Followers

Tuesday, May 31, 2011

MSOB First Collaborative Novel

Hi Everyone! This is R from MSOB FB page.


I just want to inform everyone especially MSOB writers that there are still slots for the first ever MSOB Collaborative Novel. This is due to some unavoidable circumstances.

For those who want to be one of the authors, let me know.

Please do send me a message on my FB Acct.
Kindly search iheytmahex632@gmail.com


Thank you very much!

Monday, May 30, 2011

The Red Rose

The moon was at its fullest, bloody. Midnight and I could see the heavens lighted. Before the skies would signal the coming of the dawn, I would be born again, be reincarnated. Not as a different creature, but the same as what I was at the moment and nine hundred and ninety-nine years ago – a bloodsucker, but with a different identity. I must reincarnate, or be denied of immortality. I would die, and would become a wilted thorny rose. I would never want that. All I need was a beating heart, a human heart, to remain an immortal.


I did search for mortals, and I met twelve of them. I needed just one, and I chose…


I felt thirst… Human bloods were just around. Liters of them. So long had I not drunk a volume. We were prohibited to, for a few centuries now, and I did not know why. I should not really be tempted. I got an aim, and I just couldn’t give up my eternity. I must slay a human before it was full moon.


Of the millions of places in the world, I found my beloved gorgeous physique standing, studying every human present in a kingdom found amid the faraway wild hills.


Right from where I was, I saw her glow. She was so beautiful. I could smell and hear her heart, perfect for my need, for my reincarnation. “Princess Arlyn!” called someone in a formal suit. He was Gentleman Jhay, I could saw it on his name plate. “I thought you’re with Prince Ian. I heard he’s here, looking for you,” he added. He was of a good built, feminine. I could see sense his nervous heart beat. His heart could also be perfect for my need. But, no. He was frail. He would want to be the prince for her, but he got the most coward heart.


“We haven’t been together, for quite a long time now. I decided not to see him, or at least not to find ways to see him. I realized I am tired. Please don’t mention anything about him, I beg. I need to make the best of my face tonight. It’s my sister’s wedding.” She smiled the sweetest, but her shoulders fell. She could not pretend. Yet, insensible, she had not felt the gentleman’s love, for her.


I sensed three aortas coming near. They were Mardy’s, Richel’s and Philip’s, the never complaining confidants. They were blameless, na├»ve, demure and tamed. They were unfamiliar. They could be my last options, but could also be the first.


Here came Princess Geraldine and Jennifer. They were overfamiliar. Refined. One of them could be the mortal I needed. “How lucky Princess Mihara is. She got the most loving Queen. And she, now, would be marrying Prince Arturo. I wonder how much of love do they share. What do you think Jennifer? Will I also find my most true love?” Hopeful romantic, she had a longing heart.


“You won’t find him Geraldine. He will find you. Who knows? He may be around tonight. Wou will bump on him. You will fall, and he’ll catch you. Then there will be no slow motion, but a motion stop. And, boom! There comes your most true love.” She was her stimulant, the filler. She would always want everyone to grin.


I shifted eyes, got multiple choices, got short way to go before midnight. I should have just randomly grabbed one, and never opted.


“Sheila, am I on the right track?” She combed her now shoulder-length brown hair. “I have to do this for the Queen. For a couple of times, I disappointed her. Now, I have to marry a man I don’t love at all.” Her pretty face, upset, gloomy as her velvety red long robe. She could have the heart I was looking for. She was perfect.


“If Fribel is here, she would be telling you not to. She sees love a treasure, and should not be wasted. But she’s forever gone. So, listen to me. You’re clever than I. Even stronger. It had been your toughest decision. You’ve had more than this torture, Princess Mihara. I know the prince can make you happy, at least.” She’s the littlest, the sincerest. She had the softest heart, suicidal. She valued not her life, she could be the best one I should kill, but she was loved. Not her heart.


The ceremony had to start. The groom stood in frantic ease. He was unnoticeably troubled. At the end of the crimson carpet, his bride started to march. She stunned him. She was flawlessly beautiful. She was near, just a few steps and they would touch. I could hear both hearts throbbing fast. Both were genuinely in love, but not for each other.


“Prince Arturo!” shouted a voice from where the bride had stood before, at the far end of the crimson carpet. “I can’t just see you exchanging vows with the woman I know you don’t love! My love for you brought me here! I know death awaits me for taking this courage, but I’d rather die than see you one with her! I beg you not to marry her!”


“Geed…” His voice was calm. He turned to get back his stare to his bride. “Princess Mihara, I fear I might cause you pain after this. You are the most beautiful woman I ever met, but my heart simply doesn’t beat for you.” In a very low voice, he told her.


“You are the most gentleman Prince Arturo. You can’t hurt me, ‘cause not my heart belongs to you. Go, get him before he’ll be punished to death.” The bride smiled at him. He kissed her hand, left and got lost with Prince Geed. Everyone around was in awe, speechless.


“You are freed. You are unmarried. You are meant to be mine, Princess Mihara. I’m so sorry, I had been so afraid to fight for us. Not this time. Not again. The heavens gave me chance. Now give me chance to mend your heart.” He was Karl, the kingdom’s head knight, Princess Mihara’s love. He was changed, for love.


Humans, they were born to live for a few years, and love. Now I know why we were, for centuries now, deprived to kill humans. They were valuable. I made a fist, tight. It was sixty tic-tacs more before midnight. I needed to slay a human and get his beating heart. I was in turmoil on who would I kill. I again looked up the bloody full moon. I closed my eyes, readied myself to kill, to reincarnate. One more tic-tac.


Tic-tac.


I guided my hands to my chest, gained vigour, gained more vigour. I buried my claws deep down my ice-cold flesh, and took out my heart. I killed myself.


I was Syndy, nine hundred and ninety-nine years ago. Now, I reincarnated, into a wilted throny red rose.

----------------

Happy May Flower!

Sunday, May 29, 2011

Love Me Like I Am (Book 2) TEASER!!!

Salamat kay Snabero sa Poster na ito!!! Eto na ang Teaser ko sa "Love Me Like I Am Book 2" na pinamagatang...


"VENGEANCE OF A BROKEN HEART.."

“WILL LOVE BRING BACK THE REAL YOU? THE KIND HEARTED YOU? WILL LOVE TRIUMPH HATRED IN YOUR HEART?”

"Lahat ng Sakit ay dinanas ko, Lahat ng pang-aalipusta ay naranasan ko, lahat ng pagpapa-hirap mula sa ibang tao, natikman ko. Kahit sa TAONG MINAHAL KO NG SOBRA, TINRAYDOR AKO.

Ngayon, Oras na PARA PAGBAYARIN ANG DAPAT MAG-BAYAD. ORAS NA PARA MANINGIL. ORAS NA PARA ITUMBA ANG MGA TAONG PUMATAY SA DATING AKO."

Ako na si Erick Uriel Alvarez, at ito ang ikalawang yugto ng buhay ko..

ABANGAN!!

Love Me Like I Am (Book 1 Part 18 - Last Part)

Eto na po ang LAST PART NG BOOK 1! Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa story ko. Pasensya na po kung natagalan ang update. At ngayon pa lang, sasabihin ko na ang update ko ay baka Once a week na lang or kung kakayanin, twice a week gawa ng Nag-major na po ako at isa pa.. Meron po akong PERSONAL PROBLEM (FAMILY PARTICULARLY..) So ngayon pa lang maghihingi akong paumanhin kung matatagalan ang mga susunod na updates. Pero asahan po ninyo na Mag-uupdate pa rin ako =)

Hindi pa dito natatapos ang storya ni Gabriel, sana po ay suportahan niyo pa rin ang IKALAWANG LIBRO NITO.

Eto na ang FINALE NG BOOK 1!!! Sana po ay ma-satisfy po kayo.. Maraming salamat po ulit!!!

--------------------------------------------------------------------------------

By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
Part 18: "The True Heir and The Promise"

When The Last Teardrops Fall - Blaque

Powered by mp3ye.eu


Paraiso…

Ito ang masasabi ko sa lugar na kinaroroonan ko ngayon, walang inaalala, walang problema, walang hirap, walang sakit.. Teka! Patay na ba ako?? Ang bigla kong natanong sa sarili ko.

Naka-upo ako noon sa gitna ng napaka-gandang lugar na iyon ng may madinig akong mga tao na tumatawag sa akin..

“Anak, miss na miss na kita.. Sana nandito ka, kasama namin ng Papa mo.. Alam ko anak na impossible na ito.. Pero umaasa pa rin ako na buhay ka, at ok ka.. Anak mahal na mahal kita..” ang sabi ng boses na nadidinig ko.

“Si Mama!” ang sigaw ko sa isip ko.

“Gab, sana buhay ka at kapiling ni Kuya.. Gab, hirap na hirap na ang kuya ko. Bakit ba kasi umalis ka? Bakti mo ba kami iniwan? Ako? At si kuya?? Bakit Gab?? Kung alam mo lang Gab, sobra-sobra na ang paghihirap ng Kuya Jared ko..” ang sabi ng isa pang boses na nadinig ko.

“Ella!!” ang sigaw ko ulit sa sarili ko.

“Gab... Gumising ka na.. Kailangan ka ni Enso, kailangan ka ni Lolo, at kailangan kita. Mahal kita Gab, wag mo akong iwan gaya ng pag-iwan sa akin ng magulang at girlfriend ko. Gab, please wake up.” Ang sabi naman ng isa pang boses.

“Ace!!” ang sabi ko ulit sa sarili ko.

Ilang sandali pa ay may lalaking tumatawag sa akin. Nang lingunin ko ang kinaroroonan ng boses ay nakita ko ang taong pinaka-mamahal ko. Si Jared.

JARED: “Gab!!” ang sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa akin.

Nang makalapit siya sa akin ay agad-agad niya akong yinakap.

JARED: “Gab, miss na miss na miss na kita.. Wag mo na akong iwan please.. Mahal na mahal kita.. isama mo na ako Gab..” ang sabi niya kasabay ng pagpatak ng luha niya.

AKO: “Jared.. Mahal din kita.. Pero –“ hindi ko natapos dahil..

JARED: “Gab please, take me with you.. magsama na tayo..” ang sabi niya habang umiiyak.

Hindi pa ako nakakasagot ng unti-unting lumayo ang kinatatayuan ko sa kinatatayuan ni Jared. Tumakbo siya ng tumakbo ngunit kahit anong pilit niyang habulin ako ay hindi niya magawa.

JARED: “Gab!! Wag mo akong iwan please..” ang humahagulgol niyang sabi.

Wala akong magawa kundi umiyak na lang din habang papalayo ako ng papalayo kay Jared. Awang-awa ako sa itsura niya. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kahit sa sandaling pagkakataon lang ngunit pinagkait pa rin sa amin ito.

Nakaluhod ako noon, umiiyak ng......

“Gab..”

Isang tinig na umalingawngaw sa buong paligid ang narinig ko. Nakakapanindigbalahibo ang boses niya, at hindi lang iyon, kaboses ko pa!

“Gab..” ang sabi niya sabay hawak sa balikat ko.

Nang lingunin ko siya ay laking gulat ko na nakita ko ang sarili kong mukha sa kanya. Naka-puti siya at ang buong katawan niya ay kasing liwanag ng araw. Parehas kami ng mukha, pero di hamak na napaka-gwapo at napakalinis tingnan ng lalaking ito kumpara sa akin na alam ko naman na hindi.

AKO: “Sino ka? B-b-bakit --“ hindi ko natapos dahil..

????: “Ako ang pinagkaitan ng buhay, at ikaw ay biniyayaan naman ng buhay.” Ang katagang sinabi niya.

AKO: “A-a-ano?? Hindi ko maintindihan. Sino ka ba?” ang naguguluhan kong tanong.

????: “Hindi ko man lang nasilayan ang ganda ng mundo, hindi ko man lang naranasan ang yakap ng isang ina, at hindi ko man lang naramdaman ang mahalin. Pero ikaw, napaka-swerte mo dahil naranasan mo yun Gab.”

AKO: “Hindi kita maintindihan..”

????: “Ako si Erick Anthony Alvarez Montenegro. Kapatid at kakambal mo..”

Hindi ako makapaniwala sa nadinig ko. Ibig sabihin siya ang namatay kong kakambal.

ERICK: “Gab, hindi ko hahayaang matulad ka sa akin. Gab, kailangan mong mabuhay, para kila Mama, kay Papa, at sa kapatid natin. Kailangan mo siya mahanap Gab..”

AKO: “P-p-pero.. Ayaw ko na.. Pagod na pagod na akong mabuhay. Puro paghihirap, pang-aalipusta, at sakit ang pinaranas sa akin ng mundo. Gusto ko ng magpahinga. Kasama mo Kuya..” ang naiiyak kong sabi.

ERICK: “Bunso, Nandito lang ako lagi, nandito lang si kuya. Hindi kita pababayaan, at hindi ako mawawala dyan.” Sabay turo sa puso ko.

AKO: “Kasi naman ehh.. Bakit naman ganun?? Lahat na lang sila sinaktan ako, lahat..” at tuluyan na akong humagulgol.

ERICK: “Gab, sa kabila ng sakit, sa kabila ng paghihirap, sa kabila ng pagdurusa, ay may magandang bukas na naghihintay. At isa pa, meron ding mga taong nagmamahal sa iyo. Nandito ako, si Mama, si Papa, si Ella, si Ace, at si Jared. Kaya Gab, mabuhay ka.. Wag mong hayaang magaya ka sa akin. Lumaban ka.. Mabuhay ka, para sa akin..”

AKO: “Pero kuya—“

ERICK: “Titingalain ka ng lahat! Kahit ang mga bituin ay luluhod sa paanan mo. Magbabago na ang buhay mo. Yan ang pangako ko sa iyo..”

AKO: “Naguguluhan ako.. Anong ibig mong sabihin??”

ERICK: “Basta, kahit ano man ang mangyaring pagbabago sa buhay mo, wag mong hayaang makulong ka ng galit. Wag mong hayaang mawala ang pagmamahal dyan sa puso mo. Wag mong hayaang patayin ng galit ang sarili mo.”

AKO: “Kuya—“ ang umiiyak ko pa ring sabi.

ERICK: “Basta Gab, Mahal na mahal kita.. at hinding-hindi kita iiwan kahit kalian.” At kasabay nito ang isang napaka-higpit na yakap mula sa kanya na ginantihan ko rin ng yakap.

----------

----------

Nang minulat ko ang mata ko ay kulay puti lang ang nakikita ko. Pumikit ulit ako at unti-unting luminaw ang paningin ko. Inikot ko ang mga mata ko at nakita ko si Ace na mahimbing na natutulog sa tabi ko at hawak-hawak pa nito ang kamay ko.

ENSO: “Si Kuya Gab!! Si Kuya Gab!!” ang sigaw ni Enso na nasa di kalayuan.

Agad namang nagising si Ace at..

ACE: “Gab!! Gising ka na!!” at pagkatapos noon ay may pinindot siya na button sa ulunan ko. Siguro ay tumawag siya ng doctor.

Pagkatapos niya pindutin ay button ay umupuo siya ulit sa tabi ko at hinawakan ang aking mukha.

ACE: “Grabe Gab.. Na Miss kita ahh..”

AKO: “Uhm.. Ace, ano ba nangyari??”

Bago pa man siya nakasagot ay dumating ang doctor at nurse, may mga ginawa sila sa akin na hindi ko na alam. Hehehe. Basta ang sabi ng Doctor ay pahinga na lang daw ako at makakalabas na ako ng Ospital. Nang makalabas na ang Doctor at ang Nurse ay..

AKO: “Ace, ano ngapala yugn sinasabi mo kanina? Ano ba yung nangyari??”

ACE: “Pagkatapos ng paghaharap namin ni Bianca ay hinanap ko kayo ni Enso. Nakita ko lang na nakahiga si Enso at duguan ang kanang balikat niya. Sinabi din niya na may dumukot sa iyo pero di niya alam kung sino.”

Bigla namang pumasok sa isip ko ang huling eksena bago ako mawalan ng malay. Ang tangkang pagpatay sa akin ni Steph.

AKO: “Si Steph..”

ACE: “Steph?? Yung pinsan ni Bianca?”

AKO: “Oo siya nga..”

ACE: “Bakit naman niya ginawa yun?”

At kinwento ko kay Ace ang lahat ng sinabi sa akin ni Steph at kung paano niya tinangkang wakasan ang buhay ko. Nalaman ko na dead on arrival pala ako noong dinala sa ospital, at nairevive lang daw ako after 45 minutes. Di raw nila akalain na magbabalik pa ang pintig ng puso ko. Sa pag-uusap din namin ay nalaman na kinwento din sa kanya ng mga kasambahay kung sino si Steph sa buhay ko. Nalaman ko din ang mapait na katapusan ni Bianca, tadtad ng bala ang buong katawan niya. Nalaman ko din na kaya pala nila ako natunton ay dahil noong nakatali ako, noong pinunasan ni Kokoy ang dugo sa ulo ko na kagagawan ni Bianca, ay mabilis na kinabitan niya pala ng Device ang kwintas ko. Ang maliit na device na ito ay para malaman ni Ace kung nasaan ako naroroon. At dahil dito ay nasundan nila ako doon sa bangin na hinulugan ko.

Sa gitna ng pag-uusap namin ay naalala ko si Lolo.

AKO: “Ace, kamusta si Lolo?”

Hindi naman agad nakapag-salita si Ace imbis ay isang tingin lang ang ginawa niya sa akin.

AKO: “Si Lolo Ace. Please, gusto ko malaman kung ano nangyari kay Lolo.” Ang pangungulit ko.

ACE: “Gab, tsaka na kapag magaling na magaling ka na..”

ENSO: “Kuya Ace, kailangan ng malaman ni Kuya Gab ang katotohanan..”

Tumingin naman si Ace kay Enso at..

AKO: “Anong dapat kong malaman Enso??”

ACE: “Hayy.. Sige.. Gab.. Gusto ka ng makausap ni Lolo sa madaling panahon. Si Lolo, bilang na ang oras niya Gab. Critical na ang kalagayan niya. Ayoko muna sanang ipaalam ito gawa ng nasa recovery stage ka pa at baka makasama pa ito sa iyo.”

AKO: “ANO!?!?! P-p-paanong??”

ACE: “Nang malaman niya ang katotohanan ay inatake ito sa puso. Sabi ng doctor ay tanging heart transplant na lang ang paraan para gumaling siya. Ang sabi naman ni Lolo ay gusto ka nyang makausap at makita sa huling sandali.”

AKO: “Gaano na ba ako katagal naka-ratay dito?” ang tanong ko.

ACE: “Mag-iisang buwan na Gab..”

AKO: “Ace.. Gusto kong makita si Lolo. Ngayon na..”

ACE: “Pero Gab..”

AKO: “Ace.. Please..”

At dahil doon ay sinamahan at inalalayan ako ni Ace at Enso patungo sa kwarto ni Lolo. Bago kami umalis ay may tinawagan si Ace at sinabihang pumunta sa Ospital. Hindi ko alam kung sino ito.

Nang makarating na kami sa kwarto ay nakita ko si Lolo. Dahan-dahang tumingin ito sa may pintuan kung nasaan kami at..

LOLO: “Gab.. Apo??” ang sabi niya.

Bakat sa boses at mukha ni Lolo ang matinding hirap.

AKO: “Lolo..” ang sabi ko sabay yakap sa kanya.

LOLO: “A-ang t-tagal-tagal kitang hinanap apo. K-k-kayo ng m-mama mo. G-gusto kong humingi ng t-tawad sa lahat-lahat ng nagawa kong k-kasalanan sa iyo, s-sa kapatid mo, at s-sa Mama mo.”

AKO: “Lolo, tapos na po yun..”

LOLO: “N-nang dahil sa akin ay nagkahiwalay kayo ng kapatid mo.. At lumayas ang apo ko.. L-l-lumayas si Aliyah..” ang sabi niya.

“Aliyah??” ang sigaw ko sa isip ko. Yun ba ang pangalan ng nawawalang kapatid ko?

AKO: “Hahanapin natin siya Lolo.. Hahanapin natin si Ate Aliyah. Basta sa ngayon, magpagaling po kayo ha?” sabay pilit na ngiti.

LOLO: “Matanda na ako.. N-nararamdaman ko.. H-h-hindi na ako magtatagal..” ang

AKO: “Hindi Lolo.. Hindi.. Hindi po pwede yan.. Ipangako niyo po sa akin na magpapagaling kayo. Ok po??” sabay pilit na ngiti at pahid ng luha.

Ngunit imbis na sumagot ay ngumiti lang siya.

LOLO: “Ace.. tinawagan mo na ba??”

ACE: “Opo Lolo.. Papunta na..” ang sabi nito.

Hindi ko alam kung sino ang taong sinasabi nila. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na may hawak na documento.

LOLO: “Attorney..” ang sabi lang nito.

ATTY: “Don Raphael, ito na po ang mga papeles na pinahanda mo sa akin. Ang kailangan lang po ay ang inyong pirma.”

Humugot ng ballpen ang abogado at binigay kay Lolo upang pirmahan ang documento na dala-dala niya.

Nang matapos ng pirmahan ni Lolo ay..

AKO: “Attorney, a-a-ano po yang mga yan??” ang tanong ko.

ATTY: “Ang Documentong ito ay nagsasabi na pinapasa ng Lolo mo ang lahat ng kanyang ari-arian, mga lupain, mga bahay, at pati na rin ang pamamahala ng kanyang kumpanya, sa loob at labas ng bansa, sa apo nitong si Gabriel Alvarez Montenegro. Sa inyo po.”

Hindi ako makapaniwala sa mga nadinig ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natuwa sa mga nadinig ko, marahil ay senyales ito na hindi na nga magtatagal si Lolo.

AKO: “Lolo, b-bakit naman po??” ang sabi ko na naiiyak na.

LOLO: “Gab, apo. Hindi na ako magtatagal. N-n-nararamdaman ko, ilang sandali na lang ay..” ang sabi niya na hirap na hirap na.

AKO: “Lolo Please, wag ka pong magsalita ng ganyan.”

LOLO: “Ace..” ang tawag nito.

ACE: “Po??”

LOLO: “Ikaw na bahala sa Apo ko. Tulungan mo siya pagpapatakbo ng kumpanya Ace. Ikaw lang ang aasahan niya.”

ACE: “Opo Lolo..”

LOLO: “Mahal na mahal kita Apo.. Mag-iingat ka lagi.. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. P-p-pakisabi sa anak ko.. na.. mahal na mahal ko siya.. n-na p-pinagsisisihan ko ang mga kasalanan ko..” ang pa-utal-utal niyang sabi.

Ilang sandali pa ay pumikit si lolo at kasabay nito ang pagtunong at pagdiretso ng Life monitor na senyales na wala na siya.

AKO: “LOLO!!!” ang sigaw ko sabay ang pagyakap ko dito.

Bigla namang bumukas ang pinto at dumating ang mga doctor at nurse para i-revive si Lolo. Hinatak naman ako palayo ni Ace, kita ko rin ang pagdaloy ng luha niya.

DOCTOR: “Time of Death 9:08pm”

At tuluyan na akong nagsisisigaw at nag-iiiyak sa nadinig ko.

……………………………

……………………

……………

Isang linggo ang nakalipas ng iwan kami ni Lolo. Sa akin iniwan lahat-lahat ng kanyang properties kasama na rin ang pera sa bank account niya. Kaya lang, hindi ko magagalaw ang mga ito hangga’t hindi pa ako 18 gulang, 16 pa lang kasi ako ng mga panahong iyon. Sa ngayon, si Kuya Ace muna ang namamahala ng kumpanya gawa ng hindi ko pa kaya at pinag-paplanuhan namin na pumunta akong amerika upang doon mag-aral.

Pinag-iisipan ko kung tutuloy ako sa amerika gawa ng naisip ko din sila mama, papa, at kuya Jared.

“Babalik ako sa bahay. Baka sa pagbalik ko, doon makakuha ako ng sagot kung tutuloy ako sa states o hindi. At isa pa, gusto ko makita si Jared. Nasa kanya ang sagot kung aalis ako o hindi.” Ang sabi ko sa sarili ko.

Kasama si Ace at Enso, nagpunta ako sa bahay namin karga-karga ng isang magarang sasakyan. Dinungaw ko ang bahay ko.

AKO: “Nandito na ako.. Ang totoong bahay ko.. ang bahay na kinalakihan ko..” ang nasabi ko kay Enso.

ENSO: “Sige na kuya pasok ka na! Sigurado ako matutuwa silang makita ka.” Sabay ngiti.

Bumaba ako ng sasakyan at ng papasok na ako sa gate ay hindi ko inaasahan ang nakita ko. Si Ely, kahalikan nanaman si Kuya Jared. Sa kanilang paghahalikan ay napansin ko ang luhang dumadaloy kay Jared, hindi ko alam kung ano iyon at wala na akong pakielam. Tumalikod ako at dumiretso sa sasakyan.

AKO: “Manong, tara na po..” ang utos ko sa kanya.

ACE: “Anong nangyari??” ang tanong nito.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya.

Kasabay ng pagtakbo ng sasakyan ay ang pagdaloy ng ulan. Kasabay ng pagdaloy ng ulan ay ang pagpatak ng luha ko.

ENSO: “Kuya ok ka lang ba??”

Sa tanong niyang iyon ay hindi ko napigilang humagulgol. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko ang taong mahal ko na may kahalikan nanamang iba. At yung tao na yun pa rin ang kahalikan niya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang lagi niyang sinasabi sa akin na ako lang daw ang mamahalin niya, na ako lang ang laman ng puso niya, kasi iba ang nakikita ko. Mahal niya si Ely.

AKO: “Manong, Sa may ******** Cementery po tayo.” ang utos ko.

Pagdating sa Cementeryo ay bumaba ako sa sakyan ng walang payong. Naglakad ako sa gitna ng cementeryo, hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan idamay pa ang hagupit ng hangin.

ENSO: “Kuya!! Payong!!” ang tumatakbong sabi ng bata habang may dala-dalang payong.

Hindi ko siya pinansin imbis ay naglakad ako sa pupuntahan ko. Ang puntod ko.

Pagkaharap ko sa lapida ay tiningnan ko ang nakalagay.. Pangalan ko, araw ng pagsilang, at araw ng kamatayan. Ang araw ng kamatayan ko ayon sa lapida ay ang araw na nasunog at sumabog ang building ng kumpanya namin kung saan inakala ng lahat na patay na ako.

ENSO: “Kuya..” ang nasabi niya lang habang hawak-hawak ang payong.

Basang-basa akong nakatayo sa harap ng sarili kong lapida sa gitna ng malakas na ulan.

AKO: “Sunog, Pagsabog, at Bala.. Hindi ko alam kung bakit nabuhay pa ako.. Hindi ko alam, kung may mararamdaman pa ako.. Hindi ko alam kung sino pa ba ako.. Hindi ko alam kung may pagmamahal pa dito sa puso ko.. Hindi ko alam kung bakit poot, at galit ang nararamdaman ko!!!”

ENSO: “Kuya..”

AKO: “Poot sa iyo Ely, sa pagtatraydor mo sa akin, akala ko kaibigan kita, pero inahas mo ang pinakamamahal ko. Mang-aagaw ka.. TRAYDOR KA!” ang sabi ko kasabay ang pagpatak ng luha ko.

AKO: “Galit sa iyo Jared, linoko mo ako.. Pina-asa mo ako.. Sinabi mo na ako lang ang mamahalin mo, pero yun pala.. yun pala..” at hindi ko na napigilang humagulgol at lumuhod sa sariling puntod.

ENSO: “Kuya please..”

AKO: “At sa iyo Steph, sa lahat-lahat ng kahayupang ginawa mo sa akin, buong buhay ko, wala kang ginawa kundi apakan ang pagkatao ko, ipahiya at pagmukhaing tanga sa harap ng maraming tao. Sinira mo ang buhay ko.. Sinira mo ang pamilya ko.. Sinira mo ako.. PINATAY MO AKO!!” ang sigaw ko.

Kasabay ng pagsigaw ko ay isang malakas na kulog ang nadinig namin na para bang ang panahon ay nakikiisa sa lungkot at galit na nadarama ko.

AKO: “Ipaparanas ko sa inyo, ang lahat ng sakit, lahat ng paghihirap, at lahat-lahat ng galit na nasa puso ko! Maghihiganti ako, babalikan ko kayo; Ely, Jared, Steph.. Ipaparanas ko sa inyo ang lahat ng pinaranas niyo sa akin, sisirain ko ang kinabukasan niyo, wawasakin ko ang buhay niyo! Lalo ka na Steph, magbabayad ka sa ginawa mo sa akin at sa pamilya ko.. Babawiin ko ang dangal at dignidad na kinuha mo sa akin!! Sinusumpa ko, magbabayad kayong lahat!! MAGBABAYAD KAYO!!!” ang sabi ko habang ang kaliwa kong kamay ay gigil na gigil na nakahawak sa damo, habang ang kanan ko naman ay hawak ang lapida ng puntod ko.

Galit...

Ito lang ang tanging emosyon na nadarama ko sa oras na iyon. Lalong lumakas ang hangin, ulan, at kidlat pagkatapos ko bitiwan ang mga katagang sinabi ko. Isang pangako, isang sumpa, pangako ng pagbabalik kaakibat ang sumpa ng paghihirap nila.

Hindi na nakakibo si Enso, at ganun din si Ace. Nakatingin lang sila, hindi alam ang gagawin para mapawi ang lahat-lahat ng nararamdaman ko.

Maya-maya ng maging mahinahon na ako.

ACE: “Gab, tara na..” ang mahinahon niyang sabi.

AKO: “Hindi ako si Gab..” ang sabi ko.

ACE: “Ano bang sinasabi mo? Halika na..” ang sabi niya sabay hawak sa braso ko.

AKO: “PATAY NA SI GAB!!!” ang sigaw ko sa kanya.

Nagulat siya sa naging reaksyon ko. Para bang nakakita siya ng ibang tao.

ENSO: “Kuya, tama na..” ang sabi nito.

AKO: “Simula ngayon, hindi na ako si Gabriel, patay na si Gabriel.” Ang matigas kong sabi at pagkatapos ay naglakad ako papuntang sasakyan.

Limang araw ang nakaraan at handa na kaming umalis ni Ace at Enso. Patungong Amerika. Hindi ko alam kung hanggang kalian kami doon. Pero kagaya ng isinumpa ko, babalik ako.

Pinaubaya namin sa kina Aling Minda, Aling Nelly, Totoy, Kokoy, at Inday ang pangangalaga ng mansion habang wala kami.

3:00pm, paalis na kami ng mall. Namili kasi kami ng mga bagay na dadalhin namin. Around 9pm kasi ang flight namin at dapat around 5pm nasa airport na kami.

Nasa labas kami ng mall hinihintay ang limusin namin na i-pick up kami patungong airport. Kasama si Enso at Ace noon ng..

ENSO: “Kuya Gab sa may left side mo!! Si Kuya Jared nakatingin sa iyo!!” ang sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o ano ang gagawin ko.

Bigla kong sinenyasan si Ace na takpan si Enso para hindi siya makita ni Jared, at isipin ni Jared na guni-guni niya lang na nakita ako. Nakita ko naman na unti-unting papalapit si Jared sa kinatatayuan ko. Bago pa man siya makalapit ay dumating ang limusin namin, supposedly merong bodyguard na magbubukas sa akin at kina Ace ngnuit dahil nga nakita ko si Jared na papalapit sa amin ay ako na ang nagbukas ng pintuan, gawa nga ng ayaw ko na maabutan ako ni Jared sa kinatatayuan ko. Ayaw ko siyang makausap at ayaw ko na maisip niya na ako yun.

Pagkapasok ko ay agad namang nakapasok si Ace at Enso. Agad kogn inutusan ang driver na paandarin na ang sasakyan at umalis.

Nang maka-andar ang sasakyan ay nakalampag ni Jared ang pwetan ng Limusin. Dinig ko rin ang pagsigaw niya.

JARED: “Gab!!!” ang sigaw nito.

Umandar ang limusin palayo sa mall at sa kanya. Ngunit nang lingunin ko ang likuran ng sasakyan ay nakita ko siya, tumatakbo at sinisgaw ang pangalan ko.

Hindi ko alam pero may dulot na awa ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Sabi ng isip ko ay wag siyang pansinin at iwan siya. Sabi naman ng puso ko ay bumaba ako at puntahan siya yakapin, halikan, at sabihing mahal na mahal ko siya sa kabila ng galit na nadarama ko.

ENSO: “Kuya.. Balikan mo siya.. mahal ka ni Kuya Jared..” ang sabi nito.

Hindi ko pinansin ang sinabi ng bata. Tiningnan ko naman si Ace at tumango ito senyales na ok lang sa kanya kung bababa ako at balikan si Jared.

Sa huli mas nangibabaw ang galit. Sa pagbilis ng andar ng sasakyan ay unti-unti siyang naiwan nito. Nakita ko na lang siya na naluhod sa gitna ng highway, umiiyak at sinisigaw ang pangalan ko.

“Tama ang desisyon mo. Tama lang na iwan mo siya, sinaktan ka niya, at nararapat lang iyon sa kanya.” sabi ko sa sarili ko.

Kasabay ng pag-andar ng sasakyan ay ang pagdaloy ng luha ko.

“Babalik ako, at sa pagbabalik ko, tutuparin ko ang pinangako ko.. Paghihiganti..”

“Simula ngayon, hindi na ako magiging mahina, simula ngayon, hindi na ako maaawa. Simula ngayon, titingalain ako ng lahat. Hindi na ako si Gabriel, dahil patay na si Gabriel. Ako na si Erick..”

(itutuloy..)

(END OF BOOK 1: FACES OF HEART..)

BOOK 2 TEASER (CLICK HERE..)

Saturday, May 28, 2011

EXCHANGE OF HEART pt15

I am proud to present to you THE FACES OF
EXCHANGE OF HEART!!!!!


"ANDY"


"LOUIE"


"JONER"



"KIM"

By: Gelo

Siniil nya ng halik ang labi ko, hindi ko mapigilang hindi pumatol sa halik na iyon dahil nag dadala ito ng kiliti at sarap sa bawat pag galaw ng labi nya. Mas humihigpit pa ang yakap nya sakin, sobrang higpit! Ng subukan nyang ipasok ang dila nya sa bibig ko biglang pumasok sa isip ko ang sakit na nadarama ko patungkol sa kanya. Ang pag sisinungaling nya sakin, pagtatago, at huling eksena kung saan napag desisyonan namin na wag na muna mag-usap o mag sama. Hinawakan ko sya sa magkabilang muka nya at dahang dahang inalis ko ang labi ko sa labi nya sabay namang tumulo ang luha ko ng mga oras na iyon. Mabilis lang na hininga nya ang naririnig ko.

“please.. please..” yun lang ang nasabi ko.. tumungo lang sya sabay naman ng pag talikod ko. Ang buong akala ko hindi ko na mararamdaman ang halik na iyon na para sakin ang pinakmasarap na halik, buti nalang at kumalas ako kundi sa halik palang mawawala na lahat ng pinag hirapan ko sa wala at baka mapatawad ko na sya sa ginawa nya.

Nabigla ako nung maramdaman kong medyo basa ang kamay ko nung inalis ko ang kamay ko sa muka nya. Marahil luha din ito hindi ko alam bakit sya umiyak atleast alam ko hindi lang ako ang nahihirapan sa sitwasyon naming ito. Mabilis akong nakatulog dahil na din sa sobrang kalasingan ko noon.

Pag mulat ko ng mga mata, wala akong joner na nakita na nakahiga sa tabi ko. Dahil nga ang huli kong natatandaan bukod sa halikan namin ni louie ay kay joner ako humarap ng pag higa pero hindi ko sya nakita doon. Sunod kong napansin ay may kamay na nakapatong sa bandang tiyan ko, pag lingon ko si louie! Nakanganga pa ang LOKO! Agad ko namang inalis ito sa pag ka patong ng kamay nya sa tiyan ko at umupo. Biglang kong naramdaman ang sakit saking ulo at medyo tipsy pa ang pakiramdam ko. Inikot ko ang mata ko sa buong kwarto. Malaki at maaliwalas ang paligid at maayos ang bawat gamit. Noong susubukan ko ng tumayo napa upo ako sa nakita ko. Si joner kakalabas lang ng CR at nakatapis lamang at walang pang itaas! “DIYOS KO PO ANG SARAP NA PANGHIMAGAS NAMAN ITO!” bulong ko sa sarili ko! Unang beses kong makita na walang pang itaas si joner . namangha ako sa nakita kong katawan nya. Kahit hindi masyadong kurbado ang mga abs pero panalo sa dibdib at kinis ng balat! Konting work out nalang pang model na ang tindig nito.

“oh! Kanina ka pang gising?”

“ah eh.. bago bago lang din.” Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil baka kung san san umabot ang mata at mapansin nya LINTEK NA!

“ah.. hindi ko na kayo ginising eh kasi sarap ng tulog nyo. Nakayakap pa itong si louie sa sayo.” Sabay tingin ko naman kay louie ng masama. Oo nga pala nakayap pa ang ugok na to sakin FEEL NA FEEL TALAGA ANG PAG TABI!

“ah ganun ba? Ahmm joner? Pasyensya kana kagabe ha? Kung yung..” habang naglalakad sya papauntang kabinet at kumukuwa ng susuotin.

“wala yun! Ano ka ba! Naiintindihan ko.. dapat nga ako ang mag sorry eh kasi kung hindi ko dinala yan kagabe sa bar edi sana walang nangyaring ganun.” Habang nag bibihis sya, hindi naman ako maka tinigin sa kanya baka sabihin nya binobosohan ko sya.

“ah.. tama lang yung ginawa mo.”

“tara? Almusal tayo? Nag paluto na ako almusal bago maligo.” Nakatayo sya sa harap ko non at sentrong sento naman ang pagkalalaki nya sa muka ko noon. Duon ko unang binaling ang tingin sabay akyat ng tingin sa muka nya na naka ngiti lang sakin.

“ako hindi nyo ba yayayain?” pag entra ni Louie. Gising na pala ang hinayupak!

“tara almusal na tayo JONER!” sabay tayo ko at hawak sa braso ni joner.

“baka gusto mo mag mumog muna?” hirit ni joner habang nag lalakad kame palabas ng kwarto nya habang sya nakalingon ng tingin kay louie na nakahiga pa.

“ay hindi ok lang! Kumakain ako kahit hindi nag mumog!” biro ko pero hindi naman totoo yun para lang makalabas na kame ng kwarto.

Habang nag lalakad kame papuntang dinning area, napahanga naman ako sa bahay nila joner! TALAGANG PANG MAYAMAN! Gantong ganto yung nakikita ko sa mga american styles ng bahay sa mga t.v. nung narating na namin ang dinning area. Nakahanda na ang almusal sa lamesa. May hotdog,ham,sunny side up na fried egg, tinapay at etc. PATAY! Walang kanin! Almusal ko kasi kanin talaga eh hindi ako nag titinapay.

“sir upo na po kayo kanina pa po nag-aantay ang almusal baka lumamig na.” sabi ng katulong nilang may katandaan na din.

“ah salamat manang.. sumabay na po kayo samin manang.”

“ay sir hindi na po mamaya na po ako nakakahiya sa bisita nyo.” Sabay kamot sa ulo nito.

“ok lang po manang sabay kana samin.” Binigyan ko lang sya ng isang ngiti.

“oh.. sabi ko sayo ok lang eh mabait yan, sya nga pala manang si andy bagong lead singer ng banda yan.”

“ah ganun po ba? Wow siguro po ang ganda ng boses nyo sir?”

“ay hindi naman syempre mas maganda ang kay joner at saka wag mo na akong sinesir manang nakakailang po eh andy nalang.” Ngiti ko ulit.

“bait naman pala nitong kaibigan mo sir.” Habang nilalagyan ng pag kain si joner sa plato nito.

“oo naman! Bait bait nito eh!” sabay kurot sa pisngi ko. Nilagyan na ni manang ang baso ko ng kape na gusto ko sanang tangihan kasi hindi ako umiinom ng kape pero nakakahiya kasi nasa ibang bahay ako. if ever man mainom ko ito mabubura ang record ko na 10 years na ng huli akong uminom ng kape.

“hindi po umiinom ng kape yan.” Napalingon naman kameng lahat kung san nang galing ang boses na iyon. Si Louie.

“oh tol! Upo kana sumabay kana samin.” Sabi ni joner. At umupo naman sa harap ko si louie. Pero syempre dahil nga nasa ibang bahay ako at baka sabihin din ni joner at manang na maarte ako sinimulan kong hawakan ang baso at tipong ihiihipan ang kape sa baso at ininom. Pinilit kong wag mag pakita ng reaksyon na hindi ko na gustuhan ang lasa at tinititigan ko si louie habang iniinom ang kape, pang asar ba! Tinititigan lang din nya ako tipong parang sinasabi. “gusto mong kape ha? Sige! Inumin mo!” at sabi ko naman “ kala mo hindi ko kaya ha! Kahit isang litro nito kaya kong ubusin!” para kameng nag-uusap sa mata ng mabasak ang aming momento ng nag salita si joner.

“oh tol kain na!”

“ah sige sige..” nung nakalagay na ang pag kain sa plato nya biglang humirit itong bayagra!nung makita nyang hindi ko alam anong gagawin kung pupuruhin ko ba ang hotdog at itlog o ilalagay palaman ito sa tinapay kasi nga talagang kanin ako eh KANIN! Patay gutom ako! ahahaha!

“tol! May kanin ba kayo?” biglang napatigil ako sa ginagawa kong pag lalagay ng itlog sa tinapay at nanlaki ang mata at binalin ito sa kanya!

“not again!” sigaw ko lang sa isip ko. Napa tingin naman si joner kay manang na parang nag tatanong kung meron ba.

“hindi kasi kumakain ng tinapay yan eh, kanin talaga almusal nyan.” Sabay duro ng nguso nya sakin.

“meron iho, ito naman si andy hindi nag sasabi eh.” Sabay tayo ni manang at tipong kukuwa ng kanin.

“hindi po manang, ok na ako dito wag na kayo mag abala.” Sabay kagat ko sa tinapay na may palaman na itlog at tingin kay louie. “bweset na ito! Dalawang beses na bumibingo sakin ha! Isa pa! Baka palunok ko sayo yang plato mo!” sigaw ko sa isip ko habang nakatingin kay louie ng masama.

Tahimik ang lahat, walang nag sasalita. Pag lapag lang ng baso sa lamesa na salamin ang maririnig ko paminsan ingay ng kutsara sa plato. Ng biglang magsasalita na naman ang bayagra at inunahan ko agad ng pag apak sa paa nya baka ano na naman ang sabihin!

“aray!” pigil na sigaw ni louie, sabay tingin kay louie ng masama.

“oh tol? Napano ka?” pag tataka ni joner.

“ah eh kasi..” tinignan ko lang sya ng masama at itinaas ang kilay.

“ah eh kasi naiwan ko ata cellphone ko s kotse mo kagabe eh hindi ko makita.”

“ah yun ba, sige check natin mamaya.”

Matapos namin mag-almusal nag handa na din kame para umuwi,andun nga ang cellphone ni louie sa kotse ni joner. mga 10am ng umaga non ng nasa byahe kame habang si joner nag mamaneho.

“ahmm joner, sa harap ng bahay nila louie mo kame ibaba ha?”

“ok..” napalingon naman sakin si louie parang nag tatanong bakit pati ako don baba.

“ako na mag papaliwanag kay ninang bakit inumaga ka na umuwi, nakakahiya naman sayo.” Sabi ko habang deretso ang tingin sa daan.

“hindi mo naman kailangan gawin yon.”

“hindi ko gagawin yon para sayo, gagawin ko yun para kay ninang alam kong nag aalala yun bakit hindi ka umuwi baka hindi pa maniwala sayo yon.” Ganun parin parang walang emosyon. Hindi na sya nag salita.

Ng makarating kame sa harap ng bahay nila louie sabay naman agad na labas ni ninang ng bahay.

“joner salamat ha? Pasyensya ulit..” sabi ko.

“ano ka ba!sabi ko sayo wala iyon sakin..”

“tol salamat ulit.. ingat sa byahe..” sabi ni louie.

“sige, tita mauna na po ako..” senyas naman si ninang kay joner.

Sabay naming nilingon ni louie ang bahay nila kung san naka tayo si ninang. Pumasok na ako agad at hindi na inantay si louie.

“ninang sa loob na po ako mag papaliwanag.” Sabay namang pumasok sakin si ninang. nakaupo na kame at nasa harap namin si ninang na nakatayo naman.

“ninang sorry po kung inumaga ng uwi si louie, galing po kame ng resto bar pagkatapos po ng Gig sinumpong ako kaya minabuti nilang dalhin nalang ako sa bahay nila joner at duon mag palipas ng gabi, sorry po kung hindi namin kayo nasabihan ng maaga tungkol dito.”

“alam ko..” sabi ni ninang na kinagulat namin ni louie. Nilingon ko si louie ng palihim kung may kinalaman sya dito.

“tumawag si joner kagabe sakin, ipinaalam kayong dalawa sakin. Mabuti na rin at sayo nangaling yan atleast confirm nga na ganun ang nangyari.”

“sabi ko sayo hindi mo na kailangan gawin yan eh!” sabay tayo at akyat sa kwarto nya.” Bwiset na to alam pala nyang nag paalam na si joner hindi man lang sinabi sakin gusto lang talaga na sabay kameng bumaba sa harap ng bahay nila.” Sabi ko lang sa isip ko.

“ah ganun po ba? Buti naman po at alam nyo na at hindi na ako mag papaliwanag ng bongang bonga!”

“anyway.. bati na ba kayo ni aweng?”

“po?ahmmm wala naman po kameng problema.” Ayaw ko ng sabihin pa kay ninang ang nangyayari samin ni louie na meron kameng di pagkakaunawaan for short LQ? Ahahahhaha.

“ah ganun ba? Buti naman kung ganun! Ayaw ko kasing nalalaman na may samaan kayo ng loob.” Sinuklian ko lamang sya ng isang ngiti.

“sige po ninang, mauna na po ako medyo nahihilo pa ako eh.” Sabay akmang tatayo na ako.

“oh sige, ayaw mo ba mag pahatid kay aweng?”

“wag na po, malapit lang naman.”

“oh sige sige mag ingat ka anak..”

Ng marating ko ang bahay, agad agad akong naligo feeling ko kasi ang baho baho ko na.. habang naliligo biglang puamsok sa isip ko ang halikan namin ni louie nung huling gabi.. napa isip ako bakit nya ginawa iyon at may bahid ng luha ang kamay ko, hindi mawari kung luha ba o pawis lang? Pero naka aircon naman eh at basang basa? Pawis? Well anyway.. bahala sya.. pero sa totoo lang kaya din ako naiyak kagabe ramdam ko ibang iba ang mga halik na yun, puno puno ng pananabik! Na may halong lungkot at nag pagsusumamo. Siguro nahihirapan din sya sa sitwasyon maing ganto pero mas mahihirapan naman ako if hindi ko ginawa iyon tulad nga ng sabi ni joner sakin “walang ibang pwedeng tumulong sa huli kundi SARLI MO LANG!” hay!! Ang hirap.. hangang kelan kaya na ganto sitwasyon namin? Sa totoo lang miss ko na sya! Sobra! Lalo na pag tinatawag ko syang “hoy BAYAG!” at ako pag tinatawag nyang “PWET!!”..

Nag daan ang araw na ganun parin ang set up habang ako abala sa pag prapractice sa banda at balita ko abala naman daw si louie sa liga sa basketball, habang kasaganahan ng sem break namin kanya kanya kame ng buhay! Lakad, pati pinag kakaabalahan. Bago umuwi lagi akong dumadaan sa bahay nila may dalang pasalubong kay ninang galing sa restobar pero hindi na din ako nag tatagal duon dinadahilan ko nalang ay pagod ako.

habang pauwi ako galing practice pansin ko daming tao halos hindi na ako makadaan sa dami naisipan kong wag na dumaan duon at lumiko nalang ng daan pauwi ng may marinig akong bulungan ng mga babae at nag mamadaling tumatakbong papuntang court.

“girl!! Bilis bilis!! 4th quarter na daw malapit ng matapos! At team nila louie ang nag lalaro!”

“ow talaga?!! Tara bilis!! Mag cheer tayo sa team nila fafa louie!” parang hindi magkanda ugaga ang mga babae sa pag takbo na parang kinikiliti ang mga CLITORIS!

Imbes na lumiko ako ng daan demeretso na ako ng daan para sumilip.. ang daming tao grabeh! Rinig ko sa iba championship na daw kaya matindi ang laban halos isang puntos lang lamang ng kalaban. Nag pumilit ako pumasok hangang marating ko ang harapan. Kakaloka! May mga parang cheering squad pa ang team nila louie ha! At karamihan KABAKLAAN! Ahahaha tawa naman ako ng tawa sa nakita ko ang iba puros kay louie nag chicheer! DAMING FANS!terno pa ang mga suot lahat naka VILOET at may hawak pang long baloons na gamit pang cheer At ganto ang mga sigaw nila!

“GO FAFA LOUIE!!”

“AWENG!! I love you!!” sigaw ng iba pag sya nakaka shoot.

“FAFA LOUIE MAG INGAT KA!! ANG GWAPO GWAPO MO!!” palong palo!! Ahahaha natatawa nalang ako sa kanila sa isip ko lang..

At may yell pa sila pag nakakashoot si louie “go louie!go louie! Go go louie! Aaaaaaaaaahhhhhhhh!! Ha!ha!ha! we love you fafa LOUIE!” na nakakapukaw naman ng atensyon ng lahat! Ako naman natatawa lang! ahahaha

“sorry kayo! Natikman ko na sya!” sigaw ko sa isip ko! Ahahaha ng biglang nasira ang AURA ng cheering squad ng bumulagta si louie sa sahig mula sa pag talon. Nagkabangaan sila ng myembro ng kabilang team. Parang mababaliw ang mga cheering squad ng team nila louie at napag kaalaman ko na sya ang star palyer ng team kaya parang lugmok ang mga tao na kampi sa team nila. Binuwat si louie ng dalawang nilang ka team at dinala sa tabi kung saan andun ang iba nilang kateam. Hindi magkanda mayaw ang mga kababaihan at kabaklaan sa pag sisigaw kala mo’y nagugunaw na ang mundo nila. Hindi ko rin maiwasan mag-alala dahil kitang kita ko sa muka ni louie ang tindi ng sakit na nararanasan! Nakahawak lamang sya sa paa nya at sakit na sakit ang itsura! Sinubukang lumapit ng ibang myembro ng cheering squad kay louie pero hinaharang sila ng ibang team. Parang hindi nila alam kung anong gagawin ang iba natataranta ang coach nila ay parang namumutla sa takot dahil nga malaking kawalan si louie if hindi sya makakalaro lalo na’t 3 minuto nalang at tapos na ang game, abante pa ang kalabang ng 2 puntos. Hindi ko na mapigilan kundi ang lumapit at tumulong. Pag lapit ko sinubukan pa akong harangin ng isa nilang kateam.

“hindi kayo pwede lumapit!” pag harang sakin ng kateam nila.

“nursing student po ako baka makatulong ako, at classmate ko si louie.” Sabi ko. Agad naman akong hinatak paloob palapit kay louie. Ng makita ko sya naka upo sa sahig at hawak hawak ang paa at kahit kalmado kitang kita ang sakit na nararamdaman nya. Lumapit ako agad hinawakana ng paa nya.

“saan ang sakit? Sa laman o buto?” tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nung hinarap nya ako ng tingin parang gulat na gulat at hindi makapag salita ang mokong!

“huy! Ano sagot?” bigla naman syang natauhan sa sinabi ko.

“ah eh.. sa laman ata!” parang alanganin nyang sagot.

“tiisin mo ha? Ipupush ko! Baka pinulikat ka lang!” dahan dahan kong pinush ang paa nya kitang kita sa muka nya ang sakit na nadarama habang tinutulak ko ang paa nya paharap sa kanya.

“may may telang bandage ba kayo? yung mahaba ha!” tanong ko sa isa nilang ka team, agad namang inabot sakin. Agad ko namang binandana ang paa nya buti nalang nung high school ay sumali ako sa isang FIRST AID tranning at alam ko ang mga ganto. Hinigpitan ko ang pag bandana dito. Pinainom ko din sya ng isang bote ng gatorade.

“kamusta pakiramdam?”

“ok na ok na! eh ikaw ba naman gumamot eh!” sabay ngiti sakin.

“balak ko nga putulin na eh!” sabay irap ko sa kanya at tingin sa play ng basketball. Ng nagulat ako biglang tumayo at tumalon talon at kinausap ang coach nila. Sunod na narinig ko ay tumunog ang ring at nakipag sub sya sa isang kateam nila hiyawan naman ang mga tao at lalong lalo na ang cheering squad nila ang iba parang gustong mag lumpasay sa sahig sa ka OAyan! Bagu tumungo sa play ay palihim pang lumingon sakin at kinindatan ako ng LOKO! Gago talaga! May paganun ganun pang nalalaman? Pero IMPERNEZ super kilig ang lola nyo! Ahahahaha! Parang nakita ata ng mga cheerinig squad ang ginawa ni louie at paran halos lamunin ako sa mga tingin kulang nalang lapitan ako at kalbuhin ang buhok ko gamit lang mga kamay nila!

Tuloy ulit ang game.. ngayon isa nalnag ang abante ng kabilang team! 1 minute left! Sobrang tense ang laban! Lagi tumatawag ng time out ang bawat team.. since andun ako banda sa malapit sa team nila louie pag nag tatime out at kinakausap sila ni coach nila palihim na tumitingin sakin si louie na pag nahuhuli naman nya akong tumitingin ay agad ko binabaling ang tingin sa iba. Balik ulit sa game! Halos 30 seconds nalang at ganun parin 1 puntos ang lamang ng kabilang team.. 20 seconds! 15 seconds! Hangang! 10 seconds nalang at si louie may hawak ng bola! At tatlo tatlo ang bantay! Kaloka!! Feeling ko gusto ko din sumigaw at maki cheer sa cheering squad!

10..

9..

8..

7..

6..

5..

4..

3 seconds..

SHOOT ang bola sa ring! At panlo sila louie! Talunan lahat ng taga suporta ng team nila louie lahat ng ato pumunta sa ginta ng court ganun din ang lahat ng kateam ni louie. Ako nalang ata mag-isa naiwan sa bandang gilid kung saan ako nakatayo. Ang saya ng lahat! Bukod sa natalong team.. binuhat nila si louie at inikot sa buong court. Habnag ganun ang eksena pinili ko ng umalis at umuwi na. masaya kahit papano nakatulong ako. habang nag lalakad ako pauwi nagulat nalang ako ng may ilang kababaihan at KABAKLAAN ang humarang sakin.

“hoy! Mahaderang, eksenadorang, mukang palakang, splakang bakla! Anong eksena mo kanina ha?” laking gulat ko naman sa sinabi nyang iyon parang gusto kong matawa eh sya itong mukang palaka!

“ang alin ba?”

“ay!! Kabog ito teh!! Kunwari wiz knows!!” sabi pa ng isang bakla!

“yung eksena mong charity epek kanina nung napilayan si fafa louie ha?!!” pag tataray nya.

“ah yun ba? I’m just trying to help..” sabay nung tipong aalis na at hinawakan ako sa braso ko para bumalik saking kinatatayuan.

“hoy! Wag mo kameng ma english englishin ha! Kala mo hindi ka namin maiintindihan ha!!?”

“ano teh? Jumbagin na natin itechiwa?” napa atras naman ako nung narinig ko ang sinabi nyang iyon kahit gusto ko lumaban eh ang dami kaya nila lugi ako.

Palapit sila ng palapit, paatras na naman ako ng paatras. Hangang sa ding ding nalang ang naramdaman ko sa aking likuran at hindi na ako maka atras at napapalibutan na ako. tinakpan ko nalang ng bag ko ang muka ko upang kung mabugbog man ako hindi gaanong mapuruhan ang muka ko. Ng bigla may nag salita sa likuran nila.

“wag nyo sya saktan kundi sakin kayo mapupuruhan!” sigaw mula sa likod nila na nagawang mapukaw ang atensyon nila at mapalingon.

“ay! Fafa louie!” sigaw ng isang bakla.

“tabe!” sabay hawi ni louie sa mga bakla at babae na nakapalibot sakin.

“sa sususnod na gawin nyo to sa kanya hindi ko na kayo papayagan na mag cheer sa team namin!” galit na sabi ni louie.

“ah.. eh.. ito kasi eh!” sabay sisi nung isang bakla sa babae.

“ano?!” sabi ni louie na galit parin.

“ah oo fafa louie hindi na..”

“mag sorry kayo sa kanya!”

“ui sorry teh ha!” sabi ng isa.. sumunod naman ang iba. At isa isa naman silang umalis na parang nakatago ang buntot paharap.

“ok ka lang?” sabay baling nya sakin.

“ok lang..”

“hindi ka naman nila sinaktan?”

“ hindi naman..” ewan ko ba! Umiral na naman ang kaartehan ko at iyon naiiyak na naman ako.. feeling ko kasi talagang mabubugbog na ako ng oras na iyon pag hindi pa sya dumating sirana sana ang kagandahan ko ngayon!

“oh! Bat umiiyak ka? Yung totoo sinaktan ka nila noh? Babalikan ko mga yun!” sabay hawak nya sa panga ko para tingan ang muka ko kung umiiyak ba talaga.

“wala nga kasi..” pag mamaktol ko sabay buhos ng luha sa mata ko.

“oh?bat ka umiiyak?”

“eh kasi!!! Kalako mabubugbog na talaga ako kung hindi ka pa dumating..” sabay takip ko ng muka ko kasi talagang bumuhos na ang luha sa mata ko. Niyakap nalang nya ako at dun ko pinagpatuloy ang pag iyak.

“sorry.. tama na.. wag na iyak.. alam mo namang ayaw kong umiiyak ka eh! Yaan mo hindi ka na ulit masasaktan ng mga yun kahit sino dito! Kahit saan basta andito ako! tama na..”

Kinalas ko ang sarili ko sa pagkayakap nya sakin dahil may ibang mga taong nakamasid ang mga mata saming dalawa.

“salamat.. uuwi na ako.”sabay pahid ko sa muka ko.

“hatid na kita..”pag alok nya.

“wag na! malapit nalang man din..” pero hindi sya nakinig sumunod parin sya ng lakad sakin, hindi ko na din sinaway alam ko namang kahit sawayin ko sya hindi makikinig iyon. Nasa may bandang likod ko sya habang nag lalakad kameng dalawa.. tahimik, walang nag sasalita. Hangang sa makarating kame sa bahay.

“salamat..”sabi ko, hindi naman ako makatingin sa mata nya.

“ako nga dapat mag pasalamat eh!” sabi nya.

“para san?”

“sa pag resque sakin! Kung hindi mo ako tinulungan kanina eh marahil nakabangko lang ako kanina at hindi kame nanalo. Gusto ka nga sana pasalamatan ni coach ng personal kaso hindi na kita nakita matapos ng game.”

“ah yun ba? Wala yun! Concern citezen lang.” Para kameng mga estranghero sa pag-uusap namin. Yung bagong bago lang nag kakilala at nag kakapaan ng mga ugali.

“concern? So concern ka sakin?” pag-ulit nya.

“kahit sino naman sa team nyo ang may kailangan ng tulong ko ay tutulungan ko eh, sige aakyat na ko at pagod ako sa practice.”

“ah sige sige.. salamat ulit.” Nung tipong isasara ko na ang pinto bigla sya may pahabol na sasabihin.

“ah andy teka!”

“oh?”

“ahmmm.. sige di bale nalang.” Binalingan ko na lamang sya ng isang ngiting pilit. Ng naisara ko na ang pinto sinilip ko sya sa bintana habang nag lalakad pabalik sa kanila, pakamot kamot pa ng ulo habang nag lalakad yung tipong may gusto talaga syang sabihin kaso napangunahan ng hiya. Napangiti nalang ako at tinungo ang kwarto at lakda agad sa kama.

Habang naka tihaya ako sa kama at nakatingala sa dingding, iniisip ko ang eksena namin sa court kung saan nilalagayan ko sya ng bandana sa paa kasi habang ginagawa ko iyon pansin ko nakatingin lang sya sakin yung tipong walang sakit na iniinda sa paa. Nung napalingon ako sa kanya hindi parin sya natinag at talagang titig na titig tila may sinasabi ang mga mata nya sakin na hindi ko lang mawari kung ano iyon. Tinungo ko na ang cr upang mag punas ng katawan at deretso tulog na din ako marahil sa sobrang pagod sa practice hindi ko na nagawang mag muni muni pa, ganun kasi ako aabutin ako minsan ng 1-2 oras bago makatulog lalo na nitong nag daang araw.

Kinabukasan matapos ang practice namin sa banda. Deretso ako agad ng simbahan dahil lingo noon. Mga 7pm huling misa sa simbahan samin. At ang kina-uurat ko ay hindi mapakali ang mata ko sa kaka-ikot nito, tinatanaw ko si louie kung nag simba ba o hindi. Tuloy hindi ako masyadong nakikinig sa misa. Maya maya nung tangapan ng na Ostya hindi ako pimila sa may pari mismo dahil pag kame ni louie ang nag sisimba gusto nya dun kame mismo pipila sa pari at tumangap ng Ostya. Sinadsya ko yun para makita kung nag simba nga sya o hindi. At iyon nga nakita ko sya ng pumila sa linya ni father at sya lang mag-isa hindi ata kasama ang girlfriend nya. Naka black jacket sya noon dahil tag-ulan ng mga oras na iyon at may kalamigan, ako man ay nilalamig din. Napag isip-isip ko lang bakit kaya hindi nya kasama gf nya? Hmmmm.. anyway.. ok na ako kaya hindi na umikot ikot pa ang mata ko kung saan saan dahil alam ko na san sya naka pwesto.

Matapos ang misa agad agad akong lumabas para hindi ko sya makasabay ng paglalakad pauwi. Nung nasa labasan na ako laking gulat ko nung narinig kong tinawag nya ang pangalan ko, balak ko nga sana hindi na lumingon at kunwari hindi ko narinig eh nagawang mag lingonan ng mga kasabay ko sa pag lalakad imposible naman na ako hindi ko narinig.

“ANDY!!!” sigaw nya ulit. Wala na akong nagawa kundi ang lumingon.

“oh?”

“ah.. eh wala lang.. sabay na tayo pauwi? Ok lang ba?” alanganin nyang tanong. Tinignan ko lang sya, “nangangasar lang ba ito? Parang wala kameng pinag usapan ha!” sa isip ko lang.

“oh sige, ayaw mo ata eh.”

“halika na!” sabi ko Nung tipong aalis na sya. Gulat ako sa reaksyon! Kala mo naka inom ng energy drink at biglang sumigla ang LOLO mo! Abot tenga ang ngiti! Parang gusto ko nga tumawa eh kaso baka naman sabihin nya FEELING CLOSE ako sa kanya! Well.. yun nga nag lakad kame ng sabay pero hindi ako nag sasalita. Nung napa daan kame sa GOTOHAN kung san kame madalas kumain ng Lomy ay medyo kinabahan ako dahil baka yayain ako nito, at yun nga nag yaya!

“andy? Lomy tayo? Sagot ko?”

“ah.. salamat nalang.. kumain na ako sa restobar kanina bago umalis busog ako, baka ikaw gusto mo antayin nalang kita.”

“ah hindi na rin baka sakali lang, busog din naman ako.” “bakasakali lang na ano? Ahahahah na pumayag ako? EXCUSE ME MATAAS PRIDE KO at pwede ba?” Sa isip isip ko lang! Ahahaha

“ui! Aweng! Hindi na kayo kumakain dito ah! May iba na kayong kinakainan noh?” sabi ni nong tindedro.

“ay wala po kuya! Kayo lang po suki namin.. sunod nalang po.”

“ah sige sige..”

“oo nga noh? Tagal na din nating hindi kumakain don hehehe.” Pag basag nya sa katahimikan namin, pero hindi ako naimik.

“ahmm musta nga pala practice nyo?” pangungulit nya ulit.

“ok naman.” Yun ang huli kong sinabi hindi naman sya nag salita pa ulit marahil naramdaman na nyang ayaw kong makipag-usap. Ng malapit na kame sa bahay ko bigla ulit syang nag salita.

“ahmmm andy.. uuwi pala ako bukas ng probinsya baka matagalan ako duon.” Malungkot nyang sabi. Parang nauntog naman ako at nagising saking kaartehan ng sinabi nyang MATATAGALAN gusto ko sanang tanungin kung gano katagal! 1week? 1 month? 1 year? Ano??!! Pero wala akong lakas ng loob para tanungin iyon sa halip nagkunwari paring walang pakeelam.

“ah ganun ba? Sige happy trip.. dito na ko dadaan.” Sabay lihis ko ng daan at naiwan syang nakatayo doon, ramdam ko an lungkot na dala nya sa damdamin nya. Gusto ko syang yakapin bago man lang sya makaalis! gusto ko sabihin na miss na miss ko na sya! Pero wala! Kinakain parin ako ng EGO ko na sinasabing TAMANG SAKTAN MO SARILI MO NA LUMALAYO SA KANYA KESA PATAYIN ANG SARILI MO NA KATABI SYA..

ITUTULOY..

Friday, May 27, 2011

PAUMANHIN


Gusto kong manghingi ng paumanhin sa mga tagasubaybay ko, sa pagsisiwalat ko ng aking saloobin at galit dito mismo sa aking blogspot.

Hindi man magandang basahin ngunit I guess, maigi na rin ang nangyari dahil ito ay nagpapakita lamang na ang manunulat, kung saan sinubaybayan ninyo ang kanyang akda, ay katulad din ng isang normal na tao – nakakaramdam ng galit, ng saya, ng appreciation, ng sakit...

May problema po ako sa aking family. I and my son are not in good terms sa ngayon. Mabigat ang aking dinadalang ito. At ngayon ay nadagdagan pa nitong mga kaganapan sa MSOB. Bukod dito, mayroon din po akong karamdamang iniinda: Meniere’s Disease.

Subalit, I am happy na rin to know na may mga tao talagang nanindigan para sa akin. Salamat sa inyo. Lalo na iyong mga silent readers na bagamat ayaw magcomment dahil natakot na mabunyag ang kanilang mga identity, ay ipinaabot pa rin ang kanilang mga suporta sa pamamagitan ng pagmessage sa akin. Alam ninyo kung sino kayo. Maraming salamat. Labis ko pong naapreciate ang inyong suporta.

Anyway, I guess it’s time to move on and leave behind the pains and the sad experience. Kahit papaano, may natutunan na naman ako sa buhay: huwag masyadong magtiwala sa mga taong hindi mo kilala...Actually, paulit-ulit na lang itong pangyayring ito. Hanggang ngayon, tanga pa rin ako. Haisstt!

Hopefully, the new fb MSOB group na Solid MSOBians ay magiging mas matatag at mas cohesive pa. Hindi ko alam kung ano ang magiging sunod na mga activities nito but ano man iyon, I will never give up sa pagbibigay ng aliw sa inyong mga mambabasa. Dahil sa suporta ninyo, patuloy pa rin akong magsusulat at magbahagi ng mga kuwento. 

Dalawang bagay lamang po ang pwedeng makahahadlang sa aking patuloy na pagbahagi ng aking mga kwento: kung hindi na kaya ng aking katawan ang magsulat, at kapag kayong mga taga-suporta ko ay iiwanan na rin ako.

Manghingi na rin ako ng paumanhin sa pagka-delay ng PNP 21. Obvious naman siguro ang reason. Dapat ay ngayon sana ang target ko. Subalit...

Pero nasimulan ko na po ito. In a few days, hopefully, ay maipost ko na rin. Huling kabanta a po ito kaya sana ay aabangan ninyo pa rin.

Gusto ko ring manghingi ng paumanhin sa ating mga sponsors. I am really sorry for all the mess and my tantrums. But I guess tama lang din na nalaman ninyo ang background dahil kayo ang bumubuhay sa activity ng MSOB. Without your trust and kindness, our EB may not be as grand as what we have planned it to be. Tuloy pa rin po ang EB. May iilang tao mang natanggal sa listahan, ngunit wala itong epekto dahil marami naman ang mga waitlisted na sa tingin ko ay mga loyal at tunay na followers.

Muli, pasensya na sa mga ka-dramahan ko. Ngunit kagaya ng aking mga kuwento, hindi po nagkakalayo ang totoong buhay. I just hope that out of this, all those involved will emerge better, stronger, and wiser persons.

Salamat sa pag intindi. Salamat sa pagiging nand’yan para sa akin. Habang sinsabayan ninyo ako sa paggawa at pag-ukit ko ng mga kwento, hihilingin ko rin na sabayan ninyo ako sa aking personal na pakikibaka sa buhay...

Inuulit ko, maraming-maraming salamat po!

-Mikejuha-

PS. Pasensya na at pansamanatalang tinanggal ko ang shoutbox dahil ayaw kong may mga hate comments.

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails