Followers

Wednesday, June 30, 2010

Ang Kwento Ng Pag-ibig Ni "July"

Author's Note:

Hindi po ako ang may akda ng kuwentong ito. Ipinagkaloob lang ito sa akin ng isang follower na pangalanan na lang nating "July". Nagpromise ako sa kanya na ipost ko ito. Nakarelate ako sa kuwento at sigurado ako, maraming makakarelate jan. Noong mabasa ko ito kanina lang, napapunta ako ng di oras sa CR at doon, hinayaang dumaloy ang emosyong bumabalik-balik. Napa-Shitttt! na naman ako.

Pero nice, kasi, nasabi ko sa sarili kong hindi pala ako lang ang nag-iisang tanga sa mundo - lol! Hayyyy, pag-ibig talaga. Nakakabuwang, nakakasira ng buhay, ngunit bakit ba, ang daming hindi pa rin natututo, hehehe.

Comments at mga advice are appreciated by me and July... Hehe.

Salamat sa iyo July sa pagbahagi mo ng iyong kuwento. At para doon sa gusto ding magbahagi ng mga kuwento nila dito sa MSOB, welcome po kayo...

Oo nga pala, na-appreciate ko grabe ang mga inputs don sa kuwento kong "Si King..." Ang gagaling po ng mga advice. At ang mga ito ang ginawa kong guide ngayon sa "moving on" stage ko... Salamat na nanjan kayo.

Bati Portion: Babatiin ko din pala si Mark dito, na kapag natuloy ang bakasyon ko ngayong Dec 2010 ay igagala daw niya ako sa Manila, taya niya. Kaya binati ko kaagad siya upang di na siya makatanggi - lol!

At para din doon sa gustong bumili ng aklat ko, "Idol Ko Si Sir", please go to the online store at http://www.central.com.ph at hanapin ang elibrary under fiction po siya.






Dear Kuya Mike,

Eto po ung story ng love life ko at ang buhay ko…

- July

ANG SIX YEARS AT ANG SIX MONTHS

Grade 5 ako nung nagtransfer ako mula sa isang public school papuntang private school. Ang dahilan sa paglipat ko ay dala na rin sa pinalipat ako mula section 1 to section 5 ng dating school dahil late ako naka enroll. Hindi ito makatarungan kung kaya nagdecide ang parents ko na lumipat na lang sa private school.

Sa pagtransfer ko, dun ko nakilala ang tao na tinuring kong bestfriend, si Oriel. Naging malipat kame sa isat isa. Bagamat naging kaibgan ko ang buong classmate ko at ka-batchmate, xa parin ang naging close sa akin.

Sadyang palakaibigan si Oriel. Lahat ng classmate namin hinahangan xa, lahat ng guro nmin, pati na rin mga schoolmate ay kilala xa. Sikat nga siya kung ituring eh. Pag nagkaroon ng eleksyon para sa student council sa school, lagi xa nananalo. Naging classmate kame mula grade 5 hangang 4th year high school. Lagi kame magkasama sa mga projects, sports, activities, etc. Ganun kame ka close sa isat isa. Nung 4th year kame, sumale kame sa ROTC, ako naging corps commandant at xa naman ang aking Adjutant.

Minsan, pinupuntahan ko xa sa bahay nya, na medyo malayo mula sa amin. May panahon rin hiniram nya medyas ko kc wala xa medyas nung nag outing kame. At ang hindi ko makalimutan sa lahat ay di nya ako iniiwan mag isa pag kailangan ako ng tulong.

Masaya ako sa samahan naming dalawa. Sadyang palakaibigan si Oriel. May grupo siya kasama ng ibang classmates namin, kaso di ako sumali kahit niyaya niya akong sumama. Ang dahilan ay palagi akong tinutukso ng mga ka-grupo nya. PANGIT! Yan ang tukso nila sa akin. Pero di ko naman un pinapansin kc pabiro lang naman un, kahit masakit sa loob ko, pero d ko na lang cla iniisip. Ganun pa man, ni minsan di ako tinukso ni Oriel. Ganun sya kabait sa akin. At sa huli, sa akin din lumalapit humihingi ng tulong ang mga classmates naming iyon, lalo na pagdating sa subject na science at math. Salutatorian si Oriel while ako nman 5th honor, pero kuha ko ang award na excellence in science, math, comp, at arts, hehehe…

Sa panahon din un, high school, may napupusuan din akong isang babae, na may pagka boyish, si Kris. Mahal ko xa at alam nya un, kaso di nya ako type. Ewan ko ba, baka babae din type nya, kaya di na na develop ang pagmamahal ko sa kanya. Pero buong high school life ko xa lang ang babae na gusto ko maging kasama lagi.

Nagsimulang gumuho ang samahan naming dalawa ni Oriel noong 1st year college na kame, year 2004. Magkaiba ung kurso ang kinuha namin. Computer Engineering ang kinuha nya while BS Physics naman ang kinuha ko. Iisang boarding house lang kaming dalwa, at iisang kwarto. Pero bago pa man nagsimula ung pasukan, nag attend kame ng seminar 1 month, so bale April kame nagkasama sa boarding house na un.

Naging magkalapit ang samahan naming dalawa, gawa na rin na lagi kame magkasama araw at gabi. Minsan nga, pinapamasahe nya ang likod nya sa akin na minsan kasama ang pwet nya sa pagmamasahae, at kung magbihis xa, hubad na nakatalikod sa akin. Inisip ko wala lang un, same naman kame lalake at close nman kaming dalawa pati family nya. Aaminin ko, nabighani ako sa katawan nya, lalo na sa pwet nya. Dati pa man, lalake man o babae naaatrak ako sa tambok ng pwet. Tawag nga sa kanya ay “pato” kc pag mag lakad, sumasayaw tlga ang pwetan nya. Hehe. Bukod dun, maganda din hugis ng katawan niya. Marami nga naatrak kay Oriel, mga kapwa students pati mga guro ay naatrak din sa kanya. Malakas tlaga ang appeal nya.

Sa kwarto na un lagi ko xa nakikita, hangang dumating ang gabi na nawala ako sa isipan ko. Tulog na xa at gabi na tlga na un, mga 1am. Naisipan ko na lang na hawakin ung ari nya. At nagtagumpay nga ako, nasa loob ng brief nya ang kamay ko hawak hawak ang ari nya na unti unting tumigas. Bigla kong naisip na mali ang ginagawa ko kaya tinanggal ko ang kamay ko at natulog na rin. Kinabukasan, parang walang nangyari. Pumasok kami a seminar na parang normal lang. Kinagabihan, di ko na ulit napigilan sarili ko, ginawa ko ulit ang ginawa ko nung huling gabi, at hinalikan ko xa sa pisngi. Nabigla na lang ako nang dumilat ang mata niya! (June 2004)

Sa gulat ko, hindi ako makapagsalita. Gusto ko mang mag sorry, pero wala akong maisip na dahilan kung bakit ko un nagawa. Pero di rin xa nagsalita. Bagkus, tumalikod xa at natulog ulit, kaya natulog na rin ako.

Kinaumagahan, dun nagsimula ang galit nya sa akin. Kung anu ano ang sinabi nya sa akin, sa tagal at dami (6 years na nakalipas) d ko na matandaan ang lahat kundi ung sinabi nya na “Ang pagtitiwala ay parang baso, pag nabasag ito, mahirap nang ibalik”…

Nung nasabi nya un, parang gumuho na ang mundo ko. Ang tanging tao na karamay ko sa high school ko ay galit na galit sa akin. Ang tao na mahalaga sa akin at lagi kong kasama sa lahat ng oras ay binaboy ko. Ang tao na ni minsan d ako tinalikuran ay tatarikuran na ako. Napakasakit ang pangyayari na un, pero alam ko kelangan ko tanggapin dahil ito ang kabayaran ng aking pagkakamali.

Ilang araw nakalipas at napagpasyahan nyang umalis na sa boarding house at iwan ako dun. Kaya ilang araw pa pagkatapos nyang lumipat, lumipat na rin ako sa isang apartment, kung saan ako ngyon nakatira. Naisipan ko din na baka ayaw nya na ako maging kaibigan or gusto nya na akong kalimutan. Pero di ko xa masisisi pagkatpos ng ginawa kong lahat na iyon sa kanya. (July 2004)

Dahil sikat si Oriel sa aming batch, lahat ng mga classmates namin ay close nya. Kaya matapos ang pangyayaring yun, unti unti na ring nawala mga kaibigan ko sa high school. Ang nangyari, wala na rin akong kaibgan. At un ang napakasakit. Naiwan akong mag isa at walang kakampi. Minsan nagkaroon cla ng reunion, d ako invited. Mga ibang classmate ko na maaga kinasal, d rin ako invited. Minsan pag magkasalubong ko ibang HS classmate ko, di nila ako pinapansin. Anu bang meron ako? Nakakahawang sakit? Patay na ba ako sa paningin nila? Lahat ng iyon tiniis ko. Lahat ng pagtalikod nila sa akin, lahat ng pagkutya nila sa akin, lahat lahat tiniis ko. Inisip ko na lang na ito ang resulta ng aking ginawa sa isang sikat sa batch namin, si Oriel.

Sa pangyayari na un, natututo akong pahalagahin ang kaibgan, kaya naging close ko ang mga college classmates ko sa ibat-ibang mga subjects. Pati na rin sa Masteral subject ko naging malapit ako sa mga classmates ko. At dahil adik ako sa paglalaro ng mga online games tulad ng RAN Online, Perfect World, etc., dumami lalo ang mga kaibigan ko. Kaso, pagkatapos ng araw, uuwi ako sa apartment ko na mag-isa, kakain na mag-isa, at matulog sa apartment na mag-isa. Dun natuto ako maging mag-isa sa buhay. Sabi nga ng iba, napakalakas ko raw at kaya ko na mabuhay ng mag isa at matatag. Sa lahat kc sa aming magclassmate sa college, masasabing ako ang matatag kahit anu mang mga trials pinagdadaanan namin. Ganun pa man, may mga gabi din akong umiiyak sa kama ko at nagsisi kung bakit ko nagawa un sa bestfriend ko at kung pwede ko lang sanang ibalik ang nakaraan at kusa akong umalis sa boardhouse na un para d ko na magawa ang bagay na iyon.

Bagamat ganun ang takbo ng buhay ko, inenjoy ko naman sexlife ko, hahaha… Marami akong nakasama kahait papano, babae man o bi’s… Pero lahat nang un ay pang past time lang or pang tanggal ng init. Wala akong naging ka relasyon during college life. May mga panahon nga na babae na mismo ang nanligaw sa akin, haha, ang kapal ng face ko nun dat time. Ganun pa man, naging busy ako sa pagaaral ko sa kabila ng kalokohan ko, dala na rin sa course ko na BS Physics. Consistent Dean’s lister ako, at minalas ng kunti, muntik na akong makapagtapos bilang Cum Laude, a difference of 0.04 sa GPA ko, huhuhu. (March 2008)

Pero sa 4th year ko sa college, may nakilala akong tao, si Rain (July 2007). Sa panahon na iyon, may gf si Rain. Tuwing may problema clang dawala ako ang kinakausap nya. Pero d pa kame nagkasama personally hangang nung April 2008 kung saan may training xa for the whole summer year.

3rd year plang si Rain nun, at Going 4th year sa June 2008. BS Civil Engring course nya, kaya 5 years siya sa college. Summer ng 2008 ang una naming pagkasama. Dahil magisa xa sa training na un at wala namn ako ksama at gagawin, pinasyahan ko na samahan xa. Lagi ko xa sinusundo at hinahatid sa training venue niya, kahit ulan, baha, or tindi ng init, walang araw na d ko xa sinasamahan. At doon nagbunga feelings ko sa kanya. May 5, 2008 nung naging kame dalawa, xa ang unang bf ko, at sa araw din un ang unang araw ng aming pagsasama sa iisang kama…

Naging masaya ako sa piling nya, as in… wala na ako hiniling pa na iba kundi ang lagi xa kasama. July 15, 2008 nung nagdisisyon siya na lumipat sa apartment ko para magkasama na kaming dalwa, at birthday gift na rin niya sa akin kc July 23 ang bday ko (kaya July nickname ko kc July din bday ko). Sa panahong iyon din ako naghahanap ng trabho at nagmamasteral din. So sabay kaming nagaaral.

October 2008 nung nagkaroon ako ng trabaho. Inaamin ko na sa pagkakaroon ko ng trabaho, parang nabawasan na rin ang oras ko sa kanya. Maganda ang trabaho ko, palagi akong nagtratravel sa ibat ibang lugar sa pinas. Pero kasabay nun, ay naiiwan si Rain sa bahay ng mag-isa, malungkot. At nasasaktan din ako pag naiiwan xa, kaso wala akong magawa. Minsan nagseselos din siya sa mga barkada ko kasi lagi daw akong naglalaro ng computer games kasama sila, kung kaya tinuruan ko xa mag Dota at ibang online games, at nagustuhan niya ito, at naging adik pa nga…

Naging close ko din ang family niya. Naging kaibgan ko ang mga kapatid nya. Nakilala ko ang parents nya at lola niya. Nung nagkasakit ang lola nya, binantayan namin ito sa hospital. Kilala din xa ng family ko. Nung na confine ako sa hospital, binantayan nya naman ako. At nung mag-isa lang xa na nagbantay sa akin sa hospital, may ginawa sya sa akin, na alam nyo na. hahaha….

Dahil bf ko xa, at may trabaho naman ako, ako na rin ang gumagastos ng malaki sa bahay. Mga basic needs namin, mga foods, mga damit, etc., sagot ko na dahil medyo may kalakihan naman ang sahod ko. Nagpakabit na rin ako ng internet sa bahay para d xa mabagot, at tinuruan ko rin xa mag Facebook, na di ko inisip na magdadala ng kapahamakan sa relasyon naming dalawa…

January 2010, sa facebook may nakilala xang lalake, Javie ang name ng lalake. Sa text cla nag uusap. Ako nman d ako ung tipo na seloso. Hanggat alam ko na wala cla ginagawang masama, ok lang sa akin.

March 24, 2008 ay graduation day nya, at masakit sa akin wala ako sa graduation day nya dahil on travel ako. Kung kaya, naiwan xa sa bahay magisa. Dahil bagot xa sa bahay, niyaya xa ni Javie na maglakad, at un ang unang pagsasama nila. Dinala niya si Javie sa bahay, at sinabi nya na single xa, at ang masakit, may nangyari sa kanilang dalwa…

Sobrang sakit ang ginawa nya, sobrang sakit! Pero d ko pa to nalaman agad. Sunday March 28, 2010 nung dumating ako sa bahay. Sa pagdating ko, naabutan ko ang lalake sa bahay dahil early morning akong dumating, pero naguusap lang clang dalawa. Pinakilala nya sa akin na kaibigan daw nya. So ok lang sa akin, kc buo nman ang tiwala ko sa kanya.

Gabi nung nagtxt ang lalake at tulog na si Rain. Nabasa ko ang text nya at sabi ng lalake na mahal daw niya si Rain. Kaya un ang unang gabi na nagaway kaming dalawa dahil sa lalake na un. Di nya inamin sa akin na may nangyari sa kanilang dawala pero ako may duda na…

April 2010 noong may travel na nman ako. At sa pagbalik ko, tinanong ko ang may ari ng bahay kung may dinadala bang ibang lalake si Rain, at OO, nagdadala nga xa ng ibang lalake, at un ay si Javie!

Sa buong buan ng April, walang gabi na d kame nagaaway. May mga text pa nga na “I miss your kiss, I miss ur hug, I miss having S*x with you”... Ilang beses ko na sinuntok ang pader ng bahay, ilang bses ko na natapon nag cp ko, at ilang beses na akong umiyak, pero lahat nun d xa nagsorry at d nya inamin sa akin about sa kanilang dalawa. At inaamin ko, naging martyr ako, sobrang martyr sa pagmamahal ko sa kanya…

May araw din sa buwan na un (April 2010) nag alok xa ng break up ng walang dahilan. At nabasa ko sa CP nya ang text ni Javie na maghihintay daw xa pagkatapos ang break up namin. D ko n natiis ang lahat ng panlolokong ginagwa niya.

April 30, 2010 nung may outing cla pati classmates nya, pumunta xa sa outing pero kinuha ko ang cp nya, at tnxt ko ang lalake at nagpanggap bilang xa, at dun lumantad na ang lahat ng kalokohan nila. May 1 at 2 sa bahay xa ng lalake natulog dala na rin ng galit nya sa akin kc kinuha ko ang cp nya.

May 3, 2010 nung umuwi si Rain sa bahay at inamin nya na lahat, lahat lahat mga panloloko nya. Ilang beses na pla cla nags*x habang wala ako sa bahay or sa bahay ng lalake. Sobrang sakit tlga pla ang katotohanan. Sabi pa nya, kung pwede lang daw xa magsinungaling para d ako masaktan, gagawin daw nya, kaso anu pa ang silbi ng pagsisinungaling kung saan lantad na ang lahat..

May 4, 2010 nung kinausap ko si Javie at si Rain ng personalan. Sa private rum kame nagusap, sa videokehan , at sagot ko lahat ng pagkain at gastos, mga about 1k din un. Dun pinilit ko magkaayos lahat, kaso matigas ang ulo ni Rain at ni Javie. Ayaw nila iwan ang isat isa. Dun din inamin nya na mas mahal nya si JV kesa sa akin. At nasaktan ako, sobra!

May 5, 2010 kahit grabe na ang sitwasyon namin, niyaya ko xa kumain sa isang Asian Resto at mag celebrate ng 2nd yr Anniversary namin. Pilit lang kung baga, pero para sa akin, masaya ako sa araw na un, at masaya din xa sabi nya. Nagtatawanan nga kame sa pag gamit ng chop-stick e, kc d sanay.

Ganun ako Katanga sa pagmamahal sa kanya. Pero d ko alam kung pagmamahal pa ba tawag dun, or being POSSESSIVE na. Nasabi ko iyon dahil nasanay akong lagi xa kasama sa bahay, at dahil dun, ayaw ko xa mawala sa piling ko, lalo pa sa isang lalake xa babagsak. Sabi nga nila, pag mahal mo ang tao, handa ka magparaya. Sa part ko nman, nahihirapan akong magparaya dahil sa isang lalake naman din xa babagsak. Tanggap ko nman kung babae ang ipapalit nya sa akin, wag lang isang lalake.

Dahil BSCE ang course nya, kelangan nya mag review sa Cebu for 6 months para sa board exam nya. Nagaaway din kame kc panay din ang txt nya sa lalake na un, at ako nman nagseselos kahit wala nang dahilan kc nga wala na xa pagmamahal sa akin, at masasabi ko na rin break na kameng dalawa. Kaso iyon, nagaaway pa rin kame.

Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, or possessive ba, napagdesisyonan ko na rin na samahan xa papuntang Cebu at mag bakasyon dun nang ilang araw bago mag start ang review niya. Ni minsan di pa xa nakasakay ng eroplano kung kaya imbes na barko, eroplano sinakyan namin, ako na ang nagbayad ng plane ticket naming dalwa. Masaya ako nung makita sa mukha nya ang excitement sa pagsakay ng eroplano…

Sa Cebu, nag check in kame sa SOGO Hotel, at sagot ko din ang bayaran namin sa hotel, 6 nights kame dun nag stay. Panay pasyal namin sa Cebu, sa mga tourist spot nito, mga food trip. Lahat ng iyon sagot ko, makita lang xa masaya. Sinubukan din namin ung Skywalk at Hedge Coaster sa Royal Regency, at sagot ko din bayarin dun. Plano nga din naming punta Panglao Island sa Bohol, kaso nakulangan sa oras. Sinamahan ko rin xa mag hanap ng magandang boardinghouse dun kung saan xa titira ng 6 months. Binilhan ko rin xa ng mga gamit na kakailanganin niya dun.

Pero sa lahat ng ginawa ko para sa kanya, patuloy pa rin nya ka text ang lalake. Kahit ako ang kasama nya, ka text naman nya si Javie. Sobrang sakit, grabeh. Pati sa Cebu nagaaway pa kame dahil sa Javie na un. Aaminin ko na ako na ang tanga dun. Bakit ko pa ba xa aawayin, wala na akong right dahil mas mahal nya si Javie kesa sa akin. Pero di ko matiis sa sarili ko ang magselos at pagalitan siya.

Kaya pagkatpos ng bakasyon sa Cebu umuwi na akong mag isa na may sama ang loob at naiwan xa sa Cebu para sa review nya.

Pagdating ko sa amin, dun ko naisip kung gaano ako ka tanga. Bakit ko pa ba siniksik ang sarili ko sa isang tao na ayaw na sa akin..? Di ko pinairal ang utak ko. Nagabsent pa ako sa trabaho ko ilang beses para lang makasama xa, at eto sa Cebu 1 week vacation kasama xa, 1 week absent, at 1 week din deduction, hays.. Pero wala akong pinagsisihan kc naging masaya nman ako kasama xa kahit wala na xa pagmamahal sa akin. Sadyang tanga lang ata ako… Siya kasi unang bf ko, at binigay ko ang lahat at nakalimutan ko na ang sarili ko.

Pag balik ko sa lugar namin, nakita ko ang bestfriend ko, or dating bestfriend ko, si Oriel, at may kasama xang babae, girlfriend nya, si Jenni. Si Jenni ay 1 year below sa amin ni Oriel, at mahal ni Oriel si Jenni since high school. Iisang paaralan lang kc kame, at masasabi kong mahina si Oriel kc natagalan xa maamin kay Jenni na mahal nya ito, hehehe..

Masasabi ko sadyang maliit ang mundo, hindi dahil nagkita kame ni Oriel, kundi si Jenni at si Rain ay mag pinsan!

6 years na rin ang nakalipas nung huling usap naming ni Oriel. At sa gulo ng buhay ko, napagdisisyonan ko na rin na ayusin ko na ang nakaraan ko. Kung kaya kinausap ko isang kaibgan ko sa high school na bestfriend ko rin, si Kaye, isang babae na crush ko din. Sa kanya ko una sinabi lahat ang mga bagay tungkol sa akin at ang pagkatao ko. Una na bigla xa nung nalaman nya ito, pero naintindihan nya ako at tinanggap ang pagkatao ko. Kilala ko si Kaye, mabait at maunawain. Kung kaya sa kanya ako humugot ng lakas ng loob para kausapin si Oriel.

Sa text ko kinausap si Oriel…

July: “Yeng, I don’t know how to tell you this. 6 years na after nagalit ka sa akin. 6 years na din dinadala ko tong guilt sa sarili ko. And if dat 6 years is still not enough to forgive me, I have no choice but to wait another years just to hear from u na u have already forgiven me. Although nanghihinayang ako sa friendship natin during high school at elementary, but I have 2 accept this consequences. Kung ibalik ang samahan natin ay imposible na, naintindhian ko iyon. All I want now is to know dat u already forgive me. Still I hope that someday pwede kita maka bonding again as a good friend. Well anyway, im happy for you now and what you achieve in your lIfe. God bless.”

Yeng ang tawag ko kay oriel, un din kc ang nickname nya. Matapos ko na sent ung text ko, naghintay ako ng reply. Pero ilang minutes na nakalipats, mag 1 hour na, walang reply. Kung kaya naisipan ko na wala na talaga pag asa.

Ilang minutes pa nag beep CP ko. Si Oriel, nag reply!

Oriel: “Ok na un July. Forgiven ka na, matagal na un, kalimutan na natin un”

Sa reply na un, sobrang saya ko. Parang nabunatan ako ng tinik sa dibdib ko na naka saksak sa puso ko ng anim na taon. Nireplyan ko xa…

July: “Maraming salamat talga Yeng! If you only know paano ka gulo buhay ko ngyon, and that’s why im fixing things in my past, which is you. Friend?”

Oriel: “Yep, friend lang xempre Jul”

Sobrang saya ako nung narinig ang text nya sa akin, pero parang may kulang… Inalok ko xa maglabas minsan, kaso ayaw nya. Kaya naisip ko na bagamat forgiven na ako sa kasalanan nya, di pa rin buo ung trust niya sa akin. Pero d ko xa masisisi. Sa ngayon, masaya na ako na marinig galing sa kanya na napatawad na nya ako, at im still hoping someday mabalik ung trust nya sa akin…

June 2010 ngayon. Ang buwan na to ay siyang pang 6 years na mula nagaway kame ng bestfriend ko at ang muli naming paguusap. At mula sa buwan na to, 6 months magkikita ulit kame ni Rain sa pagbalik nya dito. Sa pagbabalik niya, d ko alam kung anu ang mangyayari, kung pareho pa ba ang turingan naming dalawa, or iba na. Babalik xa sa apartment dahil na rin andito pa mga ibang gamit niya…

6 years na d kame nagusap ni Oriel, 6 months at magkikita ulit kame ni Rain, at 6 days/night bakasyon namin sa Cebu. Alam niyo na anu ibig sabihin nito, huhuhu…

Di pa tapos ang storya na to, storya ng buhay ko. Sa ngyon, d ko pa lubusan naibalik samahan ko sa mga high school friends ko, at lalo na kay Oriel. Di pa din naghihilom sugat ko mula kay Rain. Kung kaya, may part 2 pa ito, kaso matatgalan pa ang publication, hehehe… Ako nga excited na ako sa mga susunod na mangyayari… Di ko alam ganito tatakbo ang ninais kong simpleng buhay dati, hehehe... Kaya abangan nyo po anu mangyayari…

Salamat pos a pagbababasa sa story ko na to. Di po to imbento or kathang isip. Sadyang totoo po ito at nangyari mismo sa buhay ko. Mag 23 na ako ngyon July 23, kaya advance happy birthday sa akin, hehehe.. Maraming salamat sa oras na ginugol ninyo…

- July

Pahabol:

Dear Rain,

Patawad kung dinelete kita sa Facebook account ko. Patawad kung iniignore ko friend request mo sa akin doon. Patawad kung d ako nagrereply sa mga text mo sa old sim ko. Patawad kung d ko binigay sau ung new number ko. Patawad. Malubha ang sugat natamo ko sa mga nangyari sa atin dalawa. Kelangan ko muna Time at Distance para maghilom ito. Mahal kita, lagi mo yan tandaan. Wag mo sana kalimutan ang sinabi ko sau nung April. Lahat ng ginawa mo sa akin, lahat mga sakit natamo ko, lahat ng iyon kaya ko kalimutan kung babalik ka sa piling ko. Un ay, kung may pagmamahal ka pa para sa akin.

Ingat ka jan lagi, at ipagdasal ko na sa pagbalik mo dito, matatawag na kita bilang Engr.

- July

Dear Kuya Mike,

Maraming salamat binigyan nyo ako ng pagkakataon i-share ang buhay ko. Higit sa lahat, maraming salamat sa stories mo na isinulat at pinost nyo sa blog niyo. Marami ako natutunan, mga leksyon sa buhay, pati na rin ang lakas na loob para harapit ang bukas. Sana, di ka po magsasawa sa pagsulat ng mga story na nagbibigay lakas at inspiratin sa tulad ko na Bi. Maraming salamat at God bless po sa iyo at sa mga tao na malapit sa puso mo.

- July

Monday, June 28, 2010

Ang "King" At Ang Kanyang Alarm

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Binabati ko din pala sa post ko na to si Paul...
At iyong ibang hindi ko na nabanggit, paki remind lang po, hehehe.

------------------------------------------

Alas 10 ng umaga, June 9, 2010 noong umalis ang sasakyan naming bus galing North Terminal ng Cebu. Walang mapagsidlan ang saya at excitement ko sa biyaheng iyon. Hindi lang dahil unang pagkakataon ko pa lang na makapuntang Bacolod City, ang siyudad na tinatagurian nilang City of Smiles ngunit higit sa lahat, iyon ang pagkakataon sa isang taong pag-aabroad ko ang makita ang isa sa pinakamalapit na tao sa puso ko – si Dennis.

Si Dennis ay taga Bacolod. Nagkrus ang aming landas sa Manila noong mapadpad siya doon gawa ng paghahanap ng trabaho. Taong 2007 iyon.

(Note: Si Dennis ang inspirasyon ko sa paggawa ng “Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan”. Alam niya rin na siya ang “Kuya Rom” character ng kuwento ko.)

Actually, hindi ako dapat pumunta pa ng Bacolod dahil sa kapag ganoong bakasyon ko kasi, si Dennis palagi ang pumupunta sa Leyte upang magkita at magsama kami. Subalit, may trabaho na siya at under probation pa. Ayaw daw niyang mabahiran ng pag-aabsent ang kanyang record dahil pinangarap niyang maging regular sa tinatrabahuhan. Kaya napagpasyahan namin na ako na ang pumunta ng Bacolod. “Ako ang bahala sa inyo kapag pumunta kayo ng Bacolod babes!” paniniguro niya.

Ang totoo, bago ko pa nakilala si Dennis, may tatlong taon ding nabakante ang puso ko buhat nang maghiwalay kami noong huli kong nakarelasyon. Puro lang kasi paglalaro at panloloko ang ginawa niya. Parang napagod din ang puso ko. Bagamat nawalan na ako ng pag-asa dahil nasa edad 43 na ako noon eh, ngunit pinangarap ko pa ring magkaroon ng isang taong tunay na magmahal sa akin, na siyang makapagbigay ng inspirasyon at kalinga. Lahat naman siguro tayo nangangarap ng ganoon, eh.

April – May, 2007, bakasyon ko. Nasa probinsya pa ako noon ngunit malapit nang lumuwas ng Maynila dahil sa nalalapit na pagbalik ko na naman ng Saudi. Naisipan ng mga pamangkin ko na magpahula gamit ang baraha. Natawa ako dahil alam ko naman na ang mga hula ay kadalasang sumasablay at kung may tumama man, ito ay purely coincidence lang. Ngunit may hula sa akin na hindi ko inaasahan, “Mike, may isang ‘King’ ka…”

Hindi ko lubos maintindihan ang sinabi niyang iyon. Nagkatinginan kaming bigla ni Josh, ang anak kong 15 years old. Ang iniisip ko naman kasi ay kaibigan. Ngunit marami naman din akong kaibigan kaya nalito ako kung bakit na-single out ang King na iyon. “Ano uli? Marami naman akong kaibigang lalaki eh. Normal lang siguro iyang lalabas ang King.” Ang sabi ko.

“Hindi, iba ito. Siya ay isang protector mo.”

“Ah…” ang nasambit ko. Ngunit ang sumagi sa isip ko na maaring iyon ay ang itay na may ilang taon na ring pumanaw o kung hindi man siya, ay ang patron saint kong si Saint Jude. Kahit din kasi ganito ako, spiritual din akong tao. Kaya tinanong ko siya uli, “Ito bang ‘King’ na ito ay spiritual o physical?” inaasahang mag-isip pa siya, maghanap kumbaga ng lusot kung paano paninidigan ang sinabi sa akin.

Ngunit diretsahan niyang sinabi ito, “Hindi. Tao siya, sa kanya ka humuhugot nga lakas at inspirasyon.”

Gusto kong humalakhak sa pagkaaliw sa narinig dahil sa totoo lang, hindi ko naman alam kung may lakas at inspirasyon pa ba ako e. Bored-to-death na nga ako. Wala akong lovelife, wala akong kaibigang lalaki na nag stand out talaga na masasabi kong hinuhugutan ko ng lakas. “Sablay na naman!” ang nasabi ko na lang sa hula niya sabay iling at bitiw ng palihim na ngiti.

Ngunit gusto ko mang iwaglit sa isip ang sinabing iyon ng manghuhula palagi naman itong sumasagi sa isip ko to the point na pati ang anak kong si Josh, ay kinukulit ko na . “Kuya…” (Kuya ang tawag ko sa kanya) “…hindi kaya ikaw ang ‘King’ na sinabi ng manghuhula?”

Ngunit tinatawanan lang ako ng anak ko, “Paano ako maging king eh, di ba dapat prince ako?”

Tama nga naman siya.

Mayo 18, 2007. Hindi ko malimutan ang petsang ito. Nasa Manila na ako at isang linggo na lang ang natira sa bakasyon. Nakapagbitiw ako ng salita sa anak ko noong manghingi ito sa akin na gusto niyang tumikim ng babae. Pinagbigyan ko siya sa gabing iyon. Noong dumating na ang babae sa hotel, syempre, umalis ako, iniwanan silang dalawa sa kuwarto. At sa paglabas ko ng hotel, doon na nag-krus ang landas namin ni Dennis. (Para sa buong kuwento kung paano kami nagkakilala, pakibasa sa sa blog ko “When Josh Learned of My Secret” at ang “Dennis”).

Iyon ang simula na officially naging mag-“on” kami. At marami-rami ring mga malalalim at mga intimate na mga pinagdaanan at pinagsamahan namin ni Dennis na tumagal ng mahigit tatlong taon. Kilala siya sa at close sa mga kapatid ko, sa mga pamangkin, sa lahat ng myembro ng pamilya ko. Higit sa lahat, close sila ng anak kong si Josh. Nagba-bonding sila, laro ng basketball, punta ng beach, gala... Doon ko napag-isip-isip na baka siya nga ang tinutukoy sa manghuhulang “King” ng buhay ko.

Habang binaybay ng bus ang highway patungong Toledo City (dulo ng Cebu island), sumiksik sa isipan ko ang pianagdadaanan din ni Dennis sa highway na iyon. Dalawang sunod-sunod na taon kasi bago iyon, siya ang nagbibiyahe papunta sa lugar ko kapag nagbabakasyon ako sa hometown ko sa Leyte.

At sa biyahe kong iyon ko narealize kung gaano pala katindi ang pinagdaanan niyang sakripisyo upang makapunta lang sa probinsiya ko – upang magsama kami sa maiksing panahon ng aking bakasyon. Sasakay siya ng bus sa Bacolod papuntang San Carlos City. Sa San Carlos City, sasakay naman siya ng Ferry Boat upang makatawid papuntang Toledo City. Sa Toledo City, sasakay uli siya ng bus papuntang Cebu City. At sa Cebu City, sasakay siya ng barko papuntang Leyte, at doon, sasakay uli ng bus papunta sa lungsod namin. Ang buong biyahe ay tatagal ng may 16 – 20 oras. Kung ikumpara ang biyahe ko galing Manila papuntang Saudi, una pa akong makarating sa destinasyon ko kaysa sa kanya. Kaya kapag sa bakasyon ko ay inaaway ko siya at sinasabihang di naman niya talaga ako mahal, ang isasagot niya lagi ay, “Tado! Pupunta ba ako dito at tatawirin ang dalawang dagat para lang makita ka?”

Syempre, feeling haba-ng-hair ako although sa panahong iyon, hindi ko pa masyadong naapreciate ang paghihirap niya sa pagbiyahe. “Shittt! Ganito pala ang tindi na dinaanan niya sa biyahe!” sigaw ng isip ko. Mahirap pala talaga. Masakit sa katawan, nakakabagot, pakiramdam ko ay napakabagal ng oras, palipat-lipat ng masasakyan, gusto kong matulog ngunit di ako makatulog dahil sa hirap ng puwesto. Basta... sobrang perwisyo.

Anyway, pagkatapus naming matawid ang San Carlos City ng Negros island, umarangkada na naman ang bus at binaybay ang matirik at makitid na highway patungong Bacolod City. Halos apat na oras din ang biyahe na iyon. Habang palapit nang palapit na ang bus sa siyudad, di na ako magkamayaw sa naramdamang excitement, nagtatanong kung ano na kaya ang hitsura niya, ganoon pa rin ba siya, wala bang nagbabago...

Naalala ko may tatlong linggo bago ako magdesisyon na lumuwas patungong Bacolod, hindi ko na siya makontak pa. Ewan kung ano ang tunay na dahilan. Ang buong akala ko ay tapos na ang lahat sa amin. On-and-off din kasi ang relasyon namin. Maraming beses na sa mga maliliit na bagay ay hindi magkasundo, mag-aaway agad, at hindi na magt-textan. Pero magkabalikan naman agad, hindi aabot ng ilang araw ay magtitext ulit iyan sa akin.

Ngunit parang feeling ko ay iba ang hindi na niya pag-contact sa akin sa sandaling iyon. Kinutuban ako dahil noong tinawagan ko ang number, hindi ko na makontak ito. Maraming beses na rin kasing palipat-lipat siya ng numero. At ang dahilan, may mga makukulit na nagti-text. Naniwala naman ako. Dahil sa angking tangkad at tindi ng appeal niya, di maiwasang marami talaga ang hahanga at ma-in love. Eh, magaling na basketball player pa, at kung saan-saan naglalaro. Ang masaklap pa, may ugali siyang kapag alam niyang may gusto sa kanya ang babae at type din niya ito, hindi puwedeng palampasin niya ang pagkakataon na walang mangyayari. Para sa kanya, laro-laro lang naman ito. Kumbaga, parang basketball lang na pagkatapos i-enjoy, pwede nang kalimutan. Kaya, kapag ganoon ba naman ang ugali ng tao at mage-expect ang babae ng string attachment, syempre, katakot-takot na panggagalaiti ang aabutin niya kapag na-frustrate ang babae. Kaya siya palit nang palit ng numero. Ngunit kapag nagpalit naman siya, tinitext niya kaagad ako. “Babes, heto ang number ko”. Kahit papaano, happy na rin akong isa ako sa mga priority niyang i-contact.

Kaya sa pagkakataong iyon na di na siya kumuntak, doon ako kinabahan kasi mahigit ding isang linggo iyon. Akala ko nga, iyon na ang huli namin eh. Ngunit nag text din naman pagkatapos. Ang siste, naukit sa isip ko ang dahilang binanggit niya kung bakit daw siya nagpalit ng numero – gusto na raw niya akong kalimutan.

“Wow? Ako pa talaga ang dahilan!” Sigaw ko sa sarili.

Pero hindi ko na pinatulan pa ang sinabi niyang iyon. May dulot na sakit din kasi ito na hindi ko lubos maintindihan. Marahil ay may explanation siya kung totoo mang ako ang dahilan ng pagpalit niya ng numero. Ngunit hindi ko na inalam pa. Pakiramdam ko kasi masakit sa akin ang kung ano mang explanations mayroon siya. Bagamat pinag-usapan na namin na kahit ilang babae pa ang ma-involve sa kanya, o kahit maisipan na niyang mag settle down sa iisang babae, ok lang sa akin kasi alam ko na isang araw ay magdesisyon talaga siyang mag-embark sa isang journey patungo sa kanyang pangarap na magkaroon ng pamilya at mga anak. At sigurado ako na malapit na iyon dahil 27 na siya eh. At sinabi ko rin sa kanya nang diretsahan na ayaw kong maging hadlang sa pangarap niyang iyan. Masakit man para sa akin pero ipinangako kong magparaya pa rin ako dahil alam ko na ang isang kagaya ko o ang kagaya ng relasyong kinasasangkutan namin ay hindi kailanman magiging panghabambuhay, lalo na sa side niya na sa simula pa lang ay klaro na na hindi ako ang hinahanap niyang maging katuwang sa buhay na pinapangarap niya.... Masakit pero iyan ang katotohanan. At wala akong choice kundi ang tanggapin ito ng maluwag sa kalooban. At least, ang kunsuwelo ko na lang ay kahit sa maikling panahon, naranasan ko rin ang magmahal, ang maging masaya, ang mahalin ng isang katulad ni Dennis…

At sa panahong iyon, ilang beses na rin niyang sinabi sa akin na wala siyang girlfriend at ni wala nga daw siyang sex life. “Imagine? Di ako makapaniwalang tumagal ng ganitong wala akong naka-sex man lang?” pagmamayabang niya.

Syempre, tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. “Si Dennis?????” Sa isip ko lang. At ang naisagot ko na lang sa kanya ay, “Magpakatotoo ka kasi…” Minsan, iyan din ang dahilan ng munting away namin.

Naalala ko pa nga isang beses, matindi ang away namin at napagdesisyon naming wala na, tapos na ang lahat. Noong mag-open ako ng YM, naka online siya at nag message, “Musta?”

“OK lang… Ba’t ka nagme-message sakin?”

“Wala lang. Sana ganoon pa rin tayo.”

“Tado!”

“Oo nga. Ayoko sanang mawalay sa iyo. Kung hindi man bilang karelasyon, at least kaibigan…”

“Neknek mo!” ang sagot ko.

Ewan ko kung ma-blame ko rin si Dennis sa ugali niya. Pero ang sigurado ako, may soft spot ang pagkatao niya. Na-obserbahan ko ito lalo na kapag nalasing siya at kaming dalawa lang ang nakahiga sa kwarto. Maglalambing iyan na para bang isang paslit. Magkukuwento, magdadabog na tila nagdadramang umiiyak kunyari na di mo maintindihan habang yumayakap sa akin. “Kaw kasi… inaway mo ako kanina, sinumangutan mo ko.” O kaya’y, “Bakit mo kasi ako inwan kanina sa basketbolan, naiinis tuloy ako sa iyo eh!” Iyan ang napansin ko sa kanya. Kaya nasabi kong mayroong parte si Dennis na marahil ay tugma sa patagong relasyon namin.

Anyway, dahil sa pag text niyang muli sa akin ay natuloy din ang biyaheng iyoon, kasama ang dalawa kong mga pamangkin (ang anak kong si Josh ay hindi nakasama dahil sa klase at inatake ang lolo niya at na-ospital).

Pagdating na pagdating namin sa Bacolod, dumeretso kagad kami sa fastfood chain kung saan siya nagtatrabaho. Noong nasa loob na kami ng kainan, magkahalong excitement, pananabik at pag-aalinlanganang nadarama ko. Hindi ko na kasi alam kung siya pa rin ba ang “Dennis” na kilala ko o kung kasing-init pa rin ba ng dati ang ipapakita niyang pagtanggap sa akin.

Ngunit walang Dennis akong nakita sa loob ng kainan na iyon. Naghanap muna kami ng mauupuan sa isang kanto at inilatag ang dala-dala pa rin naming mga bagahe. Pina-order ko ng makakain ang mga pamangkin ko habang naupo ako sa silya nagtitext, “Nandito na kami! Nasaan ka na?”

Walang sumagot. Kinakabahan na ako. Tumawag ako sa linya niya ngunit wala na namang contact. Grabe, sobrang natakot na ako. Bumalik na sa mesa namin ang mga pamangkin ko dala-dala ang number ng order namin at inilatag iyon sa mesa. “Nakita ninyo si Dennis doon sa counter?” ang tanong ko kaagad

“Wala Tiyo eh.” Sagot ni Norman, bakat sa mga mata ang pagod sa biyahe.

Habang umihi ang dalawa kong mga pamankin, naiwan akong mag-isa. Naghintay ako ng sagot mula kay Dennis. Iniikot-ikot ko ang mga mata sa mga crews sa loob ng kainan. Wala akong nakita. Text uli ako. Walang sagot. Pakiramdam ko natuturete na ang aking utak, lalo na na mag-aalas otso na iyon ng gabi.

Nasa ganoon akong pagtitext at nakayuko noong inihatid na ang order namin. Tahimik na inilatag ito ng crew sa mesa. Noong inangat ko ang paningin, bigla namang naglulundag ang puso ko. Si Dennis!

“Good evening Sir! Anything I can do for you?” sambit niya nanatiling nakatayo, nakatingin sa akin, pansin sa mga mata ang sobrang excitement. Binitiwan niya ang nakakalokong ngiti habang kitang-kita ko ang pagbakat ng mga dimples niya sa kanyang pisngi.

“Shiitttt!” Sigaw ng utak ko. “Ang pogi talaga ng babes ko!” Naka-suot unipormeng striped na polo na tinakpan ng jacket na itim, slacks na itim. At ang ningning ng mga mata niya ay mistulang tuwang-tuwa na nakita ako. Ngunit syempre, hindi ko ipinahalata ang kasabikan ko. Andami kayang mga tao at may mga kasama pa siyang mga katrabaho. At alam ko namang hindi kami pwedeng maglantad sa ganoong klaseng pampublikong lugar. Ayaw ni Dennis ng ganoon.

“Kanina pa kayo?” tanong niya, nanatiling nakangiti pa rin.

“Noong mag-text ako sa iyo…”

“Ah... O sige, kain muna kayo at tatapusin ko lang ang ginagawa ko. Pagkatapos, ihahatid ko na kayo sa hotel ninyo.”

“O sige...” sagot ko.

At tumalikod siya, habang pabirong tinampal ang puwetan ng isa kong pamangkin na kararating lang galing umihi, sabay lingon uli sa akin at binitiwan ang isang makahulugang kindat at pilyong ngiti.

Syempre, heaven ang pakiramdam. Gusto ko man siyang dakmain kaagad, hindi ko magawa. “Mamaya ka lang...” ang sigaw ng utak kong naalipin ng pangigigil at kalibugan.

At kinagabihan nga, umaatikabong bakbakan ang nangyari...

Happy ako sa buong magdamag na iyon. Walang pagsidlan ang sobrang sarap na nadarama at ang saya na makapiling ang mahal sa buhay. Ang buong akala ko ay tuloy-tuloy na iyon.

Kinaumagahan, day off niya. Ngunit nagpaalam sa akin na umuwi muna at magpa check attendance daw sa bahay. Ang nanay niya daw kasi ay minsan hindi nawawala ang pag-alala at kapag nagalit ito ay parang machine gun ang bibig.

“Ok… sagot ko”

After lunch nagtext siya sa akin. “Babes, samahan mo ako doon sa motorsiklong huhulog-hulogan ko”

Sumang-ayon naman ako. May usapan kasi kaming bibigyan ko siya ng pangdown payment sa pinangarap niyang motorsiklo. Bale kapag may down payment na siya, siya na ang magbayad nito sa buwan-buwan na installments.

Actually, kung pera ang pag-uusapan, masasabi kong hindi iyon malaking issue sa relasyon namin ni Dennis. Kasi, hindi iyan basta-basta humihingi ng kung anu-ano sa akin. Ni load na pantext nga, hindi nanghihingi iyan. At kapag humiling iyan sa akin, iyong mga importanteng bagay talaga na may value sa kanya o sa relasyon namin. Ang una kong naibigay sa kanya ay cellphone na hanggang ngayon ay nand’yan pa rin, laging ipinagmamalaki niya kapag nagkikita kami. Tapos, dahil basketball player siya, humiling siya ng sapatos at binigyan ko isang beses lang at hindi na nasundan pa. Noong mamasyal kami sa isang mall sa Manila, humiling siya sa akin ng isang thumb ring, ala-ala daw niya sa akin na actually, isang mumurahing stainless lang naman. Ngunit dahil sa naawa naman ako na mumurahin lang ang suot-suot niya, pinalitan ko iyon ng white gold noong makabalik ako ng Saudi. Sobrang saya naman niya dahil noon lang daw siya nakapagsuot ng tunay na gold. Sa pera naman, nakapagpadala ako sa kanya isang beses sa birthday niya na hindi na nasunsdan pa, noong magkasakit siya, at noong mag-apply siya sa work nitong huli. Iyon lang ang natatandaan ko. At hindi tataas sa 4K ang ipinapadala ko doon sa mga nabanggit kong padala sa kanya.

“Hirap kasing mag-commute araw-araw babes. At kailangan ko talaga sa work itong motor” paliwanang niya.

Tama naman. Kaya sumang-ayon kaagd ako sa hiling niya. Atsaka, kapag nasa relasyon ka naman kasi, at gayong mahal mo ang humihiling na para sa akin ay reasonable naman, kailangan mo ring mag share. Basta huwag lang iyong abuso na o kumbaga luho na ang mga hinihiling o kung anu-ano na lang. Ano lang ba iyong hinihingi niya kumpara sa blessings na natatanggap ko. Kung sa bakasyon na iyon ay nakapagpalabas ako ng mahigit 30K na donations sa iba’t-ibang outreach projects sa school kung saan ako involved dati, ipagkait ko pa ba sa kanya ang gusto niya? “Kaya, go!” sabi ko sa sarili.

Nandoon ako habang pinipili niya ang motorsiklong gusto niya. May kamahalan din iyon ngunit sabi niya ay mas matibay daw, at mas malaki dahil malaki din naman siyang tao. At dahil sa hulugan ang scheme, i-background check pa siya, CI ba ang tawag doon?

Anyway, 5K lang ang down payment but payable in 3 years ang scheme. Pero binigyan ko siya ng 10K. Masayang-masaya ang honghang.

Inihatid niya uli ako sa hotel at siya naman ay uuwi daw ng bahay, nagpaalam na baka gagabihin na siya sa pagbalik sa akin dahil may laro pa sila. Pumayag ako, buhay niya kasi ang basketball, although sa likod ng isip ko, may katanungan ding namuo na tatlong araw lang kami sa Bacolod at iyang basketball ay pwede namang ipagpaliban upang kahit papaano ay sulit ang pagsama niya sa amin at puwede pa niya kaming iikot sa mga lugar nila na sa palagay niya ay puwedeng maipagmamalaki…

Ngunit, nanaig pa rin sa akin ang pag-intindi sa kanya.

Alas 6 ng gabi nag text siya, “Babes, nag-inum pa kami ng mga barkada ko ha? Nanalo kasi ang team namin kaya di ako maka-ayaw…”

Syempre, may kaunting tampo akong naramdaman sa pagkabasa sa text niyang iyon. “Bakit naman kasi… basta uwi ka dito ah!” ang sagot ko.

“Oo babes, d’yan ako kakain at matulog.”

Kaya dahil sa naawa na rin ako sa mga pamangkin kong walang ibang ginawa kungdi ang magkulong sa kuwarto at manood ng TV, niyaya ko na lang silang maglakad-lakad kami. “Puntahan natin ang SM na walking distance lang daw dito!” mungkahi ko sa kanila.

So, lumabas kami, at nakarating naman kami sa SM. Umikot kami at noong makita namin ang sinehan, nanood kami. “Shreik” ang palabas, 3-D pa. Shit, 4 lang yata kaming lahat sa loob ng sinehan at di pa pumasok sa kukote ko ang pinapanood.

Nag text uli si Dennis. “Babes, lasing na ako. Di na ako makapunta d’yan”

At doon na pumutok ng todo ang galit at sama ng loob ko na parang ang nag-aalborotong Mt Kanlaon ng Negros. Inaway ko talaga siya at tinanong kung bakit kailangang unahin niya ang mga barkada niyang nakakasama naman niya sa araw-araw kaysa akin na tatlong araw lang doon at baka nga ay hindi na makakabalik pa uli sa lugar nila; na kung ganyan ba ang klase ng pag-alaga niya sa kanyang mga bisita na puwede naman sana niyang mag-pass muna sa inuman dahil may mga bisita siyang taga-ibang lugar…

Ngunit hindi siya natinag. Kaya lahat ng maaanghang na salita ay ipinalabas ko. Sinabihan ko siyang manloloko, mandurugas… at na sana ay ang 10K na nakuha niya sa akin ay hindi magdulot ng malas at kapahamakan sa kanya dahil ibinigay iyon sa kanya na masama ang loob ng nagbigay.

Alam ko, masama ang mga sinasabi ko. Pero di ko na napigilan ang sarili dahil sa matinding galit. Iyon bang feeling na tinatraydor ka, tinatapak-tapakan ang iyong pagkatao, ginawa kang tanga, sa tao pa namang inisip mong may respeto at pagmamahal.

Ngunit todo-depensa pa rin siya sa sarili niya. Kesyo daw, ang iniisip ko ay ang sarili ko lang at hindi ko inintinde ang kalagayan niya, na ang sagot ko naman ay “Syempre kami ang intindihin mo dahil mga bisita mo kami!” Kesyo daw naiintindihan naman siya ng mga pamangkin ko na ang sagot ko uli ay, “Maintindihan ka pa kaya nila kung sasabihin kong binigyan kita ng 10K pang down payment sa tanginang motor mo?”

At ang pinakahuling text niya ay ang paghamon sa akin na puntahan siya sa bahay nila. “Pinapapunta ka dito ngayon na!”

Ngunit hindi ko rin kinagat. Hindi ko rin kasi alam kung sinabi lang niya iyon upang i bluff ako dahil alam niyang nahihiya akong magpakita sa family niya. At isa pa, nawalan na rin ng battery ang cp ko sa loob pa ng sinehan na nasa kasagsagan ng palabas. Kaya di na ako nagpursige pa.

Sa gabing iyon, natulog akong mag-isa sa kwartong nakareserba para sa aming dalawa. Ah grabe, parang sasabog ang dibdib ko sa matinding sama ng loob at pagkadismaya.

Alas 8 ng umaga kinabukasan nagtext siya, “Mowning” na para bang wala lang nangyari, na normal lang ang lahat at sarap na sarap ang tulog niya sa nagdaang gabi.

Hindi ko na sinagot pa. Kasi alam kong nasa work na siya at para ano pa.

Kaya, buong araw na doon lang kaming magtiyo umiikot sa paligd ng hotel, sa market, at balik ng kwarto upang nanonood ng TV. Nagbibiruan na nga lang kami, “Parang walang TV sa atin na pupunta pa tayo ng Bacolod upang manood ng TV?”

Mag aalas 7 ng gabi, tila naawa na rin ako sa mga pamangkin ko dahil alam ko, gusto nilang mag-enjoy. Huling gabi na kasi namin iyon sa Bacolod eh. Naramdaman ko rin kasing parang sa tatlong araw namin doon, wala kaming ginawa kundi ang matulog, manood ng TV, umikot-ikot sa paligid ng hotel, sa SM at mag-iinum. Kaya tinext ko na uli si Dennis. “Pinapunta ka dito ni Norman at Loloy!”

“Pagkatapus mo akong pagalitan?” sagot niya.

“Di huwag. Wala namang kinalaman ang dalawa sa galit ko sa iyo eh. Kung idamay mo sila, bahala ka, gagala kaming tatlo na walang guide na taga-rito.”

Siguro nakonsyensiya, bumigay din. Mag-aalas onse ng gabi noong dumating siya sa videoke bar kung saan niya kami unang dinala. Doon daw siya matutulog sa akin. Kahit masama pa rin ang loob ko, bumigay din ako. Pagkatapos namin sa videoke bar, dumaan pa kami sa isang convenience store at bumili ng maiinum at barbeque. Tinanong ko nga siya kung para saan ang beer dahil matutulog na kami, “Maaga ako bukas babes pero iinumin ko iyan, pampainit sa katawan bago pumasok bukas.”

Iyon ang sabi niya. Ang ini-expect ko naman sa sinabi niyang maaga siyang aalis ay mga alas 6 kasi alas 8 pa ang pasok niya sa work at hindi naman kalayuan ang bahay niya sa pagkaintindi ko.

Sa pagkakataong iyon, sumaya muli ang gabi ko. Akala ko ay tuluyan nang maghilom ang sugat na dulot ng hindi niya pagsipot sa nakaraang gabi. Ngunit nagkakamali ako. Alas tres ng madaling araw ay narinig kong nag-ring ang cp niya. Namatay ito nang sandali ngunit nag-ring uli.

Akmang kukunin ko na sana ito at tingnan kung sino ang tumawag noong nagising din siya at siya na ang umabot sa cp niya. Tiningnan niya ito at may pinindot. Nawala ang tunog.

“Sino iyon?” tanong ko.

Nakita kong ngumiti siya. “Alarm iyon…” ang sagot niya.

Naniwala naman ako at umidlip muli samantalang tumayo siy at dumeretso sa CR.

Hindi pa ako nakatulog noong laking gulat kong paglabas niya ng CR ay nakabihis na’t lahat at nagmamadaling, “Babes, uuwi na talaga ako…”

“Hah!” Ang gulat kong sagot. “Bakit alas tres???”

“Kailangan ko kasing magpahinga pa at magbihis.” Sagot niya.

“Bakit dito puwede ka namang magpahinga ah?”

“Basta, aalis na ako babes, ba-bye!” at binuksan ang pinto at umalis na hindi man lang kumiss sa akin.

Ewan pero sobrang tulala ako sa bilis ng mga pangyayari. Pakiramdam ko ay biglang nag-iisa ako sa mundo at ang kwartong pinagsamahn namin ay parang biglang nag-iba ang anyo, hindi ko na makilala ito at hindi alam kung saang lugar iyon naroon. Disoriented ang utak ko kumbaga. Parang lumayas ang espiritu ko sa katawan at naligaw akong bigla sa mundo.

Wala na akong nagawa pa. Naramdaman ko na namang gumapang sa buong pagkatao ko ang matinding galit, ang matinding pagkahabag sa sarili. “Bakit sobrang aga naman?” “Nasaan ang sinabi niyang iinumin pa ang beer bago pumasok?” “Bakit parang may kinatatakutan siya?” “Bakit ni hindi man lang siya nag-kiss sa akin bago siya umalis na siya namang palaging ginagawa niya sa ganoong sitwasyon?”

Maya-maya, “Babes, halika sa labas, magkape tayo” ang bigla ding pag text niya.

Syempre, nasa state of shock pa ang utak ko at heto na naman, nagtext na magkape kami sa labas. “Bakit sa labas pa? Ba’t ayaw mong bumalik dito?” sagot ko.

“Dito na lang babes at uuwi na ako”

“Bakit kailangan pa nating magkape! At bakit d’yan pa!” Ang galit kong pagtext sa kanya. “Balik ka dito!”

“Mas importante pa rin sa akin ang trabaho ko! Uuwi na ako!”

“E, di umuwi ka!”

“Ihatid mo ako!”

Ewan ko ba pero hindi ko na naman kinagat ang sinabi niya. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba talaga ang nasa isip niya at isa pa, inalipin ako sa sobrang galit. “At bakit naman kita ihahatid?” Ang sagot ko na lang.

“Para makita mo ang bahay namin, para makita mong wala akong itinatago!” sagot din niya.

Ngunit pinanindigan ko na lang talaga ang hindi pagsama sa kanya. “Umuwi ka na nga!”

At iyon… Umuwi siya at naiwan ako sa kwartong litong-lito at nagpupuyos sa galit at sama ng loob.

Napakadaming katanungan ang bumabagabag sa isip ko sa ipinakitang iyon ni Dennis. Una, napagisip-isip ko kung ganoon ba talaga ang turing niya kapag may bumibisita sa kanya? Parang hindi naman kasi ordinaryo ang ganoon eh. Kahit naman sino kapag may bisita, kahit nga hindi masyadong kakilala kapag binisita ka, ibibigay mo talaga ang lahat ng atensyon sa bisita mo.

At bakit hindi niya masabi-sabi sa mga barkada niya na pass muna siya dahil may bisita siya? Barkada kaya ang tunay na dahilan?

Sinabi niyang alarm daw ang tumunog sa madaling araw na iyon. Bakit naputol at nag ring uli? Bakit nagmamadali siyang magbihis at lumabas ng kwarto? Kung tawag iyon nga iyon, sino naman kaya iyon na tila takot na takot siya? At kung alarm naman, bakit sa ganoon kaaga, samantalang may plano pa siyang uminum ng beer? At bakit nagmamadali siya?

Argghh! Para akong mababaliw sa paghahanp ng mga sagot sa di ko maintindihang inasta niya. Iyon na ang araw ng flight namin papuntang Maynila ngunit ibayong pagkalito at matinding sakit ang iniwan niya sa puso ko.

Alas 8 ng umaga noong ginising ko na rin ang mga pamangkin ko sa kanilang kuwarto. Nag-usap kami at sinabi ko sa kanila ang hinanakit ko. Ang sabi ni Norman sa akin, “Tiyo, para sa akin, imposibleng walang babae si Dennis…”

Syempre, ako naman ay kumbinsido sa sinabi ni Norman. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi niya sinabi. Kasi dati-rati kapag may babae siya, sinasabi naman niya sa akin. Nadadagdag tuloy sa tanong ko kung babae nga ba talaga ang dahilan o lalaki… May nabanggit kasi siyang isang Sir na nag-o-organize daw ng basketball nila, at siyang tumutulong sa kanya sa pagpasok sa kasalukuyang trabaho. Ah, grabe. Parang inalog ang utak ko sa sobrang kalituhan.

Alas dos ng hapon noong pinick-up na kami sa hotel ng airport service. Hindi ko lubos maisalarawan ang naramdaman habang umaandar ang van na sinakyan namin patungong Silay-Bacolod Airport. Nadaanan namin ang iba’t-ibang mga outdoor videoke houses barbeque houses at bars. Meron ding mga nagmamartsang tao na nagcelebrate ng independence day. Mukha ng isang masayang lugar ang Bacolod City. Nakangiti ang mga tao, mababait… Totoo nga ang sabi nilang ang siyudad na ito ay City of Smiles.

Ngunit napabuntong hininga lang ako. Isang taong taga-doon mismo ang nakapagdulot sa akin ng ibayong sakit ng damdamin. Sobrang sakit, na halos hindi ko na alam kung paano pa ang ngumiti…

Sa airport bago kami magboard, nag text siya, “Happy Trip!”

Tila piniga na naman ang puso ko. Sobrang ironic ng mga pangyayri sa akin sa lugar na iyon. City of Smiles siyang tawagin ngunit sobrang sakit ang naranasan ko doon. At ang tao pa mismong siyang nakapagdulot sa akin ng sakit ang mismong nagsabi sa akin ng “Happy Trip”! Paano ako magiging happy sa ginawa niya? Parang gusto ko nang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan upang makaalis na sa lugar na iyon.

Noong makarating na kami ng Maynila, aaminin ko, pinilit ko ang sariling maglaro. Tumikim ako ng iba, at syempre, binabayaran ko. Ngunit sa kabila ng lahat, si Dennis pa rin ang laman ng utak ko.

At palagi pa rin siyang nagtitext sa akin na parang wala lang sa kanya ang lahat. At iginiit pa rin talaga niya na “alarm” lang ang nag-ring sa madaling araw na iyon. Sinasagot ko rin naman ang mga texts niya, bagkus masamang-masama pa rin ang loob ko sa kanya…

Jun 23, araw ng aking pag-alis patungong Saudi. Alas 2 iyon ng madaling araw. Kararating ko lang at ng aking kaibigan sa hotel. Galing kaming naglakwatsa. Sa aming pagkukuwentuhan, biglang naisingit ko ang madaling araw na tawag na natanggap ni Dennis na pinanindigan niyang talagang isang alarm lang. “Hindi alarm iyon… kapag alarm iyon, hindi hihinto ang tunog niyon hanggang hindi pinipindot ang cp!”

Ewan pero sa sinabi niya, nasiguro kong tawag talaga ang natanggap niya sa madaling araw na iyon. Dali-dali kong dinayal ang number ni Dennis. Nag ring ito at maya-maya ay may sumagot. At na-shock ako sa narinig. Isang babae. “Hello!” Iyon ang narinig ko. Hindi ako makasagot sa sobrang pagkamangha. Maya-maya narinig ko na naman siyang nagtanong, “Sino ba yan! An gaga-aga! Eh…” Marahil ay hinablot na sa kamay niya ang cell phone.

May narinig akong sumagot sa tanong noong babae, boses ng lalaki. At si Dennis! Ang sabi, “Alarm yan! Alarm yan!” ang boses ay halatang kagigising pa lang.

Pakiwari ko ay biglang gumuho ang buong hotel sa aking narinig. Nanumbalik sa ala-ala ko ang umagang iyon na ganoon din ang sinabi niya sa akin, “Alarm yan!”

Dinayal ko uli ang number niya at si Dennis na ang sumagot. “Sino ang babaeng iyon?” ang tanong ko kaagad.

“Wala iyon! Wala iyon!” ang sagot niya.

“Anong wala? Narinig kong nagtanong siya kung sino ang tumawag at ang sagot mo sa kanya ay ‘alarm yan! alarm yan’! Sino iyon? At bakit alarm ang binanggit mo?” Giit ko.

“Putang ina! Ang aga-aga nambubulabog ka!” sabay patay sa linya.

Hindi na ako nakakilos pa. Pakiramdam ko ay biglang naubos ang lahat ng lakas ng aking katawan at gusto kong sumigaw ng pagkalakas-lakas.

Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ni Dennis noong mabuking ko ang modus niya. Pero nabuo na ang pasya ko. Tinext ko siya, “Ayoko na, give up na ako! Kaya pala hindi mo kami inaalagaan sa Bacolod ay dahil sa babae mo. Wala naman sanang problema kung sinabi mo lang sa akin eh, tanggap ko naman iyan. Bakit mo pa kailangang magsinungaling? Anyway, salamat na lang sa lahat…”

Nasa NAIA na ako sa flight kong pabalik ng Saudi noong matanggap ko ang reply niya. “OK…”

Grabe. Isang “Ok” lang ang katapat sa lahat ng aking paghihirap… Para bang nagkalasog-lasog na ang puso ko, at ininsulto pa ito.

Ewan kung hanggang kailan ko siya malilimutan. Apat na araw na ang nakaraan at preskong-presko pa ang sugat na dulot ng kanyang panloloko. Ito ang nag-iisang sakit na nilalabanan ko ngayon – ang paglimot sa kanya. Alam ko, panahon na lang ang makapagsabi. Ngunit sana ay bukas na iyon, o sa makalawa...

Marahil ay may magandang dulot din ang nangyaring ito sa akin: masaklap mang tanggapin ang katotohanan ngunit salamat na rin sa “alarm” niya at nagising ako.

At oo nga pala. Huwag masyadong magpapaniwala sa mga hula, lalo na sa mga “King”. Hindi lahat sa kanila ay pumuprotekta; marami ay mapaglaro…

Heto pa pala ang nakakaloka: Ang pangalan ng hotel kung saan kami dinala ni Dennis upag magcheck-in sa Bacolod ay "King's Hotel".

(Wakas)

Sunday, June 27, 2010

Sana Tinanong Mo Noon Pa

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
http://men4menphlippines.ning.com

Author's Note:

Sa mga followers at readers ko, pasesya na po at hindi ko pa nadugtungan ang AKKCNB. Mejo marami pa akong backlog sa work at mabigat pa ang kalooban sa mga pangyayaring mahirap ipaliwanag... In short, nagkakaroon ng power failure ang lovelife.

Pero sana within this week ay matatapos ko na ang part 25. I'll do my best.

In the meantime, pagtyagaan na lang muna itong old story ko.

Maraming salamat pala sa mga followers ko na all-out support sa akin. Isa na rito ay si "Sandy" na talagang nagpunta sa hotel ko at noong hindi ako mahagilap doon (dahil napuyat) pinuntahan pa talaga ako sa isang mall para magpa pirma lang sa book na nabili niya.

Kay Von na kahit nagkaligaw-ligaw sa pagpunta sa Starlites, na kung hindi sa text ko ay doon sa videoke na lang sana magtambay. Subalit dahil sa pagpursige niyang makabili ng book at magpapirma sa akin, ay nagkita din kami.

Sa mga kaibigan ko sa M4Mphilippines na bumili ng books.

Kay Roy na kahit malayo ay walang humpay sa pagtitext sa kin, nangungumusta kung ano na ang nangyari.

Kay Daucus who called me up all the way from Malaysia to give me moral support.

Kay Junius na palagi ding nagtitext at pasensya na dahil hindi ko napagbigyan sa invitation for a lunch.

Sa mga ka chat ko sa msob - kay newbie, white, post, enzo, justin, mark, oliver, jai... ahhhhh sa lahat-lahat na.

Gusto ko ring i greet ang adoptive son ko - si Allen. Hi Son!

Salamat sa suporta.

-mikejuha-

------------------------------------

Tawagin nyo lang ako sa pangalang Cris. Nasa third year high school na ako nung ma-realize na merong kakaiba sa pagkatao ko. Yun bang kakaibang attraction sa kapwa lalaki. Nung bata pa kasi ako, wala naman akong nakitang kaibahan. Palakaibigan, mahilig sa pakikipaglaro, masayahin. Sa totoo nga, inaakala kong straight ako dahil nagkaroon din ako ng attraction sa isang babaeng classmate nung nasa grade 6 palang at nung mag first year high school na. Ngunit nung nasa third year high na ako, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman sa isang kaibigang lalaki, si Troy.

Best friend ko si Troy, ka-klase, at kahit sa pag-aayos ng buhok, pananamit, halos pareho kami ng style. Akala nga nung ibang hindi pa kami masyadong kilala, magkapatid kami dahil halos hugis ng mukha ay magkapareho. Mas matanda nga lang sya sa akin ng isang taon, mas matangkad at di hamak na malaki ang katawan. Mejo may kahirapan kasi sila sa buhay kaya na-huli ang pag-aaral nya. At simula pa lang nung bata pa sabak na sa mabibigat na trabaho sa lupa. Kaya kahit sa edad nyang 16, pormang porma na ang katawan na animoy naggi-gym.

Kagaya ng ibang mag-best friends, palagi kaming nagsasama, gumigimik, naglalaro, naghaharutan, nagbibiruan. Kadalasan, ang paborito naming ginagawa kapag trip lang ay ang magre-wrestling. At palagi, talo ako, dadaganan ako nyan, i-pin down ang katawan sa sahig hanggang sa hindi na ako makakakilos at sisigaw na lang ng, “Ok, ok... Give up na ako! Give up na ako!”

Yan palagi ang panakot nya sa akin kapag minsang nag-aargumento kami at gusto nyang hihinto na ako sa pagsasalita. “O ano, gusto mo, i-wrestling kita?”

Close sya sa pamilya ko, at ako rin sa kanya. Minsan, doon sya natutulog sa bahay namin at minsan naman, ako sa kanila, at natutulog kami sa iisang kama. Halos lahat ng bagay tungkol sa isa’t-isa, alam namin, syempre, maliban sa kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Kapag nagtatabi kami sa pagtulog nyan, nagyayakapan kami. Sa kanya walang malisya kahit na minsan dama ko ang tumitigas nyang ari na nadadampi sa katawan ko. Ngunit ang di nya alam, napakatindi ng malisyang dulot nun sa utak ko. Kapag napagmasdan ko syang ganyang himbing na himbing ang tulog at nakayakap sa akin, halos sisiilin ko na ng halik ang mga labi nya at dakmain ang ari.

Ngunit tiniis ko lahat. Ito‎’y dahil babae ang trip ni Troy. Alam ko yan dahil sa kapag nagsasama kaming namamasyal, halos tutulo na ang laway niyan kapag nakakakita ng magandang babae, lalo na kapag sexy. Tawag ko nga sa kanya, “manyakis”. At may pa-code code pa kami kunyari kapag nag-uusap at nanjan lang sa malapit ang babaeng pinag-uusapan, “Tol, 12 o’clock, ahhhh, grabe!” tukoy nya sa babaeng nasa harap lang upang hindi mahalata kung marinig man. Minsan din, palihim nyang hiramin ang cell phone ko at sikretong kukunan ng picture ang babaeng nagustuhan at pag kami na lang dalawa ay iinggitin na ako sa nanakaw nyang shot. Pag ganun, ngingiti-ngiti nalang ako at tatango-tango, kunyari natatypan ko rin yung babae. Ang hindi ko naman lubusang maintindihan ay ang kung anong sakit na sundot nun sa kalooban ko.

Minsan din nagku-kwentuhan kami tungkol sa experience sa sex at sa paghalik sa babae at kung naranasan nya na ba.

“Sex? Oo, ngunit sa halik, hindi pa. Maselan ako sa pakikipaghalikan e. Para sa akin, makikipaghalikan lang ako kapag mahal ko yung katalik ko. At promise ko sa iyo, na kapag nangyari ang unang halik ko, iyon ay sa isang taong sya kong unang mamahalin!”

Doon ko napagtanto, babae talaga ang gusto nya. At yun din ang nakaukit sa isip ko, na babae ang una nyang hahalikan.

Kaya’t sa edad kong iyon, sobrang confused ako. Di ko malaman kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa akin o bibiglain ko nalang sya isang araw, halikan habang natutulog, o kaya’y dakmain at lalaruin ang ari nya. Kaso, nanaig pa rin sa akin ang takot na baka magalit sya at magbago ang lahat ng magandang pakikitungo nya sa akin at ang pagkakaibigan namin. Higit sa lahat, natatakot akong malaman ng ibang tao at itatakwil nila ako at pagtawanan.

Sobrang sakit, grabe. Nagmahal ako ng patago, nalilito kung bakit sa kapwa lalaki pa, at kung bakit ko naramdaman ang ganung klaseng pagmamahal. Ang masaklap, hindi ko masabi-sabi iyon kahit kanino, kahit sa mismong best friend ko. Kaya feeling ko sasabog na ang utak ko sa sobrang tindi ng naranasan at pagkalito. Parang napakahirap tanggapin.

Isang araw ng summer vacation, bigla nalang sinabi sa akin ni Troy na hindi na raw sya makapag-aral pa sa sunod na pasukan dahil sa wala ng pantustos ang mga magulang nya. Kaya pupunta na lang sya ng Maynila, sa Tita nya, upang doon magtrabaho bilang houseboy, at doon na rin mag-aral kung sakaling papag-aralin sa susunod na pasukan.

Sobra akong nasaktan. Nag-iiyak akong mag-isa, tuliro ang isip, at nagmumukmok ng kwarto. Kaya isang gabi bago ang takdang pag-alis ni Troy, naisipan kong pumunta sa kanila at sabihin na lang sa kanya ang nararamdaman. “Tutal, magkalayo na kami at kung magagalit man sya sa akin dahil sa malalaman nya at hindi nya ako matanggap, at least, nag try ako at nagpakatotoo sa kanya.” bulong ng utak ko.

Nung makarating na ako ng bahay nina Troy, pinapasok kaagad nya ako sa kawarto nya. Naka-impake na lahat ng mga gamit. Habang naupo ako sa gilid ng kama at sya naman ay nakaupo sa malaking bagahe ng mga gamit paharap sa akin, napansin kaagad nya ang lungkot sa mukha ko.

“Tol, wag ka ng malungkot. Pag nasa Manila na ako, promise, palagi akong tatawag sa iyo, magtitext, at magcha-chat sa internet. Ayaw mo nyan, isang araw, pupunta ka ng Maynila, may kaibigan kang mapupuntahan at matutuluyan dun? “ At pinahid ng palad nya ang luhang dumadaloy sa pisngi ko.

Tumango lang ako, nag-iisip kung paano isisingit ang paglahad sa totoong nararamdaman ko sa kanya.

Tumabi sya sa inuupuan ko, inakbayan ako. “Tol, smile ka naman jan please... “

Hindi pa rin ako umimik.

“OK... kung ayaw mo pa ring huminto sa drama mo, sige ka, ire-wrestling kita“ pagbibiro nya sabay tayo at kabig nya sa akin sa kama, nakatihaya ako at sya naman ay nakadagan sa akin. Nagsalubong ang mga mata namin.

”Mahal kita, tol!” ang bigla kong nasambit.

Pansin ko ang biglang pagbago ng reaction ng mukha nya, hindi makapaniwala sa narinig. Tinitigan nya ako ng matulis. “Nagbibiro ka, di ba, tol?” tanong nya habang nakadagan pa rin sa akin.

“Hindi” Ang seryoso kong sagot.

Bigla syang tumayo, bumalik sa una nyang inuupuang bagahe, halatang hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi ko. Nag-iisip ng malalim. Maya-maya, Tinitigan nya uli ako. “Seryoso ka ba talaga jan, tol?”

“Mukha ba akong nagbibiro? Sinasabi ko lang naman ito para kahit papano, bago tayo magkalayo, nagpakatotoo ako sa iyo, diba? Masakit sa akin ang sabihin ito at aminin sa iyo. Naguguluhan ako, nahihiya... ngunit wala akong magagawa dahil ito ang nararamdaman ko eh, at kaibigan kita. Ngayon, kung ayaw mo na akong maging kaibigan dahil sa sinabi ko, maintindihan ko...”

Tahimik.

Dahil sa hindi nya pag-imik, nabuo sa isip ko na hindi nya nga ako matanggap. Umaagos na ang luha ko nung tumayo at tinumbok ang pintuan upang lumisan. Nilingon ko sya. “Salamat sa friendship mo. Mami-miss kita, tol. Hindi na siguro ako makakahanap pa ng isang kaibigang kagaya mo. Good luck nalang sa iyo sa Maynila. Magpakabait ka dun, at ingat palagi. Sana makahanap ka ng kaibigang kaya mong tanggapin; hindi kagaya ng isang tulad ko.”

Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan nung hinawakan ni Troy ang kamay ko, “Sandali!”

Napahinto ako at tiningnan sya. “Bakit?”

“Anong bakit? Basta na lang bang ganyan? Aalis ang best friend mo at ganyan na lang ba basta? Anong klaseng best friend ka?” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.

Parang bigla akong nabuhayan ng loob. “Ang ibig mong sabihin... hindi ka nagagalit? Tanggap mo ako?”

“Bakit ako magagalit? Di ba sabi mo, nagpakatotoo ka lang naman? Atsaka, wala ka namang ginawa sa aking masama, diba?” At bumalik na sya ng kama at umupo sa gilid nun.

Tumango lang ako, nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan at tila tulala pa rin sa narinig.

“Halika, upo ka dito sa tabi ko. Mag usap pa tayo. Last na nga nating pagsasama ito, diba? Kaya dapat lubos-lubosin na natin.”

Lumapit ako, umupo sa tabi nya, hindi ako umimik.

Inakbayan niya ako. Tinitigan. “Ok lang sa akin kung gawin mo ang gusto mo sa akin para liligaya ka...”

Tiningnan ko sya. Hindi ko lubos maintindihan ang nararamdan sa narinig. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“Sex. Para di mo ako malilimutan at ako din, di kita malilimutan.”

Pakiwari koy biglang nagdilim ang paningin ko at di malaman kung mag-walkout o batukan sya sa sobrang pagka-insulto. “Ganyan ba ang tingin mo sa akin ngayon, Troy? Oo, ganito ako, ngunit hindi ko sinasabi sa iyo ang pagkatao ko dahil lang sa gusto kong makipag-sex sa iyo. Kaibigan kita, at naisip ko na sa panahon ng kalituhan ko, sa panahon ng paghihirap ng kalooban ko, nanjan ka, nakikinig at nagbibigay suporta sa akin. Ngunit kung ganyan pala kababaw ang pagtingin mo sa akin, kalimutan mo na lang na magkaibigan tayo. At least, nalaman kong hindi ka pala tunay na kaibigan.” Sa inis, tumayo ako at dali-daling tinungo ang pintuan.

Ngunit humarang sya, bigla akong kinabig. Nagpangbuno kami hanggang sa matumba ako sa kama at dinaganan nya. Kagaya ng palagi nyang ginagawa sa biru-biruang wrestling, ini-lock nya ang katawan ko at hindi ako makakilos. Nagsalubong ang mga tingin namin. Bakat sa mukha at mata ko ang galit. Hindi na ako pumiglas o nagsalita at tiniis ang buong bigat ng katawan nyang nakadagan sa akin. Ramdam ko ang mabilis na kabog ng aming mga dibdib, ang habol na hininga. Sa tagal ng pagtitigan namin, pakiwari koy unti-unti akong nanlupaypay. Kitang-kita ko ang paggapang ng mga titig nya sa kabuuan ng muka ko na para bang inuukit sa utak ang bawat detalye: sa mga mata, sa kilay, ilong, pisngi, bibig... Hanggang sa napansin ko na lang ang tila nagmamakaawang titig nya. Unti-unting inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko habang marahang hinahaplos ng kamay ang pisngi ko.

Ngunit sumiksik bigla sa isipan ko ang unang sinabi nya na nakakainsulto sa akin. Kumalas ako at umupo sa kama. “Uuwi na ako, Troy! Good luck na lang uli sa iyo.”

Ramdam ko ang pagkainis at pagkalito nya. “Tangna. Ano bang problema mo?” sigaw nya.

“Hindi mo ba naintindihan? Hindi ako naglalandi sa iyo! Hindi dahil gusto kitang matikman kaya ko sinasabi sa iyo ang nararamdaman ko. Kung gawin ko man ang ganun, iyan ay dahil mahal ko ang tao at mahal din nya ako, naintindihan mo ba? Ang gusto ko ay tanggapin mo ako; hindi insultuhin o babuyin! Kaya wag mo na akong harangin, paalisin mo na ako, ok?”

“Ok, fine... kung yan ang gusto mo. Ngunit tandaan mo, kung aalis ka na ngayon, hanggang dito na lang ang pagkakaibigan natin at wala na tayong pakialaman pa sa isa’t-isa!” Napahinto sya ng sandali at tinitigan ako. “Bago ka umalis... tinanong mo na ba kung may nararamdaman ako para sa iyo?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napayuko at atubiling nagsalita, “Bakit... meron ba?”

“Paano kung meron?” sagot nya.

“Panu mo i-prove?”

Hindi na sumagot si Troy. Dahan-dahan, tinanggal nya ang lahat ng saplot sa kanyang katawan. Nilapitan ako; niyakap, at siniil ng halik ang mga labi. Yun ang unang halik nya. Matagal. Mapusok. Nag-aalab...

Hindi na sumagot si Troy. Dahan-dahan, tinanggal nya ang lahat ng saplot sa kanyang katawan. Nilapitan ako; niyakap, at siniil ng halik ang mga labi. Yun ang unang halik nya. Matagal. Mapusok. Nag-aalab...

Napakasaya ko sa gabing iyon. Tila panaginip lang ang lahat ng nangyari. Sa tagal ng paglilihim ko sa tunay na naramdaman para sa best friend ko, nasabi ko rin sa kanya iyon. At sa unang pagkakataon, naranasan kong malasap ang sarap ng pakikipagtalik, at sa taong minahal pa man din.

“Paano ba yan, aalis ka na bukas, ni hindi man lang natin maranasan ang magsama bilang... a, e... yung...” ang sabi kong hindi maipagpatuloy ang sunod na sasabihin.

“Yung ano?”

“Yung tayong ano... alam mo iyon, yung ganito na tayo.”

“Anong ganito na tayo?”

“Di ba may nangyari na sa atin?” ang sabi ko pahiwatig sa bagong namamagitan sa amin.

“Bakit, ano na ba tayo? Wala namang nagbago, diba? Ganun pa rin.” ang sagot nyang parang wala lang nangyari.

Tila may sibat na tumusok sa puso ko. Dahil sa hindi pagsasabi nya na mahal nya ako, pumasok ulit sa isipan ang pangambang wala talaga syang naramdaman para sa akin; na ang puso nya ay para lang sa isang babae at ang nangyari sa amin ay bunga lang ng pagbigay-respeto bilang best friend nya at sa paglahad ko sa pinakatagu-tagong naramdaman. Tumagilid ako, marahang binatak ang sarili mula sa pagkakayapos nya at hinayaang tahimik na umagos ang mga luha.

Nakatihaya lang sya, tila hindi alintan ang paghihirap ng aking damdamin. Nakatutok ang mga mata sa bubungan, nakadantay ang isang braso sa noo, at malalim ang iniisip.

“Ang tagal na nating mag-bestfriend, ang buong akala ko iyon lang ang turing mo sa akin...” ang sabi nyang may kahalong buntong-hiniga.

“Bakit, masama ba? Bawal ba?”

Hindi nya sinagot ang tanong ko. Bagkus, “Mahal mo ba talaga ako?”

Sa tanong nyang iyon sumiksik na naman sa utak ko ang pagkadismaya. At sa inis ko, “Kalimutan mo na nga lang na nasabi ko iyon. Hindi totoo yun, gawa-gawa ko lang.”

Biglang tumaas ang boses nya. “Tangina! Sabi ko na nga ba eh! Naglolokohan lang tayo e!”

“E, ano naman ang epekto sa iyo noon? Mahal o hindi; di ba ganun pa rin naman, walang pagbabago?” sagot kong pasigaw din ang boses.

“Tarantado ka pala eh, hindi mo ako naintindihan e!” sabay balikwas nya mula sa pagkahiga, pinakawalan ang titig na tila nanggagalaiti.

“Mas tarantado ka, ako itong kaibigan mo, inahas mo!” sagot ko naman sabay tayo.

At parang kidlat na bigla na lang dumagok sa pisngi ko ang isang napakalakas na suntok. Pakiwari ko ay mawalan na ako ng ulirat nung bigla nyang hinila ang isa kong kamay at pinilipit iyon sa likuran ko habang ang isang kamay ay ini-lock nya sa leeg ko. Hindi na ako nakapalag. “Inahas pala ha, kailan ako nang-ahas sa iyo! Ha? Sumagot ka!”

Ang mga ganung pagsambuno ay natural na sa amin, at dahil sa mas malakas, mas malaki ang katawan at maliksi, palagi akong nako-korner. Ngunit iba sa pagkakataong iyon. Ramdam ko ang galit at ang ibayong lupit na noon ko lang nakita sa kanya. “Bitiwan mo ako, Troy! Nasasakal ako...!”

“Sagutin mo ako! Kailan kita inahas!”

“Yung nangyari sa atin kanina, sex...!” ang sambit kong nag-aatubili ang utak kung idagdag pa ang katagang “sa kabila ng wala ka naman palang nararamdaman para sa akin!” Ngunit hindi ko na rin itinuloy pa iyon.

“Gago ka pala e. Di ba yan ang gusto mo?”

“Hindi!”

“Hindi?! Ngunit pumayag ka? Bakit ni-rape ba kita? Ha?!” At lalo nyang hinigpitan ang pag-ipit sa leeg ko. “Ngayon, sabihin mo nga kung mahal mo ako o hindi. Sabihin mo ang totoo! Mahal mo ba ako?!!”

“Arkkk! Nasasakal ako, Troy. Bitiwan mo ako!”

“Sagutin mo muna ang tanong ko!! Totoo ba yung sinabi mo na mahal mo ako?!”

Wala akong nagawa sa pag-corner nya sa akin. “Oo. Oo!” ang nasambit ko na lang. Bigla rin nya akong binitawan. Umupo ako sa isang sulok ng kwarto, hindi umiimik, pilit na tinimpi ang galit at hinanakit.

Animoy bigla namang naglaho ang galit sa mukha ni Troy. Lumapit sa akin na parang tupang nang-aamo, pinahid ang dugong tumagos sa labi ko dulot ng malakas nyang suntok. “Sorry tol. Kaw kasi... Hindi ko intensyon na sakatan ka, sorry na please...”

“Bakit kailangan mo akong pagbuhatan ng kamay?”

“Hindi ko sinadya. Akala ko niloloko mo lang ako. Sorry na tol. Please?” sabay yakap nya sa akin at tapik sa likod ko.

Tila gustong sumigaw ng isipan at itanong sa kanya kung mahal nya rin ba ako. Ngunit takot pa rin ang nag-udyok na baka sa isasagot nya ay masaktan lang akong lalo. Kaya hindi ko na itinuloy pa. Hindi na ako kumibo. Hinila nya ako papuntang kama at humiga ulit kaming magkatabi, naglalaro sa isipan ang pag-alis nya kinabukasan, ang pag-amin kong mahal ko sya, ang nagnyari sa amin, at ang dulot na sakit sa hindi pag-aming mahal din nya ako.

Ilang minuto din kaming walang imikan. Parehong nakatihaya, tila tulalang nakatingin sa kawalan, halos igigiit na ang kapwa katawan sa kanya-kanyang gilid ng kama upang hindi magdaiti ang aming mga balat. Pakiwari koy batong-bato ako sa namuong katahimikan.

Madaling araw na nung dala na rin siguro ng hindi na natiis ang sarili, tumagilid sya paharap sa akin, idinantay ang kaliwang paa sa mga binti ko at ang isang braso sa dibdib. “Cris, aalis na ako mamaya-maya lang...”

Pinakawalan ko ang napakalalim na buntong-hininga. “Wala namang pagbabago diba? Mag-best friend pa rin tayo...”

“Oo, promise. Ikaw, mai-promise mo rin ba?”

Sa narining na iyon sa kanya, tila gumuho ang pag-asang sabihin nyang mahal nya ako. “Oo promise din”

“Promise na ako lang talaga ang nag-iisang best friend sa puso mo?”

“Promise yan, tol.” sabi ko. “Mag-ingat ka dun sa Manila, ha. Baka malimutan mo nalang ako bigla, di ka na magtitiext o mag email sakin...”

“Hindi mangyayari yan. Ikaw lang ang nag-iisang best friend ko.”

Tahimik.

“Ano ang mararamdaman mo sa pag-alis ko bukas?”

“Tinatanong pa ba iyan?”

“Gusto ko lang makasiguro”

“E syempre, parang guguho ang mundo ko, parang mawawala ang lahat ng kulay sa paligid... hindi ko nga alam kong kakayanin ko e, baka magpakamatay na lang ako.”

“Talaga?”

“Talaga!”

“E di para palang black-and-white na lindol ang palabas sa sine! Tapos, nag-suicide yung nakaligtas na character sa lindol dahil hindi nya kaya ang gastos sa pagpapatayo ulit ng naguho nyang bahay?”

Tawanan.

Tahimik ulit.

“Ikaw, anong mararamdaman mo kapag magkahiwalay na tayo?”

“Kagaya ng nararamdaman mo... At kapag hindi ko nakayanan, tatalon na lang ako sa barko.”

“At lalangoy pabalik ng pier?” Ang excited na pag-follow-up ko, pag-anticipate na gagawin nya iyon para sa akin.

“Hindi.” sagot nya

“Bakit?”

“Hindi ako marunong lumangoy eh.”

Tawanan ulit.

“E, bakit ka tatalon ng barko?”

“E, baka hindi ko kayang mapalayo sa iyo... magpakamatay na lang ako.”

May dulot na kilig din para sa akin ang marinig sa kanya iyon. Tahimik ulit.

“Ang hirap pala kapag ikaw ang lalayo sa best friend mo?” pagbasag nya sa katahimikan.

“Mas mahirap kapag ikaw ang iniwanan ng best friend mo!” sagot ko naman habang tumagilid akong paharap sa kanya.

Hindi na sya sumagot. Hinaplos ng kamay nya ang pisngi ko habang nagtitigan ang aming mga mata. Pakiramdam koy lumulutang na naman ako sa mga ulap, lumakas ang pintig ng puso, at tila walang pagsidlan na kasayahan ang nadarama. Maya-maya, inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Muli, pinakawalan naming dalawa ang init ng aming mga pagnanasa. Sa oras na iyon, mas mapusok, mas nag-aalab, mas matagal...

Alas 10 ng umaga nung dumaong sa pier ang barkong sasakyan ni Troy papuntang Maynila. Als 9 palang, nandun na kaming dalawa sampu ng mga magulang niya. Maya-maya, pinaakyat na ang lahat ng mga pasaheros sa barko. Dahil pawang may mga tickets lang ang pweding umakyat, pinayuhan ko si Troy na sumakay na at aalis na rin ako.

“Mamaya na, mga kalahating oras pa naman yan bago umalis. Tsaka, isang bag ng damit lang naman itong dala ko, madali lang akong makaakyat. Mag-usap muna tayo” sabi ni Troy na kitang-kita sa mga mata ang ibayong lungkot at pilit ng ngiti.

“Aalis na lang ako, Troy, lalo lang akong nalulungkot, please. Text-text nalang tayo, ok?”

“Ayaw mo na ba talagang papigil?”

Umiling lang ako. Dama ko ang namumuong luha sa mga mata ko. “Bye Troy” ang sambit ko nalang sabay yakap sa kanya.

Yumakap din sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. “Bye Cris, ingat ka palagi, at pakabait ka dito, ha?”

“Kaw din, Troy... ma-miss kita. sobra!”

“Ma-miss din kita...”

“I love you” bulong kong pahabol bago ako kumalas sa pagyayakapan namin.

Parang wala lang syang narinig. Nginitian lang nya ako ng pilit habang kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata nya at ang mga namumuong luha sa gilid nun.

Binabaybay ko ang kahabaan ng pier na tuliro ang utak sa di maipaliwanag na sakit na naramdaman habang walang humpay naman ang pagtagos ng aking luha. Nung mapansin ko ang malaking krus ng simbahan, parang hinila ako ng mga sariling paa patungo dito.

Walang katao-tao ang loob ng simbahan. Napakatahimik, napaka-payapa, kabaligtaran ng aking naramdaman. Lumuhod ako sa harap ng poon at ibinuhos sa kanya ang lahat ng mga hinaing at sama ng loob.

“Lord, pasensya na po at heto na naman ako, nagdadrama. Ganyan naman talaga eh. Kasi, wala akong ibang masasabihan sa mga problema, lalo na problema sa puso kaya heto, sa iyo ulit ako lumalapit. Nung nagtatanong at na-mroblema ako tungkol sa pagkatao ko, sa iyo ako lumalapit. Nung ma-in-love ako sa best friend ko at parang mababaliw na, sa iyo ko rin naibuhos ang mga problema ko. Kahit papano po, nanjan kayo, naibubuhos ko sa inyo ang ano mang sakit na nandito sa loob. Pasensya nalang minsan, kasi hindi ko kayo nadadalaw...

Alam nyo po, nasabi ko na po kay Troy ang tunay kong naramdaman para sa kanya. Kaso, parang nagsisi na rin ako kung bakit sinabi ko pa. Wala namang kasing epekto eh, bagkus, bumaba pa yata ang pagtingin nya sa akin. Pero, ok lang iyon kasi, nasabi ko rin sa kanya sa wakas ang totoo. Tila nabawasan po ang bigat na dinadala ko dito sa loob. Kaso po, paalis na rin sya e... sa Maynila. Alam nyo po, kahit nagpromise sya na ako pa rin ang best friend nya at di nya ako kakalimutan, na-iinsecure din po ako na balang araw, malilimutan din nya ako at mahanap nya doon ang taong syang tunay nyang mahalin... masakit ngunit... a bahala na. Makita ko lang syang masaya, siguro masaya na rin ako. Tanggap ko na po iyon. Masakit na masakit man po, pero kaya ko yan. Kayo nga po, kinaya nyo jan sa pwesto nyo eh... dapat lang na ako rin. Ang importante, alam nya na mahal ko sya at alam nyang hindi ko sya ipagpalit kaninuman.

Kaya gusto ko pong hilingin sa inyo na gabayan nyo po sya sa biyahe nya, at sa pagtatrabaho sa Maynila. Unang beses palang po nyang pumunta dun, at wala pa po syang mga kaibigan. Sana ilayo nyo po sya sa mga kapahamakan, sa sakit, at disgrasya. Wala pong mag-aalaga sa kanya dun... Sige po, hindi na po ako magtatagal. A, oo nga pala, Lord, may pagka-late man ang wish ko na ito, pero baka sakali llang mapagbigyan. Sana, magsama pa kami ni Troy ng mas mahaba-haba pang panahon. yun lang po...”

Mga 1:00 na nung madating ko ang bahay namin. Dahil sa gusto kong mapag-isa, diretso kaagad ng kwarto, ni hindi ko na naisipang kumain ng pananghalian. Nung bubuksan ko na sana ang pinto, nagtaka ako kung bakit naka-lock. Sinubukan ko uling hawakan ang door knob upang buksan yon ngunit talagang naka-lock. Tatakbo na sana ako sa lagayan ng master key nung mapansin kung sadyang bumua ang pintuan. Sa pagtataka ko, dahan-dahan kong hinawakan ang door knob ulit at akmang papasok na sana nung biglang, “Surprise!”

Si Troy, at dala-dala pa nya ang bag niya na puno ng damit. “Bakit ka nandito? Di ba nakaalis na ang barko?” Sigaw kong di magkamayaw sa sobrang pagka-sorpresa.

“Oo. Nakita kita papuntang simbahan kaso, ayaw maka-estorbo sa mga panalangin mo kaya naisip ko i-sorpresa na lang kita.”

“E... panu yan, ang pag-aaral mo, ang pangarap mo, ang mga magulang mong nag-expect na dun kana mag-aral?”

“Andamin namang tanong nyan, isa-isa lang. Una, bakit ako nandito? Dahil hindi ako marunong lumangoy. Panu nalang kung hindi ko pala kayang mapalayo sa iyo at malayo na ang barko sa pier!”

“Nagbibiro ka naman eh”

“Hindi ah. Gusto mo ba talaga malaman ang pinaka-dahilan? ”

“Oo naman!”

“Dahil hindi kita matiis. Ayokong gumuho ang mundo mo at mawalan ng kulay ang bagay-bagay sa paligid mo. At higit sa lahat, ayaw kong darating ka sa puntong hindi mo makayanan ang lahat.” Tinitigan nya ako, parang nakikipag-usap ang kanyang mga mata. “Narealize ko, tol, Mahal na mahal kita! Di ba sabi ko na kung sino man yung una kong hahalikan, ay sya kong mamahalin? Ikaw yun.”

Namalayan ko na lang na tumulo ang luha sa sobrang galak. “Ngunit bakit ayaw mong sabihin sa akin na mahal mo ako?”

“Dahil paalis na ako, ata ayaw kong masaktan ka lang sa paglayo natin...”

Hindi ko na magawang magtanong ni magsalita pa. Ang alam ko, gustong-gusot ko syang yakapin. Mahigpit. Hanggang sa maglapat ang aming mga labi at muli na naman naming nilasap ang nag-aalab na mga damdamin.

Nung mahimasmasan na. “Panu na yang ticket mo?”

“Oo nga e? Ikaw kasi...”

“Bakit ako?”

“Nung sinabi mong mahal mo ako, kagabi lang iyon? Panu nalang ang nararamdaman ko? Sana tinanong mo noon pa...”

(Wakas)

Friday, June 18, 2010

Singsing

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
http://mn4menphilippnes.ning.com (Group: Kwentong Kanto Ni Kuya Mike)

Author's Note:

Ang Book Launching po sa "Idol Ko Si Sir" ay sa 19 June na at sana ay mag-attend kayo at ipakita ang inyon suporta. I will really appreciate it.

Gusto ko ring banggitin ang isang kaibigan at follower ng msob (a.k.a. Oliver) na naging biktima ng isang mapanglinglang na pag-ibig. Ang masaklap ay isang dayuhan pa ang ang nambiktima sa kanya. Ang buong akala ni Oliver ay wagas at tunay na pagmamahal ang ipadama sa kanya, at nag-iisa lang siya sa puso ng dayuhan. Ngunit nagkamali siya dahil marami pala sila... Sana sa kaibigan nating si Oliver ay magkaroon siya ng lakas upang labanan ang sakit na nadarama hanggang sa maghilom ang sugat ng kanyang puso.

Sa mga folowers ko, tila nag-peak na yata ang figure at paunti-unti nalang ang nadagdag. Sana ay may magpa-follwer pa... Maraming salamat sa inyo!

-Mikejuha-

-------------------------------------

Matagal ko nang pinangarap ang engagement rin na iyon. Hindi lang dahil sa maganda at mahal ito sa tag prize niyang halos kalahating milyon ngunit ang symbolism nito ay ang siyang mas pinakamahalaga para sa akin.

“Sana ay may isang taong magbigay sa akin nito…” ang sabi ko sa sarili noong unang makita ko iyon. Iyon bang eksenang luluhod ang taong mahal sa harap ko at habang shock-to-death ako sa di inaasahang pangyayari, lalabas naman sa bibig niya ang mga katagang, “Bryan… will you marry me?”

Nakakatawa sa kalagayan ko. Alam ko kasi na imposibleng mangyari ang ganoon sa buhayko. Bilang isang lalaking may tinatagong pusong babae, hindi pa kagwapuhan, sa edad kong 50 ay matanda na upang makahanap pa ng isang lalaking tunay na magmahal at nand’yan para sa akin hanggang sa kahuli-hulihang hibla ng aking hininga. Alam ko iyan dahil naka-limang boyfriend na rin ako noong ako’y nasa kabataan pa. Ngunit lahat sila, pianglaruan ang damdamin ko, pinaasa, at ang masaklap, niloko at nilayuan...

Kaya, hanggan sas pangarap ko na lang naaabot ang hangaring magkakaroon ng isang lalaking mag-aabot sa akin ng engagement ring. Sabagay, sabi nga nila libre naman ang mangarap. At dahil nga libre, lubos-lubosin ko na. Kaya sa bawat pagkakataon na mapadaanan ako sa jewelry shop na iyon, palagi kong hinihipo ang salamin nito at pagkatapos ay ilalagay ko sa dibdib ang kamay sabay bulong sa sariling, “Balang araw ay mapapasaakin ka rin...”

Iyan ang drama ko.

Anyway, may current “karelasyon” ako, si Kyle. In quotation marks ang salitang iyan dahil naiiba ang setup ng aming relasyon. Ito ay isang “relationship of convenience”, ika nga.

Si Kyle ay nasa edad 28 lang, halos kalahati na ng edad ko. May hitsura, may dimples, may mga mata at ngiting nakakabighani, matipuno ang katawan, matangkad, at bagamat moreno ngunit sobrang kinis naman ng balat. Star material. Marahil ay lahat na ng mga magagandang katangian na pinapangarap ng isang lalaki na magkaroon ay nasa kanya na. Isa siyang Adonis.

Subalit, kung gaano kaganda ang panlabas niyang anyo, kabaligtaran naman ang ugali at pagkatao. Easy-go-lucky at carefree, isip-bata, at higit sa lahat, walang pakialam sa nararamdaman ng iba. At dahil sa angking kakisigan, marami na rin itong babaeng pinaluha, mga baklang niloko, pinaasa, ngunit pinagpeperahan lang.

Ewan ko rin ba, ngunit tumagal ako sa kanya; tatlong taon. Marahil ito ay sa kadahilanang sa simula pa lamang, kinondisyon ko na ang sariling hindi kailangman maaaring mapasaakin siya. Kaya i-enjoy ko na lang ang bawat sandali na magkasama kami, na napapaligaya niya ako at ang namagitan sa amin ay purely transactional na relasyon lang. O sige, sabihin na natin – “gamitan”. Pinapaligaya niya ako, and in return, may makuha naman siyang kapalit na usually, ay pera. Walang explicit agreement na kami na nga o ni usapang pagmamahal. Nafulfill namin ang kanya-kanyang pangangailangan kumbaga; sexual ang sa akin at financial naman ang sa kanya. Katawan niya ang gusto ko, at pera ko naman ang gusto niya. Ganyan lang ka simple.

Kaya, pinilit kong maging kasing tigas ng bato ang aking puso upang huwag madala sa bugso ng damdamin; na huwag ma in-love.

Ngunit syempre, para sa isang baklang katulad ko, hindi maiwasang hindi ako tablan ng pagmamahal. Pumasok na iyong feeling pagseselos o sakit kapag may naririnig akong may girlfriend siya, o may ibang karelasyon. Alam ko, mga babae ang mga iyon, may mga matris, mga bata pa at magaganda. Wala akong laban. Pero, tiniis ko pa rin ang lahat, sinusuppress at sinasarili ang tindi ng naramdamang sakit dahil wala nga akong karapatan. Isiniksik ko na lang sa utak ko na swerte pa rin ako kahit papaano dahil sa pinatulan pa niya ako. Ilang beses at paulit-ulit na kaya niyang sinabi sa akin na ang pangarap niya ay ang magkaroon ng asawa’t anak na para bang ipinamumukha niya sa akin na hindi ako nararapat sa kanya. Syempre, kailangan ko pa bang i-memorize iyan?

Isang beses magkasama kaming napadaan sa jewelry shop na iyon kung saan naroon ang engagement ring at napansin niya ang ginawa kong ritwal. Pagkatapos kong tingnang maigi ang singsing, hinimas ang salamin, at inilagay sa dibdib ang kamay na siyang humimas sa salamin sabay bigkas nang palihim sa mga magic wish ko, napatanong siya sa akin bigla. “Ano iyon?”

“Eh.. Wala.” ang sagot ko na lang. Syempre, nakakahiya.

“Parang dinadasalan mo iyang…” napahinto siya, tiningnang maigi ang singsing “…engagement ring ba iyan?”

“Wala kang paki no!” bulyaw ko. Alam ko naman kasi na pagtatawanan lang niya ako.

At pinagtatawanan nga niya ako, kinukutya. “Ilusyonadang bakla!” sambit niya. Ganyan siya kung makapanlait.

Sa kabila ng lahat, dumidikit pa rin ako sa kanya. Kahit ilang beses na niya akong minumura kapag nag-aaway kami at sinasabihang, “Nakakadiri ka! Matandang huklubang bakla!” “Pangit!” “Unggoy!” “Amoy lupa!”. Minsan din ay pinagbubuhatan niya ako ng kamay. Ngunit nanatiling loyal pa rin ako sa kanya.

Maraming nagsasabing masyadong unfair sa side ko ang arrangement namin ni Kyle. Ngunit, bale-wala sa akin ang lahat ng sinasabi nila. Nagbulag-bulagan ako. Para sa akin, mas nangingibabaw pa rin ang ligayang naibibigay ni Kyle sa akin kaysa sakit ng panlalait niya sa pagkatao ko at pagbabalewala niya sa naramdaman ko.

Kapag lumapit siya sa akin at naghihingi ng pera, walang pagdadalawang-isip na ibibigay ko pa rin sa kanya ang gusto niya, gaano man kalaki basta kaya ko.

Minsan nakulong iyan nang dahil sa panaksak niya sa isang kainuman. Ako ang naghanap ng paraan upang makalabas siya sa kulungan at malusutan ang kaso.

Minsan din ay nadisgrasya siya sa isang motorsiklo at halos magkalasog-lasog na ang katawan. Ako ang nag-iisang sumuporta sa kanya, nag-alaga, umako sa lahat ng gastusin… Pati sariling dugo ay naiambag ko rin upang mareplenish ang dugong nawala sa katawan niya. At siguro nga, kung puwede pa lang sanang magpalit kami ng puwest at ako ang dadanas sa hirap niya, wala akong pagdadalawang-isip na magsubstitute sa puwesto niya. Mahal ko iyong tao e. Mahal na mahal. Kahit alam kong ako lang ang nagmahal…

Para sa akin, siya pa rin ang inspirasyon ng buhay ko, ang dahilan upang sumaya ako sa bawat paggising sa umaga at humarap sa mga pagsubok na may dalang pag-asa. Nag-ilusyon man ako, wala na akong pakialam. Ang alam ko lang ay na umiikot pa rin ang mundo ko, at kagaya ng iba, may saya din itong dala sa kabila ng lungkot.

Siguro ay nag-uumapaw na pagmamahal ang naramdaman ko kaya nawala na ako sa tamang pag-iisip at hindi ko na alam kung ano ang tama. Marahil din ay naibigay ko na sa kanya ang lahat nang pagmamahal kaya wala nang kahit na katiting pang natira para sa sarili ko. Pati mga naipon kong pera ay unti-unti na ring naubos.

Isang araw, nanghingi siya sa akin ng malaking halaga. Pupunta daw siya ng Canada upang doon magsimula at magbagong buhay.

Hindi ko lubos maisalarawan ang naramdaman. May dulot itong saya sapagkat sa wakas ay naisipan din niyang may mali sa buhay niya at balak niyang ituwid ito. Ngunit matinding sakit din ang dulot nito sa akin. Mistulang gumuho ang mundo ko dahil ang ibig sabihin noon ay mawala at mapalayo na siya sa akin. Pilit kong nilabanan ang sariling huwag umiyak at humagulgol sa pagkarinig sa sinabi niya. Ngunit hindi ko pa rin napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko.

Tumalikod akong bigla at pasikretong pinahid ang mga iyon. “Ah… M-mabuti kung ganoon” ang pilit kong pagsalita upang huwag mahalatang umiiyak ako. “M-magkaano ba ang kailangan mo?” Dugtong kong tanong.

“Isang milyon?”

Napakalaki man ng halagang iyon, pilit ko pa ring pinagbigyan siya. Ibinenta ko ang aking bahay upang maibigay sa kanya ang halagang binanggit niya. Naubos man ang lahat sa akin kapakanan pa rin niya ang binigyan ko ng halaga.

Nakapunta nga ng Canada si Kyle. Pakiwari ko ay tinadtad ang puso ko sa paglisan niyang iyon. Ngunit pilit na tinanggap ko pa rin ang lahat, isiniksik sa isip na sana kahit papaano, ang mga kabutihang ginawa ko para sa kanya ay maalala niya at magkaroon ng kahit kaunting puwang ang mga ito sa puso niya. Matinding sakit man ang dulot ng pag-alis niya, ipinagdarasal ko pa rin ang tagumpay niya sa kung ano mang panimula sa buhay ang gagawin niya; na matupad na ang pinapangarap niyang pamilya.

Isang araw noong mapadayo ako uli sa jewelry shop na iyon, laking gulat ko noong hindi ko na makita pa ang singsing na palagi kong dinadalaw. Ewan, parang biglang gumapang sa buong katauhan ko ang matinding lungkot at awa sa sarili at nanumbalik muli ang sakit na naramdaman sa paglisan ni Kyle. Dumaloy muli sa pisngi ko ang mga luha. Pakiramdam ko ay tuluyan nang natapos ang buhay ko, nawalan ng pagasa.

“What a coincidence!” Sigaw ko sa sarili. “Nawala na nga sa akin ang taong siyang nagbigay sa akin ng ligaya at lakas upang humarap sa bawat pagsubok, nawala din ang singsing na siyang nagpapalakas ng loob ko upang mangarap at umasa…” Nagpapahid ako ng luha habang umalis papalayo sa jewelry shop. Tila may pagsisisi din akong naramdaman. “Sana binili ko na lang ang singsing na iyon” bulong ko sa sarili. Ngunit huli na ang lahat. May nakabili na sa singsing at ubos na rin ang pera ko…

Kahit alam kong may nakabili na sa singsing, palagi pa rin akong bumabalik-balik sa shop na iyon, nagbakasakaling makikita ko uli ang singsing. Subalit, wala na talaga. Napag-alaman kong nag-iisa lang pala iyon kaya ganoon siya kamahal.

Dalawang taon ang lumipas, dalawang taon ding tinorture ang buhay ko. Walang text, walang tawag, walang kumunikasyon galling kay Kyle.

Isang araw, natanggap ko ang isang hindi inaasahang tawag. Si Kyle. “Bryan… gusto kong pumunta ka sa Canada” ang sabi niya.

“Bakit?” Tanong ko.

“Basta punta ka lang dito please… importante lang. May hingiin ako sa iyong isang pabor kapag nandito ka na!”

Nagtatalo ang isip ko sa gagawin. Isang parte ng utak ko ang umayaw dahil sa gusto ko nang tuldukan ang pakikipag ugnayan pa sa kanya. “Bakit… hanggang ngayon ba naman ay sa akin pa rin siya lalapit at aasa? Kapag nasa ruruk siya ng kaligayahan ay nalilimutan niya ako ngunit kapag nasa gitna naman ng kagipitan saka pa niya ako naiisip?”

Ngunit may isang parte din ng utak ko na sumisigaw na ipagpatuloy pa rin ang pagtulong sa kanya. At nanaig ang hangaring iyon, bagamat may malaking question mark sa utak ko kung paano ko pa siya matutulungan sa kabila nang wala na nga akong pera at sa ibayong dagat pa.

Nangutang ako upang makapunta lang ng Canada.

Sa airport sinundo ako ni Kyle. Noong makita ko siya, pansin ko kaagad ang malaking pagbabago sa anyo niya. Nawala na ang mga piercings niya sa tenga, sa kilay at sa dila. Ang buhok niya ay clean cut na, cleanshaven ang mukha bagamat nandoon pa rin ang kanyang angking kakisigan at nakakabighaning mga ngiti na sa tingin ko ay lalo pang tumingkad.

Sobrang kabog ng dibdib ko sa pagkakita sa kanya. Nakakabingi ang kalampag nito. Gusto ko siyang yakapin ngunit nagdadalawang-isip ako dahil sa baka mapahiya lang ako. Nginitian ko na lang siya sabay sabing, “K-kumusta?”

“Nagbagong-buhay na ako, Bryan… at sa palagay ko ay nagtagumpay ako.” Ang tugon niya sabay hawak sa aking kamay at pinisil-pisil ito nang marahan na para bang ipinahiwating niyang na-miss din niya ako.

Binitiwan ko lang ang isang pilit na ngiti, hindi na sinuklina pa ang pagpipisil niya sa lamay ko. Sumiksik kasi sa utak ko na may asawa na siya, may anak, na maaring nasa paligid lang at nakatingin sa amin. Pakiramdam ko ay may sibat na tumusok sa aking puso. “M-mabuti naman kung ganoon…” ang maiksi kong sagot.

Habang naglalakbay ang sasakyan patungo sa bahay niya, sumiksik bigla sa isip ko ang pakay niya sa pagpapapunta sa akin sa Canada. “Bakit mo pala ako pinapapunta dito?”

“Nakita ko na kasi ang taong siyang mamahalin ko at pakakasalan…” sagot niya.

Bigla akong napalingon sa kanya ang mga kilay ay nagdugtong sa kalituhan. “Akala ko ba ay mag asawa ka na?”

“Wala pa. Ngunit nahanap ko na siya…”

Hindi ako makapagsalita kaagad sa sinabi niyang nahanap na niya ang babaeng pakakasalan. Naging blangko ang utak ko. “Ah…” Ang naisagot ko na lang.

Tahimk.

“P-paano mo pala siya napili?” Ang lumabas sa bibig kong tanong bagamat wala sa isip ko ang ipagpatuloy pa ang pag-uusap namin upang huwag akong masaktan sa maaring marinig pa. Ngunit dahil ayaw kong maging obvious na nasaktan kaya iyon ang naitanong ko.

“Sa lahat kasi ng nakarelasyon ko, siya lang ang bukod tanging nakakaintindi sa akin, sa kabila ng kasamaan ko, mga pagkakamali ko… At kahit alam kong naghihirap ang kalooban niya sa akin, nasasaktan ko siya, hindi siya nagtatanong, hindi siya gumaganti o lumalaban o kaya’y itakwil ako, nanatili pa rin siyang tapat at nand’yan para sa akin…”

“G-ganoon ba?” Ang sagot ko.

Binitiwan lang niya ang isang ngiti. At ewan ko ba, pakiramdam ko ay nang-iingit ang ngiting iyon.

Napayuklo na lang ako. PIlit na nilabanan ang sakit na naramdaman.

Tahimik.

“N-napaka-swerte naman niya.” Ang mahina kong tugon. Syempre, sa loob-loob ko, may matinding inggit akong naramdaman para sa babae niya. Nagbago na nga si Kyle at hayun pakakasalan pa siya nito. At nakikinita ko na isa siyang napakagandang babae. Dati kasi, sa mga magagandang babae lang pumapatol si Kyle. Kapag walang dating ang babaeng aali-aligid sa kanya, iniinsultoniya ito at minumura kapag nangungulit pa.

“Oo maswerte siya. At ako rin ay napakaswerte sa kanya…” sagot ni Kyle.

“Oo nga pala, a-ano naman ang gusto mong tulong na gagawin ko para sa iyo? May kinalaman ba ito sa girlfriend mo?”

“Oo… at mamaya kaagad, sasabihin ko…” ang maiksing tugon niya.

Iyon lang ang sagot niya. At tahimik uli, ramdam ko sa sarili ang sobrang pagkahabag. Iyon bang, pagkataps ng lahat na ginawa kong sakripisyo para sa kanya, ay sa bandang huli, sa iba din ang bagsak niya at hayun, hanggang sa pagpapakasal ay ako pa rin ang magsasakripisyo.

Ngunit mahal na mahal ko nga iyong tao kaya tiniis ko pa rin ang lahat… Kahit na sa pagkakataong iyon ay tila ikakamatay ko ang sakit na bumabalot sa pagkatao ko.

Hindi ko na ipinahalata ang sobrang bigat ng damdamin sa naging takbo ng pag-iisip ko. Hindi ko na rin namalayan ang mga luhang pumatak sa aking mga mata. Pinahid ko ang mga ito nang patago.

Dumating kami sa apartment ni Kyle. Noong binuksan niya ang pinto, hindi ko inaasahang may marami pala siyang bisita. Mga kaibigang Pinoy, maga kasama sa trabahong Canadians at ibang lahi… nag-iinuman, kwentuhan, tawanan. “Ah… baka may okasyon lang, o baka anniversary nila ng girlfriend niya o baka birthday….” sabi ko sa sarili.

“Friends, let me introduce to you, Mr. Bryan Del Mar” ang bungad niya sa mga bisita.

“Welcome Bryan!” ang sigaw naman nila habang isa-isa silang lumapit sa akin upang makipagkamay.

Syempre, naki-join na lang ako kahit hindi ko alam kung ano ang mayroon at kahit pagod na pagod pa ako sa biyahe.

Noong hindi na ako nakatiis, tinanong ko na si Kyle, “Ano ba talaga ang gagawin ko dito?”

Tiningnan niya ang relo niya sabay sabi sa akin, “Pumagitna ka.” At pumalakpak siya sa mga kasamahan hudyat para kunin ang kanilang atensiyon.

Habang nalilitong pumagitna ako, nagsitabihan naman ang mga kaibigan niya, pinapaikutan kami.

Maya-maya, may napansin akong isang glass box sa kisame, kasing laki ng sa sapatos at may lubid na nakatali dito. Unti-unting ibinaba ito at noong nasa harapan ko na, halos mawalan ako ng ulirat sa aking nakita. Ang singsing na siyang pinapangarap ko!

Lumapit si Kyle at binuksan ang box, kinuha ang singsing at ipinakita sa akin. “Ito ba ang hinahanap mo?” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.

Hindi agad ako nakasagot. Pakiramdam ko ay nabilaukan ako. At bago ko pa naibuka ang bibig ko upang sumagot, nakita ko na lang siyang lumuhod sa harap ko sabay sabing, “Bryan, you know I have never told you this before but I will tell this to you now – I love you. I really do… Will you marry me?” hawak-hawak ang singsing na iniabot sa akin.

Tulala, at hindi lubos maisalarawan ang matinding kaligayahang nadarama. Pakiwari koy sumikip ang aking dibdib at hindi makahinga sa sobrang pagkalampag ng aking puso, din a namalayan ang mga luhang dumaloy sa aking mga pisngi. Syempre, ano pa ba ang isasagot ko. “Yes, Kyle! Yes…!”

Nakakabingi ang palakpakan habang isinuot ni Kyle ang singsing sa aking daliri…

Iyan ang kuwento ng aming pag-ibig ni Kyle. Ngayon, nandito na kami nanirahan sa Canada at nagsama bilang mag-asawa. Tinupad ni Kyle ang pangako niyang magbago.

Alam ko, marami pang pagsubok ang haharapin ko at sa aming pagsasama. Ngunit kung nakayanan kong tiisin at malampasan lahat ang sakit at sakripisyo nang dahil sa pag-ibig ko kay Kyle, walang ano mang dahilan pa kung bakit hindi ko kakayanin ang kung ano pa mang mga pagsubok ang darating sa buhay namin.

(Wakas)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails