totoo ang sinabi nito. Nang ligawan niya si Krishna ay wala siyang takot na naramdaman. Ang tanging focus niya ay maligawan ito at mapasagot. Na siya ngang nangyari ngunit ang relasyon pala niya kay Krishna ang magiging tulay para ma-sort out niya ang pagtingin kay Vienne.
            At ngayon na kay Vienne. Bumunot siya ng isang malalim na paghinga. May takot na namamayani sa kanya dahil baka sa sasabihin niya dito ay magalit ito. Baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkakalayo nila ng tuluyan. Baka iyon pa ang maging dahilan ng lamat sa ugnayan nilang dalawa.
            "Akala ko ba gagawa ka na ng move, anak?" Tanong ng mama niya.
            "Gumawa na po ako," tipid niyang sagot.
            "Sa pamamagitan ng ano?"
            Natahimik siya. Sasabihin ba niya dito ang mga ginawa niya kagabi. Tskk. Dalawang beses lang naman niyang hinalikan si Vienne, pasimple nga lang iyon. Kung makadikit at yakapin rin niya si Vienne kagabi ay parang wala nang bukas at ang nangyari sa labas ng bahay nila. Ang pagyakap niya dito nang mahigpit at pagsasabi ng 'can we just stay  for this a while.. I like embracing you like this'.
            Iyon ang mga simpleng paraan niya na hindi naman napansin ni Vienne. Pansin niya kasi na may bumabagabag sa kalooban nito habang dumada-moves siya. Ayaw naman niyang magtanong dahil gusto niya na ito ang mag-open up ng iniisip nito sa kanya. 
            Ang panghuli ay ang eksena nila sa kwarto niya.. ang pagyakap niya dito nang mahigpit. While he was holding and embracing him like that, his heart was filled with so much happiness. He also felt so secured and he wished that that scene will never end.
            Kung sana ay ganoon din si Vienne.
            "Natahimik ka na, Brax," ani mama niya. "Kung ayaw mong sabihin sa akin, okay lang. I'm all the way to support you."
            Nakakataba ng puso ang suporta at pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos sa pagkakaroon ng isang ina na katulad nito.
            "Salamat, `ma."
            "Walang anuman, anak. Nag-iisa kitang anak kaya susuportahan kita. As long as wala kang bagay na ginagawa at masaya ka doon ay nandito lang ako."
            "Paano po kapag nalaman ni papa na ganito ako? Na nagmamahal ako sa sarili kong kasarian. Pa'no po `yon?"
            "`Wag mong masyadong alalahanin iyon. Lahat naman ay naidadaan sa mabuting usapan at iyon ang gagawin natin sa papa mo."
            Sa pagkakasabi nito sa salitang papa ay napansin niya ang lungkot sa mukha nito. Hindi niya napigilan ang sarili na magtanong.
            "May problema po ba kayo ni papa, mama?"
            "Wala, Brax. Bakit mo naman naisip iyon?"
            "Bigla po kasi kayong lumungkot, eh."
            "Sus, masyado ka naman. `Wag mo akong intindihin. Ang intindihin mo `yong gagawin mong panliligaw at pagtatapat kay Vienne."
            "Okay po," aniya sabay tango.
            Ngunit sa loob-loob niya ay naglalaro ang isang bagay. May problema ang mga magulang niya at ayaw siyang ma-involve ng mga ito.


EKSAKTONG kakapasok ni Vienne sa loob ng kwarto niya nang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niya ang pangalan ni Ambrose sa screen ng cellphone niya. Sinagot niya ang tawag nito.
            "Hello. Napatawag ka?"
            "Itatanong ko lang sa `yo kung makakasama ba ako sa inyo sa pagsundo sa bestfriend mo?"
            Saglit siyang natigilan sa tanong nito. Sa sobrang dami ng iniisip niya at sa mga ginawa ni Brax kagabi ay nakalimutan na niyang tanungin ito tungkol doon. Masyado siyang occupied sa mga bagay na may kinalaman si Brax at nawala sa sistema niya si Ambrose.
            "Err.. uhmm.. hindi pa, eh. Nakalimutan ko."
            "Ganoon ba," ani Ambrose. Mahihimigan sa tinig nito ang disappointment.
            "`Wag kang mag-alala, Ambrose. Pupuntahan ko ngayon si Brax at kapag nakuha ko na ang sagot niya ay ite-text na lang kita."
            "Paano mo ako mate-text? Hindi ka naman naglo-load." Natampal niya ang noo sa sinabi nito.
            "Makiki-text malamang. Para ka namang ewan. Sige, text na lang kita, ah."
            "Okay."
            Pagkatapos niyang makausap si Ambrose ay nagdesisyon si Vienne na bumalik sa bahay nina Brax. Medyo nahihiya lang siya kay Tita Raquel dahil sa nakita nito kanina sa kusina ng mga ito. Nangangamba siya sa posibleng isipin nito.
            Nasa harapan na siya ng bahay nina Brax nang eksakto naman na lumabas si Tita Raquel sa gate ng mga ito. May dala itong basket. Mukhang mamalengke ito.
            "Ti-tita," nahihiyang sabi niya saka tumungo.
            "Bakit ka nahihiya sa akin, Vienne? Dahil ba ito sa nakita ko kanina?"
            Gulat siyang napatingin dito. "O-opo," pag-amin niya. "Baka po kasi kung ano ang isipin n'yo sa akin, sa amin ni Brax."
            Hinawakan siya nito sa braso at mahinang pinisil iyon. "`Wag kang mag-alala. Kung may relasyon man kayo ni Brax o kung magkakaroon man kayo ng relasyon, hindi ako tututol doon. Lahat naman ay pantay-pantay pagdating sa pag-ibig, hindi ba?"
            Tumango siya. "O-opo."
            Ngumiti ito. "Kung may relasyon kayo ni Brax ay magiging masaya ako d'un. Alam ko kasi na hindi mo siya sasaktan. At alam ko na kapag ikaw ang kasama niya ay sigurado ako na okay ang lahat. Sige, Vienne, aalis na ako. Nasa kwarto si Brax."
            Sinundan na lamang ng tingin ni Vienne si Tita Raquel. Nakakatuwa na open minded ito sa ganoon na relasyon. Na kung anuman ang maging si Brax ay suportado nito. Ngunit hindi naman sila ni Brax magiging magnobyo dahil may mahal ito. Kaya nga ito nakipag-break kay Krishna dahil sa taong iyon.
            Pagkarating niya sa loob ng bahay ay dire-diretso si Vienne sa taas patungo sa kwarto ni Brax. Kung dati ay didiretso na lang siya basta-basta ngayon ay hindi na. Huminto siya sa tapat ng pintuan ng kwarto. Hindi niya kaya na makita ang kung anuman na hitsura ni Brax. Katulad kagabi. Madalas kasi kapag nasa bahay lang ang bestfriend niya at nagkukulong sa kwarto nito ay tanging t-shirt at boxer lang ang suot nito.
            Kasasabi pa lang niya at paulit-ulit na sinasabi na kung dati ay wala siyang malisya. Ngayon ay marami na iyon. Madedemonyo siya kung ganoon. Ang sabi niya nga ay ang mga bagay na patungkol sa 'bestfriend' niya ay magkakaroon na ng malisya.
            Tatlong katok ang ginawa ni Vienne sa pintuan bago niya narinig ang boses ni Brax.
            "Hindi `yan naka-lock," anito.
            Ngunit kahit na ganoon ang sinabi nito, hindi siya gumawa ng hakbang para pihitin ang seradura at pumasok sa loob.
            Mahirap na. Baka kapag tumambad si Brax sa kanya na shirtless at boxer ang suot ay maging tuod siya. Ayaw niyang mangyari iyon. Ang pagkakaibigan nila ang nasa stake kapag nangyari iyon.
            "Buksan mo ang pintuan, Brax."
            "Bukas nga `yan, Vienne."
            "Kailangan mong buksan. May dala ako," alibi niya. "Hindi ko magamit ang dalawa kong kamay."
            Kung hindi siya mag-iisip ng palusot, alam niyang hindi ito kikilos. Narinig niya ang padabog na paggalaw ni Brax. Kasunod ang paggalaw ng seradura at pagbukas ng pintuan.
            Hinanda niya ang isang malawak na ngiti sa kanyang labi. Maaasar kasi sa kanya si Brax sa ginawa niya, alam niya iyon. Pinakamalawak para matapatan niya ang pagkakabusangot nito na alam niya na reaksyon nito.
            Subalit ang ngiti sa kanyang labi ay nawala nang bumungad sa kanya ang hitsura ng bestfriend niya. Hindi nga siya nagkamali! Kung ano ang naiisip niya na suot nito ay iyon nga.
            Wala sa sarili na napatingin siya sa mukha nito, pababa sa katawan at sa.. Shet na malagkit!
            Hindi niya kinakaya ito. Ilang beses na niya itong nakita na ganoon pero.. pero.. Arghh! Damn his feeling for him!
            Bago pa mahalata ni Brax ang ginagawa niya ay nag-angat na siya ng tingin. Nang magtama ang kanilang tingin ay nakita niya ang kasiyahan sa mukha nito.
            Wait. Kasiyahan? Remember, iyon din ang sabi niya kagabi.
            Natutuwa ba ito na makita siyang nagdo-drool sa hitsura nito. Natutuwa nga.
            Natigilan siya. Alam na ba nito na.. Lihim siyang napailing.
            He tried to act cool and thank God nagawa niya. Hinawi niya si Brax mula sa pagkakaharang sa pintuan. Pumasok siya. Bumaling siya dito. Iniwasan niya ang mapadako ang tingin sa katawan nito.
            "Bakit ka nandito? Ano ang sasabihin mo? Ang sabi mo may dala ka na, nasaan?"
            "Imaginary ang dala ko," sagot niya.
            "Tumingin ka nga sa akin. Ayos kang kausap, no? Hindi nakatingin."
            Hindi niya ito sinunod. Mas yumuko pa siya. Dahil hindi siya nakatingin dito ay hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng cabinet. Katulad lang ng senaryo nila kagabi ang nangyayari ngayon. Tsk..tsk..
            "Makakatingin ka na," anito.
            Mulagat siya na napatingin dito. May suot na itong damit. Kahit hindi niya sinabi ay alam na nito. May alam na ba talaga ito sa nararamdaman niya para dito?
            Duh, Vienne! Paulit-ulit mo na lang tinatanong iyan sa sarili mo. Unli ka ba? Anong network. Natigil siya sa pakikinig sa sermon ng alter ego niya nang magsalita si Brax.
            "Nagsuot na ako ng damit dahil alam ko na ayaw mo ng ganoon," anito.
            Hindi siya umimik.
            "Ano ba ang pakay mo?"
            "Magpapaalam."
            "Magpapaalam?" Kunot noong tanong nito.
            "Hindi katulad ng iniisip mo. Hindi ako aalis. What I mean is, ipapaalam ko sana kung pwede bang sumama sa atin si Ambrose sa pagsundo kay Coby."
            Mas dumoble ang kunot sa noo nito. "Bakit?"
            "Gusto daw niyang sumama."
            "Bakit?"
            "Pwede ba, Brax?" Aniya saka kiming ngumiti.
            "Bestfriend rin ba niya si Coby?" Tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
            "Hindi."
            "May relasyon ba siya kay Coby?"
            "Wala."
            "Hindi at wala. So, ibig sabihin, hindi pwede, Vienne."
            "Bakit?"
            "Dahil sa sagot mo."
            "May iba pa bang dahilan?" Tanong niya. Hindi siya kasi kumbinsido sa sagot nito.
            "Oo, meron!" Sigaw nito na nagpagulat sa kanya.
            "Bakit ka sumisigaw?"
            "Dahil para kang ewan, Vienne!" Bwisit na sabi nito. "Bakit kailangan mo pang isama si Ambrose? Hindi ka na ba sanay na makasama ako na ako lang ang mag-isa? Ayaw mo na ba akong makasama dahil napalitan na ang pwesto ko ni Ambrose? Kaya ba simula nang maging girlfriend ko si Krishna dahil naisip mo na may Ambrose ka na sa tabi mo? Ginagawa ko naman ang lahat para makabawi ako, ah. Gusto kong maibalik ang dati pero bakit ganoon? Bakit parang ayaw mo na? Ayaw mo na ba akong maging kaibigan? Ayaw mo na ba akong maging bestfriend? Ayaw mo na ba.."
            "Sinabi ko naman na sa `yo na hindi iyon ang dahilan."
            "Kung hindi iyon ang dahilan, ano?! Sabihin mo sa `kin! Ayoko ng ganito. Ayokong nagangapa lalo na at tungkol sa iyo."
            Dahil tanga ako. Bwisit ako. Dahil bestfriend kita pero mahal na kita.
            "Gusto ko rin naman na maibalik `yong dati. Hindi lang naman ikaw ang may kasalanan dahil sa ating dalawa ako ang mas may kasalanan, Brax. Oo, aaminin ko na inaysolate ko ang sarili ko sa `yo dahil.."
            "Dahil ano?"
            "Dahil kahit na bestfriend kita. Mahal na kita!" Ang sigaw niya. Hindi na niya napigilan ang sarili na sabihin dito ang totoo. Hirap na hirap na rin kasi ang kalooban niya. Hindi na katulad ng dati ang lahat na malaya siyang gawin ang gusto niya dito na hindi nag-aalala. Iyong hindi nako-conscious. Iyong hindi nagkakaroon ng malisya sa lahat.
            Ang mga luha niya ay tuluyan nang pumatak. Alam niya na sa ginawa niya ay at risk na ang pagkakaibigan nila. At risk? Mukhang hindi na nga iyon at risk dahil tuluyan nang masisira dahil sa sudden confession niya. Kung iyon ang mangyayari ay tatanggapin niya.
            Gulat na natigilan ito. Ngunit sandali lamang ang pagkagulat na iyon. Kinabig siya nito palapit dito at niyakap nang mahigpit.
            "Vienne, Vienne. Mahal din kita."
            Siya naman ang natigilan sa sinabi nito. Kasabay ng pag-tigil ng luha niya.

CHAPTER SIXTEEN

SIYA naman ang natigilan sa sinabi nito. Kasabay ng pagtigil ng luha niya.
            "Ma-mahal mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vienne. "Paano nangyari `yon?"
            Inilayo siya ni Brax mula dito at tinitigan ang mukha niya. "Simula ng layuan mo ako. Simula ng maging girlfriend ko si Krishna."
            "A-ano? Pa-paano?"
            "Noong mga panahon na magkasama kami ni Krishna, ikaw at ikaw na lang ang laging bukambibig ko. Imbes na si Krishna ang isipin ko ay ikaw ang iniisip ko. Laging tumatakbo sa isipan ko kung ano ang ginagawa mo. Kung sino ang kasama mo. Kung sinagot mo na si Ambrose na nanliligaw sa `yo. Mas na-trigger ang nararamdaman ko sa `yo n'ung sabihin mo sa akin na nanliligaw sa `yo si Ambrose. Bigla akong na-threaten na mapalitan ako ni Ambrose sa lugar ko. At si Krishna, si Krishna ang  tumulong sa akin para ma-sort out ko talaga ang pagtingin ko sa `yo. Halos isang linggo at kalahati na rin mula nang maghiwalay kami, at sa araw rin na iyon, sinabi niya sa akin na katulad ko ay na-fall out din siya sa `kin. Na pareho lang kaming dalawa na inlove sa bestfriend namin."
            Totally speechless si Vienne sa mga narinig kay Brax. Nanatili lang siyang nakatingin dito. Kitang-kita niya ang sinseridad sa boses nito. Kilala niya ito nang lubusan para isipin na nagsisinungaling ito.
            Nakita niya ang pagtingin nito sa mukha niya. Pinakahuli sa labi niya. Napatingin din siya sa labi nito. Parang biglang naging slow motion ang bagay sa pagitan nila. At nang magdikit ang labi nila ay napapikit si Vienne. Ninamnam niya ang tamis at lambot ng labi nito. Si Brax ang nagdala dahil wala naman siyang alam sa tamang paraan ng paghalik. Yes, Ambrose kissed him twice but those kisses were only a peck. Sa halik na ginagawad ni Brax sa kanya ay kakaiba. Mas intense, mas passionate at damang-dama niya. He felt like flying. He felt that anytime, any soon he can reach the sky.
            Iba pala talaga ang pakiramdam kapag taong mahal mo ang humahalik sa `yo. Damang-dama mo iyon at parang ayaw mo nang matapos pero katulad ng sa pelikula ay may katapusan din ang halik. Pareho nilang kinailangan ng hangin kaya naglayo sila.
            A smile curved in Brax's lips and so as him. Niyakap niya si Brax. Gumanti naman ito ng yakap.
            "Mahal na mahal kita, Brax."
            "Mahal din kita, Vienne."
            Puno ng kaligayahan ang puso ni Vienne ngunit ang kasiyahan na nadarama niya ay agad ding napawi nang maalala ang mama at papa ni Brax pati ang mama niya. Lumayo siya dito. Nagtatakang tiningnan naman siya nito.
            "Bakit, Vienne? You look worried."
            "Brax, masaya ako na mahal mo rin ako. Masaya ako na marinig mula sa `yo iyon pero.."
            "Anong pero, Vienne?"
            "Ang mama. Si Tita Raquel at pati si tito."
            "Wala tayong problema kay mama, Vienne. Alam niya na mahal kita."
            "A-alam ni tita?"
            "Oo. Isa siya sa unang tao na pinagsabihan ko ng nadarama ko. At tanggap niya kung magiging tayo."
            Nakadama ng relief si Vienne sa sinabi nito ngunit hindi lubusan dahil dalawang tao pa ang alam niyang hindi sasang-ayon sa kanilang dalawa. Ang dalawang tao lang na iyon ang tanging mahalaga dahil pamilya nila iyon. Hindi mga basta-basta na tao.
            "Pero si Tito Bruce, si mama, Brax."
            "As long as na magkasama tayo, ayos ang lahat, Vienne. Don't think too much about them. Pwede, isipin muna nating ngayon, tayong dalawa? Saka na natin isipin sina papa at ang mama mo. Nasa likuran natin si mama at suportado niya tayong dalawa. Okay ba iyon?"
            Tumango siya. "Okay naman. Masaya ako, Brax. Masayang-masaya."
            "So do I, Vienne. So do I."


"NGAYONG tayo na, ipaalam natin ito kay mama," ani Brax kay Vienne.
            After the confession ay nanatili silang dalawa ni Brax sa kwarto nito. Magkatabi sa kama at magkahawak ang kamay. Pareho nilang binubusog ang mga mata sa pagtingin sa kisame ng kwarto ni Brax kung saan nakadikit ang glow-in-the-dark na mga hugis at iba pa.
            "Wala ang mama mo, Brax, nakasalubong ko siya kanina sa labas ng bahay n'yo. Pupunta daw siya sa palengke. Tayong dalawa lang ngayon dito."
            "Hindi nagpaalam sa `kin si mama," anito. Tumagilid ito paharap sa kanya. "Kung tayo lang ang dito sa bahay. Ibig sabihin, pwede nating gawin ang lahat," sabi nito saka ngumiti ng nakakaloko.
            Napangiti rin siya. Alam na niya kasi kung ano ang iniisip nito. Ano pa na naging mag-bestfriend sila kung hindi?
            Tinampal niya ito sa pisngi. "Ikaw. Kabago-bago natin, ang mga naiisip mo."
            "I don't need to explain myself to you," anito.
            Natawa siya. "Hoy! Linya ko `yon, ah."
            "Bakit hindi ba pwedeng gamitin ko `yon?"
            "Hindi."
            "Naiiba ang usapan, Vienne. Ano? Pwede ba? Pwede ba nating gawin iyon?"
            Natawa siya sa hitsura ng mukha nito. Nagpapaawa effect pa ang loko. Bago pa siya makapalag ay dinaganan na siya nito. Bago pa siya makakontra ay hinalikan na siya nito. Halik na nadarang siya at agad naman niyang ginantihan. Naging mainit ang halik na namagitan sa kanila. Kung mas passionate at intense ang halikan kanina. Pinaka ang namamagitan sa kanila ngayon. The kiss went wild and they ended doing things that the two of them only knew.


VIENNE and Brax were both naked under the sheet of the blanket. They were hugging each other and still feeling the warmth that coming to their bodies. Katatapos pa lang ng isang mainit na eksena sa pagitan nila. Walang makapa na pagsisisi si Vienne sa kanyang puso kundi puro kasiyahan lang.
            Oo masakit pero worth it naman.
            Masaya siya na naibigay niya ang sarili sa taong mahal niya. Siguro, kung may makakabasa ng iniisip niya ngayon na katulad niya, baka isipin ng mga ito na para siyang babae na sobra ang pagpapahalaga sa virginity, eh, hindi naman siya babae.
            Eh, ano ang magagawa niya? Mahalaga naman sa kanya talaga ang ganoon na bagay. At katulad nga ng sinabi niya ay masaya siya na kay Brax niya naranasan iyon. Hindi na lang basta first kiss niya si Brax n'ung bata pa sila ngunit ngayon ay si Brax ang first niya sa usaping sekswal.
            "Ako ang first kiss mo, hindi ba?" Tanong ni Brax saka hinapit siya palapit dito. Mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Humarap siya dito.
            "N'ung mga bata pa tayo, ikaw."
            Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. "So, ngayon na teenager na tayo, hindi na ako?"
            Nahihiya siyang tumango. "Oo. Hindi ikaw."
            Bumuntung-hininga ito. "Bakit pa ba ako magtataka? N'ung gabi na uminom ako, nakita ko ng halikan ka ni Ambrose."
            "Nakita mo `yon?"
            "Oo. Stalker mo na kaya ako n'ung mga panahon na `yon."
            "Talaga?"
            "Oo. Sabihin mo sa `kin, Vienne. Ilang beses ka nahalikan ni Ambrose?"
            "Dalawa."
            "Shit!" Pagmumura nito. "Bakit ang dami? Saan ka niya hinalikan na lugar?"
            "Oy, grabe naman ang reaksyon mo. Bawal magmura, Brax."
            "Hindi ko mapigilan, eh. Ganoon kabilis ang lalaking `yon. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."
            "Sa isang fastfood chain niya ako unang hinalikan. Don't worry, Brax. Smack lang naman iyon, ikaw ang nagbigay sa akin ng torrid, vacuum at french kiss," aniya saka natawa.
            Napangiti si Brax. "Mas lamang pa rin ako sa kanya. Ako ang mahal mo at ako ang nakakuha ng una mo. Ako rin ang magiging huli, Vienne."
            Hindi siya sumagot. Isiniksik niya ang sarili dito saka pumikit.
            Sana nga, Brax. I'm happy being with you. I'm happy being like this. Ngunit, hindi ko maiwasan ang matakot para sa atin.
            Nakatulog siya na iyon ang nasa isipan habang yakap ng lalaking mahal niya.
            Nagising si Vienne sa pamamagitan ng isang halik sa kanyang labi. Iminulat niya ang mata at tumambad sa kanya ang gwapong mukha ng bestfriend niya na boyfriend na niya ngayon.
            "Napagod yata kita nang sobra kaya nakatulog ka ng matagal," sabi nito.
            Tinampal niya ito sa braso. Natatawang hinalikan naman siya nito sa labi.          
            "Masakit pa ba?"
            "Adik!" Singhal niya dito. Mas lalo pang lumakas ang tawa nito.
            "Ayaw pa sana kitang gisingin kaso kumatok na si mama sa pintuan. Kumain na daw tayo ng meryenda."
            "Nandyan na si tita?"
            "Uhmm.. yeah. Kasasabi ko pa nga lang."
            "Ang sabi mo meryenda?"
            "Oo."
            "Takte `yan, Brax! Ilang oras akong nakatulog. Eleven am nandito na ako sa kwarto mo at.. Anong oras na?"
            "Magti-three."
            "Ay! Grabe! Ano na lang ang iisipin ni tita na ginagawa natin dito sa kwarto mo?"
            "Wala."
            "Ayts!" Asar niyang sabi. "Baka isipin niya na gumagawa tayo ng milagro."
            "Bakit hindi pa ba? Nagawa na nga natin."
            Inabot niya ang isang unan at ibinato dito. Natatawang iniwasan naman nito iyon.
            "Vienne, relax ka nga lang. Nakita ka ni mama dito sa loob ng kwarto ko. Pumasok siya kanina."
            "Ahhh!" Sigaw niya. "Takte ka, Brax! Pinapasok mo dito si tita tapos hubad ako. Ahh! Ipinapahamak mo ako."
            "Uy, hindi kita ipinahamak, ano? Bago ko papasukin si mama, kinumutan kita at sinigurado ko na maayos ang hitsura mo. Saka ano naman kung isipin ni mama na gumawa tayo ng milagro? Alam naman niya na gusto at mahal kita."
            "Ahhh! Nakakaasar ka lang. Stop playing with me, Brax! Hindi ka nakakatuwa."
            Pinulot nito ang unan saka lumapit sa kanya. Mukhang nakuha nito na seryoso na siya at hindi nakikipagbiruan.
            Humiga ito sa tabi niya. "`Wag ka ngang pikon. Siyempre hindi kita ipapahamak. Nagbibiro lang naman ako. Oo, nakita ka ni mama pero sa labas lang siya, sumilip lang sa pintuan. At sanay naman si mama na nasa kwarto tayo palagi magkasama. Bestfriend kaya tayo kaya naiintindihan niya iyon. Hindi na rin kita ginising kasi alam ko na napagod kita. Alam ko rin na medyo masakit pa `yong, alam mo na," sabi nito. "Bilis na magbihis ka na, Vienne. Sabay nating harapin si mama. Sabay nating sabihin na tayo na at magiging manugang ka na niya."
            Napangiti siya. "Puro ka biro."
            "Totoo naman na magiging manugang ka na niya."
            "Oo na lang, Brax," sang-ayon niya.
            How he wished that the two of them were really for each other. Mahirap magsalita nang tapos. Hindi nila hawak kung ano man ang bagay na pwedeng mangyari sa kanilang dalawa. Ngunit sa ngayon, susunod siya sa agos. Ie-enjoy niya ang buhay niya na kasama si Brax. Gagawin niya iyon,para sa huli ay hindi siya magsisi kung sakali na matapos ang masayang araw na kasama niya ito.

HABANG nagbibihis si Vienne ay abala rin si Brax sa pagtingin sa kanya na nakaupo lang sa kama. Nahihiya man sa lantarang pagtingin nito na may pagnanasa ay pinaglabanan niya iyon. Saka ngayon pa ba siya mahihiya dito. Matagal naman na silang magkaibigan. At nakuha na rin nito ang dapat makuha sa kanya. At hindi rin niya nakakalimutan na hindi na lang sila basta 'bestfriend' dahil 'boyfriend' na niya ito
            "Nakakailang ang paraan ng pagtingin mo," aniya.
            Hindi niya mapigilan na sabihin ang nasa saloobin.
            "Hindi ka pa nasanay."
            "Hindi, eh. Mabuti kung tumingin ka walang pagnanasa, eh, meron."
            Natawa ito. "Napansin mo pala."
            Pumalatak siya. "Paanong hindi ko mapapansin? Magkaharap tayo at wala ka nang ibang ginawa kundi ang sundan ang bawat kilos ko."
            "Hayaan mo na, Vienne. Alam mo ba kung ano ang naiisip ko ngayon?"
            "Alam ko. Pero, hindi pwede, eh. Tandaan mo na naghihintay sa `tin si tita. Nahihiya rin ako sa kanya. Kanina pa ako dito sa loob ng kwarto mo tapos hindi man lang ako lumabas. At sinabi mo pang, nakita niya ako dito."
            "Ano naman kung nakita ka dito ni mama? Wala namang kaso iyon sa kanya. Kung makapagsalita ka naman parang hindi ka dito pumapasok."
            "Iba naman kasi ang noon sa ngayon."
            Lumawak ang ngiti ni Brax. "Yeah. Iba ang noon sa ngayon. Noon, naglalaro lang tayo ng games sa computer, o kaya naman nagma-marathon sa panonood ng anime. Ngayon.." tumaas-taas ang kilay nito. "..ngayon, we can do more than that. Boyfriend mo na ako, eh."
            "Ang landi ng isip mo!" Natatawang sabi niya dito.
            Tumawa ito. "Ayos lang `yon, ikaw naman ang nilalandi ko." Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama saka lumapit sa kanya. "Landiin mo rin ako, Vienne."
            Tinampal niya ito sa pisngi. "Baliw ka!" sabi niya saka ikinawit ang braso sa batok nito saka ito hinalikan sa labi.
            Wala nang hiya-hiya. Wala na siyang hiya. Boyfriend niya si Brax at ipapadama niya dito ang pagmamahal niya. Bakit pa siya magpapakipot? Kailangan niyang ikonsumo ang oras na kasama ito na may paglalambing dahil hindi niya alam kung hanggang kailan sila magiging ganito. Mahirap pa naman ang pagkakaroon ng relasyon na katulad ng sa kanila. Marami ang magiging puna at walang pangmatagalan.
            Nang matapos ang halik ay pareho silang naghahabol ng hangin. Parehong may maluwang na ngiti sa labi nila.
            "Ang sarap n'un. `Wag na tayong lumabas. Dito na lang tayo."
            Natawa siya. "Lumabas na tayo. Nakahanda na yata `yong pagkain sa mesa saka nagugutom na ako, eh."
            "May pagkain naman dito," pilyong sabi nito.
            Tinampal niya lang ito sa balikat saka naunang pumunta patungo sa pintuan. Ngunit bago siya lumabas ay pinigilan siya nito.
            "Bakit?" Takang-tanong niya.
            "Bago tayo lumabas, isa pa," anito saka ngumuso.
            He gladly oblige and give him a slowly but surely and sweet kiss.

"BAKIT ang tagal n'yong dalawa bumaba?" Ang pambungad na tanong ni Tita Raquel sa kanilang dalawa ni Brax.
            Tiningnan niya si Brax. Isang malawak na ngiti lamang ang iginanti nito sa kanya. Paanong hindi sila magtatagal sa loob ng kwarto nito? Pagkatapos niya kasing halikan ito ay naulit pa ang halik. Ang kulit lang ni Brax dahil ayaw talaga nitong lubayan ang labi niya. Halik lang ito ng halik.
            Nagulat siya nang basta na lang siya nito akbayan saka hapitin palapit dito. Napatingin naman siya kay Tita Raquel. Malawak ang pagkakangiti nito.
            "Anong ibig sabihin nito, Brax? Kayo na bang dalawa?"
            Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay niya kay Tita Raquel. "A-alam n'yo po?"
            "Yeah. Alam ni mama, Vienne. Suportado niya kaya ako dito."
            Tumawa si Tita Raquel. "Oo. Alam ko na mahal ka ni Brax, Vienne. Suportado ko kayong dalawa sa relasyon n'yo at masaya ako para sa inyong dalawa."         
            Nalinawan siya sa sinabi nito sa kanya kanina. Kaya pala ganoon ang mga sinabi nito dahil alam nito na may gusto sa kanya si Brax. Ang saya lang na suportado nito si Brax pati siya. At ang relasyon nilang dalawa.
            "Salamat po tita."
            "Walang kaso iyon, Vienne. Wala namang masama kung maging kayo ni Brax. Bagay na bagay kaya kayong dalawa."
            "May isa na tayong supporter, Vienne. Alam ko na laging sa likuran ko lang si mama. Uunawa at susuporta sa atin. Kaya huwag mo akong sasaktan."
            Tinampal niya sa pisngi si Brax. "Ako pa talaga ang mananakit."
            "Malay natin."
            "Ewan ko sa `yo."
            "Tama na `yan, lovebirds. Kain na muna tayo. Hindi ka na nananghalian, Vienne." Bumaling ito kay Brax. "Ikaw kabago-bago n'yo pa lang na dalawa, hindi mo inaalagaan si Vienne."
            "Inaalagaan ko siya, `ma. Hindi ko siya ginising kasi napagod siya kani.." napaigik si Brax nang sikuhin niya ito sa tiyan.
            "Umayos ka nga!"
            "Napagod ka naman talaga kanina, ah," nakangising sabi nito.
            Tinampal niya ito sa pisngi. "Bahala ka nga dyan."
            Inalis niya ang pagkaka-akbay nito sa kanya. Iniwanan niya ito at dumulog sa mesa.
            Sumunod naman ito.
            Tuwang-tuwa si Vienne habang kumakain silang tatlo nina Brax kasalo si Tita Raquel. Asikasong-asikaso kasi siya ni Tita Raquel, dati na itong maasikaso ngunit mas dumoble iyon ngayon na boyfriend na niya ang anak nito. Si Brax naman sa kabilang banda ay abala sa pagkain at paghihimay ng isda na inilalagay sa plato niya. Masyadong maasikaso ito at itinuturing siya na parang baby ngunit wala naman siyang reklamo doon. Ang sarap kaya sa pakiramdam ang asikasuhin ka ng taong mahal mo. Bilang ganti sa pag-aasikaso nito sa kanya ay pinaghihimay niya rin ito ng isda.
            "Para lang kayong ewan na dalawa. Naghimayan na kayo ng isda."
            "Si Vienne, `ma, makulit," ani Brax na nagpapakampi.
            "Makulit rin po si Brax, tita."
            Natawa ito. "Ipaghimay n'yo rin kaya ako," anito.
            Natawa naman sila ni Brax saka magkasabay na kinuha ang isda na hinimay nila at nilagay sa plato nito. Tuwing kasabay niya ang mga ito sa pagkain ay damang-dama niya ang belongingness. Kung ituring rin siya ni Tita Raquel ay patang totoong anak.
            "Kumain na nga lang kayong dalawa," anito. "Tapos na rin akong kumain. Kayo na ang bahala dito, pupunta muna ako sa kwarto ko," paalam nito saka tumayo.
           Sinundan nila ito ng tingin. Nang makalabas na ito sa dining room ay nagkatinginan sila ni Brax.
            Natawa siya nang ngumuso ito.
            "Ano `yan, Brax?"
            "Kiss."
            "Kumain ka na lang."
            "Bago ako kumain ng marami kailangan ko ng appetizer," anito.
            Natawa siya. "Para kang sira. Kanina ka pa kumakain tapos sasabihin mo na kailangan mo ng pampagana."
            "Yeah. Para mas lalo akong ganahan. Your kiss, your kiss is so irresistible."
            Napailing siya. "Talagang pasing-song pa, ah. Nasa harap tayo ng pagkain."
            "I'll stop if you will kiss me bigtime, Vienne. Gusto ko `yong torrid."
            "Hindi ka ba nahihiya kay tita?"
            "Hindi. Alam naman niya na tayo na kaya okay lang. Saka huwag mong tawagin si mama ng tita."
            Kumunot ang noo niya. "Eh, anong gusto mong itawag ko sa kanya?"
            "Mama," mabilis na sagot nito.
            "Hanep ka! Aasawahin mo na ako?"
            Ngumisi ito. "Bakit gusto mo? I'm willing."
            "Takte lang! Kumain ka na."
            "Takte ka rin. Pasalamat ka, mahal kita."
            Kinilig siya sa sinabi nito. May asaran pero may halong pagmamahalan ang ginagawa nila.
            "Mas takte ka, Brax. Pasalamat ka rin, mahal na mahal kita."
            Ngumiti nang maluwang si Brax. "That's good to hear. I love you most, Vienne."
            "Ang cheesy natin!" Aniya. Kinikilig. "Alam mo nakakabwisit ka?"
            Nawala ang ngiti ni Brax. Kumunot ang noo nito. "Bakit? Sinabihan lang naman kita ng 'I love you most', ah."
            "Kasi kinikikig ako sa sinasabi mo. Saka `yong tibok ng puso ko. Bumibilis. Parang matatanggal na sa kinalalagyan.
            Tumawa ito. "Kinikilig rin kaya ako. Mas lalo pa akong kikiligin kong hahalikan mo na ako. Were taking too much time, Vienne. Dinadaan mo `ko sa pag-uusap."
            Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang tumawa.
            "`Kalain mo `yon? Napansin mo pala."
            "Ilang years na tayong mag-bestfriend?"
            Nagbilang siya sa kamay. "Simula n'ung elementary, magse-seven ako at seven ka naman. Ten years na kitang bestfriend."
            "Ten years," anito. "At malalampasan pa natin iyon sa pagiging mag-boyfriend."
            Hindi siya umimik. He just looked at him. Umatake na naman kasi ang negetivity sa katawan niya. Kung magsalita kasi io ay parang sure na sure na sure na sila na talaga hanggang sa huli. Well, masaya naman siya doon. Hindi siya ipokrito para itanggi iyon pero.. Laging may malaking pero dahil ang sabi niya nga ay wala silang katiyakan na dalawa. Yeah, this is just the beginning of their relationship but he couldn't stop himself for having doubt and second thought about it. Hindi niya maiwasan.    
            Nagulat na lamang siya nang maramdaman ang malambot na labi ni Brax sa labi niya.
            "Phasing out again, my love," he said, a big smile was on his lips.
            "Love?"
            "Tawagan natin."
            "Palitan mo, common na masyado, eh."
            "Isip ka."
            "`Yong unique dapat. `Yong pwede nating i-claim na atin lang."
            "May maiisip ba tayo?"
            "Tiwala lang, Brax."
            Isang mabilis na halik ang ibinigay ulit nito sa labi niya. "Bilib talaga ako sa positivity mo pero sana ganoon din sa relasyon natin. I can read your thoughts, Vienne. Meron kang doubts and second thought about our relationship. Huwag mo munang pagkaisipin iyon, please. Kaya natin ito. Numero unong supporter natin si mama. I'm also sure that we will last. Hindi ako magbibigay ng eksaktong bagay tungkol doon pero magtatagal tayo. Tiwala lang!"
            Siya naman ang nagbigay dito ng halik. "Kilalang-kilala mo na talaga ako, Brax."
            "Oo naman! Anong silbi ng sampung taon na pagkakaibigan natin kung hindi kita makikilala ng lubusan."
            "May tama ka! Don't worry, Brax. Magiging positibo ako tungkol dito. Basta mahal natin ang isa't-isa, magtatagal tayo."
            "`Yan ang gusto ko sa `yo. Isang halik pa nga."
            Ginawa naman niya ang sinabi nito.


ITUTULOY... 


5 comments:

  1. Sa wakas sila na.... ang tgal ni coby

    ReplyDelete
  2. Talaga tong si Brax, masiba din. Thanks sa update Vienne. Kakakilig din. Take care

    ReplyDelete
  3. ... ne be yen.. Kilig to the balls na naman tong chapter na to.. At overloaded sa cheesy...hehe.
    . Gling mo vienne chase ;)..
    Can't wait for the next chapter! :-D

    ReplyDelete
  4. Ayun! Nag kaaminan na din kaso parang nakakakaba yung mga susunod na mangyayari. Sana naman Hindi yung iniisip ko ang mga mangyayari.

    ReplyDelete
  5. Hmmmmmf cguro c coby ang ka triangle nila hahahha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails