Followers

Sunday, March 31, 2013

PARA

Ito'y para sa bayan,
Prinsipyong 'di mo matalikuran.
Dahilan ay 'di malaman, 
Ng nagmamahal sa girerong
 patuloy na lumalaban.

Ngayon ikaw ay nagbalik
Marami ang nasasabik
Muling makita ang iyong ngiti
Sa iyong labi ay mamutawi

Lungkot sa mata ang tanging nakita
Bagsak ang pisngi at walang gana
Musika ng paglaban, lungkot at pag-alala
Sa nakikinig, pinahayag at pinadama

Nais kong sabihing ayos lang yan
Kahit katotohana'y "hindi naman"
Mabigat ang loob at nahihirapan
Pusong pagod, pano mapapagaan?

Sinong sayo'y makakapagpangiti?
Sa iyong tabi sana sya'y palagi
Mabalik ang galak sa pusong ngiwi
Panandaliang kalimutan ang sidhi

Nais kong makipagkwentuhan
Bagay na di pa nagagawa kailanman
Mga nangyari at karanasan
Magawang masilip nakatagong larawan

Sa pag-uwi, sa loob ay labag
Di malaman nasaan ang habag
Malamang ito'y sa kapakanan
Sa paglaban, may iba pang paraan

Sa girero'y lihim na nagmamahal
Ang tulad kong mandirigma'y nagdarasal
Makamit, ibalik ang dangal
Mithiin ay ipaglaban, walang pagal

Di ko naman talaga alam ang istorya
Lahat ay base lang sa nakita
Naapektohan sa matamlay mong presensya
Marinig mo man ito at mali, pasensya na

Hindi hinihinging ito'y mapansin
Nais lang ipadamang nagmamalasakit din
Tula ng pagdamay, paghangang laan
PARA sa natatangi kong kaibigan.

ginawa ko to dati... dedicated sa lihim kong minamahal na muntik ng sumapi sa mga rebelde sa baguio... meron kasi akong isa pang kaibigan na sumapi duon, ngaun pinaghahanap sya...

Mahal Mo Ba Ako? - 5


Chapter 5 – Sex Ed

Lumingot ako kung saan nagmumula ang tinig na iyon. Ang nagsalita pala ay isang tao na huli sa listahan ko na makikita ko ng araw na iyon.

“Huh?” saad ko.

“Wala. Nakita mo ba si Kuya Alvin?” tanong niya.

“Ah. Yung Mr. CAH ba? Siya ba ang sadya mo dito Rey? Wala sila dito try mo kaya sa may backstage dun sa gym baka nandoon siya kasi mas nauna sila umalis eh,” sagot ko.

“Kasi nanghihiram siya ng sapatos eh pinapadala niya dito. Nung nagtanong ako sabi dito naman daw ako sa room na ito pumunta” turan niya at pinakita ang isang paper bag na sakto lang laki para sa pares ng sapatos.

'Ganoon ba? Actually sa kabilang room 'yung designated para sa kanila. Pero alam ko nauna na sila sa amin doon kanina pa. Puntahan mo na lang kaya siya doon. Kilala ka naman 'ata nung faculty coordinator papapasukin ka na doon,” sabi ko sa kanya.

“Hindi ka pa ba babalik doon, Ignis? Samahan mo na lang ako para sigurado makakapasok ako,” sabay ngiti.

Sa isip ko, “Ano siya bata para samahan ko pa?”, pero sinabi ko na lang, “Mauna ka na doon, nandoon naman si Evan nanonood. Tsaka hindi din naman ako pwede pumasok sa loob, ongoing pa ang competition, itetext na lang daw kami kapag awarding na para bumalik. Pahinga muna ako dito.”

“Nandoon si Evan? Sabi niya uuwi siya sa probinsya nila ngayon kasi walang pasok. Loko yun ah. Sigurado ka nandoon siya?” tanong niyang muli.

“Oo nga. Nag-text kasi siya sa akin,” sagot ko naman.

“Ganun ba? Sige punta na lang pala ako dun,” nawala ang ngiti niya sa labi at tumalikod na.

Hinintay ko lang ma-full charge yung battery ko at nag-meryenda muna. Bumili ako ng spanish bread kasi alas-nueve naman na at saka Nescafe Ice Blast. Hindi ko na hinintay ang text para bumalik ako. Pagkaubos ko ng pagkain at inumin bumalik na ako sa lounge kung saan kami dapat nandodoon. Halos wala pa rin ang mga ka-teammates ko kaya tumambay na lang ako sa lobby.

“Ui tol! Hanep marunong ka palang sumayaw. Sira ka di ka man lang nagkwento,” si Evan pala iyon at nasa likod lang si Rey.

“'Tado! Hindi ka naman nagtatanong. Thanks nanood kayo,” saad ko.

“It was worth it. Si Rey nga sabi niya hindi daw siya manonood at pumunta lang dito para iabot yung black shoes na hinihiram ko pero nandun din pala kaso pagtapos niyo umalis na,” sabay tawa ni Evan.

“Hehe. Ay, teka! Rey, nabigay mo na kay Kuya Alvin, ba yun?, yung sapatos?” tanong ko kay Rey.

“Ah...Eh...Oo. Pinaabot ko na kay Sir Renier,” sagot niya.

“May hinihiram din na sapatos si Kuya Alvin, Rey? Baka wala ka ng isuot niyan kasi nasa akin na iyong isang pares,” si Evan nagbibiro.

“Oo. Sus, ayos lang yun madami pa naman ako sa bahay. Tara na nga. Mocha Blends tayo, treat ko,” pag-anyaya ni Rey na may halong inis.

“Pwede ka pa bang sumama, Ignis? Saglit lang naman tayo dun eh tutal may dala naman atang sasakyan itong mokong na 'to,” sabi ni Evan.

Nahawa na 'ata sa akin si Evan sa salitang mokong.

“Hindi na pwede tol. Baka kasi hanapin na ako maya-maya malapit na din naman ang awarding, kayo na lang kakameryenda ko lang din naman,” pagtanggi ko.

“Sayang naman, di ka pa namin nakasama gumala ng konti. Haha. Sige pala next time na lang Ignis,” si Evan.

“Tingnan natin,” tugon ko na lang.

Napalis ang ngiti ni Evan. Si Rey naman ay dumiretso na kung saan naroon ang sasakyan niya kasunod si Evan. Bigla kong naalala, yung paper bag na hawak ni Rey kanina na may lamang sapatos eh hawak ni Evan.

“Weird. Nagkasya doon ang dalawang pares ng sapatos?” sabi ko sa isip ko. Kung anu-ano na naman ang napapansin ko.

Hindi nga ako nagkamali. Wala pang sampung minuto ang lumipas ay nakareceive na kami ng text na pinapabalik na kami sa lobby para sa awarding ceremony. Tapos na din pala ang pageant. Makalipas ang limang minuto nandoon na ang buong team at pumasok na kami sa loob ng gym. Pagkatapos ng ilang linggong paghihirap nalaman din namin ang resulta ng aming ginawa. Mukhang hindi sapat ang pagsusumikap namin ngayon. Mas magaling ang ipinakita ng ibang colleges kumpara sa amin. Pati sa pageant hindi rin kami nakakuha ng kahit anong place. Nangilid ang luha ng marami sa amin sapagkat kita ang hirap na pinagdaanan namin pero, ika nga hindi lahat ng araw ay ginawa pa sa iyo.

Madali kong natanggap ang pagkatalo tutal nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko at hindi naman talaga iyon ang gusto ko. Masaya kasi yung bonding namin ng mga kasama ko.

Lunes. Balik sa normal lahat. Parang walang nangyari. Hirap akong humabol sa mga lesson na na-miss ko ng buong linggo dahil sa practice pati na ang pag-schedule ng 'special' quizzes ko na 'special' talaga sa hirap. Isang subject lang naman ang hindi ako nagkaroon ng problema, sa Philo lang.

Pagpasok ko sa loob ng classroom, binati kaagad ako ni Evan.

“Ignis! Buti pumasok ka na,” sabi niya.

“Ayaw ko pa sana eh kaso baka ma-miss na ako ng mga instructors natin” biro ko sa kanya.

“Haha. Hindi lang naman instructors nakakamiss sa iyo no,” sabi niya.

“Eh sino pa pala?” tanong ko.

“Syempre, ako.” Patlang. “Tsaka kaming mga kaklase mo, mga friends mo, mga chicks mo” dire-diretsong sabi ni Evan.

“Tumahimik na nga kayong dalawa diyan, nandito na si Sir Rodriguez,” biglang sabi ni Rey.

“I'm proud to have a student who is participating in extra-curricular activities. Mr. Dominguez, dapat ganyan lang ang mga 'exta'-curricular activities mo. Baka kung anu-anong bedroom este home work ang iba mo pang ginagawa sa ibang bahay,” kaagang pag-tripan ako ni Sir.

“ 'Wag ganun, Sir. Bata pa ako,” sakay ko sa trip niya.

“Bata ka diyan, pwede ka na nga gumawa ng bata eh. So, kapag tumanda ka ng konti gagawin mo na?” balik biro niya sa akin.

“Pwede din,” sagot ko sabay tawa.

“You know what class, sex is sacred,” panimula niya sa bago naming topic. “It is designed to express love for people bound in the sacrament of marriage. Pero sa panahon ngayon di na uso ang rites of marriage o mismong pagpapakasal sa simbahan dahil sa madaming kadahilanan. Ngayon, kung makikipag-sex ka man, dapat sa taong mahal mo at mahal ka din. Yung tipong napatunayan niyo na sa isa't isa na nagmamahalan kayo para hindi siya ituring na kasalanan. The sacrament of marriage is different from the rites of marriage. When we say rites, it is the ceremony. Nandoon lahat ng burloloy ng kasal isama mo pa yung mga iyaking flower girls at ring bearer na imbis dumiretso sa harap ng altar like they’re supposed to eh tatakbong iiyak papunta sa mommy nila. The sacrament of marriage is attained through time. Kapag after a number of years napatunayan ninyo na mahal niyo ang faithful love niyo sa isa’t-isa you are considered married kahit wala na yung rite,” lecture na niya pala iyon.

“Eh sir, paano kung dalawang lalaki, o dalawang babae ang nag-sesex? Kahit sa anong paraan, kasalanan po iyon diba?” tanong ng isa naming kaklase.

“Hindi ka nakikinig,” sagot ni Sir. “As long as you love that person and that person loves you, there is no reason that it could be considered as a sin because it is an act of expression of love. So kapag nagmamahalan kayo walang problema. Ang masama ay iyong makikipag-sex ka dahil sa gusto mo lang and not because of love. Sa tingin ninyo sino ang mas makasalanan? Yung parehong lalaki o babae na nagse-sex pero mahal nila ang isa’t-isa and through time napatunayan na nila na totoo ang pagmamahalan nila, o yung mga lalaki at babae ipinagkasundo ng magulang para ikasal and they still do the act even without loving each other. Sex was never an obligation. Kahit na may rite of marriage kayo hindi ibig sabihin noon ay may karapatan na kayo to demand sex from your spouse. Kapag may asawa na kayo huwag na huwag ninyo gagawin iyon. Hindi kasi yan human right sa asawa mo. Alam nyo ba na hindi pareho ang lalaki at babae sa pananaw na ganyan?”

“Paano nagkakaiba, Sir?” si Rey na mukhang interested sa topic.

“Kasi, Ice, grr maginaw, sa mga babae in general, lust is equated to love. Parang hindi sila nakikipag-sex kapag hindi nila mahal yung partner nila. Kapag sa lalaki kasi, iba ang lust sa love. Pwedeng may lust pero walang love. So ang mga lalaki pwede makipag-sex kahit na hindi nila mahal yung partner nila. Kapag inatake na ng libido, wala na laglag na ang brief nila,” sagot ni Sir. “Kung feeling ninyo na sex is only sacred, then nagkakamali kayo.”

“Ngeks, may iba pa pala?” tanong ko naman.

“OO, Ignis. Wag kang bubuga ng apoy at baka nag-iinit ka na sa topic natin. Sex is also a sport. Diba totoo naman?! May direksyon na dapat sundin. Sa kanan, sa kaliwa, ipaikot-ikot mo. O diba?! Tapos accuracy at speed kailangan din. Dapat kailangan mintis pa di ka makabuntis pero sasabihan ka na bilisan mo pa, bilisan mo pa pero dapat mintis. Minsan pa lethal nga yan eh, sasabihin pa, 'sige itigil mo iyang ginagawa mo at papatayin kita' o di kaya sisigaw ng mamamatay daw siya sa sarap pero ayaw ipatigil. Magulo diba?!” ang masayang lecture namin sa araw na iyon.

Nang matapos ang huling klase namin sa araw na iyon, maagang nagpaalam si Lyn at may date pa daw siya. Papalabas na ako ng kausapin ako ni Rey.

“Oi Ignis tara kape tayo. Kape ang iinumin mo pero chocolate lang ako hindi naman ako nagkakape eh” anyaya niya sabay ngiti.

Pa-cute ang mokong na ito.

“Baka next time na lang Rey. Madami pa din kasi ako kailangang i-review may mga na-miss kasi akong quizzes sa ibang subject eh. Pasensya ka na ah,” tanggi ko.

“Sige na, i-tutor na lang kita habang nasa coffee shop tayo nila Evan,” giit niya.

Parang biglang umakyat ang dugo sa ulo ko (sa itaas ah). Bumalik na naman ang kahambugan ng mokong na ito. I-tutor daw ako eh professional subject yung kailangan ko i-review magkaiba pa kami ng course. Pero bago pa man umusok ang ilong at tenga ko, “Next time na lang talaga Rey, enjoy na lang kayo nila Evan.”

“Sige bahala ka. Parang ayaw mo naman ak-, kaming kasama,” tumalikod na siya at mabilis na naglakad pahabol sa mga nauna niyang mga kaibigan.

“Anong drama nun?” tanong ko sa sarili ko.

-------Itutuloy

Author's Note: The philosophy included in this chapter is my own opinion based on lectures and researches I conducted. I do not intend to impose this to anyone. I respect everybody's opinion so please respect mine. 

Ano kayang ibig sabihin ng paulit-ulit na panaginip? Ano ba ang kahalagahan nito sa nakaraan ni Ignis (ko) at sa kanyang pag-uugali at pagkatao?

Saturday, March 30, 2013

AKALA

Sa di kabisadong lugar
Ako'y inabot ng lahar
Sa pwesto'y di makaandar
Sa sitwasyong di pamilyar

Abo ang nasa paligid
Sa hangin din ay nabatid
Sa mata'y tanging balakid
Ngayo'y di makapagmasid

Di malaman san papunta
Hanggang ikaw ay makit
Nakatayo sa may plaza
Wari koy'y naghihintay ka

Ika'y aking nilapitan
Upang tanungin ang daan
Minungkahi mong samahan
Ako, patungong labasan

Natupad ang aking hangad
Makasabay sa paglakad
Paang ayaw nang umusad
Loob ko sayo'y nabilad

Abo'y nakalimutan na
Biglang luminaw ang mata
Liwanag sayo'y nakita
Paligid ay nagkasigla

Nang nasa krus na daanan
Ika'y lumakad ng dahan
Ari pa ba kong samahan
O ito ang katapusan

Bumalik abong malamlam
Sa akin ay nagpaalam
Hiling mo ay wag magdamdam
Dahil iba iyong asam

Nagkamali sa paghusga
Nabulag ang mga mata
Akalang makakasama
Tungo mo ay iba pala

Humanap lang ng kasabay
Sa gawa mong paglalakbay
Makasama ko'y di tunay
Bakit ba di pa nasanay

Tinahak ang pasilangan
At kita'y pinagmamasdan
Mula rito sa kanluran
Di tukoy mararamdaman

Ngunit hindi ka lumingon
Kung san ako naroroon
Napaupo sa may kugon
Isip ko'y di na matunton

Lugar sa akin may awang
Bagay pilit tinitimbang
Tuloy sa paglakad na lang?
O ako naman mag-abang?

Look at me with Love Part 7 – Chances



Look at me with Love Part 7 – Chances
By: simonusimon

                “Ha? Sige po” wala sa sarili kong naisagot. Ako pa maghahatid dito, anu ba yan.
                Gabi na, may eksam pa ako bukas, pag sinuswerte ka nga naman. “Sir kaya nyu po bang tumayo?” tanong ko ditto habang nakaakbay sya sa akin para maalalayan ko sya, nakatungo lang si John nung mga oras na yun.
                “Kak-kaya ko namen e. hik”
                “ay lasyeng!” panggagaya ko, naiinis na kasi talaga ako, antagal ba naman dumaan ng dyip. Hay buhay nga naman. “sir pagaan naman kayo, ambigat nyu na po”
                Maya maya ay narinig ko na ang mahina nyan hilik.
                Patay, yan ang nasabi ko sa sarili ko. Panu koi to isasakay sa dyip.
                Habang wala pang dumadaan na maluwag luwag na dyip ay napagdesisynan ko munang maupo muna kami. Duon ko napagmasdan ang napakaamong mukha ni John. Ang maputi nyang kutis at ang napakabangong amoy ng kanyang pabango at katawan. Ngunit bakit parang malungkot ang ekspresyon ng mukha nya?
                Eh anu naman kung malungkot sya, di naman ako clown para pasayahin sya, tsaka may eksam ako bukas un ang dapat kong isipin. Sakto ay lumabas ang dyip sa isang kanto, mukhang bagong papasada palang ang dyip. Ayos, di nakakahiya ang kasama kong nalasing. Inipon ko ang lakas ko sa pagtayo ko. At di ko na malaman basta naiakyat ko sya sa dyip.
                Naalimpungatan sya nung maisakay ko sya sa dip, kaya medyo umayos na sya ng upo. Magkatapat kami sa likod ako ng driver. Sa sobrang pagod sa eskwela, trabaho at pagbubuhat ng lasing ay napaidlip ako. Nagising nalamang ako sa pagtigil ng dyip na sinasakyan ko.
                ‘Hala! Lagpas na ako. Andami ng sakay ng dyip! Ung kasama ko nasaan na?’ mga tanong sa isip ko. ‘Walastek di man lang ako ginising?’ at bumaba na nga ako ng dyip.
                Sumakay uli ako ng dyip pauwi dahil nga nakalagpas ako. Magbabayad na ako ng makapa ko na nasa akin pa pala ang wallet ni John.
                Maaga ako natulog, bukas ng umaga nalang ako mag-aaral. Ganun naman talaga ako mas maraming pumapasok sa isip ko pag ganun.
                Maaga din ako nagising para mag-aral, maaga pumasok at dumaan muna ako sa fastfood na pinagtatrabahuhan ko para idaan ang wallet ni John sa aking manager para kung dumaan man ito ay maibigay agad ang wallet nya. Nagpaalam narin ako sa aking manager na hindi ako makakapasok dahil alam kong madugo ang exam ko mamaya na aabutin ng mga tatlong oras.
                Paggising palang ni John ay ramdam na nya ang sakit ng ulo nya, di na nya matandaan kung paano sya nakauwi. Ang alam lang nya ay dumaan sya sa isang fastfood tapos ay di na nya alam ang sumunod na nagyari. Bumangon na sya para ayusin ang mga kailangan para sa libing ng kanyang yaya bukas.
                “Ate Linda, nakita mob a ung wallet ko?”tanong ni John sa kanilang katulong
                “Hindi po” maikling sagot nito.
                ‘Hay nawala ko na naman ata wallet ko, buti nalang pera at isang id lang nakalagay dun’ sabi nito sarili habang palabas ito ng kanilang bahay ng tumunog ang kanyang cellphone.
                ‘Hi sir, naiwan nyu po ung wallet nyu ditto sa fastfood naming and I belive sainyo rin tong car na nakaparada ditto sa amin’ ang nakalagay sa text message.
                Napangiti nalamang si John dahil buti nalang at hindi nya nawala uli ang kanyang wallet. Ilang beses na kasi syang nakakawala ng kanyang wallet. Agad na umalis si John para kunin ang kanyang wallet.
                “Good morning, ahm kayo ba ung nakakuha ng wallet ko? Maraming salamat.” Wika ni John sa manager.
                “Ahhh opo, actually di nyu naman po nawala talaga. Tinignan po kasi namin ung address nyu tapos nakalimutan na pong isauli sainyo nung naghatid sainyo” ang aking manager.
                “Ganun ba? Salamat. Teka sino po ung naghatid sakin? Para mapasalamatan ko naman po siya ng personal”
                “Naku wala sya, part timer lang kasi un, may pasok sya ngayon”
                “Ahh ganun po ba? Sige pakisabi nalang po, salamat”
                At umalis na nga si John na naguguluhan, naaalala nya kasi na mag-isa lang syang nakarating ng bahay nila.
                Kinabukasan, tanghali na ako gumising dahil wala naman akong pasok. Balak ko ding pumunta sa puntod ni Justin ngayon.
                Bandang hapon na ako pumunta sa sementeryo para di na masyadong mainit.
                Pagdating ko sa puntod ni Justin na may bulaklak na naman duon at isang kandila. Mukhang bagong sindi lang ang kanila. Luminga linga ako kung may tao sa paligid. Nakita ko ang isang kumpol ng tao, nakasilong sa isang tolda. Mukhang may inilinbing na kamag-anak.
                “Hmmm, Justin ha, may other man ka ata, lagi nalang pag pumupunta ako dito may mga bulaklak ka?”
                Nanatili pa ako doon ng ilang oras. Pauwi na ako ng marinig ko ang isang pag-iyak ng isang lalaki mula sa kaninang tolda. Mag-isa na lamang itong tumatangis. Nakaupo sa tapat ng isang puntod.
                “Yaya!” sigaw ng lalaking umiiyak.
                Nilapitan ko sya at kinulbit para abutan ng panyo ngunit hindi ito lumingon.
                Paalis na ako ng marinig ko ang salitang ‘SALAMAT!’ Lumingon ako para sabihing walang anuman ngunit nabigla ako sa aking nakita maging ang lalaki ay nagulat din.
                “John?”
                “Ikaw?”
                Sabay naming wika at sabay ding nagring ang aming cellphone.
                “What? Sige punta na ako dyan sa office” wika ni John
                “Tatay ni Justin? Dumaan sa atin? Nandyan pa ba? Sulat? Sige uwi na ako.”
                At nawala pareho sa isip namin ni John ang isat’t isa. Sumakay agad sya sa kanyang kotse at ako naman ay nagmamadaling lumabas ng sementeryo pauwi.
               
                Itutuloy…

Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails