Followers

Friday, November 28, 2014

Beat of my Heart Chapter 11



AUTHOR’S NOTE


Salamat ng marami sa mga tong nagbabasa nito. Sa mga nagbigay po ng comment mula chapter 5-10. Angel, Kuya Alfred of T.O, Hardname, Drei, Valintin Olingay, Kris De Leon, at sa Anonymous sa chapter 7, Wayne at Gabriel. Last but not the least kay Kuyang Anonymous sa chapter 9. :)
Padagdag pa pala.. sa mga kuyang anonymous sa chapter 10. MATSALA! Gilrex Laurente, Shai at Jay.
   Thank you talaga ng marami!! Sa mga silent reader at lahat-lahat na!! lol

Maraming salamat din po sa mga taong ito na nakakausap ko sa FB.
 Mama Lalie, Faustino, Jharz Elemento at kay JM Perez (walang plugging.. xD)

            Siyempre. Hindi mawawala si Kuya Carlos.. Kuya!! Connected na tayo.. lol Salamat sa pagpayag ulit (redundant na to.)

Sa kapwa RA’s ko po. Makiki-HI na rin ako sa kanila. Rye Evangelista, Prince Justin Dizon, Cookie Cutter, Apple Green at Gio Yu..

Pati kay Kuya Ponse at kay Sir Mike. Salamat sa privilege..

BTW, ang story po na `to, in a way ay connected sa kwento ni Kuya Carlos na on-going din ngayon. Hindi po sa story ni Prince Justin. ;)

At isa pa pala. Alam ko po na maikli ang kada chapter. Naka-fix na po sila. Nakakatamad mag-edit. xD. (Tamad lang.) Pero kahit na ganoon, sinisigurado ko na mag-a-update na ako kada tatlong araw para makabawi naman sa kaiksian nito :).

At sa nagtatanong kung sino si Austin, nasa isang chapter siya. Nakalimutan ko lang kung anong chapter.. xD

Pasensya po sa kaguluhan ng chapter na ito at sa mga susunod pa.


MABALOS!!





CHAPTER ELEVEN

NASA dating school niya noong elementary si Vienne. Nandodoon siya dahil sa kanyang lola. Sinamahan niya ito na puntahan ang mga dating co-teachers para mabisita nito. Wala naman siyang ginagawa sa bahay nila dahil araw ng Biyernes at wala siyang klase kapag ganoon na araw.
            Nagpaalam siya rito nang maihatid niya ito sa pupuntahan nito. Naglakad-lakad siya. Pinagsawa ang kanyang mata sa mga bagay na nakikita na pamilyar na sa kanya. Tanawin na hindi maaalis sa isipan niya hanggang tumanda siya.
            Nauwi siya sa playground ng school. Mukha pa ring bago ang mga palaruan dahil sa bagong pintura iyon. Umupo siya sa isang bench. Inilibot niya ang kanyang paningin.
            Napangiti si Vienne nang maalala ang isang pangyayari sa nakaraan na hinding-hindi niya malilimutan. Ang araw kung saan nakilala niya si Brax.

            Nasa isang sulok lamang ng playground ng paaralan ang pitong taong gulang na si Vienne. Sapat na sa kanya ang mag-isa roon at tingnan ang mga classmate niya na masayang naglalaro ng habulan. Ayaw niyang sumali sa mga ito dahil alam niya na palagi lang siyang matataya at sa huli kapag hindi nakahuli ay masasabihan ng kung anu-ano. Katulad ng pagiging lampa at malamya.
            Aminado naman si Vienne na lampa siya dahil madalas ay lagi siyang napapatid at minsan ay nadadapa. Tuwing sumasali siya sa mga ito ay siya palagi ang natataya at hindi makahabol sa mga ito. Madali kasi siyang mapagod at kung hingalin ay parang kabayo. Palagi rin siyang unsure sa mga bagay na ginagawa niya. Aminado rin siya na malamya siya kung kumilos dahil lumaki siya na laging napupuna ng kanyang mama ang mga kilos niya. Kaunting galaw ay agad nitong napupuna at minsan pa kapag nagkamali siya ay nagiging dahilan pa ng kurot at palo mula rito.
            Hindi siya lumalaban tuwing kinukutya at inaaway siya ng mga kaklase niya na mahilig mam-bully dahil katulad ng sabi niya ay aminado siya roon. Isa pa ay ayaw niyang masaktan at magkaroon ng pasa. Lagi rin niyang ipinapasok sa isip ang bilin sa kanya ng lola niya na umiwas na lang sa mga taong ganoon. Wala naman daw kasi siyang magagawa kahit na magpaliwanag pa siya lalo na kung makitid ang utak ng taong iyon. Tama naman ito kaya niya sinusunod.
            Mula sa pagtingin sa mga ito. Nagkasya si Vienne na maglaro nang mag-isa sa laruan na ibinigay sa kanya ng lola niya. Laruang kotse iyon na binili pa nito sa isang mall na malapit sa kanila. Masaya na siya sa ganoon. Masaya na siya na maglaro ng mag-isa kaysa ang mapuna na naman ng iba.
            Umupo siya sa isang bench nang magsawa sa paglalaro ng laruan niya. Boring ang maglaro nang mag-isa ngunit kailangan niyang sanayin ang sarili. Matagal naman na siyang sanay pero hindi niya lang talaga maiwasan ang malungkot. Kung sana ay meron siyang kalaro na paglalaro lang ang pakay sa kanya at hindi mapupuna ang kalamyaan at pagiging lampa niya.
            Muli niyang tiningnan ang mga classmate niya na walang sawa pa rin sa paghahabulan. Napapangiti na lang siya tuwing natataya ang ibang classmate niya. Napapangiwi naman kapag may nadadapa at muling ngingiti tuwing babangon ang mga iyon mula sa pagkakadapa. Sana ay ganoon din siya. Sana nga..
            "`Sali ka sa laro namin, Vienne," anyaya sa kanya ng isa sa mga classmate niya.
            Marahan siyang umiling. "Ayoko. Tama na sa akin ang panoorin kayo." Ang magalang niyang tanggi.
            "Sige. Ikaw ang bahala. Kung gusto mo sumali sa `min, lapit ka lang," anito.
            Napangiti na lang siya. Isa si Neo sa masasabi niyang mabait sa kanya.
            "`Wag mo nang yayain si Vienne, Neo. Lampa `yan. Lagi lang madadapa `yan. Lampa!" Ang pagsingit ng isa.
            Napayuko siya sa sinabi nito. Parang gusto niyang maglaho sa harap ng mga ito. Hindi makarinig para hindi niya marinig ang tawanan. Sanay naman na siya sa ganoon ngunit hindi niya pa rin maiwasan ang malungkot at masaktan. Kailangan bang paulit-ulit na sabihin ng mga ito sa kanya ang ganoon. Ipamukha ang mga bagay na alam na niya.
            Kasasabi pa lang niya sa sarili na aminado siya roon ngunit kailangan ba na ganito. Pasimple niyang pinunasan ang luha na tumulo sa kanyang pisngi. Katulad ng dati pinili niya ang manahimik.
            Muli niyang kinuha ang laruan sa kanyang bag. Doon na lamang niya ibabaling ang nararamdaman niya. Para hindi na marinig ang mga tawanan ay nagpasya siyang tumayo mula sa bench. Lumayo siya sa mga ito at muling gumawa ng sarili niyang mundo. Kinuha niya ang kanyang bag at mabilis na naglakad palayo sa mga ito.
            Nang hindi na niya marinig ang tawanan ay saka lang siya huminto ngunit hindi pa pala tapos ang kalbaryo niya para sa araw na iyon. May nakasalubong siya na estudyante na higit na malaki sa kanya. Grade two pa lang siya. Sa tantiya niya ay nasa grade three na ito.
            Iiwas sana siya para hindi nito mapansin ngunit huli na.
            "Ang ganda naman ng laruan mo! Akin na lang `yan!"
            "Hi-hindi pwede," sabi niya, sabay tago ng laruan na hawak sa kanyang likuran. Kung sinabi nito na pahiram ay baka ibigay niya iyon dito. Pero hindi iyon ang sinabi nito kundi 'akin na lang'. Parang gusto talagang angkinin ang laruan niya. Bagay na hindi naman pwede dahil mahalaga sa kanya ang laruan.
            "Anong hindi pwede?!" Halos pagalit na tanong nito. "Akin na `yan!" Ang sabi nito saka lumapit sa kanya.
            Pilit na kinuha sa kanya ang laruan. Dahil sa mas malaki ito sa kanya ay nakuha nito ang pakay. Nang makuha nito iyon ay agad itong tumakbo palayo sa kanya. Hinabol naman niya ito. Sadyang mabilis ito at mahina lang siya tumakbo kaya hindi niya ito maabutan.
            Huminto ito, hindi kalayuan sa kanya.
            "Kunin mo sa `kin kung kaya mo! Ang bagal mong tumakbo!' Pangungutya pa nito.
            Muli siyang tumakbo palapit dito ngunit hindi niya ito naabutan.
            Nadapa siya sa kakahabol dito. Agad siyang nakadama ng kirot sa kanyang tuhod nang tumama iyon sa matigas na bagay. Pati nga ang katawan niya ay sumakit.
            "Ang lampa mo pala! Hindi ka na nga makahabol, nadapa ka pa!" Pangungutya nito.
            Tuluyan na siyang napaiyak. Masakit na ang pisikal na katawan niya dulot ng sugat sa kanyang tuhod. Ngunit mas masakit pa dahil sa emotional na aspeto. Kailan ba siya titigilan ng mga katulad nito.
            Bumangon ang galit sa kanyang puso. "Ibigay mo sa `kin `yan! Bigay `yan sa akin ng lola ko!" Asik niya. Wala na siyang pakialam kung mapagalitan man siya ng lola niya sa gagawin niyang pakikipag-away. Galit siyang tumayo at basta na lang ito itinulak. Dahil sa hindi nito inaasahan ang ginawa niya ay nagulat ito at napaupo.
            Nabitawan ng batang lalaki ang laruan. Agad niya iyong kinuha. Ibinalik niya rin sa bag para sigurado.
            Galit na tumayo ang lalaki. Malakas nitong ibinalya ang katawan niya sa damuhan. Napahiga siya roon. Muling tumulo ang luha niya.
            "Mabagal na tumakbo, lampa na. Iyakin pa. Bakla ka yata, eh! Bakla!!"
            Napaiyak siya nang tuluyan. Hinayaan niya na tumulo ang luha niya.
            Lumapit sa kanya ang batang lalaki. Kinwelyuhan siya nito at pinatayo hawak doon. Nagpatianod na lang siya. Nakita niya ang nakakuyom nitong kamao. Napapikit na lang siya. Hinintay na dumapo sa kanyang mukha ang kamao nito.
            "Anong sa tingin mo ang ginagawa mo sa kanya?!" Pagalit na tanong ng kung sino sa lalaki. Boses bata iyon.
            Natigil ang lalaki sa tangka nitong gagawin sa kanya. Binitawan siya nito. Hinarap ang lalaking nagsalita.
            Iminulat niya ang mata para tingnan kung sino ang taong magsisilbing tagapagligtas niya. Nakita niya ang isang batang lalaki na hindi nalalayo ang laki sa nambu-bully sa kanya. Natuwa ang batang puso niya.
            "Anong pakialam mo?! `Wag kang eeksena rito bata," pasigaw na sabi ng bully sa tagapagligtas niya.
            Hindi man lang niya nakitaan ng sindak ang mukha nito. "Nakikipag-away ka sa hindi mo ka-level! Mayabang ka lang porke't alam mo na kaya mo sila. Ako ang kalabanin mo."
            Nagsimulang magpalitan ng suntok ang dalawa. Sa huli ay nanalo ang tagapagligtas niya. Tumakbo naman palayo ang bully.
            Lumapit sa kanya ang lalaki.
            "Okay ka lang?" tanong nito.
            "Hindi," sagot niya sabay tingin sa tuhod na may sugat.
            Napaiyak siya dahil sa pag-aalala sa posibleng maging reaksyon ng mama at lola niya sa sugat niya. Alam niya na hindi siya sasaktan ng lola niya pero pagdating sa mama niya ay ibang usapan na iyon.
            "Uy, `wag ka nang umiyak. Wala na nambu-bully sa `yo. Okay na."
            Hindi pa rin siya natigil
            Nagulat na lang siya sa ginawa ng batang lalaki sa kanya.
            Hinalikan siya nito sa pisngi sunod sa kanyang labi. Natigil siya sa pag-iyak. Natutok ang kanyang paningin sa mukha nito.. kahit na musmos pa lang siya ay nakadama na siya ng kung anong saya sa puso niya.

            "Nakadama na ako ng kung ano sa puso ko," nasambit ni Vienne. Napabuntung-hininga na lang siya. Noon pa pala ay may pagtingin na talaga siya sa bestfriend niya. Ang paghangang nadarama niya kay Brax ay naging full-blown na pagmamahal na higit pa sa kaibigan dahil sa pagkakalayo nilang dalawa. At mas lalo pang sumisidhi iyon sa pagdaan ng mga araw dahil sa mga bagay na ipinapakita sa kanya ng mahal niyang bestfriend.
            Hindi pala si Ambrose ang first kiss niya kundi si Brax. Pero counted ba iyon? Masyado pa silang bata para masabi na una niyang halik ang kaibigan. Wala silang kamuwang-muwang sa mundo noong mga bata pa sila.

            "Bakit mo ginawa `yon?" Gulat niyang tanong.
            "Ang sabi kasi ng mama ko. Nawawala daw ang sakit kapag kinikiss mo ang taong umiiyak, kaya iyon kiniss kita. Wala na bang masakit sa `yo?"
            Napailing siya. "Wa-wala na," pagsisinungaling niya kahit may kirot pa siyang nadarama mula sa sugat niya.
            "Ano pala ang pangalan mo?"
            "Alvienne Santos. I-ikaw?"
            "Brax Garcia," nakangiting sagot nito. "Mula ngayon, Vienne. Ako na ang tagapagtanggol mo. At bestfriend na rin kita."
            Sa sinabi nitong iyon ay natuwa ang puso niya. Hindi siya tatanggi sa gusto nitong mangyari. Kung iyon nga ang kaso ay may sasandalan na siya at maaasahan tuwing nangangailangan siya ng tulong.

            Yeah. May nasasandalan na nga siya. Lagi niyang naaasahan si Brax kahit na sabihin pang minsan ay siya ang gumagawa ng bagay sa pagitan nila pero bumabawi na ito sa kanya ngayon dahil sa pagkakalayo nila ng higit sa isang buwan dahil sa pagkakaroon nito ng girlfriend. Lagi siyang nakadepende rito kaya naman nagkagusto siya sa bestfriend niya. Hindi na nga lang pagkakagusto kundi pagmamahal na.
            Kung sana ay ganoon kadali na makalimutan niya ang nararamdaman niya para rito. Ayaw niyang magkalamat ang relasyon nila ni Brax dahil sa nararamdaman niya. Ayaw niya na masira sila. Nag-uumpisa pa lang sila ulit.
            "Vienne!" Malakas na tawag ng pamilyar na boses sa kanya.
            Tiningnan niya iyon. Nakita niya ang palapit na si Ambrose sa kanya. Napangiti siya nang makalapit ito.
            "Talagang sinundan mo ako rito, ah," aniya.
            Bago kasi siya sumama sa Lola Cons niya ay nakatanggap siya ng tawag mula dito. Eksakto naman na hawak niya ang cellphone niya habang naghihintay siya sa Lola Cons niya kaya nasagot niya ang tawag nito. Nang makapag-usap nga sila ay sinabi niya dito na may pupuntahan sila ng lola niya at sa school nga.
            Hindi naman niya sineryoso ang sinabi nito na susundan siya dahil may pasok ito sa isang subject.
            "Anong ginagawa mo rito?" Tanong pa niya.
            Umupo muna ito sa bench. "Papahinga muna ako bago ko sagutin ang tanong mo. Nakakapagod ang tumakbo," sabi nito. Hinihingal pa.
            "Pwede ka naman kasing maglakad. Tumakbo ka pa talaga. Pinapagod mo ang sarili mo, eh."
            "Gusto ko kasi na makita ka kaagad."
            "Para ka lang ewan. Wala ka na bang klase?"
            "Wala `yong prof namin kaya wala na kaming pasok. Ayoko pa namang umuwi sa bahay kaya dito na muna ako sa `yo. Saan ang lola mo?"
            "Kausap `yong mga dati niyang co-teacher."
            "Bakit nandito ka? Iniwan mo siya doon."
            "Nagpaalam naman ako sa kanya. Ayaw ko naman na doon lang sa loob nakatunganga. Wala rin naman akong maiintindihan sa pag-uusapan nila. Mas okay na dito ako. Maganda mag-reminisce."
            Nakita niya ang paglungkot ng mukha ni Ambrose. "Masaya ma-reminisce dahil si Brax ang naaalala mo."
            Nabigla siya. "Paano mo naman nalaman na si Brax ang naaalala ko?"
            "Dahil sa ngiti dyan sa labi mo."
            Nagkaroon siya ng idea sa ibig nitong sabihin. Transparent ba siya kaya ganoon? Kaya nasabi nito iyon.
            "Bestfriend ko si Brax kaya lagi ko siyang maaalala."
            "Bestfriend nga lang ba? Iba kasi ang nakikita ko, Vienne, eh. Lagi tayong magkasama at lagi kong napapansin ang m--"
            "Mahal ko si Brax. Siya ang sinasabi ko sa `yo na mahal ko."
            Napabuntung-hininga ito. "Alam ko. Matagal ko ng alam na siya ang mahal mo. Hinihintay lang naman kita na sabihin sa akin iyon, eh. Kaya nga pinapahinto mo ako sa panliligaw ko sa `yo dahil sa kanya. Bukod pa doon, ayaw mo akong saktan dahil hindi mo alam kung kailan mo siya makakalimutan. Pero sa tingin mo, Vienne, makakalimutan mo siya?"
            "Hindi ko alam," sagot niya. "Mahirap para sa akin na kalimutan na lang basta ang nararamdaman ko para sa bestfriend ko lalo na at bumabalik siya. Nag-iba rin ang pakikitungo niya sa akin at dahil doon.." Huminga siya nang malalim. "..mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Alam ko naman na hindi `yon pwede kasi bestfriend kami. Nag-uumpisa pa lang kami ulit. Ayaw kong masira ang relasyon namin dahil sa nararamdaman ko sa kanya."
            "Anong balak mong gawin?"
            "Ayokong lumayo pero ayoko namang dumikit sa kanya palagi. Palaging magkakaroon ng malisya sa akin ang mga bagay na gagawin niya. Aasa ako at ayokong mangyari sa akin iyon."
            "Sa akin mo na lang kasi ibaling ang pagmamahal na `yan. Alam kong mahirap gawin pero gagawin ko ang lahat para mahulog ka sa akin. Masaya ako dahil sinasabi mo ang mga bagay na ganoon sa akin. Pero hindi ako manhid, Vienne, para hindi masaktan. Actually, para ngang may pinong kumukurot sa puso ko ngayon. Masakit pero kaya ko pa naman. Pwede naman tayong maging mag-boyfriend, Vienne, eh. I'm willing to take the risk. Katulad ng sabi ko, gagawin ko ang lahat para sa akin mabaling ang pagmamahal mo kay Brax. Iyon ay kung papayag ka na maging boyfriend mo ako."
            Nag-iwas siya ng tingin. "Ayokong masaktan ka."
            "Nagawa mo na."
            "I'm sorry."
            "You're forgiven."
            "Pag-iisipan ko, Ambrose. Hindi ka naman mahirap mahalin. Sayang nga lang at may nauna kaysa sa `yo."
            "Hihintayin ko ang magiging sagot mo, Vienne. Parang trial lang ang magiging relasyon natin kung papayag ka. Gagawin ko ang lahat para sa `yo. Kapag hindi pa rin naging tagumpay na mapaibig kita, kahit masakit papalayain kita."
            Niyakap niya ito. Nagulat naman ito sa ginawa niya.
            "I'm sorry kasi nasasaktan kita."
            Gumanti ito ng yakap. "Okay na ako. Basta maghihintay ako ng sagot mo. Positibo o negatibo. Pero mas prefer ko pa rin ang positive na sagot."
            Hindi siya nagsalita. Niyakap niya lang ito bilang tugon.


INILAHAD na ni Ambrose ang huling baraha niya para makuha si Vienne. Alam niya na dehado siya sa laban na hindi pa nga nagsisimula para makuha niya ang puso nito mula kay Brax. Mahal nito ang bestfriend nito at ang mabisang bagay na dapat niyang gawin ay subukan ang kahit na anong bagay para makuha ito.
            Sinadya niya na puntahan si Vienne sa school nito noong elementary para doon. Sapat na sa kanya ang mahigpit nitong yakap bilang tugon sa kanyang tanong. Alam niya at iisipin niya na makakatanggap siya ng positibong sagot mula dito. At mula doon ay gagawin niya ang lahat para magustuhan at mahalin rin siya nito. Ang sabi nga nito ay hindi siya mahirap mahalin, nagkataon lang na nauna nitong minahal si Brax.
            Kapag naging positibo ang sagot nito ay magkakaroon na siya ng karapatan dito. Palagi na niyang makakasama ito. Tuwing makikipagkita ito kay Brax ay palagi siyang sasama lalo na kung gugustuhin nito iyon.
            Seloso siyang tao. Aminado siya doon pero hindi iyon magiging dahilan para masakal niya ito. Gagawin niya ang lahat para maging maunawain at makita nito ang magandang katangian niya bilang nobyo. Nakita na nito ang katangian niya bilang isang kaibigan at may hihigit pa doon kapag naging silang dalawa.
            Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.
            "Sasagot ako kapag handa na ako," anito.
            Masuyo niyang nginitian ito. "Maghihintay ako. Gaya nga ng sabi ko, sana ay positibo ang magiging sagot mo."
            Ngumiti lang ito. "Gusto mo bang ipakiala kita sa lola ko."
            "Sure. Hindi ako tatanggi dyan. Saan ba si lola?"
            Tumayo ito. "Tara," yaya nito sabay hila sa kanya.
            Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Darating ang araw na mahahawakan niya ang kamay nito ng malaya. Maghihintay siya.
            Habang naglalakad sila ay hindi pa rin binibitawan ni Vienne ang kamay niya. Hindi naman siya nagrereklamo dahil pabor iyon sa kanya.
            Pagkarating nila sa lugar kung saan ang lola nito ay saka pa lamang nito binitawan ang kanyang kamay. Nakita niya ang isang matanda.
            "Lola Cons," tawag dito ni Vienne.
            Nang makalapit sila ay ngumiti ito. "Saan ka ba nagpupunta, Vienne?" Napatingin ito sa kanya. "Sino ang kasama mo?"
            Kimi siyang ngumiti saka nagmano dito. "Goodmorning po. Ambrose po ang pangalan ko. Friend po ako ni Vienne," magalang niyang sabi.
            "Magandang umaga din sa `yo, Ambrose. Ako ang lola nito," anito sabay pisil sa mukha ni Vienne.
            Nakadama siya ng inggit sa nakita. Sana ay ganito rin sila ka-close ng magulang niya. Hanggang sana lang naman iyon dahil abala ang mga ito sa kanya-kanyang trabaho. Given na bunso siya ngunit lumaki siya sa piling ng mga katulong na parang mas magulang pa kaysa sa magulang niya.
            Kaya nga may pagkakataon na naiisip niya na magrebelde ngunit naiisip rin niya na ano ang magiging silbi niyon sa kanya. Magugulo lang ang kanyang buhay at mapapariwara siya. Kahit papaano ay nakikinig naman siya sa sermon ng Yaya Tasing niya.
            "Matagal ka na bang kaibigan ni Vienne, hijo?" Tanong sa kanyanito.
            "Opo."
            "Ganoon ba. Kumusta naman na kaibigan ang apo ko? Ikaw ang pangatlong pinakilala niya sa akin. At ibig sabihin niyon ay malapit ka talaga sa kanya. Minsan lang kasi ito makihalubilo."
            Napangiti siya sa sinabi nito. Sumaya ang kanyang puso sa kaalaman na mahalaga siya kay Vienne kahit alam na niya iyon. Masaya lang siya na marinig iyon mula sa taong malapit kay Vienne.
            "Ganoon po ba."
            "Oo, hijo. Sige, maiwan ko muna kayo dito. Pupuntahan ko muna ang iba kong co-teacher."
            "Sige po."
            "Sige, `la."
            Napasunod ang tingin niya sa lola ni Vienne. Ang nice nito. Hindi man lang niya nakitaan ang kilos ng disgusto sa kanya. Siguro dahil na rin sa may pagka-loner talaga si Vienne. Alam siguro nito na hindi masyadong nakikipaghalubilo si Vienne sa iba. Si Brax at ang isa pa nitong bestfriend na si Coby ang malapit dito. Maliban pa doon ay si Austin at Kelly lang ang kausap nito sa classroom nito.
            "Uy," untag sa kanya ni Vienne. Napatingin siya dito.
            "Bakit?"
            "Ako dapat ang magtanong sa `yo ng bakit. Bakit ka natahimik?"
            "May naiisip lang ako. Wala ka bang ibang kaibigan, Vienne? Maliban kay Brax at Coby. Meron pa bang iba?"
            "Meron kayong tatlo nina Kelly at Austin. Gaya ng sabi ni lola, pangatlo ka sa ipinakilala ko sa kanya. Ang una kasi si Brax, pangalawa si Coby."
            "What I meam maliban sa amin na tatlo."
            "Meron naman. Actually, barkada lang siya para sa akin. Saka matagal na `yon, during elementary days pa. Barkada ang turing ko sa kanya kasi hindi naman kami madalas na nag-uusap noon. Basta ang alam ko tungkol sa kanya maliban sa pangalan niya ay `yong hindi siya tumatawa tuwing pinagtatawanan ako ng mga classmate ko noon. Ang masaklap lang, hindi ko na nga alam kung saan siya ngayon."
            "Anong pangalan?"
            "Si Neo."
            Kumunot ang noo niya. "Neo? May kilala ako na ganoon ang pangalan."
            "Talaga?"
            "Oo!"
            "Sino?"
            "Ako!"
            Nanlaki ang mata nito.

ISANG hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ni Vienne kay Ambrose nang sabihin nito na ito si Neo. Na ito ang batang hindi tumatawa tuwing kinukutya siya ng mga classmate niya noong elementary pa siya. Na ito ang nagyayaya sa kanya na makipaglaro tuwing nakikita siya na nag-iisa.
            Ang totoo ay ang pangalan na lang ni Neo ang naaala niya. Nang sunod kasi na pasukan nila noong mga panahon na iyon ay wala nang bakas ng kaklase niyang iyon. Wala na nga siyang naging balita dahil hindi naman siya nagtatanong. Wala naman kasi siyang ka-close na mga classmate niya kahit na teacher ang lola niya sa school. Ang sabi nga ng iba ay loner siya. Para siyang may sariling mundo na nabago nang dumating sa buhay niya si Brax at Coby.
            "Hindi nga?"
            "Ako nga si Neo. Kung hindi ka naniniwala, I will introduce myself to you in proper way. Ang buo kong pangalan, Neo Ambrose P. Ferrer."
            Napailing siya. "Hindi pa rin ako naniniwala sa `yo. Ang kilala kong Neo. Mabait hindi bully katulad mo. Hindi ako pagtatawanan at lalong hindi ako kukutyain. Baka nakakalimutan mo na kung paano tayo unang nagkakilala."
            "Natatandaan ko `yon. Ang totoo, nakalimutan na din kita, eh. Masyado pa tayong bata n'un. Wala pa nga akong kamuwang-muwang. Saka, people changed, Vienne. Nagbago ako at inaamin ko na medyo naging basagulero ako pero nagbago na ako. And one more thing is, kaya ako lumapit sa `yo n'un, hindi dahil kay Brax kundi sa `yo. Would you believe na matagal na kitang napapansin."
            "`Wag ka ngang sinungaling. Alam ko na hindi iyon ang totoong rason. Ramdam ko na n'ung naging close lang tayo na-develop ang nararamdaman mo sa akin."
            "Ang yabang mo na, ah."
            Natawa siya. Natigilan siya nang mapansin ang seryosong tingin sa kanya ni Ambrose.
            "Ba-bakit?"
            "I'm just happy that I make you happy, Vienne."
            "`Wag kang magiging senti. Masaya lang tayo dapat ngayon."
            "Okay. Ikaw ang boss. Siyanga pala, Vienne. Sinabi ni Austin sa `kin na susunduin niyo si Coby sa airport the day after tomorrow. Pwede ba akong sumama?"
            Saglit siyang natigilan.
            "Hindi ko alam, Ambrose. Pwede ka sigurong sumama sa `min pero kailangan ko pang tanungin si Brax. Tatanungin ko siya tapos ite-text na lang kita kung papayag siya. Okay ba `yon sa `yo?"
            Tumango ito. "Okay lang. Hihintayin ko `yon. Gaya ng paghihintay ko sa sagot mo," anito na alam na niya ang ibig sabihin.
            Kung siya ang tatanungin, gusto niya ngang makasama si Ambrose para kahit papaano ay may diversion siya sa pagkailang at sa malisya na lagi niyang ilalagay sa pagitan nila ni Brax sa tuwing may gagawin ito na kapansin-pansin para sa kanya. Si Ambrose ang magsisilbing ganoon sa kanya. Gustuhin man niya na pasamahin ito at agad na pumayag ay hindi niya magawa. Kailangan pa niya ng approval mula kay Brax. Mahalaga para sa kanya ang pagpayag ng bestfriend niya.


ITUTULOY...
           

10 comments:

  1. Hmmm naku naman gumugulo na nga ang sitwasyon tapos dumadagdag pa si Ambrose at Austin, this is getting much interesting....

    ReplyDelete
  2. Mas kilig pag may eksena si brax.. Sana 2-3 chapters per update :-)

    ReplyDelete
  3. Fan talaga ako ng Vienne-Ambrose tandem. Haha. I'm loving your story, Sir Vienne. More kilig at selosan pa please. ;-)

    - Kuyang Anonymous sa Chapter 9 hehe.

    ReplyDelete
  4. Thanks for the update, and sa credit as well. :) Ang iksi nito, nakakabitin tuloy. Hehehe.. Keep it up! ;)

    -Jay

    ReplyDelete
  5. Hahahhaha nadala ako s chapter n lagi rin ako nabubully elemtary p ako...
    Sa totoo lng kc mga 3weks ko palng start binasa story mo kya kya last chapter lang ako ngcomment don p lng kc ako nksabay hahahhaha


    Shai...

    ReplyDelete
  6. Mahirap talaga ang binubully. Been there. I know the feeling. Thanks for the update. Take care.

    ReplyDelete
  7. Next chapter na ulir author more time to ambrose at vienne pls.....

    Jharz 05

    ReplyDelete
  8. Astig po ng kwentong ginawa ninyi sana may update po agad hehehe

    to the writer ang galing byo po napakatalented nyo po salamat sa story

    Mark_03

    ReplyDelete
  9. tskkk haha binubully din ako nung elementary days ko hirap mabully

    ReplyDelete
  10. ...wow super kilig naman ng story mo.. Mr. Author... Naaawa ako pra Kay Ambrose.. SNA sya n lng piliin ni viene..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails