Followers

Wednesday, May 19, 2010

Si Rodel At Ang Aking Pangarap [1 & 2]

By Mikejuha
getmybox@hotmail.com

Author's Note:

Waaaaahhhhhhhhhhhhhh! 103 na ang followers ko!!! Grabe, naabot ko rin ang target ko in less than a month! Wooohhhhoooooooooooooooooooooohhhhhhh!

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Natutuwa po ako everytime na binubuksan ko ito at may nadagdag sa mga followers. Yeheyyyy! Naabot ko rin ang target kong 100 sa buwan na ito. At lampas pa... hindi pa man natapos ang buwan ng Mayo.

Kaya habang wala pa akong naidugtong sa "Ang Kuya Kong CNB..." I-post ko muna ang kuwentong nagawa ko na itinago ko sa aking baul. Matagal-tagal na itong natapos, siguro may 5 - 6 months ago na (yata?). Hindi ko ito pinost dito dahil nga sa mga panahon na iyon, wala naman akong followers sa blogspot na ito dito kaya doon ko ito pinost sa isang site... (may nag-submit din nito sa isa pang site na walang consent galing sa akin)

Habang nasa bakasyon mode pa ako, kahit papaano, may mababasa pa rin kayo.

Ingat at happy reading mga kabaro...

TC!

-mikejuha-

-------------------------------------------

Si Rodel At Ang Aking Pangarap [1]

Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Derick, nasa middle age at nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya dito sa Makati. Aaminin ko, may pusong babae ako. Kahit hindi mo makikita sa panlabas kong anyo, sa kilos, at sa pananalita na bakla ako, sa lalaki pa rin ako umiibig. Kung experience sa seryosong pakikipagrelasyon ang pag-uusapan, naka-tatlo na rin ako, na ang average na duration ay limang taon. Ganyan ako ka seryoso sa pag-ibig. Kumbaga, todo-bigay kapag nagmahal, at kung maaari, walang monkey business. Kaso, sadya yatang hindi panghabambuhay ang ganitong klaseng relasyon. Magmahal ka man nang todo, ibigay mo man ang lahat nang makakaya mo, maging honest at seryoso ka man sa kanila, mawawala at mawawala pa rin sila sa iyo, iiwanan kang luhaan at nag-iisa.

“Hanggang kalian tayo ganito?” ang palagi kong tinatanong sa mga karelasyon ko.

“Habang buhay, syempre” sagot naman nila.

“Kung may asawa ka na ba, makikpagkita ka pa rin sa akin, bibisitahin mo pa rin ako sa bahay, bibigyan mo pa rin ako ng panahon?”

“Pangako yan, Derick... Di ako magbabago”

Iyan ang palagi kong naririnig sa kanila. At, umasa naman ako.

Ngunit noong dumating ang panahon na nakita na nila ang mga taong itinadhana sa kanila, bigla na lang din silang naglaho. Ni di ko nga alam kung saan na sila.

Masakit dahil syempre, isa lang ang buhay at kahit ganito ako, isang bakla, nangangarap din naman akong maramdaman ang naramdaman ng marami. Iyon bang may tunay na nagmahal, may katuwang hanggang sa pagtanda, hanggang sa uugod-ugod na ako.

Ngunit dahil nga sa karanasan ko, tanggap ko na, na sadyang sa ganitong relasyon, panandalian lamang ang lahat. At ang lalaki ay para lamang sa mga babae. Mangarap din itong magkaroon ng pamilya, ng mga anak... Alam ko na iyan. Hindi na kailangang i-memorize pa.

Kaya noong dumating si Rodel sa buhay ko, hindi ko na sineryoso pa ang lahat. I mean, hindi na ako nag-e-expect pa na panghabambuhay ang relasyon namin. Iniisip ko na lang na sooner or later ay aalis din siya, hahanapin ang mundo niya, ang mga pangarap niya – na hindi ako kasali; Kagaya din siya noong ibang mga nakarelasyon kong nauna. At... babalik na naman ako sa pag-iisa.

Well, isiniksik ko na lang sa isip na kahit papaano, may consolation pa rin ako, na dapat ko pa ring ikatuwa na binigyan ako ng pagkakataong makasama siya kahit sa maikling panahon. Sabi nga nila, “It’s better to have loved and lost than not to have loved at all.”

Iyan ang paniniwala ko.

Si Rodel pala ay 24 years old lang at laking probinsya, sa Samar. Nagkita kami sa isang gay bar noong nagyaya ang mga barkada ko doon. Isa siyang waiter. In fairness, matangkad siya, na nasa 5’10 o 5’11 ang taas, matipuno at bilog ang katawan, moreno at makinis ang kutis, matungis ang ilong, mahaba at medyo kulot ang buhok, at magandang magdala ng damit. Ngunit ang higit na nakakabighani sa kanya ay ang mga dimples nya na kapag ngumiti ay nakakapawi ng problema. Ngiti pa lang, heaven ka na kumbaga. Akala ko nga, macho dancer ang mokong dahil kung ako ang huhusga, talbog lahat silang nagsasayawan sa stage sa porma ni Rodel.

Noong una kong punta sa bar na iyon ay hanggang tingin lang ako sa kanya. Ngunit sa pangalawang punta ko, doon na nagsimula ang aming kwento, biyernes ng gabi iyon. Nalasing ako sa bar nila mismo at hindi na halos makalakad. Nakisuyo ako sa kanya na kung pwede ay ihatid niya ako sa apartment ko. Tuwang-tuwa naman ako dahil pumayag siya, hintayin ko lang daw ang pag-off niya sa work.

Sa pagkakataon pa lang na iyon ay impressed na kaagad ako sa kanya dahil sa pag-alalay niya sa akin hanggang sa loob ng kuwarto ko. Kumbaga, hindi niya ako iniwanan hanggang makita niyang nakapuwesto na ako sa kama at ok na ang lahat. Nasabi ko tuloy sa sarili, “Shiit! Knight in shining armour ang dating ng loko!”

Noong nagpaalam na uuwi na, nag-offer akong doon na lang siya matulog at naawa akong baka kung mapaano pa siya sa labas at may extra bed din naman ako. Nagdalawang-isip man ay pumayag na rin siya sa kakukulit ko.

Mag-aalas dose na ng tanghali noong magising siya. Syempre, nakahanda na ang pagkain at wala na naman siyang nagawa noong hinikayat ko siyang kumain muna bago umalis. Sa kwentuhan namin ko nalaman na galing pala siya ng Samar at napadayo sa Manila dahil sa may hinahanap siya. Hindi ko na masyadong binigyang pansin ang sinabi niyang hinahanap. Lahat naman kasi na galing sa probinsya ay ang hanap sa Maynila, ay swerte.

Sa kwentuhan na rin naming iyon ko nalaman ang hirap na dinanas niya sa trabaho noong tinanong ko siya kung bakit hindi siya nagma-macho dancer.

“Sa totoo lang, ayaw ko rin naman, kahit sabi nilang mas malaki ang kikitain ko. Parang hindi ko kayang magladlad ng katawan ko. Lalo na kapag ibebenta ito. At ito namang manager naming bakla ay ayaw din. Pinag-iinitan ako, at lahat ng galaw ko ay pinapakialaman, pinapansin. Lahat ng mga babaeng lumalapit sa akin na kasama ko sa trabaho ay tinatanggal niya, at nasasakal na ako sa trato niya sa akin.” Kwento niyang ang tono ay may halong waray.

“Ang guwapo mo kasi...” sabi ko sa kanya.

Hindi sya nakasagot. Binitiwan lang ang isang ngiting-hiya.

Heaven naman ako noong masilayan ang ngiti niyang iyon. “E... bakit nga pala, ano mo ba ang manager na iyan?” tanong ko.

“Iyan nga ang hindi ko maintindihan sa kanya eh.” Sabi niyang napailing-iling. “Oo, siya ang pumili sa akin sa trabaho, at alam ko, may gusto siya sa akin. Pero wala naman kaming relasyon o ano. At ayaw ko din.” Pagmamaktol niya.

“Kaya pala... nagseselos lang iyon.” sabi ko. “Bakit pala, ayaw mo bang makipagrelasyon sa isang bakla?”

“Sa totoo lang? Ayoko...” Ang diretsahang sagot nyia, nakatingin sa akin na tila ipinahiwatig na huwag na akong kahit mag-isip man lang kung sakaling may balak ako. Ngunit napansin ko ring may lungkot ang mga mata niya. Ewan ko. Hindi ko alam kung ano iyon...

Tila mabilaukan naman ako noong marinig ang sagot niyang iyon. “B-bakit? Anong masama doon? Eh... sensya na kung makulit ako ha?” pagdepensa ko sa tanong ko.

“Wala naman akong nakitang masama kapag ang isang lalaki ay nakikipagrelasyon sa isang bakla. Kanya-kanya iyan eh. Hindi nawawala ang respeto ko sa kanila. I mean, iyong tunay at wagas na nagmamahalan ha. Pero sa akin lang kasi, bakit pa ako makikipagrelasyon sa isang bakla kung isang babae ang gusto ko? At bakit ko pa pahirapan ang damdamin ng baklang magmahal sa akin? Atsaka, ang pagmamahal kasi ay kusang sisibol iyan eh, na di sinasadya, hindi pinipilit... At karamihan sa mga bakla, hindi faithful. Kahit kanino, pumapatol.”

“Araykopo!” Sigaw ko sa sarili na pakiwari ay inumpog ang ulo sa semento. “Hindi naman siguro lahat ng bakla ay ganyan! Sobra ka naman.” Pag depensa ko.

“Karamihan, Derick. Karamihan. At wala pa akong nakitang baklang hindi naglalandi kahit may boyfriend sila.”

“OK, fine...” Sabi ko na lang sa sarili ko. “E, di ibig sabihin nyan ay walang chance na iibig ka sa isang bakla?”

“Hindi ko rin masabi. Pero siguro, kapag nangyari iyan, ay may malaking dahilan kung bakit ko gagawin.”

“Anyway, ano ang plano mo ngayon d’yan sa work mo kung ganyan ang manager mo sa iyo?”

“Aalis na ako doon, Derick. Di ko na kaya. Marami na ding nagalit sa akin doon, mga kapwa ka-trabaho dahil napaalis iyong ibang mga babae nang dahil sa akin. Atsaka, inggit na din siguro...”

“Ha? At saan ka naman pupunta?” ang pagkabigla ko.

“Maghanap na lang uli ng ibang trabaho. Kung wala akong mahanap at ubos na ang pera ko, babalik na lang ng probinsya...”

“E... kung ganoon, dito ka nalang muna sa akin habang naghahanap ka ng trabaho. At kung hindi ka pa makahanap ng trabaho at may job opening na sa kumpanya ko, irecommend kong ipasok ka doon.” Ang nasambit ko. Ewan ko din kung bakit ambilis kong nagtiwala sa kanya na patirahin sa bahay ko.

Hindi nakakibo si Rodel. Nag-isip.

“Sige na. Huwag kang mahiya. Wala din naman akong kasama dito.”

“E... paano kita babayaran?”

“E, di... pwede kang maglinis-linis dito, maglaba, magluto, etc. Kung ayaw mo namang gumawa noon, pwede na ang katawan mo, pagtyagaan ko na lang iyan.”

“Hahahahaha!” Ang malutong niyang halakhak. “Palabiro ka pala” dugtong niya.

“Aba, hindi ako nagbibiro ah! Totoo iyan!” sagot ko. “Kaya dapat lang na magpaalipin ka sa akin dito upang di katawan mo ang masingil ko.”

Lalong lumakas pa ang halakhak niya.

At iyon, nagsama nga kami ni Rodel habang naghahanap pa siya ng bagong trabaho. At dito na umiikot ang kuwento namin...

(Itutuloy)

-----------------------------------------------

Si Rodel At Ang Aking Pangarap [2]

At iyon nga, nagresign kaagad kinabukasan si Rodel at nagsama kami sa apartment ko. Sagot ko ang lahat ng gastos sa bahay – ilaw, kuryente, tubig, pagkain at binibigyan-bigyan ko din sya ng kaunting pantawid gastos sa pag-aaply niya. At ok lang sa akin iyon dahil kaya naman ng budget ko.

At oo nga pala, bago tinanggap ni Rodel ang alok ko’ng doon na tumira sa apartment ko, may seryosong kasunduan kami, at ipninangako ko sa kanya ito: walang string attached ang pagtulong ko, at wala itong bahid seksuwal o malisyosong motibo. At upang maniwala sya na seryoso ako sa sinabi, isinulat ko ang pangako kong iyon sa isang papel, pinirmahan, at iniabot iyon sa kanya.

"Promise na hindi mo sirain ang pangako mong iyan?" tanong niya hinayaan lang ang papel sa kamay ko.

"Promise, cross my heart..." sagot ko naman, pag-prove sa kanya na tapat ako sa sinabi ko at iminuestra ko pa ng pa-ikes ang isang kamay ko sa dibdib.

Pagkatapos kong masabi iyon, saka pa niya tinanggap ang papel at binitiwan ang isang nakakabighaning ngiti. Syempre, heaven na naman ako. Damang-dama ko ang matinding kaligayahan niya.

In fairness, napakasipag ni Rodel sa trabahong bahay. Simula noong doon na siya tumira sa akin, napakalinis at orderly ang lahat ng mga gamit ko. Pati kubeta pinakintab. Wala akong makikitang tambak na labahan sa paguwi ko galing trabaho dahil lahat nilalabhan niya na kaagad. Kahit ang pagluluto at pamamalengke ay siya na din ang gumawa. Pakiwari ko ay wala na akong mahihiling pa sa samahan namin, I mean except sa isang bagay – na sana siya na ang taong magmahal sa akin at maging katuwang ko sa habambuhay.

Ngunit sa bawat pagkakataon na pumasok sa isip ko ang ganoon, pilit ko ding inaalis ito. Ang sasabihin kaagad ng isang parte ng utak ko ay, “Hayyy Derick! Nag-iilusyon ka na naman! Hindi ka pa ba natuto? Magkasya ka na lang sa panakaw na tingin sa kanya, palihim na paghanga, at sa pag-aamoy-amoy ng mga labahing underwear niya! Bawal ang ma-inlove. Ang landi-landi nito, hindi naman kahabaan ang hair mo noh!” Tapos, magtatawa na lang akong mag-isa na parang nasiraan na ng bait.

Sa samahan naming iyon ni Rodel ay mas lalong lumalim pa ang mga nalalaman ko tungkol sa kanya. At ang isa sa mga iyon ay ang pagka-aloof niya sa tao. Confident sya sa sarili, oo. At kapag nakita mo siyang naglalakad halimbawa, wala kang makitang kakaiba – masayahin, palabiro. Ngunit kapag napansin naman niya na ang isang tao ay may gusto sa kanya, ma-babae man o ma-bakla, ay tila natataranta ito. Sa porma at hitsura kasi ni Rodel ay walang taong hindi hahanga sa kanyang angking tangkad, ganda ng postura, at kakisigan.

May isang beses nga, namalengke kami at hinintay ko lang siya sa kotse dahil may binli pa siya sa isang shop. Maya-may, heto na, nagmamadaling pumasok sa kotse at noong makapasok na, mabilisan ding isinara ang pinto. Yun pala ay may sumunod na babae. At dahil sa hindi pinansin ni Rodel ang babae, sa akin nito ibinaling ang kanyang pagkaasar. “Jowa mo ba yan?” sabay turo kay Rodel na nasa tabi ko.

Parang gusto kong sapakin ang mukha ng babeng iyon noong marinig ang sarcastic niyang tanong. “A, E... pamangkin. Bakit?” Ang pagdepensa kong may katarayan din.

“Ganoon ba? Suplado naman niyan! Kala mo kung sinong guwapo, bakla naman yata!” ang mataray din niyang sagot sabay talikod.

Napailing-iling na lang ako at tiningnan si Rodel na napakamot naman ng ulo, nahihiyang tiningnan ako. Natawa na lang ako. Pero sa loob-loob ko, syempre, naging palaisipan din sa akin ang nasaksihan kong iyon.

Kahit sa mga barkada ko, lahat sila ay crush si Rodel. Ngunit si Rodel lang ang umiiwas. Hindi naman iyong supladong turing; iyong dumidestansya lang, pinapahalatang hindi siya pwede. Niloloko nga nila ako. “Derick, grabe naman yang ka-live in mo, super-loyal sa iyo! Ang haba-haba ng hair mo, punyeta ka!” biro nila.

“Hoy! Hindi ko boyfriend yan ah! At wag nga kayong ganyan! Nakakahiya doon sa tao. Tinulungan ko lang iyan, walang bahid malisya!”

“Asowwwwwssss! Pakipot pa to!” sabay taas ng kilay at irap. Ayaw talaga nilang maniwala na wala kaming kaugnayan ni Rodel.

Isang Byernes iyon noong maisipan naming mag-inuman, kaming dalawa lang sa terrace ng apartment ko. Bonding session kumbaga. Actually, sinadya ko rin iyon upang maisawalat ko sa kanya ang mga saloobin. Sa dalawang buwan kasi naming pagsasama, feeling ko, sobrang close na namin, at si Rodel ang taong pwede akong mag-open up.

Naka-walong bote na ako at si Rodel naman ay naka-sampu na yata, di ko na mabilang. Lasing na ako at sa tingin ko ay ganoon na rin si Rodel.

“Alam mo, Rodel... parang pagod na ako sa buhay.” Ang malungkot kong pagbulalas. “Di naman lingid sa kaalaman mo na bakla ako, diba?”

Hindi umimik si Rodel, seryosong nakatingin lang sa akin ang mapupungay na mga mata habang iniinum ang beer.

“P-para kasing nawalan na ako ng pag-asa pa na makahanap ng isang taong magmamahal sa akin, eh. Iyon bang handang ibigay ang sarili niya sa akin, dadamay sa mga problema ko, at handang makasama ako habambuhay. Oo, may pera ako, ngunit hindi naman nito nabibili ang tunay na kaligayahan, eh. Parang nakakasawa na ba. Ganito nalang ba ang buhay ko? Paulit-ulit na nasasaktan, niloloko, iniiwanan, pinaglalaruan...” ang sabi ko habang tumutulo ang luha, ang mga mata ay ibinaling sa malayo.

Tahimik lang si Rodel, nakikinig habang patuloy pa rin siya sa pag-inum.

“Alam mo, Rodel, simula pa noong ma-realize ko na isa akong bakla, palagi na lang akong umiiyak. Syempre, hindi ko matanggap-tanggap. Tinatago-tago ko ito sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko, sa mga kaibigan ko... Walang nakaaalam sa tunay kong pagkatao. Habang nag-uumpukan kaming mga lalaking magkabarkada noong high school at college, ang mainit na pinag-uusapan namin palagi ay mga babae. Nakikisali ako sa usapan, nagpapanggap na ayan, gusto ko rin ang ganitong babae, sexy, malaki ang boobs, maganda ang katawan... ngunit sa loob-loob ko, puro kasinungalingan ang mga sinasabi ko, pagkukunwari. Tiniis kong itago ang lahat. Noong ma-inlove ako, sa best friend ko pa naman, kapag nagsama kami nyan, nagtatawanan kami, ang saya-saya namin. Ngunit wala siyang kaalam-alam na may pagnanasa pala ako sa kanya. Nakakatawa. Ngunit kapag nasa kwarto na ako at nag-iisa, umiiyak ako... nagtatanong kung bakit ako kakaiba, kung bakit kailangan kong magdusa nang ganoon. Noong second year college na, bumigay na rin ako. Actually, ang unang bumigay ay ang kaibigan ko. Nag-inuman kami at nakatulog ako sa kwarto niya. May nangyari sa amin at simula noon, ginawa na namin palagi iyon – nang patago pa rin. Naging kami, at tumagal nang anim na taon ang patagong relasyon naming iyon. Noong mag-asawa siya, nag-isa na naman ako. Nakahanap din naman ako ng bago, ilang buwan lang ang nakaraan. At tumagal kami nang may apat na taon. Ngunit muli, nawala siya. Nakahanap uli ako at tumagal uli nang limang taon. At muli, nawala na naman siya na parang bula... Ansakit. Grabe! Iyon lang pagpapanggap, masakit na eh. Parang may sasabog sa dibdib mo. Tapus, iyong mga panlalait, panghusga, pang-discriminate ng mga tao sa mga kagaya namin. At ang mas lalong masakit ay iyong paglaruan ka lang, na para bang hindi ako tao na marunong ding masaktan at magmahal...”

Nanatili pa ring walang imik si Rodel. Noong nilingon ko siya, nakatutok ang mga mata niya sa kabilang direksyon. Kahit nakatalikod ang ulo niya, napansin kong tila nagpapahid siya ng luha sa pisngi niya. Syempre, nagulat ako.

“Hey... anong nangyari?” Tanong ko habang hinawakan ko ang kanyang balikat.

“Wala... may naalala lang ako” ang sagot niya habang patuloy ang pagpahid ng isang kamay sa pisngi niya.

Dahil sa napansin ko, naramdaman kong mayroon siyang malalim na itinatagong sama ng loob. “Kwento ka naman, o...” pangungulit ko.

Tahimik. Ngunit maya-maa, nagsimula din siyang magsalita, “Pagmamahal ng magulang, tiwala sa sarili at sa mga tao... at takot para sa kinabukasan. Iyan ang prblema ko. Wala akong mga magulang eh. Nabuntis ang nanay noong magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong. Noong ipinanganak ako, namatay naman siya. Tita ko na ang nag-alaga sa akin. Ngunit palaging mainit sa akin ang asawa niya dahil malas daw ako sa buhay. Palagi silang nag-aaway dahil sa akin, sigawan, binubugbog ang tita ko. Noong labing-anim na taon na ako at di na matiis ang lahat, at dahil a rin sa awa ko sa tita ko, lumayas ako. Inampon naman ako ng isang mayamang bakla; pinakain, binihisan, pinapag-aral ng college. Nagmukhang tao ako. At ang kapalit naman nito ay ang pagkalalaki ko. Noong una ay ok lang sa akin. Palibhasa, nasisinag sa luho at rangya. Ngunit noong natuto akong umibig sa isang babae, doon na nagsimula ang pagkaletse-letse ng buhay ko. Nalaman ito ng bakla at sa tindi ng galit niya sa akin, ikinulong nya ako sa isang kwarto, itinali. Ang masaklap, ibenenta pa niya ang katawan ko sa mga kaibigan niyang mga bakla din... Sobrang pagbaboy nila sa akin. Hindi ko masikmura. Parang ayaw ko nang mabuhay sa mga sandaling iyon. Noong makatakas ako, napag-alaman ko naman na itinakwil ako ng girlfriend ko. Siniraan ako ng bakla sa kanya at sa mga tao. May mga ipinakalat pang mga ritrato sa halinhinang pag-abuso ng mga kaibigan niyang bakla sa akin noong ikinulong pa nila ako. Nagpakalayo-layo ako, sa isang lungsod at doon naghanap ng trabaho. Nakapagtrabaho naman ako bilang isang waiter. Ngunit sadya yatang malas ako sa buhay. May mga babaeng nagkagusto sa akin sa trabaho, nag-iiringan sila, nag-aaway. Ngunit ang babaeng nakapagpalayas sa akin sa trabahong iyon ay ang kasintahan ng anak ng may-ari ng bar. Ipinabugbog niya ako, at binalaang patayinka pag hindi umalis sa lugar na iyon. Kaya, heto napunta ako ng Maynila. Iyan ang dahilan kung bakit takot ako sa iyo... galit ako sa mga bakla, at takot akong may magkagusto sa akin. Ayokong magkaletse-letse uli ang buhay ko.” At tuluyan na siyang humagulgol.

Ako naman ang natameme sa narinig na kwento niya. Parang biglang nalimutan ko lahat ang mga problema ko at matinding awa sa kanya ang pumalit. Niyakap ko siya. Hinayaan naman niya akong gawin iyon sa kanya.

Nagpatuloy siya, “Noong sinabi kong uuwi na lang ako sa probinsya kapag hindi makahanap ng trabaho, nagsinungaling ako sa iyo, dahil ang totoo, hindi ko alam kung saan ako uuwi. Wala akong uuwian Derick... wala. Natakot man ako na baka maulit ang takbo ng pagkaletse-letse ng buhay ko sa iyo, wala akong magawa...”

Hindi ko malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon. Ang tanging alam ko ay niyakap ko siya, hinihimas-himas ang likod, ang ulo, ang buhok, habang tila walang humpay naman ang kanyang pag-iiyak sa mga bisig ko.

Ewan ko din ba, ngunit habang hinihimas-himas ko ang ulo at ang buhok niya, hindi ko naman mapigilan ang sariling idampi-dampi ang mga labi ko sa leeg niya, at sa mukha. Hanggang ang mga ito ko ay tuluyan nang lumapat na sa mga labi niya...

(Itutuloy)

4 comments:

  1. nabasa q n ito ....kuya ung karugtong ng kuya ang crush ng bayan T_T///..

    ReplyDelete
  2. hnd q p pla nabasa ang lhat...hangang 4 lng nabasa q akla q tapos n un...bkt pla nakaprivate ung part 8-13..gs2 q mabasa un T_T...
    sana alisin mo n ung private T_T//..

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaahh exciting ang susunod na part...

    ang saklap pala ng past ni roel..hmmmmm

    sana masundan na agad ang story na ito

    ReplyDelete
  4. maganda ang kuwento na ito. Heavy drama!!!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails