Followers

Friday, December 5, 2014

Beat of my Heart Chapter 13&14



Author’s Note

Hello!!

Unang-una, maraming salamat ulit sa mga reader na naglalaan ng oras..(lol, oras nga ba?) Para basahin ang istorya na ito. SALAMAT sa mga reader na nagbibigay ng comment. Sana huwag po kayong magsawa na magbigay ng komento, maganda o hindi maganda. Ayos lang!

Kina, Angel, (simula umpisa, may comment ka. Thanks a lot. Huwag kang magsasawa, ah. ) Kay Kuya Alfred of T.O., Salamat din po ;). pAti kina, Kris De Leon, Kuyang Anonymous ng Chapter 9.. (xD ang haba ng nagging pangalan mo.) Kay Jay, Shai at Jharz05.. (Hello kuya!! Mahal ko ang sarili ko, you know. Senti nga lang kung minsan.. hahaha). Kay Mark_03, (salamat sa praising. Lumaki ulo ko.. lol) at sa Kuyang Anonymous sa Chapter 11. (hello po!!). Kay Valintin Olingay. :)

Sa miyembro ng grupo, Faustino, JM Perez (walang plugging pa rin, xD). Mama Lalie. Lots of thanks sa comment.

At sa mga kasama kong RA.. Hello!! Kuya Rye Evangelista, Prince Justin, Cookie Cutter, Apple Green at Gio Yu :)

Kuya Carlos. Kaya natin `to!! Go lang ng go..

Salamat sa privilege Sir Mike at Kuya Ponse :)


Dalawang Chapter each update na po ang gagawin ko. (At sana nga ay mapanindigan ko.) May hinahabol kasi ako.. haha

ENJOY PO!!

Mabalos ;)

PS: Si Austin ay isang dakilang extra lamang sa istoryang ito. Wala siyang POV at panggulo lang.
Sa mga fan ng Ambrose-Vienne. Pasensya na. Mawawala si Ambrose sa eksena. May POV naman siya kaso kaunti nga lang. :)


CHAPTER THIRTEEN

KUNG anuman ang problema ni Brax, kailangan ko siyang tulungan.
            Iyon ang saloobin ni Vienne habang nagsusuot ng makapal na jacket para pananggalang sa lamig sa labas. Habang ginagawa niya iyon ay hindi niya maiwasan ang mapaisip. Bihira lang kung uminom si Brax kaya nag-aalala siya rito. Dapat niya itong samahan. Dapat ay nasa tabi siya nito bilang bestftiend nito. Sa ngayon, ang mahalaga ay magampanan niya ang pagiging bestfriend kay Brax. Ite-take aside niya muna ang nararamdaman niya rito tuwing magkalapit sila. Ang importante sa kanya sa mga oras na ito ay madamayan si Brax.
            Dire-diretsong lumabas si Vienne sa kanilang bahay. Hindi na siya nagtangka pa na magpaalam sa lola niya. Alam niya kasi na kapag ganitong oras ay tulog na ito. Pasado alas- diyes na rin ng gabi.
            Agad na naglakad si Vienne patungo sa direksyon ng paradahan ng tricycle. Mabuti na lang at pagdating niya roon ay may nakaparada pang isa. Hindi na siya maghihintay pa. Agad siyang sumakay doon at nagpahatid sa bar kung saan si Brax.
            Mga ilang minuto rin ang lumipas bago makarating si Vienne sa MAB. Pagkapasok niya sa bar ay agad niyang inilibot ang paningin para makita si Brax. Nakita niya ito sa pwesto kung saan ang siya laging nakaupo tuwing pinapanood niya ito sa pagtugtog doon. May kasama itong dalawang lalaki at isang babae sa mesa. Katabi ni Brax ang isang lalaki na tila galing sa pag-iyak. Nasa harapan ng mga ito nakaupo si Krishna..
            Natigilan siya.
            Si Krishna pala ang babaeng kasama nito. Hindi niya agad ito namukhaan. Kasama pala nito ang girlfriend nito. Bumangon ang pagseselos sa kanyang puso. Bagay na hindi niya dapat pairalin ngayon. Pumunta siya rito para magampanan ang maging bestfriend kay Brax at hindi bilang nagmamahal dito ng higit pa sa pagkakaibigan.
            Kasasabi pa lang niya sa sarili na hindi siya dapat makaramdam ng ganito pero hindi niya mapigilan ang sarili na magselos.
            Bago siya lumapit sa mga ito ay isang malalim na paghinga muna ang pinakawalan niya. Kailangan niyang gawin iyon para ayusin ang sarili. Kailangan niyang maging casual sa harapan ng mga ito.
            Nang makalapit siya sa mga ito ay agad naman siyang napansin ni Brax. Nakita niya ang kasiyahan sa mukha nito. Dahil dim ang ilaw sa loob ng bar ay hindi niya masyadong pansin ang epekto ng alak sa katauhan nito. Ngunit base sa nakikita niya ay hindi pa naman ito lasing. Wala pa ngang tama pero sa palagay niya, bahagyang namumula na ang pisngi nito.
            Lumapit ito sa kanya para salubungin siya. Nagulat siya ng basta na lang siyang yakapin nito.
            Bumilis ang tibok ng puso niya.
            "`Buti at dumating ka," anito.
            "Si-siyempre naman. Kailangan mo ako, eh." Lihim niyang minura ang sarili sa pagkabulol. "Bakit ka uminom, Brax?" Tanong niya. "Ilang beses na akong nagtanong sa `yo kanina sa cellphone pero hindi mo ako sinasagot. Siguro naman, ngayon na nandito na ako, pwede mo nang sabihin sa akin ang problema mo."
            Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "May problema nga ako."
            "Ano?"
            "Pwedeng umupo muna tayo, Vienne? Ipapakilala rin kita sa mga kasama ko."
            "Si-sige."
            Takte lang! Ano ba talaga ito? Hindi niya mapigilan ang sarili na mag-stammer lalo na at nakatingin sa kanya nang mataman si Brax. At kung makatingin naman ito ay parang.. Hays! Burahin mo nga ang naiisip mo. Kaya madalas na nasasaktan ang mga katulad mo dahil sa pagiging assuming! Talo n'yo pa ang mga babae. Saway sa kanya ng bahagi ng pagkatao niya.
            Pagsaway na may punto talaga!
            Iginiya siya ni Brax patungo sa mesa ng mga ito. Nakasunod ang tingin sa kanila ng tatlo. Isang matipid na ngiti ang ibinigay niya sa mga ito. Pinakilala sila ni Brax sa isa't-isa. Kung may ngiti sa labi ng dalawang lalaki. Iba naman ang nakita niya sa mukha ni Krishna. Nakita niya ang pag-ismid nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang ibinigay nito sa kanya ngunit hindi na lamang niya pinansin.
            Sa halip ang ginawa niya ay umupo siya sa tabi ni Kuya Rye na kahit may ngiti sa labi ay hindi maipagkakaila ang lungkot sa mga mata.
            "Okay ka lang, Kuya?" Hindi nakatiis na tanong niya.
            Tumabi naman sa kanya si Brax. Napapiksi siya nang akbayan siya nito at hapitin palapit dito. Grabe ang kaba na nararamdaman niya. Bakit ba nito ginagawa ang ganitong bagay? Epekto ba ito ng alak?
            Hindi sumagot si Kuya Rye. Tinungga lang nito ang iniinom nito pagkatapos ay tumayo at naglakad palayo. Inalis niya ang tingin dito. Bumaling siya kay Brax na nakaakbay pa rin sa kanya.
            "Anong problema ni Kuya Rye? Usisa niya. Hindi naman siya close kay Kuya Rye pero curious siya na malaman ang problema nito.
            "Brokenhearted," sagot ni Brax. Talagang inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Kaya sa hindi inaasahan na pangyayari ay tumama ang labi nito sa sulok ng labi niya.
            Takte lang!!  
           Ano ba talaga ito? Alam ba ni Brax ang ginagawa nito? Nasa harapan lang nila ang girlfriend nito. Nang bumaling siya kay Krishna at sa katabi nitong si Andrew para makita ang reaksyon ng una ay siya pa pala ang magugulat. The two look so sweet to each other. Harap-harapan ba ang pagtataksil ng mga ito sa isa't-isa?
            Tiningnan niya si Brax. Nakatingin ito sa dalawa. Walang makikitang reaksyon sa mukha nito. It was bland and blank. Si Krishna ba ang problema nito? May hindi ba pagkakaunawaan ang dalawa kaya umiinom ngayon si Brax?
            Ang gulo lang ng sitwasyon na kinasusuungan ni Brax. Pati siya nadadamay tuloy.
            Kinuha niya ang atensyon ng kaibigan.
            "Brax," pagtawag niya rito.
            "Uhmm," anito sabay harap sa kanya.
            For the second time, nadikit ang labi nito sa labi niya. Sa pagkakataong iyon ay dama niya ang lambot ng labi nito.
            Kahit na gusto niya ang pakiramdam na iyon. Pakiramdam na para siyang lumilipad ay agad din niyang tinapos iyon. Lumayo siya dito.
            Hindi makapaniwalang nakatingin siya kay Brax. Ngumiti ito. Ngiti na tila may pagtatagumpay. Ngiti na tila nagsasabing 'walang kaso sa akin ang mahalikan ka'.
            Mahalikan? Takte! Peck lang iyon!
            Muli na naman siyang nagulat nang basta na lang siya nito kabigin at yakapin nang mahigpit.
            "Ba-bakit?"
            Namalayan na lamang niya na ginagantihan na niya ang yakap nito. Bipolar na rin siguro siya katulad nito. Kahit na tumatanggi siya sa mga nangyayari ay masaya siya sa ginagawa ni Brax. Ang gulo lang niya.
            "Masaya lang ako, Vienne. Masaya ako na nasa tabi na kita ulit. Dito ka lang sa tabi ko, ah. Ibabalik natin ang dati nating samahan. Kahit na mas higit pa doon. Okay lang."
            Napakadaling sabihin para dito ang mga bagay na iyon pero sadyang mahirap gawin lalo na sa parte niya.
            Kung may isang bagay man na gusto niyang baguhin ay ang nangyayari ngayon sa kanya. Gusto rin naman niyang maibalik ang dati nilang samahan. Gusto niyang maibalik ang dati na malapit sila sa isa't-isa. Iyong makalapit siya dito na hindi siya mag-iisip ng malisya at nagiging assuming sa ginagawa nito. Gusto niya na maibalik ang dati na wala siyang iniisip kundi pagkakaibigan lang at hindi iyong pagmamahal na higit pa sa pagkakaibigan.
            "Ang higpit ng yakapan n'yo, ah." Pagsingit ng isang boses na nagpatigil sa daloy ng naiisip niya.
            Nakita niya ang seryosong mukha ni Krishna ngunit hindi niya nabanaag ang pagseselos sa mukha nito.
            "Pwede ko bang mahiram ng sandali ang bestfriend mo, Brax."
            "Bakit, Krishna?" Takang-tanong ni Brax.
            "May sasabihin lang ako sa kanya."
            "A-ano naman ang sasabihin mo sa kanya?" Kinakabahan nitong tanong.
            "Labas ka na doon. Halika, Vienne," ani Krishna saka siya hinila patayo.
            Tahimik na lang siyang nagpatianod dito. Nang tingnan niya si Brax ay nakita niya ang uneasiness sa mukha nito. Nginitian niya lang ito para maiparating na okay lang siya. Kung saan ang pag-uusapan nila nito, hindi niya alam.
            Binitawan ni Krishna ang pulsuhan niya nang makarating sila sa parking lot ng bar.
            "Anong pag-uusapan natin, Krishna?"
            "Tungkol kay Brax."
            "Anong tungkol kay Brax?"
            "Sabihin mo sa akin ang totoo, Vienne. Mahal mo ba si Brax? Higit pa ba sa pagiging bestfriend ang nararamdaman mo sa kanya kaya nang kami pa ay hindi ka man lang gumawa ng effort na makilala ako. Dahil nagseselos ka."
            Nang kami pa. Umalingawngaw sa kanyang pandinig ang sinabi nito. Nang kami pa.
            "Wala na kayo ni Brax?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
            "Oo. Wala na kami ni Brax. Mahigit isang linggo na rin."
            "Paano nangyari `yon? Mahal ka ni Brax."
            "Mahal niya nga ako pero hindi ganoon katindi sa pagmamahal niya sa isang tao, Vienne." Makahulugang sabi nito. Matiim ang pagtitig sa kanya. Tila sa kanya sinasabi ang bagay na iyon.
            "Hindi ko alam na wala na kayo ni Brax. Hindi ko rin alam na may iba na siyang mahal."
            Pagak itong tumawa. "Of course, hindi mo iyon malalaman kasi nga pinili mong i-isolate ang sarili mo kay Brax. You were inlove to your bestfriend. Hindi ka nagpakita o lumapit man lang noong kami dahil nagseselos ka. Mahal mo si Brax, eh."
            Nag-iwas siya ng tingin. Kinakabahan siya sa pag-uusap na ito. Hindi pa nga niya nasasagot ang tanong nito ay agad na itong nag-conclude. Ide-deny niya ang nararamdaman niya kay Brax. Hindi siya handa na ipagkalat iyon. Ayaw niyang masira ang relasyon nila ng bestfriend niya.
            Sa mga narinig niya kay Krishna ay labis na nagsisisi si Vienne. Hindi na niya alam ang kung anuman na nangyayari kay Brax dahil tama nga si Krishna. He had been isolating himself from his bestfriend because of what he felt for him. Hindi na siya makapagtanong ng kung anu-ano dito dahil takot siya na masaktan.
            Ang mga sinabi ba ni Krishna ang dahilan kung bakit uminom si Brax?
            "Ano bang pinagsasabi mo, Krishna? Hindi ko ina-isolate ang sarili ko sa bestfriend ko. Nagkataon lang talaga na busy ako. Kaibigan lang ang tingin ko kay Brax, wala nang iba pa," aniya, may pinalidad sa tono.
            "Iba ang kinikilos mo sa sinasabi mo."
            "Ano ba tala---."
            "Don't deny what you feel for him. You love your bestfriend more than that. Mahal mo si Brax in a romantic way. Nagseselos ka kaya ka lumayo sa kanya. `Wag kang magsinungaling dahil hindi ka magaling doon."
            "Hindi ako babae para pag-isipan mo ng ganoon na bagay, Krishna."
            "Hindi ka nga babae pero.." saglit itong tumahimik. "I know the likes of you, Vienne. Katulad mo rin si Kuya Rye ko kaya alam ko ang sinasabi ko. Hindi ka nga babae pero halata sa iyo na higit pa doon ang nararamdaman mo kay Brax."
            Yumuko na lang siya. Wala nang dahilan para tumanggi pa siya sa isang bagay na obvious naman na pala. Unang pagkakataon na pagkikita pa lamang nila iyon ni Krishna ngunit agad na nitong napuna ang bagay na itinatago niya.
            "Hindi na ako tatanggi. Mahal ko nga si Brax nang higit pa sa pagiging bestfriend. Na-realize ko `yon n'ung mga panahon na wala siya sa tabi ko. Na-realize ko na mahal ko siya at nagseselos ako kasi ikaw ang kasama niya."
            Hindi nagsalita si Krishna. Tiningnan niya ito. A triumphatic smile slowly curve in her lips. Masaya ba ito sa nalaman nito?
            "I'm happy to hear that," anito. Confirmed nga.
            "`Wag mong ipagkakalat ang nalaman mo, Krishna. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Brax dahil sa nararamdaman ko sa kanya."
            "Hindi ako daldalera para magkalat ng bagay-bagay, Vienne. Masaya nga ako na marinig mula sa `yo ang bagay na `yon."
            "Bakit ka masaya? Pwedeng paki-explain? Paanong break na kayo ni Brax? One month pa lang kayo. Masyadong.."
            "Basta masaya ako!" Makahulugan nitong sagot. Maririnig rin ang excitement sa boses. "Kasasabi ko pa lang sa `yo kung bakit. May iba na ngang mahal si Brax, given na minahal niya nga ako pero mas matindi ang pagmamahal niya sa isang tao na na-realize niya kamakailan lang. And I'm so proud that I'm the one who help him for realizing it."
            "Paano?"
            "Stop asking, Vienne," anito saka siya tinalikuran.
            Naiwan naman siyang nakasunod ang tingin dito.
            Maya-maya ay natauhan si Vienne sa pagsunod ng tingin kay Krishna. Imbes na magtungo sa pwesto nila ay dumiretso siya sa comfort room ng bar. Agad niyang ginawa ang pakay doon. Naghuhugas na siya ng kamay nang may pumasok na isang lalaki. Nang tingnan niya iyon ay nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Awtomatiko siyang napangiti.
            "Dito ka lang pala, Vienne," anito nang mapansin siya.
            "Kumusta Austin? Anong ginagawa mo rito?"
            "Sinusundan ka."
            Nagulat siya sa sinabi nito. "Si-sinusundan? Kailan ka pa naging stalker? Umayos ka nga, Austin."
            Sumimangot naman ito saka siya tinabihan. Hinugasan nito ang kamay nito bago siya sagutin. "Kasama ko `yong kaibigan ko kuno."
            "Kaibigan mo kuno? Sinong kaibigan? Sabihin mo sa akin ang pangalan."
            "`Wag na, Vienne."
            Nagkibit siya ng balikat. "Okay. Ikaw ang bahala." Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa saka pinunasan ang basang kamay. "Sige. Una na ako, hinihintay na ako ng mga kasama ko."
            "`Wag ka munang lumabas. May sasabihin pa ako," sabi nito.
            "Ano naman ang sasabihin mo?"
            "About my fee---"
            Hindi na nito natapos ang sasabihin nito nang basta na lang may pumasok sa comfort room. Tinatawag ang pangalan nito.
            "Austin! Ang tagal mo naman," sabi ng lalaki na natigil nang makita silang dalawa ni Austin.
            Matamis itong ngumiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. Kung sobra ang ngiti ni Theo ay ganoon naman kapakla ang pagkakasimangot ni Austin.
            "Magkasama kayong dalawa?" Hindi niya mapigilan na itanong.
            "Obviously," ani Austin saka lumabas.
            "Anong nangyari d'un?" Takang tanong niya kay Theo.
            "Inaatake ng mood swing. Pagpasensyahan mo na ang boyfriend ko. May topak," pahabol nito na nagpanganga sa kanya.


AGAD na hinanap ni Brax sa likod ni Krishna kung nakasunod si Vienne rito. Nang hindi niya makita na kasama nito ang bestfriend na mahal niya ay hindi na siya nakatiis. Nagtanong na siya.
            "Nasaan si Vienne?"
            Nakangising tiningnan siya nito saka tumabi sa boyfriend nito. "Sa labas pa yata. Iniwan ko, eh."
            "Bakit mo iniwan?" Gulat na tanong niya dito. "Baka saan `yon pumunta. Baka anong mangyari sa kanya?"
            Nanlalaki ang mata na tiningnan siya nito. Natawa naman si Andrew sa reaksyon niya.
            "`Wag kang OA, Brax. Over protective lang sa bestfriend mo na mahal mo. Para kang ewan."
            "Tama si Krishna, Brax. Napaghahalata ka masyado." Pagsang-ayon ni Andrew.
            "Magtatapat rin naman ako sa kanya kaya okay lang na maging OA ako. Okay lang na maging over protective ako. Nasaan na ba si Vienne? Hahanapin ko nga siya."
            Akmang tatayo na siya nang magsalita si Krishna na natatawa na. "Ang OA, grabe. Sa nakikita ko sa `yo, mas malala ang tama mo sa bestfriend mo kaysa sa akin. Parang gusto kong magselos tuloy," sabi nito. Mababakasan ng pagbibiro ang tono.
            "`Wag kang magselos, babe. Ako naman ang magseselos kung ganoon," ani Andrew.
            Napailing na lang siya nang magtinginan ang dalawa. Makikita ang pagmamahal sa mukha ng bawat isa.
            "Nilalanggam ako dito," pagbibiro niya na nakakuha sa atensyon ng mga ito. "Nasaan ba si Vienne, Krishna?"
            "Sa CR lang. `Wag kang ewan, Brax. Gusto mong tulungan kita sa pagtatapat mo sa kanya?" Tanong nito.
            "No thanks. Kaya ko na `yong mag-isa."
            "Ayaw mong tulungan kita? Ikaw ang bahala. May nalaman pa naman ako sa kanya."
            Seryoso niyang tiningnan ito. "Kaya mo ba siya kinausap dahil doon?"
            Tumango ito. "Yes! At satisfied ako sa narinig ko sa kanya." Excited na sabi nito.
            "Sabihin mo sa amin, babe," pagsingit ni Andrew.
            "No. Ayoko, babe. Akin na lang `yon, sasabihin ko `yon kung magpapatulong sa akin si Brax. I have the key about his soon relationship with his bestfriend."
            "Kung makapagsalita ka, parang magiging positive ang magiging sagot ni Vienne sa pagtatapat ko sa kanya."
            "Positive thoughts. Narinig mo naman ang drama ng Kuya Rye ko, hindi ba?"
            Tumango siya. Sa mga narinig niya kay Kuya Rye, isang bagay ang ayaw niyang mangyari sa kanya, ang matulad dito. Ang sabi niya nga ay willing na siyang mag-take ng risk. Positive o negative man. At kahit lahat na positive ang naiisip niya, okay lang. Kung hindi man magugustuhan ni Vienne ang pagtatapat niya sa totoong nararamdaman, okay lang. Magiging persistent siya sa gagawin niyang panliligaw dito hanggang sa makatanggap siya ng matamis na 'oo'. Hindi rin niya iisipin ang iisipin ng ibang tao if ever na ipakita niya sa harapan ng publiko ang gagawin niyang panliligaw kay Vienne. Wala siyang pakialam doon. Sanay na rin siya na hindi pinapansin ang sasabihin ng iba, iyon pa kaya.
            Speaking of Kuya Rye, basta na lang itong umalis sa mesa nila nang hindi man lang nagpapaalam sa kapatid nito o sa kanila. Hinayaan na lang ito ni Krishna dahil iyon naman ang gusto ng kapatid nito. Ang mag-isa at magsenti sa nararamdaman nito.
            "At siguro, ayaw mo naman na matulad ka sa kanya."
            Tumango siya. "Ayaw ko nga. Kaya nga gagawin ko na sa lalong madaling panahon ang pagtatapat kay Vienne, at gagawin ko `yong mag-isa. Hindi ko kailangan ang tulong mo."
            "Ikaw ang bahala. Tandaan mo na nandito lang ako. I'm willing to help."
            Hindi na ito nagsalita pagkatapos niyon. Nag-usap ang magsyota na parang may sariling mundo. Siya naman ay inabala ang sarili sa paghihintay sa pagbalik ni Vienne. Nang hindi makatiis ay tumayo siya at nagpaalam sa dalawa na hindi naman siya pinansin.
            Tinahak niya ang direksyon patungo sa comfort room. Paliko na siya nang makasalubong niya ang nakabusangot na mukha ni Austin.
            "Austin," tawag niya dito.
            "Ikaw pala, Brax," pag-aknowledge nito.
            "Nakita mo ba si Vienne?"
            "Sa comfort room." Ang matipid nitong sagot.
            Napansin niya ang lungkot sa boses nito pero hindi niya iyon pinansin. Hindi naman siya close dito para mag-usisa ng bagay na wala naman siyang kinalaman. Lalampasan na sana niya ito nang magsalita ito.
            "Brax, may sasabihin ako."
            "Ano?"
            "I like Vienne at may balak akong ligawan siya."
            Kumunot ang noo niya. Agad na nawala ang friendly aura niya sa sinabi nito. Maliban kay Ambrose ay may isa pa pala siyang karibal sa katauhan nga ni Austin.
            "Kung ako sa `yo, `wag mo nang ligawan si Vienne. Akin na siya, eh," may diin na sabi niya saka ito tuluyang nilampasan.
            Hindi pa nga siya nakakalayo ay nakasalubong niya si Theo.
            "Anong ginagawa mo dito?"
            "Nakita mo ba si Austin?"
            Halos magkasabay na tanong nila sa isa't-isa.
            "Kasama mo si Austin? Akala ko may pinuntahan ka? Dito ba iyon?"
            "May pinuntahan nga ako at kina Austin iyon."
            "Close kayong dalawa?"
            "Nitong nakaraang araw lang." Mabilis na sagot nito. "Saan ba siya nagpunta?"
            "Ewan. Kung ka-close mo siya. Pakibantayan para sa akin. `Wag siyang lalapit kay Vienne, akin na ang bestfriend ko."
            Napanganga ito sa sinabi niya ngunit agad din na nakabawi.
            "What do you mean? Don't tell me.." natigilan na naman ito. "God! In-love ka kay Vienne. Kaya ka ba nakipag-break kay Krishna dahil sa kanya? Hindi ako makapaniwala. Akala ko hindi ka magkakagusto sa kanya dahil pure ang friendship n'yo at walang malisya." Hindi makapaniwalang sabi nito saka tumawa.
            Naiinis na binatukan niya ito. Napaigik naman ito.
            "Talagang tinotoo mo ang sinabi mo na pagtatawanan mo ako kapag nain-love ako kay Vienne. Adik ka talaga!"
            "Sinabi ko naman sa `yo na gagawin ko talaga `yon. Pero shit ka talaga, Brax! Ang brutal mo, ang sakit ng pambabatok mo sa akin. Maiwan na nga kita dito. By the way, nasa loob ang mahal mo, don't do anything drastic inside, huh, Brax. Pumili ka ng lugar na dapat n'yong gawan ng kahalayan."
            "Gago!" Babatukan sana niya ito ngunit agad naman itong nakatakbo palayo sa kanya saka tumawa nang malakas.
            "I tell this to the others, my friend. Goodluck sa lovelife mo!" Pahabol pa nito saka lumiko.
            Naiiling na lang siya na pumasok sa comfort room. Naabutan niya si Vienne na inilalagay sa bulsa ang panyo na ginamit nito na pamunas sa basang kamay. Nagtama ang paningin nila. Muli, nadama niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Sa mga oras na iyon ay isang bagay lang ang gusto niyang gawin lalo na at silang dalawa lang ang nasa loob ng comfort room. Gusto niyang halikan ang labi nito na malambot at mata..
            Natigil siya sa pag-iisip ng kung anong mahalay nang tawagin siya nito.
            "Brax."
            "Bakit?" Napalunok siya at kinalma ang sarili. "Gusto mo na bang umuwi, Vienne?"
            "Ikaw ba?" Balik-tanong nito. Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. "Sa pag-uusap namin ni Krishna kanina sa labas. Na-realize ko na hindi pala ako naging mabuting bestfriend sa `yo. Hindi ko na alam ang nangyayari sa iyo. I'm sorry dahil doon. `Wag kang mag-alala, I'll make it up to you."
           Napangiti siya sa sinabi nito. I'll make it up to you. "Anong gagawin mo para mabalik tayo sa dati, ma.." napahinto siya sa sasabihin sana.
            Wala pa ngang confession, mahal na talaga ang sasabihin mo, Brax! Ayos!
            "The old things," matipid na sabi nito.
            "O-okay."
            The old things. Kasasabi pa lamang niya sa sarili na negatibo o positibo man ang magiging reaksyon nito ay okay lang. He will think all the positive ideas. Old things. Sana kapag nagtapat siya dito ay walang magbago sa kanila. At sana, hinihiling niya nang sobra na may nararamdaman rin ito sa kanya.
            Wishful thinking, Brax. Wishful thinking.



CHAPTER FOURTEEN

`WAG kang mag-alala, I'll make it up to you.
            Paano niya gagawin ang bagay na iyon na katulad ng dati?
            Ang mga sinabi ni Vienne kay Brax nang nasa loob sila ng comfort room ang paulit-ulit na nasa isip niya. Nanggugulo. Kasunod pa ang katanungan kung paano niya gagawin iyon na katulad ng dati. Na wala siyang ilang at malisya na nararamdaman. Ang galing din niya kasing magsalita. Basta-basta na lang! Kung anu-ano ang sinasabi niya without thinking what might happen next. Masyado lang siyang.. Arghhh!
            Kung pwede lang niya talagang saktan ang sarili ay matagal na niyang ginawa. Masyado siyang ewan, sa totoo lang! Pero nasabi na niya ang mga iyon at hindi na niya pwede pang bawiin pa. Gagawin na lang niya ang ginagawa niya ngayong gabi. Itutuon niya ang isipan na ginagawa niya ang mga ganitong bagay dahil bestfriend siya ni Brax at hindi bilang nagmamahal dito in a romantic way.
            Pero magagawa ba niya ang dati sa senaryo na katulad ngayon? Kanina pa siya tinitingnan ni Brax. At ang mga tingin nito ay sobrang sidhi na parang may gustong gawin na gusto rin niya. Iba ang pinapakita ng tingin at kilos nito. Parang may something at ikinakabahala niya iyon. Iniisip niya na epekto lang iyon ng alak pero naisip niya na malakas ang alcohol tolerance ni Brax. Hindi ito basta-basta nalalasing dahil sa maagang edad ay umiinom na ito. Ilang taon? Thirteen!
            Kaya naman naiisip rin niya na alam nito ang ginagawa nito. Ang pagyakap sa kanya, pagkabig palapit dito at ang paglalapat ng labi nito sa kanya na una sa sulok ng labi at sunod sa labi na mismo.
            Gusto man niyang kiligin at mag-assume ay pinigilan niya ang sarili. Bawal iyon. Masama! Masama para sa katulad niya na.. alam mo na. Dahil in the end ay siya lang ang masasaktan.
            "Uuwi na kami ni Andrew, Brax," sabi ni Krishna.
            Saka lang nawala ang titig sa kanya ni Brax nang bumaling ito kay Krishna.
            "Okay. Sige, mag-iingat na lang kayo. Dito na muna kami ni Vienne. Mamaya na kami uuwi."
            "Okay," bumaling sa kanya ang babae. Makahulugan ang tingin ang ibinigay nito sa kanya. Hindi niya iyon pinansin. Alam naman niya na kung ano ang ipinapahiwatig nito sa kanya. "Sige, ba-bye na. Ingat kayong dalawa, ah."
            Sabay silang tumango ni Brax. Sinundan na lang nila ng tingin ang papalayong mag-syota. Palaisipan pa rin sa kanya ang sinabi ni Krishna tungkol sa bagong mahal ni Brax. Gustuhin man niyang mag-usisa ay pinigilan niya ang sarili. Hihintayin niya si Brax na magkwento sa kanya. Though alam niya na masasaktan siya.
            "Hindi pa ba tayo uuwi, Brax? Late na rin. Hindi na ako makakapasok nito sa bahay." Ang sabi niya, magkaroon lang ng depriviation sa iniisip niya.
            "Wala namang problema `yon, Vienne. Sa bahay ka matulog, sa kwarto ko, sa kama ko, sa tabi ko."
            Hindi siya nagsalita. Kung iba-iba siguro ay matutuwa sa suhestiyon nitong iyon. Pero siya hindi nabibilang sa 'iba-iba' na iyon dahil malaking bagay para sa kanya kung sakaling makakatabi niya ito. Hindi na katulad ng dati ang dati. Ang gulo lang, eh. Iba na ang noon sa ngayon lalo na sa parte niya.
           Pero kahit na tutol siya roon, sa gusto nitong mangyari, wala siya sa lugar na mag-inarte ngayon. Ayaw na niyang umuwi sa kanila dahil nangangamba siya na baka nandoon na ang mama niya at makita siya na kararating pa lang. Magagalit na naman iyon sa kanya. Bagay na malaki ang katiyakan niya. Kailan ba naman naging nice sa kanya ang mama niya? Wala naman. Never pang nangyayari iyon.
            "Gusto mo na bang umuwi?"
            "Ikaw ba?"
            "Ikaw ang tinatanong ko. `Wag mong ibalik sa akin ang tanong kasi kung ako lang, ayoko pa. Gusto ko pa dito, eh. Gusto ko pa.."
            Natigilan na naman ito. Katulad lang kanina sa loob ng comfort room. May sasabihin sana ito na nagsisimula sa 'ma' pero hindi itinuloy. Ngayon naman.. Lihim siyang napailing.
            Ang weird lang ng kinikilos nito. At kanina pa iyon. Sa paraan ng pagkilos, sa kabuuan nito.
            "Uwi na tayo," sabi nito maya-maya. "Ikaw na ang mag-drive ng motor ko, ah."
            Sumang-ayon siya. "Okay. No probs, Brax. Hindi naman kita papayagan na ikaw ang mag-drive. Nakainom ka kaya."
            "`Buti naman," nakangiting sabi nito.
            Lumabas na sila ng bar. Nang makarating sila sa parking area ay agad naman niyang nahanap ang motor. Siya ang unang sumakay dahil siya nga ang magda-drive. Nang sumakay si Brax ay napapitlag siya nang basta na lang siyang yakapin ni Brax nang mahigpit. Kinalma niya ang sarili. Baka mawala na naman siya sa focus at gumewang-gewang na naman sila.
            "A-ang higpit naman ng yakap mo, Brax."
            "May malisya ba ito sa `yo, Vienne?"
            Nauulit lang ang dating senaryo nila. Same conversation, same..
            "Wala naman. Sige, higpitan mo na ang yakap mo. Nakainom ka pala," palusot na lang niya.
            At iyon nga ang ginawa nito. Hindi pa nagkasya at ipinatong pa ang mukha sa balikat niya.

PAGKARATING nila sa tapat ng bahay nina Brax ay kapansin-pansin para kay Vienne ang mga kilos ni Brax. Imbes na kasi bumaba na ito ay hindi pa nito ginawa. Nanatili lang itong nakayakap sa kanya. Hindi ipokrito si Vienne para sabihin na hindi niya gusto ang ginagawa nito. Ang totoo ay gustong-gustong-gusto niya ang nangyayari. Kung pwede nga lang na hindi na ito matapos ay okay lang sa kanya. Ngunit hindi naman pwede. Iniisip niya ang sasabihin ng mga kapitbahay nila na makakati ang dila. Wala naman na masyadong tao sa labas dahil alas dose na ng hatinggabi. Ngunit kailangan niyang makasigurado, mahirap na.
            "Brax.." tawag niya sa pansin nito.
            "Hmmm.."
            "Dito na tayo sa harap ng bahay n'yo."
            "Dito na ba?" Tanong nito pero hindi pa lumalayo sa kanya. Hindi nga magawang imulat ang mata.
            "Pwede mo na akong bitawan, Brax. Pwede ka nang bumaba."
            "Can we just stay like this for a while, Vienne. I like the feeling of embracing you like this. Parang ayaw ko na nga ring matapos ito."
            Sa sinabi nitong iyon ay natigilan siya. Pareho lang ang nararamdaman nila pero magkapareho nga ba? Alam niya kung ano ang pagtingin na inuukol sa kanya ng bestfriend niya. Hindi katulad ng nararamdaman niya ang nararamdaman nito. Magkaiba ang degree niyon.
            Gusto ko rin naman na maging ganito tayo pero hindi naman pwede, eh. Mas lalo akong nagkakagusto sa ginagawa mo ngayon. Konting-konti na lang at baka sumabog na ako. Maawa ka naman sa puso ko. Mas mahalaga pa rin sa akin ang pagkakaibigan natn kaysa sa pagmamahal na nararamdaman ko sa `yo.
            "Vienne," tawag nito sa kanya.
            "Bakit?"
            "Kapag may sinabi ako sa `yo na isang bagay hindi ka ba magagalit?"
            "Ano ba ang sasabihin mo na bagay? Bakit naman ako magagalit? Ikagagalit ko ba iyon?" Sunod-sunod niyang tanong.
            "Sa ibang araw na lang. Hindi ito ang tamang panahon para roon. Sa ngayon, ang asikasuhin muna natin ay ang pagsundo kay Coby."
            "Ikaw ang bahala," sabi niya. Inaamin niya na nakadama siya ng kaunting disappointment sa pag-iiba nito ng usapan ngunit iniisip na lang niya na may tamang pagkakataon para sa bagay-bagay.
            Inalis nito ang pagkakayakap sa kanya at bumaba ng motor. Nakadama si Vienne ng kaunting pagkadismaya. Ayaw niya talagang maputol ang ganitong sandali na magkalapit sila ni Brax.
            "Bubuksan ko na ang gate," anito.
            Tumango siya. Nang mabuksan nito ang gate ay ipinasok na rin niya ang motor.
            Nang masigurado ni Vienne na nasa maayos na kalagayan na ang motorsiklo, sumunod na siya kay Brax na nakatayo lang sa pintuan at tila hinihintay talaga siya.
            "Sabay na tayong pumasok."
            "Ang sigurista mo yata ngayon."
            "Baka kasi umalis ka bigla, eh. Gawain mo iyon, hindi ba?"
            Napangiti siya.
            Ngunit ang ngiti sa labi niya ay agad ding nawala nang makita ang seryosong tingin na ibinibigay sa kanya ni Brax.
            "Ba-bakit?"
            Umiling ito. "Nothing. Pasok na tayo," anito.
            "Alam mo ang weird mo talaga," aniya.
            "Epekto ito ng alak, Vienne."
            "Hindi ka naman lasing, nakainom lang."
            "Basta epekto ito ng alak," giit nito.
            "Ikaw nga ang bahala."
            "Para sa `yo, Vienne? Anong lugar ang pinaka-memorable na napuntahan natin?" Out of the blue na tanong nito.
            "Pinaka-memorable?"
            Agad na pumasok sa isipan niya ang playground ng school.. ang lugar kung saan sila unang nagkakilala. Ang lugar kung saan nagsimula ang pagiging mag-bestfriend nila. Ang lugar kung saan..
            "Ang playground sa school."
            Ngumiti ito. Ngiti na nagpatigil sa kanya. Malinaw rin niyang nakikita ang kislap sa mata nito nang sabihin niya iyon. Tumigil din ito.
            "Iyon rin ang memorable na lugar sa akin, Vienne. Doon tayo unang nagkakilala. Doon kita.." tumigil ito.
            Kahit hindi na nito ituloy pa ang sasabihin, alam na niya iyon.
            "Matulog na tayo. Inaantok na ako," sabi niya para maiwasan ang awkward moment na sinimulan nito.
            "Mas mabuti pa nga," sang-ayon nito saka siya hinila patungo sa kwarto nito.


PAGKARATING nila sa kwarto na agad na humiga si Brax sa kama nito. Nanatili namang nakatayo si Vienne at tiningnan ito. Nakapikit na ang mata nito kaya malaya siyang pagmasdan ang gwapong mukha nito.
            Nagmulat ito ng mata kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Umupo ito sa kama at tiningnan siya.
            "Bakit nakatayo ka lang dyan? Halika na dito, matulog na tayo," yaya nito sa kanya.
            "Hindi ka ba magbibihis?" Tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.
            "Hindi na," anito sabay tanggal sa suot na jacket.
            Tumayo ito saka hinubad naman ang suot na jeans. Leaving him only wearing his white shirt and his gray boxer shorts. Lihim niyang kinastigo ang sarili sa ginawang pagsipat sa kabuuan nito.
            Takte `yan, Vienne! Napaghahalata ka sa ginagawa mo! Umayos ka!
            Iniwas niya ang tingin dito. Dapat pala hindi na siya nagtanong ng ganoon. Sana wala siyang problema ngayon. Aktong maghuhubad na rin ito ng suot na damit nang bigla siyang mataranta.
            "`Wag ka nang maghubad!"
            Nagtatakang tiningnan siya nito. "Bakit? Kanina ko pa ito suot na damit. Marami na `tong germs."
            Takte! Bakit nga ba? Alangan namang sabihin niya dito na nagdo-drool siya dito kaya ayaw niyang maghubad ito. Nadedemonyo ang utak niya. Napupuno ng malalaswang imahen nito.
            "Si-sige, hubarin mo `yan na damit mo pero palitan mo," aniya.
            "Sinasabi mong weird ako, ganoon ka rin. Don't tell me na affected ka na sa paghuhubad ko."
            Natumbok mo! "Hindi kaya!"
            "Eh, bakit ganyan ang reaksyon mo? Weird."
            "Eh, bakit gusto mo ng sagot? Gusto mong pagnasaan kita?"
            Ngumiti lang ito saka tuluyang hinubad ang damit at tinalikuran siya. Nagtungo ito sa harap ng drawer nito at kumuha ng sando na agad na sinuot.
            Humarap ito sa kanya. "Okay na ba?"
            Sinamaan niya ito ng tingin. "Umayos ka, Brax! Kung pagti-trip-an mo lang ako, mas mabuti pa na umalis na lang ako."
            Nabahala ito. "Hindi ako nangti-trip!"
            "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
            "Pagpapakita ng kasiyahan."
            "Kasiyahan mong pagmumukha mo!"
            Tumawa ito saka lumapit sa kanya. Bago pa ito makalapit ay pasimple na siyang lumayo dito. Dumiretso siya sa harap ng drawer nito at kumuha ng damit na pamalit niya. Sanay na ito sa kanya na nangingialam ng gamit nito. Pareho lang naman silang dalawa na pakialamero sa gamit ng isa't-isa.
            "Brax, may tanong ako?"
            "Ano?"
            "Bakit kayo nag-break ni Krishna? Sino ang nakipag-break?"
            "Ako. I fell out of love and I realized that I'm loving someone else."
            "Bakit ang bilis naman yata?" Muli niyang tanong.
            Vienne tried his very best to hide the pain that he was feeling at the moment. Bukod pala kay Krishna ay may iba itong mahal.
            "Hindi ko rin naman alam na ganoon din kabilis na mawawala ang pagmamahal ko kay Krishna. Naiisip ko nga na baka dumating siya sa buhay ko para malaman ko ang totoong worth ng taong iyon. Hindi rin lang naman kasi ako ang nawalan ng pagmamahal para sa kanya, pati siya. Na-realize rin ni Krishna na mas mahal niya kaysa sa akin ang bestfriend niya."
            "Bestfriend ni Krishna si Andrew?"
            "Oo. They were bestfriend."
            Tumango-tango siya. "Eh, ikaw? Sino naman ang taong mahal mo?" Lakas-loob niyang tanong. "Kilala ko ba siya?"
            Brax just looked at him in the eyes. Nagkatitigan sila. Siya ang unang nagbawi dahil hindi niya kaya ang sidhi ng tingin na ibinibigay nito sa kanya.
            "Kilalang-kilala mo siya Vienne. Kilalang-kilala."
            Hindi siya nagsalita. Kilalang-kilala. Sino kaya iyon? Isipin pa lang niya ay nasasaktan na siya. Wala talaga siyang pag-asa sa bestfriend niya. Siguro, hanggang tingin lang siya dito talaga. Hanggang pangarap lang niya si Brax. Hindi naman kasi magiging sila. Malabo iyon. Sobrang labo.
            Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang nararamdaman mo, Vienne? Tanong ng bahagi ng pagkatao niya.
            Paano ko sasabihin? Ayokong sabihin. Baka kapag sinabi ko sa kanya, matapos ng parang isang bula ang pagkakaibigan namin. Si Brax, bukod kay Coby ang isa sa taong pinaka mahahalaga sa akin.
            `Di ba, sabi nila, ang pagmamahal ay parang isang sugal. If you don't gamble, you will not know what will happen next.
            "You're phasing out again, Vienne," ani Brax na nagpatigil sa pakikipag-debate niya sa sarili.
            "May naisip lang ako," aniya saka tipid na ngumiti. "Ipapakilala mo ba sa akin ang taong mahal mo?"
            Ngumiti si Brax nang makahulugan. "Hindi na iyon kailangan. Sabi ko nga, kilala mo na siya, kilalang-kilala."
            "Ikaw ang bahala. Basta dito lang ako para suportahan ka."
            "Salamat kung ganoon. Mahal kita, Vienne. Mahal na mahal."
            Natigilan siya. Napatitig siya dito. Vienne! `Wag kang assuming. Mahal ka niya bilang kaibigan. Hanggang doon lang iyon. Don't think too far. Stop thinking things beyond its boundary. Bawal iyon. Bawal!
            Natauhan siya sa pagpapaalalang iyon.
            "Mahal din kita. Bestfriend kita, eh." Nakangiting sabi niya.
            Muli, natigilan siya. Siya lang ba iyon. Siya lang ba? Nakita niya ang disappointment sa mukha nito ngunit agad ring nawala iyon.
            "Yeah. Mahal natin ang isa't-isa," anito. "Matulog na tayo, Vienne."
            "Mabuti pa nga."
            Naunang humiga si Brax. Nagbihis muna si Vienne bago siya tumabi dito. Inaamin niya na nakadama siya ng pagkailang sa pagbibihis sa harapan nito ngunit itinago niya iyon. Kailangan niya kasing kumilos ng casual sa harapan nito.
            Nang makapagbihis ay agad siyang tumabi rito.
            Pinagmasdan niya ang puting kisame ng kwarto nito na may mga nakadikit na glow in the dark na iba't-iba ang hugis. Isa iyon sa bagay na gusto niya kapag nasa kwarto siya ni Brax. Mae-enjoy mo kasi ang mga hugis na iyon at mamalayan mo na lang na inaantok ka na sa kakatitig doon.
            Tumayo si Brax at pinatay ang ilaw. Lumiwanag ang mga glow in the dark. Tanging ang ilaw na nagmumula sa lampshade na nasa mesa na nasa tabi ng kama nito ang ilaw nila.
            "Vienne."
            "Hmmm.."
            "Kung yayakapin ba kita ngayon, magagalit ka?"
            "Ikaw? Kung yayakapin ba kita ngayon, magagalit ka?" Balik-tanong niya dito.
            Gumalaw si Brax. Tumagilid at tiningnan siya. Tumagilid din siya at humarap dito.
            "I won't mind. Iyon naman kasi ang gusto ko na gawin mo."
            Tiningnan lang niya ito. Namalayan na lang niya na lumalapit na siya dito. Kasunod ang pagyakap dito nang mahigpit. Wala siyang narinig na pagkontra dito.
            Nakadama ng kaginhawaan si Vienne habang yakap si Brax. Naramdaman niya ang pagganti nito ng yakap sa kanya. Napangiti siya sa ginawa nito. Nagpapasalamat siya dahil wala ditong malisya ang ganitong bagay. Malaya siyang nagagawa ang maging sweet dito na hindi nangangamba sa reaksyon nito. Siya lang naman kasi ang sobrang natatakot na mabisto nito. Siya lang naman kasi ang sobrang mapagbigay ng malisya sa bagay-bagay.
            For now, he just savor the moment.
            Maya-maya ay napapikit na siya. Hinihila na siya ng antok nang maramdaman niya ang pagdampi ng malambot na bagay sa pisngi niya kasunod sa labi niya. Hindi na niya pinansin kung ano iyon.
            Kasabay niyon ang mga salita na hindi niya masyadong naintindihan. Ngunit narinig niya ang salitang 'love'.
            Pagkatapos niyon ay tuluyan na siyang nakatulog.
           

ITUTULOY.... 



17 comments:

  1. What happened in chapter 12? Last update was chapter 11 then 13&14

    ReplyDelete
  2. Ahhhhhhhhhh ang kilig2x go brax for the win waaaaah nicw one mr author

    ReplyDelete
  3. Naku mukhang malapit ng magandang tapat ng damdamin si Brax Kay Vienne. I'm looking forward for the next update.

    ReplyDelete
  4. Dalian mo Brax bago ka maunahan sa dalawa. Thanks sa update little Vienne. I envision you as a cute little guy with wits and genius. Take care.

    ReplyDelete
  5. Asan ung ch. 12? Nat 13-14 na agad?

    ReplyDelete
  6. waaaaaaaaaaaaaaaaaa next ep. pls omaygeeee go brax bilisan mo na mag tapat wag ka ng pa torpe torpe pa :D

    ReplyDelete
  7. super kilig author, para bunalik ako sa pagiging teen ager.

    ReplyDelete
  8. Hirap tlaga magsbi ng nararamdamab s isat isa heheheh

    Author sana wag u n lang. Muna alisin a austin until wala muna cla ni brax para kwela nice kc pagka pranka n austin.

    Shai

    ReplyDelete
  9. Asan ung chapter 12?

    ReplyDelete
  10. What the hell. Inunti unti ko pa yung pagbabasa. Akala ko magtatapat na. hina mo Brax. Amp :(((

    ReplyDelete
  11. Sir author
    i have this suggestion sana po medyo clear ung mga character kc in this par medyo nakakalito kung sino na ang nagsasalita and the good thing is maganda itong part na ito maraming salamat sa update sorie for the side commen thanks ..:)

    Mark_03

    ReplyDelete
  12. KILIG TO THE BALLS!!! Hehehe.. Anu ba Yan brax mgtapat kna.. Maunahan k ni Ambrose..kaw dn..

    Pra Kay vienne.. Ang haba ng hair mo. Hahaha.. 3 pogi ang may gusto sayo.. Can't wait for the next chapter..
    Mr. Author..panindigan mo Yan 2 chapters na e popost mo ha.. Hehe.. Galing mo tlga .

    .. PinatawA mo ko at pina kilig to the balls.. Tga bicol kba? Kc my mabalos ka sa authors note mo eh? Kung ganun..kababayan kta..hehe

    ReplyDelete
  13. Nice story but sna iwasan amg sobrang pag ka feminine ng bida, lalaki prn kc sya...

    ReplyDelete
  14. Ngayon ko lng nabasa. Pati yung updated chapters. Haay sila na ni Brax hanggang sa huli. Tiwala lang. Haha


    - chapter 9 anonymous kuya haha

    ReplyDelete
  15. Ngayon ko lng nabasa. Pati yung updated chapters. Haay sila na ni Brax hanggang sa huli. Tiwala lang. Haha


    - chapter 9 anonymous kuya haha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails