Followers

Wednesday, October 3, 2012

Regrets Chapter 05: Si Berto, Si Nina, At Si Kent

cover by Jeffrey Paloma

by Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com
URL: http://jeffyskindofstory.blogspot.com



"Jarred?" ang tinig ni Hamilton matapos muling lumangitngit ang pintuan ng palikuran. Hindi ako sumagot. Patuloy lang ako sa pagpapalabas ng aking hinaing sa loob ng cubicle.

Matapos ang ilang sandali'y natigil din ako. Inabot ko ang rolyo ng tissue sa aking kanan at pumilas ng ilan upang ipamunas sa aking mukha. Dahan-dahan akong lumabas ng cubicle nang mapansin kong tahimik na ang palikuran. Tumungo muna ako sa lababo upang hilamusan ang aking mukha at ayusin ang aking itsura.

Habang pinagmamasdan ko ang aking magang mga mata sa salamin ay dumungaw sa pintuan si Hamilton.

"Tol, mukhang nahirapan ka ah. Namaga mga mata mo kaka-ire?" ang biro niya habang nakangiti at nakatitig sa akin mula sa salamin. Natawa ako sa sinabi niyang saglit.

"Tara gimik na tayo." ang yaya ko sa kanya. Sagad sa tenga ang ngiting ibinalik ko sa kanya habang sumisinghot ng uhog. Alam ni Hamilton na nagpapalusot na lang ako.

"Umamin ka. Hindi talaga masakit ang tiyan mo no?" matapos maging seryoso ng mukha niya.

"Anong drama yan tol? Bakit iniiwasan mo si Mickey?" ang dagdag niya matapos pumasok at lumapit sa akin. Hindi pa rin ako sumasagot.

"Sabihin mo na." pamimilit niya. Umiling lang ako na parang bata at nakangisi.

Iniwan ko siya sa harap ng lababo't mabilis na lumabas ng palikuran. Hindi ko pwedeng sabihin at hindi ko rin kayang balikan ang lahat.

"Ano dapat kong gawin ngayong nandito si Mickey?" tanong ko sa aking sarili. Nag-isip ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad palayo sa palikuran kahit hindi ko pa alam kung saan ako dapat dalin ng aking mga paa sa mga sandaling iyon.

Nagmamadaling sumunod sa akin si Hamilton upang makasabay ako sa paglalakad. Tahimik lang niya akong pinanood habang ako'y kinakausap ang sarili.

"Cool ka lang. Matagal na iyon. Nahahalata ka na ni Hamilton." ang sinabi ko ng paulit-ulit.

"Tol, nag-away ba kayo ni Mickey dati?" ang pambasag ni Hamilton sa katahimikang namamagitan sa amin.

"Sorry. Kalimutan na lang natin. Bad mood lang din ako buong araw siguro." ang seryoso kong nasabi at nagbalik muli ang katahimikan sa pagitan namin ni Hamilton.

Sa aming paglalakad ay napadaan kaming muli sa tapat ng classroom namin. Sa pintuan ay may nakaabang na isang bugkos ng pulang rosas. Nagmamadaling lumapit si Hamiton dito upang usyosohin kung para kanino at kanino galing ang magarang bugkos ng mga bulaklak na nakalapag.

"Kanino kaya ito? Baka kay Greg... Ngayon ba monthsary nila?" sabi ni Hamilton.

"Malay ko. Yaan mo na kung kanino man yan! Baka masira mo pa!" ang pilit kong pinarating kay Hamilton habang hinihila siya palayo mula rito. Ingat na ingat akong nagsalita ng mariin upang hindi kami marinig ng mga nasa loob ng klase. Sa mga sandaling wala na kaming naririnig na hiyawan sa loob ng silid di tulad ng kanina mula sa pintuan.

Di ko napigilan si Hamilton sa gusto niyang gawin. Binasa pa rin niya ang nakatuping card sa ibabaw nito ng pasilip habang hinihila ko siya. Nakaupo na siya sa sahig.

"Baka para kay Mrs. Miranda yan! Si Sir Mercado siguro nagpadala niyan diyan!" kinilabutan ako sa sinabi ko. Di ko lubos maisip ang dalawang senior citizen na halos maituturing ay nagliligawan pa.

"Para sa iyo yung bulaklak! Walang nakalagay kung kanino galing!" ang natatawa ngunit impit na sinabi ni Hamilton sa akin nang siya'y aking hilahin ng lahat ng aking lakas upang tumayo. Nagulat ako sa sinabi ni Hamilton.

"Impossibleng galing kay.... ang una kong nasabi sa aking nagtatalong isipan. Questions started to come out in my mind that resulted to more questions.

Kanino naman manggagaling ang bulaklak na yan?! Malansa na ba ako para maamoy ng kapwa ko?!" ang dagdag ko pa. I started to doubt myself that moment. I started to take notice of my every move that moment. I was already hesitating of what to do next at that moment. All I wanted was to get the hell out of there and talk about something else.

"Tara na! Alis na tayo dito!" ang yaya ko.

"Paano na yung iba? Si Mickey sama rin natin!" ang sabi niya nang makatayo at sumabay muli sa akin sa paglalakad.

"Text mo na lang! Hintayin na lang natin sila sa U.M.!" inis kong sagot dahil nakukulitan na ako sa kanya.

"Ikaw talaga Jarred... Kapag nakasalubong tayo ng D.O. lagot tayo." ang nasabi na lang niya habang hinuhugot ang kanyang telepono sa kanyang bulsa.

"Sa wakas! Change topic!" ang pasasalamat ko. Di ko napigilang ngumiti ng malaya sa mga sandaling iyon.

"Close pa naman ni ma'am yung tambay sa gate. Ang cute mo kasi eh!" sagot ko sa kanya na may halong pagbibiro.

Saktong patalikod na ako't lalakad na sana nang bigla kong makabunggo ang isang matangkad, matipuno, mestiso, at amoy Hugo Boss na estudyanteng lalake. Nakasuot siya ng polo shirt na may kaunting kaluwagan na tinernuhan ng maong na medyo kupas. Nanlaki ang mga mata ko at ganun din siya sa pagkabigla. Titig na titig lamang ako kanyang puppy dog eyes na kulay light brown. Mamulamula ang kanyang pinsngi at ganun din ang kanyang mamasa-masang mga labi.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sandaling iyon. Parang tumigil ang buong paligid. Sa isang iglap ay naglaho ang mga gumugulo sa aking isipan.

"OH... MY... GOODNESS!!!!!!!!!!!!! CRUSH NA KITA!!!!!!!!!!" sigaw ng aking kauluwa. Mabilis na umakyat ang dugo sa aking pisngi't sabay ng pag-init ng mga ito. Nang mapansin ko ang nangyayari sa akin ay agad akong yumuko at paulit-ulit na nag-bow sa kanya na parang hapon sa kahihingi ng tawad.

"Naku! Pasensiya na po!" ang mabilis, paulit-ulit at pautal-utal kong sinabi sa kanya.

"Wala lang iyon." sa malalim niyang tinig sabay ngiti. Tumayo lahat ng balahibo sa aking batok nang marinig ko siyang magsalita.

"Anong nangyayari sa akin?! Bakit ako nagkakaganito?!" puna ko sa aking sarili habang nginingitian ang binata. Pinamumuuhan na ako ng maliliit na butil ng malamig na pawis habang nakatayo sa harapan niya. Nagsisimula nang manginig ang aking mga tuhod.

Sa kabilang banda, nakalimutan kong humihigpit ng humihigpit ang hawak ko sa kamay ni Hamilton at natauhan na lang ako nang bigla niya itong hugutin sa aking pagkakahawak at pilit na ipininta sa kanyang mukha ang matinding sakit na aking nagawa. Pinanood namin siya ng schoolmate namin.

"Jarred?! Anong nangyayari sa iyo?! Ano bang problema mo?!" ang mahina at gigil niyang sinabi sa akin. Tumango na lang ako sa kanya't humingi ng paumanhin na tulad ng nagawa ko sa binata kanina.

Matapos nang tatlong beses kong pagyuko'y agad kong kinuhang muli ang kamay ni Hamilton at hinilia siyang maklakad na ng mabilis patungo sa labas.

Nang marating namin ang University Mall, tumambay kaming muli sa loob ng KFC at doon ko tinapos ang aking malamig na pagkain na kanina pa binibitbit ni Hamilton. Pinag-usapan namin ni Hamilton ang tungkol kay Mickey bilang kababata ko. Habang sinasagot ko siya'y muli kong binalikan ang mapait na kahapon upang iwasang banggitin ang ilang di ko dapat ibahagi sa kanya. Maya't-maya'y natitigilan ako sa aking kinukuwento upang makaiwas.

"Hmmm... I don't know Jarred. You did tell me all the good stuff about idol but there is definitely something you aren't telling." ang sabi niya. Hindi ko na napigilang maging seryoso sa mga sandaling iyon. Napatitig na lang ako sa lamesa at natigil na sa halos maubos kong pagkain. Nagsimula na akong timbangin ang aking mga susunod na sasabihin.

"Hamilton, matagal na rin kitang kaibigan at alam kong concerned ka sa akin sa bagay na iyan. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa iyo pero..." na tigil kong sinabi nang matuyo ang aking lalamunan.

Lumagok muna ako ng tubig mula sa katabi kong baso ng softdrinks na binili namin kanina bago kami pumwesto. Nag-aalangan ako sa mga sandaling iyon. Ayoko rin kasi na maramdaman ni Hamilton na iba siya sa akin at may hangganan lang pala ang pagiging mabuting magkaibigan namin. May mga bagay talaga na hindi madaling sabihin kahit ang taong kaharap mo'y handang makinig.

Naputol lang ang aming usapan nang tumunog ang telepono ni Hamilton.

"Tapos na daw ang class. Palabas na daw sila Berto!" ang sabi ni Hamilton habang nagtatype siya ng kanyang sagot na mensahe. Nakaramdam na ako ng pagkainip sa mga sandaling iyon. Gusto ko nang umalis dahil alam kong baka kasama nila si Mickey. Assuming dahil nagsisigurado lang ako.

Lumingon si Hamilton sa kanyang likuran at sa likod ng salamin. Tinitigan niya ng mabuti si Berto at nanlaki ang mga mata.

Si Berto'y tulad ng utol niyang si Angelito. Morenong gym buff na kasing tangkad ko lamang. May pagkamagaspang ang kilos at ugali ngunit mabait na kaibigan. Nakasama namin siya sa aming barkadahan nang minsang gumawa kami ng project kasama ang kanyang girlfriend na si Nina. Kinagigiliwan namin siya sa pagiging maloko niya tuwing kasama namin siya lalung-lalo kung naghihintay kami sa loob ng classroom at wala pa ang professor namin.

"B-bakit may dalang bag si Berto?" ang nabigang tanong ni Hamilton nang mapansin ang bitbit nito. Napatingin na rin ako sa dako nila. Naguluhan akong bigla sa binabalak naming lakad na akala ko'y gagala lang kami sa labas upang kumain at mag-inom.

"Bakit may dala silang malaking bag?!" balik kong tanong sa kanya dahil kahit ako'y nabibigla na sa mga nangyayari.

Kahit medyo makulimlim na'y aninag pa rin namin ang mataas kung kumaway naming mga kaklase na kasama namin sa aming lakad ngayong gabi. Malayo pa lang ay nangingintab na ang kanilang mga ipin sa sobrang ngiti dala ng matinding ginhawa mula sa paghihintay na matapos ang religion subject namin. Sweet din tignan ang dalawa habang nakaakay pa ang isang kamay ni Nina kay Berto.

"Yes! Wala siya! Wala siya!" ang aking pagdiriwang sa aking isipan nang malamang wala si Mickey sa paligid.

Sinundan namin sila pareho ng tingin sa kanilang pagpasok ng U.M. hanggang sa makasama na namin sila sa aming mesa.

"Saan ba tayo pupunta bakit ang dami niyong dala?" ang bati ni Hamilton sa kanila. Napatingin naman ang mga kasama namin kay Berto na sa mga sandaling iyon ay ngiting aso na.

"Hindi mo sinabi sa kanila?!" ang nainis na sinabi ni Nina kay Berto sabay kurot nito sa tagiliran. Ibinaba ni Berto ang dala niyang malaking bag na kulay asul na may strap na kulay itim. Tila namamaga ito sa dami ng gamit nila ni Nina marahil.

Napakamot si Berto ng kanyang ulo nang magkrus ng braso si Nina sa inis at tumalikod nang nakataas ang mga mata.

"Ehe... Pahihiramin ko na lang sila ng..." ang panunuyo nito kay Nina.

"Anong pahihiramin mo?! Nakakainis ka talaga! Napakaulianin mo! Puro kasi computer yang inaatupag mo palagi!" ang sabat ni Nina sa kanya matapos humarap muli kay Berto. parang armalite sa bilis ang bibig nito sa kanyang mga sinabi.

"Eh... Kasi nagkayaya... "

"Anong kasi-kasi?! Kung binabalak mo na tayong dalawa lang sa kwarto..." ang panggagalaiti pa ni Nina sa kanya. Halos magdikit ang manipis at magandang kilay nito sa sobrang gigil sa kanyang nobyo. Mahigpit na rin ang mga kamao niyang nasara.

Napatayo ako sa upuan ko upang tigilan ang pagtatalo ng dalawa.

"Berto! Nina!" at natigilan ang dalawa at napatingin sa akin. Nabigla din si Hamilton sa aking ginawa. Medyo malakas kasi ang aking boses kaya pati ang ibang tao sa restaurant ay saglit na napatingin sa amin.

"Sige na tumuloy na kayong dalawa. Uuwi na lang ako." sabay lingon ko kay Hamilton.

"Samahan mo na lang sila. Pahihiramin ka naman siguro nitong si Berto." sabay titig ko kay Berto mula ulo hanggang paa. Pikon na ako.

Isa sa mga bagay na hindi ko gusto ay nadidismaya ako. Excited talaga ako sa gala namin ngayon pero wala sa inakala kong plano ang takbo ng lahat.

"U-uwi na lang din ako." sabi ni Hamilton habang pilit na nakangiti.

"Mga tol naman." ang panimulang panunuyo ni Berto.

"Ayan! Ayan!" ang sisi ni Nina sa kanya.

"Sasamahan ko kayo pero di ko kasi naipaalam. Sayang. Dalawang araw pa naman tayong walang pasok mula bukas." ang malumanay ko nang sagot kay Nina.

"Ako rin. At saka... Umm... Nina, dahil sa ikaw lang ang babae dito at mataas ang tingin ko sa inyo. Parang di kasi maganda tignan na ikaw lang ang kasama naming tatlong lalake." ang dagdag naman ni Hamilton. Nangiti naman si Nina sa sinabi ni Hamilton.

"Hindi lang tayo. Kasama rin natin yung kasama ni Berto sa basketball. Kumuha lang siya ng damit niya sa dorm."

"Babae?" tanong ni Hamilton.

"H-Heehehehhe... Basketball nga eh. Hindi. Lalaki. Si Kent?" ang patanong na tapos ni Nina kay Hamilton.

"Hay... Nina... Tsk tsk tsk" wika ni Hamilton habang umiiling.

"Sama na kayo please? Out of town na tayo. Patay ako sa parents ko kung bigla akong umuwi." ang hiling ni Nina sa amin habang magkasama ang nagsusumamo niyang mga kamay.

"Sasama ko ang ate ko. Sasama ko ate ko, Milton. Thesis na lang naman siya. Sasama yun!" sa sinabi ni Nina'y biglang kumislap ang mga mata ni Hamilton dahil sa ang ate ni Nina ay si Greta. Ang kanyang pantasya.

Nilabas ni Nina ang kanyang phone at agad nagtext marahil sa ate niya para makumbinsi na si Hamilton.

"Ayos magulang nito ah. Magagalit sila kung bigla siyang uuwi? Sama mo pa ate mo? Papayag ba iyon?" ang natawa kong sinabi sa aking sarili.

"Sige na nga. Pero, uuwi muna ako sa bahay para kumuha ng damit." maawain talaga si Hamilton pero sa pagkakataong ito kinati lang din siguro talaga ang mga paa niya dahil na rin kay Greta. Palalagpasin pa ba niya ang pagkakataong ito?

Napabuntong hininga si Berto sa sagot ni Hamilton. Swerte lang ni Hamilton dahil sa Sampaloc lang siya nakatira at di strict ang parents niya.

Sa mga sandaling iyon gusto ko na rin sumama pero naisip ko kasi si Mama. Naiinggit na ako sa kanila. Hindi ako nakapag-paalam sa kanya at ang nakakahiya pa ay kulang ang dala kong pera. Nahihiya naman akong humiram dahil sa hindi ko gawain ang bagay na iyon kung ako'y kinukulang.

"Jarred, ikaw? Sama ka na! Pahihiramin ka na lang nila ng damit!" sabi ni Nina na parang utos na rin niya sa dalawa para lang sumama na ako. Sumimangot lang ako na parang nagso-sorry dahil hindi talaga.

"Oo, pahiramin na lang kita ng damit ko." sagot naman ni Berto.

"Yung sa akin na lang, Jarred. Baka kulangin ng brief yang si Berto." ang biglang biro ni Hamilton. Napatakip ng bibig si Nina't humagikgik.

"Dalawang boxers lang dala niya." pahabol ni Nina.

"Honey naman!" sagot ni Berto sa kanya sabay akbay nito sa baywang ni Nina.

"Seryoso, tol. Pahihiramin na lang kita ng damit." ang sabi ni Hamilton. Umiling ako sa kanya't lumapit sa kanyang tenga.

"Kukulangin ang dala kong pera. Sige na, sumama ka na. I'm happy for you. Galingan mo sa pamimingwit kay Greta ha?" at tinapos ko ito ng isang ngiti. Natawang nakahawak si Hamilton sa kanyang tenga.

"Tang ina tol nakiliti ako sa ginawa mo!" sabay kuskos niya ng kanyang mga braso pakitang kinilabutan na rin siya.

"Sige na lumakad ka na sa inyo. Samahan ko na lang sila ni Berto dito habang hinihintay ka bago ako umuwi." matapos ay bumalik ako sa aking upuan. Agad tumayo at nagpaalam si Hamilton.

Umupo naman ang dalawa sa magkatabing upuan na kanina'y pwesto ni Hamilton nang ito'y makaalis. Nakapatong ang magkahawak na mga kamay nila ni Berto sa mesa. Papisil-pisil sa kamay ang ginagawa ng dalawa sa bawat isa. Hindi ko maiwasang-maya't mayang sinusulyapan ang kanilang ginagawa tulad ng maya't-mayang pagpipindot ni Nina sa kanyang telepono kausap ang kanyang ate Greta.

"Jarred, you know Mickey pala?" ang panimula ni Nina ng aming panibagong usapan.

"Ah... Hehehe... Oo eh." ang may pilit na pagtawang sagot ko sa tanong niya.

SI MICKEY NANAMAN?! SI MICKEY NA LANG NG SI MICKEY! hiyaw ko sa aking isipan.

"Since when? Paano kayo nagkakilala? Did you guys go to school together?" ang parang inip sa kasagutang magkakasunod na tanong ni Nina. Bakas sa kanyang mukha ang unti-untian niyang pagiging excited sa takbo ng aming usapan.

"Since elementary. Hindi ko na maaalala eh. Matagal na kasi iyon."

"The way he regards you kanina sa class. It seems you guys were close friends, Am I right?" ang makaabot tengang ngiti ni Nina'y nakabalandra na sa aking harapan.

"It's no biggie. Besides, it was ages ago nga di ba? People change." unti-unti na akong nagiging bored at di ko pinigil na ipakita ito sa kanya. Humigop akong muli sa aking inumin bago siya titigan ng mata sa mata.

"It doesn't look like it to him kanina." nabigla ako sinabi ni Nina na iyon.

"Nagkwento siya kanina?"

"Not much. Parang si Boy Abunda na si Mrs. Miranda kanina kay Mickey eh. But he really regards you. In fact, sabi niya na you were like brothers. And he suddenly turned sad about the topic." parang kinurot ang aking puso sa aking narinig.

"Yeah, we were like brothers." di ko pansing pagsang-ayon ko kay Nina.

Sa sandaling iyon, madilim na sa labas kaya't di mo maaaninag ang mga naglalakad sa labas kung walang dadaang jeep o di kaya'y madadaan sa gilid ng U.M. Tatlong beses na kinatok ang bintana sa aming gilid kaya't kaming tatlo'y biglang napatingin sa bintana.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang binatang nabangga ko kanina sa lobby. Sa pagkakataong ito'y nakasuot lang siya ng pambasketball na shorts at jersey. May dala siyang gym bag na nakasabit sa kanayng balikat. Nakangiti siya't kumakaway kina Berto at Nina.

Umabot sa tenga ang aking ngiti sa isang iglap at ako'y tila nakaramdam ng matinding pangangailangang maging kapitapitagan at mahinhin. Kinikilig ako.

"Ayan na si Kent!" ang may kalakasang pagkasabi ni Nina sa excitement bago tumayo sa kanyang upuan.

itutuloy...

5 comments:

  1. Next po!!

    Sana daily yung update nito :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dahil diyan pinaalala mo ipopost ko na ang kasunod dito heheh salamat! :-)

      Delete
  2. Mabagal ang flow ng story po same thing with the build-up of characters... either nasa UM... maglalakad then sa School... then back to UM again... but has a potential. Thanks.

    ReplyDelete
  3. Yup character building until chapter 6 then jarred's past on chapter 7 and another introduction to new characters from past then current era on the next chapter focusing on signiicant moments then flow of the story with some puzzles answered to show another puzzle.. That's what i have so far yet I don't have the time to write it down and am sorry for that. I'll try beating my own Salamin on this one :-)

    ReplyDelete
  4. Really good...atlest detelyado ang bawat karakter...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails